Part 3

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Ilang araw rin kaming hindi nag usap ni Karina dahil sa nangyari dun sa 101.

 

Nag-sorry din naman ako kaagad sa kanya nung gabing 'yon at kahit naman siya ay nanghingi rin ng pasensya sa inakto niya. Ayoko pa man din sa lahat yung lulunukin ang pride, pero para kay Karina, okay lang.

 

Basta para kay Karina, okay lang. Lagi naman ganon.

 

Kaya lang, nagiging madalas na yung pagtatalo namin dahil lagi akong gumagawa ng excuses sa mama niya tuwing tatanungin kung nasaan ang kanyang anak. 

 

Hindi raw kasi ito nagtetext sa kanila ni Tito minsan. Pinagsasabihan ko ang best friend ko about dito pero as usual, minamasama niya ito.

 

Napapadalas na kasi ang paglabas niya kasama ang orgmates pati na rin ni Yeji.

 

Hindi naman ako nangingialam sa gusto niya sa buhay basta ba't aayusin niya yung acads para hindi magalit ang parents niya, pero parang napapabayaan kasi.

 

Ang masama nito, parang wala lang sa kanya.

 

Matatapos na ang sem pero delikado yata ang iba niyang grades. Hindi naman siya lumalapit sa akin para magpatulong. Hindi na nga kami masyadong nagkikita.

 

Dumagdag pa yung pagtatalo nanaman namin nung isang araw.

 

"Bakit mo naman sinabi kina Mama na wala ako sa apartment kagabi, Winter?" Ngayon na nga lang kami ulit nagkasabay mag dinner sa store ni Mama, ganito pa ang bungad.

 

"Eh wala ka naman kasi talaga don. Ang hirap nang magsinungaling para sayo, Karina. Alam mo naman na ako lang napagtatanungan ng mama mo dito. Nakokonsensya ako." Pagpapaliwanag ko.

 

Ganito nanaman, parang kasalanan ko nanaman na ginawa ko ang tama porket napagalitan siya. Hindi na rin yata siya pinayagan kumuha ng mas malaking apartment dahil nga dito.

 

"Kahit na, pinagtakpan mo na lang sana ako." Pagpupumilit niya.

 

Nawawalan na ako ng ganang kumain. "Lagi na lang kasi, bes. Buti sana kung maayos grades mo eh mukhang may ibabagsak ka pa yata this sem. Bawas-bawasan mo kasi yung pagsama sa orgs mo."

 

"Hayaan mo na lang ako, Win. Masaya ako sa org pati sa pagsasayaw. Suportahan mo na lang ako. Please?" Binigyan niya ako ng usual niyang pa-cute na ngiti. Pero walang epekto ito sa akin ngayon.

 

Akala niya kasi laging masusunod ang lahat ng gusto niya. Sanay na sanay sa parents pati na rin sa akin.

 

"Ang hirap mong suportahan dahil nakikita kong hindi ka naman nagta-try, bes. Sabi mo dati hindi mo hahayaan na makasagabal yan sa acads mo pero parang wala ka nang pake ngayon." Nag-aalala kong sambit.

 

Hindi naman siya ganito nung high school. Tamad siyang mag-aral minsan pero hindi naman siya nagpapabaya. Ganon ba talaga ang epekto ng dala-dalawang orgs? Sabayan mo pa na may kaharutan siya.

 

Para kasing nag-iiba na si Karina.

 

Hindi na siya nagsalita at tumayo na lang. Akmang aalis siya nang pigilan ko, "San ka nanaman pupunta? May exam tayo bukas. Magre-review pa tayo, bes."

 

"Winter pwede ba?! Stop being such a Mom. Lagi na lang ganyan ang naririnig ko sayo. Hindi mo ako responsibilidad kaya hayaan mo na lang ako." Galit na sabi niya.

 

Alam kong kapag ganito siya, walang pwedeng makapagpabago ng isip niya.

 

Tumango na lang ako at hinayaan siyang umalis.

 

Miss na miss ko na si Karina.

 

Miss na miss ko na yung best friend ko.

 

"Matutunaw si bff sa ginagawa mong pag titig, classmate." Napa iwas ako bigla ng tingin sa likod ni Karina.

 

Lumipat nanaman siya ng seat sa 101 class pati na rin sa ibang subjects na magkaklase kami. "Bakit hindi ko na kayo nakikitang magkasama?" Pahabol niyang tanong.

 

Masyadong ma-intriga itong si Ning pero ayos lang, at least may kumakausap sakin kahit papaano. "Ah, wala lang. Busy lang siya." Kay Yeji, sa org, sa sayaw. Never sa akin.

