Part 8

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Ang lakas ng ulan.

 

Ayoko ng ganitong weather. Masyadong gloomy. Nakakasira ng mood.

 

“Tao po!” Si Ning ba ‘yun?

 

“Tao po!” Ah, si Ning nga. Bakit naman siya nandito? Ang lakas-lakas ng ulan, ang daming time pumunta sa bahay namin. Tinatamad pa man din akong kumilos.

 

Labag sa loob na tumayo ako sa pagkakahiga. Tumingin ako sa kaliwa, tulog si Yuna. Nakakainggit. Gusto ko na lang din matulog kaso hindi ako dinadapuan ng antok. Pano ba naman kasi...

 

Text nang text si Minju. Naaawa naman ako dahil may sakit siya kaya hindi ko matulugan. Buti nga at weekend siya nilagnat, wala kaming pasok.

 

Lumabas ako ng bahay, nakita ko si Ning at Giselle na balot na balot ng jacket at may dalang transparent na payong. Ang sosyal naman ng payong na ‘to. Baka kay Giselle.

 

“Ano?!” Sigaw ko.

 

Sinamaan nila ako ng tingin, “Hindi mo kami lalabasin?!” Nagbuntong-hininga ako at kinuha yung payong sa may likod ng pinto.

 

Nakakainis, mababasa pa ang paa ko. Lumabas ako ng gate. “Anong meron? Ang lakas ng ulan ah, bakit kayo nandito?” Napahikab ako bigla. Ito na nga, inaantok na ako.

 

“Let's go have ramen! Ang fun kaya mag-ramen kapag ganito ang weather.” Maarteng sabi ni Giselle. Hindi ba pwedeng cup noodles na lang?

 

“Tara na, ayos na yang suot mo. Libre naman ni Giselle, wag kang sumimangot diyan.” Atat na atat naman itong si Ning. Pero sabagay, ang saya rin ng libre.

 

Wala na akong nagawa kung ‘di sumama. Naka-sweater naman ako kaya hindi na ako nagpalit pa ng damit. Ito pa nga yata yung sweater ni Karina na pinahiram sakin nung high school. Yung galing sa dance team nila.

 

“Oh siya tara. Sa Big D's? Malapit sa Ken's ‘yun diba?” Ito lang kasi yung malapit-lapit na ramenan at mura pa. Masarap din naman kahit lasang la paz bachoy lang naman ito.

 

“Yeah. Although their ramen isn't authentic. But I guess pwede na.” Natawa ako sa comment ni Giselle.

 

“What if dalhin mo kami sa Japan for authentic ramen?” Sabi ni Ning.

 

Nag-umpisa na kaming maglakad along FO Santos. Kami lang halos ang naglalakad ngayon dito at napakalakas nga ng ulan tapos baha pa sa ibang part ng daanan.

 

Parang wala lang naman kay Giselle yung sinabi ni Ning, “Sure. If you guys want.” Wow naman. Iniisip ko pa lang yung gagastusin, nalulula na ako. Yung hassle ng pagkuha ng passport, yung pag-aapply ng visa, yung pocket money...

 

Wag na lang.

 

“Okay na ako sa Big D's.” Sabi ko.

 

“Where's Minju pala?” Biglang tanong ni Gi. “Papuntahin natin sa Big D's. Sabihin mo sama siya.”

 

Tumingin sila pareho sakin. “Bakit sakin niyo hinahanap? Nanay ba ako non?” Tinaasan lang ako ng kilay ni Giselle. Nakakatakot. Ang defensive yata ng tono ko. Malamang nga naman eh sakin nila hahanapin, ako yung laging kasama nung isa.

 

Sumagot na lang din ako, “May flu daw siya. Ubo't sipon. Baka gawa ng weather. Tas ayun, nilagnat.”

 

“Ay, kawawa naman. Hindi lang ulit nakapunta sa gig mo kahapon, nilagnat na.” Mapang-asar na sabi ni Ning.

 

“Baliw. May lagnat na siya kahapon pa.”

 

Pero aaminin ko, parang may kulang kapag wala si Minju sa gigs ko. Two weeks ago, nung nagpunta kaming museum kasama si Karina, wala rin siya. Ganon din kahapon, masama kasi ang pakiramdam.

