Chapter 42
Till My Heartaches...END!
Mag-gagabi na pero hindi pa rin nagtetext si Gerald sa akin. Pero sabi naman niya sabay na lang daw kami mag dinner. Nag dvd marathon na lang muna kami nila Tin2, si Maja sumunod naman dito. Ang iingay nga nilang tatlo eh, pero tumahimik na lang sila ng nanuod na kami ng The Vow. Pero umingay rin dahil sa iyak nila lalo na itong si Maja. Sakto naman na tapos na yung movie ng magyaya si Tin2 na pumunta daw kami sa rooftop.
“Girls, punta tayo ng rooftop.”
“Ha? Meron ba dito?” tanong naman ni Maja.
“Oo, tara. At sure ako ma-aamaze kayo sa ganda ng view. Sakto malapit na mag sunset.”
“Tara-tara.” Bigla naming na excite itong si Kakai.
Nag-ayos lang akmi ng konti ng mga sarili naming at pumunta na kami sa rooftop. Siguro ilan lang din ang nakaalam na meron yan dito, kasi hindi talaga kita. Parang pinasadyang itago. Medyo masikip yung hagdan kaya isa-isa kaming pumanhik, ako ang nasa pang huli. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan, pero dahil sa ingay ng tatlo hindi ko namalayan na nandun nap ala kami. At grabe, sobra-sobra akong na amaze sa lugar. Kasi with decorations pa talaga at bakit parang may mga table dito? Nakita kong nakangiti lang ang tatlo habang ako ay taking-taka sa mga nangyayari. Nagulat na lang ako ng biglang lumabas si Tita Baby.
“Tita? Ano po ang ginagawa niyo dito?” nagtataka kong tanong sa kanya.
“Aba, may nagpapunta dito sa akin. Ayaw ko nga sana pero pinilit ako eh.”
“Ha? Sino po? Teka…” hindi na ako natapos magsalita ng biglang may tumawag sa akin.
“Kimmy…” napalingon ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero bigla na lang tumulo ang luha ko. Ewan ko siguro masaya lang ako. Lumapit si Ge sa akin.
“Shhhh. Tahana. Paano ko naman sisimulan to’ kung umiiyak ka na.” sabay pahid niya ng mga luha ko gamit ang kanyang kamay.
“Sorry.” Yun na lang ang nasabi ko.
“Kimmy, alam kong hindi pa maliwanag sa ating dalawa kung ano man ang meron tayo ngayon. Pero alam mo ba sa bawat araw na kasama kita naramdaman kong naging kompleto ang pagkatao ko. I regret the day that I let you go and the times that I wasted na dapat tayong dalawa ang magkasama. I realized how empty my life without you. Pero sabi nga nila forget the past and make new memories. Kimmy…” he sigh… “Kimmy… I can’t afford to spend my life again without you, so now will you make me the most happiest man alive?” pagkatapos ay bigla siyang lumuhod. “Kimmy, my love, my honey, my babe… will you marry me?” at nilabas niya ang isang box at binuksan ito.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Ito na ba yun Lord? Please guide me sa maging decision ko. Sana tama itong gagawin ko. pero may naisip ako, masyado na kasi kaming seryoso. Lumingon ako sa kanila Maja at parang naiiyak na rin sila.
“Teka lang Ge ha…” bigla naman kumunot ang mukha niya.
“Ha? Kimmy? Please kung ayaw mo…” pero di ko na siya pinatapos bigla akong lumapit sa tatlo at bumulong sa kanila. Pagkatapos ay tumawa lang sila. Pati si Rayver sinama ko rin. Ok na sila, kaya humarap na ako kay Gerald. Nakayuko ito kaya tinawag ko.
“Anderson, harap dito.” Sigaw ko at humarap naman siya. Tapos nag line silang apat si Rayver pang huli. Unang sumigaw si Maja ng Y, sunod si Kakai, E, tapos si Tin2 S at pang huli si Rayver, exclamation point. Hahahaha. At bigla kaming nagtawanan nakita kong napangiti si Gerald. Tumabi ako kay Rayver. “Yes, Mr. Anderson a thousand times.” At tumakbo ako papunta sa kanya at binuhat niya ako.
“Wohoooooooooooooooooooooooooooooooo.” Sigaw ni Gerald. “Thank you Kim.”
“Ge, baba mo na ako.” Binaba niya ako and then he kissed me. I was taken off guard but he managed to hold me. I kissed him back. Narinig ko na lang na nagsisigawan na ang mga kaibigan namin. Pagkatapos nun ay nag congratulate ang mga kaibigan naming sa amin at kumain na kami.
Comments