Part 7

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Niyaya ako ni Karina na mag-sleep over sa kanila ngayong gabi. Nasa trip kasi ang papa niya kaya sila lang ni Tita ang nasa bahay. Natatakot si Karina kapag wala ang papa niya sa kanila kaya sumama na rin ako.

 

Pinagpaalam din naman niya ako kay Mama at pumayag naman agad ito. Basta talaga kapag kasama si Karina, wala na siyang ibang tinatanong pa.

 

Kinakabahan lang ako dahil ayoko talagang naiiwan kaming dalawa sa iisang kwarto na tahimik tapos kaming dalawa lang. Natatakot ako na baka bigla na lang akong magka-urge na umamin sa kanya.

 

Pangatlong taon na rin kasi at walang progress ang pagkakagusto ko sa kanya.

 

Pero bahala na. Balak ko na rin naman kalimutan yung feelings ko. Kung papaano, 'yun ang hindi ko pa alam. Nakokontrol ba 'yun? Sana. Wala rin naman kasing pag-asa.

 

"Bes!" Bati niya sa akin pagpasok ko ng gate. "Buti na lang nandito ka. Natatakot ako, nanood ako ng horror."

 

"Bakit ka kasi nanood? Eh matatakutin ka." Pumasok na kami sa kanila. Bumati ako kay Tita saglit bago kami nagpunta ng best friend ko sa kanyang kwarto.

 

"Eh kasi nalaman kong mahilig sa horror yung crush ko." Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit. May crush na siya ulit? Sana hindi seryoso. Pero bakit ba ako nangingialam eh diba gusto ko na nga siyang kalimutan?

 

Umakto ako na parang walang pake, "Sino nanaman yan bes? Dami mong crush." Patawa-tawa pa ako.

 

Tumabi siya sakin at pinatong ang ulo sa likod ko, "Bes totoo na 'to. Si Yeji. Ang ganda niya talaga. Tapos ang bait pa. Tapos ang galing niyang sumayaw!" Hinahampas pa niya ang likod ko sa sobrang kilig.

 

"Diba may jowa 'yun?"

 

Sumigaw siya na parang frustrated, "Oo nga. Crush lang naman eh!" Umalis siya ng pagkakapatong ng ulo sakin, "Ikaw bes? Bakit wala kang crush?"

 

Sumala ang hawak ko dun sa damit at nahulog ito, "Ahh.. Kapag nagka-crush ako wala nang magdadala sayo ng shirt sa practice, sige ka. Dun na ako sa crush ko naka focus."

 

Tinignan ko siya, sumimangot ang mukha bigla. "Oo nga noh. Parang hindi ko kaya bes. Pero 'pag nagkaron ka ng crush, sabihin mo sakin ha?" Nakakatawa. Hindi lang crush. Mahal ko na nga eh.

 

"Ayoko, baka awayin mo." Pabiro kong sabi.

 

"Syempre! Deserve mo kaya yung best. Bawal yung kung sino lang. Kailangan yung naiintindihan ka tsaka yung hindi maiinis sa pagkamasungit at mataray mo! Tapos yung ano, yung hindi magagalit kapag pinapagalitan mo." Napangiti ako.

 

Siya lahat 'yun eh.

 

Tumango lang ako, "Sige. Ipapa-evaluate ko muna sayo."

 

Kumatok ang mama niya at pumasok ito sa kwarto, may dalang juice at tinapay. Nag-bake din si Tita ng lasagna. Favorite ni Karina. "Oh magmerienda muna kayo." Pinasalamatan ko siya at ako ang nag-ayos ng dala niyang pagkain.

 

Busog na busog kami matapos kumain. Ang dami namin nakain. Para kaming na-betsin sa sobrang antok sa kabusugan.

 

"Bes inaantok ako. Magsiyesta tayo." Sabi ni Karina.

 

Inaantok din ako at parang babagsak na ang mga mata ko, "Oo nga. Matulog ka rin ha, baka marinig mo nanaman pag-sleep talk ko." Kapag kasi nakakatulog ako ng tanghali, ang hilig kong mag-sleep walk o 'di kaya naman ay mag-sleep talk. Namana ko yata sa tatay ko.

 

Tumawa siya nang malakas, "Last time bes binabanggit mo pangalan ni Ma'am Castro. Sabi mo demonyo siya." Jusko.