 

Speaking of Karina, nagulat ako dahil consistent na siya na nagpupunta sa gigs ko kasama si Yeji simula nung magka ayos kami. Simula nung maging “casual” friends na lang kami.

 

Okay na rin, at least hindi na kami parang tangang nag-iiwasan maya't maya.

 

 

“In fairness kay bes mo ha, mukhang bumabawi.” Banggit ni Ning, nakatingin sa may dulo ng bar.

 

Napatingin ako sa dulong table kung saan laging umuupo yung mag-jowa. Nahuli kong nakatingin na sa akin si Karina pero inalis niya agad ito nang mapatingin ako.

 

Okay naman kami. Hindi na kami masyadong naiilang sa isa't isa katulad nung huling apat na buwan pero napapansin ko na parang medyo nahihiya siya sa akin minsan. Ang weird nga, hindi naman siya ganon dati.

 

Madaldal at malikot siya pero ngayon parang ako pa nga yung mas nag-iinitiate makipag-usap kapag nasa klase kami ng Visual Culture. Baka nafi-feel bad pa rin siya sa mga nasabi niya sa akin.

 

It will take time siguro bago kami maka-recover sa nangyaring ‘yun pero at least parang nagkaron naman kami ng fresh start. Hindi man as best friends—dahil sa tingin ko mahirap nang ibalik yun—pero at least... casual.

 

Inalis ko ang tingin sa kanila nang makita kong nag-text si Minju. Natawa pa ako sa contact name niya sa akin, malamang siya ang nagpalit kahapon. Ang daming trip sa buhay, pati ako nadadamay sa kalokohan.

 

Minju Cutie: Punta ako diyan :(

                                

Me: Haha wag na may sakit ka kaya..

 

Minju Cutie: I wanna watch you huhu nanghihina ako lalo

 

Me: Next tym na lang pagaling ka muna..

 

Minju Cutie: Paano ako gagaling hindi mo ko inaalagaan :p

 

Me: Ito na lang may joke ako lol.. Anong sabi ng ballpen sa marker

 

Minju Cutie: Hahahaha natatawa na kaagad ako, Win! Ano?

 

Me: “Ang kapal mo” haha

 

Minju Cutie: HAHAHAHA HUHUHU ANG CUTE MO OKAY MAGALING NA AKO

 

“Hoy Winter, nandito kami ni Giselle ha, remind ko lang sana.” Mataray na sabi ni Ning. Binaba ko na yung phone ko. Si Minju kasi eh.

 

“Karina and Yeji keep looking at us. Let's have them sit here.”

 

“Winter, start ka na ng next set.” Sabi nung manager na masungit. Inirapan siya ni Giselle, isusumbong daw niya ito sa Tito niya.

 

Nagpunta na ulit ako sa stage. May nag-text, akala ko si Minju nanaman.

 

Karina: Pa-request naman, Miss Singer.

 

Tinignan ko siya, nakita kong patawa-tawa.

 

Karina: Tadhana by UDD

 

 

“My God, itago niyo ako!” Malapit na kami sa ramen place nang mahinang sumigaw si Giselle. Anong meron?

 

Napatingin si Ning dun sa babaeng makakasalubong namin, “Ahh.. Si Somi.” Parang natahimik si Ning at nakita kong umikot ang mata nito. Kaaway ba nila ‘yun?

 

“Sino si Somi?”

 

Mabilis ang sagot ni Giselle, “She kept on hitting on me dun sa pinuntahan kong party last week..” Tinignan ko siya, akala ko ba hindi siya mahilig pumarty? “Yung cousin ko yung organizer kaya nagpunta ako, okay?!”

 

Buti hindi kami nakita nung Somi dahil busy sa pakikipagdaldalan dun sa kasama. In fairness, maganda siya. Straight kaya si Giselle kaya ayaw niya dun sa babae? Maganda naman ito tapos matangkad.

 

Natawa ako sa iniisip ko. Dati kay Karina lang ako nagagandahan ah.

 

Nakarating na kami sa Big D's. Ang daming tao, walang empty seats. Palibhasa ang lamig ng panahon.

 

“Guys!” Narinig ko ang boses ni Yeji. Pamilyar na ako sa boses niya dahil mahilig nga niya akong batiin dati nung lagi ko pang nakakasama si Karina.

 

Tinawag nila kami para paupuin sa table nila dahil wala nga kaming maupuan. Kasama niya si Karina na mukhang masaya nang makita kami. Nakatingin siya sa akin, nginitian ko siya. Akala mo naman hindi nagkikita araw araw sa klase.

 

“Hi Win. Dito kayo.” Sabi niya.

 

Pumayag naman agad sina Giselle at Ning. Nakakausap rin naman nila yung dalawa dahil sa pagpunta punta sa gigs ko kaya hindi naman naging awkward. Friendly din naman kasi si Yeji, ang dami na agad ng napaguusapan nila nung dalawa kong kaibigan.

 

Bumaling sa akin si Karina, “Anong gusto mo, Win? Mag-order ako for you.” Napatingin samin yung tatlo. “I-I mean, i-oorder ko kayo.. If you like.” Nahihiyang pahabol niya. Narinig ko yung mahinang tawa ni Yeji.

 

Bakit parang naging shy type na si Karina?

 

“It's okay, Karina. Ako na o-order.” Sabi ni Giselle. Siya na ang tumayo para pumunta sa counter.

 

May naalala ako bigla kaya tinawag ko si Giselle, “Gi, i-order mo rin si Minju. Yung hindi maanghang.” Kawawa naman kasi at walang kasama sa apartment, baka wala siyang food. Mahirap magpa-deliver ngayong malakas ang ulan.

 

Pagharap ko sa mga kasama ko, nakatingin si Yeji at Ning kay Karina at nagpipigil ng tawa, tapos si Karina ay nakasimangot lang. Anong nangyayari?

 

Napa-clear ako bigla ng lalamunan, “Uhm.. kamusta?” Bigla kong tanong kay Yeji. Hindi ko rin alam bakit ko siya tinanong, gusto ko lang mabasag yung katahimikan.

 

Nag-shrug siya habang umiinom ng milk tea, “Ito single.”

 

Nagulat ako. “H-ha?” Napatingin ako kay Karina. Nakita ko yung pagkurot niya kay Yeji sa gilid na tinapik lang naman nung isa papalayo sa kanya.

 

Dumating si Giselle, nakatitig pa rin ako kay Karina.

 

Break na sila? Kailan pa? Okay lang kaya siya? Pero mukhang okay naman, magkasama nga sila ngayon dito sa ramenan. Siguro naging okay naman ang breakup. Ano kayang nangyari? Sobrang curious ako.

 

“What did I miss?” Tanong ni Gi.

 

Si Ning ang sumagot sa kanya, “Single na raw si Yeji.” Napapigil ng hininga yung isa kong kaibigan. Kung mag-react naman itong dalawa, akala mo close sila nung mag.. jowa? Ex? Technically mag-ex na sila, diba?

 

Medyo worried ako kay Karina. Kahit naman nagka-falling out kami, kaibigan ko pa rin siya. Alam kong kapag may nakaka-breakup siya, talagang dinidibdib niya kahit mapa-fling lang or seryoso.

 

Narinig ko yung mahinang buntong-hininga niya sa tabi ko, “Yeah, uhh— we broke up.” Tumingin siya sa akin at nakita yung worried kong itsura kaya tipid na nginitian ako.

 

Sumabat si Ning, “Eh di mabuti pala. Lahat tayo dito single!”

 

Nag-cheer silang tatlo nila Giselle at Yeji. Tahimik lang si Karina at nilalaro ang daliri niya. Kinakabahan siya kapag ganito, o kaya naman stressed out.

 

Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa nangyaring breakup nila kaso parang conscious pa rin ako sa pakikipag-usap sa kanya. Hindi naman yata kasama yung pag-usyoso sa lovelife kapag casual lang.

 

“Bakit hindi ka kumakain?” Tanong ni Karina sa akin, nakakunot ang noo niya. Busy sa daldalan yung tatlo. Nagpaplano na yata ng outing si Giselle at Yeji. Jusko. Besties na agad. Si Ning mukhang excited din.

 

Automatic na napasubo ako ng ramen, “Na-distract ako sa usapan nila..” Sabi ko na lang.

 

“Ma'am ito na po yung take out.” Inabot sakin nung waiter yung paper bag. Nagpasalamat lang ako dito.

 

Tinignan ni Karina yung paper bag, “Is that for ano.. Minju?”

 

Tumango ako, “Oo. May sakit kasi.”

 

“Ahh.. Sabihin mo pagaling siya. Maraming gagawin sa class sa last two weeks.” Ayun nga ang inaalala nung isa. Ang sabi ko naman, kapag hindi niya kaya, kumuha na lang ng med cert sa clinic ng university.

 

“Oo nga eh. Tatapusin pa rin natin yung final paper.” Stressed kong sagot.

 

Sa totoo lang, Si Minju at Karina yung maraming ambag dahil ang dami nilang nasasabi dun sa mga arts na napili namin. Mema lang ako at taga proofread madalas.

 

Humarap siya sakin, “Kaya natin ‘yun be— Win.” Napangiti kami sa isa't isa. Nabaling pa yung mata niya sa... labi ko? Sa baba ko? Hindi ko alam. Nag-iwas siya agad ng tingin.

 

May dumi ba? Napakuha ako ng tissue para punasan. Wala naman.

 

Napag-usapan naming lima yung mga kukuhaning subjects para sa upcoming sem. Pare-pareho naman kami ng course kaya ayun, sabi nila planuhin daw namin yung subjects at slots ng oras para magkakaklase kami kung sakali.

 

“Sa sem break in December, mag-Baguio tayo!” Sabi ni Giselle. Hindi ko naman inisip muna dahil matagal pa. Ayoko rin maging KJ at sabihin na wala akong budget. Mukha kasing excited sila. Pareho kami ni Ning na no comment sa ngayon.

 

Sabay-sabay na kaming lumabas ng ramen shop kahit naunang matapos kumain si Karina at Yeji.

 

“I wanna have coffee. You guys wanna have coffee?” Tanong ni Giselle. Humindi kaagad ako dahil dadalhin ko pa kay Minju yung food niya. Si Karina ay uuwi na rin daw.

 

“G ako.” Sagot ni Yeji.

 

Tumingin si Giselle kay Ning at umiling yung isa naming kaibigan, “Uuwi na lang din ako.”

 

Sumimangot si Giselle at hinawakan ang kamay ni Ning, “No, you're coming din..” Napatingin kami lahat dun sa magkahawak nilang kamay. “Let's go na.” Sabi ni Giselle bigla.

 

Tinaboy nila kaming dalawa ni Karina, ang boring at KJ daw namin. Ngayon lang nag-sink in sa akin na kaming dalawa na lang ang naiwan.

 

“Wala kang payong?” Rinig kong tanong niya. Ang lakas ng ulan, ang hirap magkarinigan.

 

Napasimangot ako, “Nadala pala ni Ning.”

 

Humarap siya sa akin at akmang magsasalita nang mapansin yung suot kong damit. Shet. Sa kanya nga pala to. Parang kailangan kong mag-explain, “Uh— Sorry hindi ko na naibalik dati.” Nakakahiya.

 

Ngumiti lang siya, yung labas ang ngipin. “Okay lang, Win. It suits you better anyway..” Binuksan niya yung payong at mas tumabi sakin, “Hatid na kita sa inyo.”

 

Napatikom ang bibig ko, “Uhm, kila Minju ako dederecho. Dadalhin ko tong pagkain niya.”

 

Nawala yung pagkakangiti niya pero bumalik din ito kaagad, “Then ihahatid na kita kila Minju. Mahirap makahanap ng trike ‘pag ganitong malakas ang ulan.”

 

Nakakahiya naman kay Karina kung magpapahatid pa ako pero wala nga naman akong choice dahil nadala ni Ning yung payong. Pumayag na rin ako, “Sige.. kung okay lang. Sa Carrot Place siya, yung ‘pag dinerecho mo yung Raymundo.”

 

Tumango lang siya at nag-umpisa na kaming maglakad. Medyo nababasa kami pareho dahil hindi ganon kalaki yung payong.

