10am, 4pm, 10pm

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

(Group chat: Unit 1117)
Ning: nood tayo open mic next week!
Yuna: g!
Yeji: G!
Lia: game!
Heejin: game!!
Chaeryeong: Count me in!
Giselle: Ning
Ning: hi, boss. okay naman po kami dito.
Giselle: G!

 

 

Mamaya na ako magre-reply sa mga 'to.

Anong petsa na wala pa rin yung mga gamit ko!

Normally for air cargo, 1 week lang nandyan na, max na ang 2 weeks. And guess what, lagpas 2 weeks na wala pa rin dumadating na package!

Ate Jaejae sent me the waybill and when I called the courier yesterday, naipit daw sa customs yung mga gamit ko.

Ang bata ko pa para ma-high blood pero ganun na nga ang nangyare! Kapag talaga may galos mga gamit ko, nako talaga!

Kung di pa sila nakakakita ng nag-aalburutong cutie, pwes eto na yun!

Mga gamit ko lang ang luho ko in life kaya maingat at alagang Winter ako sa kanila.

Katulad nung una kong keyboard.

Ang tagal na nun sakin. Inipon ko pa yun mula sa mga baon ko mula kay ate!

Maayos pa yung tunog, lahat ng keys gumagana, at syempre malinis! Walang alikabok yun sa ilalim kasi quarterly pinapalinis ko.

Tapos yung gitara ko..

Di ko alam kung alin sa mga gitara yung kinuha ni ate Jae sa home studio namin ni ate pero di rin nakaka-miss ng quarterly setup yung mga yun.

Kumbaga sa pag-aalaga ng pets, hindi ko nalalagpasan yung schedule nila for shots!

Tapos.. eto.. eto pinaka sa lahat!

Yung laptop ko!

Oh my gaaad! Magpa-palpitate ako kakaisip!

Nandun lahat!

Baby pictures, family pictures, recorded songs that will never see the light of day, mga kanta na on hold kasi di ko alam gagawin sa kanila, at yung mga raw files ng mga sinulat ko na pumasa sa taste ng kapatid ko!

Oh my gulay talaga!

Hindi rin tuloy kami makapagsimula ni Uju dahil sa delay.

Excited pa naman yung bata!

Lagi daw tinatanong ni Uju sa nanay kung kelan ko siya tuturuan magpiano or kelan siya pupunta dito sa bahay. May pinanood pa nga sakin si Karina na video ni Uju nung isang gabi. Inutusan nung bata yung nanay niya na ipanood.

'Ta Kab, baka po ayaw niyo talaga sakin.'

Ewan ko sa batang yun.

Uju, stress na stress na ang Ta Kab mo kakaisip ng gamit.

Tapos itong si Giselle parang ewan.

'Baka gusto nila ng lagay coz you know.. customs.. tapos mahal pa siguro brand ng stuff mo.'

Hindi nakakatulong.

Wag nila pagdiskitahan, utang na loob!

Harap harapang pangki-kidnap 'to sa mga anak ko.

Kahapon pa nga ako pinapakalma ni Karina eh.

Syempre effective yung ways niya.

Kryptonite ko yan eh.

Ay teka, pinapahina nun si superman, diba?

Basta yun.

At dahil banas na banas ako sa gamit ko, nakahold din yung 1 week gulay deal. Baka raw kasi siya na awayin ko sa unang subo pa lang ng pinakbet.

Di ko naman siya aawayin, sisimangot lang ako tapos may papatak na isang luha.

Nakahold din yung gulay kasi busy ulit sila ni Giselle.

Sobrang swerte siguro ng nanay ni Ryujin, si Tita Russ.

Kinamusta lang niya yung dalawa, tinawagan sila bigla nung coordinator! Kaya yung magkaibigan pinaspasan yung rate sheet nila for the coffee bar.

Galing nga eh.

Seryoso, nakaka-amaze silang dalawa ni Giselle magtrabaho.

May disagreements sila, yes, pero parehas silang may punto eh.

Kapag kami nila Lia ang magkakatrabaho, ewan ko. Nagbabangayan sila ni Chaeryeong madalas, minsan kasama rin ako if they ask for my opinion, decision point kumbaga, tapos salungat sa kanilang dalawa. I have no idea paano kami nakakatapos ng kanta and a miracle na friends pa rin kami.

Malayo kela Karina at Giselle.

Actually, may meeting yung magkaibigan ngayon sa sala para mag-conceptualize ng setup nila.

Nung ikwento nila kay Ryujin yun, tuwang tuwa din siya para dun sa dalawa. Actually, yung buong grupo naman masaya for them. Ang nakakagulat though, dumating bigla sa bahay si Ryujin at inoffer ang sarili sa magkaibigan kung may questions daw ba sila. Akala namin naka-leave siya sa work or tumakas, pinasuyo pala sa kanya ng mama niya na tulungan sila. At ako, nandito sa kwarto para di ko sila maistorbo.

Pero nagugutom na ako, snack time ko na eh. Okay lang naman siguro lumabas saglit no?

Bahala na, tatawid lang ako.

Maingat kong pinihit yung doorknob para di gumawa ng ingay, dahan dahan binuksan ang pinto at mabagal kong sinarado behind me.

Nasa dining yung tatlo.

Magkatabi yung magkaibigan at nasa harap nila parehas ang mga laptop, si Ryujin nakatayo at may binabasa sa phone.

"Uy, Win!" May pagkaway pa sakin si Ryujin. "Paalis na rin ako."

Bumaling na siya ulit sa phone niya.

Si Giselle bumalik sa laptop niya pero di nakalimutan kumaway muna sa akin.

Si Karina naman ay pinatong ang mga braso sa lamesa, checked the time sa wall clock bago tumingin sa akin.

"Snack time?" She asked, her tone teasing me.

"Hehe. Sorry."

She reached her arms at agad akong lumapit.

Side hug.

Binaon niya ang ulo sa tiyan ko at pinaikot ang mga braso sa bewang ko. Matic naman na hinanap ng kamay ko ang kanya and let the other run through hair her down to her back, yumuko ng kaunti para masilip yung laptop niya.

Pinterest.

Interesting.

"I'll cook lunch in a bit." She said.

"Ako na or maybe we can order kung sawa ka na sa luto ko."

"Kahit sunog pa yan."

Kasabay ng kilig ang pag-grumble ng tiyan ko.

Ano ba, naglalambing yung girlfriend ko.

Read the room, please.

Bumitaw siya sa pagyakap at tumingala sa akin. "Sige na, kumain ka na ng meryenda mo." Then she pat my tummy.

Bwiset.

Pinagkasya ko ang sarili sa likuran nila papunta sa sagradong corner ng kusina namin. Ang aking snack station.

Ay, wait.

Strawberries na lang!

"Lagi kang may snack time, Winter?" Tanong ni Giselle while scrolling through the website.

"Yep, she never misses." Sagot ni Karina, may tinitignan na picture. "10am, 4pm, 10pm."

Nagulat ako ng bahagya sa jowa ko.

Para naman akong baby na may feeding time. Napansin pa niya yun?

"Taray, may schedule!"

"Win, schedule mo nga rin buhay ko." Dagdag ni Ryujin habang nakatingin sa phone.

Bat ba.. eh kumakalam tiyan ko ng ganyan oras eh..

Kumuha muna ako ng mangkok bago nilabas yung isang plastic ng strawberries sa ref at tinabi ito sa sink.

Last kilo ko na 'to from our Baguio trip. Naubos yung isang kilo kakagawa ni Karina ng strawberry milkshake for me.

Ang sarap, okay?

Hindi lang pala for me kasi nasarapan din yung iba. Ayan, para kaming nagka-milkshake store sa bahay. Sabi nga ni Karina parang gusto raw nila i-try sa cafe kung papatok. For limited time lang daw ganun.

Tuloy lang yung tatlo na nagdi-discuss about sa events.

Bakit ba nakatayo lang si Ryujin?

Naghugas ako ng ilang pirasong strawberries. Naglabas rin ako ng platito para paglagyan nung parang trunk niya. Kumuha rin ako ng konting asin para i-dip yung strawberries dito. Wala lang, gusto ko lang ng maalat minsan.

Okay na 'to.

Para lang may kinakain ako habang naghahanap sa panlasang pinoy ng lunch namin. Di rin naman ako kumakain ng marami for snack eh, snack nga kasi! Sakto lang para masalba ang gutom until my next meal pero not too much na di na ako makakakain ng marami.

Eating the right amount is vital.

"Where are you going?"

Tumigil ako sa tapat ng hallway at lumingon kay Karina. "Sa kwarto ko?"

"Bakit?"

"Para di ko kayo ma-istorbo?"

She smiled at me sweetly. "Stay here, babe."

Uhm.. okay.

She winked at me pag-upo ko sa harap niya.

Ewan ko sayo, Karina!

Pagkuha ko ng isang piraso, tinulak ko yung mangkok palapit sa kanila.

"Gusto niyo?" Alok ko.

"No, thank you." Sagot ni Karina, nakatingin lang sa laptop niya.

"Oks lang, Win." Sagot ni Ryujin, nakatingin sa phone niya.

Yung totoo, anong meron sa phone ni Ryujin?

"Busog pa ako." Sagot ni Giselle, halos idikit na ang mata sa laptop.

Nagkibit-balikat ako.

Okay.

Let's go, panlasang pinoy!

Hmm.. ano ba pwede?

May baboy ata kami diyan.

Baka pwede ako magluto ng giniling?

Ay, shet.

Daming hihiwain, diced pa. Pero parang masarap mag-pork giniling ngayon eh.

Okay, sige. Eto na lang.

Iniscroll ko sa baba for the instructions.

Sa tagal ko ng nagluluto dito, kadalasan na first step sa pagluluto ay ang pag-gisa ng sibuyas at bawang. Pati baboy, manok, o baka igigisa mo rin kasama dito. Turo pa nga sakin ni Karina, mas sumasarap daw ang luto kapag mas matagal ang pag-gisa. Tapos humirit siya ng --

'Pero wag mo sobrahan na sunog na sila.'

Alam na alam ng jowa ko na baka nga masunog ko yung pagkain kaya inunahan na ako.

May nagpakitang kamay sa peripheral ko.

Kay Ryujin.

Kumuha siya ng isang pirasong strawberry.

"Guys, kailangan ko na umalis." Sabi niya pagkagat, full. "Pinapadaan ako ni mama sa Greenmeadows tapos punta ng BGC."

Tumango lang yung magkaibigan habang nakatingin sa laptop nila.

"Ay, Ryujin!"

Nag-clap pa si Giselle nung para bang may naalalang tanungin. Yung kamay niya biglang nag-reach out sa mangkok ko.

"Mga ilang staff need namin if ever?" Tanong niya tsaka kumagat sa strawberry.

"Oh, right!" Singit ni Karina, may hawak na rin na strawberry sa kamay.

Kelan pa siya nakakuha?

"Kasi kukuha lang kami ng tao from the cafe." She reasoned.

Nilagay ni Ryujin yung trunk ng naunang strawberry sa platito ko bago kumuha ng isa pa. Effort ang pagkuha niya kasi nasa kabilang side siya ng lamesa habang yung mangkok ko malapit sakin.

"Hmm.. usually naglalaro sa 100-200 guests yung mga weddings dito, may umaabot pa nga ng 250. You might need at least three on site." She answered.

Umiling si Giselle at dehadong tumingin kay Karina na may bagong strawberry na rin pala sa kamay?

Teka nga lang.. akala ko ba ayaw nila?

"We can't pull out 3, Karina. Kawawa yung maiiwan."

"How about tayo magbarista?" Suggestion ni Karina. "Then kumuha tayo ng isa sa cafe."

"That'll work." Lumawak ang ngiti ni Giselle pagkasubo ng isa pang strawberry.

"Just like the old times," Karina added.

"Ayun! Problem solved!" Singit ni Ryujin.

At sabay nilang tatlong kinuha yung last three pieces.

Ang gagaleng.

Mas marami pa silang nakain kesa sa akin.

"Maniwala kayo sakin, kakaibang mundo ang events dito lalo na weddings." Dagdag pa ni Ryujin habang nakahawak sa balikat nung dalawa. "Maraming nagpapakasal kaya i-gora niyo na 'to. Venture out na kayo."

Tumango tango lang yung magkaibigan sa kanya.

"By the way, sa unit mo kakain ng dinner." Banggit ni Karina kay Ryujin bago siya umalis.

Hehe.

Operation Ryujin, commence.

"At baket?"

"Para maiba naman." Sagot ni Giselle.

"Parehas lang layout ng mga unit natin, anong bago dun?"

"Bakit parang ayaw mo?" Tanong ni Karina kay Ryujin.

"Kasi makalat, yung lamesa ko 4-seater lang. Nakalimutan niyo bang more than 4 tayo?"

"Maglinis ka pag-uwi mo." Karina said sternly. "Dito kami magluluto pero dun kakain."

Wala ng nagawa si Ryujin at nagpaalam na.

Yan lang rin pwede namin matulong sa kanya. Hindi kami pwede mangealam talaga or kami gumawa for her, it defeats the purpose ng solo living. Tamang push lang para kumilos siya and hindi rin namin aaraw-arawin, yung enough lang until ma-realize niya yung joy ng malinis na bahay. Sabi kasi ni Heejin, malala na raw, kita na niya yung alikabok sa sulok ng unit.

Naisip ko rin yung mga hinaing nilang lahat nung isang araw.

Hindi ko talaga siya na-experience kasi nung umuwi ako dito, si Karina agad yung nakasama ko eh. At saka, wala akong trabaho kaya nasa bahay lang ako so hindi ako ganun kapagod to think about other things.

And kasama ko si Karina.

Yun talaga.

Nahiya ako maging makalat.

Naalala ko yung unang tapak ko sa kusina.

Mas organized pa kesa sa buhay ko eh.

Kung papasok ang crime scene team for fingerprints, wala silang makukuha sa linis.

At the same time, hashtag blessed.

Siguro nilagay ako ni Lord dito para tumino in life.

I swear, yung pagiging maayos niya nakukuha ko eh. Walang alikabok sa kwarto kahit malimit na akong matulog dun, walang nakakalat na plastic ng gummy bear, maayos yung lamesa, pati mga resibo naka-stapler according to paper size kahit wala naman akong ginagawa sa kanila. Para akong dinikit kay Marie Kondo.

"Winter," tawag ni Karina nang mapansin ang pag-spaced out ko, I waited for her to continue kasi may tinype siya. "let's just order para di ka na mapagod. Dinner na lang tayo magluto."

Pero gusto ko ng giniling..

At strawberries sana kaya lang inubos nila.

Hindi ako madamot pero nag-expect ako na sampung piraso ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u