Chapter 20

Till My Heartaches...END!

 

Continuation…

Buong maghapon nasa office lang ako, ang dami kasing mga papeles na dapat asikasuhin bago mag deadline. Kahit papaano sulit naman ang pagod kasi padami ng padami ang naging investors namin. Tinignan ko ang relo ko at nakitang kong 30 minutes to 3 pm na. Mabuti na lang talaga at napakiusapan ni Ray yung anak ni Mr. Sanchez.

“Kimmy, I’m on my way.” Text ko kay Kim. Nag drive na ako papuntang hospital na pinagtatrabahuan nila. Hindi masyado ma-traffic kaya nakarating ako ng mabilis. Nag park ako sa harap ng ER. Tinignan ko ang cellphone, pero hindi pa nag reply si Kim. “Kimmy, nandito lang ako sa may parking lot. Harap ng ER.” Text ko ulit sa kanya. Kaya lumabas ako at tumayo sa may hood ng kotse ko hawak ang aking cellphone.

Kim’s POV.

Salamat tapos na ako mag endorsed for the next shift. Sila Tin2 at Kakai nandoon pa nagra-rounds. Nag-ayos ako ng mga gamit ko ng mag vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nag text. 2 messages received. Galing kay Gerald. Dali-dali kong binasa ang mga text niya. Kanina pa kaya siya dito? Nakakahiya naman. Hindi na ako nag reply at binilisan ko na lang ang pag-ayos ng mga gamit ko at kinuha ko ang bulaklak na bigay sa akin ni Doc Alex. Nag-iwan na lang ako ng note na mauuna na ako sa kanila.

Papalabas na sana ako ng may tumawag sa akin.

“Ms. Chiu.” Napalingon ako. Si Doc Alex.

“Uuwi ka na?” Tanong niya sa akin. Parang nakabihis na rin siya at may dala siang bag.

“Ahh, oo eh.” Maikli kong sagot.

“Ganun ba?” Tinignan niya ako. “Hatid na kita, kung ok lang sa’yo.”

“Ahh, kasi may naghihintay na sa akin sa labas.” Nahihiya kong sagot.

“Ohh, BF?”

“No – no! A friend.”

Nakita ko siyang nag smile. “Sige.” Tapos ay hinawakan niya ako sa balikat. “Next time na lang.”

“Sige po, Doc. Alis na ako. Thank you sa offer.” At binilisan ko na ang paglakad papunta sa labas ng ER. Nakita kong nakasandal si Ge sa may hood ng kanyang kotse na nakayuko.

“Ge!” Bati ko sa kanya.

“Oh, Kimmy… nandiyan ka na pala.”

Nag smile ako sa kanya. “Kanina ka pa? Sorry ha, ngayon ko lang nabasa text mo.”

“Ok lang. So tara na?” Binuksan niya ang pinto sa may passengers seat at pumasok na ako sa loob ng kotse niya. Ng maka-upo siya ang pinaandar na niya ang sasakyan niya. Napatingin naman siya sa flower na dala ko.

“Kanino galing yan?” Nagulat ako sa tanong niya.

“Ahh ito?… binigay lang sa akin.”

“Nino?” Nakaharap lang siya sa dahan dahil nagdadrive siya.

“Ni Doc Alex.” Naramdaman kong parang bigla kaming napahinto. “Oh, bakit?” Nakita kong parang nag-iba ang mukha niya. Hmmm. Napa-smile ako.

“Ahh… wala!  May dumaan lang na pusa.” Pinaandar na niya ulit at pinagpatuloy ang pagda-drive.

“Sure ka? Eh bakit parang salubong yang kilay mo?” Pang-aasar ko sa kanya.

“OO!” Tapos tumahimik siya.

“Ok.” Naka-smile kong sagot sa kanya. Dumaan ang katahimikan. HAHAHA!

