Chapter 18

Till My Heartaches...END!

 

Continuation…

Habang nag-aayos kaming tatlo ng mga charts ng pasyente ay biglang may nag salita.

“Hello… lovely ladies.” Bati ng isang lalaki kaya lumingon ako at nagulat sa aking nakita at may dala pa siyang bulaklak.

Pati sila Tin2 at Kakai ay napalingon.

“Doc Alex? Kumusta na? Kalian ka pa nakabalik?” Nae-excite na bati sa kanya ni Kakai. Nakatayo siya sa may katapat na counter namin.

“I’m good!” Sagot ng tinawag na Doc Alex ni Kakai. “Kayo? Kahapon lang ako nakabalik.”

“We’re fine Doc, as usual same routine pa rin.” Sabat naman ni Tin, na tumayo na rin at pumunta sa counter. Ako na lang ang naiwang naka-upo. “Ui, flowers? Para kanino yan Doc?”

“Ehem!” Papansin ni Kakai. “Para… sa akin ba yan Doc?” Kahit kalian talaga ang landi ng babaeng ito.

“I’m sorry Kai, pero…” Hindi ko alam kung bakit napahinto ng pagsalita si Doc Alex. Nakatalikod kasi ako sa kanila. “This is for her.”

“Kay Kimmy?” Narinig kong parang pasigaw na sabi nila Kakai at Tin2. Kaya napalingon ako. Nagulat ako dahil nakatingin sa akin si Doc Alex.

“Ayy, by the way.” Hinila ako ni Kakai mula sa upuan. “Doc Alex, this is Kim Chiu. Kimmy, si Doc Alex.”

“Uhm! Yup, nagkakilala na kami kanina.” Sagot ko naman kay Kakai.

“Ha? How?” Gulat na tanong ni Tin2.

“We bumped into each other kanina.” Mabilis na sagot ni Doc Alex.

“Oooh!” Sabay tingin ni Kakai kay Tin2.

“This is for you, Ms. Chiu.” Sabay abot sa akin ng flowers na dala niya. “I’m sorry kanina.”

Nag smile ako. “Wala naman yun. But, thanks for this.”

“Pero teka lang Doc Alex ha.” Sabat ni Kakai. “Paano mo naman nalaman na dito sa ward namin naka-assigned ni Ms. Chiu?”

“I have my sources Kai. Ano pa’t Dr. ako dito.” Sagot naman ni Doc Alex. OK! Parang medyo mayabang ang dating.

“Paging, Doc Alex, you’re needed in the ER.” Nung marinig namin yun ay nagpaalam na siya sa amin.

“See you later, Ms. Chiu.” At umalis na siya.

Pagkaalis ni Doc Alex ay pigil naman na nag tilian ang dalawa.

“Kimmy, I think someone likes you.” Panunukso ni Kakai sa akin.

“Like-like ka diyan.” Bumalik na ako sa dating upuan ko. “Baka pa welcome lang niya ito sa akin dito.”

“That’s the point!” Umupo na rin silang dalawa. “Sa dinami-daming naging baguhan dito, sa'yo lang nagkaganyan si Doc Alex. Alam mo bang ang daming nagkakagusto diyan.”

“Eh ano naman ngayon?” Nilapag ko ang bulaklak sa ibabaw ng mesa. “He’s not my type!”

“Tignan natin.” Sabat ni Tin2, sabay kuha ng mga charts ng patient niya. “Malay mo, siya na pala ang hinahanap mo na mag aayos ng isang pakapak mong nasira (HAHAHA! Sa krisTV yan! Not the exact words though).” 

“Ang corny mo.” Sabay naming sabi ni Kakai.

“Diyan na nga kayo.” Tumayo ako at kinuha ang mga charts ng mga patient ko. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
KG4life #1
Thanks sa fanfic na 'to...I hope you could make another Kimerald fanfic ASAP :)
TheArvie99 #2
congrats.... thank you natapos mo ang maganda mong story .... looking forward sa new ff mo .... again thanks :)
Mikachuu
#3
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
Mikachuu
#4
Thanks sa paggawa ng story na 'to~ This is one of my favorite moves, grabe :) Hope you also read my fanfics as well~
buang03 #5
Waaaaaaa. Thank you so much author! Sana madami ka pang magawang story! Yun oh. Ang Ganda ng story. Ingat ka! Kimerald LNG tayo lagi. Mwahhhhh!!!
buang03 #6
Waaaaaaaaaaa. Sana magma moment na!!! Hahahaha. Go go. Sana maging sila na ulit!!!
TheArvie99 #7
thanks for updating :) ...
kgmelagi #8
thanks ..plssssssss more and more upload's we love kimerald ,,miss na miss na natin sila kaya dito nalang kami babawi thanks a lot,,
KG4life #9
Hahaha epal talaga si Dr. Alex...hmmppp! And natatawa ako kay kuya ge...lol :D