Part 32

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

One week.

 

Sabi sa five stages of grief, una mong mararamdaman ang denial. Nasa denial stage ba ako ngayon? Parang wala naman.

 

Para bang yung moment na lumabas ako sa pinto ng condo nila Karina, alam ko naman na sa sarili ko that it was over.

 

Bakit?

 

Siguro dahil alam kong mahirap din para sa kanya yung ginawa niya. Bakit pa ako magiging denial, kung alam ko namang it took everything for her to do that?

 

Wait...

 

Baka naman....

 

Denial ako na nasa denial stage ako?

 

Ano? Ang gulo.

 

Isang sign yung wala pa akong pinagsasabihan na kahit sino dun sa nangyari. Not even Ning o kaya naman si Giselle.

 

Could it be because ayoko pang tanggapin na hiwalay na talaga kami ni Karina? Hays. Baka nga. Eitherway, isang bagay lang naman ang sigurado ako ngayon.

 

Malungkot ako.

 

At hindi nawawala yung sakit.  

 

Narinig ko bigla ang pagkatok sa pinto ng kwarto. Sagabal sa pagda-drama, "Ate, nandiyan si Ate Ning. Hindi ka raw kasi sumasagot sa texts niya." Sumilip si Yuna sa akin. Alas dose na ng tanghali, pero nakahiga pa rin ako.

 

Bilang isang linggo na nga simula makipaghiwalay sa akin si Karina, isang linggo na rin akong parang wala sa sarili.

 

Ganito pala ang feeling kapag bine-break. Akala ko dati OA lang yung mga taong hindi nakaka-function after a breakup. Ngayong ako na ang nakakaranas, para pala talagang pinipiga ang puso ko maya't maya.

 

"Sige papasukin mo." Walang gana kong sabi. Namumugto pa rin ang mga mata ko. Nilingon ko si Yuna, nakasilip pa rin kasi siya sa pinto, "Bakit ka nakatingin?"

 

"Gusto mo ikuha kita ng cold compress para sa mata mo?" Hindi ako sumagot. "Okay ka lang ba, Ate? Break na ba kayo ni Ate Karina kaya ka nagkakaganyan?" Physically, I felt my heart clench sa mention ng name ng girlfiriend ko.

 

Ex pala.

 

Tangina naman.

 

Ex ko na siya.

 

Another sign of denial?

 

"Yuna, papasukin mo na lang si Ning. Okay ako, don't worry." Nagtakip ako ng kumot sa mukha, as if naman mapoprotektahan nung tela yung sakit na nararamdaman ko.

 

Alam mo yung wala namang masakit talaga pero... pero meron. Hindi ko lang ma-point out. Posible kayang mamatay from a heartbreak? May mga namatay na kaya dahil nakipagbreak sa jowa nila?

 

Kung wala, baka ako ang mauna.

 

Pumasok si Ning sa kwarto at dinaganan ako nito, "Hoy. Isang linggo ka na walang paramdam." Niyakap niya ako, sobrang awkward ng position namin. Nakapatong siya sa likod ko at sinusubukang yakapin ang buong katawan ko.

 

"Ning ang bigat mo." I whined at tinulak ko siya, nahulog tuloy sa sahig. "Sorry. Uhm, nasa field work din kasi ako simula Wednesday. Kakauwi ko lang kagabi."

 

"Kakagaling mo lang sa field work nung nakaraan ah?" Hinablot niya yung kumot sa mukha ko at nagkatinginan kami, "Namumugto mata mo, Winter." Napalitan yung tono niya ng concern, "Huy. Ano bang nangyari?"

 

Nararamdaman ko nanaman ang pamamasa ng mata ko. Ano ba naman yan, tinanong lang kung anong nangyari eh paiyak na ako kaagad, "Break na kami." Hirap kong sabi.

 

"Ano?!" She exclaimed, "Di nga, Win? Di ba galing ka lang sa kanya last weekend?”

 

Tumalikod ako kay Ning at humarap na lang sa pader, “Oo nga. Dun niya ako binreak.” Tangina, nagpe-play pa rin sa utak ko yung nangyaring breakup namin ni Karina. Parang kahit anong gawin kong limot, talagang hindi nawawala.

 

Pero okay lang yan, Winter.

 

One week pa lang naman.

 

Oo, okay lang.

 

One week pa lang.

 

Sus. Pag naka ilang linggo na, siguro easy na lang ‘to. Like a walk in the park! Sanay ka naman mag-move on kay Karina. Oo, kaya yan.

 

“Hoy tinatanong ko kung bakit kayo nag break!” Niyugyog ni Ning ang katawan ko. Istorbo naman, binibigyan ko nga ng words of encouragement ang sarili ko eh.

 

Hay.

 

Naiiyak ako.

 

“Ning naiiyak nanaman ako.” Hindi ko pinansin ang sinabi niya, “Gusto ko lang umiyak pag wala akong ginagawa. Ganito ka rin ba nung naghiwalay kayo ni Giselle?”

 

Pasinghot-singhot na ako, nararamdaman ko na rin ang mata kong naluluha nanaman. I felt my bed dip beside me, umupo yata si Ning, “Okay lang umiyak. Ilabas mo lang, hanggang sa maubos na. Ganon lang ako nung nagbreak kami ni Gi..”

 

Mariin kong tinitikom ang bibig ko para hindi niya marinig yung pag hikbi ko pero sa sobrang heightened ng aking emotions eh hindi ko na kinayang hindi umiyak nang malakas, “N-Ning.. Nahihirapan ako..”

 

Inabot niya yung kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit, “B-Bat ganon.. Gusto ko lang naman siyang mahalin. Kaya kong ibigay yung deserve niyang pagmamahal.. Bakit naghiwalay pa rin kami..”

