Part 29

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Another night na ganito nanaman.

 

Alam naman ni Karina na concerned lang ako sa kanya. Ilang beses ko na rin naman nasabi yung concerns ko at lagi niyang pinipilit na she can manage. But why does it show otherwise?

 

“Late ka nanaman umuwi. May part time ka pa mamaya. May papers din na kailangan tapusin. Marami pa tayong rereviewhin.” Naka abang ako sa labas ng apartment niya.

 

Kakarating lang ni Karina. Supposedly ay dapat two hours pa siya nakauwi dahil tutulungan ko siyang magreview sa ibang subjects.

 

She looked tired, and I almost felt bad na sinasabihan ko siya at pinapagalitan during this state, pero wala naman kasing ibang magsasabi sa kanya kung hindi ako.

 

“Win.. Pagod ako.” Kinuha niya ang susi sa bulsa at binuksan ang pinto, opening it for me para mauna akong pumasok, “Dun tayo sa loob. Have you eaten?" I nodded gently, softening dahil sa malambing niyang tono.   

 

Madalas ay palaban si Karina sa arguments. Pero tonight, parang pagod nga siya. Eh kasi naman… Pwede namang hindi siya mapagod if she’ll just ditch yung SSDC.

 

“Anong oras yung duty mo sa Upwork?” Kahit may pagka-inis eh inasikaso ko pa rin siya, giving her fresh clothes dahil pawisan siya galing training. Inabutan ko rin ng bottled water.

 

“In like..” Tumingin siya sa orasan habang iniinom yung tubig, “30 minutes.” Nagpalit siya ng damit sa harap ko. Humiga kaagad pagkatapos, “Inaantok na ako.” Nag-takip siya ng mata using her arm.

 

I exhaled loudly at umupo sa tabi niya, “Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo, babe? Grabeng time yung nate-take sayo ng SSDC. Kung wala yan, mas maaayos mo sched mo.”

 

She didn’t move, akala ko pa nakatulog bigla when she answered, “I thought magiging supportive ka sa pag-balik ko sa SSDC?” Kalmado ang boses niya.

 

Ang ironic kasi ako yung sobrang frustrated pero siya yung pagod. Pero hindi ko kasi mapigilan. I worry a lot sa kanya. It’s just natural for me to feel so dahil girlfriend ko siya.

 

“Oo nga pero sinabi ko rin yun nung hindi pa naghihiwal—“ Inangat niya nang kaunti ang kamay para tignan ako, “Sorry.” Sabi ko na lang. Not wanting to remind her dun sa nangyari. Kailangan ko rin i-remind sa sarili ko to take it easy on her.

 

Akala ko pa nagalit siya when I felt her hand hold me, nakatakip pa rin ang mukha niya, “I’m sorry, baby.” Immediately ay nag-soften ako sa boses niya, “I know you’re disappointed lately.. Pero I’m doing my best.”

 

She is.

 

Sa totoo lang, nakikita ko naman yung hard work ni Karina sa mga ginagawa niya. It’s just that.. ayaw niyang makinig sa akin when it comes to leaving SSDC. Para sa akin kasi, yun talaga yung best na gawin sa sitwasyon niya ngayon.

 

Graduating siya.. Hindi pwedeng may ibagsak siya.

 

Hinayaan ko na lang muna sa ngayon at hindi na nagbigay pa ng opinion about her dance squad, “I'm not disappointed. I'm just worried.." I sighed, "Sige na, umidlip ka na muna. Gigisingin na lang kita. May almost 20 minutes ka pa to sleep.”

 

Kita ko yung pag tango niya. “I love you.” She mouthed, barely making any sounds dahil sa kapaguran.

 

“I love you too.” Sincere na sagot ko. There was a small smile sa mga labi niya hanggang sa nakatulog na siya.

 

I was just staring at her, pinagmamasdan yung pagod niyang mukha at prominent eyebags sa kanyang mga mata na dati ay wala naman.  

 

Tama nga ako sa sinabi ko before…

 

Yung about sa possibility na when what happened hit her, mag si-switch off siya. Well, hindi naman totally "switch off", pero it greatly affected her.

 

Yung start ng year ang umpisa. Nagiging okay naman si Karina non eh. After my birthday, she was doing fine and continuing to move forward dun sa nangyari.

 

Hanggang sa first hand niyang ma-experience na siya yung kino-contact nung inutangan ng Papa niya.

 

Hindi rin namin alam paano nakuha hung number niya, pero they were asking for her father. Hindi naman sa mala Mafia na way. Mabait naman daw yung nakausap niya.

 

They were just really asking about sa tatay niya dahil malaking pera yung inutang.

 

Siguro makokompara ko sila dun sa mga babaeng tumatawag kapag malapit na yung billing date mo sa HomeCredit. Ayun, parang ganon.

 

Although naayos naman at hindi na ulit nangyari dahil nagstart nang magbayad yung Mama niya on a weekly basis dun sa mga pinagkakautangan. Tita also started a new job on top of running the agency.

 

Yung Papa ni Karina... Ayun, butaw siguro sa probinsya at naka yupyop sa mga magulang para magtago. Takot na takot yatang mademanda.  

 

It left a really bad taste kay Karina. Mas lalong lumala yung galit niya sa Papa niya at mas naging determined na alisin yung nangyari sa utak niya by busying herself.

 

Sa work.. sa acads.. sa sayaw. Pero mostly sa work at sa sayaw. Okay naman siya sa acads, pero medyo bare minimum ang nabibigay niya dito. At least passing, I guess.

 

Tumayo na muna ako sa kinakaupuan para ipag-gawa siya ng pagkain niya. Habang nagpapakulo ng tubig eh tumulo na lang din bigla ang luha ko dahil sa mga nangyayari.

 

Grabe yung mixed emotions. I feel really bad for Karina—sa mga nangyayari sa kanya. I also feel bad dahil pinagsasabihan ko siya when I know she’s doing things to keep her mind off what happened.

 

Hindi ko na rin alam minsan kung paano na ba. Kung gagraduate ba siya this sem nang hindi siya nag-iinactive sa SSDC.

 

“Bakit ka umiiyak?” Nagpunas agad ako ng mata nang marinig ko ang worry sa boses niya, “Am I getting too hard to handle?” Her voice sounded fragile.

 

Humarap ako sa kanya, flashing her a tired but genuine smile, “Hindi. Nag gayat lang ako ng sibuyas. Pinagluluto kita, baby.” Sino ba naman ang maloloko ko? For sure she knows na bull yung sinabi kong rason.

 

She just stared at me. Na parang may gustong sabihin.

 

“I failed sa first lecture exam sa Eng10.” Pag blurt niya bigla.

 

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko nga sure kung kumukurap pa ako. I was just looking at her, waiting na sabihin niyang joke lang ito.

 

“H-ha?”

 

Inalis niya ang tingin sa akin at tumungo, “Kanina binalik yung results. Kaya medyo nagtagal ako sa training.. I wanted to take my mind off it.” She covered her face, “I feel like there’s a lot of things I want to take my mind off. And—" She choked.

 

Pinatay ko muna yung kalan at agad na pinuntahan siya sa kama para yakapin, “Sshh.. Bawi ka na lang.. Tutulungan kita. It's okay.” Ngayon ko lang ulit nakitang mag break down si Karina nang ganito.

 

“I feel like I’m losing myself because of him. Dahil sa nangyari.. I— I don’t know what to do.” Umiiyak na rin ako para sa kanya, “Para bang all the growth that I built for myself.. nawala dahil kay Papa. It's— It's so unfair, Win. Just when I finally found my footing on things.."

 

Hindi ko lubos maisip kung gaano kahirap ito para kay Karina. Tapos wala pa yung Mama niya sa tabi niya dahil kailangan nitong bumalik sa Manila para mag run ng business at magtrabaho.

 

Tapos lahat ng ‘yon halos ipambabayad lang sa utang ng Papa niya.

 

I’m just letting her vent out sa akin, “Alam mo yung finally naging tayo na after so many years. Everything was going well.. Then magkakaron naman ng problems sa family ko..”

