Chapter 39

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


Ganun kabilis natapos ang sem na hindi nila namamalayan. Halos dalawang buwan na rin mula nang mag-break sila Seulgi at Joohyun. Sa kabila ng mga pangyayari, nairaos naman nilang dalawa ang pinakamahirap at mabigat na finals week. Sobrang taas ng pressure kay Joohyun dahil running for magna laude na siya next year kaya hindi na rin niya talaga kinayang pagsabayin ang pagaaral at ang problema nila ni Seulgi. Alam niyang nakapagbitiw siya ng mga salitang pagsisishan niya for the rest of her life pero hindi na niya ito kaya pang bawiin. 

 

Simula nung huling paguusap nilang dalawa ni Seulgi, hindi na siya nilapitan pang muli ng ex-girlfriend. Araw araw kino-convince ni Joohyun ang sarili na what she did was best for everyone. Nakatulong siyang maisalba ang buhay ng Tita Eula niya kahit na nga ang kapalit nito ay ang happiness niya.

 

 

Clearance week.


Ayaw man niyang aminin pero palihim niyang inaabangan si Seulgi. Umaasang makikita niya ito kahit saglit lang. Gusto sana niyang humingi ng tawad dahil masyadong masakit ang mga binitawan niyang salita noong huli silang magusap. Hindi niya maitatanggi na mahal na mahal pa rin niya si Seulgi kaya kahit saglit ay pinagdarasal niyang mabigyan siya ng chance na humingi ng tawad.

 

Papunta na siya sa school library nang mapansin niya si Tita Cherry na palinga linga sa paligid.

 

"Tita, ano pong ginagawa niyo dito?" nahihiyang tanong ni Joohyun.

 

"Joohyun, anak." nilapitan siya ng nanay ni Seulgi at niyakap. "Kumusta ka na? Pumayat ka, kumain ka ng maigi tignan mo nga para kang magkakasakit niyan."nagaalalang tanong ni Tita Cherry.

 

"Naging busy lang po nung finals kaya hindi masyado nakakain. Ano pong ginagawa niyo dito?"

 

"Ay naku pareho kayo niyang si Seul..." tumigil saglit sa pagsasalita si Tita Cherry. "Ah...saan ba yung library niyo, nak? Kailangan daw kasing pirmahan ito doon para sa clearance." pinakita ni Tita Cherry ang hawak na papel na halos wala pang pirma.

 

"Dito lang po pagliko yun." turo ni Joohyun na ngayon ay lumilipad na ang isip sa kung bakit ang nanay ni Seulgi ang nagpapapirma ng clearance nito. "kung gusto niyo po ako na lang ang magasikaso niyan sa library. Dun din po ako papunta."

 

"Naku, wag na at kailangan ko pa rin naman pumunta sa registrar dahil may kukunin ako." pagtanggi ng nanay ni Seulgi.

 

"Tita, ako na lang po, iikot na rin po ako sa iba para magpa-pirma. Mas mapapabilis po kung ako na lang po. Isasabay ko na lang po sa clearance ko." pagsisinungaling ni Joohyun. Ang totoo niyan ay nakapagpapirma na siya sa lahat at library clearance na lang ang kulang niya.

 


"Ganun ba? Sigurado ka? Nakakahiya naman sa'yo."

 

"Mas okay po siguro kung sa registrar na lang po tayo magkita para ma-process na nila yung kukunin niyo po."

 

 


After 30 mins of roaming around the campus, natapos na rin ni Joohyun ang clearance ni Seulgi.

 

"Joo, mahal mo pa no? Ikaw pa talaga nagasikaso ng clearance ni Seulgi." tanong ni Joy.

 

"Hindi naman mawawala yun, Joy. Mahal na mahal ko pa rin siya at ang tanga tanga ko kasi sinukuan ko. Kung may ibang paraan lang sana." malungkot na sabi ni Joohyun.

 

"Hindi na ba talaga mababago ang isip mo, Joo? Nakapagpa-opera naman na si Tita Eula. Pwede naman na siguro kayo magcomeback ni Seulgi."

 

"Hindi ganun kasimple yun, Joy. Mas lalo ko lang gagalitin si lola kung gagawin ko yun. Baka kung ano pang magawa niya out of anger. Ayokong may gawin siya kay Seulgi kung nagkataon."

 


"Paano kung tuluyang mawala si Seulgi? Kakayanin mo ba?"

 

"Hindi ko kaya Joy, kaya noong nakiusap siya na kung pwede kahit maging mag-kaibigan lang kami tatanggapin niya. Gusto kong umoo na lang at sumangayon pero pinigilan ko yung sarili ko. Ang sabi ko bigyan namin ng time ang isa't isa na makapag-heal, na layuan muna niya ako. I am hoping na kapag maayos na kami pareho baka may chance pang kahit sa pagiging kaibigan na lang maparamdam ko pa rin sa kaniya na siya yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ang gago ko lang kasi kahit na nasasaktan ko na siya hindi ko siya kayang i-give up totally."

 

Umiling si Joy. "I don't know, Joo. Is it wise to remain friends? Baka mas masasaktan lang kayong dalawa sa ganyang set-up. Paano kung magkaibigan na kayo tapos biglang magka-girlfriend si Seulgi? You think you can handle that?"

 

"Hi...hindi ko alam. I guess, that's the price I have to pay sa pagiging selfish ko at sa mga sakit na dinulot ko sa kaniya."

 

 

 

 

 


Pagdating ni Joohyun sa may registrar ay nakita niyang may hawak na makapal na envelop ang nanay ni Seulgi with their school's logo printed on it.

 

"Mrs. Kang, yung grades po ni Seulgi for this sem will be emailed to her once available. Good luck po." sabi ng registrar.

 

Inabot ni Joohyun sa registrar ang clearance ni Seulgi.

 

"Joohyun, salamat sa tulong mo ah. Wag kang magpapagutom at wag mo papabayaan ang sarili mo. Mauna na ako." paalam ng nanay ni Seulgi.

 

 

 


Pag uwi ni Joohyun sa bahay ay naisipan niyang kumustahin ang Tita Eula niya. Dalawang buwan na rin niyang hindi nakikita ang Tita niya.

 


1 new message from Joohyun


Joohyun: Tita, kumusta na po kayo? Kumusta po yung operation niyo?

 

Walang natanggap na reply si Joohyun ng araw na yun.

 

 

 


Kinabukasan ay naisipan niyang dalawin ang Ate Tiffany niya para makibalita. Aalamin niya lang kung nagsabi na ba si Tita Eula ng tungkol sa sakit niya sa pamilya nito.

 

 

 

"Ate Tiff..." bago pa man matapos ni Joohyun ang sasabihin niya naunahan na siya ni Tiffany. 

 

"Joohyun, kailan pa? Bakit di mo sinabi sa akin na break na kayo ni Seulgi?" worried na tanong ni Tiffany. 

 

"P-paano mo nalaman?" 

 

"Does it matter? Nabanggit lang ni Taeyeon. Anong nangyari?" 

 


'Bakit nakaabot kay Ate Taeyeon yung nangyari? Ganun ba kabilis kumalat ng balita na kahit sa faculty sa school ay umabot na?' tanong ni Joohyun sa sarili. 

 

"Ano kasi, ate..." tumigil saglit si Joohyun sa pagsasalita dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sa pinsan kung ano ba talaga ang nangyari. "Kasalanan ko. Nagpadala ako sa pressure ni lola." pagsisinungaling niya. 

 

"I don't believe you. May hindi ka sinasabi sa akin." usisa ni Tiffany. 

 

"W-wala, ate."

 

Umupo sila sa couch sa sala at doon pinagpatuloy ang pag-uusap. 

 

"I understand kung hindi ka pa ready magkwento, Hyun. I want to help pero hindi ko magagawa yan kung hindi mo sasabihin sa akin kung anong ginawa ni lola." 

 

Tahimik lang si Joohyun dahil ayaw niyang sa kaniya manggaling ang totoong dahilan. Naalala pa niya kung paano nakiusap ang Tita Eula niya na wag sabihin kila Tiffany ang tungkol sa sakit nito.

 

"How are you and Seulgi? Nakapagusap na ba kayo?"

 

"2 weeks na rin mula nung huli kaming nag-usap. After nun, hindi na kami nagbigyan ng chance."

 

Hinawakan ni Tiffany ang kamay ng pinsan at hinaplos ito ng bahagya. "Talk to Seulgi. Kailangan mo siyang makausap." malungkot na sabi ni Tiffany. 

 


"Bakit, ate? Hindi ko na siya nakita after exams. I was hoping to see her sa school ngayong week kaso si Tita Cherry yung nag-asikaso ng clearance niya. Gusto ko talaga siyang makausap kasi may mga nasabi ako last time na alam kong nakasakit sa kaniya. "

 

'Tinuloy pa rin pala ni Seulgi.' Tiffany thought to herself. 

 

"Hyun, gawan mo ng paraan. You HAVE to talk to her."

 

"I will." sagot ni Joohyun na walang kaalam-alam sa totoong rason bakit iniinsist ng pinsan niya na kausapin niya si Seulgi. 

 


Nabaling na sa ibang bagay ang paguusap ng mag-pinsan nang biglang may naalala si Tiffany. 

 


"I've been meaning to ask you, may nakwento ba sa'yo si Mama?" 

 

Hindi ready si Joohyun sa tanong na ito at nagtaka rin siya bakit biglang na-shift ang usapan nila dito. 

 

"What do you mean? Ang tagal ko na hindi nakikita si Tita." maangmaangang sagot ni Joohyun. Guilt is slowly creeping in. 

 

​​​​​​

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
890 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
344 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
890 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
890 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.