 

“Shh.. Huminga ka, Win.” Kinuha niya yung tubig na nasa table ko, “Uminom ka muna..” Sumasakit na nga ang lalamunan ko sa katuyuan kaya inabot ko yung tubig, drinking a little kahit humihikbi pa rin.

 

“Itatanong ko sana kung may iba ba, though alam ko naman na hindi magagawa ni Karina yun.”

 

Mabilis ko itong tinanggi, “Hindi siya ganon, Ning..” Nagpunas ako ng mga mata, I feel tired. “Alam mo sana nga nagbreak kami dahil nasaktan niya ako sa hindi magandang paraan. O kaya may ginawa siyang hindi maganda. K-Kaso..”

 

“Kaso hindi naman ganon eh..” Tears just kept on streaming down my face, “Kahit nung huling beses na tinawag niya yung pangalan ko, ramdam ko yung pagmamahal niya sakin.”

 

Tinignan ko si Ning, umiiyak na rin siya kaya bahagyang natawa ako, “B-Bakit umiiyak ka rin..”

 

Hinampas niya ako bigla, “Eh kasi!” She sniffled, “Hindi niyo deserve yan.. Based sa mga kwento mo sakin before.. Tingin ko nakipag-break siya para rin sa kapakanan mo. Alam mo yun? At p-para ayusin niya muna yung problema nila.”

 

Tumango ako, “Ganon na nga..” Natulala nanaman ako, sobrang nakakalugmok. “Ang unfair lang Ning. Parang never nang tumama yung timing para sa aming dalawa.”

 

Humiga na ang kaibigan ko at niyakap ako, “Malay mo after ng mga pinagdadaanan niya, pwede pa..” Sana nga ganon lang kadaling sabihin yon.

 

Marami pang pwedeng magbago, at marami pang pwedeng mangyari. Sa ngayon, gusto ko lang munang mawala lahat ng sakit na dinadala ko. Sobrang bigat.

 

“Hindi ko alam, Ning.” Pinikit ko muli ang mata ko, “Nakakapagod na rin umasa na magiging okay ang lahat. Ayoko na rin mapressure siya. Sana lang.. sana lang maging worth it ang lahat at maayos na yung problema nila, kahit hindi na ako kasali.”

 

Nung nakikipag hiwalay sa akin si Karina at sinasabi niya lahat ng rason niya, ramdam ko yung bigat at hirap na dinadala niya. Gusto ko lang sana nandiyan ako habang pinagdadaanan niya yun.

 

Pero wala eh.

 

Nagmakaawa ako, nakiusap ako na baka pwedeng pag-isipan pa niya. Pero wala na talaga.

 

Umasa ako buong linggo na babawiin niya yung desisyon niya. Ang hirap pa rin kasing paniwalaan na hindi na kami. Wala pa ngang isang taon, nawala na siya sa akin.

 

Siguro nga wala na.

 

Pero… baka kasi meron pa. Baka gusto pa niya? Baka nabigla lang siya?

 

Hays.

 

Sabi ko nga nasa denial stage ako.

 

 

 

 

 

 

Second week.

 

Graduation season.

 

Katulad nung unang linggo matapos akong iwan ni Karina, wala naman halos nabago sa nararamdaman kong lungkot at sakit. Mas binusy ko lang ang sarili ko sa work.

 

Alam ko naman na time heals all wounds, o kung ano mang kasabihan yon. Pero gaano ba kabilis o katagal ang oras na aantayin para mawala ito? Gaano ba karaming field works ang need kong kunin para talagang mawala na siya sa isip ko?

 

Actually, kahit nga hindi mawala lahat. Mabawasan man lang. Kaso tangina, walang pagbabago.

 

Tuwing wala ako sa trabaho, na kay Karina ang utak ko. Tuwing tapos na ang field work, magbobrowse ako ng photos namin. Tapos iiyak na lang ako basta. Paano ba naman kasi, hindi ko magawa-gawang i-delete ang mga pictures.

 

Nanghihinayang ako sa memories.

 

Malamang iiyak ako kapag nagreremenisce. Ang tanga ko rin kasi eh. Masokista na yata akong matatawag.

 

Pero may napansin ako sa sarili ko na wala nung unang linggo.

 

Naiinis ako. Oo, may inis akong nararamdaman. Naalala ko kasi yung pagmamakaawa ko, yung paghingi ko ng chances.. At yung narinig kong sinabi niyang sana hindi na lang naging kami.

 

Ito na ba yung…

 

Anger stage?

 

Hindi naman siguro.

 

Galit lang siguro ako sa nangyari. Never sa kanya. Kaya lang.. sabi nga nila, kapag nasasaktan ka, gusto mong may sinisisi ka.

 

Parang mali. Mawawala rin siguro ito kaagad. Ayokong magalit sa kanya.

 

“Anak..” Kumatok si Mama, “Nandiyan na si Minju. Inaantay ka sa labas.” Malumanay niyang sabi. Mabilis akong nagpunas ng mata para hindi niya mahalata na umiyak ako.

 

Hindi pa rin siya umalis sa pagsilip sa akin. Parang si Yuna lang nung nakaraan. Halata sa mga mata niya na gusto niya akong tanongin kung okay lang ba ako. Inunahan ko na, “Ma, okay lang po ako. Hindi ko naman po ikamamatay yung nangyari.” Pabiro kong sabi.

 

Hindi nga ba? Eh sa tuwing maaalala ko siya, para akong nalalagutan ng hininga.

 

“Sige na po. Palabas na rin ako, mag-aayos lang.” Nagpapasama nga pala si Minju sa akin sa SM. Though alam kong niyayaya lang niya ako para malibang ako. Okay lang naman, gusto ko rin lumabas.

 

Ning: San ka? Gusto mo labas? La ka rin work diba may one-day break din kayo to prepare for grad bukas?

 

Ning: Di na kita nakikita lagi kang nasa field

 

Ngayon ko lang nabasa ang text niya. Malamang katulad ni Minju, gusto lang din ni Ning na lumipas ang oras ko nang hindi masyadong iniisip yung nangyari.

