Part 34
BurnoutMay mga bagay at tao siguro talaga na hindi para sa atin. Yung tipong kahit anong pilit mong makuha, parang imposible talagang makamit. Na kahit anong gawin mong pag laban, hinding hindi sila magiging sayo.
Simply because hindi sila para sayo.
It just wasn't meant to be, ganyan ang sinasabi nila.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko ito inisip kay Karina. Sa totoo lang, maraming beses naman na ganyan ang tinatak ko sa aking sarili dati. Coping mechanism, kumbaga. Repeat until true.
Ilang taon ko siyang minahal at minamahal.
Ilang taon ko siyang pinilit na kalimutan.
Dumating pa nga yung oras na handa naman na talaga akong iwan yung nararamdaman ko para sa kanya dahil hindi ko na kaya. Dahil tingin ko, wala naman nang pag asa.
Inisip ko noon, hindi talaga siguro siya para sa akin. Ilang beses din kaming sinubok ng tadhana. Nakakatawa nga dahil para bang hindi na umayon sa amin ang pagkakataon. Ang brutal kung iisipin dahil gusto lang naman namin parehong sumaya.
Nung narealize niyang gusto niya rin ako, handa na akong mag move on that time. Nung narealize ko na siya pa rin talaga, nagkaroon naman ng problema. Nag hiwalay kami nang labag sa gusto namin.
Bumalik nanaman ako sa thinking na oo nga, baka nga hindi siya para sa akin. Pero sino ba ang niloloko ko?
Akala ko hindi ko na mararamdman yung contentment at happiness. Akala ko magsesettle na lang ako sa pwede na.
Until I decided to come back to her.
It was one of the easiest decisions I’ve ever made in my life.
Tama naman sila, may mga taong hindi para sa isa’t isa, pero hindi kami ‘yon ni Karina. At siguro nga palagi na lang kaming wrong timing.
But maybe...
Maybe it's not really having the right timing.
Maybe it's having the worst timing in the world, but with the right person.
—
"Ayan. Perfect na, baby." Pinagmasdan ko siya matapos kong ayusin ang kanyang suot na sablay, "Wait may pawis ka, punasan ko lang.." Kumuha ako ng panyo sa bag at pinunasan yung namumuong pawis sa noo niya.
She was looking at me lovingly, "Parang kailan lang nasa Ken's tayo, tapos I was telling you about Yeji. Tanda mo? Pinupunasan mo rin yung pawis ko non." Pag-reminisce niya.
"Yung nireto mo 'ko kay Celine." Tandang tanda ko yung araw na 'yon! Sinabuyan ba naman ako ng tubig. Tama nga si Karina... Time flies so fast. Nung mga oras na 'yon, I really thought na wala kaming pag asa.
We shared a laugh, "And now you're here sa grad pic ko as my very loving girlfriend." Pinisil niya ang pisngi ko at biglang nagseryoso, letting out a contented sigh, "I love you, baby ko."
"Ma'am? Ready na po?" Napatingin kami dun sa staff na sumilip sa curtain. Ano ba yan, nagmo-moment pa kami ng baby ko eh! "Kung ready na po, let's go na." Karina nodded at him at nagsabi na susunod na.
Hinawakan ko ang kamay niya, "Tara na. Bago ka pa pagpawisan nanaman." Hihilahin ko na siya papalabas when she pulled me back in her arms at bigla akong hinalikan, "Baby masisira yung lipstick mo. Ano ka ba.." I said against her lips nang maghiwalay na kami.
Parang bitin...
Napansin niya siguro ang pagka flustered at pamumula ko kaya tumawa siya, "Let's go." Siya naman ang humila sa akin. Grabe! Gusto ko pa ng kiss.
Lumabas na kami ng dressing room at pinaupo na si Karina sa chair sa harap. Tinabihan ko kaagad ang Mama niya sa may side, we were both looking at Karina na para bang proud na proud kami sa kanya.
"She's come so far." Sabi ni Tita Katherine, pinunasan nito ang patulong luha sa mata niya. Hindi ko alam pero pati ako ay may biglang namumuong luha sa mata seeing my girlfriend wearing her UP sablay.
Siguro dahil over a year ago, ako yung nakakita kung paano siya nanlugmok nang malaman niyang hindi siya makaka-graduate. When she questioned herself dahil sabi niya, parang lahat ng nangyayari sa kanya nung time na 'yon ay hindi maganda.
When she had to break up with me dahil sobrang hirap para sa kanya ang ipagpatuloy yung relationship namin...
Bumaling sa akin si Tita, "Thank you for giving her another chance. It was hard for her when you two broke up." Hinawakan niya ang braso ko, giving it a light squeeze, "You deserve each other. I can't think of anyone else being with Karina other than you, Winter."
Si Tita naman, mas pinapaiyak ako...
"I can't think of anyone else being with me other than her din po." We smiled at each other at bumalik na ng tingin kay Karina.
She's so beautiful and she looks really happy. Napatingin siya sa akin, mas lumuwag ang kanyang ngiti. "Come here." She mouthed, sumenyas siya na pumunta ako sa kanyang tabi. Tinulak naman ako ni Tita kaagad.
"Couple shot po? Parang ikaw yung nagpa grad pic din dito last year, Ma'am." Sabi nung photographer. Naalala pa pala niya. At in fairness naman, hindi niya inassume agad na friends lang kami ni Karina.
Tumango ako, "Ay opo. Dito rin po ako last year."
"Pwede ka rin magpa ayos dun sa stylist, Ma'am. Para pareho kayong naka ayos ni Ma'am Karina. May extra sablay naman po kami diyan." He offered, "Para meron naman po kayong sablay pic together."
"Yes please!" Sigaw ni Tita sa likod, "I'll pay extra!" Natawa lang kami ni Karina sa pagka excited ng Mama niya.
