Part 1

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“Ikaw ba? May isda ka? Ako mahilig ako sa isda. Favorite ko yung gold fish ko pero namatay siya gawa nung pamangkin ko. Ikaw? May pamangkin ka ba? Ilan kapatid mo?”

 

Isang tanghaling puro buntong hininga nanaman ang nilalabas ng sistema ko. Blind date nanaman. Nakakasawa.

 

Bakit ko nga ba ginagawa ito?

 

Ah.

 

Para kay Karina.

 

Bakit nga ba wala akong magustuhan kahit isa sa kanila?

 

Ah.

 

Dahil kay Karina.

 

Pang ilan na rin itong babaeng nireto niya sakin? Walo? Sampu? Hindi ko na alam. Parang yung tagal lang din ng pagmamahal ko sa kanya—hindi ko na mabilang.

 

“Wala akong gold fish. Wala akong pamangkin. At wala akong interes sa mga sinasabi mo, Miss.” Ni hindi ko nga matandaan ang pangalan ng babaeng ito. Celia ba?

 

Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil kung nagustuhan niya, tuyo pa rin sana ang damit kong basang-basa na ngayon.

 

Sinabuyan niya lang naman ako ng tubig galing sa baso niya.

 

“Sabi ni Rina you like me. Ang sama naman pala ng ugali mo!” Nag-eeskandalo na siya dito sa wing shop malapit sa campus. Napapatingin na rin yung ibang customers sa amin. Medyo nakakahiya na.

 

Nabuburyo na ako sa drama niya kaya ako na ang tumayo at umalis.

 

“At ikaw pa ang may karapatang mag walk out?! Come back here!” Hinigit niya yung kamay ko para pigilan.

 

Pucha. Ang ayoko sa lahat yung hinahawakan ako nang basta basta. Hindi sa madidiriin pero ayoko lang talaga. Hindi ako komportable.

 

Bahagyang itinulak ko siya papalayo sa akin sa sobrang inis, “Wag mo kong hawakan.” Matigas ang pagkakasabi ko. Wala na siyang ibang nagawa kung 'di bitawan yung braso ko.

 

Tumalikod ako at naglakad na papalabas ng kainan. Agad siyang sumigaw nang pagkalakas-lakas, “You best believe Rina will know about this! I'll call her right now!”

 

“Kahit mag sumbong ka pa sa nanay mo.” Bulong ko sa sarili.

 

Lumiko na ako papabalik sa campus. Makatambay na lang sa may C-Park. May free wifi pa dahil naputulan nanaman kasi kami ng internet. Pinang-inom nanaman ni Papa yung pambayad. Leche talaga. Walang na ngang ambag, pabigat pa.

 

Napaka toxic talaga sa bahay.

 

Kapag nakuha ko yung allowance ko galing kay Gov, mag-try akong maghanap ng maliit lang na apartment. Kahit lima pa roommates ko at kahit sobrang sikip ng kwarto, kukuhanin ko na. Makahinga lang nang kaunti.

 

Hindi ko kasi kayang manghingi kay Mama ng ganong pera dahil alam kong hindi niya kaya.

 

May maliit lang siya na food stall sa may Raymundo Gate malapit sa school, hindi abot ng budget para sa apartment ko. Sapat lang ito para sa pang kain namin araw-araw at pambaon namin ni Yuna.

 

Kung wala nga akong scholarship eh malamang sa malamang, hindi nila ako kayang paaralin. Asa naman sa tatay kong walang ambag. Pasalamat na lang din sila at libre ang aral sa UP.

 

Karina calling…

 

Mukhang nagsumbong na agad yung babae kay Karina. Ang bilis naman. Seryoso pala talaga siya na magsusumbong.

 

“Oh?”

 

“Bes! Celine called me, galit na galit! Bakit naman daw binastos mo siya dun sa date niyo? Bes naman, mabait 'yun ah.”

 

Binastos? Napaka sinungaling naman ng babaeng ‘yon. Hindi ko nga siya halos kinausap. At hindi ba siya ang nagsaboy ng tubig sa akin? Anong mabait don?

 

“Hindi totoo yan. Wag kang maniwala, sinungaling yan. Nasan ka ba? Lunch tayo.” 

 

Mahinang buntong-hininga ang narinig ko galing sa kanya. “You wouldn’t be hungry kung tinuloy mo date niyo. Sige go, lunch tayo dun sa Ken’s. Punta ka na, susunod ako bes.”

 

Salamat naman at sa Ken’s niya naisipan kumain, pasok sa budget ko today. Ako pa kasi ang nagbayad nung inorder naming chicken wings kanina ni Celine na hindi ko man lang natikman.

 

Ang malas. Sana pala na-take out ko na lang, 160 din 'yon.  

 

Tumayo na ako at naglakad papunta sa karinderya malapit lang din doon sa wing shop. Kailangan ko nanaman mag-isip ng dahilan na sasabihin kay Karina kung bakit palpak ang date.

 

Bahala na. Sanay naman ako sa ganitong eksena.

 

Nag antay ako ng ilang minuto bago siya makarating. Umorder na ako ng dalawang rice para samin at shanghai. May free naman na sabaw. Sulit na sulit.

 

"Explain, bes. Bakit failed nanaman ang date? Hindi nanaman ba pasok sa standards mo si Celine?" Agad na sabi niya pagpasok.

 

Pinagpapawisan na siya. Sobrang init kasi sa labas. Nilabas ko yung panyo na lagi kong dinadala para sa kanya at hindi kasi siya mahilig mag dala nito, nakaka jejemon daw.

 

"Magpunas ka nga muna ng pawis. Basang-basa yang mukha mo pati damit mo." Nag-aalalang sabi ko. Inabot ko sa kanya yung panyo na kinuha naman niya agad. "Okay ka na? Tubig gusto mo?" Tanong ko.

 

Hindi ko na hinintay na sumagot siya, kumuha na agad ako ng tubig para sa kanya. "Thanks, Win. Pano na lang ako kung wala ka? Alagang-alaga mo talaga ako. Best bestfriend in the world."

 

Ininom niya yung binigay kong tubig. Medyo tumulo pa ito sa may leeg niya. Napa-iwas ako ng tingin.

 

"Ano pa nga ba. Tapos lagi mo naman akong nirereto sa iba." Mahina kong sagot. Sigurado naman akong hindi niya narinig yung huli kong sinabi.

 

"Ano 'yon, bes?"

 

Bahagya akong ngumiti, "Wala. Sabi ko ayoko kay Celine. Or sa kahit sinong pinapa-date mo sakin. Pwede bang taympers muna, bes?"

 

Nag-umpisa na akong kumain ng shanghai. Nakaka-umay na rin pala. Parang four times a week yata ako dito nagla-lunch.

 

Tinignan niya ako, parang nag-aalala siya. "Ano bang problema sa kanila, Win?"

 

Hindi sila ikaw.

 

"Basta hindi ko sila gusto. Mataas standards ko, 'no. Alam mo naman ako, first year high school pa lang, choosy na." Pagbabaling ko ng topic. Ayoko na munang pag-usapan.

 

Ang tagal na rin naming magkaibigan.

 

Simula first year high school pa lang, kami na yung laging magkadikit. Nagkakaron naman ng ibang friends dati pero kami talaga yung laging magkasama. Kaya nga ito at pareho kami ng school na pinasukan at course na kinuha.

 

"Exactly. Maybe it's time for you to date someone. Try mo lang, bes. NGSB ka!"

 

Ito nanaman siya. Ipipilit nanaman niya. Napansin ko ever since that night nung senior high kami, lagi na niya akong pinupush makipag date sa iba. Ang obvious lang.

 

"Hayaan mo na lang muna ako, Karina. Okay lang naman. Focus na lang muna sa acads. First year pa lang naman tayo."

 

Ngumiti siya sa akin pero parang malungkot, "Para lang hindi ako yung inaalagaan mo. Deserve mo rin magka love life, bes. Ang galing mo kayang mag alaga. They're missing out!"

 

"Eh shungahin ka kasi baka 'di mo alam ang gagawin 'pag wala ako sige ka." Pagbibiro ko. Napansin kong hindi pa rin siya nag-uumpisang kumain, "Kumain ka na. May klase ka pa mamaya. Diba may 1pm class tayo."

 

Tumabi siya sakin at inakbayan ako, "Bes, may sasabihin ako." Ngiting-ngiti siya.

 

Ano nanaman kayang trip nito?

 

Kapag may bago nanamang ipapakilala sakin, magwawala na talaga ako. Kakasabi ko lang eh. Nakakapagod na rin kasing i-rason sa kanya na hindi pasok sa standards ko yung mga babae. 

 

Alam ko namang hindi 'yun ang rason talaga. Pero sakin na lang yun. Wala naman akong pag asa.

 

"Ano 'yon?" Kinuha ko yung plate niya at sinubuan siya ng shanghai at kanin.

 

Ano ba naman itong best friend ko, paano naman ako magjo-jowa ng iba eh hindi niya nga kayang alagaan ang sarili niya. Simpleng pagkain ng lunch kinakatamaran.

 

"Sasali ako ng org. Nandon si Yeji." Napasala ako ng subo sa kanya nung kanin. "Bes!" Natapon sa hita niya yung rice. Pasensya naman. Pinunasan ko ng tissue yung natapunan.

 

"Diba bawal pa raw sumali kapag freshie?" Napakunot ang noo ko, "Tsaka Yeji pa rin? Junior high pa yon ah. Move on naman." Binigay ko na sa kanya yung kutsara niya. Ayokong tignan siya sa mata kapag ganito ang usapan.

 

Masyadong masakit.

 

Mahina ang pag-irit niya sa tabi ko, "Oo alam mo naman siya pa rin! Chance ko na. Siya pa nag-chat sakin sa Messenger na sumali daw. Syempre go ako agad, bes! Si Yeji yun eh. And hindi naman daw bawal sumali, hindi lang advisable. Hindi ko naman papabayaan acads."

 

Hindi na lang ako nagsalita. Alam ko naman kasing hindi ko siya mapipigilan sa mga ganito. Si Karina kasi, kapag may gustong gawin, gagawin niya talaga. Lalo na't involved pa si Yeji.

 

Ito yung "greatest love" daw niya. Hindi naman naging sila pero dati pa lang eh patay na patay na siya dito. Mas matanda siya sa amin ng isang taon kaya mas naunang pumasok dito sa UPLB.

 

Ang dami na rin naging jowa nito ni Karina at halos lahat ay palpak naman. Ang ending magda-drama siya sakin at ako ang magpapakalma. Ako ang magco-comfort. Ako ang iiyakan.

 

Malamang kapag pumalpak nanaman itong paghabol niya kay Yeji, sa akin rin ang takbo nito.

 

Hindi ko rin naman magawang i-hate itong si Yeji dahil mabait naman siya. Class Valedictorian nung high school. Sobrang ideal na babae at ang daming nagkakagusto, isa na si Karina don. Kahit ngayong college na, isa siya sa mga sikat sa batch nila.

 

"Sige, ikaw bahala. Ingat ka na lang baka pagsabihan ka ng council." Tipid akong ngumiti sa kanya at pinagpatuloy na ang pagkain ko ng shanghai at kanin. Naubos na yung sabaw.

 

Hinigpitan niya ang pagkapit sa braso ko, siya lang ang nakakagawa nito sakin. Siya lang yung hinahayaan kong gumawa sakin ng ganito. Sa kanya lang ako komportable.

 

"Galit ka ba? Sali ka na lang kung gusto mo para magkasama pa rin tayo. Sige na bes."

 

Uminom na ako ng tubig at tumayo, "Hindi ako galit gags. Ayokong mag org. Baka ma-distract ako sa acads. Diba may scholarship ako?" Tumayo na rin siya at naglakad na kami papalabas ng karinderya.

 

"Kamusta na ba si Tito? Ganon pa rin?"

 

Alam naman ni Karina lahat ng nangyayari sa bahay namin. Sa kanya ako nagke-kwento at wala rin naman akong ibang mapagsasabihan. Alam din niya kung gaano ka-walang kwenta ang tatay ko.

 

"Ano pa nga ba. Naputulan pa nga kami ng internet at pinambili nanaman ng empi." Napailing na lang ako at natawa. Wala naman kasing pagbabago sa ganap sa bahay.

 

"Bes if kailangan niyo ng help alam mo naman nandito ako." Ah, sa pera.

 

Hindi ko naman gagawin 'yun. Ayokong mangutang sa kanya at nakakahiya naman sa parents niya. Kahit may kaya si Karina, ayoko namang mag-take advantage.

 

Nakakuha kasi ng magandang trabaho ang parents niya sa Manila at eventually ay nagtayo ng sariling business. Hindi sumama si Karina doon dahil dito sa Elbi niya gustong mag aral kasama ko. Ito naman kasi talaga ang plano namin. Masaya rin daw siya dito.

 

"Hindi na, ano ka ba. Ayos lang. May wifi naman sa lib. Tara na."

 

Dumerecho na kami papunta sa sakayan ng jeep. Ang layo ng klase namin at hindi kayang lakarin. Sa EE Audi pa. Pucha. Punuan nanaman ang jeep pa-kaliwa.

 

Isa lang ang nakaupo sa tabi ng driver nung paparating na jeep. Pwede pang may isang sumakay katabi nung nasa unahan. Male-late na kami ni Karina sa klase kaya pinauna ko na siya.

 

Hindi ko napansing si Yeji pala yung nakasakay don.

 

". Si Yeji. Tignan mo nga may muta ba ako?" Hinarap niya sa akin ang mukha, umiling lang ako.

 

"Sige na sakay ka na. Antay na lang ako ng ibang jeep. Para 'di ka rin ma-late. Tsaka para magka-moment kayo ni crushie." Plastik kong sabi.

 

Hala, sige, Winter. Sanay ka naman sa ganyan. Wala nang bago.

 

"Sige bes, thanks! OMG talaga. Text kita 'pag nandoon na si Sir." Nakita kong ngumiti sa kanya si Yeji nang sumakay siya sa jeep. Pulang-pula ang pagmumukha ni Karina. Umiwas na rin ako kaagad ng tingin.

 

Sanay naman ako pero hindi naman ibig sabihin ay hindi makirot kapag kinikilig siya sa iba.

 

Jusko, ilang taon na rin akong ganito. Chicken na lang sa akin ang mga ganitong moments. Basta ba hindi siya mawawala sa buhay ko, ayos na rin siguro.

 

Kung best friends lang eh 'di best friends lang. Wala rin akong balak umamin.

 

Ayokong mawala siya.

 

 

 

 

 

 

"Ma, kamusta benta? Gusto ko ng hotsilog."

 

"Hi Tita! Hamsil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
dumbbbfriday #1
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche #2
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche #3
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #4
Is there an English version of this story?
wintoee #5
Chapter 10: need ko ng assurance
dumbbbfriday #6
Chapter 28: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
seulreneislife #7
Chapter 5: ang ty na friend ni rina lol, di ko masasabi sa bestie ko pinagsasabi nya
seulreneislife #8
Chapter 3: Wait halfway palang ako sa pagbasa ng chap three pero GRRRRR KABANAS TALAGA UGALI NI RINA DITO😇 bilib din talaga ako kay winter, pati sa pride nya na almost non existent kung ako yan FO na HAHAHA tangina lang, alam kong level 1 palang tong nararamdamn ko dahil nagsisimula palang 🤺
omg ngayon ko lang nanotice almost 5k pala comments dito, i wonder if nagbabasa parin si author ng mga new comments
seulreneislife #9
Chapter 2: Challenge ko sa sarili ko magreread pero pakshet chap 2 palang di na kinakaya🧎‍♀️
rinagerie
11 streak #10
Chapter 4: rereading. naiiyak pa din talaga ako. grabe nakailang chapters palang naman ako 😭 kamiss masaktan