Chapter 61

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

“Happiness is a choice, not a condition. I choose to be happy.” sabi ni Seulgi. Napatingin naman sa kaniya si Joohyun na abala sa pagtutupi ng mga damit nila.

 

 

"Ano daw?" tanong ni Joohyun. 

 

 

"Yun sabi dito sa article." pinakita ni Seulgi yung binabasa niya sa cellphone. 

 

 

"Powerful Mantras When You're Having A Bad Day?" binasa ni Joohyun yung title ng binabasa ni Seulgi. "Pano ka nakarating diyan?" asked Joohyun with an amused expression.

 

 

"Nakita ko lang sa feed. Nanonood kasi ako ng Yoga videos."

 

 

"Okay...gusto mo i-try yung yoga?" tanong ni Joohyun na bumalik na sa pagtutupi ng damit. 

 

 

Umiling si Seulgi. "Ayaw. Feeling ko mababalian ako ng buto. Kaya naman ng sit-ups ma-maintain 'to eh." sabi ni Seulgi habang nakahawak sa tiyan. "Pero mahal? Ang galing 'no? Yung binasa ko kanina similar dun sa lagi mong sinasabi."

 

 

Tumingin ulit sa kaniya si Joohyun, inaantay siyang magpatuloy sa pagsasalita. 

 

 

"Yung kahit na may gawin sa ating kasalanan o ma-disappoint tayo sa ibang tao kaya nating maging masaya kasi nasa atin yung choice to feel better." tinabihan niya si Joohyun na nakaupo sa carpet at niyakap. "I know you're still hurting kahit na sinasabi mong okay ka na." malambing na sabi ni Seulgi.

 

 

Seulgi's hugs give her solace sa ganitong mga pagkakataon. "It's been weeks pero masakit pa rin."

 

 

"Ramdam ko, mahal. But I'm very very proud of you. Kahit na nasaktan ka nagawa mo pa ring patawarin siya."

 

 

"We both need it. Nakatulong yun para mapagaan yung dibdib ko." yumakap at siniksik ni Joohyun ang mukha sa leeg ni Seulgi. 

 

 

"Let's follow that mantra? Move forward na?"

 

 

Tumango si Joohyun. "Let's choose to be happy." 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

It was a painful experience pero maraming natutunan si Joohyun. Kahit na may kaunting kirot pa rin sa puso niya kailangan niyang magpatuloy. Life goes on, ika nga. Kaya heto siya't may hawak na ballpen at papel, naglilista ng kung ano-ano. Para saan? 

 

 

Eksaktong isang buwan mula ngayon ang start ng klase nila Joohyun kaya naghanda siya ng listahan ng mga gusto niyang gawin para kay Seulgi, kasama si Seulgi. Ang gusto niya bago mabawasan ang oras niya para sa girlfriend, magawa niya kahit kalahati man lang ng naisulat niya.

 

 

And on top of her list is...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

....baking.

 

 

 

"Hello, Wendy?" 

 

 

"Joohyun! Napatawag ka?" 

 

 

"Busy ba kayo ni Joy ngayon?"

 

 

"Hindi naman, nandito si Joy sa bahay nanonood lang. Rest day eh." sagot ni Wendy. "Hello, Joooooo! Nagtatampo ako ah ilang linggo na kitang hindi nakikita tapos kay Wendy ka tatawag para mangamusta? Nagpalit ka na ba ng bestfriend?"

 

 

"Wag ka na magtampo, Joyie. Punta kayo dito ni Wendy." aya ni Joohyun. 

 

 

"Biglang bawi! Pero sure pa-swim ah?!" sagot ni Joy. "Love tara kila Joo swim tayo." sabi ni Joy kay Wendy. 

 

 

"Joy! Next time na kayo mag-swim. Tulungan niyo na lang akong mag-bake."

 

 

"Mag-bake? Diba marunong ka naman?" tanong ni Wendy. 

 

 

"Oo pero not as good as you. Gusto ko kasing ipag-bake ng carrot cake si Seulgi."

 

 

"Aaaaaaah. Déjà vu." nakangising sagot ni Wendy. Naalala niya noon yung ilang araw na pagpa-practice ni Seulgi para lang mapakain si Joohyun ng matinong cake. 

 

 

"I knoooow! Pero wag kang magalala I will make sure na gagalingan ko on my first try."

 

 

"Jusko dapat lang, Joohyun. Imagine mo na lang lahat ng ingredients na nasayang namin ni tropa kaka-practice niya."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Joo, how's life ba? Kumusta pagiging full time misis?" biro ni Joy habang gine-grate ang carrots.

 

 

"It's fun. I get to spend more time with Seulgi. Tapos tipid sa gas and food expenses kasi napapagluto ko siya ng lunch, bihira na rin siyang mag-kotse papasok."

 

 

"Wow hindi tinanggi. Feeling misis ka na talaga." sabat ni Wendy sa usapan ng mag-bestfriend. 

 

 

"Oh." Joohyun said with a sheepish grin. "Ano kasi...ang daming nagsasabing para na kaming kasal ni Seulgi kaya nasanay na rin ako." paliwanag niya.

 

 

"Well, tama naman sila. You're living together, planned out na future niyo, tapos you have joint savings pa since college. Ceremony na lang kulang." tinulak bahagya ni Joy ang bestfriend para asarin. 

 

 

"Ano ba...naman eh." pa-cute na sagot ni Joohyun. 

 

 

"Oh my gaaaad, Joohyun. Tigilan ah wala dito si Seulgi. Wag kang magpa-cute."

 

 

"Excuse meeee? Hindi ako nagpapa-cute." depensa ni Joohyun. 

 

 

"Kinikilig lang talaga ako pag napapag-usapan yung kasal." Bahagya siyang natigil sa paghahalo ng dry ingredients nang tumunog ang phone niya. 

"Wendy?" nakangiting tawag niya sa kaibigan habang pinapakita ang mga kamay niyang puno ng harina. "Pasuyo naman ng phone, please?"

 

 

"Ano pa nga ba? Kamay ko lang ang malinis dito." Kinuha ni Wendy ang phone ni Joohyun na nakapatong sa table. "Si Seulgi nagtext." sabi niya sa kaibigan pagkabasa sa notification. 

 

 

"Pwede pa-open ng message?" pakisuyo ni Joohyun. 

 

 

"Password?" 

 

 

"Birthday ni Seulgi." nakangising sagot ni Joohyun. 

 

 

Napailing si Wendy habang nakangiti. "Sabi na eh. Can't you be more creative?" 

 

 

"Bakit ba? It's something special to me." 

 

 

"Cheesy." Binuksan ni Wendy ang phone at pinakita kay Joohyun ang message. "Oh ayan na baka may mabasa pa akong nakakatakot diyan eh."

 

 

Natawa si Joohyun sa nabasa niya. "Gago talaga." sabi niya pero abot tenga naman ang ngiti niya. Di alam ni Joohyun na nakibasa pala ng text si Joy sa tabi niya. 

 

 

"Miss na kita baby hindi ko na kaya. Sobrang saya ko na muli tayong magsasama. Pangako na 'di ka na maghihintay at hindi ka na malulungkot. Malapit na ko, baby. Pauwi na ako." binasa ni Joy ang text. "Joo, lyrics ba yan muntik ko nang kantahin eh?" nakasimangot na tanong ni Joy. 

 

 

"Haha oo. Ganyan yan bigla na lang magtetext ng kalokohan. One time, nagsend ng voice message. Akala ko importante so pinlay ko agad. Gusto ko na lang maglaho bigla kasi nagra-rap pala siya. Kasama ko si Mama nun, Joy!" nahihiyang natatawa si Joohyun habang nagku-kwento.

 

 

"Nakakahiya si tropa. Ang ganda ng boses hindi man lang love song yung ni-record." sabi ni Wendy. 

 

 

"Hiyang hiya ako nun kay Mama kung alam niyo lang."

 

 

"Jusko buti kinakaya mo pa ang buhay, Joo. Ano daw palang rap yun?"

 

 

"Simpleng Tao daw title nun. Hindi ako pamilyar sa song kaya nung magkasama na kami pinapanood pa niya sa'kin yung video nun. Favorite daw nila ni Lisa yun."

 

 

Napahawak na lang sa mukha si Wendy. "Hindi na sila naka-move on sa kantang yan. Favorite talaga yan ni Lisa nahawa lang si Seulgi." tumalikod na lang siya para i-preheat yung oven. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagku-kwentuhan sila Joohyun at ang mga kaibigan niya sa kusina habang nakasalang sa oven yung bine-bake niyang carrot cake. Hindi pa siya ganun ka-confident na magugustuhan ito ni Seulgi pero excited pa rin siyang makauwi ang girlfriend. 

 

 

"Di mo naman pala kailangan ng tulong ko eh. Kaya mo naman konting tips lang binigay ko." sabi ni Wendy. 

 

 

"Ayoko kasing masayang yung ingredients kaya I asked for your help."

 

 

"Masarap yan for sure. Amoy na amoy ko na oh." sabi ni Joy habang nilalanghap ang aroma ng cake. 

 

 

"Sana magustuhan ni Seulgi." tumayo si Joohyun at pumasok sa kwarto. Paglabas niya ay may bitbit siyang bathrobe. 

 

 

"Maliligo ka?" tanong ni Joy. 

 

 

"Hindi. Kay Seulgi 'to. Nagtext nasa entrance na daw siya." sagot ni Joohyun. Isinabit niya ang dalang bathrobe sa loob ng toilet. Paglabas niya ay dumeretso siya sa ref at nagsalin ng malamig na tubig sa baso. Ipinatong niya ito sa kanilang dining table at tsaka bumalik sa pwesto niya sa harap si Joy. 

 

 

Nakatitig lang kay Joohyun ang bestfriend niya habang may malaking ngiti sa mukha. 

 

 

"What?" tanong ni Joohyun. 

 

 

"Kay Seulgi yung tubig?" tanong na Joy, hindi pa rin nawawala yung ngiti. 

 

 

Tumango si Joohyun. "Umiinom yun ng tubig lagi pagdating."

 

 

"Oooh okay. Sweet mo, 'no?" pangaasar ni Joy. 

 

 

"Ha? Anong sweet dun?" 

 

 

"Small gesture

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
888 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
340 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
888 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
888 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.