Chapter 58

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


"Mahal, nag-aaya sila Jooyoung bukas after duty. Magpapa-despedida daw sila kasi last day ko na. Sama ka ah? Morning shift ka rin bukas diba?" malambing na aya ni Joohyun. 


"Hala mahal, naka-oo na ako kahapon kay Byul sa change sched namin. May family dinner daw sila bukas." apologetic na sabi ni Seulgi.


Natahimik saglit si Joohyun. "Ganun ba? Kanina lang kasi sinabi ni Jooyoung." malungkot na sabi niya habang naka-pout. 


"Sorry, mahal...di ko na kasi mababawi yun. Bayad utang yun dun sa pagko-cover niya sa'kin nung leave ko nung exam mo."


Napabuntong-hininga si Joohyun dahil wala naman siyang magagawa. Late na sinabi ni Jooyoung na may hinanda silang party para sa kaniya kaya di rin niya nasabihan si Seulgi agad. Lumapit si Joohyun sa girlfriend at yumakap na lang para itago ang disappointment. "Sundo mo na lang ako, please?" sabi ni Joohyun habang bahagyang nakatingala sa kayakap niya. 


"Of course." humalik si Seulgi sa ilong ni Joohyun. "Kahit na di ka magpa-cute ng ganyan susunduin kita. Anong plano niyo? Saan daw ba kayo bukas?"


Napangiti si Joohyun sa sinabi ni Seulgi. Nawala na yung disappointment na naramdaman niya a few seconds ago dahil hindi makakasama ang girlfriend. Sa mga ganitong pagkakataon nagiging madali at okay ang lahat. With Seulgi by her side, everything seems easy. 


"After ng duty bukas uuwi muna kami para mag-prepare tapos sabay-sabay na kami nila Joy pupunta sa venue. Sa The Beech sa may Panay Ave daw sabi ni Jooyoung." sagot ni Joohyun. Nakaabang siyang mabuti sa magiging reaksyon ng girlfriend. 


"The Beech? Yung bar?" napakunot-noo si Seulgi. "Sino sino nga kayo bukas? Anong oras kayo uuwi? May mga dala ba silang sasakyan?" sunod sunod na tanong nito. 


"Mahaaaal...susunduin mo naman ako diba? Don't worry binook naman nila yung private room dun kasi gusto rin nila mag-videoke at tsaka kasama sila Kibum. May bantay kami." 


Nabawasan ng kaunti yung pagkunot ng noo ni Seulgi dahil narinig niyang kasama nila Joohyun sila Kibum. Malaki kasing bar ang The Beech at sikat na puntahan ng mga gustong mag-inom at mag-unwind. Marami ring bar sa paligid kaya hindi imposibleng iba't ibang klase ng lasing ang makasalamuha nila doon. Isa si Kibum sa mga male nurses sa ward nila Joohyun na naging kaibigan na rin ni Seulgi kaya nabawasan yung pag-aalala niya nung sinabing kasama ito. She trusts the guy enough para kahit paano ay maibsan ang worry niya. 


"Wrong timing naman yung change sched namin ni Byul." bakas pa ang panghihinayang sa mukha ni Seulgi. "Alam ko party para sa'yo yun pero please, hinay lang sa pag-inom? Baka di mo masabayan lakas nila sa alak tapos wala ako dun di kita maaalalayan." bilin ni Seulgi. 


"Promise konti lang iinumin ko and I'll update you everytime I can." sabi ni Joohyun habang tinataas ang kanang kamay niya to make a promise sign. 


Umiling si Seulgi. "You don't have to do that. Di mo maeenjoy yung party kung gagawin mo yun. Okay na kong malaman na nakarating kayong safe dun. Basta don't get drunk, wait for me kasi susunduin kita at tsaka kung lalabas ka ng room make sure na may mga kasama ka ah?" 


"Opo. Di ako aalis dun hangga't wala ka. Magpapasama ako kay Joy at Wendy na antayin ka." nakangiting sabi ni Joohyun.


"Enjoy ka dun ah? After niyan ilang months na lang puro libro na kaharap mo." biro ni Seulgi. 


"Ugh...ayoko pa isipin, mahal." napapikit si Joohyun. Excited siyang magstart ang klase pero di niya maiwasang kabahan dahil hindi biro yung tatahakin niyang landas. Sa ngayon, gusto niya munang sulitin ang bawat opportunity na dadaan sa kaniya para mag-saya at ma-enjoy ang natitirang oras niya bago sumabak sa madugong giyera ng pag-aaral. 


"No pain no gain, Doc Bae!" Seulgi ruffled Joohyun's hair. "Ay pakisabi pala kay Jooyoung salamat for organizing the party tsaka sorry kasi di ako makakasama." dugtong niya. 


"I will. Sayang nga kasi sched mo agad naisip niya nung sinabi niya sa akin yung plano. Sabi ko available ka dahil ang alam ko nga morning shift ka. Excited pa naman daw siyang makasama ka."