 

Ganon din naman si Yunjin at Jeno.

 

Madalas nila akong niyayaya, lalo kapag weekend. Pero tinatanggihan ko lang sila. Masyado akong mareremind kay Karina kapag kasama si Yunjin. At panigurado, mababanggit ni Yunjin kay Karina ang lagay ko.

 

Paano kapag wala ako sa sarili habang kasama sila? O kaya naman bigla na lang akong mag-iiyak out of nowhere? Nakakahiya lang. Ayokong kaawaan.

 

Enough na yung nagmakaawa ako kay Karina. Ayoko nang may mas ibaba pa.

 

Me: Sasamahan ko si Minju sa SM. Gusto mo sama ka

 

Ning: Uy sige! Bonding time with my BFFs

 

Me: Kailan mo pa naging BFF si Minju

 

Ning: Tse. Good friend siya sayo kaya bet ko na siya. Daanan niyo ko!

 

Me: Ok

 

“Ganda ng mata, parang nakagat lang ng ipis.” Bungad ni Minju, binaba pa talaga ang bintana ng kotse para asarin ako, “Joke lang. Cute ka pa rin kahit heartbroken. Chos!” Sinimangutan ko lang siya at pumasok na ng kotse.

 

“Alam mo kung mang-aasar ka lang sana di mo na ako isinama.” Kunwareng seryoso kong sabi. Sa totoo lang, okay na rin na hindi nila ako tinatrato ni Ning as someone who would break at any given moment.

 

Tinapik niya ako, “Ikaw naman, I’m just trying to lighten up your mood.” May kinuha siya sa cup holder, “Ito oh. I bought you one pa nga to cheer you up.”

 

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang inumin.

 

Choco milk.

 

Nangati ang ilong ko at unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Nag-alala si Minju at parang hindi alam ang gagawin, “Huy bakit? Ayaw mo ba? Anong meron?”

 

Binawi niya yung choco milk at binuksan ang bintana ng kotse, inabot dun sa batang palaboy yung inumin, “Ito sayo na lang, totoy!” Masayang kinuha ito nung bata.

 

Para pa rin akong tuod sa kinakaupuan ko.

 

Tangina lang.

 

Pati ba naman yung makakakita ako ng choco milk eh iiyakan ko na? Ganito ba talaga kapag nakikipag hiwalay?! Kasi kung oo, at kung matagal akong magiging ganito, parang ang hirap pala.

 

“Okay, noted. Walang choco milk.” May pagka apologetic sa tingin niya, “Sorry, Win.”

 

I simply just gave her a smile, “Okay lang.. Sorry ang drama ko.” Umayos na ako ng upo, “Uhm, ano pala, sasama raw si Ning. Okay lang ba?” Pag-iiba ko ng usapan.

 

Thankfully ay hindi na nagtanong pa si Minju sa nangyari kaninang pagdadrama ko. She just merely nodded, “Sure! The more the merrier.” She continued driving habang ginagabayan ko sa daan papunta kila Ning.

 

“Excited ka na ba sa graduation tomorrow? Eh di sobrang excited nila Tito and Tita?” Patingin-tingin siya sa akin, trying to gauge my reaction.

 

“Uhm.. oo, excited sila.” Plantsado na nga ang damit ni Papa. Tas si Mama naman eh dalawang dress pa ang pinagpipilian para naman maganda raw siya. Ganon din si Yuna, mas atat pa kaysa sakin.

 

Excited ba ako? Hindi. Kasi yung taong pinakagusto kong makakita ng achievements ko, wala na. Pero kung magiging tapat ako sa sarili ko, mas okay siguro kung hindi ko siya makikita bukas.

 

Pupunta ba siya? Sana hindi.

 

Dahil baka pag nakita ko si Karina, umiyak lang ulit ako nang walang humpay. And who knows, baka magmakaawa nanaman ako. Wala naman magbabago kahit makita pa namin ang isa’t isa sa ngayon.

 

Tinignan ko si Minju, “Ikaw ba? Uuwi ba si Chaewon?”

 

Pansin ang pagkatuwa niya sa mention ng girlfriend, “Yes, uuwi siya for my grad. Gusto pa ngang i-surprise, kaso nadulas si Daddy sa akin kagabi when I was talking on the phone with him.”

 

Matipid lang ang ngiti ko. I feel bad dahil gusto kong matuwa at maging excited para kay Minju, kaso ang hirap din itago ng bitterness, “Buti naman makakauwi siya..” Sagot ko na lang.

 

Kung naiinggit man ako, hindi ko na lang pinahalata.

 

Nakarating na kami kila Ning, “Ako na bababa para kumatok.” Paalam ko kay Minju saglit.

 

Sakto namang pagbaba ko ng kotse ang paglabas niya sa bahay nila. Kasunod niya si Yujin, “Win! Sama raw si Yujin!” Napatigil ako. Normally, okay lang naman. Pero… what if magkwento ito kay Karina?

 

Hays.

 

Masyado akong nagooverthink.

 

“Sige tara.” Nginitian ko si Yujin na nakatingin sa akin. Ang unusual ng behavior niya towards me. Kadalasan magjojoke kaagad ito pero ngayon eh parang nag-iingat siya.

 

Hindi ko naman masisisi dahil baka ayaw lang niyang guluhin ako bilang kakagaling nga lang sa breakup.

 

“Hi Winter.”

 

Sinimangutan ko lang ito, “Hi Winter ka diyan.” Pumasok na ulit ako sa kotse at hinarap si Minju, “Sama raw si Yujin.” Sabi ko rito.

 

Nilingon niya yung dalawang pumasok sa back seat, “Hey, Ning.” She smiled sweetly sa friend ko, “Hoy Yujin, kapal mo naman. Sumama ka pa talaga.” Sabi niya naman dun sa isa.

 

“Si Ning kasi, pinilit ako.” Natawa naman ako sa pagkakahigit ni Ning sa buhok ng katabi. Narealize ko tuloy na rare occassion na lang yata ang pagtawa ko at kahit ako mismo ay na-miss ito.

 

On the way sa SM eh ang daming chika ni Yujin. Pero okay lang, at least hindi ko na kailangan mag ambag masyado sa conversation. Wala rin naman akong ganang magsalita.

 

“As I was saying..” Sabi ni Yujin, though hindi ko alam kung anong sinasabi niya kanina, “Congrats sa inyong tatlo. Sana all makaka grad. Next year kami naman ni Karina.” Humagikgik siya.

 

Napa-tikom na lang ako ng bibig. Si Ning naririnig kong pinapagalitan si Yujin sa likod, at si Minju naman ay maya’t maya ako binibigyan ng worried glances.

 

Medyo nakaka fed up.

 

Tahimik na kami hanggang makarating sa mall. Tanging yung tunog lang sa radyo ang nag-aalis ng awkwardness sa paligid.

 

Bakit ba feeling ko, feeling nila eh maghyhysterical ako kapag nabanggit ang pangalan ni Karina? Hays. Dapat talaga nag-volunteer na lang akong pumasok sa office ngayon eh.

 

Sabay maglakad si Yujin at Minju habang sinabayan ko naman si Ning sa paglalakad papasok ng mall.

 

“Sorry kay Yujin. Pasmado talaga bibig non.” Paumanhin ng kaibigan ko.

 

Binalewala ko lang ito, “Okay lang yun, ano ka ba. Mababanggit at mababanggit naman talaga siya sa mga usapan.” Ayoko naman maramdaman nila na they have to act like Karina doesn’t exist kapag nandiyan ako.

 

“Tinext pala ako ni Giselle.” I added, “Nangangamusta. Nakwento kong hiwalay na kami.. Nagsabi kasi na kitain ko raw siya sa Manila kasama ni Karina.”

 

“Ahh.. For sure nagulat yun. Nalungkot din.” Cool na sagot ni Ning.

 

Minsan iniisip ko kung kamusta na ba silang dalawa ni Giselle… Ang huli kong balita eh talagang wala na silang communication. Okay rin naman si Ning at hindi na niya nababanggit.

 

Nahirapan kaya siyang maka move on? Si Giselle kaya?

 

“Ning! Samahan mo kong tumingin ng shoes sa second floor.” Hinila ni Yujin ang kaibigan ko. Kami raw ni Minju ang magsama sa pagtingin ng make up at magtext na lang kami mamaya kung nasan kami.

 

Tumango na lang ako at wala naman akong pakialam kung kanino pa ako sumama.

 

“Halika, mag shopping tayo ng make-up.” Katulad ng ginawa ni Yujin kay Ning eh hinila rin ako ni Minju papunta dun sa make-up section, “Ikaw pag-practisan ko.”

 

I shrugged, “Go lang.” Anything that will keep my mind occupied, I’ll take.

 

Kung ano anong pinagta-try na make-up sa akin ni Minju. Hinahayaan ko lang naman siya at parang napaka passionate niya sa ganitong bagay.

 

She took a photo of me, “Ayan! Ganda. Post ko sa IG story tas i-tag kita ha. Ano nga ulit @ mo? Nalimutan ko.” Busy siya sa pagtatype ng kung ano mang caption sa phone.

 

“Hindi ko na ginagamit masyado yung social media ko eh..” Pag amin ako.

 

Since maghiwalay kami ni Karina eh wala na rin talaga akong ganang mag story ng kung ano ano. Siya lang din naman ang laman ng stories at posts ko before dahil hindi naman talaga ako mahilig dito.

 

Ngayong hindi na kami, nawalan na ulit ako ng gana at hilig dito.

 

“Question lang.” Binulsa niya na ang cellphone, “Binlock niyo ba isa’t isa?”

 

Kumunot ang noo ko, “Wala naman ganon. I mean.. hindi ko naman siya binlock o kung ano man. Parang ang petty lang din.” Ngayong iniisip ko na… “Binlock niya kaya ako?”

 

“Nah I don’t think she’s that kind of a person who would do that.” Tama naman siya. Hindi naman ganon si Karina. “Pipila muna ako. Line’s a bit long so you can go take a pee muna. May CR yata sa second floor nitong Department Store.”

 

Iniwan ko siya saglit para mag CR.

 

On the way papunta sa banyo ay parang gusto ko biglang i-check ang Facebook at Instagram ko para lang makita kung binlock ba ako ni Karina o hindi…

 

Nagcocontemplate ako.

 

Kaso what’s the use kung malaman ko? As if naman may mababago sa nangyari. Wag na lang siguro. Medyo confident naman ako na hindi niya ginawa yun.  

 

Pumasok ako sa banyo, walang tao dito, ako lang. Pagpasok ko sa cubicle ay narinig ko ang malakas na bunganga ni Yujin pati na rin ni Ning.

 

“Ay ang saya walang tao. Makakapag retouch nang maayos.” Rinig kong sabi ng kaibigan ko.

 

Lalabas na sana ako after kong umihi nang magsalita ulit si Ning direkta kay Yujin, “Kamusa raw si Karina dun sa Manila? May balita ka ba galing kay Yunjin?” Malumanay ang boses niya.

 

Napalunok ako. Hindi muna ako lumabas dahil inaantay ko rin ang sagot ni Yujin. Wala naman sigurong masamang malaman kung kamusta ang lagay ng… ex-girlfriend ko.

 

“Ayun, syempre lugmok din daw. Panay ang trabaho. Nafifeel bad nga ako eh. Isipin mo, kakagaling lang sa breakup pero walang ibang choice si bakla kundi i-set aside yung lungkot niya kasi alam mo yon? Wala siyang time for that.”

