Chapter 15B

Anghel ni Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 


"Miss alin po dito mas okay na sunscreen? Yung hindi po malagkit sa balat tsaka yung mas effective?"


Nakatingin lang si Joohyun kay Seulgi. Namamangha siya sa kasama kasi mas invested pa ito sa paghahanap ng sunscreen kaysa sa kaniya mismo na gagamit.


"Seulgi, bilin na lang natin yung pinakamura. Saglit lang naman kami dun. Di rin kami magtatagal."

 

"Hyun, mahirap na baka magka sunburn ka pag di maganda nabili natin."

 

"Ma'am ito po mas okay itong brand na 'to kasi hypoallergenic. Pang face and body na rin po." alok ng sales lady.

 

"Hmmm...hypoallergenic ibig sabihin po ba pwede rin sa baby?" tanong ni Seulgi sa sales lady sabay tingin kay Joohyun pagka-banggit niya ng salitang baby.


"Seulgi." bulong ni Joohyun. namumula na siya sa kilig. Kanina pa kasi si Seulgi nangungulit. Banggit ng banggit ng baby. 

 

"Bakit? Hahaha" natatawang tanong ni Seulgi kay Joohyun. Tuwang tuwa siya kasi naasar na naman niya ang dalaga. "Okay sa'yo 'tong hypoallergenic baby... hypoallergenic na PANG BABY?" natatawang tanong ni Seulgi.

 

"Ma'am mas okay po yang brand na yan tsaka bagay po yan sa skin type ng girlfriend nyo." singit ni sales lady.

 

This time si Seulgi naman ang namula. Parang nakalunok siya ng isang daang butterflies sa kilig na naramdaman niya sa sinabi ng sales lady. Ilang segundo pa ang lumipas hindi na nakapagsalita si Seulgi. 

 

Soft giggles. Narinig na naman ni Seulgi yung isa sa favorite niyang tunog sa buong mundo, ang mga pigil na tawa ni Joohyun.


"Sige po miss yan na lang po kukunin namin, thank you po." sagot ni Joohyun. "Lika na GIRLFRIEND bayaran na natin." mapang-asar na sabi ni Joohyun.

 

Nang makarating na sila sa may cashier nagsalita si Joohyun. "Wala ka pala eh natulala ka na kay miss."

 

"Ang sarap kasi pakinggan nung girlfriend, Hyun."


Napangiti rin si Joohyun behind her mask pero di niya pinahalata kay Seulgi.

 

 

 


"Anong magandang color dito sa dalawa?" tanong ni Seulgi kay Joohyun habang hawak hawak ang isang black at pink na hoodie. 

 

"Ang cute nitong pink pero mas bagay sa'yo black. Sukat mo."

 

Binitawan muna ni Seulgi yung pink na hoodie at tsaka sinukat yung black.


"Okay ba, Hyun?"


"Bagay sa'yo. Bibilin mo na?" tanong ni Joohyun. 


"Pwede pero wait lang. Try mo nga sukat 'tong pink." kumuha siya ng mas maliit na size kaysa sa suot niya at inabot kay Joohyun. 


"Bakit ako magsusukat?" 


"Eh makikita ko rin naman itsura pag suot mo na. Ayaw ko na kasi magsukat ulit. Please?" 


"Sige na nga." 


"Hmmm bagay sa' yo, Hyun."


"Cute nga nitong pink."sagot ni Joohyun kay Seulgi. 


Hinubad na ni Seulgi yung suot niyang hoodie tapos tinulungan niya si Joohyun na hubarin yung pink na hoodie na suot nito. 


"Hyun, okay lang hawakan ko shirt mo habang tinatanggal mo hoodie? Baka kasi umangat tapos mapasama sa hoodie eh." pagaalalang tanong ni Seulgi. Medyo maikli kasi yung shirt na suot ni Joohyun. 


"ha? Ah sige." nahihiyang sagot niya.


"Tingin tingin ka muna, Hyun. Bayaran ko lang 'to." sabi ni Seulgi pagkatapos alisin ni Joohyun ang suot niyang hoodie. 

 


Pagkabayad niya ay nagpunta naman sila sa kbeauty store kasi bibili si Seulgi nung kapalit ng naubos na sanitizer nila ni Joohyun. Pagkatapos noon ay nagtake out sila ng pizza. Nagbook na lang ng grab si Seulgi dahil marami silang bitbit at gusto na rin niyang makauwi ng mabilis. Ang saya ni Seulgi dahil makakasama niya pa si Joohyun mamaya dahil sa bahay na lang nila napagdesisyunang kumain. 


"Inaantok ako." reklamo ni Joohyun na napahikab. 


"idlip ka muna. Gisingin kita after 10 mins." suggestion ni Seulgi. 


Napatigil na lang sa pagsasalita si Seulgi nang mas lumapit pa si Joohyun sa kaniya at isinandal ang ulo sa balikat niya. 

 

 

 


Pagdating nila sa bahay nila Seulgi ay naabutan nilang nanonood ng t.v ang parents ni Seulgi. 


Bihira lang sa bahay ang tatay ni Seulgi dahil busy sa maliit nilang negosyo kaya nagulat si Joohyun nang makita ito. 


"Good afternoon po, Tito, Tita." bati ni Joohyun. 


"Oh Joohyun, kumusta? hindi ba pinasakit ni Seulgi ulo mo? Makulit yang anak ko na yan eh pagpasensyahan mo na." biro ng tatay ni Seulgi. 


"Hindi naman po, Tito. Mabait po siya ngayon." natatawang sagot ni Joohyun. 


"Nak, bakit naman ganun wag mo pinapasakit ulo ni Joohyun."


"Pa, bakit ganyan kayo ni Mama? Ako anak niyo ah."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lostsoul1
Baka may maghanap ng Not An Update part, nilagay ko sa draft. 😆

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
890 streak #1
Chapter 1: Dito muna ako, my comfort story 🥰🥰
lostsoul1 #2
Hello mga bhie! Buhay pa ko ah marami lang akong ginagawa lately. I see we have new subscribers here. Salamat sa pagbabasa at nawa’y may mapulot kayong aral dito. Apakaseryoso naman shet haha

Anyway, enjoy Kulit and Hyun’s adventure!

Also, i’m working on DSF’s next chapter hindi ko lang pa mapapangako kung kailan ko yun ipopost.
Etoile__
344 streak #3
Chapter 67: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
xantheaverielle
#4
Chapter 1: Rereading 🥹 One of my fav Tagalog Seulrene stories talaga huhu the best!!
_m3owrene
1023 streak #5
Hehe kakamiss ung story na to
jaangwaang
890 streak #6
Chapter 77: grabing stress talaga yung dala mo jooyoung.

Anyways, dito ko talaga nakuha yung imbes magalit agad intindihin na lang muna ba't nagkaganun.

Ready na ako Lord, jowa na lang kailangan. eme hahahaha
jaangwaang
890 streak #7
Chapter 1: rereading ang aking peyborit comfort story 🥺🥰
Moksy23
#8
Chapter 88: Re read ko ulit super ganda tlga nito 😊
serenedipitea
#9
re-reading this gem!!
mademoisYelle
#10
Chapter 74: Currently a 2nd year Medtech student and balak ko ring magtake ng NMAT right after I graduate and take the licensure exam numa. Kaso same with Joohyun, it not being born into luxury when you have a dream that big. My mom can barely pay for our school expenses considering dalawa pa kaming nag-aaral sa college with my sister being in her 4th yr as a nursing student and the constant 'pagpaparinig' ng mga relative mo na kisyo 'magsettle ka nalang sa ganito', 'gagastos ka na naman?' or something like 'baka di mo kaya, mapapahiya ka lang'. Nakakaiyak nalang talaga haha. Tho my sister did offer to pay for the expenses if gusto ko talaga at pag nakapagtrabaho na siya(humagulgol ako ng iyak nung sinabi niya 'to like literally). This chapter hits me damn hard na kapag gusto mo talaga yung isang bagay, you have to earn it the hard way. Patunayan mo kung bakit deserve mo. This makes me wanna do things 100x better than im doing rn lmao. Never knew a chapter can motivate me this much. Thank you, authornim.