Chapter 29

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

"Anak, wag kang magalala. Sapat naman ang pera natin. Lilipas din ang galit ng lola mo."

 

 

 

"Di ko po maiwasang mag-isip, Ma. Natatakot ako, may pera nga po tayo pero paano po kung may gawin pa rin si lola." pag-amin ni Joohyun.

 

 

 

 

"Naiintindihan ko yang takot mo, nak. Pero di ba inasahan na natin ito. Wag mong kakalimutan lahat ng sinakripisyo niyo ni Seulgi. Ang importante mapagpatuloy niyo ni Yeri ang pagaaral niyo kahit hindi tayo tulungan ng lola niyo."

 

 

 

Yumakap si Joohyun sa ina. "Salamat po kasi naiintindihan niyo kami ni Seulgi."

 

 

 

"Kasiyahan niyong mga anak ko ang mahalaga sa akin. Masaya akong masaya kayo. Sige na male-late na kayo kanina pa nagaantay si Seulgi." sabi ng nanay niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Magandang umaga, mahal ko." bati ni Seulgi kay Joohyun paglabas niya ng gate. Sinalubong niya ito ng may ngiti sa labi.

 

 

 

 

"Good morning, mahal." lumapit si Joohyun kay Seulgi at humalik sa pisngi ng girlfriend.

 

 

 

"Ang aga magpakilig ng girlfriend ko. Isa pa? Dito naman oh." turo ni Seulgi sa kabilang pisngi niya.

 

 

 

Tinulak ni Joohyun ang ang pisngi ni Seulgi. "Male-late na tayo." natatawang sagot ni Joohyun.

 

 

 

 

 

Pagpasok ni Joohyun sa kotse ay nakita niyang may hot choco na nakapatong sa dashboard.

 

 

 

"Hot choco para sa'yo bo-ko." sabi ni Seulgi pagsara niya ng pinto ng driver's seat.

 

 

 

"bo-ko?"

 

 

 

"Bo-hay Ko." nakangising sagot ni Seulgi.

 

 

 

Natawa si Joohyun sa ka-cornyhan ni Seulgi. "Loko loko. Pilit na pilit."

 

 

 

"Ang aga pa kasi, Hyun. Di ako makaisip ng tamang rhyme. Yiiiieee kinilig siya." biro niya sa girlfriend.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

7AM ang first class nila pero 6:20 pa lang ay nasa parking ng school na sila.

 

 

"Dito muna tayo. Ang aga pa." sabi ni Seulgi.

 

 

 

"Sige pero dun tayo sa backseat gusto ko ng hug." malambing na sabi ni Joohyun.

 

 

 

"Hehe let's go!" mabilis na lumipat si Seulgi sa likuran. "Hyuuuuuun, bilisan moooo. Ready na ang aking arms!" playful na tawag niya sa girlfriend.

 

 

 

 

Paglipat ni Joohyun sa likuran ay agad siyang yumakap kay Seulgi. 

 

 

 

"Nakakainis. Bakit ba ang bango mo? Pag naamoy kita inaantok ako." sabi ni Joohyun.

 

 

 

"Sige bukas di ako maliligo para di ka antukin." biro ni Seulgi.

 

 

 

"Kadiri, mahal. Picture na lang tayo." inabot niya kay Seulgi ang phone niya.

 

 

 

"Ang random pero I like it."

 

 

 

"Ready? Tingin ka na sa camera. 1...2..." sabi ni Seulgi kay Joohyun.

 

 

 

Pagtungtong ng countdown ni Seulgi sa 3 ay tumingin papunta sa direksyon niya si Joohyun.

 

 

 

Na-capture ng camera si Joohyun na nakatingin kay Seulgi na punong puno ng pagmamahal ang mga tingin sa girlfriend.

 

 

 

"Hyun, di ka naman nakatingin eh." binaling ni Seulgi ang mata sa katabi. Di niya inasahang susunggaban siya ng halik ng girlfriend.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"tol, sira ba plantsa niyo ni classmate? Grabe lukot na lukot uniform niyo eh." mapangasar na tanong ni Lisa. 

 

 

 

"Sinisi mo pa yung plantsa. Tignan mo 'to." sabi ni Byul. Pinakita niya yung latest IG post ni Joohyun. Yung selfie nila ni Seulgi kanina sa backseat ng kotse. 

 

 

 

"My favorite place in the world? In your arms, my love." binasa ni Lisa yung caption with feelings. "Kaya naman pala." natatawang komento ni Lisa. 

 

 

 

 

"Throwback yan, wag kayong malisyosa." pagtanggi ni Seulgi. 

 

 

 

"Talaga? Eh bakit nag-smudge ng konti lipstick mo 'tol?" tanong ni Byul. 

 

 

 

"Ha? Hindi ah." tinignan agad ni Seulgi ang sarili sa camera ng phone niya. 

 

 

 

"Gotcha! Wala namang smudge." nakangising sabi ni Byul. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Anong ginagawa mo dito?" 

 

 

 

"Mama, magpapaliwanag lang ho ako sa nangyari nung gabi. Nabigla lang po si Rey sa sinabi niya." 

 

 

 

 

"Ang sabi niya hindi na magbabago ang isip niya diba? Hindi niya daw kailangan ng pera ko. Hindi na rin magbabago ang isip ko." 

 

 

 

"Ako na po ang humihingi ng tawad sa sinabi ni Rey. Wag naman po sanang umabot sa gani

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
890 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
344 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
890 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
890 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.