“Matagal na ba kayong magkakilala?” Tanong niya sa akin. Habang papaliko kami sa isang daan. Parang hindi naman ito papunta sa condo ko.

“Hindi, kanina lang.”

“Ano?” Napalingon siya sa akin. “Pwede ba Kim, wag ka nga tanggap ng tanggap ng mga binibigay sa’yo pag hindi mo pa gaano kilala ang tao.”

“Sabihin mo nga sa akin Mr. Anderson?” Naka-ngiti kong tanong sa kanya. Nakaharap na ako ngayon sa kanya. "Are you jealous?"

“NO!” Mabilis niyang sagot na prang napipikon na.

“Yun naman pala eh. Bakit parang badtrip ka diyan.” Humarap ako sa daan. “Hindi porke’t pumapayag na ako magpa- sundo-hatid sa’yo, hindi ibig sabihin hindi na ako pwede makipag kaibigan sa iba! Bakit boyfriend ba kita?” Todo pa ang pang-aasar ko. Hindi niya siya naka-sagot kaya tinignan ko siya at mas lalong naging iba ang mukha niya. Anytime ay parang sasabog na siya kaya pinigilan ko na lang ang hindi tumawa.

Ilang minuto pa ay biglang huminto ang sasakyan niya sa harap ng isang café. Teka, ano gagawin naming dito? Bumaba na siya at parang walang balak pagbuksan ako. Aba! Loko ito ah. Kaya bumaba na lang ako, badtrip nga siya.

“Hoy, Gerald. Ano gagawin natin dito?” Tanong ko sa kanya habang naksunod lang sa likod niya.

“Eh di kakain.”

“Eh bakit dito?” Malapit na kaming dalawa sa pinto at marami na rin ang naka-tingin sa amin.

"Eh dito ko gusto.” Hindi pa rin siya nagbabago, grabe pa rin siya kung mag selos.

Pumasok na siya sa loob ng café at dumiretso pa talaga siya sa dati naming inuupuan… yung may something pa nga sabi ni Kakai.

“Order ka na.” Sabi niya sa akin. Tinignan ko lang siya.

“Bakit maiinit ulo mo?”

“Wala!” Sabay tawag sa isang waiter. “Regular brew coffee.” Sabi nito.

“Ok po sir. Ikaw po ma’am?” Tanong ng waiter sa akin.

“Yun na rin.” Kahit gutom ako yun na lang ang inorder ko.

Dumating ang inorder at ni isa sa amin hindi nagsasalita. Inom lang siya ng inom na kape niya. Nakakaloka na siya ha. Eh biro lang naman yun.

“Uii, Ge!” Tumingin lang siya sa akin. “Sorry.”

“Ok lang. Tama naman ang sinabi mo eh, wala akong karapatan kung makipag-kaibigan ka sa iba.” Malungkot niya sagot.

“Hindi naman sa ganun.” Sabay sip ko ng coffee ko. “Pero diba mas maganda naman ang ganito. Magkaibigan tayo.”

Nag nod lang siya. Ewan ko yun ang lumabas sa bibig ko eh. Kahit na may plano kami nila Kakai, hindi ganun kadali na maging ok ang lahat, na maging kami ulit ni Gerald. Kahit, oo mahal ko pa siya pero mahirap pala ulit ibigay ang trust sa taong sinaktan ka na.

Napatingin si Gerald sa relo niya at tinawag na niya ang waiter para hingin yung bill.

“Sorry Kim, but kailangan na kitang ihatid kasi may ka meeting pa ako.”

“Sino?”

“Uhm! A certain… Ms. Sanchez.” Sagot niya sa akin. So babae ang ka meeting niya?

“Sama ako.” Napalingon naman siya sa akin. Nagulat sa sinabi ko.

“Are you sure? Baka mabagot ka lang dun.”

“Yep! Let’s go.” Kinuha ko ang bag sa taas ng mesa at tumayo na. “Baka ma late ka sa ka-meeting mo.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D