Chapter 13

Till My Heartaches...END!

 

Gerald’s POV

+++FLASHBACK+++

Nandito ako ngayon sa loob ng condo unit ko. Kasama ko si Rayver. Naghahanda na sa aking Operation 101: Ang maging akin kang muli. Yay! Ang baduy ko. HAHAHA. Nakahanda na ang plano at nakahanda na rin ang mga pang disguise ko na gagamitin. Hinihintay na lang namin ang text ni Kim na pwede na siyang sunduin.

“Oh, bro. Try mo nga, tignan ko yang pang-disguise mo.” Natatawang sabi sa akin ni Rayver. Pero kahit ganyan yan eh thankful ako dahil lahat ng decisions ko sinusupportahan niya, kaya lang gago lang talaga siya paminsan-minsan, pero mahal ko yan. BROmance? HAHAHA.

“Mamaya na para surprise. Di pa ba nagtetext?” Tanong ko sa kanya.

Speaking… tumunog ang cellphone ni Rayver. Dali-dali niya itong kinuha sa ibabaw ng mesa at tinignan ang nag text. “Si Tin2.” Sabi pa niya sa akin. At pinagpatuloy ang pagbabasa niya ng text. “Goodluck daw sa delivery boy. Hahaha.” Sabay tawa. Alam kasi ni Tin2 ang plano namin, ito kasing bestfriend ko walang naitatago kay Tin2. Pero sinabihan naman siya ni Rayver na hindi muna pumunta dun kasi pag andun siya baka masira lang ang plano.

“Kayo talaga, kinakabahan na nga ako dito eh. Paano kung mabuking ako, eh di mas lalong mawala ang chance ko.”

“Yakang-yaka mo na yan.” Sabay lapag ng cellphone niya sa ibabaw ng mesa. Uminom ng juice at nagsalita… “Teka, saan ka pala kumuha ng uniform ng pang delivery boy ng pizza?” Tanong niya pa sa akin.

“Ako na ang bahala dun.” Sagot ko sa kanya. “Ang tagal naman mag text.” Sabi ko pa.

“Excited bro?” At pagkasabi niyang yun ay tumunog ulit ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at binasa… “Si…”

“Sino?” Natataranta kong tanong.                          

“Si Kim…” Tapos parang nag-iba ang mukha niya. “Di na daw siya tuloy ngayon.”

Napatingin ako ng masama sa kanya. “Ano? Sigurado ka? Bakit daw?” Naiinis kong tanong. Tapos ay tumawa lang siya.

“Hahaha. Joke lang. Ito naman. Papasundo na siya.” Sabay lapag ng cellphone niya sa mesa. Sarap pektusan.

Napangiti ako. Operation 101.

+++END OF FLASHBACK+++

“Thank you… EX!” Sigaw sa akin ni Maja. Napalingon ako bigla pero mabilis nitong isinira ang pinto. Kinabahan ako. Tama nga talaga ang hinala ko. Nakilala ako ni Maja. Pero bakit si Kim, hindi ako nakilala? Kahit konting dub dub dub wala man lang siyang naramdaman? Pero… mabuti na rin yun kesa naman mabuking niya ako eh di sirang-siran na ang plano ko. Lumalakad na ako papunta sa room ko ng bumukas ang pinto ng elevator. (Magkaharap kasi ang dalawang unit. Basta nasa gitna yung elevator. Tapos may parang may maliit na lobby. Basta! Gets niyo? HAHAHA) Nakita kong lumabas si Tin2 and Kakai sa elevator. Alam ni Tin2 ang plano kaya nakilala niya ako. Pero si Kakai naman eh clueless. Nag wink lang siya sa akin at lumakad na papunta sa room ni Kim. Kaya dali-dali akong lumakad at pumasok na kaagad. Naabutan kong tawa ng tawa si Rayver.

Hinubad ko ang suot kong wig, pati na rin yung pekeng bigote. “Bro, patay ako.” Sabay upo at nagbuntong hininga. Nakatayo si Rayver sa may kusina at lumapit sa akin na may hawak na basong may tubig.

“Inom ka muna bro.” Sabay tawa. “Namumutla ka na oh. Hahaha.”

“Nakilala ako ni Maja bro. Tsk.” Pa iling-iling kong sabi.

“Talaga? Eh si Kimmy?” Nagulat niyang tanong. Feeling ko pati siya kinabahan eh.

“Hindi.” Mahina kong sagot. Hindi ko alam kung ikakalungkot ko or ikakasaya dahil hindi niya ako nakilala.

“Weird.” Sagot niya.

“Ok na yun.” Sagot ko. Sabay kuha ng tubig at ininom ito.

“Ok ka lang bro?”

“Oo naman.” Sagot ko.“Dumating na pala sila Tin2. Nagkasalubong kami.”

“Ah, talaga. Ano pupunta ba ako dun? Para naman alam natin, kung sinabi na ni Maja kay Kim.”

“Sige, mabuti pa nga.” Tumayo ako… “Text mo na lang ako.” At umalis na ako, pumasok ako sa loob ng aking kwarto.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D