Chapter 55

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter


"Mahal, kinakabahan ako." nag-aalalang sabi ni Joohyun kay Seulgi habang binabaybay nila yung makipot na eskinita.

 

"Bakit ka kinakabahan? Ayaw mo bang ituloy?"

 

"Hindi sa ganun. Napatawad ko na si Tita and just like you told me before, naipagpasalamat ko na rin yung nangyari sa atin noon. Natatakot lang ako na baka magbalik lahat yung pain na pinagdaanan natin pag nakita ko siya ulit." paliwanag ni Joohyun.

 

"Naiintindihan ko yung takot mo, Hyun. Pero trust me pag nakita mo na si Tita Eula mababago na yang nararamdaman mo. At tsaka susunod naman dito sila Ate Tiffany at Ate Taeyeon kaya wag ka na magalala ha?" sabi ni Seulgi para mapakalma si Joohyun.

 


Pagtapos ng ilang minutong paglalakad nakarating na sila Seulgi sa bahay ni Tita Eula. 

 


"Tao po!" sigaw ni Seulgi. Nakatayo sila sa tapat ng isang maliit na bahay. Nakasarado ang pinto at mga bintana kaya hindi nila maaninag kung nasa loob ba si Tita Eula. 

 

"Tao po! Tita Eula!" sunubukan ulit ni Seulgi na kumatok habang si Joohyun ay tahimik lang sa tabi niya. Ilang attempts pa ang ginawa ni Seulgi bago sila pinagbuksan ng pinto. 

 

"Tita..." nag-aalangang bati ni Joohyun sa kaniyang tita. Magmamano sana si Joohyun kaya lang bigla na itong pumasok sa loob. Hindi man lang sila niyaya pumasok pero iniwan naman niyang nakabukas ang pintuan kaya sumunod na lang papasok ang dalawa. 

 

"Bakit kayo lang? Nasan ang anak ko? Si Taeyeon?" sabi ni Tita Eula sa dalawa habang nagluluto. 

 

"Ah...ano po...parating na rin po sila Ate Taeyeon. Nauna lang po kami kasi mas malapit pinanggalingan namin." Paliwanag ni Seulgi. 

 

Humarap sa kanila si Tita Eula na may dala-dalang tatlong pinggan at mga kubyertos. Bilang observant si Joohyun, alam niyang hindi sila welcome ni Seulgi sa maliit na tahanan na yun. 

 

"Ano bang pakay niyong dalawa sa akin?" tanong ni Tita Eula. 

 

Yung takot ni Joohyun na baka magbalik yung sakit na naramdaman niya noon ay napalitan ng awa para sa kaniyang Tita. Na-realize ni Joohyun na puno pa rin ng galit ang puso ni Tita Eula. And unlike her and Seulgi na matagal nang nakapagpatawad at nag-let go ng mga pangyayari sa pagitan nila, naiwan pa rin si Tita Eula sa nakaraan. Siguro dinadala pa rin ni Tita Eula yung mga panghihinayang at sakit sa nasirang pamilya dahil sa kasakiman niya noon. Naiintindihan na ni Joohyun yung sinabi ni Seulgi bago sila pumasok. Hindi pala sila ni Seulgi ang nangangailangan ng pagkikitang ito, ngayon niya napagtanto na kung mayroon man na higit na nangangailangan ng closure na ito, si Tita Eula yun. For her to be able to live a happy life and move forward. 

 

'...pag nakita mo na si Tita Eula magbabago na yang nararamdaman mo.' nagreplay sa isip ni Joohyun ang linyang yun. 

 

"Tita, hindi rin po kami magtatagal ni Seulgi. May gusto lang po kaming sabihin sa inyo." sagot ni Joohyun. 

 

"Ay naku kung ano man yun sabihin niyo na at abala ako sa pagluluto. Baka dumating na ang anak ko eh wala akong maihain." masungit na sabi ni Tita Eula. 

 

Hinawakan ni Seulgi ang kamay ni Joohyun dahil ramdam din niya ang hostility sa boses ng kausap nila. 

 

"Tita Eula..." huminga ng malalim si Joohyun. "...mahirap man pong sabihin pinapatawad na po namin kayo ni Seulgi sa lahat. Siguro po may nagawa rin kaming mali noon kaya tayo humantong sa ganitong sitwasyon, sana po mapatawad niyo rin kami." dugtong niya. 

 

Tita Eula scoffed and smirked at them. "Pinapatawad? Humingi ba ako ng tawad sa inyong dalawa?" 

 

"Tita Eula..." sabi ni Seulgi. "Nagpunta po kami dito para sabihin po sa inyo yun. Alam ko pong hindi kayo humingi ng tawad sa amin pero para po sa peace of mind ng lahat, kasama na po doon sila Ate Tiffany. Wala na pong galit sa loob namin ni Joohyun. Sana po ganun rin po kayo."

 

"Mga bata nga naman talaga ngayon, ano? Masyado kayong mayayabang. Wala akong panahon sa inyo." inilapag ni Tita Eula sa lamesa ang mga bitbit niyang pinggan at nagtungo ulit sa may lutuan. 

 

"Tita, ginagawa po namin ito para makaalis na tayo sa nakaraan. We hope you find peace in your heart po. Nirerespeto ko pa rin po kayo bilang tita ko at bilang nanay ni Ate Tiffany. Hindi man po ngayon, I hope someday magkasama po tayo gaya ng dati." sabi ni Joohyun. She felt tears run down her face. 

