limbo

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Am I dreaming?

Parang may tumabi sakin.

Mumu ba 'to..

Walang mumu dito diba..

'Since when did you grow up?'

Huh?

Bakit may nagda-drama?

Parang lumutang pa ako papunta sa kawalan.

Pinilit kong gisingin ang sarili.

I squinted my eyes, letting them adjust to the sunlight coming from my window.

.. walang tao..

"ATEEEEEE!"

I quickly stood up, ran out of my room, and went down the stairs to the kitchen.

"PLEASE TELL ME YOU'RE HOME!"

Silence.

Dear God.

Paalis na lang ako may mananakot pa eh!

 

 

 

-----

 

 

 

Winter: Home! Ikaw ba?
Karina: Along C5, papasok na ng BGC. Baka makalimutan mo i-close yung gas later
Winter: I won't :)
Winter: Hindi ko susunugin ang bahay promise. :D
Karina: Hahaha good girl :)
Winter: Ayaw mo bad ghorl? Para may thrill.
Karina: Sige, humor me. Paano ang bad ghorl Winter?
Winter: Sunugin ko bahay :)

 

 

Right on cue.

Karina.. calling.

"Hello..?" Pa-inosente kong bati pero nangingiti.

"Tingin ko nami-miss ka na ng kama mo."

Tumawa na ako but had to compose myself immediately bago pa maisipan ni Karina patulugin nga ako sa kwarto ko.

"But.. but.." Paawa kong sabi, nakanguso for additional awa effect kahit hindi niya ako nakikita. "Paano na yung hugs ko?"

Seryoso ako diyan.

Kahit ako nagulat na lang sa sarili eh.

Hindi ko alam kelan pa ako naging needy sa hugs.

Si Karina kasi!

Ang huggable na niya, she gives the best hugs pa.

I'm not really fond of skinship and importante sa akin ang personal space kaya it takes some time for me na idikit yung balat ko sa iba. Kailangan din yung other party ang maunang dumikit sa akin kasi that means okay na sa kanila na mahampas-hampas ko.

It's just who I am, no offense.

Pero iba kay Karina eh.

Totoo pala na you can melt into someone's embrace kasi natutunaw ako kapag nakayakap siya sa akin. There's something with her arms that makes me feel safe and the way she just, like, breathes me in na ang comforting nung feeling.

Paano na yung daily dose of hugs ko pagbalik?

Iniisip ko pa lang nanlulumo na ako.

Bwiset.

"And mami-miss ako nung isa ko pang unan." Pagrason ko pa, diverting my attention back to her.

"Hindi ka mami-miss ng mga unan ko." She flat out answered.

"Hindi sila yung tinutukoy ko.."

"Are you referring to my b --"

"Babe!" I cut in, halos lumuwa na yung mata ko sa gulat. "Hindi mga chikiting mo tinutukoy ko no! Isa nga eh, yung buong ikaw tinutukoy ko!"

I heard her chuckling from the other end of the line.

She cleared . "I was gonna say my body pero sige, let's go with what you have in mind."

Ang galeng.

Ang galeng galeng niya talaga lumiko ng usapan.

"Oo nga no? Nagigising ako sa umaga with your face between my --"

"LALALALALALALALALA."

Tuwang tuwa lang siya ngayon!

Nakakainis!

Is it my fault na nagigising ako sa madaling araw dahil sa lamig ng aircon? Kasalanan ko bang nakaharap siya sa akin tuwing yayakap ako? Hindi ko rin naman alam bakit dun napupunta mukha ko, okay? Must be the difference with our height. Oo, yun na lang.

"Alam mo naman lamigin ako eh.." Mahina kong depensa.

"So, heater mo mga.. chikiting ko?"

Yes, Winter.

Tama yan.

Ilibing mo pa lalo ang sarili.

Bakit nga ba kasi yun yung sinagot ko?

Thank goodness hindi ko siya kaharap ngayon. Because if she was, inasar na niya ako lalo kasi I just know namumula na mga pisngi ko.

Sinalampak ko ang sarili sa sofa, pouting. "Sorry na.."

"I'm just teasing you, babe. Sumiksik ka all you want."

"Uy, gusto diiiin." Tukso ko.

"And if I say yes?"

Nabilaukan ako sa lalim ng boses niya, her tone suggesting you know what. "Ba naman, walang pasintabi." Lumagok ako ng laway. "Pero sige, gawan natin ng paraan mamaya."

"Gusto ko ng bad ghorl Winter."

Ay.

Roar.

Me-aw.

"I got you." I said, nilaliman ko ang boses to match hers. "Maaga tayo matutulog."

Silence.

"Para umaga na?" My turn to laugh.

"You're so sleeping in your room tonight, Winter."

"Babe! Joke lang!"

"Bye, babe."

"Karinaaaaaaa --"

She ended the call.

Ang hirap naman biruin!

I sent Lia a message bago magpalit ng pambahay. Nagmessage na rin si Karina na magkasama na sila ni Yeji.

Papatulong ako magluto bilang kami-kami lang ang magkakasama tonight. Baka pwede ko na rin siya ma-corner kung ano bang nangyari sa kanila ni Yeji.

Magtatampo ba ako kung kay Karina rin siya lalapit?

Oh yes, I will.

Joke lang.

Karina is a wise woman, she knows what to say when you need it. I think gusto rin niya yung feeling na may nai-impart siyang lesson sa amin, may it be about life or anything under the sun. It's just one of the things I notice about her.

I decided to continue sa general cleaning ko ng kwarto to pass the time.

Nilipat ko yung nightstand sa paanan ng kama para magkaroon ng space for my keyboard. Hindi ako makapagdecide kung ipapatong ko na lang sa study table or kung lalagay ko sa piano stand kasi hindi ko alam kung may sinamang stand si Ate Jaejae.

Surprise me na lang, ganun.

Saktong kakatapos ko lang mag-walis sa kwarto ko nung dumating si Lia. Susunod din daw si Chaeryeong. Bigla daw kasing tumawag yung kapatid nito at mukhang urgent kaya nauna na siya.

Inasar pa ako ni Lia na ano raw nakain ko at naisip kong maglinis. 

Palibhasa kasi parang dinaanan ng bagyo yung kwarto nun kaya ako pinagdidiskitahan. Binisita ko sila nung isang beses kasi tatlong araw sila hindi nagpakita sa amin dahil sa trabaho nila.

Jusko, yung kwarto niya.

Ako pa yung nagbukas ng bintana para sumingaw yung amoy.

Minsan kasi talaga kapag babad silang dalawa sa work, lalo na si Lia, nagta-transform to taong kweba eh. It takes one to know one.

Kakarating lang din ni Chaeryeong pagkatapos kong maligo. Kinatok pa nga ako kasi ang tagal ko raw. Ang sarap kaya magbabad sa shower pagkatapos maglinis!

"Si Karina pala?" Tanong ni Chaeryeong paglabas ko ng kwarto.

Umupo ako sa tapat niya habang si Lia naman ay nakapwesto sa kabisera. Napagdiskitahan na naman nilang dalawa yung snack station ko.

"Pinuntahan si Yeji." Sagot ko.

Matalas kong tiningnan si Lia.

Aba, walang kibo.

"What?" Patay-malisya niyang tanong, sumubo siya ng piattos.

"Nag-away ba kayo?" Diretso kong tanong.

Napatingin si Chaeryeong sa kaibigan. "Kaya ba di ka umaalis?"

"May trabaho tayo, diba?" Sagot ni Lia in a matter-of-fact tone. "Hindi kami nag-away.."

Nag-contemplate siya kung sasabihin niya sa amin or not.

"Bakit ayaw mo sabihin?" Tanong ko.

"What did you do, Lia?"

"Nothing, of course!"

Gulat kaming nagkatinginan ni Chaeryeong at lumingon na ulit sa kaibigan namin.

"Meron yan." Sabi ko.

"High-pitched eh." Dagdag ni Chaeryeong.

"Nag-falter pa ng kaunti yung boses."

"Lumaki ang butas ng ilong."

"Nagtwitch yung labi."

"Bwisit kayong dalawa." Irita niyang sagot, nag-apir pa kaming dalawa ni Chaeryeong. "Oo na!"

Ang daming tell-tale signs eh.

Nagpagpag siya ng kamay bago ipatong ang siko sa lamesa.

"Ganito kasi yung nangyari.." Inilapit namin ni Chaeryeong ang mga ulo, aakalain mong may iba pang tao sa bahay. Eh kaming tatlo lang naman ang nandito. "Nasa labas kami nung isang gabi tapos nagra-rant siya about her boss.."

Nag-pause siya at sumipat ng tingin sa amin.

Para niya kaming tinatantsa.

"And then?" Sabay ulit naming tanong ni Chaeryeong.

"Klaruhin ko lang, hindi ako magsasawang makinig, hindi rin toxic kasama si Yeji. She's fun to be with -"

"Kailangan may disclaimer?" Sarcastic ang tono ng kaharap ko.

Huminga si Lia ng malalim, sa lalim halatang ilang araw na niyang iniisip 'to.

"Hindi na kasi healthy yung environment nung work niya for her so.."

"You told her to quit?" Paghula ko.

"Tinanong ko lang bakit hindi siya mag-resign." Sagot niya.

"Okay.. then?" Prompt ni Chaeryeong.

"Pinag-iisipan na niya pero hindi pa raw niya alam saan lilipat. And matagal pa yun kasi may 1 year pa siya sa contract niya.."

"Lia, why are you prolonging the story?" Parang inis na tanong ni Chaeryeong.

Actually.

Paisa-isa eh.

Ang bagal niya magkwento at maingat niyang pinipili yung mga sasabihin. I want to give her the benefit of the doubt na wala siyang ginawa kaso base sa kung paano siya magkwento ngayon, tagilid eh.

"Magagalit ba kami sa ginawa mo?" Tanong ko.

Ngumiwi siya samin.

Half ngiti na pa-cute para hindi kami magalit sa mga susunod niyang sasabihin. Half ngiwi kasi alam niyang malala yung ginawa niya.

"Sabi ko sa kanya try niya kaya sa US.."

"Wala naman mali dun a?" Pagsingit ko naman.

Nag-agree sa akin si Chaeryeong. "Marami rin kasing opportunities sa US. Project Manager siya, right?"

Lia nodded.

"May sense naman yung sinuggest ko, diba?" Nanlaki ang mga mata niya, parang naghahanap ng validation mula sa amin. "Anyway -"

"Wait, hindi yun yung kinagalit niya?" Pag-confirm ko.

At nag-iba na rin ang timpla ng mukha niya.

"Biniro niya ako na gusto ko lang daw siyang makasama which is totoo naman, I won't deny that fact.." Tiningnan niya muna kami bago yumuko ng bahagya, para bang natatakot sa magiging reaction namin ni Chaeryeong. "Tapos.. alam ko talaga nakikipagbiruan siya nito eh.. tumatawa pa nga siya eh.."

"Just say it, Lia." Ako na yung nabibitin sa kwento.

"Siya raw ba talaga yung lilipat sa amin.."

Oh no.

"Tapos?" May diin sa tanong ni Chaeryeong. "Anong sinagot mo?" Medyo gusto na manlisik nung mga mata niya sa kausap namin.

Ay di pala.

Nanlilisik na.

"Alangan naman ako..?"

Yikes.

Nagkatingin kami saglit ni Chaeryeong at napasandal sa kinauupuan namin.

"Teka nga, kayo na ba?" Tanong ko.

She shook her head. "Edi sana nagpa-party na ako kung oo."

Oo nga naman.

But regardless kung sila or not, mali silang dalawa. Not that it matters kung sino ang tama or mali.

Nangyari daw yun after nung pagbisita namin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u