 

Naramdaman ko ang pag kirot ng puso ko.

 

Ning let out a heavy sigh, “For sure hindi niya naman ginusto yung nangyari.. Ano ba yan, nalulungkot ako para sa kanilang dalawa.”

 

“Kaya nga eh. Itong si Karina balita ko nagkakasakit pa. Hindi halos maalagaan ang sarili kakatrabaho. Gago kasi nung tatay eh.” Dagdag pa ni Yujin, “Kaya alam mo, kahit pano gets ko rin bakit siya nakipag hiwalay. Sarili nga niya di niya maintindi.”

 

May tumulong luha sa mata ko nang hindi ko namamalayan. But I quickly wiped it away at kinalma ang sarili, trying to erase the thoughts of Karina na nagkakasakit at nahihirapan.

 

“Tara na, text mo na yung dalawa. Meryenda kamo tayo.” Nag antay pa ako ng isang minuto bago lumabas sa cubicle at bumaba na papunta kay Minju.

 

Magkakasama na sila sa may entrance ng Department Store nang makarating ako dito. Ngumiti ako, not letting them notice na nawala ako sa mood, “San tayo?”

 

“Kain tayo ng meryenda sa Max’s. I’m kinda craving.” Sagot ni Minju sa akin, “My treat. Since sinamahan niyo ako.” Mabilis naman pumayag yung dalawa pa namin kasama.

 

Umatake nanaman ang pagiging madrama ko nang sumakay kami sa escalator. Naalala ko kasi na palaging pumupunta si Karina sa likod ko tapos ipapaikot yung kamay niya sa aking bewang.

 

Tapos mahihiya ako kasi PDA, pero wala siyang pakialam.

 

“I like holding you like this.”

 

“Para alam nila na you’re taken by me.”

 

“You fit perfectly in my arms, baby.”

 

Tumingala ako nang bahagya para mapigilan yung luha ko nanaman. Nakakapagod umiyak nang umiyak, parang part na kasi ito ng lifestyle ko lately.

 

Dumagdag pa itong si Minju na kausap ang jowa ngayon. Sa sobrang sweet niya sa mga sinasabi, parang gusto ko na lang tumalon ng escalator. Tapos si Ning at Yujin, bulungan nang bulungan.

 

Sa mga ganitong moments, mas nami-miss ko si Karina. Bakit kasi niya ako kailangang hiwalay— Hays. Tama ba na may inis at galit akong nararamdaman minsan? Normal ba ‘to sa anger stage?

 

“For four po, Miss.” Nakarating na kami sa Max’s. Medyo maraming tao dahil Friday pero may naupuan naman kami.

 

“Order whatever you want. Go lang. Pero dapat mas maraming order si Winter.” Kumindat siya sa akin, “Ya know, pag daw broken hearted, nakakabawas ng stress ang pag kain.”

 

Talaga ba?

 

Natawa naman ako, “Sige ha.” Pag sakay ko naman sa sinabi niya. Di ko naman itatanggi na broken hearted ako kasi totoo naman.

 

“Parang gusto ko ng crispy pata at sinigang na hipon.” Seryoso ba itong si Yujin? Alas tres ng hapon, ‘yun ang oorderin?

 

Kinurot tuloy siya ni Ning sa tagiliran, “Meryenda, teh! Ano’t magsi-sinigang ka diyan?” Kinuha niya sa katabi yung menu, “Ito may menu sila for meryenda. Pili na lang tayo then desserts siguro for Winter.”

 

Masyado naman akong bine-baby ng mga ito. Natatawa na lang din si Minju at hinahayaan na lang kaming mamili ng pagkain.

 

Kahit pano eh nabawasan yung pagka-panget ng mood ko dahil sa narinig ko kanina sa banyo. Though hindi naman nawawala yung lingering feeling when I think about Karina. Matagal tagal itong mawawala.

 

Or baka hindi? Malay ko.

 

"Babe, I'll go lang sa CR."

 

Teka.

 

Boses ba ni Giselle yon?

 

Lumingon ako sa kanan—siya nga. Kasama si Somi. Tama ba ako ng pagkakarinig? Tinawag niya si Somi na "Babe"?

 

"Giselle?" I called her. Nagtinginan si Yujin at Minju sa kanya, samantalang si Ning ay naka tingin lang sa kamay niya habang nilalaro ang tissue sa mesa. Mukhang alam naman niyang si Giselle nga 'yon nang marinig din ang boses nito.

 

May gulat sa expression ni Gi, "Winter." Then tinignan niya ang mga kasama ko, "Hey.. guys." Nakamasid siya sa likod ni Ning. Si Somi naman ay maluwag ang pagkakangiti sa amin at nag "Hello" din ito.

 

Tumayo ako, "Samahan kita sa CR." Umangat ang ulo ni Ning at pinandilatan ako. Malamang eh na-sense niya yung inis sa boses ko.

 

Bakit ba?

 

Gusto ko lang makausap si Giselle. Sabi niya kasi dati wala lang sila ni Somi pero bakit ngayon parang sila na... Naiinis ako.

 

"Okay, fine. Let's go." We walked in silence papunta sa banyo ng Max's. She looked at me through the mirror, "You look mad."

 

Tinabihan ko siya sa may sink, tumingin pabalik sa salamin, "Akala ko ba friends lang kayo nun? Hindi naman sa nangingialam ako pero.."

 

"Pero? You're still hoping na magbabalikan kami ni Ning?"

 

I nodded gently, "Oo.. Bakit ang bilis naman, Gi? Hindi mo na ba mahal si Ning?" Hindi ko rin alam bakit ako sobrang affected. Dahil ba sa naging breakup namin ni Karina? Nagagalit ba ako kasi baka one day, mangyari rin na makahanap siya ng iba?

 

Halo-halo nanaman ang emosyon ko.

 

Again, dapat talaga hindi na ako lumalabas ng bahay.

 

"Winter.." She reached for my hand, "I will always care for Ning.. And I will always regret not working it out with her because I did love her. A lot." Napatigil siya at humugot saglit ng hininga, "I asked her for another chance. Did she tell you that? After nung feb fair.. I—uhh, I asked again."

 

Gulat na napatingin ako sa kanya. Hindi nga ito nabanggit ni Ning before. Bakit hindi niya pinagbigyan si Giselle?

 

"I'm guessing she didn't." Tumango ako, "But I get kung bakit siya humindi. She said if we weren't on the same page now, then it would be hard for us to work it out in the future. And she didn't want to risk it. Especially when it's possible na bumalik ako sa Japan."

 

Wala na akong ibang nasabi kung hindi "Okay" na lang. After all, desisyon naman nila 'yon. Masyado lang siguro talaga akong nag hold on sa fact na baka sa susunod, pwede pa.

 

Niyakap ako ni Giselle nang hindi ko inaasahan, "Don't think everyone will be like me and Ning, though. If you know what I mean."

 

Ah...

 

"Sige na, mag CR ka na. Sorry bigla na lang kinorner dito." I cringed sa ginawa ko. Para kasing nagmukhang ako yung hindi maka move on sa relationship nila.

 

I guess nakadagdag lang din yung nangyari sa amin ni Karina. Tumawa siya, "Go na. Ning and I are okay." Sabi niya before ako makaalis sa loob.

 

Bumalik na ulit ako sa table namin. May mga nakahain na drinks pero hindi pa kompleto ang order. Napansin ko rin na naka-paikot ang kamay ni Yujin sa likod ng seat ni Ning pero hindi na muna ako nag comment tungkol dito.

 

Maya-maya ay nakabalik na rin si Giselle sa table katapat namin. I noticed her giving Ning a soft smile bago mag-focus ulit kay Somi.

 

"Anong oras graduation niyo bukas?" Tanong ni Yujin.

 

"4pm. But I feel like it's gonna be later than that. At least hindi ganon ka-init." Sagot naman ni Minju sa kanya.

 

Nag-volunteer itong si Yujin na maging photographer daw namin kasama si Hyewon. Magma-martsa din kay si Yeji at Yunjin.

 

Pupunta kaya si Karina...?

 

Kung pumunta man siya, may part sa akin ang ayaw siyang makita dahil baka maging awkward lang. Pero kung magkita man kami... Ah ewan, hindi ko rin alam talaga. Tingin ko may possibility na maiyak na lang ako nang wala sa oras.

 

Umuwi na rin kami sa LB kaagad matapos namin kumain sa Max's. Si Yujin ang pinaupo ko sa tabi ni Minju habang tumabi naman ako sa likod para kausapin si Ning.

 

Tinaasan niya ako ng kilay, "Problema mo diyan?"

 

"Sama ka sa bahay."

 

Umirap siya at mahinang nagbuntong hininga, "Parang alam ko na yang pag-uusapan natin. Pwede bang move on na teh?"

 

"Ehh.." Ungot ko, "Gusto ko lang magtanong."

 

"Tsk. Oo na."

 

Lumingon si Yujin samin, "Okay ka lang, Ning?" Naweirduhan kami pareho ni Minju sa tono nung isa at parang napaka genuine ng pagtatanong niya sa kaibigan ko.

 

Namula si Ning sa tabi ko, "Oo naman. Ano ka ba." May tigas sa kanyang tono, as if pinagsasabihan si Yujin na wag umakto ng ganon sa harap namin.

 

Ngumiti lang na parang bata ito, "Oki."

 

Pumalanghit ng tawa si Minju sa driver's seat, "Mukha kang tanga, Yujin." Hindi rin siguro sanay na ganon ang kaibigan niya.

 

Medyo traffic pauwi kaya naabutan namin ang sunset sa daan.

 

And sunsets make me think of Karina.

 

Everything makes me think of her.

 

My eyes landed doon sa bracelet na binigay niya na hindi ko pa rin magawa-gawang hubarin for some reason. Siguro dahil sabi niya she'll always come back to me nang ibigay niya sa akin ito.

 

I should probably take it off.

 

Soon...

 

"Saan ko kayo ibababa, guys? May pupuntahan pa ba kayo?" Rinig kong tanong ni Minju sa driver's seat. Nakatulog ako, nasa crossing na pala kami ng Los Baños.

 

Nag-unat ako saglit bago magsalita, "Samin bababa si Ning, Minju.."

 

"Ning! Sabi ko date tayo sa isawan eh!" Maingay na reklamo nung isa. Hay nako. May gusto ba talaga ito kay Ning? Akala ko kasi dati parang tinitrip lang niya ang kaibigan ko.

 

Sa loob ng maraming buwan eh hindi naman siya nag make ng move.

 

"Next week na lang, Yuj. Wag kang clingy diyan." Tiklop ang bibig ni Yujin sa sinabi ni Ning. Natatawa naman ako. Si Ning lang pala ang makakapagpatahimik dito sa maingay na babaeng 'to.

 

Nauna na kaming hinatid ni Minju, "Bye guys! Thanks, Win. Text ka ha." Mariin niyang sabi. Oo na lang ako at hindi naman magpapatalo ito. Worried din naman kasi.

 

"Ning. Hug mo ko." Mahinang sabi ni Yujin na bumaba pa talaga para makapagpaalam sa amin. Or mukhang kay Ning lang pala.

 

"Umayos ka nga! Sige na, kita na lang tayo bukas tsaka next week." Parang nahihiya pa si Ning sa akin dahil ang sama na ng tingin ko kay Yujin.

 

Ngumuso ito at nanghihinang bumalik sa kotse, "Oki." Umalis na sina Minju at naiwan kami ni Ning dito sa labas ng bahay.

 

"Dapat hinug mo na eh." Mapang-asar kong banggit, "Parang mamamatay kapag hindi nakatanggap ng yakap sayo." Binuksan ko na yung gate para sa aming dalawa.

 

Walang tao sa terrace kaya kumuha ako ng upuan para dito kami makapag kwentuhan ni Ning. Pinagtimpla ko na rin kami pareho ng kape. We settled after a few minutes. Kuliglig lang ang tanging naririnig namin at ang faint noise sa labas ng bahay.

 

I took a sip bago mag-umpisang intrigahin siya, "Nanghingi pala sayo ng chance si Giselle eh. Nabanggit lang niya kanina."

 

"Hay nako. Sabi ko sa kanya wag sabihin sayo eh." Patawa-tawa siya, "Oo, nanghingi siya. Mga two weeks after nung Feb Fair. Tanda mo nung nakasalubong natin siya that night?"

 

"Ahh, nung Valentine's?" Tandang tanda ko ito dahil yun din yung same night na hindi nakarating si Karina sa date namin.

 

Tumango lang si Ning, "Oo. Ayun.. I guess mandatory yata sa exes ang manghingi ng another chance. Especially when love wasn't the problem of the breakup."

 

"Bakit hindi mo binigyan? Akala ko mahal mo pa siya.." Inassume ko lang naman. Wala naman sigurong nakaka-move on kaagad nang ganon ganon na lang.

 

"Oo naman. Tinanong ko naman siya anong plano niya eh." Napunta ang pansin niya dun sa kape na kanina pa niya tinititigan. She was thinking deeply sa topic namin, "In the end ganon pa rin. Wala namang nabago, Win. Mataas pa rin ang pangarap niya and I don't see myself na mag-aadjust nang sobra."

 

I furrowed my brows, "Pero ganon na lang ba yon? Okay lang sayo na.. na si Somi na yung gusto niya ngayon? Ambilis naman yata. Tapos ikaw parang may something na rin kayo ni Yujin." Medyo tumataas ang boses ko.

 

I didn't mean to, pero deep inside, natatakot akong baka ganon rin kabilis makahanap si Karina ng iba. Kung maghahanap siya ng iba.

 

Naluluha ako pero hindi ko pinahalata kay Ning.

 

Although mukhang nabasa naman niya ang tono at pananalita ko, "Winter. Hindi naman porket ganito yung kinahinatnan namin ni Giselle eh ganon na rin yung mangyayari sa inyo ni Karina. Wag mong isipin na all of a sudden makakahanap kayo pareho ng iba. Hindi ganon yun."

 

Hindi ba?

 

Paano kung ganon nga?

 

Hindi naman ako umaasa at hindi ko naman iniisip na magkabalikan kami dahil tingin ko ay hindi 'yon mangyayari sa ngayon. Pero yung thought lang na makikita ko siyang may kasamang iba na hindi ako... May ibang tinatawag na 'Babe'...

 

Ang hirap.

 

"Pero posible yun, Ning. Hindi ko maaalis sa sarili ko na hindi isipin yun." At siguro parte din ng moving on yung pagtanggap sa possibility na hindi talaga kami para sa isa't isa. Katulad ni Ning at Giselle.

 

Pinaikot ni Ning ang kamay niya sa balikat ko para umakbay, "Nag-break kami ni Gi kasi she had her own plans. Iniisip niya ang sarili niya. And that's okay, but I just didn't see myself na kasama siyang tuparin lahat yon. Whereas.."

 

She paused before expressing, "Naghiwalay kayo ni Karina kasi ikaw rin ang iniisip niya, Win."

 

"K-Kung ako ang iniisip niya, bakit ang sakit pa rin? Kahit naiintindihan ko naman, gusto ko pa rin magalit sa kanya kasi iniwan niya ako?" Hinayaan ko na lang na lumuha ako sa tabi ni Ning. Promise, last na muna ito.

 

"Eh wala namang madali at hindi masakit na breakup.."

 

Sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya, "Kung gusto mong magalit sa kanya sa ngayon, magalit ka. Wala naman masama don. It's a process, sabi nga nila. You feel a lot of things all at the same time. Kaya kahit ayaw mong magalit, nagagalit ka. Ganon talaga, nasaktan ka eh. That's okay. Give yourself time to feel the pain."

 

Halos tumulo na ang sipon ko sa damit ni Ning sa lakas ng pag hikbi ko sa kanya. After kasi ng naging hiwalayan namin ni Karina, ngayon na lang ulit ako nakapaglabas ng ganitong feelings aside dun sa magpunta si Ning last week sa bahay.

 

Lagi ko lang sinasarili, at lagi lang akong umiiyak nang patago.

 

"Masama ba ako kung sasabihin kong ayaw ko siyang makita?" I snifled, "Kasi kapag nakita ko siya, gugustuhin ko lang siyang yakapin.. tapos sigawan at sumbatan dahil iniwan niya ako. Tapos magsosorry ako kasi nagagalit ako kahit alam ko namang may rason siya sa ginawa niya. Hindi ko na alam, Ning."

 

Sa ginagawa kong pag-iyak ngayon, posible kayang ganito rin ang ginagawa ni Karina ngayon? Umiiyak? Malungkot? Galit?

 

"Hindi ka masamang tao for feeling normal things like that. Ano ka ba, Winter. Siguro dramatic ka sa paningin mo, pero normal lang naman yan. Ganyan din kaya ako! Mas malala pa nga!" Natawa siya.

 

I looked at her at ngumiti, "Talaga?"

 

She smiled back sa akin, "Oo nga. Kaya kung ano man nararamdaman mo, hayaan mo lang yung sarili mo. At kung coping mechanism mo ang magtrabaho nang magtrabaho, okay lang din. Pero wag mong kakalimutan na nandito kami—ako. Kahit ako na lang, para may masandalan ka lang."

 

I nodded gently, "Thank you, Ning.."

 

"You'll be fine.. Gasgas man itong saying na 'to, pero totoo naman na time heals." Inayos niya yung sala-salabit kong buhok, "Wag ka nang umiyak. Graduation bukas, baka panget ka sa picture beh. Dapat pag nakita ka ni Karina sa photos, maganda ka."

 

Napalakas ang tawa ko, "Baliw."

 

Tinapos na namin ang usapang Karina bago pa ako maglupasay dito sa terrace kakaiyak. Instead, nagkwento siya ng about sa pagiging extra friendly ni Yujin.

 

She seemed jolly and happy habang nagkekwento kaya hinayaan ko lang.

 

Nang mahiga na ako sa kama bago matulog, tinitigan ko yung bracelet na bigay sa akin ni Karina. It took all of me para hubarin ito at ibalik dun sa box na pinag-lagyan.

 

"I'll always come back to you."

 

Maybe always doesn't mean a lifetime.

 

 

 

 

 

 

Apat na linggo na.

 

One month.

 

Isang buwan na simula nang maghiwalay kami ni Karina.

 

Siguro nitong last two weeks after graduation, masasabi kong I completely isolated from everything na makakapagpaalala sa akin kay Karina.

 

Ito rin yung weeks na halos ginugugol ko ang sarili ko lalo sa pagtatrabaho. Kinukuha ko pa rin ang lahat ng field works, at nagvovolunteer mag OT kapag kailangan. Yung tipong uuwi na lang ako para matulog.

 

Napapansin ko yung concerned looks sa akin ni Ma'am Ria minsan kahit pa nga palagi nila akong pinupuri ni Ma'am Dani sa pagiging masipag ko sa trabaho.

 

At least may bago sa akin.

 

Yung buhok kong light brown. Nagpakulay kasi ako nung mismong morning before graduation. Spontaneous lang. Balak ko pa nga sanang magpagupit pero mas bagay daw sa akin ang long hair sabi nung tao dun sa parlor.

 

"Grabe, ito yata pinaka-nakakapagod na field work, noh?" Hinihingal na sabi ni Renjun. Siya ang kasama ko ngayon sa Zamboanga pati na rin si Cess. Katulad ko eh masipag rin mag field si Renjun kaya lagi ko siyang nakakasama.

 

"Oo nga eh. Satisfying naman kasi sobrang responsive ng community." I replied, "Sayang hindi nakasama si Ma'am Ria. Bakit pala lagi siyang wala sa office lately?"

 

Si Cess naman ang sumagot, "Balita ko tinanggap niya yung petition section sa Eng10 next sem. Kasi diba, wala na si Rufino? Kaya kinontak ng faculty si Ma'am."

 

Eng10.

 

Yung.. binagsak ni Karina na subject kaya hindi siya naka-graduate.

 

“Ahh, okay. Balita ko nga ang daming hindi naka graduate dahil kay Rufino. Hopefully si Ma’am Ria yung kunin nilang Prof para sure pass. Ang bait kaya ni Ma’am.” Tugon ni Renjun.

 

Kukunin kaya ni Karina yung subject this coming sem?

 

Okay, Winter. It’s none of your business! Wag mo nang isipin. Bawal.

 

Nakarating na kami sa may lounge area ng hotel na pinagsstayan namin. Tumambay na lang muna kami dito dahil may free food at mamaya pa naman kami mag-eencode ng data from the field.

 

Naalala ko bigla yung about sa meeting last week, “Ano yung sinasabi nila Sir G na may makakasama tayo sa office saglit? Isang Engineer at Arki daw.” Taka kong tanong, “I mean, para saan?”

 

As far as I know, hindi naman nila sakop yung work namin. Though may natatandaan nga akong binanggit ni Ma’am Ria before na may mga makakasama kaming ganon, I just didn't know what for.

 

“Ay, oo. Tanda mo yung field work mo nung second week? Yung sa Isabela pa rin? May pinapagawang building don yung DOE eh. For the community yata.” Ahh.. Oo nga pala. “Isabela based yata yung Engineer. Yung Arki is from Diliman, I think. Sasama sa office natin for a time being."

 

Yung building yung pang suhol nung government agency dun sa mga tao para makapag-operate sila ng mining doon sa lugar.

 

Naalala ko tuloy si Olivia. Nagtext nga pala siya sa akin before about that. Hindi ko naman pinansin masyado dahil wala ako sa wisyo ng mga panahong ‘yon.

 

Nag-text din siya sa akin two weeks ago nung graduation, congratulating me. Nangamusta na rin but again, wala pa rin ako sa wisyo na makipag usap kung kani-kanino that time.

 

In fact, iniwasan ko rin makipag picture picture kina Yunjin noon at sa ibang friends ni Karina. Kay Ning at Giselle lang ako nakapagpakuha ng litrato, pati na rin kay Minju at sa workmates ko.

 

Okay na rin yun. Naiintindihan naman siguro nila Yunjin kung bakit ilag ako sa kanila.

 

“Kailan daw yun? Sa Elbi magbe-base?” Matanong nga si Olivia about dito.

 

Renjun shrugged, “Sa November yata, not sure gaano katagal. Since tayo yung nagfifield madalas, sasama rin yata siya, or sila if marami. Sana isa lang, nakakatamad mag adjust nanaman sa bagong tao.”

 

Natawa kami pareho ni Cess sa sinabi ni Renjun. Parang ako rin kasi ito eh, walang energy masyado na makakilala ng iba. Pero in fairness sa field works, mas comfortable na talaga akong kumausap ng iba’t ibang klase ng tao.

 

Hindi ko pinagsisisihan na ito yung kinuha kong work sa unang taon ko.

 

“Taas na tayo sa room, magdala na lang tayo ng food. Gusto ko nang mag encode para makapagpahinga na.” Cess suggested.

 

Tumayo na kaming tatlo para

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 649 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance