Part 27

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“Mmh..”

 

“Karina.. May klase ka pa..” Sabi ko, trying to breathe sa gitna ng paghahalikan namin, “Baka ma-late ka na..” Hindi pa rin siya tumitigil sa pag halik sa akin.

 

Lumalalim na yung kiss namin, “I can skip the class na lang..” Sagot niya naman, “I can’t stop kissing you..” Napangiti ako sa sinabi niya. She did too.

 

Hinayaan ko lang na halikan pa niya ako nang ilang minuto until I pulled away, “Seryoso, male-late ka na.” Pag warn ko, “Wag kang umabsent sa class. Go na.. Mag ayos ka na..”

 

She jutted her lips at binigyan ko siya ng isa pang mabilis na halik, “Gusto mo hatid kita sa class?” Inayos ko ang buhok niya, tucking her hair behind her ear. Magkalapit pa rin ang aming mga mukha.

 

Umiling lang siya at hinawakan ang mukha ko, “It’s okay.. You have to meet Ning rin in an hour..” Natatawa ako dahil nakatingin pa rin siya sa lips ko, “Five more minutes babe.. then aalis na ako? Please?"

 

Sino ba naman ako para tumanggi? Parang wala naman makakatanggi kapag ganito si Karina.

 

“Okay..” Naglapit ulit kami, cherishing each second of our kisses. Mami-miss ko siya kapag pumasok na siya sa class.

 

Akala mo naman talaga hindi kami halos araw araw magkasama! Pero gustong gusto ko talaga kapag ganito ka-clingy si Karina…

 

Sobrang saya sa pakiramdam.

 

“Ouch..” Mahiha kong sabi, “Baby bakit mo ako kinagat?” I whined, humawak ako sa lips ko. Ang sakit ha! Napadiin masyado. Muntik pa yatang dumugo.

 

Tumawa lang ang girlfriend ko, showering my bitten lips with her small pecks, “Sorry, sorry.. Nakakagigil ka kasi, mahal ko.” Ano ba…

 

'Mahal ko' raw.

 

“What? Bakit parang shocked ka naman diyan? I do love you naman talaga.” She stopped kissing me at nakayakap na lang sa akin nang mahigpit, “I really don’t want to leave, babe.”

 

“Late ka na, Karina. Baka ma-consider ka na as absent niyan.. Ano ka ba..” Kahit ako ay ayaw siyang paalisin pero ayoko rin naman maging bad influence sa kanya.

 

Sabi nga nila, landi responsibly.

 

“Okay.. Dito ka na lang muna sa apartment ko while waiting. Anong oras ba kayo magkikita?” She gave me one final kiss bago siya tumayo para magbihis, “And bakit daw pala kayo magkikita? Anong meron?”

 

Nakahabol lang ako ng tingin sa kanya habang nag-aayos siya. I had to hold my breath nang hubarin niya ang shirt at magpalit ng panibago na parang wala lang.

 

“Ang y mo, Karina.” Hindi ko na napiligan ang sarili ko na sabihin ito sa kanya. Girlfriend ko naman siya so why would I hold back, diba? y naman talaga siya. She deserves to know!

 

Nilingon niya ako nang nakangisi, “Am I? And call me baby.. Karina ka diyan.” Tumalikod na ulit siya, nag-aapply ng make up sa sarili, “Also, magse-second month na tayo soon. Gusto mo bang mag celebrate?”

 

Oo nga pala.

 

Grabe lang. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang nung mag picnic date kami for our first monthsary…

 

Magdadalawang buwan na kaagad kami?

 

“Hell week yata natin yun..” Naalala ko bigla yung dilemma ko nung isang linggo, “Required bang mag celebrate ng monthsary every month..?” Genuinely ay curious ako sa ganitong bagay.

 

Napatigil siya at parang napa-isip din sa tanong ko, “Hindi naman. It’s up to us siguro..” She answered, “But we can eat outside kapag ganon. Kahit sa simple and cheap resto lang. Or we can do anything just to make the day extra special. What do you think?”

 

Tumango lang ako, “Okay, sige. Mahalaga naman magkasama tayo.. Kahit dito nga lang sa apartment mo okay na ako."

 

She finished up sa kanyang pagaayos at sinukbit na ang tote bag, “Talaga? Dito lang? Then we’ll.. kiss? And cuddle?” Mapanukso niyang sabi.

 

Hindi naman ako tatanggi doon.

 

“Oo.. kung gusto mo.” I checked the time, “Baby alis ka na. Late ka na talaga. Sunduin kita mamaya okay? After namin magkita ni Ning.” Tumayo na rin ako at mahinang tinulak siya papalabas.

 

I opened the door for her at hinarap niya ulit ako, “I’ll see you later..” Ngumuso siya, asking for another kiss kaya hinalikan ko kaagad, “Yay. Love you!”

 

“Love you..” I waved bye before closing yung pinto ng kanyang apartment.

 

Hays.

 

Miss ko na kaagad si Karina!

 

Normal ba ito?

 

Hindi pa nakakatulong na nandito ako sa apartment niya. Lagi niya rin kasi akong pinagsstay dito kapag may class siya tapos vacant ko at need kong gumawa ng paper.

 

Minsan nga nagiging ilusyonada ako at iniisip na parang own place namin itong apartment niya… Pero syempre, sa akin na lang yun at hindi ko na sinasabi pa sa kanya.

 

Ayoko naman isipin ni Karina na porket we exchanged I love you’s na eh feeling ko dito na rin ako nakatira sa place niya! Jusko. Ang weird naman non.

 

Nakatulog yata ako saglit at nagising lang dahil sa tunog ng phone ko.

 

Ning: Otw na ako

 

Me: Okay sige. Pupunta na rin ako kaagad.

 

Ano kayang ganap ni Ning? Parang ang seryoso niya lately.. Although lagi naman siyang seryoso. Pero iba ang aura niya nitong mga nakaraang linggo.

 

Huli niyang sabi sa akin okay naman sila ni Giselle at naniwala naman ako. Wala naman dahilan not to believe her.

 

Ang alam ko nagkita sila ni Karina last month. Kaso lang, hindi naman nakwento ni Karina lahat sa akin. Ang alam ko lang ay worried pa rin ang kaibigan ko dun sa naging away.

 

Inisip ko na lang na they will move past that at pagsubok lang sa relationship yung nangyari.

 

Ning: Bilisan mo malapit na ako sa O Park.

 

Me: Okay okay paalis na me sa apt ni Karina

 

Ning: Wow diyan na nakatira? Edi kayo na

 

Me: Hehe kami naman na talaga

 

Ning: Lol okay

 

Natawa lang ako sa reply niya at agad din nag ayos para puntahan siya. Mukhang mainipin si Ning ngayong araw at ayoko naman painitin pa lalo ang ulo niya.

 

Me: Pubtahan ko na si Ning po

 

Me: *Puntaham

 

Me: Huhu

 

Karina ❤: Hahaha. Mkay. Class is boring. Sabi ko na nga ba dapat nag stay na lang ako diyan :(

 

Me: Hehe bawal

 

Karina ❤: Grr haha miss you already

 

Me: Focus ka na muna sa class. Kiss kiss

 

Karina ❤: Mwahmwah

 

Karina ❤: I love you <3

 

Me: I love you baby

 

Minsan gusto kong sampalin ang sarili ko.

 

Everything that's been happening nitong mga nakaraang buwan ay parang pinangarap ko lang dati. Jusko, never kong naimagine dati na sasabihin ko kay Karina na mahal ko siya, let alone have her tell me na mahal niya rin ako.

 

Para akong nasa heaven lately dahil ang saya saya ko lang. What makes it even better ay nakikita ko rin na masaya si Karina sa akin.

 

Wala naman akong alam sa relationships, and I never really knew kung paano ko pasasayahin ang isang tao. I feel like I'm lacking at many things but Karina...

 

She always makes me feel like I'm enough at hindi ko kailangan maging trying hard. Kilala na rin naman kasi namin ang isa't isa.

 

Haaaaay.

 

Ang sarap ma-inlove.

 

"Hi Ning!" Nakarating na ako sa Oblation Park kung saan nag-aantay ang friend ko. Hanggang mamaya pa kasi ang klase ni Karina at vacant ko naman kaya pumayag agad ako when Ning asked to meet me.

 

"Huy Ning, nandito na ako." I snapped my fingers sa harap niya. Tsaka lang siya bumalik sa ulirat, "Anong nangyari sayo?" Mukhang kakagaling lang niya sa iyak.

 

Umisod siya sa bench para makaupo ako, "Win.."

 

"Oh? May nangyari ba?" Kunot-noo kong tanong, "Pinapakaba mo ako. May nangyari ba sa Papa mo? Kay Chae?"

 

Tulala lang siya na nakatingin sa malayo.

 

"Break na kami."

 

Napa singhap ako sa sinabi niya.

 

Sa lahat ng inexpect kong pwedeng rason kung bakit parang malungkot siya, pinaka hindi ko inaasahan yung sinabi niya.

 

"Ano? Anong break? Akala ko ba nag usap na kayo?" Niloloko niya ba ako? Prank ba 'to? Kasi parang ganon... Ang hirap isipin na break na sila.  

 

Napansin ko ang pagtulo ng luha niya, she even laughed pero halatang walang laman, "Mas okay na rin 'to. Ayoko talagang masira ko yung big plans niya, Win. Kahit pa mag meet halfway kami, mafi-feel bad lang ako for holding her back. Hindi ko kayang mag Manila. Or pumunta sa kung saan niya gustong pumunta."

 

Patuloy lang ang pagtitig ko sa kanya, still dumbfounded, "Biglang ang dami niyang plano.. Yung mga plano na hindi ko naman nakikita sa future ko sa ngayon.."

 

So totoo nga...

 

I still can't wrap my head around the fact na break na si Ning at Giselle.

 

"Wala na ba talagang pag asa? Baka pwedeng pag usapan niyo pa? Ning.." Kahit ako ay naluluha na, "Anong sabi niya? Sinong nakipag break?"

 

Si Ning ay parang nawala na rin sa wisyo. Tahimik lang na tumutulo ang luha niya, pero sobrang cold ng kanyang expression. She almost looked numb.

 

“Ako. Hindi naman siya tumanggi. So I guess parang inaantay na lang din niya. Mabilis lang din siyang pumayag.” Umiling siya at sarcastic na tumawa, “At least hindi na namin poproblemahin yung future, diba?”

 

Humarap siya sa akin, “Sorry hindi na natin natupad yung double date sana kasama si Karina.” Ako naman yung hindi makapag salita ngayon. Gusto ko lang din umiyak katulad niya.

 

I was the one na nakakita ng growth nila as an individual and as a couple. Sobrang inaadmire ko pa nga sila dahil ang smooth lang ng relationship nila throughout the years.

 

Tapos ganito...

 

Siguro kaya masakit din para sa akin dahil hindi ko talaga inisip na dadating sa point na maghihiwalay silang dalawa.

 

Both of them were understanding with each other… But I guess things change talaga lalo kapag pinaguusapan na yung future at hindi kayo aligned sa isa’t isa.

 

Ganon ba yun?

 

“Oh bakit umiiyak ka rin? Dito ka nga.” Hinila niya ako para yakapin, narinig ko yung pag hikbi niya, "Win.. Ang sakit."

 

I clutched the back of her shirt, "Baka naman kaya niyo pang ayusin.. Mahal niyo naman ang isa't isa. Baka kaya pang gawan ng paraan yan, Ning.." Ayoko naman mangialam sa kanila, but somehow, alam kong ayaw rin nilang umabot sa ganito.

 

Rinig ko ang mahinang pagtawa niya kahit umiiyak, "Naalala mo yung sinabi ko? Na love isn't enough? Totoo pala talaga siya."

 

She’s trying to lighten up yung mood pero hindi ko pa rin magawang tumawa o ngumiti man lang. Humupa na rin nang bahagya ang pag iyak niya.

 

“Anong gusto mo? Libre kita.” Tumayo na kami from the bench. Masyado na yata kaming umeeksena dito dahil pareho kaming maluha luha. May pailan-ilan ding estudyante ang napapatingin sa amin.

 

“Yung ano, yung milk tea..” She answered. I smiled sadly at her. Ang alam ko kasi lagi siyang binibilhan ni Giselle nung gustong gusto niyang milk tea sa Tastes from the Greens.

 

“Okay, sige. Kaso hindi kita mabibilhan ng lima ha. Isa lang.” Natawa naman siya and this time, may pagka genuine na kahit papaano.

 

We walked hand in hand papalabas ng campus. Bumaling siya ng tingin sa akin ulit habang naglalakad kami, “Pwede mo bang..” She hesitated, “Uhm, pwede mo ba siyang i-check din? Be there for her din, Win.”

 

Mabilis akong tumango, “Okay, Ning. Oo naman..” Nag-aalala din talaga ako kay Giselle, sa totoo lang. Silang dalawa naman talaga ang naging matalik na kaibigan ko sa college. Equally ay pareho silang importante sa akin.

 

Paano na kaya kami nito? For sure hindi na okay na magsama-sama kaming tatlo sa iisang lugar lang sa ngayon…

 

But I’ll make sure to make time para sa kanilang dalawa. Wala rin naman akong pinapanigan na side at alam kong mahirap yung nangyari for the both of them.

 

Although there's still a part of me na umaasa na magkakabalikan sila.

 

Sana.

 

“Pili ka na ng gusto mo..” Nakarating na kami sa milk tea shop. Halata kay Ning na wala pa rin siya sa wisyo dahil ang tagal niyang mag-isip ng order.

 

Naalala ko yung usual na binibili ni Giselle sa kanya before, "Yung Choco Malt yun diba? Sige na upo ka na. Ako na bibili." She smiled gratefully sa akin at pinisil ang kamay ko before niya ako iwan sa may counter na nakapila.

 

Karina ❤: Class is boring. One more hour zZzZ

 

Karina ❤: Kamusta yung meet up niyo ni Ning?

 

Me: :(((((

 

Karina ❤: Oh no... Did they...?

 

Me: Baby huhu kwento ko sayo mamaya :(

 

Me: Focus ka na muna sa class

 

Habang nakapila tuloy ay lumipad din bigla ang isip ko.

 

Although wala pa naman kami sa point ni Karina na pinag-uusapan namin yung future, bigla lang sumagi sa isip ko na baka mangyari rin sa amin yung nangyari sa dalawa kong kaiibigan.

 

What if hindi rin mag align yung plans namin?

 

Hays.

 

Hindi ko muna ito iisipin at may tiwala naman ako sa aming dalawa. Pero hindi rin kasi talaga masasabi, diba?

 

Okay, kailangan kong hindi maging overthinker. Hindi maganda 'to.

 

"Miss? Miss ano pong order?"

 

I came back to my senses, "Ay sorry po. Isa pong Choco Malt.. Tsaka isa po nung Cookies and Creampuff.." Binilhan ko na rin si Karina nung gusto niyang flavor.

 

Last weekend kasi ay sumahod naman ako sa pag-tutor ko kay Gunhoo kaya may extra money pa ako to spare para ilibre si Ning at ang girlfriend ko.

 

Inabot ko kay Ning ang drink niya at naupo sa tapat niyang seat, hindi siya nag-aalis ng tingin sa kanyang phone, "Ano yan?"

 

"Nagbubura ako ng pictures namin." Sagot niya, taking a sip sa kanyang milk tea, "Ang hirap pala ng ganito.." Inabutan ko siya ng tissue at parang tutulo na ulit ang luha niya.

 

She sniffed, tumingin siya sa akin, "Alam mo sana pala nag stay as friends na lang kami, noh? Para walang break-up na nangyari. Para hindi namin kailangan iwasan yung isa't isa."

 

Gusto ko sanang mag comment at sabihin sa kanya ng kahit naman friends lang, pwede pa rin magkaron ng falling out pero hindi niya kailangan marinig yun ngayon.

 

Alam ko na gusto lang din ni Ning ng may makikinig sa kanya.  

 

"Sana pala mas naging sweet ako sa kanya dati.. Alam mo yun? Kasi saming dalawa, siya yung mas showy at mas clingy.." She shook her head at nagpunas ng mata, "Sorry, Win. Eksena tayo dito."

 

"Ano ka ba, okay lang.. Ilabas mo lang yung gusto mong ilabas." Hinawakan ko ulit ang kamay niya to console her, "Wala na ba talaga? Final na ba talaga yan?" Tanong ko, still hopeful na baka maayos pa nila.

 

Umiling lang siya, "Okay na 'to. It's for the best. Malay mo diba maging friends pa rin kami next time. Since we started naman na magkaibigan.." Parang kahit siya ay hindi naniwala sa sarili niyang sinabi.

 

Tinignan niya yung wrist watch niya to check the time. Napatagal pa nga ang pagtitig niya dito. Ang alam ko kasi regalo ito ni Giselle sa kanya nung birthday niya. May initials nilang dalawa na naka engrave sa likod nung relo.

 

Inayos niya na ang bag, "Kailangan ko nang umuwi, Win. Sasamahan ko pa sa check-up si Papa.."

 

"Samahan na kitang umuwi sa inyo.." Nag-aalala kasi ako at baka naman mapano siya. Bigla bigla na lang kasi siyang natututlala out of nowhere.

 

"Wag na, okay lang ako. Kita na lang ulit tayo, okay?" Tumayo na siya para umalis, hawak-hawak ang drink na binili ko para sa kanya. Tumingin muli sa akin bago buksan yung glass door, "Win.. yung sinabi ko ha."

 

Hindi niya kailangan i-specify for me to know na it's about checking on Giselle, "Oo, Ning.. Sige na, ingat ka ha. Text mo ko." May pag-aalala pa rin sa boses ko.

 

She only nodded in response at lumabas na, leaving me alone na nakaupo.

 

Inabot pa ako ng another 30 minutes sa TFTG bago ako umalis para sunduin si Karina sa class niya. Sobrang gloomy ng langit, nakisabay sa nangyari kay Ning and Giselle.

 

It wasn't my relationship, pero feeling ko kasali ako sa naging break-up nila dahil sobrang affected din ako. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari.

 

Alam kong kaya pa naman nilang i-work on yun... Or ewan ko rin. Sabi nga ni Ning it was for the best daw. Ano kayang tingin ni Giselle?

 

Balak ko siyang puntahan bukas o kahit mamayang gabi just to check on her.

 

Nakarating na ako sa room nila Karina. May 10 minutes pa bago matapos ang klase niya kaya dinukot ko na lang muna ang phone sa aking bulsa.

 

I decided to text Giselle.

 

Me: Gi.. Kamusta na?

 

Mga five minutes bago siya nakareply sa akin.

 

Giselle: Idk

 

Giselle: Did she tell you already?

 

Me: Oo..

 

Giselle: Lol that was fast. I guess she expected it.

 

Me: Huy wag naman ganyan.. Alam mo naman na mahirap din sa kanya.

 

Giselle: Yeah.

 

Giselle: I know. Sorry.

 

Me: Puntahan kita mamaya.. Nasa apartment ka ba?

 

Giselle: No I won't be home tonight.

 

"Babe, hi." Hindi ko na napansin na natapos na pala ang klase nila Karina, "Who are you texting? Kanina pa kita tinitignan. Busy ka sa pag-text." Mapagtampong sabi niya.

 

Sinuksok ko na ulit sa bulsa ang phone at nahihiyang pinaikot ang kamay ko around her shoulders, napatingin pa sa amin yung isa niyang kaklase.

 

Wala naman akong pake dahil mukhang masaya naman si Karina sa gesture ko, "Sorry, baby.. Tinext ko kasi si Giselle.." Naglakad na kami papalabas ng building.

 

"It's okay, I was just teasing.." Kinuha niya ang kamay ko na naka-akbay sa kanya, intertwining our fingers, "I like holding your hand kapag naglalakad."

 

Actually.

 

Napansin ko nga ito sa kanya sa almost two months na mag jowa kami. Ayaw na ayaw niyang hindi kami magka-holding hands while walking.

 

Ang cute lang.

 

Syempre gusto ko rin yun.

 

"Anyway, how's Ning? Ano raw nangyari?" May pag-aalala bigla sa kanyang boses, "Did they.. break up? "

 

Tumango ako, "Oo raw.." Naramdaman ko nanaman yung lungkot, "Weird ba na parang kahit ako ay sobrang affected? Worried ako sa kanilang dalawa."

 

"Of course hindi yun weird, Win. They're your closest friends ngayong college.." Tumigil kami sa paglalakad, hinarap niya ako sa kanya, "Do you want us to check on Giselle? Pwede natin siyang puntahan ngayon."

 

Ang thoughtful lang niya sa friends ko...

 

"Gusto ko nga sana.. Kaso wala raw siya sa apartment. Baka may pinuntahan. Hindi ko pa rin alam.." I sighed, "Ito pala yung milk tea mo, baby. Binilhan kita. Kamusta yung class? Kailan daw exams?"

 

Her face lit up nang iabot ko yung drink niya, "Thanks, mahal." Ito nanaman siya sa pag tawag sa akin ng ganon...

 

Bakit ba iba ang epekto kapag tinatawag niya ako ng "mahal"?

 

"Okay naman yung class. Next week yung exams. I need to study sa weekend.. Medyo mahirap yung topics." I told her na tutulungan ko na lang siya.

 

She looked at me again after taking a big sip sa kanyang iniinom, “Baby may get together pala tomorrow yung ka-batch ko sa SSDC before. Kasama din si Yeji. Do you want to come with me?” Careful niyang tanong, “It’s okay if you don’t want to ha.”

 

Inisip niya siguro na hindi nga ako mahilig sa mga ganon. But still, gusto kong mag try for Karina. And somehow ay alam kong she wants me to be there.

 

“Okay, baby. Sasama ako.” I said with finality at may pagka-proud.

 

“Really? I’ll introduce you sa kanila!” Hala, parang tuwang tuwa nga siya, “I wasn’t hoping na sasama ka, to be honest. Cause I know hindi mo crowd yung ganon.”

 

Ngumiti ako, giving her a side hug, “I’ll try for you. Okay lang naman, baby. Get together lang naman and importante yata sayo na nandon ako..” Ayoko naman mag assume. Feel ko lang.

 

“Yeah.. Oo naman..” She smiled at me, kissing me on my shoulder, “They’re bringing their significant others daw eh. Even si Yeji kasama yata si Hyewon. Although I wouldn’t mind kung hindi ka makakasama, of course.” Pagrereassure niya ulit.

 

Alam ko naman.

 

Hindi naman niya ako pipilitin, tingin ko. Pero gusto ko lang din dahil iba naman na rin ngayon. Girlfriend ko na siya and tingin ko dapat lang na mag-compromise at mag adjust.

 

“I’ll be there, baby..”

 

Hinatid ko na siya sa apartment niya. Hindi ako makakapag stay dahil may gagawin pa akong project kasama ang groupmates ko mamayang gabi.

 

Parang naeexcite na ako dun sa get together nila Karina kahit pa nga medyo kabado rin ako bilang hindi naman ako ma-socialize na tao.

 

Still, it would be nice to do something for a change.

 

Kinabukasan ay napag-desisyonan kong puntahan si Giselle sa kanyang apartment kahit hindi siya sumasagot sa texts or calls ko. I was hoping she’d be home ngayon at ang alam ko ay wala naman siyang class ng Thursday afternoon.

 

Inisip ko na lang na baka tulog pa.

 

“Gi?” Kumatok ako sa pinto niya, “Si Winter ‘to.. Nandiyan ka ba?”

 

“Giselle..”

 

She finally answered from the inside, “Come in.. I’m here.” Hindi ko pa man siya nakikita, nalungkot na ako sa tono ng boses niya. Parang kakagaling lang din sa iyak.

 

I opened the door, hindi naman pala ito naka lock. Bumungad sa akin ang kaibigan ko na nakahiga lang sa sofa, may naka-takip na unan sa mukha.

 

“Gi..” Lumapit ako sa kanya, sitting on the seat in front of her, “Kamusta ka na?” I was careful na kausapin siya. This is the first time na siya naman ang ico-comfort ko.

 

Madalas kasing ako ang binibigyan nila ng heart to heart talk.

 

Inalis niya yung unan sa mukha niya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 650 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance