Chapter 31

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


"tol? May problema ka ba? Ilang araw ka ng laging malalim ang iniisip eh." tanong ni Byul habang nagiikot sila ni Seulgi sa ward. Nasa hallway sila papunta sa isa sa mga rooms para magcheck ng vital signs ng patient.

 

"Di ko alam 'tol eh, ang alam ko lang may problema kami ni Hyun pero hindi sinasabi sa' kin." Seulgi defeatedly said.

 

"Tinanong mo na ba kung anong problema?"

 

"Oo pero kilala ko si Hyun, 'tol. Pag hindi pa siya handa magkwento hindi talaga nagkekwento yan kaya nung una ang sabi ko magaantay ako kung kailan ready na siya. Usually, after a day or two nagkekwento na siya pero it's been a week na wala pa rin. Sinubukan kong tanungin kahapon pero ang sabi lang sa'kin wala lang daw yun. Pressure lang daw."

 

"Pressure saan?" takang tanong ni Byul. 

 

"Hindi pa ako sigurado pero may idea na ako." sagot ni Seulgi. 

 

"Kausapin mo na lang ulit. Friday naman na walang pasok bukas chance mo na yun."

 

"Balak ko na yan, di muna ako papasok sa cafe bukas. Alam mo 'tol ang mas weird pa? Pagtapos nung araw na hinanap ko siya parang walang nangyari kay Hyun. Balik sa dating gawi di mo halatang may problema siya pero alam ko, ramdam ko meron talaga."

 

"Kausapin mo, erp. Ang sipag mo rin eh tagal mo na sa cafe ah di ka pa ba mag-quit dun?"

 

"Dami kong natutunan dun eh tsaka para may sarili kaming pera ni, Hyun."

 

Napangiti lang si Byul. Ang laki na talaga ng inimprove ng kaibigan niya. Dati rati puro laro at saktong aral lang inaatupag ni Seulgi pero ngayon sobrang responsable na nito. Natutuwa si Byul sa influence ni Joohyun sa kaibigan.

 

 

 

 

 

 


Isang linggo na mula nung mag-usap sila ng Tita Eula niya. Isang linggo na rin niyang iniiwasang mapagusapan ang tungkol dun. Kapag tinatanong siya ng nanay niya palagi lang siyang nagsosorry. Thankful siya dahil hindi nangungulit ang girlfriend na pagusapan ito. Aware siyang walang magandang dulot ang pag iwas sa problema pero hindi pa rin niya masabi sa ina at sa girlfriend. 

 

'Baka panahon na ako muna ang gumawa ng paraan bago pa madamay ang mga nakapaligid sa akin.' katwiran ni Joohyun.

 

 


1PM
30 mins bago dumating ang grupo ni Joohyun.

 

"Lisa, 'tol. Paki-balot naman ng bandage dalawa kong kamay. Hehe" pakiusap ni Seulgi.

 

"Ano na namang trip yan,'tol?" natatawang tanong ni Lisa.

 

"Basta pagdating ni Joohyun sabihin niyo napaso ako dun sa autoclave machine sa OR ah." sabi ni Seulgi.

 

"Luh ayoko nga magalit pa sa'kin si classmate." pagtanggi ni Lisa pero binabalot na rin naman niya ang kamay ng kaibigan.

 

"Byul, ikaw na lang 'tol. Please? Gusto ko lang naman i-surprise si Joohyun." hindi sana papayag si Byul pero alam niyang may pinagdadaanan ang mga kaibigan kaya pumayag na rin siya.

 

"Sige pero labas ako dito pag nagalit ah? Nakakatakot pa naman yun."

 

Natawa si Seulgi. "Ako bahala. Basta pag sinabi kong pakiabot yung bag ko. Pasuyo na lang ah?"

 

 

Pumasok si Taemin, isa sa mga ka-grupo ni nila Seulgi. "Uy Seulgi, ang aga ni Joohyun ah? Miss ka na ata. Di ba kayo nagkakasawaan dalawa?" biro nito.

 

"Ha? Anong maaga?" takang tanong ni Seulgi.

 

"Nasa may elev na kaya si Joohyun. Nauna lang ako kasi di na siya nagkasya pagpasok ko." sagot ni Taemin.

 

"hala Lisa bilisan moooo. Bakit ang aga ni Joohyun?" panic na sabi ni Seulgi. "Groupmates, sakyan niyo na lang trip ko please? Kunyari napaso ako kanina ah." sabi ni Seulgi sa mga kagrupo.

 

 


Ilang saglit pa nakita na ni Seulgi pumasok si Joohyun sa kwarto kung saan sila nakatambay. 

 


"Mahaaaaaaal!" masayang bati ni Seulgi, nakatago sa likuran niya ang mga kamay.

 

"Hi, mahal." nginitian siya ng girlfriend. Lumapit ito para yumakap kay Seulgi pero hindi siya niyakap pabalik. "Bakit di mo ko hina-hug? Anong tinatago mo diyan ah?" hinila ni Joohyun bahagya ang mga braso ni Seulgi. 

 

"Seulgi, anong nangyari diyan?! Napano ka?!" nagaalalang tanong ni Joohyun. 

 

Nabingi saglit si Seulgi sa nagpapanic na sigaw ni Joohyun. "Mahal, bawal po maingay dito pinapahuli sa guard." biro ni Seulgi. 

 

"Kulit, di ako nakikipagbiruan ah. Anong nangyaro diyan? Na-first aid ba ng maayos?" worried na tanong ni Joohyun. Bakas sa mata niya ang pagaalala. 

 


"Ano kasi hehe... Napaso ako sa autoclave sa OR." paliwanag ni Seulgi. Nagi-guilty siya sa pagsisinungaling dahil sa itsura ni Joohyun ngayon na parang anytime may papatak na luha dahil sa pagaalala.

 

"Napa-check mo na ba? Paano ka napadpad sa OR?" tanong ni Joohyun habang chinecheck yung naka-bandage na kamay ni Seulgi.

 


"Nabalot naman ni Lisa ng maayos, mahal. Tignan mo nakakapasok pa rin hangin. Relax ka lang po. Dumalaw lang ako sa iba nating classmate sa OR tapos natuwa ako nung nakita ko yung autoclave ayun nakalimutan ko mainit nga pala. Hehe" 

 


'acting pa Seulgi. Best actress Kang Seulgi.' sabi ni Seulgi sa sarili. 

 


"Seulgi magingat ka naman

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
890 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
343 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
890 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
890 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.