Chapter 23

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Seulgi, salamat sa pagpunta at pag-intindi ng sitwasyon. Wag mo na lang muna sabihin sa kanya." sabi ng nanay ni Joohyun bago lumabas si Seulgi ng bahay.


"Sige po, Tita. Mauna na po ako nagaantay na po si Hyun. Salamat din po."

 

Gustong gusto na sabihin ni Seulgi sana kay Joohyun kung anong napagusapan nila ni Tita Jean. Ito talaga yung plano niya noong una na kahit anong mang maging outcome ng kanilang pag-uusap ay dapat malaman ni Joohyun agad. Kaya lang pagkatapos niyang pakinggan ang mga sinabi ni Tita Jean napagdesisyunan niyang wag muna sabihin kay Joohyun. It will benefit them both in the future naman. 

 

1 new message from <3 Soon

<3 Soon: Hyunnieeee, on my way na po. Sorry late na. :(


Soon to be gf: bilisan mo, soon. I miss you.


<3 Soon: ito na lilipad na ;) 

 

 

 

 

 

 

 

After 30 mins nakadating si Seulgi sa store.

 

"Honey, my love, so sweet!" sigaw ni Seulgi habang nakatayo at naka-dipa na nagaabang ng yakap ni Joohyun mula sa labas ng store.

 

"Para kang ewan. Haha" natatawang sabi ni Joohyun pagkayakap niya kay Seulgi.

 

"Bakit late ka na dumating soon? Wala pa naman tayong homework ah?" tanong ni Joohyun.


"Kumusta ang first day of school? Hehe wala nga pero may dinaanan kasi ako."


"Makatanong naman 'to akala mo naman di tayo classmates." kumunot noo si Joohyun dahil napaka-vague ng answer ng kausap.


Napansin ni Seulgi ang bahagyang pagbabago ng mood ni Joohyun. "Soon, dumaan ako sa bahay niyo. Nagpaalam ako kay Tita Jean kung pwedeng ibalik na natin sa dati na sinusundo kita araw-araw."


"Anong sabi ni Mama?" nagulat si Joohyun. 


"Pumayag siya. Nag-aalala kasi siya kay Bogum." sabi ni Seulgi.

 

"Bogum? Bakit? Speaking of Bogum, ang tagal na nun hindi nangungulit."

 

"Ah hindi pa nakwento sa'yo ni Tita. Nahuli daw niya si Bogum na tinatapon yung mga binili sa inyo. Kaya pumayag na sunduin na kita ulit nag-aalala si Tita baka daw bumalik dito si bagang tapos inisan ka."


Napabuntong-hininga na lang si Joohyun. "Kawawa naman si Mama. Kinailangan niya pang ma-witness yung kasinungalingan nung taong yun." malungkot na sabi ni Joohyun.


"Kaya nga, Hyun. Nung kinwento sa akin ni tita yun parang gusto kong kausapin si bagang. Gaspang ng ugali ng mokong na yun."


"Wag na soon. Ang importante di na siya nanggugulo."


Tumango lang si Seulgi at hinawakan ang kamay ni Joohyun. Nagi-guilty pa rin kasi siya na hindi niya masabi ng buo lahat ng napagusapan nila ni Tita Jean.

 

 

 

 

 


Naging busy si Joohyun sa pagluluto ng mga orders. Bigla na naman kasing dumami yung mga nakapila kaya minabuti na lang ni Seulgi na tulungan siya sa pagliligpit ng mga naiwang kalat ng ibang customers.


Nagwawalis si Seulgi ng mga nalaglag na sandwich wrappers nang may tumawag sa pangalan niya.


"Seulgi? Seulgi!" tawag ng babae.


"Ate Sunmi?" tanong ni Seulgi. Sinipat niya pang mabuti ang dalagang papalapit sa kaniya.


"Seulgi, ikaw nga!" sagot ni Sunmi.

 

Kumaway si Seulgi sa kausap para i-acknowledge ito. Narinig ni Joohyun ang sigaw ni Sunmi kaya napadungaw siya sa may counter ng store.


"Hi, Seul. Wow di ko expected na makikita kita dito. Gawa mo dito?"

 

"Hi, ate. Sinasamahan ko si Joohyun." tinuro ni Seulgi si Joohyun na biglang naging busy kakalikot ng kung ano sa loob.


"Joohyun? Aaah Irene!" sabi ni Sunmi. Mas kilala kasi si Joohyun as Irene sa ibang schoolmates na hindi niya ka-close.


"Hello, ate Sunmi." matipid na bati ni Joohyun sa kausap.

 

"Part-time kayo dito?"


"Hindi, ate." sagot ni Joohyun.


"Sa kanila 'tong store." proud na sabat ni Seulgi.

 

"Hmmm...parang bigla akong nag-crave ng burger ah. Irene, isang hungarian sausage. Thank you."

 

Tahimik lang na nagluto si Joohyun habang si Seulgi naman ay pinagpatuloy yung naudlot na paglilinis sa paligid ng store.

 

"So... Seulgi tagal natin di nagkita ah? When was the last time nga?" tanong ni Sunmi. Humarap siya sa direksyon kung saan nagliligpit si Seulgi. Kinindatan nito si Seulgi. Di naman nakalampas sa mata ni Joohyun ang ginawa ng kanilang schoolmate. 


"Ah right! After ng event sa school before lockdown! Sa backstage yun di ba after ng performance niyo." tinry na lumipat ni Sunmi ng upuan para mas mapalapit kay Seulgi. 


Napalunok naman si Seulgi sa sinabi ng kausap. Hindi pa nila napapag-usapan ni Joohyun ang mga bagay na related sa ibang babae. 


"Oo yata?" sagot ni Seulgi.


Sunmi giggled. "Nothing's changed? Wala pa rin bang chance?" pabirong tanong nito.


Umiling lang si Seulgi at tsaka pumasok sa loob ng store. Nag-sanitize ng kamay ng mabilisan. Tumabi siya kay Joohyun at pasimpleng kumapit sa bewang ng dalaga. "Nothing's changed, ate Sunmi."


Hindi sigurado ni Seulgi kung nakita ba ni Sunmi yung subtle move na ginawa niya pero umasa siyang, oo. Kung pwede lang ipagsigawang taken na siya gagawin ni Seulgi pero hindi pa ito yung tamang panahon kaya she did the next best thing. Ang iparamdam kay Sunmi na gaya ng dati, hindi pa rin siya interested. She's not one to flirt once commited lalong lalo na sa harap ng mahal niya. Kaya nang marinig niya ang tanong ni Sunmi, alam niya saan papunta ang usapan. Walang pinipiling lugar si Sunmi. She'll take any chance na pwede.

 

Tinitigan lang ni Joohyun si Seulgi. Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng dalawa pero nang banggitin ni Sunmi ang tungkol sa last event sa school before lockdown isa lang agad ang pumasok sa isip niya. Yung hot senior na nag-ayang makipagdate kay Seulgi after nila kumanta sa event. That girl's name was never mentioned sa usapan nila Joy noon kaya hindi sigurado si Joohyun kung si Sunmi nga ito.

 

"I see. Si long time crush pa rin. Wala talaga akong laban dun." pabirong sagot ni Sunmi.


'Sana umalis na siya, Lord. Please?' dasal ni Seulgi sa isip. Wala pa siyang 20 mins sa store ang dami ng nasabi. Di pa naaamin ni Seulgi kay Joohyun na siya si long time crush mukhang mauunahan pa siya ni Sunmi.


Awkward na tumawa na lang si Seulgi.


"Ate Sunmi, ito na po order niyo." sabi ni Joohyun pagka-abot niya ng niluto.


Inabot ni Sunmi ang bayad. "Thank you, Irene. Ingatan mo ah?" at tsaka naglakad palayo.

 

Ang dami dami na namang tumatakbo sa isip ni Joohyun. Aaminin niya nakaramdam siya ng konting selos kanina pero na-assure naman siya ni Seulgi agad dahil sa ginawa ng dalaga. At sino si long time crush? Ayaw niyang mag-assume na siya yun. 'Kailangan ko bang itanong kay Seulgi yun? Si Sunmi ba yung senior na nag-aya ng date kay Seulgi? Do I have the right to get jealous?' malalim na pagiisip ni Joohyun.


Napansin ni Seulgi ang pagiging tahimik ng kasama pagka-alis ni Sunmi. Itong mga ganitong kilos ni Joohyun ay basang basa na niya kahit hindi magsalita ang dalaga kaya... 

 

"Siyempre kaya nga long time crush eh, matagal na akong loyal." yumakap si Seulgi mula sa likod ni Joohyun. Pinulupot ang mga braso sa bewang ng kayakap at sabay bumulong. "Loyal sa' yo." pinatong ni Seulgi ang ulo sa balikat ni Joohyun.


Di na nagulat si Joohyun nang biglang sagutin ni Seulgi ang tanong sa isip niya. Madalas ganito si Seulgi. Iniisip pa lang ni Joohyun ay nasasagot na agad ng kaniyang mahal.

 

Humarap siya kay Seulgi. "Long time crush?"


"Hala di pa ba halata? Patay na patay na ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
894 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
349 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
#5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
894 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
894 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.