 

Hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Antok na antok kasi talaga ako. Hindi rin nakatulong yung pagmamasahe ni Karina ng aking ulo.

 

Nagising na lang ako sa pagtapik niya sa akin sa pisngi, "Bes. Bes.. Huy, Winter.." Nagmulat ang mata ko. Bumungad sakin ang mukha niya, nakakunot ang noo. "Nag-sleep talk ka."

 

"Hmm? Ano 'yun?" Hindi ko alam kung anong araw o oras na. O kung nasaan ako. Bakit kaya ganon kapag nagna-nap? Parang may split second na amnesia.

 

Nakatingin lang siya sa akin, nagtataka na ako bakit ganito siyang makatingin. Parang wala siya sa focus bigla. "Huy bes, ano 'yun? Okay ka lang?" Tanong ko.

 

Bumangon na ako at tumabi sa kanya sa pagkakaupo sa kama. "May sinabi ba akong nakakatakot sa sleep talk?"

 

Bumalik siya sa wisyo bigla at ngumiti pero parang pilit, "Ha? Ah, wala bes. Usual sleep talk lang. Hindi ko maintindihan."

 

Tumango ako, "Ah okay."

 

Buong gabing parang ang weird ng mood niya. Tatawagin niya ako tapos kapag tinanong ko kung bakit, sasabihin niya "Wala".

 

May nasabi ba ako? Baka naman nalait ko si Yeji sa panaginip ko?

 

Hindi naman siguro.

 

Baka may regla lang si Karina kaya nagbago ang mood.

 

 

"Kamusta naman ang first week ng mid-year?" Na-distract ako sa pag-aaral dahil sa boses ni Ning.

 

Binaba ko muna ang laptop ko sa mesa. Sumasakit na rin ang mata ko kakatingin ng different type of arts.

 

Ito kasi yung subject na kinuha ko ngayong mid-year—Visual Culture. Hindi pa man din ako mahilig sa mga ganito, buti na lang si Minju may pagka-artsy.

 

"Okay naman." Tumingin ako sa orasan. 11am na pala. Nagugutom na ako.

 

Nagsalita si Giselle, "What Ning actually meant was kamusta ang mid-year so far kasama si BFF." Humagikgik sila pareho pero nagseryoso bigla si Giselle, "If you don't mind, what really happened? Like are you guys not friends anymore? You don't have to answer."

 

Napa-isip tuloy ako. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang isasagot.

 

"Uhm, wala, siguro usual falling apart ng friends after high school. Parang ganon." Parang wala lang sakin kung ikwento ko, akala mo naman hindi ngumawa months ago.

 

Nakakalungkot lang na ganito ko na lang i-describe ang friendship namin. Pero wala eh, may mga bagay at tao lang siguro talaga na nag-go-grow apart. Unti-unti ko na rin namang natatanggap talaga. Hindi na ako parang sinasakal kapag humihinga.

 

Nakatulong din talaga na may tatlong tao na nandito para sa akin dahil kung wala sila, baka katulad pa rin ako ng dati. Baka mahirapan akong maka-move forward.

 

Ang dami ko rin naging realizations nitong huling tatlong buwan na nawala na si Karina sa buhay ko. Puro positive thinking na lang ang ginagawa ko dahil parang hindi ko na kayang magpakalungkot maya't maya. Baka mawala ako sa sarili.

 

Inisip ko, baka meant to be na mangyari 'yon dahil kailangan ko na talagang mag-move on sa anim na taon na pagmamahal na walang patutunguhan.

 

Yung mga masasakit na salita na binitawan niya, kahit gaano ito kasakit, ginawa ko na lang rason para maka-move on sa feelings ko at sa friendship namin. Effective naman.

 

Ayoko nang magmahal ng tao na ganon pala ang tingin sa akin. Ayoko nang magkaron ng best friend na mukhang pinagtiisan lang pala ang "ugali" ko.

 

Okay na rin ito. Siguro hanggang casual na lang talaga.

 

Hindi rin naman namin matatakasan ang isa't isa dahil pareho kami ng university pati na rin ng course. Close pa ang family namin. Pero yung babalik kami sa dati? Mukhang malabo. Masyado nang nalamatan.

 

At least hindi na Karina-centered ang buhay ko.

 

"Ahh, gets. May mga close friends din ako nung high school na hindi ko na nakakausap ngayon." Kibit-balikat na sabi ni Ning. Ganon nga siguro talaga.

 

Akala ko lang kasi iba kami ni Karina. Hindi na rin naman kasi siya nag-try pang lumapit pagkatapos nung nangyari. Ni hindi nga siya nag-sorry man lang. Pero okay na 'yun.

 

"Anyway. Where's Minju?" Tanong ni Giselle.

 

Baka na-sense nila na ayokong pinag-uusapan sa ngayon yung about sa falling out namin ni Karina. Pero nasaan na nga ba si Minju? Sabi niya sabay kaming mag-aaral dito sa apartment ni Gi pero hanggang ngayon wala siya.

 

Me: San kna?

 

Minju: Hulaan mo

 

Ito nanaman siya sa mga pa-hula niya. Alam na alam ko na mga banat niya minsan, para nga kaming matagal nang magkakilala.

 

Me: Sasabhin mo nnaman sa puso ko

 

Minju: :O Grabe Winter.. Assumera ka pala, girl.

 

Me: Haha. Napahiya ako don. San kna nga raw

 

Minju: Sa isip mo hehe

 

Napatawa ako. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako naaasiwa sa ganitong pakikipag usap niya sa akin.

 

Dahil siguro hindi naman niya ako binibigyan ng dahilan para hindi maging kumportable sa kanya at sobrang genuine niyang kaibigan. Hindi lang sa akin, pati na rin kay Ning at Giselle.

 

"Why are you laughing?" Taas-kilay na tanong ni Giselle. Minsan nakakatakot din ang itsura niya na mukhang mataray.

 

Narinig ko yung mahinang tawa ni Ning, "Sino pa ba, eh 'di si mareng Minju."

 

"Malamang, kayong tatlo lang naman nakakausap ko." Sagot ko.

 

Minju: Char char. Anong gusto niyong food?

 

Tumingin ako dun sa dalawa, "Ano raw gusto niyo? Bibili yata siya ng lunch."

 

“Kahit ano. Yung mura lang, wala akong allowance at wala naman pasok.” Parehong-pareho talaga kami nito ni Ning. Mahilig magtipid. Si Minju at Giselle yung kung gumastos sa amin, wagas.

 

Me: Yung mura lang daw

 

Minju: Oki. Do you like anything? Bilhan kita nung gusto mong milk tea

 

Me: Wag na nagttpid ako

 

Hindi na siya nag-reply. Binuksan ko na ulit yung laptop at busy na yung dalawa kong kasama dito sa panonood ng movie. Buti pa sila walang classes. Nakakatamad din palang mag-aral kapag bakasyon.

 

Kaya nga nagtataka ako bakit nag mid-year itong si Karina. Tamad na tamad pa man din siya mag-aral palagi. Siguro pambawi na lang sa mga pagpapabaya niya nitong mga nakaraang sems.  

 

Nag-check ako ng Facebook, matagal-tagal na rin nung huli akong mag-online dito. Messenger lang ang lagi kong ginagamit para sa GC ng group works.

 

Bumungad agad yung picture namin ni Karina na pinost niya dati. Memories from 4 years ago. Nasa beach kami kasama ang parents ko at parents niya, pati na rin si Yuna.  

 

Naka-piggyback ride ako sa kanya habang binubuhusan ko ng sand yung ulo niya. Nakapikit siya sa picture pero ang laki ng ngiti niya. Kahit ako, mukhang masaya dun sa litrato.

 

Happy best friend = Happy life!

 

Sabi ko nga dapat hindi na lang ako nagbukas ng Facebook. Nag-log out agad ako at tinuloy na lang ang pag-intindi ng mga art works ni Van Gogh. May recitation kasi bukas. Inalis ko na lang sa isip ko yung memory.

 

“Ang dami kong dala! Pabukas ng pinto!” Sigaw ni Minju sa labas.

 

Ako na ang tumayo para salubungin siya at nakatulog pala yung dalawa sa panood ng movie. Hindi ko nga alam bakit hindi sila nagising sa sigaw nung isa. “Teka lang!”

 

Binuksan ko yung pinto at inabot ko agad yung iba niyang dala. Kawawa naman, para siyang natabunan at nilamon ng mga hawak niyang pinamili.

 

“Okay ka lang?” Tanong ko. Namumula kasi ang mukha niya sa init at pagod.

 

Hinihingal siyang nagsalita, “Kanina pa kaya kita tine-text sabi ko sunduin mo 'ko sa baba!” Pagalit niyang sabi. Natawa lang ako, parang pagod na pagod talaga siya.

 

“Sorry na.” Pinatong muna namin sa may table sa sofa yung mga food. “Punas ka muna ng pawis.” Inabot ko yung panyo ko sa kanya.

 

Nilapit niya ang mukha sakin at pumikit habang nakangiti, “Punasan mo 'ko, Win.”

 

Inalis ko sa pagkaka-fold yung panyo at kinulong yung buong mukha niya dito, “Ayan.” Tinawanan ko siya.

 

“Pwe! Winter bwiset ka!” Nagising yung dalawa naming kaibigan sa kaingayan ni Minju. Ang sama ng tingin niya sakin at hindi ako kinikibo. Hala, baka nagalit. Pero nakakatawa talaga kasi.

 

“Ang dami! Thanks, Minju. Magkano? Sabi ko mura lang ah!” Reklamo ni Ning pero siya naman ang naunang pumili ng parte ng manok ng chicken joy. Thigh part ang kinuha niya.

 

Umiling si Minju sa kanya, “It’s okay. It's on me na. Birthday ko bukas.” Napatingin kami bigla sa kanya.

 

Nilapitan siya ni Giselle at nagtatalon sila na parang timang, “Happy Birthday, girl!” Natatawa lang kami ni Ning dun sa dalawang maarte. 

 

“Kaninong milk tea 'to? Akin na lang.” Kinuha ni Ning yung milk tea galing sa Tastes from the Greens. Ito yung favorite ko na once in a blue moon ko lang bilhin bilang nagtitipid nga ako.  

 

Inagaw kaagad ito ni Minju sa kanya, “Wag ka nga! Kay Winter yan.”

 

Binigay niya sakin yung milk tea. Nag-aalinlangan pa akong tanggapin. Nakakahiya naman, birthday niya pero siya yung nanlilibre. Pero kinuha ko na rin, sayang naman.

 

“Oh okay, may favoritism pala sa friendship na 'to.” Comment ni Giselle at umirap. Kahit si Ning ay masama ang loob na nawala sa kanya yung milk tea. Akin naman talaga 'yun ah.

 

Nagsimula na kaming kumain. Medyo tampu-tampuhan pa rin si Minju sa ginawa kong pagtakip ng panyo sa mukha niya kaya binigay ko yung leg part ng chicken ko sa kanya. Ang alam ko kasi eh 'yun ang favorite niya.

 

“Ano 'to?” Nagtataka niyang tanong.

 

“Sayo na lang.” Sagot ko. “Diba 'pag umoorder ka ng chicksilog kay Mama gusto mo leg part.” Ang weird nga. Ang onti ng laman ng leg part.

 

Ngumiti siya nang bahagya pero hindi na nagsalita. Yung dalawa namin kaibigan, busy sa pagbubulungan, parang walang ibang taong kasama.

 

“Wag kang ngumiti, may bayad yan. Turuan mo ko mag-interpret ng art mamaya.” Pahabol kong sambit.

 

Natawa lang siya at tumango, “Yes po, Madam.”

 

 

 

 

 

 

Second week na ng mid-year classes. Four more weeks to go. Ang haba pa non, isang buwan pa.

 

Isang buwan pa kaming awkward ni Karina sa klase. Buti na lang hindi siya nakatabi sa amin ni Minju at maluwag naman ang classroom dahil iilan lang kami dito.  

 

Mukhang wala rin siyang kakilala sa class. Kami lang yata ni Minju yung magkakilala talaga dito. Magkakilala rin naman sila ni Karina pero siguro umiiwas rin siya dahil alam na medyo close kami ni Minju.

 

Birthday nga pala ng friend ko. Dala ko yung simpleng "regalo" para sa kanya, nauna na kasi ako sa room dahil medyo male-late daw siya ngayon. Baka tatawagan ang parents.

 

Nakita kong pumasok na si Karina sa room.

 

Napatingin siya sa direksyon ko kaya inalis ko kaagad ang tingin sa kanya. Nagulat pa ako at sa likod na row ko siya umupo. Usually kasi, lumalayo talaga siya sa akin. Baka ayaw niya na sa dulo maupo ngayon araw.

 

Muntik akong manigas nang kalabitin niya ako sa braso, "Winter."

 

Huminga muna ako nang malalim bago tumingin sa likod, "Uy."

 

Wow. Nakatingin ako nang derecho sa mata niya nang hindi parang malalagutan ng hininga. Okay, progress.

 

"May pinapabigay si Mama." Inabot niya saking yung plastic na maraming laman. "Uh, galing kasi sila ng Bacolod. Pasalubong daw para sa inyo."

 

Ito na yata yung pinaka maraming words na nasabi niya sa akin sa loob ng tatlong buwan. Yung huling beses ko siyang narinig na maraming sinasabi eh nung gabi na nagsagutan kami sa labas ng Tresto.

 

Kinuha ko ito at tipid lang na ngumiti sa kanya para magpasalamat, "Text ko na lang din si Tita para mag-thank you."

 

Haharap na ulit ako sana ako nang tawagin niya ulit ako, "Uhm, Winter?" Ang lumanay ng boses niya. Ibang-iba nung huli kaming mag-usap.

 

Napalunok ako at tinignan ulit siya, para siyang kinakabahan. "Ano 'yun?"

 

Ngumiti siya at tumingin na lang ulit sa baba, "It's nothing."

 

Tumango lang ako at bumaling na ulit sa harap. May sasabihin ba siya?  Para kasing may gusto siyang sabihin. Ganito si Karina kapag gusto niyang mag-sorry. Ganito siya dati kapag alam niyang naiinis ako sa kanya.

 

Pero I doubt na magsosorry siya. Tatlong buwan na.

 

Biglang dumating si Minju kaya nawala ang iniisip ako about kay Karina. "Birthday girl in the house!" Nagtinginan sa kanya yung iba namin kaklase. Nakakahiya talaga ito minsan. Hindi naman niya ka-close yung iba.

 

Nakibati na rin sila kay Minju. Kahit si Karina ay narinig kong binati ang orgmate niya. Tumabi siya sa akin at ngiting ngiti nanaman, ang cute talaga ng dimples niya.

 

"Bakit hindi mo ko binabati?" Nangalumbaba pa siya sa armchair ko.

 

"Happy Birthday. Sana last mo na." Hinampas niya ako nang malakas sa braso.

 

Tumawa ako sa itsura niyang naka busangot, "Joke lang." Tumalikod ako para kuhanin sa bag yung dala kong regalo para kay Minju. Napatingin ako kay Karina. Nakatingin lang siya sa amin, nakatikom ang kamay.

 

"Ito, may gift ako." Binigay ko sa kanya yung dalawang cupcakes na binili ko sa Micha's. May maliit na candle din na kasama kaso wala akong dalang panindi. "Ito lang kinaya ng budget ko."

 

Halatang nagulat si Minju at hindi inexpect yung pakulo kong regalo.

 

Nahiya tuloy ako bigla, parang ang simple at walang kwenta yata ng binigay ko sa kanya. Parang kulang pa ito sa mga naitulong niya sakin simula nang maging friends kami.

 

"Sorry—"

 

Bigla niya akong kinabig at niyakap, "Winter! Ano ba yan! Pinapaiyak  mo ko. This is so sweet." Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko di niya gusto. "You didn't have to." Parang naririnig ko siyang sumisinghot.

 

Umiiyak ba siya?! Humiwalay ako agad. "Huy bakit ka umiiyak?" Napatingin kami pareho kay Karina na tumayo at lumabas ng room, baka pupunta sa CR.

 

Tumingin ulit sa akin si Minju, "Ikaw kasi! Nakaka-touch kaya! Lunch tayo mamaya, libre kita."

 

Kumunot ang noo ko, "Nanlibre ka na kahapon ah. Wag na, okay lang. KKB na lang sa Ken's." Suggest ko. Nakakahiya naman kung ililibre niya ako dahil lang binigyan ko siya ng cupcakes na may kandila na hindi ko naman nasindihan.

 

"Winter ayoko na ng shanghai!" Reklamo niya. Lagi na lang kasi kami doon kumakain nila Ning at Giselle. Kahit si Gi ay umay na umay na raw.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 651 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance