Chapter 25

Till My Heartaches...END!

 

Gerald’s POV.

“Alex.” Sigaw ni Ashley. Nagulat ako at napatingin sa direction kung saan siya nakatingin at nagulat ako sa nakita ko. Si Kim at may kasamang lalaki. Parang nanikip ang dibdib ko at nangdilim ang paningin ko. Hindi ko namamalayan na papalapit na pala sila sa amin. Tinawag siguro ni Ashley.

“Hello.” Bati naman ni Kim.

“Cousin?” Sabay turo naman ng lalaki na parang kapre lang sa tangkad. Insan daw? Magpinsan sila ni Ashley?

“Ako nga… Hi Kim.” Bati rin ni Ashley kay Kim. OP ba ako sa tatlong ito? “Join us. By the way si....” Parang nagdalawang isip pa siya kung ipapakilala niya ako.

“I know him.” Anong ibig niyang sabihin? Kilala niya ako? Bakit ako hindi ko siya kilala.

 “Upo kayo.” Sabi ni Ashley. Tatayo na sana ako para alalayan si Kim pero biglang tumayo ito at tumabi sa akin. “Kim, dito ka na.”

Nauna maupo si Kim tapos yung kapre. So magkaharap sila ni Ashley kami naman ng kapre.

“Teka… cuz paano kayo nagkakilala ni Ms. Chiu?”

“It’s a long story… cuz.” Mabilis na sagot ni Ashley. Pilit kong tinitignan si Kim, pero iniiwas niya ang tingin niya sa akin. Bakit parang naiinis ang mukha niya? “Order na tayo. Tamang-tama, di pa kami nakapag-order ni Ge.”

Nag order kami. Tahimik lang si Kim, ewan ko ba. Parang gusto kong hilahin na lang siya at ilayo dun sa lalaking yun. Hindi ko lang siya nasundo eh sumama na kaagad sa ibang lalaki. Dumating na yung inorder namin at todo asikaso naman ang kapre kay Kim. Kumain na kami.

“Bro.” Nagulat ako, bro pala ha. “Hindi mo na ba ako natatandaan?” Napatingin ako sa kanya, naka-smile pa siya na parang ng-iinsulto. Pati si Kim ay hindi naiwasang mapatingin sa akin.

“Ah, sorry. Do I know you? I mean… have we met before? Or magkakilala na ba tayo?” sabay inom ko ng juice.

“Cuz.” Sabat ni Ashley. Parang pinipigilan ang kapre na magsalita ng kung ano man yun. Pero hindi yun pinansin ng kapre.

“You know me well.” Dinuduro pa niya yung tinidor sa akin. “Ang nerdy na lampa… remember?” Nagulat ako sa sinabi niya. Pati si Kim ay napatingin sa kanya.

“Di nga… grabe ang pinagbago mo huh.” Nagsmile ako sa kanya na parang nakakaloko. “Hindi kita nakilala. Nice. Ibang-iba ka na ngayon huh!” Dahil sa nalaman ko mas gusto ko siyang asarin ngayon, hindi dahil kung ano siya dati kundi dahil nakilala siya ni Kim.

“Oo, ibang-iba na talaga ako ngayon.” Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “At alam mo ba kung ano ang ipinangako ko diyan sa pinsan ko?”

“Cuz… kalimutan mo na yun.” sabat ulit ni Ashley pagkatapos ay yumuko lang ito.

“Ano?” Tinignan ko siya. “Sabihin mo.”

Lumapit siya sa akin at nagsalita ng mahina. “Na kapag nagpakita ka pa ulit sa pinsan ko at sa akin, papatayin kita.”

Bumulong ako. “Hindi mo alam ang kwento kaya wag kang makialam.” At nag-ayos ako ng upo. “Hindi ako natatakot sa’yo.”

“Lahat alam ko. Lahat-lahat.” Tumingin siya ulit sa akin. “Pero maswerte ka dahil may kasama ako ngayon at ayoko maging masama ang tingin niya sa akin.”

“Wag kang mag-alala, kanina pa masama tingin niya sa’yo.” Pagkasabi kong yun ay biglang tumayo ang kapre. Kaya tumayo na rin ako. Hahawakan na sana niya ang kwelyo ng polo ko ng biglang tumayo si Ashley, pati na rin si Kim.

“Kung gusto niyo mag-away dun kayo sa labas. Wag dito. Nakakahiya kayo.” Tapos ay tumakbo ito.

“Ash.” Tawag sa kanya ng kapre, pero sige pa rin ito sa pagtakbo. “Wag ka ng magpakita ulit sa akin. Dahil baka hindi na ako makapagpigil at may masama akong magawa sa’yo. Tumingin ito kay Kim at hinawakan ang kamay niya. “Tara na Ms. Chiu, hatid na kita.” Napatingin ako sa kamay niya, hawak-hawak ang kamay ni Kim. Nakita ko sa mukha ni Kim na parang nagulat din ito. Mas lalong uminit ang ulo ko sa nakita ko.

“Pag hindi mo binitiwan ang kamay na yan, baka ako ang may magawa ng masama sa’yo.”

“Doc Alex, ok lang ako. Sundan mo na lang si Ash, baka napano na yun.”

“Pero Ms. Chiu, ako ang nagdala sa’yo dito kaya…”

“Ok lang talaga. Kaya ko na ang sarili ko.” Sagot ni Kim habang nakatingin sa kanya. “Mas kailangan ka ng cousin mo.”

“Im sorry sa inasal ko Ms. Chiu.” At umalis na siya. Kaming dalawa na lang ni Kim ang naiwan. Nakatayo.

“Hatid na kita Kim.” Mahina kong sabi sa kanya. Nag nod lang siya.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Binabaling ko na lang ang sarili ko sa pag drive.

“Sana hindi mo na lang pinatulan si Doc Alex kanina.” Napatingin ako sa sinabi niya. So mas kinakampihan pa niya yung kapre na yun?”

“At ano tutunganga na lang ako, habang hinahawakan niya ang kamay mo?”

“Ano ka ba Gerald, hindi yun ang ibig kong sabihin.” Naiinis niyang sagot.

“Eh ano?”

“Yung tungkol sa inyo ni Ash.”

“Wala naman akong balak patulan yun eh.” Sabay tingin ko sa kanya. “Kaya lang kung umasta parang sino.”

“Yun na nga, may pinaghuhugutan ng sama ng loob sa’yo ang tao kaya hindi mo rin siya masisisi na ganyan siya sa’yo.” Napatingin ako sa kanya.

“Pero wala naman akong ginawa na masama sa kanya. Tapos siya pa itong kinakampihan mo.”

“Wala akong kinakampihan Gerald. Ang sa akin lang naman…”

“Ano? Na intindihin ko siya? Dahil masama ang loob niya sa akin?”

“Eh inulit mo lang naman ang sinabi ko eh.”

“Yun na nga ang point ko, Kimmy. Past na yun, nakaraan na. Hindi na niya kailangan ibalik yun.” Tumingin ako sa kanya. “At ikaw…”

“Ano? Ano ginawa ko?”

“Hindi lang kita masundo, eh nagpapahatid ka na agad sa iba.”

“Ang sisihin mo yung dalawa. Tsaka tinext naman kita ah.”

“Low-batt phone ko.”

“Kaya pala.” Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. Naka-taas ang isa niyang kilay. “Ikaw nga eh may pa-emergency ka pang nalalaman.”

“Totoo naman eh.”

“Eh bakit kayo nandun sa restaurant? Nandun ba ang site niyo?”

“Eh bakit nandun din kayo?”

“Pwede ba Gerald wag mo nga ibalik sa akin ang mga sinasabi ko.” Naiinis niyang sabi kaya natawa ako.

“Andito na tayo.” Hininto ko ang kotse sa harap ng lobby.

“Diyan ka na nga. ” Yan lang ang sagot niya sa akin at bababa na sana siya sa sasakyan ng pigalan ko siya.

“Totoong nagka-emergency sa site. Pero nandun kami sa resto dahil nakipag-meet kami sa isang investor na gustong baguhin yung design ng building, pero hindi siya nakadating. Ok na?” nag-smile lang ako kay Kim habang siya ay nakatingin lang sa harap.

“Eh, ayaw ko naman talaga mag pahatid kay Doc Alex eh, kaya lang yung dalawa gusto kang pag tripan. Nag text pa nga ako sa’yo eh. Kaya lang hindi mo rin pala nabasa.” Tumingin siya sa akin. Isang tingin lang ni Kim parang nanghihina na ako.

“Basta sa susunod, wag ka ng magpahatid sa iba ha.”

“Eh bakit naman?”

“Kasi nagseselos ako.”

Nakita ko napa-smile siya sa sinabi ko. “Bolero. Diyan ka na nga.”

“Kimmy, please.”

“Seloso!” and then she kissed me smack right on my lips and then bumaba na ng sasakyan. I was left dumbfounded.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D