Gulay.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Hold me close and hold me fast

The magic spell you cast

This is la vie en rose

 

I heard Karina hum the song playing through the stereo.

Bumaling ako sa kanya nung tumigil kami saglit habang may umaatras na sasakyan mula sa parking.

Napangiti ako at her image.

Nakakunot ang noo niya while biting her nail, may minsanang pagkagat ng labi. Her hair is a bit messy dahil sa hangin galing sa labas, hindi kasi kami nag-aircon para langhapin ang sariwang hangin and just rolled down the windows.

Ang lakas ng dating niya when she's focused, ganito rin siya kapag nagtatrabaho eh.

But this isn't about work.

It's.. gardenscapes.

Eto yung game na maraming ads, diba? Effective siguro kaya nag-invest sila dun, may nabudol nga sila na kasama ko eh.

And yes, ipagyayabang ko. Level 8000 na siya.

Mga bagay na unti-unti kong natututunan sa girlfriend ko.

Whatever makes her happy.
 

 

When you kiss me, Heaven sighs

And though I close my eyes

I see la vie en rose

 

She used my phone as my navigation to our destination and for music na rin.

Pinapalipat-lipat ko kay Karina from one app to another minsan para lang i-check kung nasa tamang daan pa kami. Pero most of the time, youtube yung naka-open at pinapakinggan ko na lang si ate waze.

Naka-youtube lang kami kasi tinanong ko si Karina kagabi kung anong favorite song niya, La Vie En Rose daw.

Eh sakto may alam akong magandang cover, so pinarinig ko sa kanya. Ayan, naka-loop lang yung video kasi nagandahan din siya sa boses ni Renee Dominique, maganda rin kasi yung arrangement ng song.

Alam ko naman pwede yung phone ni Karina pero supportive ako sa career niya as a gardenscape.. r.

Ngayon na lang din daw siya kasi nakapaglaro.

 

And when you speak

Angels sing from above

Every day words

Seem to turn into love songs

Give your heart and soul to me

And life will always be

 

"La vie en rose," I mumbled.

I first heard this song kay mommy.

She likes singing the original version, yung kay Édith Piaf.

It's a beautiful french song about being with someone special makes you see life through rose-colored glasses.

That's my take to the song.

The literal translation of the title is life in pink.

"Oh my god." Karina chuckled beside me, napatingin ako sa kanya at bumaling na rin agad sa daan.

It made me think of the phrase -- rose-colored glasses.

It means to see life optimistically.

Being positive kahit gapang ka na talaga in life, naghihingalo na. Yung tipong gugupitin na ni scary old woman sa Hercules yung hibla ng buhay mo pero pa-ngiti ngiti ka pa rin.

And to be with someone and look at them through rose-colored glasses.. ewan ko ha pero para sakin medyo tagilid yun eh.

You focus on the good side, you cling to what you only want to see, the positives. Because that's what we all want, diba?

To look at someone ideal, someone perfect.

I don't want it, not with Karina.

"Winter."

"Hmm?"

"Yuna sent me a list."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela.

"Bakit ako kinakabahan kapag sinasabi nila yung 'list'?"

"Kabahan ka talaga kasi pasalubong list yung ngayon."

Jusko.

Mag-otso otso na kaya ako?

Plano ko pa naman tig-isang kilo lang ng strawberries per household. Isa sa taga-taas, isa sa taga-baba, isa sa outskirts, isa para sa para kay Ryujin at Heejin. Kailangan namin maisipan ng codename yang dalawa.

Mas okay yun kesa sa keychain no!

Bumalik na si Karina sa paglalaro after namin i-discuss yung bulleted pasalubong list ng mga tao.

Sumasakit ulo ko kela Ning.

Balik na lang ako sa monologue ko.

I'm taking it off because I want to see all the good and the bad in Karina, her strengths and flaws, what makes her tick, and what makes her scowl. I want to embrace everything about her.

There are some things about herself she needs to work on syempre and she knows that. But I'd want to be beside her and see her bloom into her best version.

Just like yesterday.

Just to be clear, I'm on her side on that one.

No to cheating tayo.

Di niya kailangan maging besties ulit kay Minju.

Nope.

Di naman yun ang pinarating ko sa kanya. Ayoko lang mahatak siya pababa nung galit niya. I mean, di nga siya aware na nandun pa yung baggage eh. Nalaman na lang niya nung kaharap na niya.

I just want her to let go of that past and she can only do that once she has accepted that in life, intentional or not, masasaktan talaga tayo ng mga mahal natin sa buhay. But what you do after that pain is more important than holding on to it.

Lason yan eh.

Pero ibang usapan yung kay Chaewon.

De, joke lang.

Sabi ni Karina wala na yung kay Chaewon, naka-move on na siya, ganun din ang tingin ko. Mas affected lang talaga siya kay Minju kasi kababata niya and she was Karina's bestfriend.

But I wonder.. ano kayang itsura ni Chaewon?

"Karina."

"Hmm?"

Wait, tama ba 'tong ginagawa ko?

Tatanungin ko talaga siya?

"Anong level mo na?"

"8010."

Kulang kasi magbigay ng details 'tong si Karina eh.

Walang last name!

Paano ko ma-check yung iba pang tipo ng girlfriend ko sa babae, diba?

Sino kaya sa tatlo niyang kaibigan ang pwede kong tanungin?

Yeji..

Yuna..

Giselle..

Parang.. wala.

These girls stick together like bibingka.

I know, na-experience ko na and I understand. Karina is lucky to have them.

Pero imposible din na friends pa sila with Chaewon sa social media. Kasi ang galit ng isa ay galit ng lahat.

Idaan ko kaya sa iba?

"You will arrive at your destination in 100 meters."

"In.. one.. hundred.. meters." Paggaya ko sa robotic voice ni ate Waze.

Di ko alam yung minaneho ko.

May pababa, may pataas, may pa-zigzag pa. Minsan naman combo din yung zigzag sa pababa at pataas. Hindi na ako sure kung nasa paanan kami ng bundok o nasa tuktok.

Sumipat ako ng tingin sa building pagpark namin, leaning forward and resting my arms sa manibela to get a better look. Medyo nasakal pa ako sa seatbelt ko.

BenCab Museum.

Huh.

Gusto puntahan 'to ni Karina para raw magpaka-cultured kami kahit minsan lang. Questionable na raw kasi pinaggagagawa namin kasama sila Ning.

Nagtataka na rin ako eh.

Matured naman kami mag-isip, promise.

Gusto lang siguro namin tumakas sa horrors ng adulthood.

"You've been here before?" I asked Karina while I unbuckle my seatbelt.

"Once, kasama si Giselle and college friends."

Bahagya niyang hinarap ang katawan sa likod para aabutin yung bag niya. She checked her things inside bago ipasok ang phone. Chineck din niya ang sarili sa salamin ng visor, nagsuklay at nag-apply ng lip gloss.

Habang ako naman ay pinatay ang makina ng sasakyan, kinuha ang phone and wallet sa dashboard, at sinukbit ang camera sa leeg.

"May papalagay ka sa bag ko?"

"I'm good, thank you. Ibubulsa ko na lang."

"Okay." She replied with a smile.

Parehas kaming nakat-shirt and jeans lang, white akin, black sa kanya. Paubos na kasi yung baon naming damit. Parang tig-isang set na pangtulog at pang-alis bukas. Kung di pa ako nakilaba sa kanila nung weekend, baka nagside a and side b na ako. Kung ano clothing piece ang side a side b.. sikreto ko na yun.

Bumaba na kami ng car.

Parang di naman ganun kalakihan yung museum nung papasok na kami. Sa labas pa lang kasi kita mo na yung ibang art pieces.

Ay, okay.

Pababa pala direction for the museum tour.

Apat na palapag daw 'to sabi ni Karina.

She lined up for our tickets.

Ayaw pa niya na ako magbayad ng tickets namin, hati raw dapat. Pumayag na lang din ako kasi alam kong strong independent woman ang girlfriend ko and I respect her for that.

Sa lahat ng gastusin namin dito sa Baguio hati kami, share ko lang.

Tumabi ako sa may railings to give way sa iba pang visitors na palabas na rin ng museum.

I checked my phone for any messages bago ko i-silent mode.

Medyo tahimik yung museum, quiet chatters lang from friends and families na nauna sa baba. Nakakahiya kung biglang may tumawag. Suki pa naman ako ng mga quiet places na bigla na lang tutunog ng malakas yung phone. Parang nagkasundo yung mga taong maalala ako right at that moment.

Wait, si Chaeryeong!
 

 

Winter: My sweet, sweet, little one.
Lit One: Anong kailangan mo?

 

 

Ay, gising na.

Finally, nag-adjust na ang body clock nila dito sa pilipinas.
 

 

Winter: Tanong mo naman si Yuna anong last name ng ex ni Karina.
Lit One: Papa-blotter mo?
Winter: Hindi, baliw ka ba.
Lit One: Eh ano
Winter: Hanapin ko FB. Curious ako ano itsura.
Lit One: Sige, patingin din ako after
 

 

Napapansin ko lately dikit si Chaeryeong kay Yuna kaya siya ang aking insider ngayon. Di pwede si Lia, madiling tumiklop yun kay Yeji.

Pangatlo pa si Karina si pila at yung nasa unahan ay nakikipagkwentuhan pa sa staff.

 

Yuna: bakit mo tinatanong?

 

Lit One: Bakit daw?

 

Chaeryeong naman..
 

 

Winter: WHY.
Lit One: Ahh, you wanted it to be a secret
Winter: Di ka slow, bata.
Winter: Alam kong gets mo ko.
Lit One: Send a picture!
Lit One: Enjoy your last night!
Lit One: Sana naenjoy niyo yung playlist!

 

Jusko, damage control pa 'ko ngayon..

Parang ang ewan kasi magtanong ng ganito sa girlfriend ko, kung anong itsura ng ex niya. Who does that, diba? Baka isipin niya bothered ako, hindi naman talaga!

Curious lang!
 

 

Winter: Hello. Hehe.
Winter: Wala lang.
Winter: Para may last name siya sa utak ko.
Yuna: weh
Winter: Curious lang ako anong itsura niya..
Yuna: utut mo
Winter: Gusto ko malaman kung mas maganda ako.
Yuna: kaya manok kita eh.
Yuna: makapal din face mo like me.
Yuna: nakutuban ko when I first met you.
Winter: Yuna, focus. Last name.

 

 

Bakit ang hirap pigain ng information?

Next na si Karina sa pila wala pa rin akong nakukuhang last name.

Ilang letra ba yan para hindi ma-type?

 

Yuna: Tanong mo si Karina.
Winter: Ang highschool na galawan nun.
Yuna: Ang highschool pa rin ng galawan mo ngayon
Winter: :'(
Yuna: Dahil kaibigan kita
Yuna: Para sa ikatatahimik ng buhay mo

 

The staff was explaining something kay Karina habang inaabot yung change sa bayad namin.

She then gave Karina 2 tickets.

May tinanong pa si Karina kay ate at may tinuro sa baba.

Crunch time!
 

 

Yuna: Wag mo ng alamin
 

 

"Let's go?"

Inangat ko agad ang ulo -- si Karina.

Wala kang tupig, Yuna!

She found my surprised look amusing. "Para kang nakakita ng multo."

"Uhh, hehe."

Binulsa ko na ang phone at tumayo ng diretso.

"Tara na?" Aya ko.

Humawak siya sa braso ko at hinila ako ng marahan pababa.

Excited siya, I can tell.

We were welcomed by a room with artworks hanging on the white walls. May propped walls din sa gitna ng room. The paintings illuminate deep meanings using different hues, different shapes, and different colors.. of the wind.

Di ko kaya, guys.

Di ako art enthusiast, art connossieur, or ano pang tawag.

Pero na-appreciate ko naman yung paintings. Lahat sila maganda para sakin, sa interpretation nagkakaiba syempre.

Nakinig na lang ako sa BenCab museum 101 ni Karina.

The museum houses the artworks of the owner Benedicto Cabrera, also known as BenCab. May ibang artworks din from different Filipino artists that he collects and the museum features some, as well.

BenCab is a national Filipino artist whose works are contemporary art. Been painting for more than 4 decades sabi ni Karina and he lives in Baguio kaya nandito rin yung museum niya.

May iba't ibang galleries that showcase different themes.

Tumigil siya sa harap ng isang malaking painting entitled Sabel.

She was staring at it intently, almost like letting the painting take her to someplace else. Not minding the sound of my camera when I took a picture of her.

Huh.

Naalala ko yung time na hinimay namin yung mga kanta na sinulat ko. Ganito yata talaga siya, she's keen on details and she takes it to heart.

She moved to the next piece and I did the same thing.

Napukaw ng mga naka-install sa dingding yung atensyon ko. Ngayon ko lang sila napansin pagbaba namin kanina.

Alam ko may tawag dito eh.

"Bulul." Bulong sakin ni Karina.

Ayun!

Napansin niya sigurong nakatitig lang ako at namamangha sa mga ito.

Instead of paintings, bulul ang nilagay nila.

Okay, ang ganda talaga.

"He also collects tribal artifacts from the Cordillera culture." She said.

Napansin ko nga rin.

Yung isang gallery kasi puno ng carved items like spoons, bowls, furniture, etc.

Invite ko kaya si BenCab sa #WeTheNorth agenda ko? Mukhang mahal na mahal niya talaga ang north eh. I-klaro ko lang din sa kanya na I love north except sa diktador na galing dito.

Let's vote wisely.

We were looking at a painting sa hall nang may nag-squeal sa bandang likuran namin.

"Ang kulit mo! Titigan mo kasi yung paintings."

"Ang hirap kapag ikaw kasama ko."

Napalingon kami ni Karina sa kanila, pati na rin ang ibang tao ay napatingin.

Uy.

"Sila yung katabi natin kahapon, diba?" Tanong ko.

"Yup, sila nga."

Nag-evil smile ako at kabado benteng tumingin sakin si Karina.

"Babe, what are you thinking?" Tanong niya.

"Masasagot na katanungan natin kahapon."

"Kung sila ba?"

"Yas."

"Tatanungin mo?"

"Hindi, susundan natin at magmamatiyag."

She looked at me weirdly. "Tapos basehan mo actions? Walang confirmation?"

"Yes." Sagot ko.

"They're not together."

"Representative ka?"

"Pustahan tayo."

"Game."

Eto gusto ko kay Karina eh. Game na game makipaglaro sakin. Nagtataka pa siya bakit ganun trip ng mga kaibigan namin, eh patola din siya!

Score point system kami.

Point Winter kapag galawang magjowa, Point Karina kapag bestie lang. Paramihan until makaalis na kaming apat dito sa museum. Yes, susundan lang namin sila. Parang tour na rin kung iisipin.

Ang confident ng jowa ko, paano kaya siya makakapuntos?

"Ano pagpupustahan natin?" Excited kong tanong, nagwarm-up pa ako in place. Sinisipat ng tingin kung nasaan sila ate. Akala mo isasalang sa boxing ring.

"Gulay."

Napatigil ako sa pagcrack ng knuckles at nabura ang ngiti sa mukha. "Bakit naman yan?"

"Sure kang sila, diba?"

Napaisip ako saglit.

Imposibleng di talaga sila eh.

"Sige, game. Anong meron sa gulay?"

"One week ulam natin gulay lang, syempre kakainin mo lulutuin ko."

Shet.

Contortionist na yung mukha ko sa sobrang.. ulck.

Bilang sa one hand ang kinakain kong gulay, yung nae-enjoy ko kainin.

Cabbage, potato, kangkong, kalabasa, at sitaw.

Di ko pa masama yung tomato kahit mapagpanggap siyang gulay. Ayaw niya kasing maging part ng fruit clan kaya laging sumisingit sa gulay fam.

"Kapag ako nanalo?" Tanong ko.

"Edi di mo kakainin luto ko."

Ha?

"Anong kakainin ko?" Nakakunot ang noo kong tanong.

"Luto ka ng sayo."

"Inuutakan mo na ko eeeh." I whined, natawa yung bata na dumaan sa tabi namin.

Kid, teka ha. Cute ka pero dinadaya ako dito.

Nagkibit-balikat lang si Karina with smug face pa.

Ang suggestion niya, kapag siya ang nanalo, kailangan ko kumain ng gulay for 1 week. Kapag ako ang nanalo, 3 days lang ako kakain ng g

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u