 

"Kay Yeji?" Narinig ko yung mapanloko niyang tawa. Hindi ko na lang pinansin.

 

Nagtama ang mga mata namin ni Karina nang bumaling siya sa likod para may kuhanin sa bag. Nagkatitigan pa kami ng mga ilang segundo nang alisin niya na ang tingin sa akin. Bumabalik nanaman yung inis ko.

 

Ganito naman talaga kami kapag nag aaway kahit nung high school pa lang—pang matagalan.

 

Naiinis lang ako dahil para namang ang laki ng kasalanan ko dahil lang pinagsabihan ko siyang ayusin ang pag aaral niya. Masama ba yon? Masyado na ba akong overbearing?

 

Pero as usual, mukhang ako nanaman ang kailangan manuyo.

 

Minsan iniisip ko, mahalaga ba talaga ako sa kanya? Parang wala lang naman sa kanya na hindi kami nagpapansinan. Porket ba may mga bago na siyang kaibigan at nandiyan na si Yeji?

 

Kinalabit ako ni Ning, "Gusto mo bang mag lunch mamaya? Sabay na tayo."

 

Tumingin ako sa kanya at ngumiti, "Hindi ko pa sure eh.." Baka kasi sa mamahalin niya gusto, eh maliit lang ang budget ko.

 

"Sa Ken's. Shanghai at rice." Sabi niya, parang nabasa ang iniisip ko. Lumuwang ang ngiti ko bigla, nakalimutan kong halos pareho nga pala kami ng estado sa buhay. Pareho rin may daddy issues, sabi nga niya.

 

"Sige." Ngayon lang yata ako magla-lunch sa Ken's na hindi si Karina ang kasama. Siya lang din naman kasi ang nakakasama ko sa lahat ng bagay.

 

Natapos na ang klase at umaasa pa rin ako na makausap ang best friend ko para magkaayos na kami.

 

Nauna siyang lumabas, mukhang nagmamadali. Sumunod ako kaagad at nagpaantay saglit kay Ning. Baka sakaling pansinin na ako ni Karina. Isang linggo na rin kasi.

 

"Karina!" Malakas na tawag ko. Lumingon siya, halatang parang nagulat pa na sinundan ko siya.

 

"Babe!" Napatingin ako sa kaliwa—si Yeji. Mabilis ang lakad nito na lumapit kay Karina para bigyan ng halik sa pisngi. Parang biglang nabalisa si Karina pero hinarap din naman niya si Yeji para bigyan ng matamis na ngiti.

 

Babe? Sila na ba?

 

"Winter, tara na." Hinila ako ni Ning papalayo.

 

Napa-baling ulit ng tingin sa akin si Karina at hindi katulad ng mga nakaraang araw, may pag-aalala ang pagmamasid niya sa akin ngayon. At sa unang pagkakataon, ako ang unang umiwas ng tingin.

 

Kung sila na nga talaga, bakit hindi niya man lang sinabi sa akin? Sabi niya noon, ako ang una niyang pagsasabihan ng mga ganitong bagay. Hindi ba't best friends kami at sinasabi namin ang lahat sa isa't isa?

 

Hindi ko alam kung nasasaktan ako dahil hindi niya sinabi o dahil sa nalaman kong mag jowa na yata sila. Siguro pareho. Bahala na siya. Nakakapagod rin pala.

 

"Salamat, Ning." Biglang sabi ko habang naglalakad kami malapit kay Oble.

 

"Para san?"

 

Umiling ako, "Kasi niyaya mo akong mag lunch." Ang babaw ko yata.

 

Siguro kasi kung wala akong kasama ngayon, kung wala si Ning, baka dumerecho lang ako sa bahay at umiyak dahil sa nangyayari sa amin ni Karina.

 

Baka katulad niya, kailangan ko rin maghanap ng ibang taong makakasama.

 

"Wala yun. Mukhang may ibang kasabay si bff eh." Natawa ako nang mahina.

 

Nung nasa library pa lang ang dami na niyang mga comments na ganito. Pero surprisingly, hindi naman ako naiinis. "Oh, marunong ka palang tumawa. Tama yan!"

 

Napa poker face na ulit ako. Hindi ako sanay maging masaya. Joke. "Magkaklase rin tayo mamayang hapon, diba? Ikaw naman yayain ko ng dinner."

 

"Ay, sige! May hamsilog ba don?" Bigla kong naalala si Karina. Si Karina. Si Karina. Si Karina na naglalakad sa kabilang sidewalk kasabay si Yeji. Magka-holding hands sila. Parang pinipiga ang puso ko.