 

Pinunasan ko yung luha niya, kissing her tears stained eyes, “Baby.. Nandito ako, hindi naman ako aalis.. I’ll stay kahit pa minsan napapagalitan kita.. I’ll be more patient. Hindi mo naman ginusto yung mga nangyari.”

 

“I love you along with your flaws.. Yung mga problems mo.. And everything that comes with you, Karina. Kasi alam kong ganon ka rin sa akin.”

 

She sniffed, smiling at me tiredly, “Thanks for staying with me..”

 

“Thanks for letting me..”

 

Nasira naman ang moment namin dahil tumunog na yung alarm niya sa phone, indicating na start na ng duty niya sa part time work niya as a Virtual Assistant sa isang client niya sa Upwork.

 

Hindi naman mahirap ang work ni Karina dito. More like encoding and minimal customer service lang. Chat basis lang din lahat. Ang kaso, gabi ito dahil western time and sinusunod nila.

 

“Sige na, magtrabaho ka na. Dito lang ako. Pagluluto kita.. Dito na rin ako matutulog.” She smiled gratefully sa akin bago kunin ang laptop para mag umpisa nang mag work.

 

Nagpakulo na ulit ako ng tubig para i-boil yung chicken na nasa ref. Ipag-gagawa ko na lang siya ng chicken sandwich at soup siguro. She hasn’t been eating well din lately.

 

I like taking care of Karina. Pero sana alagaan din niya ang sarili minsan… I really wish i-consider niya na iwan yung SSDC before it’s too late. Lalo na ngayon...

 

Bumagsak siya sa first exam sa Eng10. Mahihirapan siyang makahabol lalo na’t si Rufino yung prof niya. May pag-asa pa naman, basta lang mataas ang grades niya sa second exam at wala siyang ma-miss na deadlines.

 

Kakausapin ko na lang ulit siya about this pero hindi na lang siguro ngayon. She’s tired at ayokong pagtalunan namin.

 

“Kain ka muna.” I gave her a sandwich pati yung ginawa kong soup galing sa pinakuluan ng chicken, “Ubusin mo yan. Para more energy ka sa work.”  Pinatong ko ito sa table niya, giving her a small kiss sa gilid ng kanyang noo.

 

Nag set up kami ng mini office niya dito sa apartment para lang may working space siya.

 

“Thank you, babe. Mag sleep ka na.” Gabi na rin nga, may pasok pa bukas. Iniisip ko tuloy kung gaano nanaman ka-onti ang itutulog ni Karina.

 

Sumandal ako sa headboard ng kama, putting the laptop sa aking lap, “Gagawa akong reviewer natin sa Eng10. Pati sa iba mong subjects. Samahan kitang mag puyat.” I want her to know that I'm here.. Physically and emotionally.

 

Tumango siya, “I promise gagalingan ko na sa second exam. Para hindi sayang effort mo.” Hindi naman niya kailangan mag promise sa akin. She should do it for herself.

 

Nakatulog ako habang si Karina ay nagtatrabaho pa rin.

 

I woke up the next day at katabi ko na siya, mahigpit ang yakap sa bewang ko. Alas otso pa lang naman ng umaga, 10am pa yung first class namin. Anong oras kaya siya natulog?

 

Tumunog ang phone ko.

 

Minju: Anong floor ni Karina? Nasa lobby ako

 

Me: Bakit?

 

Minju: Sungit. Hahaha. Nakisuyo si Yunjin, dalhan ko raw kayo ng breakfast.

 

Me: Ah okay hehe sorry. 2nd floor, third room pag kaliwa mo.

 

Busy rin si Yunjin lately. Ang thoughtful lang na nakisuyo siya na dalhan kami ng almusal ni Karina. Alam naman din kasi niya kung ano ang pinagdadaan ng kaibigan niya ngayon.

 

Even si Yeji, tumatawag paminsan minsan kahit nagwowork na siya sa Alabang.

 

Minju: I’m here na. Di na ako kakatok, baka magising jowa mo

 

Inalis ko nang dahan-dahan ang kamay ni Karina na nakayakap sakin para tumayo. She whined, mabilis kong hinawakan ang mukha niya, “Kukunin ko lang yung breakfast natin..” I kissed her on the lips. Tumango siya at mabilis na na nakatulog ulit.

