Chapter 16

Till My Heartaches...END!

 

Gerald’s POV

Nasa harap na kami ng Tower pero hindi ako bumaba. Ayokong makita ako ng aking mga employers na kasama ko si Kim. Mabilis kasi kumalat ang tsismis. Na unang bumababa si Maja, pero si Kim hindi pa. Magpapaka-ungentleman muna ako ngayon. Mahirap na kasi pag may maka-kita sa akin.

Hinintay ko na buksan ni Kim ang pinto ng sasakyan pero hindi pa niya ginawa yun. Tumingin siya sa akin at nagsalita…

“Thank you, Ge.” And then she kissed my cheeks. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa ginawa niyang yun, but in that moment parang tumigil ang lahat. Nakatingin lang ako sa kanya. Narinig ko na lang na binubuksan na niya ang pinto ng sasakyan kaya bigla ko siyang hinawakan sa kanyang kamay.

 

“Ah, Kimmy. Can I visit you in your room?” Kahit ako ay nagulat sa tanong ko.

"Ha? What do you mean? Sa room ko?" Natatawa niyang sagot.

"Sorry - sorry. I mean... can i visit you here?"

“Sure.” Mabilis niyang sagot at binuksan na niya ang pinto at lumabas na.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, kung bakit nagkakaganyan si Kimmy. All of a sudden, it feel like she’s flirting with me. Bakit ganun? Pero kahit ano pa yan, gusto ko ang ginagawa niya sa akin. Pinaandar ko na ulit ang sasakyan at dumiretso na sa basement.

Pagkatapos kong mag park, ay pumasok na ako sa loob at sumakay ng elevator. Pero nagulat ako ng biglang may pumigil sa pinto ng elevator.

 “Ge?”

“Kim?!”

Sabay pa kaming dalawa.                                   

“Teka, anong ginagawa mo dito. May bibisitahin ka pa ba?”

“Ahh…” Parang bigla akong pinawisan, kahit malakas ang aircon. “Oo.”

“Sino?” nagtataka niyang tanong. Nakita niyang naka-red light ang no. 15. “Sa 15th floor?”

“Oo. Bakit?”

“Eh dalawa lang ang room na nandun. Wag mong sabihin… sa’yo yung kabilang…”

“Ha? Hindi… ikaw ang bibisitahin ko.” Natawa naman siya sa sinabi ko.

“Eh wala pang 30 minutes ng magpaalam ka na bibisitahin mo ako dito eh.”

“Ganyan talaga, mas mabuti na yung mabilis diba?” Sabay ngiti ko.

“Eh teka… paano mo nalaman na nasa 15th floor ang room ko?”

“Uhm… ano… tinanong ko sa receptionist.”

“Sure ka? Eh kakagaling ko lang dun eh. Hindi naman kita nakita dun.”

“Nandun ako, baka sa kabilang receptionist ka.”

“Ha? Eh isa lang ang receptionist dito ah.” Mabuti na lang at biglang tumunog at bumukas ang pinto ng elevator.

“Naku, wag mo ng isipin yan. Saan ba dito ang room mo?”

“Dito?” At nag lakad na kami papunta sa room niya. Kumatok si Kim at mabilis naman na binuksan ni Maja.

“Oh… Ge. Di ka pa naka-uwi? Kung sa bagay. Ilang lakad lang naman yung sa’yo.” Ewan ko, parang gusto kong magpakain na lang sa malaking leon sa sinabi ni Maja. Mas lalong magtataka si Kim niyan.

“Ha? Anong ilang lakad?” Nakapamewang na tanong ni Kim habang nakatingin kay Maja. Kaya tinignan ko si Maja para wag niyang sabihin kay Kim ang alam niya.

“Ano… kasi yung condo ni Ge katapat lang nitong tower kaya kahit maglakad siya ok lang.” Alibi ni Maja.

“Ahh… ok!” Sagot naman ni Kim. Mabuti na lang at madali siyang mapaniwala.

“So… mukhang nag-aayos kayo ah. Ano ba ang maitutulong ko?”

“Madami.” Sabay pa nilang sagot ni Maja at tumawa.

Isa-isa naming binuksan ang mga boxes ng mga appliances na binili ni Kim. Ang totoo niyan, gusto ko nga sanang bilhan na din ng mga appliances itong unit ni Kim kaya lang sabi ni Rayver baka mas lalong magtaka si Kim. Kaya yung mga furnitures na lang ang binili ko. Yung iba naka customize sa favorite color niya.

Ewan ko pero iba ang feeling ko ngayon. Ang saya-saya at ang gaan-gaan sa pakiramdam. At sobrang saya ko dahil narinig ko na ulit ang tawa ni Kim na parang bang isang contagious disease sa mga nakakarinig. Masaya ako kasi kahit ang mga conry kong jokes eh bentang-benta pa din sa kanya. Parang yung dating kami lang. Walang problema, masaya lang kapag kami ang magkasama.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D