Jowa.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

Oh my god.

Oh my god.

OH MY GOD.

Kumaripas kami ni Karina papasok ng mga kwarto namin.

Walang usap-usap, walang tinginan. The same scene replaying over and over in my head. I think I've never seen this film before kaya I don't know the ending!

Ang ganda pa ng panaginip ko eh.

May alaga daw akong baby unicorn.

Maputi, makintab ang buhok, at rainbow stripes yung kulay ng sungay. Kapag tumatakbo siya, nag-iiwan siya ng glitters sa dinadaan niya. Pinangalanan ko na nga siya eh — Ice. 

'Ako si Winter, ikaw si Ice. Cool, diba?'

May approval ni Ice yan.

Tumigil sa pagtakbo si Ice at humarap sakin. Dumilim yung kapaligiran, lumakas ang ihip ng hangin, yumanig ang lupa.

Na-witness ko paano nahati sa dalawa yung unicorn ko.. hindi namatay.. nagbunga pa ng isa!

Bangungot pala!

Never na ako manonood ng horror movies!

"Win?" 

"Bukas yan!" Taranta kong sagot habang naghahanap ng maayos na damit sa almost empty kong cabinet.

Eto na ang oras para mag-invest sa ibang damit. Bakit kasi kakaunti lang binaon kong damit? Bakit hindi pa ako bumibili ng bago? Pero ang pinakaimportante.. bakit sila nandito?!

Gets, bahay nila 'to.. pero baket?!

"Ate Teds, wag ka muna mang-asar please lang!"

Tumatawa siyang dumiretso sa study table ko.

Bumalik ako sa paghahanap ng damit.

"Baka kailangan mo ng pep talk."

Pinakita ko sa kanya yung dalawang damit na hawak hawak ko. "Ano mas okay? This one or -"

"Walang difference." She deadpanned.

"Tulungan mo ko, please!" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Bakit ka ba nagpa-panic? Hindi naman nakakatakot parents nila Karina."

Daddy ni Karina yung una kong nakita pagkagising!

I could have recognized him sooner kasi magkahawig lang sila ni ate Irene. I swear, carbon copy! But life decides to play tricks on me again. Hinarap talaga sakin ng bagong gising lang at nagbu-buffer pa utak ko.

Bumangon lang ako when he said the magic words -

'I'm Karina's dad.'

Mic drop.

Nag-ascend na kaluluwa ko.

Iniwan ako kasi alam niya hindi na kami aabutin ng bukas.

Ganito kasi yung nangyari.

Naalimpungatan ako nung umaga dahil sa sikat ng araw. Pagbalik ko sa makeshift bed after isarado yung curtains, humarap sakin si Karina tapos ano.. when she turned binagsak niya yung kamay niya sa tiyan ko!

Masakit, okay?

Ganun pala feeling kapag sinuntok ka sa tiyan.

Tapos.. yumakap siya sakin.

Akala ko gising na siya pero mahimbing lang siyang natutulog. I tried removing her arms pero kumapit siya lalo kaya hinayaan ko na lang. Nakatulog na ako after.

Malay ko bang dadating pamilya niya!

Jusko.

Kung nakita nilang magkayakap kami, I'm good as dead. But I have no idea ano nangyari! Nakita ko kasing nakatayo na si Karina paggising ko.

Nilapitan ako ni ate Teds at hinawakan sa magkabilang balikat. "Relax, Win. Promise, mabait sila tito."

Kung hindi lang mang-aasar si ate Teds, tinanong ko na ano naabutan nila eh. Maybe I should test the waters? Or not? Si Karina na lang tatanungin ko mamaya.

"Random check ba ng unit today kaya kayo nandito?"

"It's about time siguro na mag-impose si Irene ng ganun, don't you think?" She teased.

Nanlaki mata ko.

Shet. 10% chance.

"Ate Teds naman! Magkatabi lang natulog, iba na agad iniisip niyo!" Maang maangan kong sagot, pinalo ko siya ng mahina sa balikat.

Wala na siyang ibang sinabi. Baka wala naman talaga silang nakita?

"Maligo ka na. Naghahanda na si tita ng lunch."

Kumunot noo ko.

Lunch..

Sila Ning!

Hinanap ko na agad yung phone ko paglabas ni ate Teds.

 

(Group chat: Unit 1117)
Me: WALANG PUPUNTA DITO SAMIN NGAYON.
Me: ON SECOND THOUGHT
Me: SUNDUIN NIYO KO PLEASE!!!
Giselle: Everything okay there? Hindi umakyat si Karina kagabi
Ning: nagsigawan kayo?
Yuna: nagbasagan ng pinggan?
Yeji: Pinalayas ka ni Karina?
Ryeong: good morning, guys!

 

Na-wrong send pa sa gc!

 

Me: Please!
Maflia: Maipit pa ko sa gera diyan.
Me: LIA PLEASE. EMERGENCY
Maflia: Oo na. Bihis lang.

 

Yun!

Nag-aantay si Karina sa tapat ng bathroom nang lumabas ako.

Tumabi ako sa kanya.

Sorry, Karina. Kailangan ko magmukhang maayos kapag umalis ng unit. I'm not passing through sa living room ng hindi pa naliligo.

Kung magkakapisikalan kami dito.. yes, I know talo ako pero parating na mga sundo ko.

Para namang nabasa niya yung isip ko. "Ako muna maliligo, Winter!" Pasigaw na bulong niya, not facing me.

"Ako muna!" I gave her a pointed look.

Humarap na rin siya sakin, tinaasan niya ako ng kilay. "Ikaw mage-entertain sa parents ko?"

Checkmate.

Tinikom ko na ang bibig.

Para naman nagslowmo yung mundo nang bumukas yung pinto ng bathroom.

"I see, bulungan with feelings pa rin pala ang uso today."

"Ma naman eh!" Sabay pasok sa loob.

Ay, ang galing.

Iniwan ako sa nanay niya!

Yung ngiti ni tita sakin parang.. may laman. Akala ko titignan niya from head to toe pero hindi. May dumi ba ko sa mukha?

Ang awkward..

Just smile, Minjeong.

"P-pasok po muna ako sa kwarto." Pagpaalam ko.

"Magkahiwalay pa rin kayo ng room?"

Shet.

Nagreport agad daddy ni Karina.

I am now 50% sure na dumating sila na magkayakap pa rin kami.

"Sige na, pasok ka muna." Natatawa niyang sabi. "Magdadasal pa si Karina ng mataimtim sa loob."

Ako din po magdadasal sa kwarto ko.

Actually, nagsilent prayer na ako for my soul kanina.

Huling dumating yung mommy ni Karina.

Naabutan niya yung eksena na nakayuko kami sa harap nung tatlo. She thought pinapagalitan kami kasi yung mga mukha daw namin parang paiyak na. Wala ngang sinabi si tito..

Wait.

Anong pangalan ulit nila tita?

Oh my god, Minjeong! Alalahanin mo!

May kumatok ulit.

Natatawang pumasok si ate Irene dahil sa itsura ko. Palakad lakad kasi ako sa kwarto at kagat kagat ang kuko sa hinlalaki.

"Sabi ni Seulgi baka daw kailangan mo ng isa pang pep talk."

Umupo ako sa kama, hindi mapakali.

"Sorry for barging in. Hindi kayo sumasagot ng calls ni Karina eh." ngumisi siya. "Malay ko bang yun makikita namin."

"Ate naman eh!"

Okay, 60%.

Iaangat ko sa kalangitan yung remaining 40%.

Lord, please.

I know it's just a hug and okay lang kung sila Ning nakakita kaso magulang na niya yun. Kung ako magulang ni Karina magdududa din ako.

Bakit ba ang wrong timing ng lahat?

Ate Irene said their parents visit them whenever their can or minsan sila daw magkapatid pupunta sa probinsya. Usually, sinasabihan sila kapag luluwas ang parentals. Ngayon lang daw nag-surprise visit at ayun na nga, sila pa nga daw na-surprise.

Kami rin, okay?

Aware naman daw ang parentals na pinapa-rent nila yung room and they don't mind. They let their kids on how they hustle in life as long as legal.

May kumatok ulit, "Winter, ikaw na."

Hindi kami binigyan ng chance ni Karina magsalita, sinarado na din niya yung pintuan.

"Just relax, Winter. Hindi ka papalayasin ni daddy."

Makakatakas naman ako, diba?

Shet, bakit ba ako umoo?

Una pa lang, I should have said na may lakad ako. Ang hirap kasi i-reject ni tita nung inaya niya ako ng lunch. Paano ba humindi kapag kaharap yung buong pamilya?

Lumabas na din si ate Irene.

Tinawagan ko muna si Lia para tanungin — anpetsa na?! Kahit si Chaeryeong hindi sinasagot mga tawag ko. Nasaan na ba sila?

Naligo na ako.

For the record, yun na ata pinakamabilis kong ligo sa buong buhay ko, limang minuto. Marami kasi akong seremonyas pero kinalimutan ko na muna yun lahat for today. Di naman siguro magtatampo face ko ng isang araw.

Naabutan ko sila ate Irene na nakaupo sa couch.

Nasa kusina ang parentals.

Nasaan si Karina?

May nag-doorbell.

Tatakbuhin ko na sana pero naunahan ako ni tita. "Winter, upo ka lang diyan."

Wala na kong nagawa. Naging statwa na lang ako sa sala, sinisilip kung sino yung nasa pintuan.

Natanaw ko si Lia na may kasamang backup.

"Hell -" natigil si Lia sa pagbati niya. "Magandang tanghali po." Nag-bow pa siya.

"Tita Kat!"

Ayun!

Kat!

Katrina!

Thank you, Giselle!

"I missed you, tita!" Mahigpit niyang niyakap yung nanay ni Karina. "You'll visit the cafe later?"

"Of course!" Masayang sagot ni tita. "And who you guys might be?"

"Friends po kami ni Winter." Tinuro ako ni Chaeryeong.

Yes, Chaeryeong! 

Save me!

"Winter, your friends are here. May lakad ba kayo?" Tinanong ako ni tita pero hindi niya ako hinarap.

Sasagot na sana ako pero kinutuban ako ng masama nang makita ko yung ulo ni Ning na tumatango tango kay tita. Don't tell me..

"Ay, wala po. Dumaan lang po. Happy lunch!"

Nooooo!

Insaaaaan!

Sinundan ko sila ng tingin hanggang mawala na sila ng tuluyan sa frame ng pinto.

Yung karwahe ko..

Naririnig ko yung mahinang pagtawa nila ate Irene sa likuran ko.

Tumabi sakin si Karina.

"I'm sorry, hindi ka papatakasin nila mommy." Bulong niya. "You'll be fine, I'm here."

Napatingin ako sa kanya pero hindi dahil sa sinabi niya. 

Ang bango niya kasi.

Naligo ba 'to sa pabango? Hindi masakit sa ilong, fresh scent naman.

"Ang bango bango ng bunso ko. Payakap, anak!"

"Dad!"

Diyos ko pong mahabagin.

100%.

 

 


-----

 

 


"Winter."

Sa mga ganitong pagkakataon, isa lang hiling ko.

Sana nandito si ate.

Nagtime travel ba ako?

Para kasi akong pinadala sa principal's office without my guardian. I-videocall ko kaya si ate para siya iharap ko? Gising pa yun panigurado.

"Matagal na kayo magkakilala ng anak ko?" Tanong ng daddy ni Karina.

Napalunok ako.

Ang bright ng polo shirt ni tito pero yung aura niya ngayon pang-monochrome.

Diba kapag may kakatayin ka, papakainin mo muna? Nasa hapagkainan na kami pero wala pang kumukuha ng pagkain. Kanina pa ipit yung paghinga ko. Pakiramdam ko kapag gumalaw ako, i-fruit ninja niya ko sa kinauupuan ko.

Daddy lang naman kasi ni Karina yung katabi ko.

Si Karina nasa kabilang side ko.

Si ate Teds at ate Irene sa tapat namin.

Si tita Kat nasa kabilang dulo.

Paano naging ganito yung seating arrangement? Ewan ko rin. Nagtoilet break lang ako, pagbalik ko nakaupo na sila leaving this seat open.

"Dad, can you please relax?" Parang naiinis na tanong ni Karina.

"What? Ganito naman talaga ako ah?"

"Tinatakot mo si Winter."

Lumapit ng kaunti daddy niya sakin at pakunwaring bumulong. "Protective talaga anak ko?"

Nervous chuckle.

"Dad! Ma, pigilan mo naman si dad, please."

"Why are you so flustered?" Amused na tanong ni tita.

"Ma naman!" She groaned.

I held her hand underneath the table and gave it a squeeze bago pa siya mainis ng tuluyan sa parents niya. She glanced at me, looking apologetic. Tumango lang ako sa kanya at bumaling na ulit sa daddy niya.

Mom, Dad, a little help here, please?

"This year lang po kami nagkakilala."

"Hmm."

Shet.

Umurong yung dila ko.

Hmm lang pero natuyo na lalamunan ko. Hmm lang pero nilibing na ako sa lalim ng boses niya. Nasaan na yung tapang kong mag-comfort ng anak kanina?!

Uminom ako ng tubig.

"You know, hindi nagtatago samin si Karina ng.." tumingin siya kay ate Teds. "anong tawag ulit dun, Seul? Yung ginagamit ng kabataan ngayon for girlfriend or boyfriend? Para hindi na matakot sakin si Winter."

"Jowa po, tito."

"Ayun!" Nagsnap si tito then nagfinger gun siya kay ate. "Jowa." Humarap na siya ulit sakin. "ng jowa niya kaya don't be surprised sa reaction naming mag-asawa ngayon."

"Dad, hindi po kami." Pag-explain ni Karina.

Napataas ang mga kilay ni tito. "Riiiight." Tumingin siya sa panganay niya. "Irene, anak, ano ulit ginawa ng kapatid mo paggising niya?"

"Dad naman eh!" Inis na sagot ni Karina.

Tama ba pagkarinig ko?

May ginawa si Karina?

"Dad," natatawa na si ate Irene. "tigilan mo na yung dalawa. Yung isa namumutla, yung isa namumula."

Pasimple akong tumingin kay Karina.

Siya yung namumula.

Gusto ko rin matawa sa itsura ni Karina kasi ngayon ko lang siya nakitang ganito pero involved ako so anong meron? At bakit ba ako laging nalalagay sa posisyon na hindi ko alam anong nangyari?

"Sige. Kayong dalawa mag-usap about dun." Komento pa ni tito.

"Sir."

Talk about perfect timing.

They all looked at me.

Akala ko may tatanungin or sasabihin pa si tito kaya sasagot sana ako. Pero hinde! Umakma siyang sasandok na sana ng kanin.

Ituloy ko na, nandito na.

Hinga ng malalim, Minjeong.

"I'm sorry po kung ganun yung naabutan niyo pero hindi po talaga kami ni Karina. Natulog lang kami sa sala kasi parehas kaming natakot sa pinanood namin magkakaibigan kagabi."

I excluded yung part na nagalit sakin si Karina sa speech ko. Hindi naman kailangan full details, diba? Kakatapos lang ng world war namin baka may bagong gerang magsimula tapos this time, magulang na niya makaharap ko. Wala akong laban diyan.

Na-impress yung dalawang kaharap ko kasi more than 10 words yung sinabi ko.

Sumusulyap sul

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u