Chapter 37

Till My Heartaches...END!

 

"Kahit yun ang sabi ng isip ko, na hindi ka na babalik. Hindi naman yun ang sabi ng puso ko. So sinunod ko lang ito." sabay turo sa may bandang puso ko. "I'm still hoping that one day, babalik ka at maging ok tayo... as in tayo... muli." parang nahulog naman ang puso ko dahil sa sinabi niya.

“Pero Ge, alam mong hindi ganun yun kadali.” sabi ko sa kanya.

“I know… and hindi kita minamadali. Nagawa kong maghintay ng tatlong taon. Ano pa ang 1 year, 2 years or kahit 3 years pa ulit. Pero wag naman yung forever akong maghihintay. Baka di ko na kayanin yun.” sagot niya sa akin at napatawa ako dun sa sinabi niya.

“Thank you Ge. Don’t worry, pahihirapan lang kita ng konti.” sabay tawa ko.

“Oh sige, pahirapan mo na ako ngayon. Para maging tayo na bukas.”

“Loko-loko.” Sabay hawak ko sa tenga niya. “Basta ha, ilipat mo ako ng ibang unit, ang pangit tignan magkatapat lang ang room natin. At baka…” hindi ko na tinapos ang sasabihin ko, baka kasi kung ano pa ang lumabas sa bibig ko.

“Baka ano Kimmy?” sabay ngiti pa niya.

“Wala.” Tumalikod ako sa kanya at kinuha ang gamot niya. 9 pm kasi naka due ang isa niyang gamot. “Oh, inumin mo na to’. Maya-maya lang pupunta si Doc Alex dito, behave ka ha.”

“Yes boss.” Aalis na sana ako pero bigla niya akong hinila papunta sa kanya. (MOH scene lang. LOL!)

“Ge, ano ba bitiwan mo nga ako. Baka may pumasok dito at baka kung ano ang isipin.” Pilit kong pinupush ang katawan niya papalayo sa akin.

“Sagutin mo muna ang tanong ko.”

“Ano ba yun?”

“Bakit natatakot ka na magkatapat lang ang room natin. Iniisip mo ba na may gagawin akong… alam mo na.” sabay ngiti pa niya sa akin.

“Hindi no!” hinampas ko ang balikat niya. “Ikaw kung ano-ano ang iniisip mo. Bitiwan mo na nga ako.”

“Kiss muna.” sabay pa-cute pa niya.

“Aba, Mr. Anderson, sumosobra ka na ha. Hindi porke’t ok na tayo…” hindi na niya ako pinatapos ng sasabihin. He kissed me and he pushed me closer to him, next thing I know is that i am kissing him back also. I admit, i liked it. Unti-unti kong nilagay ang dalawang kamay ko sa leeg niya and then i felt that he's hands were caressing my back. We’re kissing passionately, ng bumukas ang pinto. Napatigil kami ni Gerald at napatingin doon sa nagsalita.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D