Part 17

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“You look really pretty in your dress.” Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Minju pero sige na nga. She said it sincerely din naman.

 

Hinarap ko siya, “S-sorry, ito lang yung available sa bahay.” Hindi na kasi ako bumili pa ng bago dahil meron namang luma. Sayang pa ang pera kung bibili ako.

 

Lumapit siya sa akin at inayos yung neckline ng aking black dress, “Don’t be sorry. Ang ganda mo kaya.” She’s looking at me with so much admiration.

 

Nandito kami ngayon sa isang hotel room sa Makati Shangri-La. May reserved rooms ang mga family members ni Minju dito para sa birthday event ng kapatid niya.

 

Grabe, sobrang yaman pala talaga nila. Ngayon lang nagsi-sink in sa akin nang matindi. Siguro lagpas sampung libo ang isang gabi dito sa five-star hotel na ‘to.

 

Ipinagpaalam niya ako kina Mama at Papa kanina at wala naman say yung parents ko. Basta kasama si Minju o Karina, okay lang naman daw sa kanila. Hindi na lang kami nag-comment dun sa pagbanggit ng pangalan ni Karina.

 

Dumerecho kami sa Makati nang maaga dahil baka traffic bilang weekend ngayon. Pumunta agad kami sa room at hindi pa nakakapag-greet sa parents niya. Buti na lang. Parang hindi pa ako ready. Baka matameme ako.

 

“Anong sinasabi mong maganda.. tignan mo nga ikaw, para kang supermodel.” Sagot ko. Totoo naman kasi, ang ganda lang ng dress at makeup niya. Para siyang yung model sa runways. Idagdag mo pa yung long legs niya.

 

Feeling ko tuloy ang dugyot ko kapag katabi si Minju. Hindi lang dahil sa suot, but in general. Although lagi naman niyang ina-assure na she doesn’t care about their wealth and she just likes being simple.

 

“If I’m a supermodel eh ano ka pa? Mega super duper model?” She joked, we both giggled sa ka-kornihan niya.

 

Napatingin kami sa pinto nang may kumatok dito, “It’s open!” Sigaw ni Minju. Sumilip yung babae na tingin ko ay assistant yata ng daddy niya, hindi ako sure.

 

“Miss Minju. Your mom is looking for you. Come by daw sa room niya if you’re free.” Tinanguan lang siya ni Minju at lumabas na rin yung assistant kaagad. Binigyan niya rin ako ng tipid na ngiti.

 

“Go ka na. Dito lang ako.” Sabi ko agad, baka kasi inisip niya pang isama ako eh nahihiya ako. “Baka gusto ka maka-bonding ng mom mo.”

 

Ngumuso siya at pinulupot ang kanyang kamay around my neck, “Will you be okay here? Order kang room service. May free food naman dito. Order whatever you like. You're my guest.” Malambing na sambit niya.

 

Ang bait niya talaga, always thinking about my comfort. Especially today na alam niyang kinakabahan ako kahit pa nga pupunta lang kami sa party as friends.

 

“Oo naman. Maaga pa rin, gagawa muna ako ng final paper sa SPCM 152. Hindi pa ako tapos don eh.” Dala ko kasi yung laptop ko at may deadline sa Monday sa isa kong subject.

 

She pecked my cheek at binitawan na ako, “Call me if you need anything ha. I’ll be down the hall lang. Sa dulo yung room nila Mommy.” Para naman akong elementary na iiwan ng nanay sa school!

 

Natawa na lang ako, “Okay lang ako. Sige na, baka inaantay ka na ng Mommy mo.” I pushed her papunta sa door. Nagpapacute na naka-pout lang siya.

 

“Promise me na oorder ka ng food?” Pahabol niya.

 

Ang kulit talaga. Tumango na lang ako para hindi na siya magpumilit pa, “Oo na po. Leave me alone!” Pa-joke kong sabi.

 

Biglang pumasok sa isip ko yung boses ni Karina nang sabihin ko ito.

 

“Leave me alone, Winter.”

 

Napalunok ako. Bumalik din ako sa katinuan bigla, “Okay bye na. See you later!” She bid me good bye at sinara ko na yung pinto.

 

Never in my life na naimagine kong magsstay ako sa ganito karangyang hotel room. Tapos yung taong dine-date ko pa eh anak ng isang mayaman na businessman.

 

Natawa na lang ako nang maisip ko yung mga napapanood kong k-dramas na mahirap lang yung bida tas magugustuhan ng CEO at maiinlove sila sa isa't isa. Sobrang cliché ng ganong plots.

 

Na-distract ang thoughts ko about k-drama series nang sunod-sunod na tumunog ang phone ko. May mga messages sa Messenger.

 

Sir Vin’s Practicum Babies

 

Sakura: Hello guys! I know sa summer pa yung practicum natin but it would be nice na maging acquaintances na tayo just in case may mga questions hehe

 

Issa: Hi! I agree. We can have meetings din in the future kahit di kasama si Sir

 

Jeno: Yup. Let’s all keep each other on the loop.

 

Jaehyun: sup guys ✌🏼

 

Somi: Hey! Let’s all be friends. Anong plans niyo this weekend?

 

Naalala ko itong si Somi. Siya yata yung pinagselosan ni Ning dati dahil pinopormahan nito si Giselle. Co-advisee ko pala siya.

 

Nag-iisip pa ako kung magcha-chat ba ako. Parang napapangunahan kasi ako ng hiya. Tsaka nandito rin si Karina sa group chat... Ah basta. Nahihiya ako.

 

Di bale na nga. Mag-message na lang din ako sa kanila ng simpleng “hi” at 11 lang naman kaming advisees ni Sir. Tama sila na okay yung magkakakilala kami.

 

Me: Hello hehe

 

Yunjin: Hey hey! We can have a meet up next week mag-check tayo ng old practicum write ups sa library haha if you guys are up for it, that is

 

Karina: That’s a good idea. I’m down. Better start early

 

Jeno: Tara!

 

Seulgi: Yes g ako! :D

 

Issa: Hello ate seul!

 

Jaehyun: Hey ate!

 

Irene: I'm down as well :)

 

Kaz: Yay sama rin si Ate Irene!

 

Si Ate Seulgi at Ate Irene yung pinakamatanda sa amin. Nag-LOA yata sila ng ilang taon kaya late sila ga-graduate. Mabait sila and sobrang approachable. Akala pa namin friends sila dahil parang magka-close pero dun lang din pala nagkakilala sa meeting with Sir.

 

Ang active ng lahat sa GC. Kahit si Karina ay panay ang pakikipag-mingle sa mga tao sa group chat. Medyo nahihiya tuloy akong maki-epal sa chats nila kasi parang madaldal silang lahat at maraming nasasabi.

 

Hay.

 

Ang challenging din talaga kapag Com Arts pero mahiyain. Halos lahat ng ka-course ko eh sobrang outspoken at friendly. Bihira lang yung katulad kong tahimik lang at may pagka anti-social.

 

Bahala na kung pupunta ako next week. Mabadtrip kaya si Karina sa presence ko? O baka hindi dahil wala naman na siyang pakialam sa akin? Feeling ko yung latter.

 

After kong lapit lapitan siya nung huling beses, baka mas nainis siya sa akin. Ano ba kasing inisip ko? Parang ang kapal yata ng mukha ko na lumapit sa kanya that time.

 

Hindi ko na lang muna inisip.

 

Naggawa na lang ako ng paper saglit at hindi na tinignan yung chats nila.

 

Maya maya pa ay bumalik na rin si Minju sa room, “I’m back! Na-miss ko ako?” Tumabi siya sa akin sa may sofa. Ang ganda talaga nitong hotel, ang laki ng kama tapos may malaki rin na sofa at TV.

 

“Sakto lang.” I deadpanned. Biglang tatayo siya dahil sa pagtatampo kaya pinigilan ko, “Joke lang..” I held her arm, “Anong nangyari? Anong sabi ng mom mo?” Curious kong tanong.

 

Usually ay yung daddy niya lang ang kinekwento niya sa akin at wala masyado about sa mommy niya kaya gusto ko lang din malaman. Pinakita niya sakin yung itsura nito dati, nakaka-intimidate din katulad niya.

 

Nag-shrug lang siya at ngumiti sa akin, “She just asked kung kamusta ako. Quite surprising kasi it’s always my brothers yung kinakamusta niya. But I’m happy nag-catch up kami.”

 

Ah, may favoritism siguro. Baka Mama's boys yung brothers ni Minju.

 

Alam kaya ng family niya na she’s gay? Gusto ko sanang itanong kaso hindi na ako nagkaroon ng chance nang tumingin siya sa kanyang relo, “Let's freshen up na at tapusin na natin mag-ayos. We'll go down right after. Baka ma-late tayo.”

 

Napabuntong-hininga ako, “Kinakabahan ulit ako. Natatakot ako sa parents mo.. Tsaka parang marami yatang pupunta..” Hay. Nandiyan naman siya. Tsaka for sure, wala naman pake sakin ang mga tao dito.

