Manalo, matalo.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Yes, I'm late.

Hinanda ko na lang sarili ko sa firing squad ni Ning kasi 10:30am pa lang nasa SM North na siya. Ilang 'san ka na banda' at 'anong petsa na' natanggap ko. Nahalungkat na din lahat ng late records ko mula nung mga bata pa kami. 

Kasalanan ko naman.

Late ako nagising, nagmoment sa cafe, at na-stuck pa ako sa traffic!

May nagkabanggaan kasi sa EDSA. Minor lang naman. Sabi ni kuya Grab tanga lang daw yung driver. Harsh, kuya.

Pagdating ko sa SM tinawagan ko agad si Ning.

"Jusko sisiw na ko. Sinabi na kasi kanina eh. Nasan ka na ba?" Impatient niyang sagot.

"Dito na sa Mcdo! San ka banda? Ang daming tao!" In-extend ko pa leeg ko at lumilingon sa area para hanapin siya.

"Kasi lunch na, tangeks. San ka ba? Nasa gilid lang ako!"

"Wait la - shet. 'Wag tayo magsama!"

Mukha kaming premyo sa piso game.

Tatakbo na sana ako palabas ng Mcdo pero nagkatinginan na kami.

"Dodooooong!" Sigaw niya.

Of. All. Names.

Muntik pa kami matumba nang tumakbo siya papunta sakin. Nangiti na lang din ako kahit nahihiya sa tingin ng mga tao.

"Upo na tayo, Ning. Nakatingin satin lahat." Ipit ang hinga.

Binitawan niya ako at pumadyak sa sahig. Please 'wag ka magtantrums dito!

"Kainis ka! Na-miss kita tapos yan una mong sasabihin sakin?" Sabay irap bago nagdabog pabalik sa pwesto niya. Natawa na lang ako at sumunod din.

Wait.

One. Two. Three bags.

"Bakit ang dami mong dala?" I asked after sitting down.

"Kasi sasamahan kita dito sa Manila?" She said like it's the most obvious thing.

"Saan ka magstay?" I asked. Hopeful na mabago kutob ko.

"Sayo?"

Anak ng.

"You're kidding, right?" 

"Taray english. Sayo nga! Tumawag si Teteng kay mama last week pinaalam kung pwede kita samahan. Nandun naman si kuya kaya okay lang." Explain ni Ning.

"Until when??"

"Buong stay mo dito? Teka nga," Sumeryoso mukha niya. "Bakit hindi mo alam?" Nagtaka na din siya.

"Kasi walang sinabi si ate! Sabi lang niya i-meet kita pag-uwi ko. I thought meet like once or twice a month while I'm here!" Tumaas boses ko kasi hindi ko mapaniwalaan yung nangyayari. Iniisip ko paano yung unit, si Ning. Nadala ako.

"Kumalma ka nga, insan. Bakit ba parang badtrip ka? Ayaw mo ba akong kasama?" Tanong niya.

"Hindi sa ayaw kitang kasama. Nagulat lang ako and hindi ko kasi alam saan kita pagstay-in - "

"Okay lang ako sa sala." Putol niya.

"Bakit ko gagawin yun sayo?" Kunot noo kong tanong sa kanya. "May kasama kasi ako sa unit!"

"Jowa mo?" She asked.

"Huh? No, no. I mean, room lang kinuha ko. Two rooms yung unit. Kapatid ng landlord yung kasama ko." Explain ko.

"Kapatid naman pala eh. Hindi naman natin sila nanakawan."

"Hindi ko pa siya nami-meet, wala pa akong 48 hours na nakatira dun, blonde ako, red buhok mo. Sino magtitiwala satin?"

"Kapwa natin perfect." Mabilis niyang sagot.

Kinontsaba ba 'to ng kapatid ko?

"Ning, for 2 persons lang yung unit. Hindi ko alam paano ipapaalam. Sinabi ba ni ate na pilitin mo 'ko?" Tanong ko. Hindi ko na natiis.

Natahimik siya.

"Gusto lang din naman kita makasama tulad ng dati." She said.

Kumirot puso ko nang marinig ko yun.

"I'm staying here for a year. We'll bond just like the old times, alright?" Sagot ko.

Natahimik na din ako.

"So," pagbasag niya sa katahimikan. "uuwi na ba ako ng Pangasinan? She asked.

Bumuntong-hininga ako.

"Can I think about this first?" I asked. "Nahihiya kasi ako sa landlord ko and baka uncomfortable sa roommate ko." Dagdag kong paliwanag.

Tahimik lang siya na nakatingin sakin.

"Pakainin mo muna ako, please." Pagpilit ko.

Mahirap magplano nang gutom.

 

 

-----

 


Sizzling tofu. Sinigang. Fried chicken. Fried rice good for 4.

Si Ning na pinapili ko ng order. 

Nakaupo siya sa kabilang couch katabi yung dalawang bag, sakin nakatabi ang isa.

Buti na lang sumama pa din siya sakin kahit naging awkward yung atmosphere between us. Mas masakit pa sa firing squad narinig ko sa kanya kanina.

I can't blame her though.

Ning and I grew up together.

Nakita niya uhugin days ko, tiniis ko maldita phase niya. Papasok kaming malinis, uuwi na madungis. Kapag may nang-away sa isa samin, asahan na may reresbak. We got each other's backs. We were inseparable.

Just like our moms.

Magkapatid si Mama and Auntie. Dahil dalawa lang sila na babae sa magkakapatid na lalake, they stuck together. Bumili pa nga sila ng magkatabing bahay. Too much? Not really. They loved it. We loved it. 

Mama with her own family, Auntie with hers. Together? Chaotic. But we were happy.

Then my parents got into an accident.

Family nila Ning kumupkop samin ni ate Taeyeon when our parents died.

We were all trying to move on. 

Pero nung nagkasakit si Uncle, hindi nila kinaya ang expenses kaya pinakupkop nila kami ni ate sa nag-iisang kapatid ni Daddy. Sorry pa nang sorry samin si Auntie nun. Pakiramdam daw niya nabigo niya si Mama. Pero mas mabuti na daw yun para mabigyan kami ng magandang kinabuksan.

Ate understood, I didn't. How could I?

I lost my parents and the other family I grew up with gave us up.

Everything was going fast for a 13 year old. One day, our families were happily eating lunch. Next thing I know, we are on our way to the states with Aunt Bo. A person we barely know.

We lost contact with them after that.

But when ate started her career, she looked for them. She said they're still our family even with everything that happened.

Our families reconnected, ate Taeyeon for the most part.

Me? I moved forward with my new life.

"Tulala ka." Sabi ni Ning pagkabalik niya galing CR.

"Nag-iisip lang ng plano." Palusot ko.

"Wala kang balak sabihin kay Teteng?" Tinaasan niya 'ko ng kilay.

"Plano ko sabihin mamaya para makaganti ako." Natatawa kong sabi. "Magagalit yun."

"Para ka kasing tanga." She said habang inaayos yung spoon and fork na nilapag sa harap niya. "Bakit mo ba tinago?" Tanong niya.

"Kasi ayokong magworry siya."

"Alam mo naman bakit eh." She looked at me softly.

Natahimik ako saglit while looking at her.

"Yeah.." sagot ko at tumingin din sa malayo.

When we moved, ate became more hands-on sakin, more protective. I guess natakot si ate na mawala din ako sa kanya.

"So," she cleared . "bakit ka nandito?" Tanong niya.

"Bawal na ba bisitahin pinsan ko?" Nagdrama ako kaunti. 

"Utot mo!" Binato niya sakin yung tissue. "Hindi ka nga nagpaparamdam eh."

"Hoy. Nagmemessage ako!" Depensa ko.

"Once every 3 months? Talo mo pa mens, Dong. Sagutin mo na, bakit ka nga umuwi?" 

Ning, hindi 'ko kaya heart-to-heart ngayon. Gutom ako.

"Bawal na ba? Taga-rito pa din naman ako ah?" Sagot ko.

"Ngayon ka lang umuwi, just to remind you. Kung hindi sinabi ni Teteng, hindi namin malalaman. So, anong meron?" Pilit niya.

"Gusto ko lang."

She finally dropped the topic when the food was served. We ta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u