 

Lumabas ako ng apartment ni Karina. Nakita ko si Minju sa may railing, may dalang McDo. “Eggdesal. Pero this time, for you and your jowa na.” Matawa-tawang sabi niya.

 

I couldn’t help but laugh din sa kanyang sinabi, “Salamat, Minju. Close na pala kayo ni Yunjin? Kailan pa?"  

 

“We share a lot of classes together. She’s a bit friendly and we have common friends, so ayun..” Inabot niya sa akin yung paper bag, “Kamusta si Karina? I saw her sa class namin one time na natutulog.”

 

Hays… Ang girlfriend ko.

 

“Okay naman. Kinakaya.”

 

Lumapit siya sa akin, giving me a worried stare, “Ikaw, Win? Kamusta ka? You okay?” Tumaas ang kilay niya nang hindi ako sumagot agad, “You can tell me.”

 

“Okay naman ako, acads-wise, kinakaya ko rin naman.” Wala naman kasi talaga akong problema sa subjects. I can manage, at confident akong maaachieve ko yung latin honor.

 

“Pero..” I continued, “I worry a lot. Kay Karina. Alam mo yung feeling na gusto kong maging okay siya pero it’s out of my control..” Hindi ko rin alam kung bakit ako nago-open kay Minju. Tingin ko kailangan ko lang din mailabas.

 

At siguro gusto ko lang din talaga ng may mapagsasabihan. Hindi ko kasi ma-open ito kay Karina ‘cause I don’t really want her to worry about me worrying her. Hays.

 

Nilingon ko yung room ni Karina, “Sige.. Baka ma-late ka na rin. Salamat sa breakfast ha. Magkano pala?”

 

Umiling siya, “It’s okay.. Yunjin paid for it.” Papasok na sana ako nang tawagin niya ako ulit, “Win. You guys will be fine. And.. I’m here, ha? If you need someone. You know you can lean on me.”

 

Tumango ako at ngumiti sa kanya, “Alam ko.. Thanks, Minju. Sorry ha, hindi tayo nakakapag catch up.”

 

“It’s fine. Life happens. We're both busy." She waved her hand, “Karina needs you. Sige, I’ll get going.”

 

Pumasok na ulit ako sa room. Tulog na tulog pa rin si Karina, naririnig ko yung mahina niyang pag-hilik. She snores kapag pagod siya.

 

Hindi ko na lang muna siya ginising at naligo na lang muna ako. She needs all the sleep she can get ngayon para naman makapag function siya nang maayos.

 

Tinawagan ko si Yunjin after maligo.

 

“Hey, Win. Is there something wrong?” Natawa ako. Halatang worried din siya sa kaibigan at yun talaga ang unang tinanong.

 

“Wala, wala.. Gusto ko lang mag thank you dun sa pinasuyo mong breakfast kay Minju.” My eyes landed sa sleeping form ni Karina. She looks peaceful, pero kailangan ko na siyang gisingin in a while.

 

“It’s the least I could do.. How is she? Finally convinced her na i-ditch ang SSDC?” Rinig ko yung mahinang tawa niya sa kabilang linya.

 

Hindi man kami nagkakasundo nito ni Yunjin sa ibang bagay, at least dito eh matched kami ng idea. Against din siya sa pagiging active ni Karina sa squad.

 

“Hindi ko pa ulit nakakausap. Pagod siya kagabi eh.. Ikaw ba kamusta ka? Okay pa naman?” Balita ko kasi kay Jeno, puspusan din ang pagrereview ni Yunjin para maka graduate.

 

Overloaded yata ang units niya this sem dahil transferee siya kaya wala halos ibang time para mag liwaliw.

 

“Gosh, I feel like dying! Ang hirap ng lecheng majors! On top of that napaka paimportante pa ng PE. I swear after this sem magpapa thai massage ako.”

 

Nakakatawa lang siyang mag rant. It took my mind off a bit sa mga worries ko kay Karina.

 

“Anyways! I have to go. Call me if anything happens. Or kapag kailangan mo ng katulong sa pagscold sa jowa mong stubborn. Bye!” Hindi niya na ako hinintay sumagot at binaba na ang phone.

 

Nag antay akong mag alas nwebe bago ko lapitan si Karina sa kama, “Babe.. Baby.. Gising na.” Tinapik ko nang mahina ang braso niya, “Karina..”

 

Hindi naman ako nahirapan gisingin siya. Bumangon din agad ang girlfriend ko kahit parang groggy pa ang itsura, “Anong oras na?” She asked.

 

“9am na halos. Anong oras ka na nakatulog?” Kumuha na ako ng towel niya at inabot sa kanya yung clothes na ako na rin ang namili. Mapapatagal pa kung siya.

 

“Around 4am yata..” Hay nako, bumabalik nanaman ang inis ko dun sa mga training na pinupuntahan niya after class. When she can use yung oras sana na yon para magpahinga.

 

“Babe..” Panimula ko. Ito nanaman kami.

 

She halted her steps bago pumasok ng CR, tumingin siya sa akin, “I know that look.” Sabi niya kaagad, “Win, it’s fine. I told you, I’ll manage. Kaya ko pa naman pagsabayin yung sayaw.”

 

“Wala ka naman mapapala don, Karina. Mas napapagod ka lang.” Okay… Inaamin ko, I could have worded that better. Pero paano? Totoo naman kasi. Derechahan kung derechahan.

 

Binuka niya ang bibig pero walang lumabas na salita. Baka masyadong maaga para sa convo na ‘to. Nainis tuloy ako bigla sa sarili ko.

 

“Sorry, babe. Sige na, maligo ka na muna.” Apologetic kong sambit. She nodded her head slightly at tumalikod na nang walang sinasabi.

 

I slumped into her chair, tinakpan ang mukha ko. I groaned pero walang sounds, kung posible man ‘yon.

 

Bakit ganon?

 

Tingin ko I’m doing the right thing na magsabi kay Karina na umalis siya sa SSDC, pero feeling ko rin I’m not doing the right thing by imposing her kung ano ang dapat niyang gawin.

 

Natatakot ako kasi baka maramdaman niya yung katulad ng dati… Nung first year college pa kami tapos pinipigilan ko siya sa mga ginagawa niya.

 

Pero iba naman kasi ngayon…

 

Graduating kami. And I’m doing it kasi ito yung alam kong makakabuti para sa kanya. Not because nagseselos ako sa mga nakakasama niya or gusto ko sa akin lang ang time niya.

 

I just want her to be healthy. Hindi rin maganda na nagpoprocrastinate siya.

 

Hay...

 

Hindi niya ako iniimik pag labas niya ng banyo. Kumain din kami nang tahimik. Ang awkward tuloy, parang nagpapakiramdaman kami.

 

“Babe..?” I asked carefully habang nag-aayos siya ng pinagkainan namin, “Gusto ko lang i-consider mo. Alam ko naman na alam mo where I’m coming from.”

 

She stopped what she was doing at bahagyang tumingin sa akin, “Of course I know where you’re coming from.. Tatapusin ko lang yung performance this coming Feb Fair and I’ll lie low. I just want us to not talk about it all the time anymore."

 

Hindi ko inexpect na she’ll actually give in. Akala ko malalang pangungumbinsi pa ang kailangan kong gawin. Pero I still feel terrible about it.

 

I could see na masaya si Karina sa SSDC. Pero she has to let that go para maging maayos ang acads niya at ang kanyang sleeping schedule. Madaming bagay ang nacocompromise nito.  

 

“Okay.. Okay, sige.” Malapit naman na yung Feb Fair, hindi na ako kokontra pa. Though Karina didn’t look happy sa decision niya, I know that she knows within herself na yun yung dapat gawin.

 

“Ito yung reviewer mo. Gumawa ako for you.” I gently said, not wanting to argue anymore, “Nag-print ako sa printer mo. It will help sa quizzes and exams.”

 

Tinignan niya yung inaabot ko, smiling slightly before niya kunin at ilagay sa bag, “Thanks for doing this, Win. You’re the best. I’ll.. I'll make it up to you soon. I promise.”

 

I reached out my hand, agad niyang inabot at hinawakan ito, “Hindi mo naman need bumawi. Just.. take care of yourself, babe. Yun lang yung gusto ko.” I pulled her in for a hug, “Sorry if ang pushy ko lately."

 

“It’s okay, baby. Matagal ka nang pushy. Sanay na ako.” Pabiro niyang sagot, tumawa nang mahina kong hampasin ang likod niya, “I’m kidding! I know you're doing it for me. Let’s go na.” Medyo na-clear naman ang air at nawala yung tightness sa dibdib ko.

 

Hinatid ko siya sa class niya before ako pumasok. It was a quiet walk, bumili kami ng kape sa McDo dahil halos makatulog si Karina sa daan dahil sa antok.

 

Wala yatang araw na hindi ko sinuntok sa mukha yung Papa niya sa isip ko.

 

I used to look up to him, ngayon gusto ko na lang siyang sapakin nang paulit ulit.

 

But this is just one of those inevitable challenges ng buhay. Alam kong kakayanin ni Karina ito and things will get better for her soon.

 

 

 

 

 

 

“So anong plano mo for Valentine’s?”

 

Para akong ini-interrogate nitong tatlo. Ewan ko rin paano kami nag-end up na magkakasama ngayon sa second floor ng McDo.

 

“Iniisip ko pa. Lagi kasing siya yung may plano ng mga bagay.. Nung first month namin, tas nung birthday ko..” I glared at Yujin, “Bat ganan ka makatingin?”

 

Nag smirk siya sa akin, “Valentine’s . To take away your baby’s stress.” Sabay siyang hinampas ni Ning at Ryujin, “Aray! Totoo naman! Ang prude niyo ha.” Irap nito.  

 

“Ang lakas ng boses mo. May bata dun sa kabilang table, gaga ka.” Ning said pointedly, “Pero true. Diba never pa kayong nag ano?”

 

Bakit naman sa ganito napunta ang usapan…

 

Tinulak ako ni Ryujin, napaka eksaherada, “Huy totoo? Never pa? Ilang months na nga ulit kayo? Diba five months na halos?”

 

“Bakit ba napunta diyan yung usapan?! Gusto ko lang siyang i-date sa Valentine’s!” Medyo tumataas ang tono ng boses ko, halata yatang nagpapaka defensive.

 

Ang hindi nila alam eh twice na namin nagawa ni Karina yung ganon. Napa day dream tuloy ako bigla… Ano ba kasi! Hindi ko pwedeng isipin yun ngayon habang may kaharap na burger.

 

Ayoko lang na nagoopen ng about dito sa ibang tao. Sa amin na lang 'yon ng girlfriend ko.

 

“Oh siya siya, hindi na. Paiyak ka na eh.” Bwisit na Yujin talaga ‘to, “Pero may pakulo yung isang org sa Engineering. Yung booth kasi nila yung pinaka malaki tas nasa may gitnang harap ng stage..”

 

That got my attention, “Oh? Anong meron daw?”

 

“Nilagyan nila ng second floor. Tas open area. Pinapareserve nila sa Valentine’s. Perfect yun habang nagpe-play yung guest bands that night.” Uy…

 

Parang ang ganda.

 

Nag-ipon naman ako para sa Valentine’s kasi I really wanted to take Karina out sa araw na yun. Ayokong magpaka kuripot. Minsan lang naman.

 

“Ay yan ba yung sa Civil Eng na org? May friend si Lia don. Ask ko siya. Gusto mo ipareserve ko kayo, Win?” Ryujin offered. Okay, hindi na rin pala masama na nagkasama sama kami ngayong hapon.

 

May dulot naman pala sila.

 

“Sige. Text mo ako baka may reservation fee ganyan.. Or kung magkano yung food.” Na-excite tuloy ako. One week from now na yung Valentine’s. Tapos monthsary din namin yun.

