Part 19

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“Nakakainis talaga. Bakit ba nirerequire ng ibang profs na manood yung students nila kapag may play? Ang mahal kaya ng ticket! Buti sana kung sila nagbabayad.”

 

Nagpigil matawa si Ning sa sinabi ko, “Ayaw mo lang manood kasi si Minju yung bida eh. Keme mo.”

 

Siniko ko siya nang mahina, “Hoy. Kahit sino pang bida, kahit pa ikaw, magrereklamo pa rin ako.” Pero oo nga, tama rin naman si Ning, isa sa kinakainit ng ulo ko eh si Minju kasi yung isa sa mga bida nitong play.

 

Baka ang mailagay ko sa reaction paper na gagawin namin ay yung yung hinanakit ko sa kanya dahil sa nangyari sa aming dalawa.

 

Pero wait.

 

As someone na gusto nang iwanan ang past, I have to remind myself na part ng moving forward yung pagiging less… bitter.

 

Kaso ang hirap kasing hindi mainis lalo na’t nakikita ko si Chaewon sa front row na ngiting ngiti at mukhang proud. Wala yung parents ni Minju, so I guess si Chaewon lang yung nandito para suportahan siya.

 

Akala ko ba taga Ateneo 'to? Bakit laging ang daming time magpunta sa LB?

 

Tapos... ang bilis naman kung sila na agad. Isang buwan pa lang ang nakalipas nung pag-uusap namin ni Minju. Pero it’s none of my business anymore. Kung saan na lang siya masaya.

 

“Pupunta sina Ryujin at Lia diba? Si Yeji ba?” Kaklase kasi namin yung tatlo sa isang major subject na nag-require ngang panoorin itong play. “Cool naman silang tatlo diba?”

 

Kibit-balikat lang na sinagot ko siya, “Sabi ni Ryujin sakin last time okay naman na raw.. So feeling ko naman hindi na awkward. Tsaka hindi na rin naman nakigulo si Yeji sa kanila eh.” Alam din kasi ni Ning at Giselle yung drama nung tatlo.

 

Nadulas ako one time nung nag-iinom kami ng mixed drinks sa apartment ni Gi. I told Ryujin about it at wala naman daw problema sa kanya na may makaalam dahil para sa kanya, tapos na yung drama. She also said na she considers us as friends na rin kaya ayos lang na malaman.

 

Besides, okay naman na raw sila ni Lia at “stronger than ever” pa nga raw silang dalawa. Eh 'di wow.

 

“Hi mga beh.” Napa-angat kami ni Ning ng ulo at tinignan yung bagong dating na mag-jowa. “Thanks sa pag-reserve ng seats ha.” Inalalayan pa ni Ryujin si Lia na umupo. Akala mo naman baldado yung girlfriend.

 

“Ni-reserve din naman si Yeji ng seat.” Biglang sabi ni Ning. Maintriga din talaga ito.

 

Napatigil naman yung dalawa sa paghaharutan sa narinig, “Ohh okay. Siya lang ba? Kasama ba sina Karina and Hyewon?” Pa-cool lang na sabi ni Lia.

 

May parang lumulundag sa tiyan ko kapag naririnig ko yung pangalan ni Karina.

 

“Siya lang yata.” Sagot ko naman.

 

Maya-maya bago mag-umpisa ang play ay dumating na si Yeji at hindi siya nag-iisa. Bitbit nito si Yujin na parang lahat ng madaanan na tao eh binati, “Wassup girls!”

 

Nag “sshh” yung mga organizers nung play dahil sa kaingayan niya. Nakakahiya.

 

Ngumiti lang sa amin si Yeji, “Hey guys.” Compared dati, softer na yung pag-greet niya sa akin. She even offered me yung candy na dala niya.

 

Mabaho ba hininga ko? Or talagang polite lang siya? Sana yung latter.

 

After nung naging mini talk namin sa IRIS a month ago, she doesn't seem annoyed na sa akin. Kahit si Hyewon, maluwag na ang ngiti kapag nakakasalubong ako.

 

Si Karina... well, after nung maliit na ngiti na nakita ko sa kanya dun sa meeting, wala na ulit kasunod kahit pa nga kaklase ko siya sa dalawang subjects sa major ngayon semester.

 

Back to normal lang ulit na we're just co-existing with each other.

 

"Hey, Yej." Surprisingly ay bumati pabalik si Ryujin at Lia kay Yeji. They seem okay naman kaya hindi ko na inisip pa kung may tension ba na namuo o wala.

 

“Yeji ako diyan sa tabi ni Winter!” Malakas na bulong ni Yujin. Wala nang nagawa si Yeji kung 'di makipagpalit ng upuan dahil napakalikot ng kasama niya.

 

“Hi, Winter.” Nag-beautiful eyes pa si gago sa akin. Ano nanaman trip nito? “Kamusta naman ang feeling na mapapanood ang play ni almost ex-lover mo habang nanonood ang ahas na umagaw sa kanya?”

 

Nagtawanan yung friends namin. Bwiset, ako pa ang napagtripan. Pero natawa din ako sa pa-"ahas" niya. Baliw talaga.

 

Sinamaan ko lang siya ng tingin, “Wow ha. Eh diba may gusto ka rin sa kanya dati? Ikaw, anong feeling mo?”

 

Napa-“ohhhh” na lang si Ning at Ryujin sa tabi ko. Ang ingay na yata namin dito sa kinakaupuan namin dahil ang sama ng tingin ng ibang audience.

 

Mukhang hindi naman apektado si Yujin sa pang-aasar ko and she just shrugged it off, “Over na ako diyan. Masyadong patay na patay kay Chaewon.” Napatingin na lang ako sa baba with the mention of the girl’s name.

 

Ewan ko ba, naalala ko bigla yung pagiging panakip-butas ko kay Minju. Na all this time pala, may iba siyang gusto... o mahal. Hays, dedma na.

 

“Sorry, Win..” Maingat na sabi ni Yujin bigla. Baka napansin niya yung pananahimik ko. “Insensitive. Sorry sorry..” Kahit naman may pagkaloko-loko ito, may moments na mabait siya. Hindi nga lang palagi.

 

Hindi ko na lang dinibdib ang sinabi niya, “Oks lang. Ganon talaga ang buhay, parang life.” Dere-derecho kong sabi. “Sabi nga ni Dory, keep swimming.” Kung ano-ano na lang lumabas sa bibig ko.

 

“Sino si Dory?” Rinig kong tanong ni Ryujin sa girlfriend niya. Hindi ba siya nanood ng Finding Nemo? Keep swimming, just keep swimming.

 

Life must go on.

 

Biglang kinausap ni Ning si Yeji kahit two seats apart sila. Halos matalsikan pa ako ng laway, “San si Karina at Hyewon? Punta ba?” May lumundag nanaman sa tiyan ko with the mention of her name but I remained calm and collected.

 

“I’m not sure about Hyewon, may hanash yata sa Engineering. Si Karina, I invited. But may lakad daw sila ni Yunjin tonight eh.”

 

Ahh…

 

Ano kayang lakad nila?

 

Literal na maglalakad ba sila or parang ano... date, ganon.

 

“Ay ganon.” Sagot ni Ning, pero nasa akin ang tingin niya. Biglang bumulong, “Sino nga ba si Yunjin?” Hindi ko pa yata nababanggit talaga si Yunjin kay Ning at Giselle. Mga pahapyaw lang na kwento.

 

What is there to say? Hindi naman kasi kami ganon ka-close.

 

“Ah co-advisee namin ni Karina. Uhm, close friend din yata niya.” Close friend na gusto siyang isama sa Japan. "Tas sister siya ni Gunhoo, yung tinuturuan ko sa Math." Interested na tumango lang si Ning at hindi na sumagot.

 

Tumigil na kami sa pakikipagdaldalan nang nagdilim na ang paligid.

 

Mag-uumpisa na ang play, at ang unang scene ay bumababa si Minju sa hagdan habang duguan ang puting dress nito.

 

“Ang galing niyang umacting, in fairness.” Mahinang sambit ni Ning, "Pak na pak ang facial expression."

 

Si Yujin ang sumagot sa kanya, “Diba? Perfect na sana kung hindi lang paasa eh. Diba Winter?” Konti na lang talaga bubusalan ko na ang bibig ng babaeng 'to.

 

Well... Magaling naman talaga yung acting ni Minju. She looks ethereal, hindi ko naman maitatanggi. Ang ganda rin talaga niya, kaya nga nagustuhan ko rin siya. Pero hindi talaga ako mahilig sa play, kaya naman half ng show ay nakatulog ako.

 

Ginising lang ako ni Ning nung tapos na, “Huy bakla ka. Gising na. Hilik pa.” Nagmulat ako ng mata at mukha ni Yujin agad ang bumungad sa akin.

 

“Tulog na tulog lang teh? I guess over ka na kay Minju. Hindi mo siya napanood halos eh.” Hinampas ko lang ang braso niya. “Aray! Joke lang eh!”

 

Napatingin ako sa harap, mukhang nag-bow na yung cast nung play. Nagkatinginan pa kami ni Minju at halatang gulat siyang makita na nandito ako.

 

Iniwasan ko siya ng tingin kaagad. Akala naman niya ngingitian ko siya pabalik. Dun siya kay Chaewon tumingin at magpapansin.

 

“Tara na. Kwento niyo na lang sakin para magawan ko ng reaction paper ha.” Pakiusap ko sa mga kasama ko. “Iihi lang ako guys. Una na kayo sa labas.” Tumango lang sila at lumabas na ng auditorium.

 

Buti wala masyadong tao sa CR dahil parang sasabog na ang pantog ko at hindi ko na kayang pigilan ang ihi.

 

Nang makalabas ako sa CR, nakita ko kaagad si Minju sa may labas ng pinto na parang nag-aabang. Inaantay ba niya ako? Ano nanaman kailangan kaya nito?

 

Sabi ko sa kanya tapos na kami ah...

 

“Hey. Thanks for watching pala.” Hindi siya makatingin nang derecho sa akin at parang balisang kausapin ako.

 

Gusto ko siyang ikutan ng mata pero ayoko rin na magpaka-immature kaya I could only chuckle habang disinterested na nakatingin sa kanya, “Required lang kaming manood kaya ako nandito.” I sound dismissive.

 

"Win if we could still be fri—"

 

Biglang dating naman nung Chaewon bago pa matapos ni Minju ang sasabihin, “Minmin, gutom na ako. Bilisan mo..” Malambing ang boses niya. Minmin? Natatawa ko. Nabaling sa akin ang kanyang tingin, “Oh. Winter, right? Hello!” Jusko. Sobrang pamilyar naman nitong eksena.

 

Parang yung nangyari lang nung party na bigla rin siyang dumating sa banyo ng hotel.

 

I didn’t shy away na tignan silang dalawa with confidence at ngumiti na lang ako, “Hello. Alis na ako.” Naglakad ako nang tuloy-tuloy papalabas ng banyo.

 

Sana 'yun na ang huli naming encounter. Ayoko na talaga silang makalapit o makasama manlang sa iisang room. Naaasiwa ako.

 

At ano yung parang sasabihin ni Minju na maging friends pa raw kami? Hay nako! Siguro sa future, may chance. But not anytime soon. Masyado pang fresh yung nangyari.

 

Alam ko naman na in time, maglalaho rin yung inis at galit ko. Hindi naman kami naging girlfriends ni Minju, at hindi rin naman ganon kalalim yung pinagsamahan namin. But it was special for me, and I really cared about her kaya naman nasaktan talaga ako.

 

“Tara na teh. Nauna na sila, dami raw papers. Pero parang hindi naman 'yun ang aatupagin ni Ryujin at Lia tonight. Halikan nang halikan! Sobrang PDA.” Grabeng pag-ikot ng mata ang ginagawa ni Ning.

 

“Ganon din naman kayo ni Giselle minsan sa harap ko.”

 

Parang may realization na bumalot sa kanya, “Sabagay. Pero ikaw naman 'yon, sanay ka na dapat.” Naglakad na kami papalabas ng CAS building, “Tara Ken’s. Ka-miss yung shanghai. Sana meron pa.”

 

“Okay sige tara. Tipid tipid muna.”

 

Nag-iipon ako para sa internship sa mid-year. Buti talaga hindi pa ako inaalis ni Miss Anna as Gunhoo’s tutor kaya consistent yung raket ko na 'yon. At lagi rin siyang may pa bonus.

 

Tahimik kami ni Ning habang naglalakad. Kinakabahan nanaman ako at parang may sasabihin ulit siya! Ano kayang life lesson niya tonight? Papagalitan ba ulit ako?

 

“Win.”

 

"Oh?" Medyo kinabahan ako.

 

Humugot siya ng hininga at binagalan nang kaunti ang lakad, "Ipapakilala raw ako ni Giselle sa parents niya."

 

Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi niya ako papagalitan pero parang kinabahan ako para sa kanya, "Kailan daw?"

 

"Next month daw. Kinakabahan na ako kaagad jusko."

 

I halted my steps kaya napatigil din siya. Ngayon lang nagsabi sa akin si Ning ng ganitong bagay about sa kanila ni Giselle kaya as much as possible, I wanted to make her feel better.

 

I hooked my arm sa kanya at mabagal na naglakad na ulit, “Okay lang kabahan, tingin ko naman that’s normal. But..” She looked at me, “Sure ako na they’re gonna love you, Ning.”

 

Nagpigil siya ng ngiti at namula pa si gaga, “Paano mo naman nasabi?”

 

I bumped her hip nang bahagya, “Diba kwento naman ni Giselle na mababait ang parents niya. Tsaka ano ka ba.. madali ka kayang magustuhan.”

 

Bumitaw agad siya ng pagkakahawak sakin, “Winter…”

 

Nanlaki ang mata ko nang maisip ko kung ano yung ibig niyang sabihin. Akala yata I was insinuating something, “Not in that way shunga! I mean, diba nga, mabilis din ako nag-ease up sayo dati. My point is, wala silang reason not to like you.”

 

Genuine na nag-smile siya sa akin at sumiksik sa braso ko, “Kainis ka.. Sige na nga. Thanks, Winter. Medyo gumaan na loob ko. Alam ko rin naman na hindi ako papabayaan ni Giselle don.”

 

I nodded, “Exactly. Love na love ka kaya non. Baka 'pag umangal parents niya, lalayas talaga yun!” It’s something Giselle would do, “Pero sure ako they’ll love you.”

 

Binalik niya lang yung matamis kong ngiti sa kanya, thanking me again for making her feel better daw. Sabi ko naman, it’s the least I could do.

 

Nakarating na kami sa Ken’s at kung akala ko eh hindi na siya mang iintriga tungkol sa akin, biglang nagsalita ito, “So ano nang ganap sa inyo ni Karina? Okay na ba kayo?”

 

Ito rin yung tinatanong ko sa sarili ko eh.

 

Okay nga ba kami?

 

Medyo matagal ako bago nakasagot, “Hindi ko alam actually.. Pero tingin ko over na kami dun sa iwasan phase. Uhm, f-feel ko kaya ganon kasi she got used to my absence kaya wala na lang sa kanya ngayon na nakakasama or nakikita ako.”

 

Yung thought na parang wala na akong epekto sa buhay ni Karina… medyo mabigat siyang isipin. Although may tiny bit hope sa akin na baka pwede ulit kaming maging friends dahil dun sa smile na binigay niya sa akin sa meeting.

 

Nakwento ko ito kay Ning, pati na rin yung encounters namin ni Karina sa bar at sa bahay nila Yunjin. Yung kay Minju lang kasi ang nabanggit ko sa kanila ni Giselle in full details.

 

Grabe lang yung galit nung dalawa dun sa isa pero I told them na wag na 'yun isipin. I was partly responsible din naman sa kaan na nangyari sa akin.

 

“Looks like parang tinanggap na nga niya na you guys can’t escape each other noh.” Comment niya.

 

I sighed quietly, “Oo parang ganon. Tingin mo may chance pa na maging friends kami? Yung kahit hindi katulad dati, basta she’ll treat me as one again. Basta hindi yung wala lang.” I wondered.

 

Sympathetic na nginitian ako ni Ning, “Siya lang makakapag sabi nun. It’s her terms that you have to follow, alam mo naman 'yun.” Totoo naman… "Baka kasi masyadong masakit at mabigat talaga sa kanya yung sinabi mo sa Batangas."

 

I hung my head defeatedly. Tama siya, wala akong say or karapatan mag-demand kung ano yung dapat turing niya sa akin. I’ll take what she can give me. Kung tutuusin, swerte pa nga na pinapansin niya ako.

 

“Sure ka bang sayo nag-smile?” Pabirong tanong niya, parang pinapalabas pang delusional ako!

 

Napangiti ako dahil naalala ko yung exact moment na nakita kong may maliit na ngiti sa labi niya, “Oo sure ako…” Unless hindi? Ah basta sure ako.

 

“Eh si Yunjin? Sino 'yun? Parang ampalaya ka 'pag name-mention siya.” Ang galing talaga niyang bumasa ng expressions at emotions. Nakakainis na nakaka-amaze.

 

Natawa lang ako na may halong awkwardness, “Hindi lang naman sa kanya. Sa lahat ng kaclose ni Karina siguro. Lahat ng malapit sa kanya..” Napabuntong-hininga ako, “I could be in their place if hindi ako shunga. Pero happy naman ako na she has good people around her.”

 

Umiling lang si Ning, nakangisi, “Kung hindi lang naging selfish yang si Minju at nagpanggap na you could trust her with your feelings diba? Eh di sana naprevent yung nangyari nung Batangas. Hindi mo sana nasaktan si Karina."

 

I bit my lip. Kahit naman galit at inis ako sa ginawa ni Minju, parang mali din na sa kanya ko isisi lahat. I’m not that kind of person anymore.

 

Naks.

 

“Responsible din naman ako sa nangyari.. Sa sarili kong bibig lumabas mismo yung mga sinabi ko kay Karina.” Napasinghal na lang ako sa sarili, “I was wrong too for trusting Minju so much. Choice ko naman 'yun. Sariling kashungahan.”

 

Kumbaga I have my own karma, and she has hers. Dahil sa ty things na nagawa namin to people who care about us. Ako kay Karina. At si Minju naman sa akin.

 

Proud na tinignan lang ako ng kaibigan ko, “Wow nagmamature ka na talaga ha! Pwede na ulit maghanap ng jojowain!”

 

Tinapik ko nang mahina ang kamay niya, “Kainis ka. Hindi na muna!”

 

“Kems lang. Oo teh, focus muna sa acads. Tsaka malay mo diba.. mag-rekindle ang friendship niyo ni Karina. Co-advisees. Kasama sa internship, classmate sa majors..” Makahulugan ang tingin niya sakin.

 

I could only smile in gloom, “Sana nga.”

 

“Pero alam mo, share ko lang ha..” Pahabol ko, “Parang may bago sakin.”

 

“Ano naman yan teh?”

 

Ang corny yata kung sasabihin at medyo nahihiya akong i-voice out pero si Ning naman ito. Nasasabi ko naman sa kanya lahat without any judgements.

 

I smiled to myself, “Every time na nakikita ko si Karina, wala na yung ano.. yung painful feeling.”

 

“What do you mean?” Kumunot ang noo ni Ning.

 

I tried to compose myself, ang hirap kasing i-explain, “I remember thinking before na she only reminded me of pain.. Kasi diba, ang daming nangyari. Tapos siya lang halos sinisisi ko dati which was wrong."  

 

Tumango lang siya at hinayaan akong magpatuloy, “Parang ngayon, ano.. I see her as just.. Karina.”

 

“I see her as someone I hurt deeply dahil sa carelessness ko and pagka-shunga ko. I see her as someone that I want to make amends with, at makabawi, if only magiging okay pa kami.”

 

“Yung pain na nafeel ko before dahil sa kanya, I learned to let go. Kasi fault ko rin naman, and it’s only fair na I own up to it at i-let go na lang.”

 

Ang dami ko na yatang nasasabi, “Siguro ang point ko lang din is I see Karina ngayon as she is; the kind, loving, and mature Karina. And not someone na tingin ko is cause ng pain ko before.”

 

Ning returned my smile at hinawakan ako sa kamay, “Then siguro teh.. yan na yung umpisa talaga ng starting over from scratch. Hopefully, maging okay pa rin kayo.”

 

Depende na rin kay Karina kung gugustuhin niya, “Sana.”

 

Siguro nga bad things had to happen to help you grow. The sad thing is, hindi ako sure kung dadating pa yung time na she’ll forgive me sa mga sinabi ko.

 

Sana.

 

 

 

 

 

 

Everyday ko rin halos nakikita si Karina dahil kaklase ko siya sa isang subject for Tuesday and Thursday, and another one ng Wednesday at Friday naman.

 

Okay naman, I guess. Hindi kami nagpapansinan but kapag may groupworks na magkasama kami, she doesn’t really ignore or avoid me anymore. Casual lang, parang ganon.

 

Kinakausap niya ako when she has to. Para lang talaga kaming ano… two people who used to be really close with each other na nagkaron ng falling out but life must go on so we learn to co-exist.

 

At least hindi niya ako parang gustong suntukin palagi. Hindi na rin masama.

 

Hindi rin masama if ngingitian niya ulit ako. Kaya lang hindi na naulit yon. Baka nga namalik mata lang ako last time at kay Ate Seul or Sakura siya ngumiti noon? Baka nga tama si Ning na hindi naman siya sa akin ngumiti?

 

Hay!

 

“If yo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 648 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance