Chapter 12

Till My Heartaches...END!

 

Maja’s POV (Oh diba, may POV din ako dito. HAHAHA!)

Naka dungaw ako sa bintana ng marinig kong may kumatok. Mabilis naman na binuksan ni insan ang pinto. Narinig ko ang sinabi nung lalaki na “Special delivery po ma’am.” Ewan ko para kasing familiar ang boses niya. Kaya lumapit ako sa likuran ni Kimmy, pinagmasdan ko yung lalaki. Hindi ako sure – pero malakas talaga ang kutob ko. Kaya mas lalo ko pa siyang tinitigan habang kausap siya ni Kimmy. Pati yung mga kamay niya eh tinignan ko, uhmm… balbon. Tapos tingin ulit sa mukha niya… at nag smile siya. Sure na talaga, si Gerald ito. Ewan ko ba kung nagtatangahan lang itong insan ko dahil hindi niya makilala kung sino ang kaharap niya. Kung hindi mo kasi talaga pagmamasdan ng mabuti ang mukha niya, hindi mo maiisip na si Gerald siya. Naka wig kasi ito, with matching bigote at yung artificial na makapal na kilay at naka pang nerdy glasses pa tio. Pero obvious ang mata at ilong niya ha. Parang gusto kong batukan ang pinsan ko. Baka hindi lang talaga siya naka focus sa mukha, kaya hindi niya nakilala. Pero nag go with the flow na lang ako. Feeling ko kasi may pina-plano itong si Gerald.

Habang nag-uusap sila eh nakisabat ako. “Ui, insan. Grabe lang talaga ang special treatment sa’yo dito. May pa welcome ka pang pizza huh! Wala bang softdrinks? Hahahah.” Sabay tawa ko. Nakita kong parang natatawa din si Gerald. Loko ko lang naman yun kasi si Gerald lang naman.

Pagkatapos kinuha ni Kimmy ang pizza ay umalis na ito.

Habang kumakain kami ng pizza, eh nagreklamo ako kay Kimmy, dahil natutuyo na talaga ang lalamunan ko.

“Insan, wala bang softdrinks? Mabu-bu-bulunan na ako dito.”  Ayoko rin naman uminom sa faucet lang. lang.

“Bagalan mo lang kasi ang pagkain.” Natatawa pa niyang sabi. “Hindi ko alam kung saan bibili dito. Tubig na lang muna diyan sa faucet ang inomin mo.”

“Ewww, insan. Sensitive ang intestines ko diyan no.” Hindi naman ako ma-arte pero kasi pagdating sa tubig-tubig na yan, naging maingat na ako. Ayoko na ulit magka-Amoeba, ang sakit at nanghihina talaga ako. Kwenento ko pa talaga yun. HAHAHA.

Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya, tatawagan niya daw si Rayver para magtanong… nang may kumatok sa pinto. Ako na ang bumukas dahil busy ito kakatext.

Nagulat ako at yung nagdeliver lang pala ng pizza. Hindi na ako nag taka kaya sumigaw ako kay Kimmy. “Insan, softdrinks oh!” Dali-dali naman lumapit si Kimmy papuntang pinto. Nagulat pa ito. Sarap na talaga batukan, di pa rin niya nakikilala kung sino ang nasa harap niya. Kimmy, love is blind? Literally!!! HAHAHA.

Ikaw na naman, sabi pa niya kay Gerald.

“Yes ma’am.” Sabay ngiti nito. Tignan lang natin Gerald kung hanggang saan ka…

“Insan… I smell something fishy sa nagpadeliver nito ha. Baka si EX!” Sabay taas ng isa kong kilay kay Kimmy. At narinig kong biglang na-ubo si Gerald. Kaya hindi ko napigilan ang tawa ko. As in tawang tawa ako sa kanya. Spell B-U-K-I-N-G!!! Hai, ewan ko na lang sa’yo Gerald. Paano na kung nabuking ka ni Kimmy, eh di sana hanggang ngayon gutom pa itong mga alaga ko.

“Heh! EX ka diyan. Hindi niya naman alam… OH MY, di kaya sinabi ni Rayver sa kanya ang tungkol dito? Malalagot talaga sa akin yun.” Naiinis niyang sabi habang nakaharap sa akin. Habang si Gerald naman eh parang matatawa na. Humarap si Kimmy sa kanya at sinabing… “Ahh, pakisabi dun sa tumawag kung sino man siya, SALAMAT!”

“Ah… welcome daw po ma’am.” Sagot niya. Loko-loko talaga. Kaya tawang-tawa pa rin ako sa kanya. “Ah, sabihin ko daw po pag nag thank you ka.” Infairness magaling si Gerald magpalusot. “Ah, sige po ma’am. Enjoy your food. See you around.” At lumakad na ito paalis, iniwan ako ni Kimmy sa pinto habang siya ay dumiretso na sa mesa. Hindi pa nakakalayo si Gerald kaya sumigaw ako.

“Thank you… EX!” Sabay sira ko ng pinto.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D