 

Napansin siguro nila yung ngiti ko kaya kumantyaw nanaman si Ning, “In love na in love si teh!” Kaya lang, naputol ang tawa niya bigla at parang nakakita ng multo.

 

Sinundan ko ang tingin niya sa may hagdan. Hala tangina… Si Giselle at Somi. Magka “friendly” holding hands.

 

Inassume ko na friendly lang ito. Yun naman ang sabi ni Giselle sakin.

 

Worried din na tumingin si Yujin sa katabi niya, “Tara na ba? Tara na."

 

“Oh hey Winter! And friends!” Sabi ko nga, overly friendly itong si Somi. She probably noticed Ning sa table pero enthusiastic niya rin naman itong binati, “Hey girl!”

 

Nagkatinginan kami ni Giselle. Parang apologetic pa nga siya dahil sa inaakto ng kasama.

 

Pilit na pilit ang ngiti ni Ning. Kita kong napatingin sa kanya si Giselle for a good five seconds pero iniwas din nito ang mata niya sa ex.

 

Kumikirot ang puso ko sa dalawang ito.

 

Tumayo na si Ning at Yujin, “Dito na kayo. Paalis na kami.” Dry na sabi ni Ning, not making any eye contact kay Giselle. Dinaanan lang niya ang ex-girlfriend at bumaba na. I saw Giselle clench her jaw.

 

Parang napako si Gi sa kinakatayuan dahil hindi ito halos gumalaw.

 

Tumayo na rin kami ni Ryujin para sundan ang dalawa naming kasama, “Sige, Gi..” Paalam ko sa kanya. She barely smiled at me, halatang nabigla din sa nangyari.

 

“Ning!” Nilingon niya ako, “Ano? Kaya pa?” Biro ko na lang. Masyadong tensyonado yung encounter.

 

Umakbay sa kanya si Yujin, “Kering keri ni Ning yan. Ako nga kinaya kong maging single sa ganda kong to eh.” Hay nako! Ginawa nanamang about sa kanya. Pero at least natawa yung kaibigan ko.

 

Lumapit ako kay Ning, "Okay ka lang? Sure?"

 

She smiled, though may halong pangamba, "Okay naman, Win. Don't worry." Pagaassure niya. Pero sabagay, siguro two months ago, baka nag-iiyak ito on the spot.

 

She seems stronger ngayon.

 

Minabuti kong umuwi na lang muna dahil wala naman na kaming klase. Nagpaalam na ako sa kanilang tatlo, binilin ko rin kay Ryujin yung reservation para sa Valentine’s.

 

Me: Kamusta? Napasa mo na paper mo baby?

 

Karina ❤: Yes babe. Otw na sa training. Miss you

 

Me: Miss you too po. Kumain ka ba? Ingat. Wag papagabi.. May deadlines and work ka pa mamaya..

 

Karina calling…

 

“Hello? Bat ka nag call, babe?”

 

Rinig ko yung ingay sa background niya, “Baby, may get together lang after training. Do you wanna join?”

 

Kumunot ang noo ko, “May work ka pa mamaya ah..”

 

“Oo nga. I’ll be home by around 11 naman..” So wala na siyang pahinga halos? “Uhm, two weeks na lang naman ako sa SSDC..” Pahabol niya nang hindi ako sumagot.

 

“Okay, sige.. Basta mag iingat ka..” Wala naman na akong magagawa. At least aalis na siya, diba?

 

There was a pause. Akala ko binaba niya na yung phone. Then nagsalita ulit siya, “You know what.. I’ll refuse. I don’t want to worry you, baby.” There was no resentment sa boses niya.

 

Ang lakas maka sense ni Karina.

 

“Hala.. Uhm, iniisip ko lang naman baka wala ka nang pahinga.. Pero sabi mo nga, pahuli naman na yan. Sumama ka na, baby. Kung gusto mo talaga.” As much as possible, iniiwasan kong diktahan siya.

 

And if she needs to unwind dahil sa mga nangyayari, wala naman problema. Mag nangingibabaw lang talaga yung worry ko minsan.

 

I’m just really genuinely concerned dahil may trabaho pa siya at may ipapasang paper before 12 midnight.

 

May sinasabi siya sa kabilang linya pero nagchochoppy si Karina, “Babe choppy ka.. Hindi kita maintindihan..” Naputol yung call namin. Baka kasi nakapasok na siya sa training hall nila, wala yatang signal masyado doon.

 

I received a text from her afterwards.

 

Karina ❤: Mahina signal, mahal. I’ll head straight home after training. Will you be there sa apartment?

 

Me: Sure ka? Babe kung gusto mong pumunta…

 

Karina ❤: No I’m sure. I realized na marami akong gagawin. Don’t feel bad. I love you. It's really okay.

 

Me: Okay.. Sige wait kita sa place mo. I love you too.

 

There’s a gnawing feeling inside of me. Napilitan lang ba siyang hindi sumama gawa ko? Dahil nga baka pagsabihan ko ulit siya?

 

Though hindi naman parang ganon ang dating sa kanya… Maybe she did realize last minute na there are more important things to do ngayon.

 

Dumaan ako sa store ni Mama. Tinatamad akong magluto so ito na lang yun dadalhin ko pagpunta ko sa apartment.

 

“Oh anak, wala ka nang klase?”

 

Umupo muna ako, “Wala na, Ma. Kila Karina ulit ako mag stay mamaya. Pagluto niyo po kami..” Malambing kong request.

 

Walang customers masyado ngayon sa eatery kaya hindi nagpagalit si Mama. Nilingon niya ako habang nagluluto, “Kamusta na jowa mo?”

 

Halos machoke ako sa iniinom na softdrinks, “M-Ma ano ba!”

 

“Oh bakit? Anong tingin mo sakin, tanga? Kahit hindi niyo sabihin, alam ko naman. Papa mo lang ang slow noh. Wag mo akong igaya don.” Natawa ako. Safe naman magsabi kay Mama ng ganito, hindi naman siya mapang-husga.

 

Hindi ko lang inexpect na alam pala niya all this time kahit di ko sinasabi. Motherly instincts siguro. For sure ganito rin yung Mama ni Karina sa kanya.  

 

“Grabe si kumpare, ano? Hindi rin lubos mapaniwalaan ng Papa mo. Ang tino tino non eh.” Pa-ililing iling si Mama, “Mga lalake nga naman. Buti nga nagtino na yang Papa mo. Kung sakali eh baka iniwan ko rin yan sa kangkungan.”

 

Mabuti na lang talaga nagtino siya. Tanda ko dati, may point sa buhay ko na gusto kong mangupahan wag lang makita ang mukha ng tatay ko.

 

“Okay naman po si Karina.. Nagpa-part time po siya online. Si Tita din po naghanap ng isa pang trabaho eh.” Tingin ko naman alam ni Mama ang ganap. Madalas niyang nakakausap yung Mama ni Karina.

 

She shook her head in disappointment, “Malalagpasan din nila yan. Pera lang yan. Matatapos din yan. Tapos tignan mo, tsaka babalik yun si Carl kapag okay na lahat. Ganyan ang mga lalake, mga tanga."

 

“Sana nga po maging maayos na, Ma..” Ako ngang hindi naman mismo ang nakaka experience, nasstress na. Paano pa kaya si Karina?

 

Parang naaninag ko si Minju sa tapat na café, mahilig siyang tumambay don eh, “Balikan ko po yung pagkain, Ma. Puntahan ko lang si Minju sa tapat.”

 

Iniwan ko na lang muna saglit yung gamit ko kay Mama at pinuntahan ang kaibigan ko. Tiningala niya ako agad pagkalapit ko sa kanyang table, “Uy, Win. Nasa store ka? Di kita napansin.”

 

Inalis niya yung bag sa harap na chair para makaupo ako, “Kakarating ko lang din. Ang hilig mo talagang tumambay dito sa café na 'to.” Lagi ko kasi siyang dito nakikita.

 

“I like their tea. Plus malapit lang sa apartment.” Sumilip siya sa likod ko, parang may hinahanap, “Nasan si Karina?”

 

“May training siya sa SSDC.” Kini-contemplate ko kung bibili ba ako ng kape or tea. K

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 647 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance