Part 15

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Minju is getting bolder sa kanyang advances sa akin. Although hindi naman na ako nagtataka dahil nagsabi na siya na gusto niya ulit mag-try kaya expected ko na rin.

 

Hindi ko rin alam kung bakit, pero parang I threw away bigla yung sinabi kong maging friends lang kami.

 

Iba pa rin talaga ang epekto niya sa akin.

 

Maybe because may panghihinayang din sa part ko? Kahit ilan beses kong sinabi sa sarili ko na mag-focus na lang muna on myself, there was still that part of me na gustong bigyan ng chance si Minju ulit.

 

Kaya siguro bitter ako noong nakita ko sila ni Yujin na magkasama that night last week. It also doesn’t help that she seems genuine this time at apologetic sa nangyari nung January. Ayoko nang maging defensive.

 

Tsaka wala naman nang problema. Nagkaron na rin naman kami ng closure ni Karina so wala nang dapat siyang ipag-alala.

 

 

Nagbibihis na ako para sa lakad namin ni Minju. Niyaya niya akong mag-‘hang out’ daw.

 

Lately, we’ve been spending a lot of time together.

 

Inaasar na nga ako nila Ning at Giselle about it dahil grabe raw ang karupukan ko... Palagi akong tine-text at mini-meet ni Minju after nung encounter namin ni Karina sa kanila ni Yujin.

 

Sabi pa niya nung isang araw, even though na-friendzone ko raw siya nung nag-usap kami sa kanyang kotse, she doesn’t want me to think daw that there’s anyone else but me.

 

Tama nga yung dalawa kong kaibigan na grabe lang ang karupukan ko dahil kinilig ako nang sabihin niya ‘yun. Baka nga tama rin si Karina at ayaw ko lang aminin na bitter at naiinis ako kay Yujin dahil gusto ko pa rin si Minju.

 

Minju: Prepping na! Can I pick you up? I miss you.. :p

 

Me: Wag na hehe kita na lang tayo sa kanto ng Dema

 

Minju: Walang miss you? :(

 

Nagpigil ako ng ngiti sa harap ng salamin. Nandito si Yuna, baka kung ano ano nanaman ang sabihin nito.

 

“Ate, wag ako. Para kang shungang nagpipigil diyan. May jowa ka ba?” Ayan na nga, masyadong observant itong kapatid ko.

 

Nilingon ko siya, “Porket nakapasa ka sa UPCAT ang sassy mo na ha. Wala akong jowa! Baka ikaw meron.” Namula siya bigla. Aba, “Hoy! Meron nga? Ipakilala mo muna sakin yan, Yuna. Sinasabi ko sayo.”

 

Bumusangot siya, “Wala naman akong sinasabi ah! Wala akong jowa ate! Diyan ka na nga.” Iniwan niya na ako sa room. Napaka defensive. Mana yata sa akin.

 

Me: Mishu haha

 

Minju: That’s better than nothing. See you :*

 

Nag-apply ako ng kaunting pulbos sa mukha. Hindi naman kasi ako marunong mag-makeup at wala namang okasyon para mag-makeup pa ako.

 

Tumunog ulit ang phone ko. Inexpect ko kaagad na si Minju at may pahabol na text.

 

Si Karina pala.

 

Karina: Hi po :)

 

Ang weird naman ng text niya. Hindi naman siya nagte-text ng ganito sa akin dati. May smiling face pa.

 

Me: Uy. Musta?

 

Mabilis ang reply niya.

 

Karina: San ka? Choco milk tayo. I’m bored. Hehe

 

Me: Magkikita kami ni Minju maya maya eh..

 

Karina: Oh okay. Maybe next time :)

 

I bit my lower lip. Medyo na-feel bad ako… Huling beses ko kasi siyang nakita eh noon pang gabi na parang nainis ako sa kanya sa pagpupumilit na may gusto pa ako kay Minju.

 

Hindi na ulit kami nagkita after.

 

Well, wala na rin naman reason dahil nga tuwing Mondays kami nagpapangita sa library para magreview. Bakasyon naman na kaya wala nang kailangan reviewhin sa library…

 

Pero medyo nahihiya pa rin ako sa inakto ko sa kanya ng gabing ‘yon.

 

Pumayag kaya ako? Maya-maya pa naman kami magmimeet ni Minju. At isa pa, mabilis lang naman bumili ng choco milk. Baka gusto lang niya na may kasama talaga.

 

Me: Uhm, pwede naman before kami magkita..

 

May pagka hopeful sa akin na sana hindi niya isipin na na-feel bad lang ako. Pero knowing Karina, that’s what she’s going to think.

 

Karina: No no, it’s okay. Enjoy your time with her :)

 

Hay. Ano na lang kayang iisipin niya sa akin? Todo ang pagka defensive ko sa pagkakaroon ng gusto kay Minju nung nagtanong siya, I even ed her out about it, tapos ngayon…

 

Ayoko na lang isipin.

 

After halos 30 minutes ay lumabas na ako ng bahay namin. Nagulat ako dahil nandito si Minju sa harap ng gate at naka kotse, “Hi, Miss.”

 

“Akala ko sa kanto tayo..?” Nag-shrug lang siya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse, ang sweet naman niya.

 

“I wanted to pick you up tsaka mabilis akong natapos mag-ayos.” Sagot niya nang makapasok na sa driver’s seat.

 

Mabilis lang naman ang drive papunta sa Siento. Mahirap lang makapaghanap ng parking pero nakapag-park naman kami sa may hindi kalayuan.

 

“Di ko pa na-try sa café na ‘yun.” Sabi ko habang naglalakad kami.

 

“It’s a nice place. Chill lang siya. Yujin introduced it sakin.”

 

Natahimik ako with the mention of her friend. Hindi ko pa rin kasi alam kung ano ba sila at kung kaano kalalim yung relationship nila. Para kasing may gusto si Yujin sa kanya.

 

Nagsalita ulit si Minju, “Winter, Yujin and I were never together, if that’s what you think.” Paano naman niya nabasa ang isip ko… “She’s a good friend who likes to tease. She—Uhm, she also knows about us. Naikwento ko.”

 

“Okay..” Ngumiti ako. I appreciate yung assurance niya. Ilang araw ko na rin kasi gustong itanong.

 

Pareho kaming nagulat nang makita si Yujin at Karina sa café. Magkasama sila sa iisang table. Close rin pala sila...

 

Tapos nung dumating kami, parang gusto kaagad umalis nitong si Yujin. Hindi yata siya natuwa. Niyaya pa si Karina. May “movie date” daw sila. Are they a thing?

 

Nalilito na ako.

 

They left na rin kaagad. Pahabol pa na tumingin ako kay Karina. Nginitian ko siya, para lang maka-sure na okay kami after ko siyang matanggihan ulit sa choco milk.

 

“I'll order for the both of us na ha.” Tumango lang ako at umupo na dun sa table nila Karina at Yujin kanina.

 

I saw a tissue paper na may sulat. Narecognize ko yung handwriting ni Karina.

 

“You never really understand a person until you consider things from his point of view.. until you climb into his skin and walk around in it.”

 

I remember her mentioning na ito yung favorite quote niya sa To Kill A Mockingbird. Ito yung book na ibinigay ko sa kanya dati. Kahit gustong gusto ko, mas pinili kong iregalo na lang sa kanya.

 

Since then, sabi niya, it became her favorite book. Tinanong ko pa siya noon, Dahil maganda yung story? which she answered with Kasi galing sayo.

 

Napangiti ako sa memory.

 

Ang daming nagbago sa amin.

 

“I got you the iced americano. Diba yung plain lang yung gusto mo?” Sinundan ko si Minju ng tingin hanggang makaupo siya sa harap ko.

 

“Oo.. Salamat. Magkano?”

 

Umiling siya, “It's on me.” Nakita niya agad ang pagkunot ng noo ko, “Sa susunod ikaw magbayad. Okay na?” Mapang asar na sabi niya.

 

Nag-usap lang kami ng mga acad-related na topics habang nandito. Tinanong niya anong major ang kukunin ko, sabi ko leaning ako sa creative or technical writing.

 

“Ikaw ba?” Tanong ko pabalik.

 

Tipid ang ngiti niya, “Gusto kong mag-THEA. It's always been my dream na maging theater actress, kaya inilaban ko kina Dad na mag-ComArts dito sa LB instead of a business course.”

 

“Then ‘yun yung kunin mo.” Sabi ko. Desisyon naman niya ang buhay niya, at tingin ko hindi dapat dinidiktahan ng parents kung anong pangarap ng anak nila.

 

Ngumiti siya, “Yeah. Yeah, I might pursue that.”

 

Natahimik kami after a while. Napapansin ko rin na parang tensed si Minju at may gustong sabihin kanina pa.

 

“Okay ka lang ba? Bakit parang constipated ka diyan.” Pina-light ko na lang yung mood para hindi siya kabahan sa kung anong gusto niyang i-open sa akin.

 

“Winter.. Uhm..” Parang malapit nang dumugo ang labi niya sa pagkaka-kagat, “I don't know if it's appropriate to ask kaagad but ayoko nang magpaligoy-ligoy pa.”

 

Huminga siya nang malalim, “I'd completely understand kung ayaw mo, but can I ask for another chance?” Nagfi-fidget siya sa kanyang daliri, “I just think I was unfair sayo back in January. Marami akong nasayang.”

 

Napatigil muna ako at nag-isip. Hindi ko pa rin kasi alam ang isasagot sa kanya sa ngayon. Hinintay lang niya akong sumagot until I finally gave her an honest answer, “Pwede bang pag-isipan ko muna?” 

 

Hindi niya naman ito minasama at para ngang masaya siya sa sinabi ko. “Of course. That's.. that's better than a straight up 'no'.” Masaya niyang sabi.

 

Malamang eh baka pagalitan ako nila Giselle at Ning, but I also know na magiging supportive sila sa akin kung ano man ang desisyon ko.

 

Alam din naman nila na nanghinayang ako sa nangyari sa amin ni Minju noon. Kumbaga kahit pa nga nasaktan ako when she rejected me, marami pa rin namang reasons kung bakit gusto kong ituloy ulit yung samin.

 

If she's willing to take a risk ulit, then pwede ko rin naman gawin ‘yun.

 

 

“Hey..” Hinawakan niya subtly ang bewang ko under water. Nakapatong lang ang ulo konsa may edge ng pool at pinagmamasdan yung dagat, “Anong iniisip mo?”

 

Kinilabutan ako sa feeling ng kamay niya on my bare skin, para akong sinilaban bigla. “Wala naman. Uhm, Minju? Naalala mo yung tanong mo sakin nung nasa Siento Café tayo?”

 

Ito yung araw na tinanong niya ako if may chance pa ba.

 

Parang naging tensed siya bigla at nag-loosen yung kapit sa akin, “B-bakit?” Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, “Let me guess, you can’t give me a chance?” Para bang may acceptance na sa boses niya.

 

“Actually.. Pumapayag ako.” Nanlaki ang mga mata niya at napahawak pa sa bibig na akala mo ay gulat na gulat.

 

“Are you serious?” Hindi makapaniwalang tanong niya.

 

I smiled at tumango, “I think deserve mo naman ng second chance. Uhm, deserve natin. Hindi lang talaga tayo nagkaintindihan before. And sabi mo nga, you had a lot in your plate nung panahon na ‘yun..”

 

Nagugulat din ako sa sarili ko. Na I find it easy na patawarin siya at bigyan ng chance yung naudlot naming relationship five months ago. Na I find it easy to take a risk again.

 

Kung tutuusin, wala naman talaga akong alam sa ganitong bagay. Basta that's what I feel ngayon, yung mag-try ulit kay Minju, kaya ‘yun ang gagawin ko. Wala naman sigurong masama doon. Hindi ko pa rin naman papabayaan ang sarili ko.

 

Ang laki ng ngiti niya, “Oh my god. Akala ko talaga wala nang pag-asa and hindi umeepekto yung pagpapa-cute and pagdikit ko sayo.”

 

“May kondisyon..” Pa-sweet kong sabi.

 

Tumaas ang kilay niya bigla, “What is it? Kahit ano!” She looks cute sa kanyang pagiging enthusiastic.

 

“Turuan mo akong mag-swim. Gusto ko matuto mag-floating.” Ang kapal lang ng mukha ko pero siya naman ang nag-offer nito kaninang umaga nung nagkita kami sa McDo.

 

Suminghal siya, “Yun lang pala. Tara..” Hinila niya ako by the waist. Nag-start siyang mag-explain ng kung ano ano. Then inalalayan niya akong lumangoy.

 

Nawala kami pareho sa focus nang sumigaw si Ningning, “Whoooo! Mas nag-init ang hapon!” Sinundan ko ang tingin ng kaibigan ko.

 

Si Karina, katabi niya si Yujin na nakapalibot ang kamay sa kanyang bewang. Naalala ko tuloy nung nakita namin sila sa Siento. Movie date... Tapos may paghawak sa waist at may kasama pang bulungan...

 

May something ba sila?

 

“Watch out!” Kinabig ako ni Minju paurong dahil biglang tinulak ni Yujin si Karina sa pool. Buti hindi kami nadali. Sumunod na itinulak si Yujin. Sumakay pa nga ito sa likod ni Karina. Okay...

 

So wala nga siguro ako dapat isipin sa mga kinikilos ni Karina lately. Napapansin ko kasi na medyo ano siya... touchy. Yung pag-akbay, paghawak sa kamay ko.. Tapos marami rin siyang tanong tungkol kay Minju.

 

Ang inisip ko na lang ay ito yung way niya para ibalik ulit yung dati naming friendship. Yung walang awkwardness kahit pa nga nagkaaminan kami ng feelings. Yun ang tingin ko.

 

Isa pa, yung pagbanggit niya kay Minju, I felt like way din niya na i-push ako dito katulad ng ginagawa niya dati. Para siguro isipin ko na platonic na talaga kami? Alam naman niya na naudlot yung sa amin ni Minju...

 

Baka kaya todo push siya.

 

“Game na ulit.” Sabi ko na lang, na-distract din naman si Minju. Napansin ko rin kasi na nakatingin siya kina Yujin.

 

Humarap na ulit siya sa akin at ngumiti, “Okay..” Hinawakan na ulit niya ako, parang pareho kaming distracted na hindi ko maintindihan pero naka-recover din naman agad.

 

Kung ano ano lang pinag-gagagawa ko sa pool. Ang hirap palang matutong lumangoy. Buti patient si Minju.

 

Sa buong araw ay kaming dalawa ang laging magkasama. Minsan lang kami mapaghiwalay sa isa't isa. Napansin ko rin yung pag-iwas ni Karina sa akin lalo ngayong second day na namin sa Batangas.

 

Ano kayang nangyari? Kahapon okay naman siya at lapit nga siya nang lapit. Anong meron? Hindi nga niya ako matignan man lang.

 

“Ay, hindi mo yata kasama si bebe Minju mo?” Pangaasar ni Ning nang maupo sa tabi ko. Nandito kaming dalawa sa kwarto ngayon, nagpasama kasi siyang magbihis at natatakot daw. Busy si Giselle mag-organize nung bonfire.

 

“Eh diba ikaw ang nanghila sakin dito.” Sagot ko naman. Hindi nga siya nagpaalam, basta hinila ako bigla para samahan siya!

 

Natawa lang si Ning at naging seryoso bigla, “Kayo na ba? Rupok mo teh ha.” 

 

Sasabihin ko ba agad? Hindi pa naman kami. Parang ayoko rin muna na may pagsabihan, mamaya maudlot nanaman, “H-hindi. Friends muna. Pero close na ulit kami.”

 

“Obvious nga. Pero go lang. Malaki ka naman na.” Hindi ko alam kung nang-aasar siya o ano. “Tara, balik na tayo sa bonfire. Baka isipin pa nila nagmo-momol tayo!” Ano raw?!

 

Hinampas ko siya sa braso, “Kadiri ka teh! Isusumbong kita kay Giselle!” Kinilabutan ako sa thought.

 

Nakabalik na kami sa may beach at naabutan ang lahat na nakapalibot sa mini bonfire. Minju is looking at me expectantly at niyaya ako sa tabi niya, “Come here. Dito ka sakin.”

 

Mas naging showy at confident na siya since sabihin ko sa kanyang we're giving us another chance.

 

Inayos niya ang upo at pumwesto sa may likod ko para mayakap ako. Mukhang tipsy siya kaya rin extra clingy. Namula agad ako dahil nakita ko yung pagsulyap ng iba naming kasama sa aming dalawa, “Is this okay?”

 

Kahit ngayon lang, ayoko muna masyadong isipin yung sasabihin nila. Kung marupok eh ‘di marupok, “Uhm, oo..”

 

She kissed the back of my head, “Okay. Here’s your beer.” Binigay niya sa akin yung isang bote ng san mig light.

 

Nag-umpisa nanaman si Giselle sa palaro niyang sobrang pang high school. Naalala ko tuloy yung Baguio…

 

Yung pag-inom ni Karina sa sinabi ni Gi.

 

Si Karina, na hanggang ngayon ay hindi ako iniimik. Ano kayang problema niya? Okay lang ba siya? Bakit yung iba pinapansin niya at ako lang ang hindi?

 

Tinatawanan pa nga niya ang mga sinasabi ni Yujin ngayon.

 

“Kiss mo sa cheek yung person na gusto mo.” Rinig kong sabi ni Ryujin. Bigla akong bumalik sa katinuan, si Minju pala yung natapatan ng bottle.

 

Naramdaman ko yung mahinang pagtapik niya sa leg ko, “Can I?” Sumipol-sipol pa sina Giselle at Hyewon. Panay rin ang asar nung iba. Medyo nahiya ako.

 

“H-ha?” Namumula kong sabi.

 

“I like you diba..” Oo nga pala, malamang ako ang maiisip niya sa dare ng kaibigan namin, “Sa cheek lang.” Pagpapa-cute niya. 

 

“Uhm, sige..” Pumayag na lang din ako dahil wala namang masama. Binigyan ko na rin naman siya ng chance mag-try ulit. Basically para kaming nasa MU stage nanaman…

 

Ganon ba ‘yun?

 

Pagkatapos akong halikan ni Minju sa pisngi nang matagal ay napansin ko na parang balisa si Karina at hindi mapakali. Namumuo rin ang luha sa mga mata niya. Medyo nag-alala ako.

 

Ano bang nangyayari? May problema ba siya?

 

Tumayo siya bigla, halatang nag-iiwas ng tingin sa amin, “Balik lang ako sa room. Tawagan ko lang parents.” Nakikita ko rin yung pag-aalala nila Hyewon sa kanya. Nag-offer pa ito na samahan ang kababata. Tumanggi lang si Karina at dumerecho na sa loob.

 

Natahimik l

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 650 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance