Part 12

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Ngayon ko lang yata ulit nakitang may Christmas tree dito sa bahay. Nag-set up yata sila Mama nung nasa Baguio ako. Nakakatuwa naman at nakapag-bonding sila nila Papa at Yuna.

 

“Ma maghahanda po ba tayo sa Noche Buena?” Tanong ni Yuna.

 

Sabay-sabay kaming kumakain ngayon ng dinner. First time in a while din itong nangyari. Nakakapanibago pala na magkaroon ng normal setting sa pamilyang ito.

 

Tumingin si Mama kay Papa, “Oo. May bonus si Papa sa trabaho. Anong gusto niyong handa?” Wow, talagang nagtino na itong tatay ko. Sana talagang totoo at tuloy-tuloy na.

 

“Kahit ano po, Ma.” Siguro kahit spaghetti lang at ham, okay na. “May ipon din po ako gawa ng gigs, pwede ko po ipangdagdag.” Sabi ko pa. May pabigay kasi si Gov sa mga scholars niya ngayong pasko.

 

“Nag-gaganon ka pa rin ba? Hindi ba ‘yon makaka-apekto sa pag-aaral mo?” Tanong naman ni Papa, medyo worried ang tono niya.

 

Wow naman. Dati halos ipagduldulan ako nito na mag-part time.

 

Nagsalita si Yuna, puno ang bibig ng adobo. “Oo nga, ate. Bawasan mo na ‘yun.” Nag-agree na lang ako sa kapatid ko. Gusto ko na rin naman talagang bawasan dahil baka masyado nang busy next sem.

 

Pinagpatuloy na namin ang pagkain hanggang sa magsalita ulit si Mama, “Balita ko nasa Cagayan sina kumare. Sayang at hindi natin sila makikita sa pasko.”

 

Napatigil ako sa pagsubo ng adobo at kanin. Maka-isang linggo na rin simula nang umuwi kami galing sa Baguio and I haven't heard from Karina since.

 

Well, ano pa nga bang ineexpect ko eh ganon naman talaga? Kahit nga kay Minju ay wala na rin akong balita. Although nakikita ko yung IG stories niya na uma-attend ng mga parties na pang mayaman.

 

“Uuwi naman daw sila sa bagong taon. Nag-text nga si pare at maghanap raw ako ng papatay ng baka!” Ekasaheradong sabi ni Papa.

 

Akala ko sa pasukan pa uuwi si Karina? Makikita ko ba siya sa New Year? Bahala na.

 

“Ikaw, Winter. Anong plano mo sa birthday mo? Lalabas lang ba ulit kayo ni Karina?” Medyo inubo ako sa tanong ni Mama.

 

Sanay kasi kaming lahat na hindi naman ako naghahanda kapag birthday. Usually ay nilalabas ako ni Karina para mag-mall at nililibre niya ako sa masarap na restaurant.

 

Ngayong taon, malamang hindi ‘yon mangyayari.

 

“Ah bahala na po, Mama. Hindi rin naman po ako mahilig mag-celebrate ng birthday diba.” Sa totoo niyan eh ang daming plano ni Minju para sa birthday ko. Sabi niya, ipagda-drive niya raw ako sa Tagaytay.

 

At malamang sa malamang, hindi na rin ito mangyayari.

 

Hindi na lang umimik ang parents ko. After kumain, si Yuna ang naghugas ng pinggan.

 

Pumasok na ako sa kwarto at nag-check ng phone. Maraming messages sa GC, sana nakisali si Minju. Namimiss ko na siya kaya kahit messages lang niya sa GC eh inaabangan ko.

 

Baguio Trip

 

Giselle: What are your plans for Christmas?

 

Giselle: May gift ako for each of you! Will give sa pasukan

 

Lia: Ryujin and I will be celebrating together <333

 

Ning: Sana all

 

Giselle: We can celebrate together :p

 

Yeji: Geh

 

Minju: Miss you guys! Enjoy the holidays :)

 

Winter: Merry xmas :D

 

Ryujin: Itong si Winter nag-chat lang nung nag-chat si Minju. Di ka subtle teh

 

Jusko, halata ba ako masyado? Eh kung sa namimiss ko yung isa eh. Hindi na nagchat ulit si Minju sa GC. Naasiwa kaya siya? Hays...

 

Nahiga ako, nakatitig lang sa kisame. Ni-recall ko yung mga napag-usapan namin ni Minju at naalala ko yung sinabi niya na mag-aantay siya kapag ready na raw ako. Kailangan ko raw ng time. Kailangan din daw niya.

 

Gets ko naman ‘yon, ang kaso lang, bilang wala naman akong experience sa mga ganito, hindi ko alam paano ba malalaman kapag tapos na yung “time” na kailangan ko.

 

Para sa akin kasi, natapos naman na yung sa amin ni Karina...

 

Umiling ako, ayoko maisip ulit yung naging usapan namin. As much as possible, iniiwasan kong isipin yung mga what ifs and could haves. Medyo uneasy sa feeling.

 

Tinext ko si Ning.

 

Me: Kape tayo bukas.. dun sa mura lang. Sa McDo

 

Ning: Anong meron? o.O

 

Me: Sasabog na ulo ko kakaisip need ko kausap

 

Ning: Ah gets. Parang alam ko na. Sige, see you sa McDo Vega. 

 

Ipinikit ko na ang mata ko.

 

Siguro kung okay kami ni Minju, magka-text sana kami ngayon. Nagse-send sana siya ng corny jokes o di kaya naman yung mga link ng funny videos sa Youtube.

 

Ayun din ang highlight minsan ng araw ko—kapag magkausap kami.

 

Inisip ko tuloy kung ganon ba talaga yung pagkatakot niya para umiwas sa akin. Ngayon ko lang din nakita yung pagka-closed off niya. Hindi ko alam yung kanyang ugali na ganito.

 

Baka nga tama siya. Baka mabilis.

 

Hindi pa namin ganon kakilala ang isa't isa. Ni hindi nga siya nagkekwento sa akin ng kahit ano tungkol sa pamilya niya. Palagi lang niyang sinasabi na mas gusto niyang ako ang naririnig na nagkekwento.

 

Gusto ko ulit siyang makausap nang masinsinan pagbalik niya dito sa LB. Parang kulang kasi yung naging pag-uusap namin sa Baguio. Fresh pa rin kasi yung conversation namin ni Karina that time.

 

Bahala na. Tatanungin ko na lang si Ning. Marami siyang alam sa pagbibigay ng advice.

 

 

 

 

 

 

“Dun tayo sa taas, wala masyadong tao.” Niyaya ko si Ning sa second floor ng McDo after makuha ang order namin. Medyo maingay kasi sa baba, baka hindi kami magkaintindihan.

 

Sumunod lang naman siya sa akin, mukhang may ka-text siya at panay ang ngiti sa phone. Si Giselle siguro.

 

We settled sa may dulong seats at tahimik na nagsi-sip ng coffee at kumakain ng BFF fries. Nakamasid lang sa akin si Ning habang ako ay nakatingin sa labas ng glass window. Tanaw na tanaw ko dito ang harap ng UPLB.

 

“Umamin si Karina sa Baguio noh?” Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.

 

Hindi naman na ako fazed dahil inasahan ko na rin na may idea siya. Kung paano, ‘yun ang hindi ko pa alam. “Oo. Anong alam mo, Ning?” Tanong ko sa kanya. Curious ang tono ko at hindi mapang-akusa.

 

“Tanda mo nung time na nagkaprobelama si Yuna sa school?” Tumango ako, “Hinatid ko si Chae sa inyo that night diba? Dumaan ako sa LB Square para magpaprint sa Print Zone. Nakita ko si Karina dun sa katapat na bar..”

 

Ito yung gabi na nag-takoyaki kami. Tapos umuwi na ako after dahil hinatid nga raw ni Ning ang kapatid niya sa amin para makamusta si Yuna. Tanda ko, sabi ni Karina hindi muna siya uuwi that time.

 

Hindi ko naman na naitanong kung bakit pero dun nga siguro siya sa Square dumerecho...

 

Hindi ako sumagot, tinuloy ni Ning ang sasabihin, “Sinamahan ko siya, Winter. She looked..” Napatigil siya, “She looked really down that night. Tapos bigla na lang niya akong niyakap at umiyak sakin.”

 

Nakatingin lang ako kay Ning, ini-imagine yung itsura ni Karina habang umiiyak siya ng gabing ‘yon. Mali ba ako na inisip kong ako lang ang nasaktan? Ang nahirapan?

 

Hindi naman mahilig maglabas ng emosyon si Karina lalo na sa ibang tao so for her to find comfort kay Ning, siguro hindi niya na kaya.

 

Nalulungkot ako kapag iniisip ko.

 

Ayoko na sanang balikan pa yung ganito dahil nakapag-usap naman na kami. May closure na. Pero sa tingin ko ay mahalaga rin na malaman ko.

 

“A-anong sabi niya?”

 

Napasinghal si Ning nang pabiro, “Ang dami girl!” Tumawa siya pero nagseryoso rin ulit, “Pero seryoso, siguro kailangan niyang mailabas lahat kaya hindi na nakapagpigil magsabi.”

 

Napatingin ako sa kamay ko at nilaro ang mga daliri. Hindi ko pa mahanap yung gusto kong sabihin kaya I let Ning take over the conversation.

 

“She loves you a lot, Win.” Napapigil ako ng hininga, hindi pa rin makapaniwala na mahal niya ako after all those years.

 

“She made a lot of mistakes. Sobrang ty niya sayo—for lying, for making you feel na walang pag-asa. Hindi siya nagbigay ng excuse dahil alam niyang mali siya. Pero kagaya mo, takot lang din si Karina. Kagaya mo, naduwag lang din siya.”

 

Wala sa loob na sumabat ako, “Pero..”

 

She cut me off, “Pero it was too late. Alam niya naman ‘yon. Kaya nga hindi niya na talaga balak na sabihin sayo. Kasi alam niyang okay ka na and you're starting anew with Minju. Alam niyang wala na rin naman mangyayari.”

 

“And tama naman siya, Win. Pero sabi ko sa kanya, deserve din niya maging masaya. Na magkaron ng peace of mind. And she won't achieve that kung wala kayong closure. Napilit ko siya nung nagpunta tayo sa Baguio.”

 

Naalala ko yung nakita ko sila ni Karina na magkausap sa taas ng hagdan. Yung na-overhear kong sabi ni Ning na it's not too late daw. Siguro about ‘yon sa pakikipag-usap sa akin ni Karina.

 

Napasinghap ako, “Salamat, Ning. Kasi nandon ka para sa kanya..” Kilala ko si Karina, sasarilihin niya yung mga ganong bagay kung kaya niya.

 

“Magkasama kami that night..” Sabi ko bigla, biglang pumasok sa isip ko lahat nung napag-usapan namin ng gabing ‘yon.

 

Yung pag-describe niya nung tinanong ko kung paano malalaman kung gusto mo ang isang tao. Yung tingin niya sa akin nung iniisa-isa niya...

 

Kaya pala.

 

Tapos tinanong niya ako kung gusto ko si Minju.

 

“It's good na you were able to say it out loud. May plano ka bang sabihin sa kanya?”

 

“Siguro..”

 

“She's lucky.”

 

Ngayong alam ko na yung nararamdaman niya...

 

I feel bad. Kasi alam ko yung pakiramdam ng ganon. Yung marinig mo sa taong gusto mo na may gusto siyang iba. It makes me think na talagang we had the worst timing.

 

Ano nga ba ‘yon? Right person, wrong timing? Kasi nung time na na-realize niyang gusto niya rin ako, I was already trying to move forward. At hindi ko na kayang mag-move pabalik pa.

 

Yung anim na taon na nasaktan ako dahil sa kanya, hindi lang pala dahil sa kanya. Dahil din siguro sa akin—sa pagkaduwag ko. Kaya siguro hindi ko rin gustong iniisip yung what ifs and could haves…

 

Kasi deep inside, alam kong responsible din ako.

 

Paano pala kung nag-try akong mag-risk? Paano kung lumakas ang loob ko? Would it make a difference? No one knows. And no one will ever know kasi tapos na, at hindi na maibabalik pa.

 

“Hindi lang ikaw yung nasaktan sa process, Winter. Regardless kung self-inflicted or not yung kanya, nasaktan pa rin siya.”

 

And I contributed sa pain na ‘yon...

 

I couldn't have known. Kasi nga hindi ko rin naman inopen sa kanya.

 

Now that I think about it, parang unfair nga rin na inisip kong kasalanan niya lahat kung bakit kami nagkaganito. Inako niya lahat at hinayaan ko lang siya.

 

“Nag-sorry siya sakin, Ning. Sa lahat..” Umiling ako, “Sobrang galit ako sa kanya nung nalaman ko na nagsinungaling siya. Na hindi niya sinabi. Hindi ko man lang naisip na sa anim na taon, ganon din naman ang ginawa ko.”

 

Ang bigat.

 

Hinawakan ni Ning ang kamay ko, “Nag-sorry siya kasi gusto niyang mag-sorry. Ginawa niya ‘yun para mailabas niya. Hindi siya nanghihingi ng sorry pabalik galing sayo. I think ultimately, she just wanted a proper closure. Yung masasabi niya lahat sayo.”

 

Tumango ako, tama si Ning. Alam ko naman na hindi nanghihingi ng kapalit na kapatawaran si Karina. Nung gabing ‘yon, feel ko sa kanya yung sincerity niya at yung urge lang niya to open up everything.

 

So she could move forward as well kagaya ko.

 

“Gusto ko rin mag-sorry sa kanya. Although tingin ko idi-dismiss lang niya ako at sasabihin na it's not my fault.” Natawa kami pareho. Ganon kasi si Karina. “Pero gusto ko pa rin. Siguro kapag okay na kami..”

 

Kung magiging okay pa kami.

 

Sana.

 

Ngumiti si Ning at pinisil ang kamay ko, “Oo. Someday.”

 

Ilang minuto rin kaming walang imik ni Ning. Nagkakape lang at kumakain. Unlike nung gabi na nag-usap kami ni Karina, medyo mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon.

 

Masaya lang din ako kasi katulad ko, pinili rin ni Karina yung sarili niya. And she was brave enough to say her feelings. Para sa aming dalawa.

 

“And based sa drama niyo ni Minju nung last day, tingin ko sinabi mo na sa kanya lahat?” Tanong niya. Grabe naman itong si Ning, mas marami pang alam kaysa sa akin.

 

Napabuntong-hininga ako, “Oo. Uhm, ayun, she asked for time. Sabi niya need ko rin daw. Siguro hindi ko lang inexpect na talagang lalayo siya kaagad. Though di ko naman masisi kasi hindi naman din biro yung inopen ko about Karina.”

 

“Ahh. Siguro a part of you expected na porket siya yung “pinili” mo, you'll continue where you left off.” Taas-kilay na komento niya.

 

“Hindi naman. I mean, alam ko naman na tama yung hiningi niya. Siguro may irrational part lang din sakin na gusto kong wag kaming maglayo. Nasanay na rin ako sa kanya.” Medyo nalungkot nanaman ako.

 

“Pero gets ko naman. Kaya hindi ko na rin kinausap since makauwi siya sa Manila from Baguio.” Dagdag ko.

 

Kamusta na kaya siya? Nag-eenjoy ba siya kasama ang family niya? Gustong gusto ko siyang i-text pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

 

“Okay lang yan, Win. But I think part ng moving forward mo yung clearing your head muna. Kaya tingin ko tama rin naman si Minju na maglayo muna kayo.”

 

Hay. Naiinis ako kay Ning kasi may sense siya. At alam kong tama naman talaga ang sinasabi niya. Baka kailangan ko talaga munang i- up yung pagka-miss ko kay Minju.

 

“She's just protecting herself from me..” Sabi ko. Buti na lang nandito si Ning dahil kung wala, baka mabaliw ako sa kakaisip at pag-bottle up ng lahat.

 

Siguro ito rin yung dahilan kung bakit takot na takot ang magsabi kay Karina dati about sa feelings ko. Kasi she's all I had. Kapag nawala siya, wala akong pupuntahang iba.

 

“Yes teh. And kung gusto mo talaga si Minju—like really wanna be with her—then kailangan mo munang i-make sure na wala na talaga yung kay Karina. Kasi syempre, iniisip ni Minju baka biglang bumalik yung feelings mo dun sa isa, diba?”

 

Oo nga naman...

 

Lalo na't fresh na fresh pa lang yung pag-amin ni Karina sa akin.

 

“P-pano kapag biglang ayaw niya?” Ang bigat sa dibdib kapag iniisip kong totally ay aayaw si Minju dahil sa mga nalaman niya.

 

Ngumiti si Ning sa akin, “Wala kang magagawa. Pero tingin ko mag-usap pa rin kayo. Kung gustong gusto mo talaga siya, then bigyan mo siya ng assurance na hindi mo siya ginagawang rebound. Na siya na yung gusto mo kahit pa nalaman mo yung kay Karina.”

 

Medyo sumasakit na ang ulo ko sa conversation na ito but at the same time, marami akong realizations at natututunan from Ning.

 

“Winter, isipin mo rin yung sarili mo ha. Hindi yung sila lang yung iniintindi mo. Whatever happens, tingin ko ang importante is you don't lose yourself over this.”

 

Something sparked in me nung sinabi ito ni Ning. Kaya tumabi ako sa kanya, mukhang nagulat pa siya sa biglang paglipat ko ng upuan.

 

Niyakap ko siya, “Thanks Ning.”

 

Tumawa siya nang mahina at hinimas ang likod ko, “Self-love and happiness din, Win.” I nodded, “Nagawa ni Karina yung umamin para sayo at para sa sarili niya. Lumayo muna si Minju para rin sa sarili niya. Ganon ka rin dapat.”

 

Tama siya, kailangan ko munang bawas-bawasan ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 650 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance