Chapter 65

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


"Hyun?" tawag ni Seulgi sa girlfriend pagpasok niya ng unit nila.


Naabutan niya ito sa kwartong nagsasalansan ng mga tinuping damit. Alam niyang narinig siya ni Joohyun pero hindi pa rin ito nagsalita.


"Mahal...kausapin mo na ko." sabi ni Seulgi.


Tumigil si Joohyun sa ginagawa at hinarap ang girlfriend. "Magpapaliwanag ka na ba ng maayos?"


"Opo." hinawakan ni Seulgi ang kamay ni Joohyun at hinila ito paupo sa kama.


"Mag-explain ka, Seulgi. Napakalayo ng inaasal mo sa'kin sa totoong ugali mo pag tinatanong kita tungkol sa trabaho. Sa ibang issue wala naman tayong problema, ang bilis bilis lang natin napapag-usapan."


"Sorry, mahal. Ako lang talaga yung may mali dito."


"Bakit nga, mahal?" Joohyun's soft tone made Seulgi's heart ache. Guilty.


"Una muna gusto kong sabihin na sobrang thankful ako sa'yo kasi kahit na hirap ka na sa schedule natin nagtitiis ka pa rin."


Tahimik na nakikinig si Joohyun. Sinusunod lang din niya yung payo ng bestfriend na bigyan ng chance magpaliwanag si Seulgi.


"Kaya ako kumuha ng mas maraming schedule sa training center kasi may pinagiipunan ako." tumingin si Seulgi sa girlfriend at iniintay na magsalita ito pero tumango lang si Joohyun signalling her to continue talking.


"Para sa future natin, mahal." sabi ni Seulgi.


"Yan din yung sinasabi mo sa akin, Seulgi. Ipaliwanag mo ng mabuti yan."


"I-i'm... Haaay. Surprise dapat 'to pero kailangan mo na rin malaman talaga. Yung ipon natin enough lang para sa school expenses at gastos natin sa bahay hanggang ngayong taon. You still have clerkship and after graduation internship naman. I want to give you a comfortable life after you finish school."


"I understand. But, after that naman makakapag-work na ako. Matutulungan na kita."


"Alam ko naman yun, Hyun. Pero diba mas okay kung financially stable na tayo by that time?"


"Anong ibig mong sabihin?"


"Kung papayag ka naisip kong magtayo ng sariling cafe natin. Mas malaki ang pera sa negosyo kesa sa habang-buhay tayong nagtatrabaho. Kaya doble-kayod ako ngayon pa lang para may capital tayo pang-invest." sabi ni Seulgi.


"Di naman ako naghahangad ng fancy lifestyle, mahal."


Tumango si Seulgi. "Pero kasi mas maganda kung...kung.." nakaramdam ng init sa leeg na umakyat hanggang sa mukha si Seulgi. "Luuuuuh kinikilig ako iniisip ko pa lang." nagtakip ito ng mukha.


Punong puno ng amusement ang reaksyon ni Joohyun sa kilos ni Seulgi. "Kulit, seryoso na kasi. Anong nakakakilig dun?"


"Kasi...diba napagusapan natin noon na willing naman tayong magka-kids kapag settled na tayo?"


"Oo pero lost pa rin ako. Explain."


"Hyun naman eh. Gusto ko kasi kapag may baby na tayo kaya ko kayong suportahan, yung lahat ng needs niyo kaya kong ibigay. Syempre pag buntis ka di ka naman makakapag-trabaho."


Natawa si Joohyun. Ito pala yung dahilan ng misunderstanding nilang dalawa. "Pumayag na ba akong magbuntis?" biro niya.


Nag-pout si Seulgi. "Alam mo naman di ako pwede dahil sa sakit ko eh."


"Joke lang, mahal. I'll carry our baby pero maghanap muna tayo ng maayos na donor ah?"


Masayang tumango si Seulgi. "tsaka future plans pa lang naman yan. After internship mo o kung gusto mong mag-residency, susuportahan kita."


"Since matagal pa naman 'to pwede bang ako naman ang mag-request? Pwede bang mag-slowdown ka kahit kaunti? Marami pa tayong oras to fulfill our dreams." malambing na tanong ni Joohyun.


Inakbayan ni Seulgi si Joohyun na nakaupo sa tabi niya. Hinila papalapit sa kaniya at tsaka niyakap ng mahigpit. "Pasensya ka na, mahal ah? Di ko naisip na nahihirapan ka rin sa ginawa ko. Masyado akong nakatingin sa future natin nakalimutan kong alagaan yung ngayon." sabi ni Seulgi. 


"I'm glad nakaipon ka ng lakas ng loob sabihin sa'kin. Mag-so-sorry din ako mahal kasi nabubunton ko na sa'yo yung stress ko. Naaawa na ako sa'yo dahil wala kang tigil sa trabaho. Di ka na nakakapagpahinga tapos pag-uuwi ka dito tumutulong ka pa sa house chores." paliwanag ni Joohyun. 


"Aayusin ko na po. I will talk to my manager. This time, magpapabawas na ako ng sched sa training center. Babawasan ko na rin yung pakikipag change shift ko kay Byul sa diag. Masyado na niya naeenjoy ang dayshift." natatawang sabi ni Seulgi.


"Tsaka, mahal?"


"Hmmm?"


"Nagtampo ko sa'yo kasi sabi mo gagawan mo ng paraan pag busy ako pero mas busy ka pa sa'kin. Akala ko nagsasawa ka na kaya gusto mong magtrabaho na lang lagi."


"Of course not, hinding hindi ako magsasawa sa'yo, sa atin."


"I'm sorry, for a moment nagduda ako dun."


"Kasalanan ko rin naman kasi di ko naipaliwanag ng maayos."


"I miss you, sobra." humalik si Joohyun sa leeg ni Seulgi na siyang ikinatayo ng mga balahibo nito sa katawan. "I miss your touches..." pag-amin ni Joohyun while softly brushing Seulgi's collarbone with her fingers. 


Di niya alam anong pumasok sa isip niya at nagkaroon siya ng lakas ng loob mag-initiate. She started ing Seulgi's shirt with her left hand, peppering her girlfriend's jaw with feather-light kisses while her other hand is busy fiddling with Seulgi's hair.


Nang matapos niyang i- ang damit ng girlfriend ay di na siya nag-aksaya ng panahong halikan si Seulgi sa labi. 


Soft pair of lips against hers. Gentle kisses na habang tumatagal ay lumalalim. 


"Mahal..." sabi ni Seulgi. Niyakap niya si Joohyun at hinila papunta sa kandungan niya. Joohyun followed and geny straddled her. 


Natigil pansamantala ang halik ng bumulong si Joohyun. "Undress me."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Tol, okay na kayo ni Joohyun?" tanong ni Byul kay Seulgi. 


"Okay na, 'tol. Nakapag-explain na ako."


"Buti naman kasi mukha kang ewan sa ginawa mo. G na g kang magtrabaho di mo naman inalala yang health mo tsaka yung stress na nabigay mo sa inyong dalawa."


"Oo nga, buti na lang Wendy knocked some sense into me." 


"Kunin ko na lahat ng night shift mo for this month, 'tol. Tutal naman ilang buwan din akong day shift dahil sa kakapa-change sched mo sa'kin eh."


"Hala crush mo talaga ako noooo? Thanks 'tol."


"Gago hirap lang kasi yung laging puyat nakakasira ng ganda." depensa ni Byul. 

 

 

 

 

 

 

 


"Mama, sana po nagtext ka para nasundo kita. Ang dami nitong binitbit mo."


"Ayos lang, anak. Pinag-book naman ako ni Seulgi ng grab."


"Alam ni Seulgi na pupunta ka?" takang tanong ni Joohyun. 


"Oo kasi magpapasundo sana ako sa kaniya kaso may pasok pala siya."


"Kay Seulgi ka nagtext tapos sa'kin surprise?" biro ni Joohyun. 


"Aba eh kung ikaw lang ba ang may hawak ng manibela eh di sa'yo ako nag-text."


"Ma, masyado ka ng nahahawa kay Yeri." sabi ni Joohyun habang tinutulungan ang ina na mag-unpack ng pinamili. "Ang dami naman po nito."


"Medyo maganda ang kita ng store kaya ipinamili ko na kayo."


"Baka naman po kulangin kayo pang-gastos sa bahay?" 


"Wag kang mag-alala, yung kapatid mo binibigay sa akin ng buo ang sahod niya. Naku parehas na parehas kayo ng sinabi ni Seulgi."


"Ang bilis ng panahon 'no, Mama? Dati binibigyan lang natin ng baon si Yeri ngayon nakakatulong na siya sa inyo." proud na sabi ni Joohyun. 


"Mabait na bata yang kapatid mo kahit na makulit. Mukhang hindi pa nga nakakabili ng kahit anong luho para sa sarili niya, pang-gastos lang niya pagpasok ang kukunin tapos ibibigay na sa akin lahat."


"Baka gusto po muna niyang tumulong sa inyo bago magluho." sagot ni Joohyun. 


Nang matapos silang mag-ayos ng mga pinamili ni Tita Jean, inaya siya nitong mamahinga sa living area. 


"Nak, halika nga muna dito may ibibigay ako sa'yo."


Naupo si Joohyun sa tabi ng nanay at isinandal ang ulo niya sa balikat nito. 


"Namiss mo ang mama, no? Kumusta kayo ni Seulgi?" 


"Ayos naman po." nag-pause siya saglit. "Ma, naalala mo po noong kinausap kita sa bahay para payagan akong maging masaya kasama si Seulgi?" 


Tumango si Tita Jean habang nire-recall ang confrontation nilang mag-ina noon. 

 

 

 

 

 

 

    "Mag-aapat na taon na akong masaya, Mama. Hindi ko po alam kung kasing saya ba ng pagsasama niyo ni Papa yung sa amin ni Seulgi pero hindi ko po ipapagpalit yung halos 4 years na karamay ko si Seulgi sa lahat ng pangyayari sa buhay ko."     "Masaya akong masaya kayo ni Seulgi. Kitang kita ko sa mga mata mo yung kislap sa tuwing mababanggit ko si Seulgi."     "Posible po pala yun, 'no? Yung kahit ang tagal na naming magkasama ang lakas pa rin ng pintig ng puso ko kapag naririnig ko yung pangalan niya."     "Ganyan talaga kapag minamahal mo ng buo ang isang tao, kahit na palagi kayong magkasama eh parang kulang na kulang pa rin yung oras. Excited ka pa ring makasama siya."     Natawa si Joohyun sa sinabi ng nanay niya dahil naalala niya yung huling pagtatalo nila ni Seulgi.      "Kailan lang Ma, nag-away kami ni Seulgi."     "Talaga?" takang tanong ni Tita Jean.      "Yun na ata ang pinakamalalang away namin pero di naman po kami umabot sa sigawan."     "Anong nangyari?"      "Parang sa sinabi niyo po na kahit na palagi kaming magkasama eh parang kulang pa rin yung oras. Nagtalo po kami tungkol sa schedule ng trabaho niya. Masyado kasing masipag si Seulgi, Mama. Ang dami niyang plano para sa amin nababalewala na niya yung sariling katawan niya."     "Nagkaayos na kayo?" nakangiting tanong ng nanay ni Joohyun.      "Opo pero bago nangyari yun dalawang araw ata kaming nagiwasan. Nung nagkabati kami tsaka ko lang po na-realize na kaya pala ako inis na inis dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kaniya. Dahil dun sa inis ko na yun hindi ko na iniintindi yung gusto niyang sabihin. Yun po pala kaya siya trabaho ng trabaho dahil iniisip niya na yung future namin after med school."     "Anak, alam mo ang napansin ko sa batang yun kapag may gusto siyang gawin o makuha binibigay niya lahat para matupad. Kaya ka nandyan para tulungan siyang i-balanse yun kung nakikita mong sobra na."     "Ngayon ko lang din po na-realize yan. Nauna yung inis ko bago ko siya intindihin, siguro dala na rin po ng pressure sa pag-aaral."     "Hinay-hinay lang kayong dalawa. Unti-untiin niyo, tignan mo pasasaan ba't makukuha niyo rin yung mga plano niyo sa buhay." payo ng nanay niya. "...pero nak, may pagka-ano ka talaga, 'no? Ano ngang tawag niyong mga bata dun? Clingy?" biro ni Tita Jean.      "Mama naman eeeeeh..." Joohyun whined.      "Di naman kita masisisi dahil ganyan na ganyan ang Papa mo noon. Hangga't may pagkakataon gusto niyang nasa tabi ko lang. Wag kang magaalala, pinag-awayan din namin yan noon."     "Mama, di ko maitanggi. Parehas talaga kami ni Papa." natatawa na lang si Joohyun.      "Manang-mana ka, nak. Ay! Teka muntik ko pang makalimutan. Oh ito pinabibigay ng Tita Kris mo." inabot kay Joohyun ang isang white envelope.      Pagbukas niya ay napanganga na lang siya sa gulat dahil naglalaman ito ng pera. Big amount of cash.     "Ma, para saan daw po ito?"     "Sa akin pinadaan ni Kris yan dahil tinanggihan mo daw siya noon. Regalo niya daw sa'yo yan, pangdagdag sa panggastos mo sa school."     "Ang laki po nito. Baka kasya na nga po 'to sa expenses ko next sem. Nakakahiya po kay Tita."     "Hayaan mo na ang Tita Kris mong bumawi sa inyo. Gusto niyang tumulong dahil hindi daw niya nagawa yun sa Papa mo noong nabubuhay pa. Tawagan mo na lang ang Tita mo at magpasalamat ka."     "Malaking tulong po ito Ma, pero kakausapin ko po muna si Seulgi. Ayoko pong magdesisyon mag-isa tungkol dito."     "Okay, nak. Pag-usapan niyong maigi."     Natuwa si Joohyun sa blessing na natanggap niya ngayon dahil siguradong makakatulong ito sa kanila ni Seulgi.                                     Fourth year sa Med school. Clerkship.     "Sakto dating ko!" sabi ni Seulgi paglapit niya sa kaibigan. "Pwede bang akin na lang off mo sa monday? First day kasi ng duty ni Hyun gusto ko siya ihatid."     "Sige palit tayo pero shet, 'tol. Clinical clerkship na nga pala siya no?" sagot ni Byul.      "Oo, 'tol. Malapit lapit na siya sa finish line." proud na sabi ni Seulgi.                                 Alas sais pa lang ng umaga ay nakahanda na si Seulgi para sa unang araw ng clinical clerkship ng girlfriend niya.      "Mahal, tagal ka pa? Baka ma-late ka." excited na tanong ni Seulgi sa babaeng palaging nagpapaganda ng umaga niya.     "7AM pa naman relax ka lang, mahal."      "Baka matraffic tayo eh." sagot ni Seulgi habang nakasandal sa pinto ng kwarto at pinapanood mag-ayos ang girlfriend.     Nilapitan siya ni Joohyun at pinisil ang pisngi. "Kulit, mas excited ka pa sa'kin. Ang cute mo, 5 mins lang by car nasa school na tayo."     "Eh kasi ayokong ma-late ka sa first day mo."     Ipinatong ni Joohyun ang mga kamay sa magkabilang balikat ni Seulgi at nag-tip toe para mag-abot ang
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
893 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
346 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
#5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
893 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
893 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.