Part 31.5 (Part 2)

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

I’m having a deja vu moment from when my parents left to go to Manila at ako lang ang naiwan sa Los Baños. It was such a hard time for me to adjust.

 

And right now, ako naman ang aalis at iiwan si Winter.

 

Days before leaving, there have been series of breakdowns sa aming dalawa dahil sa pag alis ko. She was telling her feelings more sa akin, and her dismay dahil aalis ako agad.

 

However, Winter was supportive sa aking decision. Or well—she was forced to accept it dahil sabi ko nga, I didn’t have the luxury of having a lot of choices.

 

Sinilip ko siya sa tabi ko, tahimik lang habang kausap ko sina Yunjin and Jeno. My friend looked at me through the rearview mirror dahil napapansin niya rin siguro ang silence ni Winter.

 

“Babe..”

 

Hindi niya narinig.

 

“Baby..”

 

She turned to me at parang may gustong sabihin. Which she blurted seconds after, “Uuwi ka ba sa grad pic ko..?” She sounded hopeful and I didn’t have the heart para tumanggi.

 

Gusto ko rin naman kasi talagang umuwi and see her wearing her UP sablay. I also want to take official photos with her.

 

So I told her I’ll try to be there kapag walang work and if meron, then pipilitin ko pa rin. I really don't like seeing her sad and disappointed.

 

"I'll find a way na makarating, okay? Don't worry. We'll take photos together. Tapos ipapa-frame mo. Then bigyan mo ako ng copy so I can put it sa room ko sa Manila." I tried sounding warm and lively even though this is killing me as well, "I'm proud of you, my laude."

 

She finally smiled sa aking sinabi.

 

Kinuha ko ang kamay niya and I kissed the back of it, "Don't go looking for other women kapag nasa Manila ako." Pabiro kong sabi, kahit si Yunjin and Jeno natawa sa harap.

 

"Babantayan ko yan si Winter! Dami pa man din may crush diyan." Jeno said, which sparked my attention. Hinampas siya ni Yunjin.

 

"Madami?!" Hinigpitan ko ang hawak kay Winter, "Eh ang sungit kaya nito. Hindi sila papansinin. Diba babe?" Nagpa-cute pa ako sa kanya, ngumuso pakunware. Thankfully nawawala na yung pagiging sulky niya.

 

"Di ka sure." She deadpanned.

 

Tawang tawa naman si Yunjin, "Kabahan ka na, Kars! Maraming chika babes si Winter sa LB!" Nakakainis naman 'tong mga 'to.

 

I folded my arms across my chest, tampu-tampuhan. I heard Winter's breathy laugh sa aking tabi and I contained myself from smiling. She put her arm around my waist at bumulong, "Ikaw lang naman chika babe ko." She kissed my shoulder.

 

It's a gesture na ako ang palaging gumagawa sa kanya. Pero nakakakilig pala kapag siya yung gumagawa nito sa akin.

 

I grabbed her face at hinalikan siya sa lips, medyo napatagal because both of us didn't want to part. Para tuloy kaming may mini make out session dito sa likod ng kotse ni Yunjin. Si Jeno ay parang ninigas ang katawan sa kinakaupuan. Natatawa lang ang girlfriend niya sa kanya.

 

"Okay, that's enough kissing. Malapit na tayo!" Yunjin interrupted us.

 

The atmosphere suddenly went back to being somber.

 

Hindi kasi makakapag stay si Winter sa condo namin ni Mama for the night dahil may meeting ang mga graduating students tomorrow. She'll be coming back with Yunjin and Jeno to LB.

 

"Mag-park ka sa basement para matulungan tayo ng staff don na mag-akyat ng gamit. I already called kanina kaya ready naman sila mag-help." I instructed. Pababa na si Yunjin sa parking, at bumalik na ulit si Winter sa pagiging tahimik niya which I understand naman.

 

All I can do right now is hold her hand and tell repeatedly against her ear that I love her. Wala na akong pakialam kung magsawa siya sa pagsasabi ko ng "I love you" ngayong araw.

 

Nakarating na kami sa floor ng unit at nagaantay si Mama by the door. She hugged Winter first! The nerve. Lumapit ako sa kanila and I heard Mama say, "Don't worry kay Karina. Ako bahala diyan while she's here. Sesendan kita ng photos niya everyday."

 

Natawa si Winter, "Wag niyo pong hahayaan mag skip ng meals." Grabe naman itong dalawang 'to! Ginagawa ako masyadong bata.

 

Mabilis lang naman yung pagaayos namin ng gamit ko sa loob. It didn't take hours para matapos kami at pinasalamatan ko yung mag jowa for helping.

 

"We'll be at the lobby." Yunjin said, "Go, magpaalam muna kayo sa isa't isa. We'll wait for you there, Win." Tumango lang ang girlfriend ko. Yunjin came over to me at yumakap, "Ingat ka dito. Don't overwork yourself, gaga ka. And ask for help if kailangan mo. Masyado kang ma-pride eh."

 

I hit her shoulder, "Shut up. I'll try and call you minsan."

 

Bumaba na sila ni Jeno and Mama also said na may bibilhin siya sa 7-eleven sa baba ng building. Though I know gusto lang niya kaming bigyan ng time ni Winter to talk before sila umalis pabalik ng LB.

 

"Come here." I opened my arms wide at hindi naman na nag-antay pa si Winter ng ilang segundo to be in my arms. I kissed her forehead, "I love you very very much. Hindi mababago yun no matter what happens."

 

I felt her nod against my chest, "I love you too.. Miss na kita kaagad, baby. Uwi ka sa LB ha.. Kapag hindi ka busy."

 

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. Nagtaka pa siya why I suddenly pulled away pero nakangiti lang ako, getting the jewelry box sa loob ng bulsa ng aking jacket, "I got something for you."

 

"Babe! Wala akong gift sayo."

 

I shook my head, still smiling while I open the box, "You don't have to give me anything. Gusto lang kitang bigyan nito as a.. I don't know, sort of my promise na I'll always come back to you." I unlocked the bracelet at kinuha ko ang left arm niya, encircling it onto her wrist, "Ayan, perfect."

 

It looks good on her. Bagay na bagay sa kanya.

 

She was just looking at my gift, admiring its beauty, "Hindi ko 'to huhubarin. Kahit matulog ako, or maligo." Akala ko pa siya she was joking pero she looked serious. Natawa ako at sinamaan niya ako ng tingin, "Bakit ba?!"

 

I pulled her in again for a kiss, "You're so cute kasi. I love you. I love you. I love you." I kissed her in between my love confessions. She was just grinning widely while I was doing so.  

 

We stayed na magkayakap for God knows how long. Until nakatanggap na ako ng tawag from Yunjin, telling me na bitawan na si Winter kasi matatraffic sila pauwi.

 

"It's time to go na, babe."

 

She didn't resist at tumango na lang, looking at my face like it's a piece of artwork, "Uwi ka sakin ha?"

 

I smiled, "Always."

 

Hinatid ko siya sa lobby and I swear, para kaming tanga na hindi nagaalis ng tingin until makapasok siya sa elevator para pumunta sa basement.

 

I saw Mama enter the building at nagmadali kaagad siya to be by my side, "Don't worry, anak. It's going to be fine."

 

"It's gonna be fine." I answered.

 

 

 

 

 

 

None of this is fine, apparently.

 

Natanggap ako sa work dun sa sinasabi ni Yeji, and I couldn't be more thankful, pero I didn't expect na ganito pala talaga kahirap ang magtrabaho ng 9am-5pm from Monday to Friday everyday, tapos commute pa.

 

Then sa gabi, may trabaho pa ako sa Upwork.

 

This is all overwhelmingly exhausting.

 

"Hey, Karina. Sama ka? Mag Pobla kami nila Eunbi since Friday naman and walang field work tomorrow. Bet mo?" Chaeyeon, my workmate, asked paglabas namin ng office.

 

I wanted to laugh and tell her na wala nga akong time para matulog minsan, yung gumimik pa kaya? But we're not that close yet so I politely declined, "May isa pa akong work pag-uwi eh.. Sorry. Maybe next time."

 

She only smiled at nagpaalam na, "Alright. Maybe next time. Ingat pauwi! Mahirap makasakay ngayon at Friday."

 

"Thanks! Ingat din!"

 

Since first Friday ko nga ito sa trabaho, hindi ko naman inexpect na ganito pala talaga kalala ang pagko-commute sa Maynila. Sobrang dami namin nagaabang ng jeep at bus sa daan at wala halos nakakasakay dahil punuan na.

 

It's been an hour at talagang wala pa rin dumadaan kaya wala na akong choice but to ride a grab kahit sampung doble halos ang kailangan kong bayaran.

 

Late na ako sa work ko sa Upwork.

 

Kapag Friday maaga akong nagsstart sa online job ko para dagdag sa hours, dagdag din sa sahod. Tapos kapag weekends naman, halos buong araw ako dahil day off ko nga sa office. Hindi ganito ang sched ko before nung nasa LB pa ako, kaya adjusting din ako sa new time sa aking online job.

 

Sa madaling salita, eh wala naman talaga akong pahinga masyado. Ang tanging free time ko na lang ay ang matulog at kumain.

 

Pagpasok ko ng grab, I received a call from my client at may urgent meeting daw. Hindi ko naman pwedeng idahilan na wala pa ako sa bahay at nasa byahe ako kaya nakipag usap ako sa kanya habang nasa loob ako ng kotse.

 

"Miss Katarina, you missed a deadline. You didn't give me the monthly report that I asked last Monday. I'm very disappointed. I can terminate your contract anytime, you know?" Ngayon lang siya nagalit nang ganito.

 

.

 

Oo nga pala.

 

Nalimutan kong gawin yung report dahil it was the same day as my first day of work sa Makati. I completely forgot na gawin ito.

 

It was giving me anxiety, tapos dumagdag pa yung napakaingay na putputan ng mga sasakyan at siksikan na traffic.

 

I felt like crying in the middle of talking. But I composed myself, because I had to, "I'm so sorry, Sir. It was an honest mistake and I promise to make it up to it. P-Please don't fire me." Nagpipigil lang ako ng luha. Naaawa ako sa sarili ko for having to beg.

