Chapter 11

Till My Heartaches...END!

 

“Kimmy iha, mag-ingat ka ha. Pag may problema ka dun eh isang tawag lang kami dito.” Paalam sa akin ni Tita Baby.

“Mama naman, parang sa Canada naman ang punta ni insan. Lilipat lang naman siya eh.” Sabat ni Maja. Habang tumutulong sa akin nag-aayos nga mga gamit ko. Konti lang naman ang aayusin kasi hindi ko pa nailabas ang ibang gamit ko sa mga boxes.

“Thank you po Tita. Don’t worry po bibisita naman ako dito palagi.” Sagot ko kay Tita Baby.

“Asahan ko yan ah, kung hindi man kami na lang ang bibisita sa iyo doon. Alam ko din na busy ka sa trabaho mo.”

‘Sure po, anytime pwede kayo pumunta doon.”

“Ah mama, pwede po bang mag overnight ako ngayon kay insan? Siyempre tutulungan ko siya  mag-ayos sa bagong condo niya.”

“Oh siya sige. Magpapasama na lang ako dito kay Manang Henya.”

“Yes!” Sabay kiss ni Maja sa mama niya. Natawa na lang ako.

Pagkatapos naming mag-ayos ng mga gamit ko ay tinext ko na si Rayver para sunduin kami. Ang kulit din nun eh, nagpipilit kasi na ipapasundo niya daw kami.

After 30 minutes ay narinig namin na may bumubusina sa labas ng bahay. Baka yun na ang sundo namin. Lumabas si Maja para tignan ito, at yun na nga. Nagulat pa siya dahil isang malaking truck talaga ang pinadala ni Rayver yung talagang naglilipat ng buong gamit.

Isa-isa nang binuhat nung lalaki ang mga gamit ko, natawa nga kami dahil puro boxes lang naman yun. Wala pa naman akong appliances, kailangan ko pang bumili.

Nagpaalam na ako kay Tita Baby, niyakap niya ako at niyakap ko din siya. Hindi na raw muna siya sasama kasi may duty pa siya sa simbahan. Sobrang devoted kasi niya dun.

Mabilis namin narating ang A&C Tower. Parang na excite na din ako dahil first time kong tumira sa isang condo at… first time na wala akong kasama.

Na una ng inakyat ang mga gamit ko dahil dumaan pa ako sa receptionist para kunin ang susi ng unit ko. Wala si Rayver kasi may inaasikaso pa daw siya. Sila Kakai at Tin2 naman paparating na daw. Umakyat na kami ni Maja, grabe lang kasi nasa pang last floor ako.

Nasa loob na kami ng condo ko, umupo na muna ako habang si Maja ay nakatingin sa bintana. Kita kasi ang view sa labas, Kung titignan ang liliit ng mga tao.

Ilang minuto pa eh may kumatok akala namin sila Kakai na, pero isang lalaki na may hawak na pizza ang nakatayo sa pintuan ko.

“Special delivery po ma’am.” Sabi niya. Teka parang familiar ang boses ah.

“Huh? Teka, wala naman akong naalala na nag padeliver ako ng pizza. At paano mo nalaman itong room ko?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

“Ahh… kasi po.. ano…” Nauutal niyang sagot. “May tumawag lang po sa amin at dito ibinigay na address. Don’t worry po ma’am, bayad na yan.” Sagot naman niya sa akin. Kaya mas lalo akong naguluhan.

“Ui, insan. Grabe lang talaga ang special treatment sa’yo dito. May pa welcome ka pang pizza huh! Wala bang softdrinks? Hahahah.” Sabat ni Maja. Hindi nahihiya talaga ang babaeng ito. Tapos yung delivery boy naman eh parang natatawa.

Lumingon ako sa kanya. Nasa likuran ko siya kasi. “Eh kanino naman kaya galing ito?” Pagkatapos ay humarap ako dun sa delivery boy. “Sure na para sa amin yan ha.”

“Yes ma’am.” And then ngumiti ito. Pati smile niya parang familiar din.

“Ok. Pakisabi na lang dun sa nag pa deliver nito na thank you.” At kinuha ko na yung pizza sa kanya. Aakma na sana akong isarado ang pinto pero nagulat ako ng pigilan niya ito.

“Enjoy your stay here ma’am.” Sabi niya sa akin. At umalis na siya. Isinara ko na yung pinto at nilapag ang pizza sa mesa. Dahil gutom na rin kami kasi hindi pa nga pala kami kumakain kaya kinain na namin yung pizza.

“Insan, wala bang softdrinks? Mabu-bu-bulunan na ako dito.” Habang ningunguya ang pizza. Takaw kasi.

“Bagalan mo lang kasi ang pagkain.” Natatawa ako sa kanya, kasi parang 1 year di nakain ng pizza. “Hindi ko alam kung saan bibili dito. Tubig na lang muna diyan sa faucet ang inomin mo.” Sabay tawa ko.

“Ewww, pinsan. Sensitive ang intestines ko diyan no.” Ang arte talaga nito. Kinuha ko ang cellphone ko dahil tatawag sana ako kay Rayver kung saan pwede bumuli ng softdrinks, ng may kumatok na naman ulit. Si Maja na ang nag bukas and nagulat ako dahil sumigaw ito.

“Insan, softdrinks oh!” Sigaw niya mula sa pintuan. Kaya lumapit ako.

“Oh, ikaw na naman?”

“Yes ma’am.” Sabay ngiti nito. “Sinabi ko po kasi doon sa nag padeliver na wala man lang softdrinnks, kaya ayan ho pinadala niya.”

“Insan… I smell something fishy sa nagpadeliver nito ha. Baka si EX!” Sabay taas ng isang kilay niya sa akin. At narinig kong na ubo bigla yung delivery boy. Kaya tumawa itong si Maja.

“Heh! EX ka diyan. Hindi niya naman alam… OH MY, di kaya sinabi ni Rayver sa kanya ang tungkol dito? Malalagot talaga sa akin yun.” Naiinis kong sabi, habang yung delivery boy naman eh parang matatawa na. “Ahh, pakisabi dun sa tumawag kung sino man siya, SALAMAT!”

“Ah… welcome daw po ma’am.” Sagot niya sa akin. Tumawa naman si Maja dahil dun. Habang ako naman ay takang-taka na.

“Aba, pati welcome tinawag niya sa’yo?” Mataray kong tanong. Si Maja naman eh tawa lang ng tawa.

“Ah, sabihin ko daw po pag nag thank you ka.” Sagot niya sa akin. Aba naman. “Ah, sige po ma’am. Enjoy your food. See you around.” At umalis na ito. Nagtaka ako sa huli niyang sinabi. Ay, ewan ko. Iniwan ko si Maja sa pinto habang ako naman eh dala-dala ang softdrinks at dumiretso na sa mesa. Narinig kong sumigaw si Maja, pero hindi ko masyado maintindihan.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D