 

Minsan lang talaga ay nafi-feel ko yung “spotlight effect” daw, sabi nung prof namin sa Psy 1. Yung feeling mo sayo naka-focus ang public but in reality, they don’t even notice nor care about your presence.

 

Masyadong conscious, ika nga.

 

“Don't be scared. They’re nice. It’s not like mag-iiskandalo tayo don.” Natawa kami pareho sa sinabi niya, “And besides, we’re just gonna eat and drink a little. Batiin si Ate. Then tapos na. Balik na tayo dito to watch series.”

 

I perked up, “Talaga? Ganon lang pala party niyong mga mayayaman. Ang boring.”

 

“Diba? I usually eat lang then mingle with a few people tapos aalis na ako to rest. Kaya annoyed si Dad minsan sakin kasi I don't try connecting with his business friends daw.” She chuckled at umiling, “But yeah, don’t be nervous. I’ll be there naman.”

 

“Okay. Basta sabi mo.” She gave me a soft smile in response.

 

Nag-ayos pa kami nang kaunti at nag-retouch pa si Minju. Ang dami rin niyang kinuhang mirror selfies naming dalawa dahil we look good together and individually daw.

 

“Let’s go?” She offered yung kanyang hand sa akin bago kami lumabas ng pinto.

 

Tumango ako at inabot ang kamay niya, “Tara.”

 

Nakakakaba. Pero sabi naman niya it’s gonna be okay at nandiyan lang siya sa tabi ko buong gabi.

 

Kaya ko ‘to!

 

 

 

 

 

 

Parang ang hirap palang kayanin.

 

Ang daming tao.

 

Tapos most of them ay rich friends ng family nila. Puro English speaking and it's easy to notice na yung iba sa kanila ay pakitang tao lang at peke ang mga ngiti.

 

Others are nice din naman. Katulad nitong kausap namin ni Minju from UPD, “So what are you guys taking in UPLB? I wanted to transfer there before para kumuha ng Veterinary Medicine but Dad didn't let me.”

 

He's a good-looking guy at may instant connection dahil taga UP rin. Kai daw ang name niya. Hindi rin nagkakalayo ang age namin. Kasing edad lang yata siya ng ate ni Minju.

 

“So you took a business course sa UPD? Then you're basically running yung winery business niyo in Baguio?” Tanong ni Minju, engaging naturally dun sa lalake.

 

Nakatayo kami sa isa sa mga high tables na maliliit around the area. Mamaya na raw kami umupo sa main table ng family niya dahil nandon pa yung mga matatandang friends ng dad niya ngayon. Hindi pa rin start ng program proper.

 

“Yes. I wanted to become a Vet but..” Ngumiwi siya at natawa lang kaming tatlo, “You know naman rich parents na masyadong controlling. Especially yung inclined sa business.”

 

Umikot lang ang mata ni Minju, “Sinabi mo pa.” May pinanghuhugutan.

 

Naputol ang usapan nung dalawa nang biglang may magsalita sa may stage, “Good evening everyone! The Kim family is very thankful that we're all gathered tonight to celebrate Doc Jen's 28th birthday.” Nag-cheer ang lahat.

 

Pinagmamasdan ko si Minju. She looks happy naman nang lumabas na yung sister niya from back stage at bumati sa lahat. Tanda kong banggit niya before na she admires her Ate a lot.

 

“Grabe ang ganda niyo sa family..” Comment ko. Natawa ako kay Kai na parang napa-awang ang bibig sa ganda ni Ate Jennie.

 

Napansin ito ni Minju at tinapik yung lalake, “Don't try. She's already engaged.”

 

May sinabi si Kai pero hindi ko na narinig dahil parang naaninag ko yung Mommy ni Karina sa may bandang harapan. Sigurado akong siya ‘yun. O baka naman malabo na ang mata ko? Pero parang siya nga.

 

Kaso nasan si Tito? Parang hindi ko nakita.

 

“Winter?” Napatingin ako kay Minju, “Let's go na sa table. Nandon si Ate, let's greet her.” She hooked her arm sa akin at dumerecho na kami sa table ng family niya.

 

Marami pang bumati kay Minju at yung iba ay sobrang polite sa kanya. Well, anak din naman siya ng Daddy niyang mayaman. Siguro sobrang respectable talaga ng family nila.

 

Nagtinginan sa aming dalawa yung parents niya at brothers niya na umuwi pa raw galing sa ibang bansa, “Hello, family.” Light na sabi ni Minju, “This is Winter, my friend. Winter, they're my family.”

 

Para akong malalagutan ng hininga dahil hindi yata nausuhan ng panget na mukha ang pamilya niya. Tapos lahat sila mukhang mataray at nakakatakot.

 

“H-hello po. I'm Winter po..” Bumaling ako sa sister niya. Hindi na ako bumili ng regalo dahil sabi ni Minju hindi naman daw kailangan, “Happy Birthday po, Ate Jennie.” Jusko. Hindi ko kinakaya.

 

Pero contrary sa ine-expect kong pagtataray nila at cold personality, binati nila ako nang sobrang jolly. “Hello Winter! You have a cute name!” Sabi nung isang brother niya. Si Haechan. Nag-“hi” din sa akin yung kuya niya, Sehun ata yung name. Para siyang artista. Grabe.

 

“Thanks, Winter. Enjoy the night. And don't mind our little brother. He hits on everyone he finds cute.” Sabi ni Ate Jennie. She scrunched her nose. Parang nawala yung pagka-intimidating bigla nila.

 

Naupo na kami. Yung dad naman niya ang nagsalita, “Hija, classmate mo ba si Minju?” He doesn't sound judgy, more like curious lang din.

 

To be honest, ine-expect kong sobrang sungit ng tatay niya. Pero he looks nice naman at hindi pa naman ako ino-offeran ng sampung milyon para layuan ang anak niya.

 

Tumango ako, “Opo. Pareho po kami ng course.” Careful kong sagot. Baka kasi may masabi akong mali at ma-disappoint sila sa akin. I'm trying to be as polite as possible.

 

Naramdaman ko yung mahinang pagpisil ni Minju sa kamay ko under the table, “Ate, where’s your fiancé?” Dinivert niya ang attention sa kanyang kapatid.

 

Hay salamat. Although hindi naman ako mangingilag kung tanungin nila ako ng kung ano-ano. Wala naman akong tinatagong criminal record.

 

“He couldn’t come back from South Korea, unfortunately. May one-week conference siya don.” Tumingin bigla si Ate Jennie sa may likod namin ni Minju and she grinned, “Oh there’s our favorite girl!” She turned kay Minju, “Hope you don't mind that I invited her ha.” 

 

Nakita ko yung ngiti sa mukha ng mom at dad ni Minju, “Hey Chaewon!” Naramdaman ko yung pagka-tense niya sa tabi ko. Lahat ng family members niya ay hinu-hug yung babae.

 

Sino ba ‘yun? At bakit parang halos hindi huminga si Minju sa tabi ko? Napadiin din ang kapit niya sa kamay ko.

 

“Hey, Minju.” Bati nito. Umalis si Haechan sa seat niya sa tabi ni Minju para paupuin don yung Chaewon. Okay... Bakit kailangan tumabi?

 

Hinarap siya ni Minju at halatang pinilit lang niyang ngumiti, “Hey, Chae.” Makahulugan ang tingin sa kanila ng mga kapatid niya pati na rin ng parents niya. Na-out of place ako bigla. Pero okay lang.

 

“Winter, hija, this is Chaewon. It looks like Minju forgot her manners and didn’t introduce her to you.” Sabi nung mom ni Minju. May panunukso sa boses niya, “Natulala ka anak?”

 

“S-sorry. Yeah, uhm, Win this is Chae. My—”

 

“Her ex-girlfriend.” Sabat nung Chaewon.

 

Ha?

 

Pasimpleng tinignan ko yung expression ng family ni Minju. Nakangisi lang ang parents niya, si Ate Jennie naman ay pangiti-ngiti. So alam pala nila na Minju is gay…?

 

Even her parents.

 

Parang close nga sila with Chaewon eh. Siya kaya yung nakwento ni Minju sa akin na ex niya? Well, isa lang naman ang ex niya. Nahihilo ako kakaisip.

 

Nagsalita yung Dad niya, directing sa akin, “We’re very close to their family kaya even though my daughter and her broke up, we still keep in touch. Good terms naman sila. Right Minju?”

 

“Right.”

 

Akala ko naman parang homophobic yung parents niya. Yun ang inisip ko dati. Ewan ko ba. Pero mali naman pala ako. It’s nice na parang they’re supportive pa nga kay Minju… at dun sa ex niya.

 

Ganon na lang siguro siya ka-close sa family ni Minju nung sila pa. Hindi ko alam ang gagawin ko sa information na yan. Parang napanghinaan ako ng loob bigla.

 

Nag-start ng kumain ang lahat. Conversations tungkol sa business dito sa pinas at sa ibang bansa. Hindi ako maka relate. Malay ko naman sa ganon.

 

Napansin kong wala yatang gana si Minju… Affected kaya siya dun sa ex niya? Sobrang curious ako. Para kasing uncomfortable siya.

 

“Okay ka lang?” Bulong ko.

 

She smiled sa akin at tumango, “Yeah I’m okay.” Pero hindi naman niya ginagalaw ang pagkain niya. Kanina pa niya tinitinidor yung steak pero hindi naman sinusubo. Pasulyap sulyap sa kanya yung Chaewon na parang may gustong sabihin kay Minju.

 

Mukhang hindi na niya natiis at nagsalita na, pero mahina lang, “Minj.. How have you been?”

 

Her tone is soft. Tapos yung tingin niya kay Minju, may halong longingness na hindi ko maintindihan.

 

Hindi siya tinignan ni Minju, “I’m fine.” Tipid na sagot niya at bumaling siya sakin, “You okay Win? Kain ka pa.” Parang siya naman ang dapat kong tanungin kung okay lang ba siya...

 

Ever since dumating yung kanyang ex eh hindi siya mapakali at tensed na tensed. Parang mas on edge pa nga siya kaysa sa akin samantalang ako yung kinakabahan kahapon pa.

 

Tumango lang ako, bumulong ulit siya, “I’m sorry about this. Hindi ko alam na pupunta siya.”

 

Na-interrupt kami ng Mom niya, “Cheers to Jen. And cheers to Minju and Chaewon getting back together.” Nanlaki ang mata ni Minju. Nang-aasar lang yung mga kapatid niya sa kanya. I clenched my fist.

 

Si Chaewon ay parang gustong-gusto pa yung pang-aasar sa kanila. Tumatawa-tawa lang pero halata naman na she's enjoying it.

 

Naiinis ako. Pero parang ang hirap naman magalit sa kanya kasi mukha siyang mabait.

 

“Mom don’t.. She has a boyfriend.” Sagot ni Minju, halatang hindi komportable sa pang aasar ng pamilya niya sa kanilang dalawa. Napapatingin din siya sa akin, looking apologetic.

 

“No I don’t.” Mabilis na sagot ni Chaewon. Mahina siyang bumulong kay Minju pero narinig ko ito, “Josh and I were never together. If ‘yun ang iniisip mo.”

 

Nakita ko ang confusion sa mukha ni Minju pero hindi siya nagsalita. Her dad spoke up ulit, “You girls should have never broken up. Eh ‘di sana magkasama kayo sa Ateneo Business School.” May tigas sa pananalita niya.

 

Siguro dun talaga nila gustong pag-aralin yung anak nila.

 

“She likes her course now so that’s what matters, Dad.” Sabi ni Sehun. Mukhang nakakatakot lang pala siya pero parang mabait naman… Minju smiled at him gratefully. They dropped the topic.

 

Napunta ang usapan sa family background nila at business talks nanaman. Walang humpay. Contented na akong makinig lang habang hawak ang kamay ni Minju sa ilalim. Gusto ko na lang matapos na ang gabing ito.

 

Naasiwa rin ako dahil nandito yung ex niyang halata namang may gusto pa sa kanya. Hays. Nauubos na ang social battery ko.

 

Napunta bigla sa akin ang atensyon nila nang tanungin ako ng Momm

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
shoheii #1
Chapter 44: Chapter 40: WTH all these time akala ko si yunjin ay yung nasa IVE???!! KWHSSHSHHSAHHSSHSHSHS 😭😭
shoheii #2
Chapter 42: EJDINSHSHAHSHAHAHAHAH NATAPOS DIN 🥹 ANG GANDAAAAA DESERVE NILA SO MUCH ANG ISA’T ISAA!! THANK U PO!
shoheii #3
Chapter 41: AAAAAAAAAHHH PROUD AKO SAINYOOOOO 🥹🥹 KISS KISS NAAAAAAAAAAAA !!
shoheii #4
Chapter 40: ‘TO NA FAVE CHAP KO SA LAHAT LAHAT NDHFHRJFJDJDUDHRKDIFBDHDUDUDJDHD
shoheii #5
Chapter 39: ANDAMI NANGYAYARII TEKA LANGGG 🥹
shoheii #6
Chapter 38: HNGGGGGGGGGGASSSUEUUEEUEJ
shoheii #7
Chapter 36: AYOKOO NAAAAAAAAA (happy 5k comments!)
shoheii #8
Chapter 35: kainis to okay nayun eh may pahabol pa ☹️
shoheii #9
Chapter 31: ily rin guys 🥹
mureewm00 #10
Chapter 42: all I can say is, uulit ulitin