 

"Fine. But please, do better next time. And I need that report within the day. Okay? Or else I'll find a replacement." Gusto ko siyang supalpalin sa mukha sa pagiging masungit niya. Ngayon lang naman ako naka-miss ng deadline.

 

Pero ganon siguro talaga ang mga employers na 'to. Kahit gaano mo pa pinakita na worthy ka sa position mo, they can still easily find someone "better" than you kapag nagkamali ka.

 

Sobrang late na ako nakauwi kaya hindi na rin ako naka-kain when Mama offered dinner sa akin. "Karina! Kumain ka muna. Ano ka ba!" Kumatok siya sa pinto ko.

 

"Mamaya, Ma. May deadline po ako. Wait lang po." Dali-dali kong binuksan ang laptop ko at hinanap yung necessary files para sa monthly report. Kailangan ko itong matapos kaagad para naman hindi ako tanggalin nung client kong kupal.

 

I heard my door open, sasabihan ko sana si Mama na mamaya na nga pero pansin ko rin kasi yung worry sa kanya, "Iiwan ko dito yung pagkain mo. Kumain ka, okay? Wag mo ngang pabayaan ang sarili mo." She said softly.

 

Inisip niya siguro na walang use kung papagalitan niya ako when I'm already stressed enough. I gave her a grateful smile, "Thank you, Mama. Matulog ka na. Don't worry about me." Tumayo ako saglit para yakapin siya, "Good night po." I never knew I needed a hug until then.

 

Bumalik na ako sa pagtatrabaho after niyang mag goodnight din sa akin. Sumasakit na ang ulo ko at buong araw akong nagaayos ng data sa office tapos pag uwi ko, naghahabol naman ng deadline for the monthly report.

 

And it's only just been a week.

 

I doubt it's going to get better for me. Baka nga mas maging busy pa. Pero kakayanin. Sayang yung sweldo kung aalis ako sa Upwork.

 

Natapos ko on the dot ang monthly report na kailangan ng client ko. I emailed it to him immediately.

 

Hindi ko nga namalayan na nakatulog ako, buti na lang wala siyang chats when I woke up at 2am. Hanggang alas tres ang duty ko kapag Byernes.

 

Nakita ko yung food sa tabi ng table ko which reminded me na hindi pa pala ako kumakain. But before eating, nag check muna ako ng phone. Parang buong araw ko ito hindi natignan.

 

There were a lot of unanswered messages from Winter. I feel bad na hindi ko manlang siya namemessage kahit yung simpleng updates lang.

 

Winter ❤: Baby good morning! Ingat sa work

 

Winter ❤: Kumain ka na? Kain ka ha

 

Winter ❤: Busy pa rin? Take it easy lang ha

 

Winter ❤: Di ka nagtetext if nakauwi ka na :( Pero sabi ni Tita you’re safe and home. Madami lang daw work

 

Winter ❤: Sleep na ako, baby. Good night. I love you

 

I already missed our planned video call kagabi. Maybe makakabawi ako sa kanya sa mga susunod na araw... But by the looks of it, parang ang hirap talagang humanap ng oras para sa sarili ko, what more kung para kay Winter at sa ibang tao?

 

The last thing I remembered ay nagtatype ako ng message para isend kay Winter. Nagising lang ako kinabukasan dahil sa alarm ko na 7:00am.

 

Buong araw akong may work today sa online job ko dahil day off nung isa kong kasama, kaya ako na ang umako ng oras niya. May kasama nga lang calls ito pero okay na rin dahil mas mataas ang rate kapag may calls.

 

Dahil hindi ko naman kailangan magmadali papunta sa office, I had time para magtext kay Winter.

 

Me: Babe good morning sorry hindi ako nakapagtext kahapon. Sobrang busy :(

 

Winter ❤️: Morning!

 

Wow, ang aga naman ng gising niya.

 

Winter ❤️: May practice for grad baby kaya maaga akong nagising. Kasabay ko si Minju papunta don. Di ko sure if sasabay si Ning.

 

If hindi lang sana ako bumagsak... Sana nandon din ako kasabay niya.

 

Pansin ko na palagi siyang nagsasabi na kasama niya si Minju. Kahit sa pagki-clearance, they're always together. Minsan kasama si Ning but most of the time, si Minju ang kadikit ni Winter.

 

She'd sometimes send photos of her and Minju sa coffee shop after a long day ng pag-aasikaso for graduation.

 

Hindi naman sa nagseselos ako but...

 

Well.

 

I guess medyo.

 

Also regretful dahil I could have been there with her. Magkasama sana kami na bumibili ng isusuot for grad, bumibili ng sablay, nagpapa-schedule for graduation pictorial.

 

But what's the use of dwelling? Nandito naman na ito.

 

Hays.

 

It's just that sometimes, pumapasok na lang sa isip ko na baka hindi kayanin ni Winter na matagal kaming magkalayo. Kinakatakutan ko rin na baka dumating yung panahon na mawalan na talaga ako ng time for her and all she can do is be understanding.

 

I'm a bit afraid din for myself na baka it'll get too much for me to think na may tao na palaging madidisppoint because of me.

 

Natutulala ako habang kumakain ng breakfast.

 

Winter calling...

