What's on your mind, Hyun? #5

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Nalungkot si Joohyun dahil hindi pala siya masusundo ni Seulgi. Magkasama lang sila maghapon kahapon pero gusto na niya ulit ito makita.

 

 

 

Sobrang memorable ng date nila sa Intramuros dahil sa weird encounter nila sa isang sikat na photographer. 

 

 

 

Inabutan siya ng business card nito at inalok kung gusto ba niyang mag-try maging model. Naisip niyang malaki ang kikitain sa ganitong trabaho kumpara sa pagtuturo niya online pero nanaig pa rin ang pangarap niyang maging nurse. 

 

 

 

'Di para sa akin ang industriyang iyon.' naisip ni Joohyun. 

 

 

 

.................. 

 

 

 

"Hyun, tignan mo ang cute natin dito." pinakita sa kaniya ni Seulgi ang isa sa mga litrato sa phone niya. "Gusto ko 'to ipa-print tapos lalagay ko sa kwarto ko." dagdag pa ni Seulgi. 

 

 

 

"Ako gusto ko ilagay sa wallet ko." sabi niya kay Seulgi. 

 

 

 

Nagliwanag ang mukha ni Seulgi nang marinig ang sinabi ni Joohyun. 

 

 

 

.................. 

 

 

 

 

Hinatid sila ng isang waiter sa reserved table nila sa roof deck ng restaurant. Ilang saglit pa ay may lumapit na isang waitress at nagpakilalang siya raw ang maga-assist sa kanila. 

 

 

 

"Hello, may I take your order?" sabi ng waitress na nakatuon lang ang atensyon kay Seulgi. 

 

 

 

"Anong gusto mo kainin, Hyun? Pasta o rice?" tanong sa kaniya ni Seulgi. 

 

 

 

Hindi agad nakasagot si Joohyun dahil inoobserbahan niya ang kilos ng waitress. 

 

 

 

'hmmm... Suspicious.' sabi niya sa sarili. 

 

 

 

"May sandwich din sila kung ayaw mo ng rice." alok ni Seulgi. 

 

 

 

 

"I'd recommend our best seller po, seafood in olive oil pasta. You may try our signature salad po as appetizer." sabat ng waitress na naghawi pa ng buhok niya sa tenga habang nakatingin pa rin kay Seulgi. 

 

 

 

Hindi naman napapansin ni Seulgi na naguumpisa nang maningkit ang mata ni Joohyun sa waitress. 

 

 

 

'Suspicious talaga.' sabi ni Joohyun sa isip niya. 

 

 

 

"Miss, may LOVER'S set kayo?" tanong ni Joohyun. 

 

 

 

Napatingin sa kaniya si Seulgi.

 

 

 

"Ah Lover's set po?" medyo nag-buffer ng saglit ang waitress. "I'm sorry po, we only offer that during Valentine's day."

 

 

 

"Ah sayang naman. Napaaga punta namin." sabi ni Joohyun with a smirk. "Classic spaghetti na lang sa akin, baby. Ano sa'yo?" tanong ni Joohyun kay Seulgi. 

 

 

 

Patagong natawa si Seulgi sa kinikilos ni Joohyun bago nagsalita. "Beef steak sa akin. Gusto mo ng lemonade, baaaabyyy?" 

 

 

 

"No, water lang." nakangiti na si Joohyun kay Seulgi. 

 

 

 

"Yun lang order namin, miss. Thank you." sabi ni Seulgi na nakangiti sa waitress. 

 

 

 

 

Pag-alis ng waitress nagsalita si Seulgi. "Hyun, naamoy mo yun?" nag-astang may inaamoy si Seulgi. 

 

 

 

"Ha? May weird bang amoy?" tanong ni Joohyun. 

 

 

 

"Nangangamoy selos." kinindatan siya ni Seulgi. 

 

 

 

"Hindi ako nagseselos no!" 

 

 

 

"Wala naman akong sinabing ikaw hahaha!" 

 

 

 

 

.................. 

 

 

 

Inaya siya ni Seulgi na pumasok saglit sa katedral para magdasal. Tahimik lang na naupo si Seulgi. Ilang segundo ang nakalipas bago ito pumikit at nagdasal. 

Pagkakita niya kay Seulgi, nagdasal na rin siya. 

 

 

 

'Marami pong salamat sa mga biyayang pinagkaloob Niyo sa amin. Isa po si Seulgi sa pinakamalaking blessing na natanggap ko at pangako pong gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Wala na po akong hihilingin pang iba.' maikling dasal ni Joohyun. 

 

 

 

 

 

..................

 

 

 

<3 Soon: Hyun, di muna kita masusundo ngayon pero pinapunta ko diyan sa store si Lisa para samahan ka umuwi. Sorry po. :(

 

 

 

Pagkabasa niya ng text ni Seulgi hindi naiwasan ni Joohyun ang malungkot. Kahapon lang ay magkasama sila pero gustong gusto na niya agad itong makita. 

 

 

 

'Is it weird to miss you this much, kulit?' tanong niya sa sarili. 

 

 

 

 

.................... 

 

 

 

Soon,

Wag na sumimangot. Para sa’yo ‘to. Mahal kita.

-Kulit

 

 

 

'Alam na alam no talaga kung paano papagaanin ang loob ko.' napangiti si Joohyun sa note na nakasabit sa bulaklak. 

 

 

 

.................. 

 

 

 

“Di ko na siya pinapunta, soon. Kaya ko naman umuwi. Tumawag lang ako para iinform ka.”

“Sure ka? Ingat ka po. Wag ka mag-cellphone habang naglalakad. Kung may jeep, mag jeep ka na lang, please.” bilin ni Seulgi.

 

 

 

Si Seulgi na ata ang pinaka-caring na tao na nakilala niya. Napaka-natural at hindi pilit ang paga-alaga niya kay Joohyun. Halos lahat ng kailangan ni Joohyun ay handang ibigay ni Seulgi pero never nakaramdam si Joohyun ng pagka-sakal sa paraan ng pagmamahal ni Seulgi. Malaya siyang nakakapag-bigay ng opinion. Malaya pa rin niyang nagagawa ang mga bagay na gusto niya. 

 

 

 

................. 

 

 

 

 

Mula nung makita niya si Byul sa harapan ng gate nila ay napaisip na siya kung ano na naman bang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
888 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
340 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
888 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
888 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.