"Sayang nga. Gusto ko pa naman mag-videoke."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Huling araw ng duty ni Joohyun sa ospital na pinapasukan nila ni Seulgi. Di niya maiwasang malungkot dahil ilang taon din ang nilagi niya sa institusyong humubog sa talino at skills niya bilang nurse.


Pag-daan nila ni Seulgi sa lobby napatigil siya sa paglalakad. "Mahal, alam mo ba nung unang beses na pumasok ako dito sobrang excited ko kasi sa wakas after ng 4 years sa college at ilang buwang pagrereview sa boards mapa-practice ko na rin yung lahat ng inaral natin. Pero ang nakakatawa, after ng first day ko dito gusto ko nang mag-quit agad." kwento ni Joohyun.


"Bakit naman? Eh matagal mong pangarap mo yun?" takang tanong ni Seulgi sa girlfriend niya.


"Kasi sobrang na-drain yung energy ko noon. Muntik pa akong magka-medication error. On my first day, nasabon agad ako ni supervisor." natatawa si Joohyun habang nire-recall niya yung kapalpakan niya sa unang araw niya sa ospital.

 

 


"Aaaah haha. Gets ko na, mahal. We all started like that naman diba? No one starts off being excellent agad."


"I know. Kaya nga nakakatawang maalala yung experience na yun. Umabot ako sa point na gusto kong mag-quit pero ang bait ni supervisor kasi after niya akong pagalitan, the next day tinutukan niya akong mabuti hanggang sa isang araw she told me, Joohyun buo na yung pakpak mo pwede na kitang pakawalan."


"Makata pala si Ma'am Lee ah." pagtukoy ni Seulgi sa supervisor ni Joohyun. "Pero tignan mo naman yung newly grad nurse na gustong mag-quit noon eh isa sa most outstanding nurses ng ospital na 'to ngayon. Ang daming good feedback ng mga patients at mga ka-work mo."


"She's a great mentor." Joohyun closed her eyes and slowly sighed. "Mamimiss ko amoy ng ospital."


Seulgi chuckled. "Pagbalik mo dito doctor na yung nakalagay na title sa ID mo." proud na sagot ni Seulgi.


Pinisil ni Joohyun ang kamay ni Seulgi as a sign na na-appreciate niya yung mga sinabi ng girlfriend niya. "Tara na? Ayokong ma-late sa last day ko."


"Wait lang." pagpigil ni Seulgi. "Tayo ka muna diyan sa gitna, mahal." turo ni Seulgi sa direksyon ng atrium kung saan makikita ang mala-higanteng pangalan at logo ng ospital. "Pi-picturan kita habang hindi pa nakatingin si kuya guard!" malakas na bulong ni Seulgi.


"Bawal mag-picture dito!" pagtanggi ni Joohyun.


"Isa lang. Dali na souvenir lang naman sa last day mo." marahang tinulak ni Seulgi ang girlfriend sa spot na gusto niya. Wala nang nagawa si Joohyun kundi ang sumunod kay Seulgi bago pa sila pagtinginan ng mga nasa paligid.

 

 

 

 

 

"Ang ganda talaga." nakangiting pailing-iling si Seulgi habang pinagmamasdan ang picture ni Joohyun na nakasuot ng scrubsuit at masayang nakangiti sa camera. Sinilip niya yung picture na tinitignan ni Seulgi sa phone habang naka-hawak si Joohyun sa braso ni Seulgi habang naglalakad sila sa hallway ng ward 2E. Wala namang special sa itsura niya sa litrato kaya napailing na lang siya sa paulit ulit na comment ni Seulgi.


"Mahal, tago mo na yang phone mo. Wag kang magtangkang magpicture dito."


"Luh takot kaya ako sa supervisor mo di talaga ako magpipicture dito."

 

 


Pagdating nila sa nurse station ang laki ng ngiti ng supervisor ni Joohyun sa kaniya.


"Joohyun, mag-audit ka na lang ng mga supplies natin ngayon. Di na kita sinama sa decking ng patients." masayang balita ng supervisor nila.


"Ma'am, nakakahiya naman po sa mga ka-duty ko." Napatingin si Joohyun kila Joy na nakangiti lang din sa kaniya habang naka-thumbs up.


"Don't worry, ang baba ng census natin ngayon kaya di sila hirap. Malapit na rin kasi magpasa ng monthly audit report eh ikaw ang pinakamagaling diyan kaya pumayag na rin silang wag ka mag-pasyente ngayon."


Natawa si Joohyun at tumingin ulit sa mga kasama niya. "Sus! Ang sabihin niyo tamad lang kayo magkalkal ng mga supplies sa likod."


Dahil sa sinabi na yun ni Joohyun napatawa ng malakas ang mga ka-duty niya. Tama kasi siya, isa sa pinakainaayawan nilang task ay ang pag-audit ng mga supplies dahil masyado itong mabusisi. 


"Thank you, Doc Bae!" sigaw ni Kibum sa may medication area. 

 

 

 

 

 

 

"Mahal, mukhang ikaw lang busy sa kanila ngayon ah." natatawang bulong ni Seulgi. "Uwi na ako para makatulog pa ako before duty. Yung mga bilin ko ah?" 


"Opo. See you later." sagot ni Joohyun.


Kumaway na si Seulgi sa mga kaibigan na nakaupo sa may table sa loob ng nurse station. Patalikod na sana siya nang biglang lumabas mula medication area si Jooyoung. 


"Uy Jooyoung!" tawag ni Seulgi. Lumingon si Jooyoung sa direksyon kung saan nagmula ang sigaw. 


"Salamat sa pag-orga..." bago pa man matapos ni Seulgi ang sasabihin niya ay tinanguan na siya ni Jooyoung, napangiti ng bahagya at agad na inilipat ang tingin sa chart na hawak. 


Napansin naman agad ni Joohyun yung unusual na pagbati ni Jooyoung kay Seulgi kaya agad siyang nagsalita. Madalas kasi ay nauuna pang bumati si Jooyoung sa girlfriend niya pero nitong mga nakaraang linggo ay napansin niyang iwas ito kay Seulgi. A stark contrast sa enthusiasm na pinakita nito nung sinabi niyang excited siyang makasama si Seulgi sa despedida party. 


"Baka maraming gagawin, mahal." mahinang sabi ni Joohyun kay Seulgi. 


"Baka nga busy lang yaan mo na." Seulgi said understandingly. 

 

 

 

 

 

 

 

9PM
1 new message from girlfriend


girlfriend: mahaaaaal, how's your duty? papunta na po kami sa bar. Sinundo ako nila Joy sa unit. :) May dalang car si Wendy. 


My love: Hi, mahaaaaaal! :') Petics lang wala gaanong naka-sched na patients. Miss na kita. Buti may dalang car si tropa.


girlfriend: can't wait to see you! Nagsend ako ng selfie sa messenger. Tignan mo look ko for tonight. 


Seulgi's heart skipped a beat. Na-excite siyang makita yung selfie na sinend ni Joohyun kaya agad niyang binuksan yung messenger app niya. 


"Holy guacamole!" sabi ni Seulgi habang pinagmamasdan ang picture ni Joohyun. 


Bumungad sa kaniya ang magandang mukha ng girlfriend, naka-high pony ang buhok na may malaking pulang ribbon. Nakasuot ito ng black off shoulder shirt paired with what seems to be Seulgi's denim skirt. Hindi siya sigurado pero sa pagkakatanda niya walang ganung shade ng skirt si Joohyun kaya baka yung sa kaniya nga ang suot nito.


Inantay ni Joohyun ang reply ni Seulgi pero na-surprise siya nang biglang tumawag ang girlfriend. Natawa siya dahil mukhang napansin na ni Seulgi yung skirt.


"Hello?" natatawang sagot ni Joohyun. 


"Help! Anong gagawin ko? Ang ganda ganda ng girlfriend ko lalo na kasi suot niya yung blue skirt ko." nagfe-fake pa ng iyak si Seulgi habang nagsasalita. 


"Ang arte arte mo talaga. Okay lang ba yung suot ko? You like my top?" 


"I am your top! Charot lang. You look beautiful, mahal. Sobrang ganda gusto ko na nga lumipad papunta diyan."


"Talaga lang ah? Yan yung black shirt na kakabili mo lang ginupit ko." 


"W-whaaaat?" nauutal na sagot ni Seulgi. Isusuot niya dapat yung black shirt na yun sa next date nila. 


"Joke lang, mahal. Gusto ko lang pakita sa'yo yung look ko." bulong ni Joohyun sa cellphone. Ayaw niyang iparinig kila Joy yung usapan nila dahil baka asarin siya. 


"Kinabahan ako kala ko ginupit mo nga. Ingat lang sa mga lasing sa paligid ah? I'm a bit worried kasi madaming manyak. Walang pinipili kahit na ano pang suot. You can wear whatever you want kahit na wala ako sa tabi mo basta magiingat ka lang. Pag nabastos ka hindi ikaw ang may kasalanan nun. Yung mga walang respeto sa babae ang dapat sisihin. Tusukin ko mata nila pag binastos ka."


Pinigil ni Joohyun mapangiti pero nabigo siya. Saan ba kasi hinulma ni Lord si Seulgi noong panahong naghiwalay sila at naging ganito kaganda ang kinalabasan. "Haaay naku inlove na naman ako." bulong ni Joohyun. 


"Ano ba yan, Joo! Di ko na kayo keri minsan ni Seulgi sa ka-cheesyhan niyong dalawa ah." sigaw ni Joy sa background. 


Natawa si Joohyun sa sinabi ng bestfriend. "Narinig ka ni Joy, Kulit!" 


"Talaga? Paki-on mo nga yung speaker may sasabihin ako kay Joy." sabi ni Seulgi. 


Nakarinig ng ilang kaluskos at mahinang tawa si Seulgi bago nagsalita ulit si Joohyun. "Naka-speaker ka na, mahal."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
889 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
341 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
889 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
889 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.