 

Sinagot ko kaagad habang hindi pa umpisa ng duty ko. For sure wala nanaman akong time later pag tuloy tuloy ang work.

 

"Hello, babe.."

 

She answered with her happy tone, "Babe! Buti nakasagot ka."

 

"I have.." I checked the time, "Five minutes." I answered, with a hint of disappointment in my voice. Ang bilis ng limang minuto.

 

"Ah.." Mukhang pati siya ay nalungkot, "Kamusta, baby? Nakapagpa-schedule na pala kami ni Minju nung sa grad pic."

 

I bit my tongue, pinipigilan ang sarili na mag comment ng anything about her apparent closeness kay Minju. I don't wanna be unreasonable especially ngayong magkalayo kami.

 

"That's good. Kailan?"

 

"June 4, baby. Sabado yun, so makakapunta ka siguro.." I took a note of the date. Para masabi ko sa client ko na magli-leave ako for that day. Siguro naman walang field sa isa kong work.

 

Napangiti ako, "Okay sige.. I'll be there."

 

"Ay babe alam mo ba nagmeeting kami kahapon with Ma'am Ria. Then—" Narinig ko nang tumutunog yung notifications ko sa Upwork.

 

I hate to cut Winter off pero kailangan, unless gusto ko nanaman pagalitan ako nung boss ko, "Babe sorry.. I have to go.." Mukhang excited pa naman siyang mag-kwento.

 

I really hate this.

 

Pero wala akong magawa.

 

"Ah, sige, okay lang baby. Tawag or text ka na lang kapag may time.."

 

I stood up, pinandilatan pa ako ni Mama kasi hindi ko nanaman naubos yung food ko, "I will.. Ingat ka sa practice. I love you."

 

"Love you too."

 

"Karina dadalhin ko na lang ulit sa room mo yung food!" Pahabol na sigaw ni Mama before I entered my room again, "Hindi mo kinain yung dinner kagabi!"

 

God, it's so depressing that I literally didn't have time to eat. This is tragic.

 

Sadly, it went on like that sa mga sumunod na araw. If anything, mas lumala pa kasi mas nagiging busy sa office tapos nagro-roll na ang field work para sa isang project.

 

Thankfully hindi pa ako pinapadala. Office lang muna ako kaya ganon pa rin ang oras ko ng duty sa Upwork at hindi naman nababago.

 

It’s a Wednesday, almost second week ko na sa Manila when I went home to Mama crying. Agad ko siyang pinuntahan sa sofa, “Ma? Bakit po?”

 

She wiped her tears at sumandal sa akin, “This is nothing, anak. Nalulungkot lang ako kasi the agency is really falling down. Wala nang ibang choice kundi isara. Though pwede ko naman gawan ng paraan..”

 

“Ma, sabi ni Tita mas okay nga raw na isara na lang. Hayaan niyo na po. Wag mo nang ipilit..” I think I have an idea kung bakit ayaw niyang isara, but I’m keeping that to myself.

 

“Tomorrow wala yung boss ko, pwede kitang samahan ng lunch hanggang about 3pm para mag asikaso ng papers for closing.” Wala kasi si Tita, may ibang inaasikaso. Ayoko naman mag isa lang si Mama.

 

She nodded, “Okay, anak. I’ll look for one more job na rin.” We got interrupted sa pag ring ng phone niya, “It’s your Papa.” Parang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig.

 

I retracted my hand from her at tumayo, “It’s up to you kung gusto mong sagutin. I’ll be in my room.” Nararamdaman ko na yung inis nanaman dahil feeling ko sasagutin ni Mama.

 

But I saw her enter my room, hawak ang phone at nakaharap sa akin ang screen, clicking on on the decline button.

 

Natawa na lang ako kahit paiyak na. Dumila pa siya sa akin, “See? I’m stronger than you think. Hindi ako marupok.” Then she closed the door without waiting for me to answer.

 

Bakit ba siya tumatawag pa? If he wants to help, then bayaran niya yung utang niya. But no, kami lang talaga ni Mama ang hinahayaan niya na gumawa ng paraan.

 

Gusto ko pa sanang mag take ng time to rant to myself ng kaan ni Papa but I have a lot of work to do. May mga data na hindi ako natapos i-analyze kanina sa office and tomorrow na ang presentation so I have to continue it tonight.

 

I guess ito ang hindi maganda kapag output based ang work. Yung kahit 9am-5pm ka lang sa office, if may mga hindi ka natapos na tasks, you're required to finish it kapag may deadline. Dedma kung sa bahay mo gawin.

 

No overtime pay too.

 

Jusko.

 

Is this really what my life is going to be for the next months?

 

Years?

 

Winter ❤️: Babe nakauwi ka na?

 

Winter ❤️: Can I call? I miss you

 

Me: Baby sorry may ginagawa ako.. But you can call, I can talk to you habang nagwowork?

 

Winter ❤️: It's okay, babe. Tapusin mo na lang yan. Text ka kapag free ka na.

 

Napapaisip tuloy ako. Minsan kaya tinatanong ni Winter sa sarili niya na "May girlfriend pa ba ako?". We haven't really been talking lately, and her requests to do phone calls and video calls ay madalas kong natatanggihan.

 

The worst part is it's going to be like this for a long time.

