Chapter 34B
Anghel ni Seulgi
"Tita Cherry, sorry po hindi ko sinasadyang masaktan si Seulgi." sagot ni Joohyun habang pilit pinipigilang maluha.
"Anong nangyari, nak?" tanong ni Tita Cherry pero nagpatuloy lang si Joohyun sa pagiyak.
"Shhhh...wala kang dapat ihingi ng tawad, anak. Parte talaga ng relasyon ang sakit. Diyan kayo kukuha ng lakas para sa huli pipiliin niyo pa rin maging masaya kasama ang isa't isa."
"Hindi po pala madaling piliin maging masaya." sabi ni Joohyun.
"Walang madali sa mundong ito, Joohyun. Nakakatagal lang tayo sa hirap dahil sa mga taong handa tayong damayan sa mga ganung pagkakataon. lalo na kung yung taong dadamay sa'yo ay yung taong mahal mo."
"Paano po kung yung taong yun ay tinulak ko na palayo?"
"Kung ipagkakaloob ng Diyos kahit na ilang beses mo pa itulak palayo si Seulgi pagtatagpuin pa rin kayo sa huli." mahinahon na sabi ni Tita Cherry.
"Ang tanga ko po sa ginawa ko kay Seulgi. Ang tanga tanga ko po dahil hinayaan kong mawala sa akin yung pinaka importanteng tao sa buhay ko."
"Sigurado ako may sapat kang dahilan." nakangiting sagot ng nanay ni Seulgi.
"Tita, thank you po pero mas kailangan po kayo ni Seulgi ngayon. Patawarin niyo po ako."
Hindi alam ni Joohyun paano siya nakabalik sa bahay nila. Mabuti na lang din at wa
Comments