She held me by the waist at bumulong sa akin, "Go na.. Magpa-ayos ka. I want that sablay pic together." Nakiliti ang tenga ko. Kanina pa siya napaka provocative! Nandiyan ang Mama niya, jusko naman si Karina...
Hindi naman natagalan ang pag aayos sa akin. Konting make up lang, tapos nag suot ako nung top na pang grad pic talaga. Karina and I posed together, meron din kasama si Tita. Kaso napaka kwela nung photographer! Akala namin tapos na...
"Kayo po ulit, Ma'am! Kiss niyo isa't isa."
"Ayan, sweet pose po!"
"Wacky!"
"Creative shot!"
Nagkatinginan kami ni Karina at nginisian niya ako. Kumuha siya nung parang sign board at may sinulat dito for creative shot daw.
I saw what she wrote.
From mag-bes to mag-baby <3
"Baby ang corny mo.. Nakakahiya kina Tita tsaka dun sa photographer.." Pagalit ko sa kanya, pero sa totoo lang eh I love the playful side of her. She dismissed me at pinapose ulit ako na hawak naming dalawa yung sign board.
Aangal pa sana ako pero pinandilatan ako ni Karina, "Winter. Isa." Syempre, pose naman ako kaagad. Sabi ko nga, hindi corny.
Buti wala masyadong nagpapa grad pic ngayon dahil patapos na ang month ng June. Yung iba kasi, on-going pa ang classes ay nagpapa-pictorial na. Baka kung maraming nakapila this time eh sigawan kami sa tagal namin sa loob.
After namin sa studio, nagyaya akong mag-lunch kasama si Tita, "Tita gusto niyo pong kumain? Treat ko po." Naks naman, Winter, nagpapalakas masyado. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako magooffer! Lagi na lang kayang siya ang nanlilibre sa akin dati.
"No, it's okay, Win." Pag tanggi niya, "Kikitain ko ang Mama mo. We're going doon sa pwesto. Pinapalagyan na kasi namin ng paint. We'll visit the place to check."
Ahh.. Oo nga pala. Nabanggit ni Mama na patapos nang gawin yung sa pastry shop ni Tita. May potential space din kasi sa tabi ng inuupahan niya na pwedeng marentahan ni Mama para naman sa silogan niya.
"Go, Ma. Ingat kayo. We'll eat na lang with friends." Sagot naman ni Karina. Nagpaalam na kami sa Mama niya at naglakad papunta sa campus. "I texted Yunjin. Pati si Ning niyaya kong mag lunch."
Binalik niya sa bulsa ang phone at nakipag holding hands sa akin. Nagtaka ako kung bakit kami papunta sa campus, "Saan tayo?"
She shrugged, "Later pa naman ang lunch time. Let's go muna sa usual spot natin. Gusto kitang harutin don." She giggled sa kanyang sinabi. Kahit ako ay natawa with her silliness. Parang bumalik kami bigla sa honeymoon stage.
Naging "usual spot" namin yung bench dun sa may F Park in front of Milka Krem simula nung magbalikan kami a month ago. Sabi ni Karina, favorite spot na raw niya dun dahil It's so memorable because it's the place where you gave us another chance, baby!
At bilang supportive akong girlfriend at ang lagi ko lang gusto ay masunod and ikakasaya ng jowa ko, oo na lang ako. She was so excited nung sabihin niya sa akin 'yon. Ayokong sirain ang trip niya.
Nakarating na kami sa aming spot. "I'll buy us choco milk, diyan ka na lang muna." Iniwan niya ako saglit na nakaupo dito sa bench at tumayo na para bumili.
Humabol ako ng tingin sa kanya, "Babe baka magtae na tayo niyan. Weekly tayong nagcho-choco milk!" Sigaw ko bago siya makalayo.
Napasimangot siya at lumapit ulit sa akin, standing sa likod ng bench at pinulupot ang kamay around my neck, "Ayaw mo? Nagtae ka ba?" I shook my head. "Hindi naman pala eh. Besides, ang sarap kaya! And I like having choco milk with you.." Malambing niyang pakli.
I turned to her, "Okay, sige bili ka na.." Magkalapit na magkalapit ang aming mga mukha. Nakatingin siya sa lips ko at parang gusto akong halikan, "Karina may mga tao.." I scolded.
"I don't care.." She captured my lips at hinayaan ko lang siya, humalik na lang din ako pabalik. "Okay, I'll buy na." Binitawan niya ako bigla at umalis na. Bakit ba lagi niya akong iniiwan on edge?! Nakakabitin nanaman. Hay nako.
Napatingin ako sa malayo and I smiled to myself.
Isang buwan na pala ang nakalipas nung bumalik ako from my field work. Isang buwan na rin ang nakalipas since balikan ko si Karina.
Two weeks na lang bago matapos ang three-month long field work ko. Sobrang nag enjoy ako sa Palawan at Benguet. Kahit pa nga nakakapagod talaga ang kumausap sa mga farmers at mag gather ng data, ang fulfilling pa rin sa pakiramdam.
Maaga pa para sabihin, pero tingin ko I've found my preferred career which is sa research.
I think kaya rin ako sobrang nag enjoy these past months ay dahil nandiyan palagi ang mga texts at calls namin ni Karina every once in a while. Talagang walang palya ang kanyang pagme-message sa akin araw-araw.
Reluctant pa ako nung una when she asked me na makitulog sa kanila para sa play ni Minju. But really, yung yata yung pinakamasayang nangyari sa akin sa loob ng ilang buwan. Masaya ako na nakasama ko siya that time.
Our hugs...
Yung mga longing looks namin sa isa't isa...
Yung paghahawak namin ng kamay kahit patago...
Isinantabi ko muna yung masyado kong pagooverthink nung oras na 'yon na baka masyado kaming mawili.
Kasi diba... nanghingi ako ng time sa kanya. Parang nawalan ng sense if babalik kami kaagad sa isa't isa. Pero parang lolokohin ko naman ang sarili ko kapag hindi ko sinunod ang gusto ko. And at that time, what I wanted was to be close to her again.
Kaso lang, nitong mga nakaraang araw, medyo umiiwas ako na makipag communicate muna sa kanya. Pumasok kasi sa isip ko na baka sa sobrang close ulit namin nitong past months eh mawalan ng kwenta yung paghingi ko ng time.
Ilang weeks na lang din naman uuwi na ako... Sabi naman din niya, she'll wait. Pero bakit ganito?! Miss na miss ko siya. Nagpapaka shunga nanaman ako! Pa-iwas iwas pa, tapos in the end, mami-miss ko rin naman.
I guess gusto ko lang talagang mas pag isipan pa ang mga mangyayari sa amin once makabalik na ako. I want everything to be okay before ako mag decide, parang ganon. Ayoko naman kasi na babalik ako, tapos hindi pa rin pala ako okay.
Ang unfair naman para sa kanya kung sakali.
Kumbaga eh naninigurado lang ako.
Ning calling...
"Ning." Sinagot ko ang tawag niya.
"Hi teh! Kamusta diyan? Malapit ka nang umuwi ah." Naririnig ko ang boses ni Yujin sa background, parang nagluluto ito ng pancit canton based sa mga pinagsasasabi, "Hon ang ingay mo." Rinig kong sabi niya kay Ning.
I laughed, "Taray naman ng hon. Kayo na ba?"
"Oo.." Nahihiya niyang amin, "Ako pa nga nagtanong ng question! Pano, mamatay sa hiya si gago." Ewan ko ba naman kay Yujin, kapag sa ibang tao sobrang confident, kapag kay Ning parang tumitiklop.
"Masaya ka naman ba?" Alam ko naman na happy siya, gusto ko lang din maka make sure na talagang seryoso siya dun sa isa at hindi lang nadadala ng emosyon.
She let out a quiet sigh, "Oo, Win. Hindi ko nga 'to inexpect eh.." Napangiti ako. Nagsalita ulit siya, "Tinawagan ko si Gi.. I told her about Yujin." Ito ang hindi ko alam.
"Anong sabi?"
"Masaya daw siya for me.." And knowing Giselle, alam kong she meant what she said. "Aalis na yata siya papunta sa Japan next year. Kasama yata si Somi. It's something na hindi ko kayang gawin for her.. Kaya masaya rin ako para sa kanya ngayon." Rinig ko ang sincerity sa boses niya.
Tumango ako, "I'm just glad nakahanap na kayo ng own happiness niyo individually, Ning. At hindi niyo niresent ang isa't isa."
"Yeah.. Siguro nga some people—katulad namin ni Gi—are not capable of fighting for each other kahit gustuhin namin. Kayo ni Karina kasi.. tangina ang tatag niyo kasi teh!" Pabirong sigaw niya.
I frowned, "Ilang beses na nga kaming nagkaka falling out eh.." Matatag ba yung ganon?
"Exactly, Winter. Ang dami dami niyo nang pinagdaanan, pero look at you guys! Willing pa rin kayong i-work out kahit ang dami nang nangyari and that's.. That's rare. Yan yung mga hindi pinapakawalan."
Oh...
I nodded to myself, "Oo nga noh.."
Pareho kami ni Karina na laging striving to become better for each other and for ourselves. Maraming kaming naging pagkakamali at pagkukulang, marami kaming nasayang na panahon at pagkakataon. Pero we're still trying to work things out together.
No matter how wrong the timing is, and no matter how harsh the universe is sa aming dalawa, gagawa at gagawa kami ng paraan para sa isa't isa.
Yung tipong hindi ka papayag kung hindi rin naman siya.
I guess that's... love.
"Ning.. Uhm, wait lang ha. May tatawagan lang ako." Nanghingi ako ng pasensya sa kanya sa pagbaba ng call abruptly. Kasi naman... yung sinabi niya, at yung mga pumasok sa isip ko, it made me miss Karina even more.
Tatawagan ko na sana kaagad siya pagbaba ng call ko kay Ning, kaso pinag isipan ko muna ng mga ilang minuto.
Pero bahala na!
Gusto kong marinig ang boses niya.
Hindi ko kayang hindi siya tawagan ngayon, so I dialed her number. Mabilis siyang sumagot. Inaantay niya ba akong tumawag all this time?
"Win.. Hi.." Gusto kong maiyak nang marinig ko ulit ang boses niya. She really is my right person, walang iba.
"Hello.."
Nakangiti lang ako kahit walang nagsasalita sa linya. Then bigla siyang nag blurt out ng kanyang worry, "Have you been avoiding me?"
"Ha? Hindi ah! Ano— Uhm—" Natawa ako. There's no use na itanggi. Kasi we've really come a long way. Nahalata niyang iniiwasan ko siya, so she asked. Alam kong tinanong niya dahil worried siya at dahil gusto niyang malaman if she can do anything kung may problema man.
Umamin ako sa kanya na iniiwasan ko nga siya at dahil gusto ko lang ng more time para sa aking sarili. Inalis ko kaagad ang pagkakangiti dahil hindi siya sumagot. Galit kaya siya? Ayokong mag assume kaya nagtanong ako, "Galit ka ba?"
"No of course not."
"You have every right to take time for yourself."
"I told you I'll wait."
Hays.
Paano ko naman siya hindi mamimiss nito? Kung gaano ako ka-understanding nung mga panahon na alam kong may pinagdadaanan siya, ganon din siya ka-understanding ngayong alam niya na kailangan ko pa ng kaunting oras.
"I just want to ask though.." Mahina at parang nahihiya ang kanyang tono, "Bakit ka napatawag ngayon?"
So I told her kung ano ang totoo—namimiss ko siya. Sabi niya napapansin naman daw niya ang ginawa kong pag-avoid kaya hindi siya nangungulit, and I appreciate her dahil dito.
"Hindi ka nagtatampo?" Gusto ko lang makasigurado na wala siyang naramdaman na pagtatampo. Sabi niya worried lang daw siya. I felt bad dahil baka nga nag alala siya...
"I'm not mad."
"I could never."
Grabeng reassurance ang natatanggap ko kay Karina. Nung una kasi, worried pa ako na baka magsawa siya sa paghihintay sa akin. Na eventually, isipin niya na ang tagal tagal na nga namin nag antay bago maging kami, mag aantay nanaman siya.
But her words make me confident na talagang willing siya na antayin ako for as long as I need the time for myself.
That the both of us... we want us to be okay—as individuals, and as girlfriends, kapag dumating na yung panahon na bumalik ako sa kanya.
"Take your time to think about us more, Win. Hindi naman ako aalis. I'll be here.. We'll talk properly when you come back?" Sabi pa niya. Gusto ko na lang tuloy sabihin na okay na ako at magbalikan na kami! Grabe naman kasi yung feelings na nararamdaman ko para kay Karina...
Pinasalamatan ko siya sa pagiging patient sa akin.
"However long it takes, remember?"
"Just do what's best for you for now, and come back to me safely, okay?" Come back safely to her daw. Okay, aaminin ko, kinilig ako sa sinabi niya. Ayoko lang masyadong ipahalata.
Nang makalipas na ang dalawang linggo at nakabalik na ako sa LB, hindi ko kaagad siya napuntahan. Masyado akong hinoard ni Mama at Yuna dahil miss na miss raw nila ako. Isa pa, nahihiya ako kay Karina.
Almost a month akong hindi nagparamdam except yung naging call namin two weeks ago, tapos bigla na lang akong babalik?! I needed myself to be ready. Kaya kinabukasan pag uwi ko, pumunta agad ako sa Milka Krem para bilhan siya ng choco milk.
Kind of a peace offering dahil nagpa-miss ako sa kanya.
I saw her sitting sa isang bench along F Park, katapat ng Milka Krem. Tinignan ko pa siya nang ilang segundo just to admire her bago ako lumapit.
Hindi ko pa siya nakakaharap, pero alam ko naman na kaagad ang desisyon ko.
Babalik ako sa kanya.
And coming back to her has been the most fulfilling decision I've ever made in my life. Okay na ako ngayon. The breakup isn't haunting me anymore bago matulog. Every time I think of Karina, all I see is my love for her, and her love for me.
Despite eveything, ipagkakatiwala ko pa rin sa kanya yung puso ko. I'd rather take a risk with her than settle with anyone else.
“Here’s yours, my beby.” Nagulat ako sa biglang pag balik ni Karina sa tabi ko. “Lalim naman ng iniisip. Care to tell me about it?” I opened her drink for her.
Binuksan ko na rin yung sa akin at uminom bago sumagot, “Reminiscing lang..” I grabbed her hand at hinalikan ito, “Ang tagal pala talaga bago naging tayo noh?” Literal na years in the making ang love story namin.
Tumawa lang si Karina sa narinig, “I know.. But I’d rather wait for hundreds of years sayo than have it easy with someone else.” Derechong tinignan niya ako sa mga mata, “You’re the one for me, you know? Have I told you that already?"
“Talaga ba? Binobola mo lang ako eh.” Pagpapa-cute ko.
“Oo kaya!” May pag hampas pa siya para lang ma-prove ang kanyang point, “Sabi ko kaya kay Lord nung nagsisimba kami ni Mama weekly before in Manila, kung hindi lang din ikaw, then ayoko. Kaya dapat ipilit niya.”
Napa-lakas ang tawa ko, talagang pinressure si Lord?! “Napaka corny mo! Ganyan ka rin ba sa mga naging jowa mo nung high school?”
She scowled at me, “Of course not! Baby, I only reserve this side of me sayo. I’m not even kidding or nambobola.” She pouted at agad ko naman siyang hinalikan para hindi na ngumuso. Ngumiti siya after, halos hindi makita ang mata.
“Hoy mga malalandi!” Napatingin kami kay Ning. Kasama niya si Yujin na parang nahiya pa sa kaingayan ng girlfriend niya, “Sabi na nandito kayo eh. Nagyaya mag lunch pero hindi sumasagot sa text?”
Tsaka lang chineck ni Karina ang phone, “Ay, sorry guys. I was too occupied with my baby here.” Kinindatan niya ako. Kinilig ako.
“Ganda naman ng mood ni Karina. Mukhang kumarat last night ah.” Hirit ni Yujin. Ayan, diyan sa magaling, sa mga ganyang jokes! Tawang tawa lang siya sa sariling kabastusan.
“Kayo nga ni Ning gabi gabi magkasama sa apartment..” Sabi ko naman para makaganti. Nagjojoke lang naman ako pero yung kaitsurahan nung dalawa, grabe ang pamumula ng mukha, “Ay guilty..”
Hinablot ni Ning ang kamay ko, “Tara na nga! Shuta kasi ‘tong si Yujin, puro kabastusan ang bibig.”
“Gusto mo naman..” Bulong nung isa. Umilag nang akmang hahampasin ni Ning, “Joke lang hon!” Hinila niya papalapit si Ning sa kanya at umakbay na lang dito. “San na sina Yunjin? San tayo kakain?”
“San mo gusto, baby?” I asked Karina. Hindi niya ako pinansin. Kanina pa siya halik nang halik sa braso ko. It’s a habit na hindi niya naa-outgrow. “Karina. Saan mo gusto?” Tumigil siya sa pag halik nang tigasan ko na ang tono ko.
Oh, diba.
Hindi lang siya ang marunong maging bossy.
Umayos na siya nang paglalakad at parang nainggit pa dun sa dalawang mag jowa kaya inakbayan din ako, "Anywhere. Sa malamig sana, it's kind of hot. Let's go kaya dun sa Jardin de Joie? Yung shala na resto along the highway."
Naalala kong sinabi niya before na gusto niya nga raw i-try doon kaya umagree ako sa jowa ko, "Tara don. To celebrate na rin yung pagiging sure ng pag graduate niyo ni Yujin." Himala kasi na naigapang ni Yujin ang last sem. Muntik pa raw siyang hindi nanaman gumraduate.
"Dun mo na paderechuhin sina Yunjin." Sabi ni Ning.
Kung dati eh aangal ako dahil medyo may pagka pricey dun sa restaurant, ngayon hindi na. Grabe ang improvement! Siguro naman ay deserve ko 'to. Puro na lang ako pagtitipid nung college at palaging pang kain at pambigay sa parents ko ang inaatupag ko.
At least kahit papaano nakakaahon sa buhay.
Saktong lunch time kami nakarating sa restaurant. Mabilis lang din naman nakasunod si Yunjin at Jeno. Nakareceive ako ng video call from Giselle habang nagaantay kami ng order, "Natawag lang si Gi, kausapin ko lang." Nag excuse ako. Yayayain ko sana si Ning pero occupied siya with Yujin.
"Hi Winter!" Masiglang bati niya, "Heard about the job offer sayo. Congrats!" Nabanggit siguro ni Ning sa kanya. Nakakausap pa rin naman kasi nila ang isa't isa paminsan-minsan.
I smiled sa camera, "Thanks, Gi! Kailan na punta mo sa Japan? Tuloy ba 'yon?"
"No. I decided to stay here. Honestly, Win.. Lahat ng plans ko before, parang biglang ayaw ko na. Nagkakaroon yata ako ng mid-life crisis! My God." Akala ko sure na sure na siya sa mga gusto niyang mangyari sa buhay...?
Well, baka talagang darating yung moment na marerealize mong iba ang gusto mo. "Okay lang yan, Gi. You can always reset at i-figure out kung ano talagang gusto mo. You have the resources naman."
"Look at you! Ikaw na ang may encouraging words. I'm so proud." Maarte nitong sagot, "Sorry I'm bombarding you sa mga indecisiveness ko. Are you out? Kasama mo ba sina Karina? Baka nakakadisturb ako."
"Oo, naglalunch kami. Triple date daw. Kasama si Ning at Yujin pati si Yunjin and Jeno." Nakita ko yung pagbabago ng expression niya, "Okay ka lang?" I asked.
Ngumiti siya bigla, "Yeah, of course. I just wish nandiyan din ako with you guys. Instead dito. But my family is here so.."
"Tsaka nandiyan naman si Somi." Dagdag ko pa para mapagaan naman ang loob niya. I do wish na nandito rin si Giselle kasama namin—kasama ko—dahil isa rin talaga siya kung bakit naging bearable ang aking college life. Malaki ang naitulong niya sa akin before, pati na rin kay Ning.
Rinig ko ang bitter niyang tawa, "We broke up." Napa-awang yata ang bibig ko dahil mas natawa siya, "Shocked much? But yeah, she's too much to handle. I was happy with her for a while but.." Umiling ito at umalis ng tingin sa camera, "Anyway."
"Gi.. Gusto mo puntahan ka namin diyan?" Kung makapagkwento kasi ng nangyari sa kanila ni Somi, parang wala lang. Pero sure ako na affected siya. Alam kaya ni Ning? Kailan pa kaya? Ayaw ko naman tanungin pa para hindi na mas pumanget ang mood.
"No, it's fine. Punta na lang ako diyan sa LB sa grad season. I'll see you guys then." Nagpaalam na rin siya agad dahil may lakad pa raw sila ng family niya. Pero bigla niya ulit akong tinawag bago ibaba ang call, "Win.."
"Oh?"
Napalunok siya, parang hindi pa sure kung sasabihin niya ang gustong sabihin. She took a deep breath, "Make sure Yujin treats Ning right ha.." Taken aback ako sa kanyang sinabi. "She deserves the best. Just.. look out for her."
"O-Oo naman Gi.." Bakit parang nalungkot naman ako sa pabilin niya bigla? Hays, bakit feeling ko talagang grabe pa rin ang care niya sa kaibigan namin? Siguro ganon nga, at siguro hindi talaga mawawala yung pagmamahal niya dun sa isa kahit tinanggap na nila yung nangyari.
She finally said bye sa akin.
Nilabas ako ni Ning, "Huy. Tagal mo. Nasa call pa si Gi?"
"Wala, binaba na. Papasok na rin ako sana." Nakatingin ako kay Ning. Nagtataka pa ito bakit ako napapa-titig sa kanya. "Break na pala si Somi at Giselle?"
Based sa reaction niya na mukhang nagulat, mukhang hindi niya rin alam. "Ay.. Talaga? Hindi niya nabanggit." She frowned, "Okay lang ba siya? Puntahan kaya natin?" Well... Mukhang si Ning, talagang grabe pa rin ang care kay Gi.
Siguro ano nila ang isa't isa...
Ano ngang tawag don?
Ayun.
TOTGA.
"Mukhang okay naman." Sabi ko na lang para hindi na siya mag-worry dun sa isa masyado. "Dadalaw na lang daw siya sa LB sa grad season. Don't worry, Ning. Alam mo naman na strong woman 'yon si Gi."
Tumango siya nang wala sa loob, "Yeah.. Oh siya, tara na. Hinahanap ka na ni Karina. Nanghihina na raw siya kasi wala ka." Ang dramatic talaga ng girlfriend ko.
Nakabalik na kami sa loob at nandon na ang food. Nakasimangot sa akin si Karina pagbalik ko sa tabi niya. "What took you so long? Pinagyayabang ko sa kanila yung bago mong position sa department." Pinaglalagay ko siya ng food sa kanyang plate habang nag iinarte siya.
"Congrats, Win! Taray ha, ang bilis ma-promote. Kailan daw start mo?" Sabat ni Jeno sa tapat namin. Si Yunjin pa ang naglalagay ng food sa plate nung lalake. Talagang alagang alaga ni Yunjin ang jowa. Ang cute lang. "Thanks honeybear.." Bulong ni Jeno sa girlfriend.
"Tinatapos ko na lang yung contract ko sa project. Matatapos na next week. Then ayun, Research Analyst na ako after. Si Ma'am Ria pa rin naman ang boss." I responded. Karina gave me a proud smile.
Pagkabalik ko kasi last month sa LB, kinausap agad ako ni Ma'am Ria. Apparently, nabakante yung position as Research Analyst. Hindi nila basta binibigay yung position na 'yon especially kapag kakaumpisa pa lang naman ng researcher pero confident daw kasi siya sa akin.
Basically, permanent na ako sa department at hindi na lang contractual. Hindi na rin ganoon karami ang field works ko dahil parang ako yung medyo "higher up" ng Research Assistants sa department. Sila yung assigned sa maraming field works at akin sila magrereport.
Hindi pa masyadong nadidiscuss yung scope ng job pero confident naman ako na tanggapin ito. Ayoko na rin maghanap pa ng iba at makipag sapalaran sa Manila.
"When's the opening pala nung bakeshop ni Tita? We should invite a lot of people!" Yunjin exclaimed, "I'm so happy for your mom, by the way. Parang ang happy lang niya na she'll be able to achieve that."
Ngumiti nang maluwag si Karina, looking proud sa achievement ng mama niya, "She is happy. Siguro a month from now yung soft opening. Inaayos pa yung pwesto and she's still taking classes dun sa pastry chef."
"Actually mukhang kukuhanin na rin ng mama ni Winter yung katabing pwesto. Nabakante kasi." Pag singit naman ni Ning, "Diba Win? Ano sabi ni Tita don?"
Nung una hindi pa sure si Mama pero napilit namin siya nila Tita at ni Karina. "Ayon kinakausap na rin yung land lord. Ayaw pa nga eh, masyado raw magarbo yung pwesto, pero sabi ko need niya lumevel up!"
Ang galing lang.
Everything is falling into place.
Yunjin shared na magsstay siya sa Manila at magsasama na sila ni Jeno sa iisang apartment. Pumayag naman daw ang parents niya and Jeno seems to get along well sa kanila.
Si Yujin naman, after daw niyang gumraduate ay may nag aabang na rin na trabaho sa kanya. Pinasok kasi siya ng kanyang adviser dun sa IRRI dito lang din sa loob ng UPLB. HR daw ang position.
After namin mag quick lunch ay umuwi na kami ni Karina sa bahay nila. "Napagod ka today? Ang aga natin gumising gawa ng pictorial mo.." Niyakap ko siya from the back habang nag aayos ng kanyang gamit sa kwarto. Work from home kasi siya sa Monday hanggang Wednesday.
Sumandal siya sa akin, "Yes, baby.. I need some lambing." Hinalik-halikan ko ang mabango niyang leeg, minasahe ko na rin ang balikat niya. "Ayan.. Ang sarap." Ay, bakit naman may pag ungol?!
Humarap siya sa akin at nagkatinginan kami. Medyo malagkit ang tingin ni Karina ah... "Babe.." Panimula niya, "We haven't.. uhm.. since we got back together." Sumiksik bigla sa leeg ko at naramdaman ko na nag iinit ang mukha niya.
Kumunot ang noo ko, "Ano yun?" Pinaikot ko na lang din ang mga kamay ko around her waist. "Baby ano yun? Bakit parang hiyang hiya ka?"
Feel na feel ko ang hininga niya sa leeg ko, ramdam ko rin ang small kisses niya sa aking balat. Nagsalita ulit siya, "We haven't done.. it.." Ah... okay. Gets ko na. Natawa ako at agad niya akong hinampas nang mahina sa likod, "Wag kang tumawa. I'm getting embarrassed."
"Eh baby.. Wala naman tayong ano, uhm.. place. Nandito si Tita lagi. Tapos wala ka naman nang apartment. Alangan naman sa bahay tayo, nandon si Yuna sa kwarto." Patawa-tawa kong sabi sa kanya. Pero sa totoo lang, miss ko na rin siyang makatabi...
Nung isang gabi nga eh napanaginipan ko pa siya. Napa-cold shower na lang ako pag gising.
She pulled away at tinignan ako, parang determined ang itsura, "Well.. Wala si Mama ngayon. Mamaya pa siya uuwi. We're alone, we have a solo bed.." Unti-unti siyang lumapit sa akin hanggang magtapat ang aming labi, "I miss you.. A lot.."
Napalunok ako. Pero parang gusto ko na ako naman ang magpaka confident at mag take over this time. Kaya kinabig ko siya at hinalikan nang madiin. Parang nagulat pa si Karina pero agad din naman siya tumugon.
"Mmhh.." She moaned against my mouth. "Baby.." Hinigit ko ang kwelyo ng damit niya, ing her shirt hanggang sa bra na lang ang matira sa kanyang pang taas na suot. Tinigil ko muna ang pag halik sa kanya to admire her beauty.
Napa kagat labi na lang ako habang pinagmamasdan siya, "You like what you see?" Mapanuksong niyang tanong. Ako naman ang hinila niya at hinubad ang suot kong shirt, "I want you.."
I accidentally bit her lip dahil na-turn on ako sa kanyang sinabi. She smiled against my lips. Alam niya ang epekto niya sa akin. Para akong nasapian ng kung ano man dahil bigla ko siyang tinulak sa kama.
Tinaasan niya ako ng kilay, “Come here..” Pinatay ko yung ilaw saglit at pumatong sa kanya, attacking her neck with my kisses. Napapadiin ang paghalik ko sa kanya, “Na-miss mo rin noh?” Hinihingal niyang pakli.
Natawa ako habang patuloy ang pag gala ng labi ko sa kanyang gitnang katawan, “Oo naman.” I replied, medyo out of breath na rin ako. “Can I..?” Tinignan ko siya habang hawak ang kanyang pantalon para hubarin.
“Yes..” Hindi pa nga niya alam ang tanong ko, nag ‘yes’ na kaagad. Sabik na sabik ang girlfriend ko! At ayoko siyang madisappoint. I’m ready to give my all.
Tuluyan ko nang hinubad ang kanyang pambabang suot. Umakyat ang kamay ko pataas nang pataas kung saan niya ako kailangan nang sobra.
Nang hawakan ko na siya, hindi na napigilan ni Karina ang hindi mapasigaw, “Win.. ..” Agad akong tumaas sa kanya para halikan siya, just to lessen the noise that she’s making.
Nagtaka pa ako dahil she grabbed my hair at pinush ako pababa kung saan ko siya hawak ngayon. “G-Gusto mo..?” I asked to make sure.
She nodded enthusiastically, “Please.. I-I’ve been thinking about it..” Napa singhap ako. She’s been thinking about it? M-Matagal niya na bang iniimagine ito? . Ano ba... Kailangan galingan ko.
Mabilis akong bumaba sa kanya, hawak niya pa rin ang ulo ko to guide my mouth to where she needed me the most. I can smell her… And I can’t wait to taste her. At nang matikman ko na, I couldn't get enough of her.
Buong tanghali kaming occupied ni Karina sa pagbawi ng “lost time". Kung ano ang ginawa ko sa kanya—ginawa niya rin sa akin. Kung ano ang ingay niya—ganon din ang ingay ko.
Give and take.
Grabe!
Ika nga nila, love is sweeter the second time around. Louder din siguro. At more intense. Kung ano ano na lang ang maisip ko. Grabe ang epekto sa akin ng aming ginawa.
“I love you..” Mahingal-hingal ko pang sabi habang yakap siya, our clothes have been long gone except sa underwear namin. Ayaw niyang magbihis ulit kami pagkatapos namin mag CR after namin mag s-. Gusto niya raw kasi na dama pa rin ang skin ko.
Bumaling siya sa akin, “I love you.. Wow, that was..” Hinalikan niya pa ako ulit bago siya tumalikod to be the small spoon, I tangled my legs with hers, “Worth it yung months na hinintay ko.” Pabiro niyang habol.
Hinampas ko nang mahina ang tiyan niya, “Yun lang ba habol mo sakin? Kaya ka nakipagbalikan?” Hinalik-halikan ko ang bare shoulder niya. She feels really good. May malilista nanaman ako sa most favorite days ko.
“Honestly? Oo.” Akmang bibitawan ko siya pero hinila niya ulit ang kamay ko para hindi maalis sa pagkakayakap sa kanya, “You know that’s not true..” Nagseryoso siya, “I actually wanna talk to you about something, baby.”
Napatigil ako sa paghalik sa balat niya, “Hmm? Ano yun?”
Rinig ko ang pag hinga niya nang malalim, “I wanna talk about the time when we were apart.. Nung.. time na nagbreak tayo. I guess I just want us to talk about it. Does that make sense?” Careful niyang tanong.
“Oo naman. Ayoko rin naman madisregard yung time na yun just because okay na tayo ngayon..” Gets ko ang ibig niyang sabihin. I’ve been meaning to talk to her about it as well pero pareho kaming occupied lately sa work. Tsaka we just wanted to be together lang muna without having to talk about it.
She nodded, “Yeah. It’s part of our relationship and part of our growth.. I want us to share our feelings nung mga panahon na 'yon. I want to know how you felt. I also want you to know how I felt, if okay lang? Will that be too much for you?”
Ngumiti ako, “It used to be. Pero oo, gusto ko rin pagusapan, baby. Ayokong blind-sided tayo sa naramdaman ng isa't isa during those times. Mahalaga na alam natin, so that in the future, hindi na ulit mangyari."
She gave me another nod, "How did you.. how did you deal with everything back then?"
Paano nga ba? I tried to think about those months. Hindi mahirap i-recall yung time na 'yon dahil masasabi ko naman talaga na one of the worst experiences of my life yung nangyari. What's surprising ay hindi bumabalik yung sakit kapag binabalikan ko.
"Uhm.." Hinalikan ko ulit siya sa kanyang balikat to let her know na kung ano man ang ioopen ko, it's all in the past now, "Nag-work lang ako nang nag-work that time. Iniiwasan ko rin yung mga bagay na makakapagpaalala sayo."
Nabanggit ko sa kanya yung mga pag tanggi ko palagi sa mga pa-get together ni Yunjin. Yung pag iwas ko sa places kung saan kami laging magkasama. Yung pag try ko na hindi talaga siya isipin kasi it was really painful to think about her—about us. I even told her na dinelete ko yung number niya kahit saulo ko naman.
"Ultimately, lahat ng 'yon hindi naman effective." Genuine akong natawa sa aking sinabi, natawa rin si Karina.
"But I kept on telling myself na baka naman maka move on. Not knowing na deep inside, I knew I couldn't. At least not anytime soon. Especially dahil alam ko naman na... na hindi tayo naghiwalay kasi hindi natin mahal yung isa't isa." Mahinang dagdag ko. Tumango siya nang bahagya.
I needed to feel her skin again kaya binigyan ko ulit siya ng halik sa kanyang likod bago nagpatuloy, "I guess there was a bit of hope sa sarili ko na hindi ko lang maamin. Kasi too occupied ako sa thought na kailangan kong mag move on. Alam mo yun? Kaya nung bumalik ka, it wasn't hard for me na mag respond sa kaharutan mo."
Narinig ko ang malakas niyang tawa. Humarap siya sa akin, putting her arm around me at ako naman ang humiga sa kanyang braso, leaning my face against her chest. Nakayakap na rin ako sa kanyang bewang.
"Do you think kung hindi ako kaagad nagparamdam after seven months, would you have been able to move on further? Or move on with someone else, ganon.." Tanong niya, ramdam ko ang halik niya sa aking noo.
Umiling ako, "Baka hindi rin naman." I admitted, "The truth is.. tingin ko kahit inabot ka nang mas maraming months—or kahit taon pa—I'd still come back to you. Ang hirap hindi bumalik sayo, Karina. Ang hirap lokohin yung sarili ko na kaya kong hindi ka mahalin."
Nagtama ang mga mata namin, kita ko ang pamumuo ng luha sa kanya. She smiled before pressing her lips sa akin, "I love you.. I'm so sorry you had to experience that dahil sa akin. It must have been hard para sayo."
"It was hard for me. Pero grabe rin naman siguro yung hirap mo. Ayoko naman isipin na ako lang yung nasaktan. Nung una gusto kong 'yon ang isipin, pero parang mali.. Alam kong you had it hard as well. Baka nga mas nahirapan ka.." Napahigpit ang yakap ko sa kanya, "Ikaw? Paano ka nag-deal sa lahat non?"
Huminga siya nang malalim then she turned to me at hinaplos ang mukha ko. Kita ko sa kanya na naiiyak siya pero pinipigilan lang. "After the breakup.. I didn't have the luxury of time to be sad about it. I had three jobs, halos wala akong tulog, may mga field works din minsan on the weekends.."
She smiled sadly, "I remember wishing I could just take a break sa trabaho—sa lahat—and just lie down for a while to cry and be sad about losing you. Alam mo yun? But I couldn't. The only time that I was able to do that was nung nakitulog ako sa inyo." Natawa siya.
"You were literally a few feet apart from me, but at the same time, parang ang layo layo mo sa akin nung oras na 'yon. Kaya na-blurt out ko na lang bigla yung mga sinabi ko sayo that moment." Pailing-iling siya habang natatawa, though kita ko sa kanya na hindi siya nagpapa-awa.
"It could have been our anniversary."
"It's been hard."
"Do you hate me, Winter? Galit ka ba sa akin?"
It all makes sense now kung bakit lahat ng 'yon bigla niyang sinabi.
All her bottled-up emotions... naipon na nang naipon. Now that I think about it, para tuloy ang sama ko dahil iniisip ko dati na magalit lang na magalit sa kanya at sisihin siya sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"It went on like that for two months yata? I was forcing myself to just it all up dahil marami akong trabaho at marami akong utang na kailangan bayaran." I nodded in understanding. "That's why when Papa came back, nung nag resign na ako sa iba kong jobs the month after, I wanted to just run back to your arms. Pero hindi ko kaagad ginawa."
Pinunasan ko yung tumulo niyang luha, "Bakit hindi mo agad sinabi? I mean.. you could have told me earlier."
"I could have. But.." Nag-pause siya, "Nahihiya ako, Win. I wasn’t sure kung tatanggapin mo ulit ako. And I was scared that if I did try to come back, baka i-reject mo lang ako. Wala pa akong lakas ng loob." Sabagay...
Parang ganon din kasi ako nung time naman na ako yung nakagawa sa kanya ng kasalanan. Yung sa Batangas.
Nagpatuloy pa siya, "Kaya sabi ko sa sarili ko, ‘Okay. I’ll use this time to be sad about the breakup since hindi ko nagawa nung una’, then I realized na walang mangyayari, at magsasayang lang ako ng oras if I wallow in self-pity. Pag pinatagal ko pa, there's a high chance that you’d slip away."
"So ayun.. Naglakas ako ng loob." Nabanggit niya sa akin yung time na niyaya niya akong mag lunch tapos nag walk out ako. It made her realize daw na mali ang kanyang approach kaya paunti-unti, nag-try siyang mag text sa akin nang mag text to slowly come back.
Hay nako. Effective naman.
Marupok lang din kasi talaga ako.
Pabiro ko siyang tinignan, "Nagselos ka lang kay Liv eh." Hinampas niya yung pwetan ko, "Baby! Aray!" Hinaplos rin naman niya ito agad.
"Sorry.. Ikaw kasi! Binabanggit mo pa name niya!" Ungot nito, "But yeah, partly true naman. I hate to admit it but.." She rolled her eyes, "I guess I felt threatened. She's pretty, and she looked determined to be with you. So.."
Amused ako sa kanyang pagseselos. Talagang bwiset na bwiset ang girlfriend ko kay Olivia. "Hayaan mo na 'yon.. Wag mo na siyang isipin." I kissed her neck lightly, "Ang mahalaga, we came back to each other. It was all worth it.."
"Mmhh.." Naramdaman ko ang pag tayo ng balahibo niya dahil sa pag halik ko sa kanya, "It was.." Hinawakan ko ang dibdib niya, napa kagat labi si Karina at pinipigil lang umungol, "One more round? To.. seal the comeback?"
Natawa ako against her skin, "Okay.. One more round. Pwede rin dalawa pa. Mamaya pa naman yata babalik si Tita."
"Okay!" Pumatong siya sa akin.
Making up for the lost time.
—
“Kinakabahan ako. I don’t know why.”
Naiwan kami saglit dito sa kwarto niya. Tapos nang mag ayos si Karina at nakabihis na rin siya para sa graduation. Grabe lang… sobrang ganda niya, hindi ko kinakaya. Bagay na bagay sa kanya yung dress and it looks even better dahil sa suot niyang sablay.
“Babe, I said kinakabahan ako.” Pag ulit niya sa sinabi, “Why are you looking at me like that?”
Nilapitan ko siya, still admiring her beauty, “Baby ang ganda mo kasi. Feeling ko ikaw pinaka maganda sa graduation mamaya. Literal. Dapat may award ka sa sobrang ganda mo. Face of the night, ganon.” Ang mema ko yata. Ano 'to, prom? Natameme ako sa beauty niya masyado.
She laughed loudly, “Who’s the corny one now?” Nagtaka ako dahil nagseryoso siya bigla, “Sorry I couldn’t come to your graduation last year..
Comments