 

Nagulat ako nang pinaikot niya ang kamay sa braso ko, “Nababasa ka. Dumikit ka sakin.” Sumunod lang ako at mas lumapit sa kanya.

 

Hindi naman nakaka-ilang, surprisingly. Baka kung dati, yung konting kilos niya na ganito, i-overthink ko na at manigas ako sa pagka-tense. Ngayon hindi na. Ang galing. Iba rin talaga ang nagagawa ng acceptance...

 

Nakarating kami sa Carrot Place nang basang basa.

 

“Sorry na-hassle ka pa.”

 

May binunot siya sa bulsa. Akala ko kung ano. Panyo. “Here oh, magpunas ka. Baka lagnatin ka rin.”

 

Kumunot ang noo ko at hindi inabot ito, “Sayo na yan. Baka ikaw pa lagnatin.”

 

Hindi siya nagpatalo at talagang nagpumilit, “Just take it, Winter.” Kinuha ko na lang din ito at parang hindi siya aalis hangga't hindi ko kinukuha yung panyo.

 

“Thanks.. Uhm, sige akyat na ako. Ingat ka!” Kumaway ako at nagpaalam na. Naaninagan ko pa siyang nakahabol ng tingin sa akin nung umaakyat na ako ng hagdan.

 

Parang may iba kay Karina.

 

Hindi ko sure kung ano.

 

Pero ayoko nang isipin. Tapos na ako sa phase na ganon.

 

Nakarating ako sa floor ni Minju at kumatok sa pinto ng apartment. Ang tagal bago niya buksan at nang mabuksan na, napaawa naman ako sa kanyang kaitsurahan. Putlang-putla at ang pungay ng mga mata.

Pumasok ako kaagad at inalalayan siya pabalik sa kama, “Okay ka lang?” Nilapat ko yung palad ko sa noo niya, “Sobrang init mo, Minju.”

 

Tumawa siya pero mahina lang, parang nanghihina. “Okay lang ako.. Para sakin ba yan?” Namamaos din ang boses niya. Kawawa naman.

 

Binuksan ko kaagad yung food niya at pinatong saglit sa maliit na table katabi ng kama niya, “Nasan mga utensils mo dito?” Tinuro niya yung cabinet sa itaas ng sink. Kumuha ako ng kutsara. Kinuha ko na rin siya ng tubig.

 

“Uminom ka muna.” Dinukot ko sa bulsa yung gamot na binili ko kahapon para sa kanya pero hindi ko naibigay, “Ito, Bioflu. Inumin mo.”

 

Hindi ko maintindihan yung grabeng pag-aalala ko sa kanya ngayon. Naiinis ako kasi hindi niya sinabi na ganito pala siya kalala. Naiinis din ako kasi hindi siya nagsabi sa amin nila Giselle. Akala namin okay lang siya.

 

Kinuha niya yung gamot pero parang nanlalambot siya at nanginginig ang kamay habang hawak yung tubig kaya hinawakan ko ito para sa kanya. Dahan-dahan kong tinapat sa bibig niya yung baso para makainom siya.

 

“Thanks, Win..” Nahiga na siya ulit.

 

Huminga ako nang malalim, “Bakit naman hindi mo sinabi na hinang hina ka na pala dito? Sana nag-chat ka sa GC natin nila Ning.” Medyo galit ang tono ko. Naalala ko si Mama ‘pag pinapagalitan kami ni Yuna.

 

“Ayokong maka-istorbo. Tsaka okay naman ako. Wag kang OA diyan..” Tatawa sana siya nang pumalanghit bigla ng ubo.

 

“Okay pala ha.”

 

Akmang tatayo ako para kumuha ulit nang tubig niya nang hawakan niya ang kamay ko para hilahin papaupo ng kama, “Win.. Dito ka lang.”

 

Hindi niya binibitawan yung kamay ko. Hindi ko rin naman inaalis sa pagkakahawak niya. Baka kasi kailangan niya ng ganitong comfort ngayon. “Hindi naman ako aalis.” Natawa ako, “Kukuha lang ako ng tubig.”

 

Bigla siyang umungot, “Ehh. Mamaya na. Dito ka lang muna sa tabi ko.”

 

Ang cute niya.

 

Nan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 649 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance