Chapter 5

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

"Solgeee! Nak, gising na mag aalas otso na." nakarinig ng malakas na katok si Seulgi mula sa kaniyang pintuan kasabay ng sigaw ng ina.


Napabalikwas siya sa pagkakahiga at agad niyang tinignan ang oras. 07:45 PM.


"Sh#@!" 


Nagmamadali siyang bumaba at naghilamos.


"Nak, di mo ba susunduin si Joohyun? Kung hindi pa kita ginising eh." tanong ng nanay niya. Napalingon naman siya sa may lamesa kung saan nakaupo ang kanyang ina. Natulala na lang si Seulgi di niya alam kung anong sasabihin niya. 


"Alam mo nak, nakakatawa ka. Sa akin ka pa ba magtatago? Alam ko naman na sinusundo mo gabi-gabi si Joohyun. Ang akin lang eh magiingat kayo parehas." bilin ng nanay niya. 


"Maaaa..."reklamo ni Seulgi. Out naman siya sa pamilya at mga kaibigan niya pero hindi pa siya kailanman nagkwento ng love life sa nanay niya. Nagulat si Seulgi na alam nito ang ginagawa niya gabi-gabi. 


"Hay naku, Solge. Kaysa nakatulala ka diyan bakit di mo kaya bilisan, ano?" 


Tumango na lang siya sa nanay niya at umakyat ng kwarto para sa mga gamit na dadalin. 


Bitbit ang upgraded sundo starter pack nya, lumabas agad siya ng gate. Upgraded dahil dumating na yung pepper spray galing shopee. Wallet, extra mask, alcohol, payong: check, pepper spray: check na check.


07:55 PM napadaan siya sa bahay nila Lisa. Kung lalakarin niya lang mula Visayas Ave hanggang Angel's sa may Bago Bantay, 30 mins ang itatagal nun. Baka magkasalisi sila ni Joohyun.


"Hello, 'tol! Lisa, pahiram naman ng bike. Nandito ko sa may gate niyo." agad na sabi ni Seulgi pagkasagot ni Lisa sa tawag niya.


"Ano na erp kala ko di mo susunduin si Joohyun ngayon eh di ka kasi nagtext na samahan ka. Sige pababa na ako nandyan lang naman sa may gilid yung bike ko." sagot ni Lisa.


Nakaabang na si Seulgi sa may gate nila Lisa. Bakas sa mga mata niya ang antok dahil na-interrupt ang mahimbing niyang pagkakatulog.


"Uy 'tol, peram ng bike. Nagmamadali ako hehe!"


"Oh ayan na. Ingat erp ah." bilin ni Lisa.


Di pa tapos magsalita si Lisa ay nakita na niyang pumepedal na si Seulgi palayo. Agad naman niyang naalala na...


"Seulgi! Saan mo papaupuin si Joohyun diyan sa bike walang angkasan yaaaaan!" pahabol na sigaw ni Lisa sa kaibigan pero di na rin narinig ni Seulgi yun. Busy siya sa pagpadyak. 07:59 PM. "Sana di kami magkasalisi ni Joohyun." sabi ni Seulgi sa sarili. 

 

08:01 PM

Napatingin si Joohyun sa kanyang silver casio wrist watch. "Pupunta ba siya?" tanong ni Joohyun sa sarili. Kanina pa malalim ang iniisip niya. 


"Miss pabili nga ng burger. Apat. Padagdag ng ketchup ah." sabi ng customer na kadarating lang. 

"Sige po paantay lang."

Habang nagluluto si Joohyun hindi pa rin maalis sa isip niya kung ano kayang nangyari kay Seulgi. Na kila Byul kaya siya? Saan kaya siya nakatambay ngayon?


Magsasara na lang siya ng maaga. Di naman siguro magagalit ang nanay niya kung aagahan niya ang uwi ngayon. Nawalan na kasi siya ng gana. Di niya mawari kung bakit. 


Pagka abot niya ng order ng customer ay nagumpisa na siyang magligpit ng gamit. 

 

08:15 PM. 
May kaluskos siyang narinig sa labas ng store. Nakita niya si Seulgi na hingal na hingal. Pinaparada ang bike na dala. 


"Joo...Hyun... Pauwi... ka na?" hingal na tanong ni Seulgi. 


Ayaw niyang aminin pero kanina naiinis siya kay Seulgi. Di niya rin alam kung bakit. Baka dahil di nagsabi si Seulgi na di siya tatambay sa store ngayon? Pero bakit naman kailangan magsabi ni Seulgi sa kaniya. Baka dahil nagkulang yung araw niya dahil walang nangasar sa kaniya ngayong gabi? Pero ngayong nandito naman si Seulgi naasar pa rin siya. Nalilitong tanong ni Joohyun sa sarili. 


"Oo." tipid na sagot ni Joohyun sa kaniya. 


Ilang segundo pa ang lumipas at lumabas si Joohyun. Walang imik na nagabot ng bottled water at panyo kay Seulgi. Bumalik agad siya sa loob para ipagpatuloy ang naudlot na pagliligpit. 


Para namang estatwa si Seulgi na di makagalaw. Nakita ito ni Joohyun at lumabas ulit.


"Uminom ka ng tubig tapos punasan mo 'yang pawis mo. Malinis 'yang panyo ko wag kang magalala." mahinang sabi ni Joohyun.

 

Nagising mula sa pagkakatulala si Seulgi nang marinig ang sinabi ni Joohyun. Ngiting ngiti si Seulgi behind her mask. Di niya na ininda yung pagod na nararamdaman niya. Sino ba naman ang papansin sa pagod sa ganitong pagkakataon.


Lumabas na si Joohyun dahil tapos na siyang magligpit. Naka-lock na rin ang pinto ng store. Ready na siyang umuwi. M

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
887 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
339 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
887 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
887 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.