Nagsasabuyan ba kayo ng kape diyan?!

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Kaibigan ko naman silang lahat.

Nasa iisang gc kami.

Nakatira sa iisang building.

Pero bakit hindi umabot sakin yung memo?

Guess what?

Lahat sila nakaitim!

All black party, except sa celebrant na naka-red, of course.

Ako?

Naka-blue.

Makakalusot kung navy blue kaso hindi eh. Long-sleeved electric blue dress lang naman.

Pang-agaw atensyon sana kaya ito pinili ko pero wag naman yung ganito na nangingibabaw na ko sa crowd.

Nakulangan lang sa follow-through kakakatok ng mga tao sa pintuan ko kaya nag-ponytail na lang ako at mabilisang pag-apply ng makeup. Ayaw kasi umakyat ni Lia hanggat wala pa lahat sa living room.

Grand entrance pa nga ang gusto.

Tapos 'tong si Karina dumadagdag pa.

Masyado na siyang nage-enjoy basagin ako!

Feel na feel ko na pagiging head turner ko nung nag-emerge ako from the hallway kanina. Yung mga mata niya parang kuminang nung nakita ako. Pakiramdam ko bumaba ako sa non-existing stairs tapos yung kamay ko nag-slide down pa sa handrails.

Bumulong siya sakin paglapit ko sa kanya.

"Mommy of the celebrant?'

Bwiset!

Kung hindi lang siya extra elegant tonight papatulan ko 'to eh.

I mean yeah, simpleng black sleeveless dress na hapit sa bandang bewang lang yung suot niya pero napukaw na naman niya ang atensyon ko. I love it when her hair's wavy but ang ganda ng effect sa suot niya ng flat ironed hair niya tonight. Like seriously, hindi na nga niya kailangan mag-makeup eh.

Tumapat pa talaga siya sakin sa hapag-kainan!

Aside from the occassional 'paabot ng pagkain' at 'pausog ng siko,' wala masyadong nag-usap nung kumakain kami.

Hindi nga pala kasi kami nakapag-lunch, kahit meryenda wala. Naramdaman na lang namin yung gutom nung umupo na lahat sa hapag-kainan.

Ang sarap lang ng niluto namin.

Panalo yung naka-toka na pagkain sa celebrant.

Basta pasta, maasahan si Lia.

Mas binalikan ko pa yun kesa sa steak!

Nagbukas na sila ng wine bottle habang nagpapababa kami ng kinain at nagpakabusy sa phone.

"Win," Lia nudged my elbow. "magco-concert pala si ate Taeyeon dito?"

Oh!

Tuloy na pala?

Huling message niya sakin kanina tatawag daw siya para may ibalita. I guess ito na yun?

"Kelan?"

"Sa -"

"Wait, timeout." Singit ng katabi ni Ryujin na si Heejin, natatawa sa pagka-casual ng usapan namin ni Lia. "Ate talaga?"

Hindi nga pala nila alam!

Never na-bring up 'to sa usapan and wala rin nagtanong sakin. I'm not really hiding it from them.. hindi ko kasi alam pano sinasabi yung mga ganun at lalong hindi binibida because that would be so weird.

"Ako na hihingi ng tickets kay Teteng." Sabi ni Ning na napaggitnaan ni Giselle at Chaeryeong. "Makakalimutan na naman yan ni Dong eh."

"Hihingi kanino? Sa scalper?" Sarcastic na tanong ni Yuna na katabi si Yeji, "Nahihibang na ba kayo? We're talking about the Taeyeon here, right?"

"Yes, yung ate ko."

"Ate you mean sister?" Tanong ng katabi kong si Yeji.

"Yeah?"

"As in kadugo?" Tanong ni Ryujin.

"Yes."

Mapanghusga na yung tingin nila sakin.

"Yeah, right." Sagot nilang apat sakin.

"Okay, this is funny." amused na sabi ni Giselle. "Onting pilit pa, Winter."

"Kapatid ko nga yun!" Pilit ko pa sa kanila pero tinawanan lang nila ako. "Hindi ba kami magkamukha? Taeyeon junior nga raw ako eh."

I never thought ipaglalaban ko sa mga tao ang pagiging kapatid ni Taeyeon. Mukha ba kong nagsisinungaling?!

"Kapatid nga niya yun, guys." Giit ni Chaeryeong sa kanila.

Nag-psh lang sila Yeji.

"Kelan ka pa naging barbero, Winter?" Tanong ni Heejin.

Wha - 

Hindi ko rin alam bakit sobrang worked up ko para mapaniwala sila. Pero ate ko kasi yun and this is not the reaction I expected!

"Mukha ba akong barbero?" Tanong ko kay Karina.

"I think if you try, papasa ka. Ako yung una mong mauuto." She answered, snickering.

"Papasa rin siyang babaero." Casual na sabi ni Lia.

Nagka-komosyon dahil sa sinabi ni Lia.

"Kaya ba Winter name mo? Cold-blooded?"

"Subukan mong gawin yan dito, Win."

"Gagawin kong palay yang bangs mo, girl."

Siniko ko si Lia. "Pinagsasabi mo ba kasi?"

"Win, lahat ng naging crush ko sayo nagkagusto."

Teka lang.

Saan nanggaling 'to?

"Wala akong ginagawa sa kanila!"

"Exactly, wala kang ginagawa kaya hindi sila natu-turnoff sayo." Komento ni Chaeryeong. "Mapa-babae o mapa-lalake."

"Shet, oo nga no." Nanlaki ang mga mata ng pinsan ko, parang nagkaron ng moment of clarity. "Yung crush ko dati sayo rin nagkagusto!"

Wala akong alam sa pinagsasabi nilang tatlo!

Wala rin naman akong ginagawa!

At most nakatayo nga lang ako sa tabi nila habang namimilipit sila sa kilig kapag nilapitan sila.

"At least hindi katulad si Winter ng kabarkada ko dati, lahat ng naging ex ko jinowa niya din." Sabi ni Heej. "Sana sakin na lang siya dumiretso, ako lang yata talaga gustong matikman."

Nabilaukan ako.

Grabe confidence ng kaibigan ko!

Nasaan yung sinabi niya dati na mahiyain siya?

"Huy, ang lala naman nun. Akala ko malala na yung isang kabarkada ko noon na niligawan lahat kaming mga babae sa tropa." Ambag ni Ryujin.

"Okay kink ng mga kabarkada niyo ah?" Komento ni Yuna habang tinutuhok yung cheese.

Kink?!

"Gets ko yung kay Heejin," Singit ni Lia. "minsan nagkaka-crush ka sa current partner ng kaibigan mo. Di niyo ba na-experience yon?"

Natigil yung pagsubo ni Yuna.

Umiling kaming lahat.

"Ahh.." napakamot siya sa batok. "..nevermind.."

Di ko napigilan ang sarili na humarap sa kaibigan ko para mabigay ang buong atensyon ko sa kanya. "This is a safe space. Kwento mo pa yang experience mo, Lia." Udyok ko, ngiting aso na sa kanya kasi may naalala ako na parang sinagot na niya.

"It's just a crush, ang fun niya kasing kasama.." Kabado niyang sagot sakin, tinaasan ko na siya ng kilay. "Happy crush! Teka nga." Humarap na rin siya sakin. "Kelan ka pa naging possessive kay Somi?"

HOOOOOY.

Ibaon niyo na ko!

Bumilog yung mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Slowmo niyang tinakpan ang bibig nang ma-realize na nagsabi siya ng pangalan na, well, hindi niya dapat nabanggit.

"Akala ko alam nila.." bulong niya sakin, "Shet."

"Somi? The singer?"

"Oh, .."

"No ?"

"Yes, weird ." Tangong pag-confirm ni Chaeryeong kay Giselle, Yeji, at Yuna. "Nabulag ni Winter."

"Anong meron?" Tanong ni Ryujin.

"Voldemort ba siya? Bakit namumutla kayong dalawa?" Heej asked.

Tuluyan na kong nanigas sa kinauupuan ko, pinagdadasal na hindi marinig ang boses ng katapat ko sa lamesa.

"Somi's your ex?"

 

 

 

-----

 

 

 

Para namang sira mga 'to eh.

Nung sinabi kong kapatid ko si Taeyeon, hindi naniwala. Natawag pa kong barbero. Pero nung nadulas lang si Lia, walang pagdadalawang isip, naniwala agad. Walang tigil na rin yung tatlo sa pagkwento tungkol sa past lovelife kong napanis dahil sakin.

'Pano mo nakilala?'

'Dahil sa ate niya.'

'Pano mo napasagot?'

'Siya ang niligawan.'

'Ganda ka?'

'Feel na feel niya.'

Jusko.

Yung pawis ko talaga kanina!

Tumigil lang sila kakatanong nung pangalawang bote na namin ng wine. Pinatay na namin yung mga kandila sa lamesa at binuksan na lang yung mga ilaw. Nagtanggalan na rin sila ng mga heels nila at bumalik na sa totoong mga postura nila, kinalimutan na ang pagiging demure.

Binalik na rin ang usapan sa kapatid ko.

Sa September magstart yung tour, last stop niya dito sa manila on December.

Yas!

Na-excite ako.

Tatawagan ko siya mamaya para tanungin kung magstay rin ba siya dito until new year slash birthday ko. After so many years, ngayon na lang ulit kami dito mag-celebrate.

"Lia, ilan na naging boyfriend mo?" Unsure na tanong ni Yuna sa katabi ko. "Or girlfriend?"

Finally!

Napunta na yung usapan sa celebrant.

Pahapyaw na tumingin sakin si Lia, namumula ang mga pisngi pero hindi dahil sa dami ng nainom. Ang mga mata nanghihingi ng saklolo sakin pano sasagutin ang tanong.

Bahala ka diyan.

Huminga siya ng malalim. "Wala pa.."

Muntik na mabuga ni Yeji ang iniinom na wine.

"Weh?!" Gulat na tanong ni Giselle at Ryujin.

"Lia, teka. Anyare?" Natatawang tanong ni Ning. "No offense, wala sa itsura."

"Wala naman kasing ginagawa 'to." Ako na sumagot para sa kaibigan kong namumula na sa hiya. "Natutuod."

Yung katabi ko hindi mapakali sa upuan niya.

"Add mo pa yung nauutal siya." Dagdag ni Chaeryeong. "Sarap na nga batukan eh."

"Akala ko sa inyong apat, si Lia yung maraming experience." Ngumiwi si Giselle. "Shet, mapanghusga ako. Sorry, Lia."

"Iisipin mo talaga maraming experience, naging crush pa nga ex ni Winter eh." Kaswal na sabi ni Heej.

Please lang.

Wag niyo na ibalik yung ex ko sa conversation, let her rest. Baka kanina pa nabibilaukan yung taong nananahimik sa buhay.

"So may natitipuhan ka ba dito ngayon?" Tanong ni Yuna, smirking halfway.

Dundundundun.

Yej was tapping her glass of wine, unaware.

"Uy grabe. Kung may natitipuhan siya dito, pati yung kwento ko tungkol sa katropa ko, ginawa na rin niya." Ryujin pointed out. "Iisa-isahin mo ba kami?"

"Checklist pa ata ni Lia yung kinks." Dagdag ni Ning.

Stop with the kink..

It's not a kink..

"Hoy, Lia. Natameme ka na diyan." Pagpatuloy ni Giselle sa panghuhuli sa kaibigan ko. "Sagot!"

"Ayaw mo bang sumagot kasi baka ma-jinx?" Pagsalo ni Karina sa kaibigan ko.

Tumango lang si Lia.

Hanep!

Nakahanap ng taga-salo yung kaibigan ko. Tumigil na yung iba sa kakatanong nung si Karina na nagsalita.

We want more!

"O! Kung sino man ang crush ni Lia ngayon, asahan mo nang magiging crush mo si Winter." Bungisngis na pag-announce ni Yuna sa grupo.

I freaking snorted.

Ang hirap magpigil ng tawa, Lord!

"Aray!"

Nagsalubong ang kilay ko sa sakit.

Kinurot ako ni Yeji!

"May langgam.." Sagot ko nang tumingin sila sakin, nagtataka.

Karina took a sip sa wine niya, her cheeks red because of the alcohol, before looking sa katabi ni Lia. "Ikaw, Chaeryeong?"

"Highschool, puppy love lang." Pinaabot niya kay Yuna yung bote ng bagong bukas na wine for another glass.

"Wala na after?" Follow-up question ni Heejin.

"Busy na sa work." Nagkibit-balikat siya.

"Ano nga bang work mo? Same kayo ni Lia, diba?" Tanong ni Giselle.

"Sort of." Binaling na ang mga mata sa baso, wala ng interes sa usapan nang mapunta na sa work niya.

"Toilet lang." Paalam ni Ning pagtayo.

"Anak siya ng tatay niya. Yun trabaho niya." Pinalo si Lia ni Chaeryeong. "Aray naman!"

"Paano kayo nagkakilalang tatlo?" Curious na tanong ni Ryujin.

"Ganito nangyari.." Panimula ni Lia.

Everyone was listening to Lia's story of how we met sa party ni ate when I looked at Karina.

I noticed her empty glass.

Aalukin ko na sana ng refill nang lumingon sa kanya si Ryujin at nginitian. She offered her a refill that Karina gladly accepted.

Uhm.. okay?

Hindi pwede 'to.

Wala ako sa lugar.

"Damn, giiiirl!"

Giselle's eyes were fixated sa pinsan kong kinikilig pa pabalik sa upuan niya. "Ito yung nakuha niya sa ch

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u