 

Naiyak siya hindi dahil sa pangit na pakikitungo sa kaniya ng tita niya kundi dahil sa gaan ng pakiramdam niya ngayon. Three years worth of pent up emotion has been freed. 

 

'Ganito pala yung pakiramdam na finally na-let go ko na lahat ng sakit.' sabi ni Joohyun sa sarili. 

 

"Wala akong panahon sa inyo." kaswal na sagot ni Tita Eula na para bang wala siyang narinig sa paliwanag ng dalawa. 

 

"Hyun, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Seulgi. 

 

"I'm fine." Joohyun genuinely smiled at Seulgi. "Tara na?" aya niya. 

 

Tumango si Seulgi at inakbayan si Joohyun. "Alis na po kami, Tita." paalam niya. 

 

Hindi na sila kinausap pa ni Tita Eula hanggang sa makalabas sila ng bahay.

 

 

 

 

 

 

Paglabas nila Seulgi at Joohyun ng pintuan sabay naman baba ni Tiffany mula sa kotse ni Taeyeon. 


"Joohyun!" lumapit si Tiffany sa pinsan dahil napansin niyang nagpupunas ito ng luha. "Hey, what's wrong? Inaway ba kayo ni Mama?" tanong niya kay Joohyun. 

 

"No, ate." yumakap si Joohyun kay Tiffany. "It felt nice to finally let go." 

 

"I'm sorry for everything." sagot ni Tiffany. 

 

"No. Don't say that, ate. Wala kang kasalanan at tsaka okay na ako. Tears of joy na 'to." sabi ni Joohyun. Sinubukan niyang magbiro para mawala ang pagaalala ng pinsan. 

 

"Bakit lumabas na kayo? Pasok tayo sa loob." aya ni Taeyeon na kabababa lang ng kotse. 

 

"Di na, Ate Taeyeon. Mauna na kami ni Hyun kasi may pasok pa bukas." nagdahilan na lang si Seulgi para hindi na sila pilitan pa ng mga ate nila. 

 

"Ganun ba? Akala ko pa naman sabay sabay tayo uuwi mamaya."

 

"Sigurado ba kayo?" tanong ni Tiffany. Nang makita niya ang pagtango ni Joohyun at Seulgi nagsalita siya ulit. "Ang hirap mag-commute pauwi iwan niyo na lang sa kotse yang mga dala niyo para wala na kayong masyadong bitbit. Ihahatid namin sa unit mo mamaya, Seulgi. Just get your valuables na lang."

 

Hindi na nagprotesta ang dalawa sa alok ni Tiffany. Pagtapos nilang maayos yung mga iiwang gamit ay nagpaalam na sila. Isang maliit na backpack na lang ang dala ni Seulgi na naglalaman ng mga kailangan nila para maka-biyahe pauwi.

 

Pagpasok ni Tiffany sa loob ng bahay ay agad niyang niyakap ang ina dahil napansin niyang nagpapahid ito ng luha. She wanted to ask what's wrong. Gusto niyang malaman kung anong nangyari sa pagitan ng kaniyang ina at nila Joohyun pero bago pa siya magsalita naunahan na siya ni Tita Eula. 

 

"Anak, miss na miss na kita." niyakap ni Tita Eula si Tiffany at nagsimula na ring tumulo ang luha niya.

 

 

 

 

 

 


"Mahal, di ka ba iidlip? Medyo mahaba pa naman biyahe natin." tanong ni Seulgi sa girlfriend. Nasa bus na sila pabalik ng Maynila. 

 

"Mahal? Tama ka. Nung nakita ko si Tita Eula nawala yung takot ko, napalitan ng awa. Yun ba yung ibig mong sabihin?"


Seulgi nodded. "Oo, alam ko yun din ang mararamdaman mo. Pagkakita ko kay Tita Eula nung isang araw, yun yung naramdaman ko. You can see na she suffered a lot. Bukod sa namayat siya wala ka ng makita sa mga mata niyang kahit anong sign ng happiness. Parang sa loob ng ilang taong wala siya sa piling ng pamilya niya parang ang dami niyang pinagdaanan." sagot ni Seulgi kay Joohyun.

 

"Ngayon ko lang din na-realize na kahit pala matagal ko nang sinabi sa sarili ko na napatawad ko na si Tita Eula may konting resentment pa rin pala akong ibinaon sa puso ko. But after letting it all out kanina, I can say na I've forgiven her."

 

"I felt that too, mahal. Ngayon masasabi na talaga nating na-let go na natin yung past natin. Makaka-move forward na tayo completely."

 

"May isa pa akong na-realize. Itong closure sa past natin kay Tita, she needs it more than us. I hope natulungan natin siya kumawala dun sa painful past natin."

 

"Hmmm...you're right. Hindi ko na naisip yan. Mas naka-focus kasi ako sa idea na mapatawad natin siya." sagot ni Seulgi. "Tama talaga na para makapagpatawad eh wag mong ikulong yung sarili mo sa mga bagay na nakapagpasama ng loob mo noon."

 

"At tsaka naisip ko rin na, oo, we may feel disappointed or angry kasi may nagawa siyang kasalanan sa atin. Pero at the end of the day ta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
893 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
347 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
#5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
893 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
893 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.