 

 

 

 

 

 

Kinabukasan, I accompanied Mama sa kanyang errands para ayusin ang papers ng agency. Sinabi na rin niya sa staff na we'll file for bankruptcy and isang buwan na lang ang natitira para matapos ang kailangan tapusin.

 

It was heartbreaking, to say the least.

 

That everything they've worked hard for ay mapupunta lang sa wala.

 

"You okay, Ma?" I asked her. Nakalabas na kami ng building at ihahatid ko siya sa sakayan pabalik ng kanyang office para sa isa niyang trabaho.

 

She shook her head, "No. None of this is okay." She laughed humorlessly, "Ang daming mawawalan ng work because magko-close tayo. I feel bad for them. I feel bad for us."

 

May dumating na na bus so we didn't get to talk more. I hugged her, "It's gonna be fine, Ma. Kapit lang tayo." She smiled sa akin bago pumasok dito.

 

Hanggang kailan ko kaya sasabihin at icoconvince ang sarili ko that it's gonna be okay? Parang ang hirap paniwalaan nito ngayon.

 

Nung nasa LB ako, it wasn't effective. Lalo na siguro ngayong nasa Manila na ako at nagtatrabaho.

 

When I got back sa office, nakita ko kaagad ang kabadong mukha ni Chaeyeon sa akin. Bumulong siya, "Nandiyan si Sir. Kanina pa kita tinatawagan pero cannot be reached ka." . Low batt nga ako.

 

Lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba.

 

"Oh, Miss Yu. Nandiyan ka na pala. Kamusta naman ang pag-gala mo during office hours? Isa pa itong si Chenle, alas dos na pumasok ngayong afternoon. Do you guys really want to work?" Mukhang mainit ang ulo ni Sir.

 

He's usually very nice and soft-spoken, ngayon ko lang siya nakitang nagalit.

 

"Sorry po, Sir." Both of us didn't reason out at nagpaumanhin na lang. Wala naman kasing magagawa pa kung magrarason kami sa kanya. Mali naman talaga na wala kami sa office kapag may pasok.

 

"Mag field kayo next week, Friday. Sa Bataan." He said with finality.

 

Nakahinga ako nang maluwag at akala ko eh tatanggalin na ako sa trabaho. Kabago-bago ko kasi, tapos may mangyayari na kaagad na ganon.

 

Buong araw hanggang gabi tuloy ako balisa at stressed. Although wala naman bago doon dahil simula ng iwan kami ni Papa, wala yatang araw na I don't feel burdened and bothered. New normal na yata ito sa akin.

 

Ang sad lang na kahit gusto ko ng oras para maka move on sa nangyaring hindi maganda kanina sa office, wala naman akong oras for that at marami pa akong kailangan tapusin.

 

After ng duty ko sa Upwork, tumawag si Winter.

 

Kahit antok na antok ako, sinagot ko pa rin. Ang tagal na kasi nung huli kaming magkausap nang maayos through a phone call.

 

Kinamusta niya kaagad ako. I left out the part na napagalitan ako kanina ng boss ko dahil ayoko nang pagusapan ito. I also don't want her to worry.  

 

"Ikaw? Kamusta?" It was my turn to ask her. "It feels like we haven’t talked for months. I miss you."

 

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nakahiga siguro, hugging her pillow. Iniimagine ko siya nang mabuti while I'm talking to her, para naman at least ay mas mafeel ko yung presence niya even though we're not physically together.

 

It took her a while to answer. Feeling ko marami siyang gustong sabihin. Kilala ko si Winter, for sure nahihirapan na siya na mag adjust sa pag alis ko.

 

"Okay naman." I'm sure sinabi lang niya ito para hindi ako mag-alala. Then she mentioned the graduation pictorial. That completely left my mind. Oh my god.

 

Does that make me a bad girlfriend?

 

"Babe.. Makakauwi ka ba? Sa grad pictorial ko?"

 

Kailan nga ba yun? I think she mentioned na Saturday daw ito. Maybe next week? Buti na lang hindi sakop ito sa field work na inassign ni Sir para sa akin at kay Chenle.

 

"Kailan nga ulit yun baby?" I wanna scold myself. Alam kong natanong ko na ito sa kanya but I honestly forgot the date. Sana hindi niya ikatampo...

 

"Sa June 4. Saturday yun.." Okay, Saturday nga. That's next week.

 

Nararamdaman ko na yung antok ko. Napapapikit-pikit na rin ako nang hindi sinasadya. But I still was able to answer, "Ah yes, yes. Okay babe. I'll uhm, yeah.." I think makakapunta ako. Pero antok na antok na ako ngayon, I can't even compose a proper sentence.

 

Nakatulog na ako kaagad after we said good night sa isa't isa.

 

And days prior to that, hindi na rin kami nakakapag-usap talaga. Mas naging focused ako sa work ko sa office pati sa Upwork dahil pareho ngang kailangan bawian dahil may mga pagkakamali akong nagawa.

 

I can't afford na mawalan ng trabaho dahil mahirap maghanap. Swerte na rin ako at may dalawang jobs ako kahit hindi pa ako nakaka graduate.

 

Singles for Christ

 

Yeji: Wanna visit you @Karina

 

Yujin: Sama!!!!

 

Hyewon: Uy tara kaya sa Friday

 

Yunjin: Good luck na lang if mahanapan tayo ng time ni Kars!! She's super busy

 

Hyewon: Booo Carl salot

 

Yujin: HAHAHAHAHAHAH CARL IBAGSAK

 

Yeji: Mga shunga haha

 

Friday na and ngayon ko lang nakita ang messages nila from Wednesday pa yata ito. There were a few from Winter as well at hindi ko rin nasasagot.

 

I was thinking, makikita ko naman siya tomorrow since uuwi ako for her grad pictorial. Pagod ako from the field by then, for sure, pero napangako ko kasi ito sa kanya. And I don't want to disappoint her.

 

She's been patient with me not answering her texts and calls, the least I can do right now is tuparin yung promise ko.

 

Singles for Christ

 

Me: Sorry it's been weeks since I answered your chats guys but may field ako today :( Yunjin is right, wala akong time. And I mean it. Literally

 

Me: Gtg will text you all after 2 weeks again jk haha bye!

 

Yunjin: :(((( Take care oo.

 

Yeji: Easy lang, Kars! Hugs

 

Yujin: Nakow kaya pala si Minju ang laging kasama ni Winter

 

Yujin: Charot hahaha

 

Yujin: Huy joke lang mahal na mahal ka ni Win

 

Yunjin kicked Yujin out

 

Hyewon: Dasurv

 

Bwiset itong si Yujin. Walang natutulong sa stress ko! Binaggit pa talaga niya si Minju. Hay nako. I was going to call Winter pero tinawag na ako ni Sir, "Karina, let's go. We need to be in Bataan bago dumating yung DOE doon. Chenle, get the papers and sumunod ka na sa amin."

 

"Hey, ingat kayo ha. Text mo ako about the field work in Bataan. Hindi ko pa napupuntahan site natin don eh." Chaeyeon said before ako lumabas ng office. She's really friendly and kind sa akin kahit bago lang ako dito.

 

"Thanks, Chae. Wish me luck. Mainit pa rin ang dugo ni Sir sa akin." I scrunched my nose.

 

She chuckled, "He'll get over it. Magpasikat ka lang and do as he says. Ganyan naman yan sa mga bago." Her words comforted me. Medyo nabawasan yung pagooverthink ko na baka i-fire ako ni Sir.

 

I mean...

 

Wala naman akong maipagmamalaki kung gagawin niya yun.

 

I haven't graduated yet. He can easily kick me out and find a replacement sa akin na may diploma na.

 

"So we'll be talking with the community doon about the effects of mining. Na-train naman kayo kahapon nila Chaeyeon how to do the interview, right? So it should be easy."

 

Both Chenle and I nodded, jutting notes sa mga reminders ni Sir about the interview. I printed the questionnaires this morning and all set na kami. Sana lang matapos ang lahat ng interview ngayong araw.

 

"Tingin mo anong oras matatapos?" Tanong ni Chenle sa akin pagkarating namin sa site. Iniwan kami ni Sir saglit sa transient house to talk doon sa Kapitan yata ng Barangay. He needed to show the approved letter para makapag interview kami.

 

Inaayos ko na yung mga gagamitin namin na questionnaires, giving him yung half nito. "I don't know. Sana matapos kaagad. May work pa ako mamayang gabi tas pupunta ako sa LB tomorrow."

 

"Ako nga rin may lakad bukas. Magte-take ako ng removals sa LB. Di ko naman masabi kay Sir kasi nga baka magalit nanaman. Isipin pa atat akong umuwi." Natatawa niyang banggit.

 

"Me too. Hirap mag demand kapag hindi ka pa graduate and you have really nothing yet para maipagmalaki." May pagka-bitter kong sabi. Chenle could only shake his head, sharing the same sentiment as me.

 

Tinawag na kami ni Sir sa labas. May mga kasama siyang parang tauhan sa Barangay, they will be accompanying us sa field work para mabilis mahanap yung addresses ng respondents namin.

 

It was going smoothly nung umaga, until it started raining after lunch. May mga daan na hindi accessible dahil medyo secluded yung bahay nung ibang interviewee at mabilis bahain.

 

Hindi na maganda ang kutob ko.

 

Narinig ko kasi si Sir na kausap yung isa naming boss sa office, telling her the possibility na baka mag stay kami for the night at bukas ng umaga ituloy ang field work kapag humupa na ang ulan at accessible na ang roads.

 

Nagkatinginan kami ni Chenle, "We're ed." He whispered.

 

We are, indeed, ed.

 

At this point we were just waiting for Sir to break the news to us. And that's what he did two hours after at hindi pa rin tumitila ang ulan.

 

"Guys, sorry but we have to stay." He did sound apologetic, "At least magagamit niyo yung pinadala kong extra clothes in case scenarios like this happen, right?"

 

Chenle laughed awkwardly, I didn't. Hindi ko alam paano ko sasabihin kay Winter na hindi ako makakapunta.

 

Of course she'll understand, but...

 

Magtatampo yun.

 

"Oks ka lang?" Tanong ni Chenle sa akin pag-alis ni Sir.

 

I'm not really that close to him for me to open up my feelings, kaya tumango lang ako, "Yeah. Wala naman tayong magagawa but to follow instructions."

 

"Oo nga eh. Tapos pag sinabi natin na Monday to Friday lang tayo, sasabihin nila umpisa pa lang alam natin na this is an output-based project." It's good to know na pati workmates ko pala ay may hinanaing din sa office.

 

The redeeming factor is maganda ang pay.

 

I excused myself para tawagan ang girlfriend ko. Iniwan ko saglit ang work ko sa aking Upwork client.

 

I'm dreading sa magiging reaction ni Winter. And I already know na sasabihin niyang okay lang, pero deep inside, hindi naman okay.

 

She answered her phone sa unang ring.

 

"Babe?" Masaya pa ang tono niya, pano naman kasi, ngayon lang ulit ako tumawag. "Napatawag ka? Tapos ka na sa field? Pina-practice ni Yuna yung make up ko for tomorrow. Excited sila nila Mama."

 

Napahawak ako sa sintido ko. Jusko. This is giving me migraine.

 

"Uhm, babe.."

 

Di agad siya sumagot. Mukhang alam niya agad that something's wrong. Ganon din naman ako sa kanya eh. Tono pa lang, alam ko na.

 

"B-Bakit baby? May problema ba?"

 

Umupo ako saglit sa chair beside the tree sa labas ng room. Medyo umaambon, but I didn't care. Nag-iipon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya.

 

Pero kahit ano naman sabihin ko, she'll be sad nonetheless.

 

"Hindi kasi ako makakauwi tomorrow, baby. Na-stuck kasi kami sa field work.." Medyo nanginginig na ang labi ko, "I'm sorry.."

 

"Pero nagpro—" She sounded upset at first pero nairinig ko ang pag hinga niya nang malalim, "Okay, babe. Okay lang. Hindi mo naman kasalanan. I understand.. Hayaan mo na. Mag-ingat ka na lang diyan." She rambles when she's upset but trying not to be.

 

I feel so terrible.

 

And lately lagi na lang ganito ang nafifeel ko when it comes to her. Yung I feel bad that she's sad, that she's missing me, and wala akong magawa.

 

Is this still even healthy?

 

Sabi nila kung gusto, may paraan. Tapos kung ayaw, may dahilan. Gusto ko naman bumawi sa kanya. Kaso bakit parang walang paraan? Wala akong oras. Lahat ng oras ko sa trabaho, at sa pag-iisip kung hanggang kailan ganito.

 

"Sorry talaga, Win." Whenever I tell her I'm sorry, it feels to me like it's not enough at parang kulang yung nagso-sorry lang ako. But what else can I do? That's the only thing I can offer right now—yung mag-apologize.

 

I can't even go to LB nang ganon ganon lang kahit gusto ko.

 

Just until when siya magiging understanding sa situation?

 

"It's okay, Karina. Seryoso. Hayaan mo na." Napapikit na lang ako with how her tone changed from being happy to... this, "S-Sige na.. Pagpa-practisan pa ako ni Yuna." Natawa siya. Though obvious naman na she's masking her sadness.

 

"Okay.. I love you."

 

"I love you too." She responded.

 

"Wait!" Sigaw ko bago niya ibaba.

 

"Ano yun?"

 

"Video call tayo sa Sunday?" Kahit ito manlang, magawa ko, "A-after ng work ko."

 

Hindi siya kaagad sumagot. Rinig ko ang pag buntong hininga, "Okay, sige.. Uhm, tawag ka na lang by then. P-Pag hindi ka pwede, okay lang naman.."

 

Hays.

 

Parang wala na siyang tiwala sa mga pinagsasasabi ko. Hindi ko naman siya masisisi.

 

Hanggang sa sumunod na araw, dala ko yung bigat ng nangyaring pag-uusap namin ni Winter last night. Buti na lang hindi kasama si Sir sa pagpunta mismo sa community, otherwise, he'd see yung mga pagkakamali ko with how I ask questions sa respondents.

 

Chenle was nice enough to take over pag nakikita niyang wala ako sa katinuan.

 

Until it was too much for me to take that when I excused myself nung lunch time para umuwi sa transient house, I cried silently by myself.

 

I can't even remember kung kailan yung last time na umiyak ako nang ganito. I just don't have time para sa breakdowns, ngayon lang ulit. And it feels good that I'm able to get it out of my system kahit ako lang mag isa.

 

I just feel so exhausted. And I feel like wala akong nacocontribute sa relationship namin ni Winter kundi stress and disappointment on her part.

 

Baka kaya niya sinasamahan si Minju madalas? Kasi at least Minju's presence is light. Wala siyang pinoproblema. Madali siyang kausap, and Winter doesn't feel the need to walk around on eggshells with her?

 

Napapangunahan nanaman ako ng ganitong insecurities.

 

Kumatok si Chenle bigla, "Karina, tara na raw sabi ni Sir. Last 10 respondents. Makakauwi na raw tayo mamayang hapon."

 

Okay, breakdown time is over. Sabi ko sa sarili. Natawa pa ako with my own thoughts. Ni wala akong maraming time para umiyak lang at ilabas ang feelings ko.

 

"Okay sige, susunod na ako. Mag-aayos lang."

 

Natapos kami ng fieldwork bandang hapon at pag-uwi ko ay bagsak ako sa kama. Wala akong work online dahil nga nag-leave ako for this day sana para sa grad pic ni Winter.

 

Nagising lang ako the next day because of Mama' knocking. Sumabay na rin ang alarm ko for my work sa Upwork ngayong Linggo.

 

"Anak, pwede mo ba akong samahan? Marami akong aasikasuhin sa office today. Is it okay?" Natawa siya dahil nagkukusot pa ako ng mata, "Mag ayos ka muna, then sunod ka sa kitchen."

 

I took a shower because I couldn’t do so last night. I was too tired to function when I got home.

 

Paglabas ko sa kitchen, bihis na si Mama, “Kamusta yung field work? I thought pupunta ka sa LB yesterday?”

 

“Hindi po natuloy. Hindi kasi natapos yung field work kaagad kaya two days kami sa Bataan.” Naalala ko nanaman tuloy yung na-miss kong grad pic ni Winter. She didn’t even text me the whole day yesterday.

 

Nagtatampos siya. That I know of.

 

“Oh no. You missed Winter’s pictorial?” Si Mama naman, parang nang-aasar pa... Though I know she wasn’t.

 

I looked down, “Opo.”

 

“She knows you have your reasons, anak.” She tried to comfort me. But really, nothing can comfort me anymore sa panahon ngayon. Parang wala nang effective way to make me feel like everything’s gonna be fine.

 

Natawa ako, not really amused, “She does. But she also has feelings. So nagtatampo yon. And I get it.”

 

“Bumawi ka na lang next time.”

 

“And when is that next time, Ma? I barely have time for myself. I work 14-16 hours a day. Paano pa ako makakabawi?” I snapped bigla. I felt terrible instantly, “Sorry..”

 

The last thing I want eh sisihin ni Mama ang sarili niya dahil sa nangyayari sa amin. She always tells me na hindi niya gustong nagtatrabaho ako, and that she feels responsible somehow.

 

Hindi nakakatulong yung pag-snap ko bigla. Pero I can’t help it minsan. Wala naman kasi akong nakakausap madalas, and I always just keep things to myself.

 

“Sasama po ako sa office. Dun na lang po ako magwowork, dadalhin ko na lang yung laptop.” I changed the topic when she didn’t answer. Tinapos ko na ang pag kain ko at mabilis na nag-ayos.

 

Bilang on leave ako kahapon sa Upwork, binigyan ako ng sandamakmak na trabaho ng client ko. May calls na, may chats pa. Tapos ako rin ang taga encode data dahil day off ng workmate ko.

 

And pag bakante yung oras, tinutulungan ko si Mama na mag-ayos ng files and gumawa ng necessary letters and documents for closing.

 

It was a tiring day.

 

Which is a normal day for me.

 

Mas masusurprise ako kung hindi ako pagod at relaxed ang mind ko sa buong araw. That doesn’t happen anymore. Kaya pag uwi namin, nakatulugan ko ang usapan namin ni Winter na mag video call.

 

Nakita ko lang ang text niya kinabukasan when I was on the way to work at nakapag check ako ng phone dahil late si Sir sa office.

 

Winter ❤: You missed yung vid call natin..

 

Winter ❤: Nagpahinga ka siguro. It’s okay. We’ll talk soon.

 

Me: Babe I’m sorry

 

Sorry nanaman.

 

Puro ganyan na lang ang nasasabi ko.

 

Sa kanya puro “It’s okay” o kaya naman “I understand”, tapos ako puro lang “Sorry” at “Babawi ako”.

 

Winter ❤: Don’t worry about it. Wag mo ako intindihin.

 

She says that, pero paano ko naman hindi siya iintindihin at iisipin when I know na nahihirapan na rin siya? Kahit marami akong problema, hindi natatapos ang isang araw na hindi ko siya iniisip.

 

I miss thinking about her in a positive way. Katulad ng pagkamiss ko sa kisses niya, and pagkamiss ko sa mga dates and cuddle moments namin.

 

But ever since I went to Manila, when I think about Winter, naiisip ko lang yung mga pagkukulang ko sa kanya. And how I’m making her unhappy and upset kahit sinasabi niyang okay lang.

 

And honestly… it adds to my stress. That I can’t do anything to make my girlfriend feel okay.

 

Para bang wala na akong nagagawang tama lately. Kasi diba… that shouldn’t even be hard? Yung mapasaya mo yung tao na alam mong nagmamahal sayo at mahal na mahal mo.

 

She can’t even celebrate her own achievements properly dahil sa akin. What the hell does that make me?

 

Nahihirapan na ako.

 

 

 

 

 

 

The whole two weeks after I missed Winter’s grad pic and supposed make up video call, hindi na siya masyadong nagtetext or nagdedemand for a phone call.

 

Well, it’s not like masasagot ko or mapagbibigyan ko siya palagi, but it was quite noticeable. Maybe she stopped expecting things from me? Ultimo yung pagtetext, hindi na siya nageexpect?

 

Hays.

 

It’s my fault.

 

Natatakot tuloy ako na baka one day, hindi na lang siya mag-message bigla

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 649 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance