Chapter 39

Till My Heartaches...END!

 

Nakatulog na ako sa kakabantay kay Gerald. Sinilip ko siya, pero teka. Parang nag-iba ang pwesto naming. bakit ako na ang nandito sa kama at siya ang nasa sofa? Tumingin ako sa paligid nakita ko si Gerald nakahiga sa sofa.

“Ge…” tinapik-tapik ko siya. Ang hirap pa naman nitong gisingin. “Geeeeeeee….” Mukhang naalimpungatan siya dahil kitang-kita sa mukha niya na parang gulat na gulat ito.

“Ale, nasa langit na ba ako?” nakangiti niyang sabi kaya binatukan ko.

“Hoy Mr. Anderson, paano ka napunta dito at ako doon?” sabay turo ko sa kama.

“Hala. Nagtransport ka Kimmy?” natatawa niyang sabi.

“Pwede ba, ang aga-aga ng aasar ka na.” niinis kong sabi habang siya naman ay tumatawa lang.

“Joke lang ito naman. Nagpatulong ako sa personnel niyo dito na buhatin ka.”

“Ha? Bakit mo ginawa yun? Kung umasta ka parang wala kang sakit ah. Ok lang naman ako sa sofa matulog eh.”

“Kimmy, alam mo kasi…” umupo siya at hinila niya ako papunta sa tabi niya. “Hindi ko kayang makita kang nahihirapan dahil sa akin.”

“Eh kung ayaw mo, bakit mo ginawa yun sa akin dati?” Sabi ko sa kanya. Ako naman ngayon ang mang-aasar.

“Ha?” nagtataka niyang tanong.

“Wala.” Sagot ko sa kanya tatayo na sana ako pero nakita kong may dugo yung nasa IV line niya. “Ge, anong nangyari dito?” nag-aalala kong tanong.

“Ah, wala yan. Nagalaw ko lang siguro kagabi.” Hindi ako naniniwala kaya tinignan ko siya ng masama. “Ano, kasi nung binuhat kita…”

“Ha? Akala ko ba nagpatulong ka.”

“Oo nga, siyempre ako yung nagbuhat sa’yo, ayoko ko naman na may ibang lalaki mag buhat sa’yo.”

“Eh ano ang ginawa ng personnel?”

“Taga hawak nitong dextrose ko.” natatawa pa niyang sagot.

“Hay. Ewan ko sa’yo Gerald. Diyan ka lang ha. Kukunin ko lang ang mga gamit, mabuti na lang hindi umabot yung dugo diyan sa loob ng dextrose kundi… Diyan ka lang ha, wag kang gumalaw.” Umalis ako at kumuha ng gamit para palitin yung IV line ni Gen a may dugo. Pagkabalik ko sakto naman dumating yung breakfast niya.

“Ayusin ko muna yan, tapos kumain ka na ng breakfast.” Sabi ko sa kanya habang siya ang nangingiti lang. “Happiest moment, Mr. Anderson?” pang-aasar ko. pero hindi siya sumagot, nginitian niya lang ako. Kinuha ko ang kamay niya at binasa ng alcohol yung tape para mas madaling makuha.

“Teka, ano gagawin mo?” natataranta niyang tanong.

“Ito, parang bakla.” Sabi ko sa kanya.

“Ano sabi mo? Ako bakla? Halikan kita diyan eh.” pero hindi ko siya pinansin, pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. “Kimmy, maawa ka. Wag mo ng ulitin. Ok lang naman talaga yan eh.”

Tumawa ako. “Ano ka ba. Ito lang kukunin ko oh, hindi naman kita tutusukan ulit.” Hindi na sya nag salita dahil halatang kinakabahan siya. Pagktapos kong palitan ang IV line ay tinulungan ko na siya lumipat sa kama. Kinuha ko ang breakfast niya at sinubuan siya. Nagulat na lang kami ng biglang pumasok sila Kakai at Tin2.

“Ooops. Sorry, nakadistorbo yata kami.” Pang-aasar ni Tin2.

“Sira!” sagot ko sa kanya.

“Kumusta papa Ge?” bati naman ni Kakai, habang papalapit kay Gerald.

“Ok na. Sobrang galing ng nurse ko eh. Isang ki…” alam ko na ang sasabihin ni Ge, mabuti na lang at mabilis kong nalagyan ng pagkain ang bibig niya. Nakakahiya kaya, baka kung anon a naman ang isipin nila. Mga malisyosa kaya yun.

“Ano yun Ge?” pangungulit pa rin ni Tin2. Pero dahil puno ng pagkain ang bibig ni Ge kaya hindi ito nakasagot. Sumenyas na lang ito na wala.

“Ok. Sige, ma una na kami. Kimmy, kami na lang mag time-in sa’yo para hindi ka ma late.” Paalam sa amin nila Kakai. Sakto naman kasi diba nga dito kami sa ward na assign. Pagktapos kung pakainin si Ge ay nag bihis na ako. Private suite naman itong room ya, parang condo nga lang eh. Pagkatapos kong magbihis nadatnan ko si Gerald na nagbabasa ng newspaper.

“Ge, ah… balik na lang ako dito ha. On duty ako ngayon, kaya hindi pwedeng mamalagi ako dito sa room mo. Alam mo na.”

“Oo, sige. Ok lang ako dito. Thank you Kim.”

“Wala yun. Sige, sure ka na ok ka lang dito ha. Basta kung sumakit ulit tiyan mo tumawag ka lang sa station, pindotin mo lang yan connected naman yan sa amin eh.” tumango-tango naman si Gerald. “Titignan ko kung napirmahan na ni Doc Alex yung discharge paper mo.” Kinuha ko na ang mga gamit ko at papaalis na sana ako ng tinawag ako ni Gerald.

“Kimmy…” kaya napalingon ako ulit sa kanya.

“Ano yun?”

“May dumi yung mukha mo.” Nagtaka naman ako at hinawakan ko bigla ang mukha ko. “Lapit ka dito, kunin ko.” sabi pa niya sa akin. Lumapit naman ako at nagulat sa ginawa niya. Hinawakan niya ang mukha ko ng dalawang kamay niya at tumingin sa mata ko.

“I love you.” and then he kissed me on the lips. Mabilis lang tapos ay pinakawalan na niya ang mukha ko at nag smile.

“Thank you.” sagot ko and then I smiled to him. Umalis na ako.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D