 

"Ah meron. Pero wag 'yon, hindi masarap." Binilisan ko ang lakad. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko na nakasunod ng tingin sa amin si Karina.

 

Wag kang lilingon, Winter! Kahit ngayon man lang, gusto kong mawalan ng pakialam katulad niya.

 

"Winter, wait! Ambilis mong maglakad!" Hinabol ako ni Ning at pinulupot ang kamay sa akin. Kumportable ako at hindi man lang nag flinch. Napangiti ako sa sarili.

 

Magaan din pala sa pakiramdam yung may ibang kaibigan.

 

 

 

 

 

 

"May kapatid ka rin sa LB National High School? Ako rin!" Medyo marami kaming napagke-kwentuhan ni Ning habang kumakain ng lunch. Naalala ko nung huli kaming magkausap ni Karina dito sa Ken's, puro Yeji lang naman ang nasabi niya.

 

Ang refreshing din pala kapag hindi lovelife ng best friend mong matagal mo nang gusto ang pinag-uusapan habang kumakain ng shanghai at rice.

 

"Oo. Si Yuna. Baka magkaklase sila ng kapatid mo. Pilot section din ba?" Napapatagal ang usapan namin. Nakaka-tatlong rice na yata si Ning. Ang lakas niyang kumain. Nakakatuwa.

 

"Pilot din! Ask mo kung kilala si Chaeryeong." Ang liit naman pala ng mundo.

 

"Sige tatanongin ko mamaya." Tumingin ako sa orasan, "Malapit nang mag 1pm. San next class mo?"

 

Hindi yata kami magkaklase sa next class. Si Karina ang kakalase ko don. Hay. Sana kaklase ko na lang din si Ning para naman hindi ako ma-distract masyado sa best friend ko at sa failing friendship namin.

 

"Sa CAS Annex 1 lang. San ka ba?" Buti pa siya, ang lapit lang.

 

"Sa EE Audi. Mag-aabang pa ako ng jeep pa-kaliwa. Punuan nanaman." Sagot ko.

 

Naikwento niya nung isang beses daw na late na siya sa klase niya sa EE Audi, sumakay siya sa jeep at napa-kandong na lang sa isang pasahero dahil desperada na siyang makaupo.

 

Medyo napalakas ang tawa ko sa kanyang kwento.

 

"Alam mo Winter, mas bagay sayo yung lagi kang tumatawa. Kaysa yung lungkot na lungkot kapag nakatingin kay BFF." Mapanukso niyang sabi. Bakit parang kung magsalita siya eh alam na alam niya yung nararamdaman ko? Ang galing naman nito.

 

Inisip ko tuloy, kung si Ning napapansin, bakit si Karina hindi?

 

"Baliw.. Tara na."

 

Pinauna ko na siya at maglalakad pa papuntang CAS. Nag-abang na rin agad ako ng jeep dahil alam kong matatagalan. Naka-sampung jeep na yata ang dumaan kaya hindi ko na talaga natiis at sumakay na kahit punong-puno dahil baka ma-late ako. May dalawang babae na bumaba kaya sana kumasya.

 

Sa sobrang siksikan, nasiko pa ako ng katabi ko sa tagiliran. Ang sakit, pucha naman. "Aray ko naman." Napatingin ako sa kaharap ko sa jeep dahil pansin ko sa peripheral na nakabaling ang pansin nila sakin.

 

Minsan talaga, ang malas malas natin, ano?

 

Masisiko ka na nga tapos yung kaharap mo pa eh yung mahal mong best friend na hindi ka pinapansin pati ang bago niyang jowa na araw-araw ay mukhang fresh.

 

"Hi, Winter!" Bati ni Yeji. Nakatingin lang si Karina sa akin, specifically sa tiyan kong nasiko ng katabi kong lalake.

 

"Uy, hello."

 

Inabot ko na yung bayad ko at agad dinala yung isa kong kamay sa may tagiliran. Ang sakit talaga. Nakakapang-leche naman 'tong lalakeng katabi ko. Hindi man lang nag sorry sa pagkakasiko niya sa akin.

 

Nakita kong napatingin si Yeji kay Karina, nagtataka siguro bakit walang imik. Pero tingin ko naman alam niya na may tampuhan kami nito. Diba ganon naman 'yun? Sinasabi lahat sa jowa? Bilang mag jowa nga sila.

 

Eh 'di sila na mag jowa.

 

Makirot pa rin. Kailan ba hindi?

 

Nagmadali ako pagbaba ng jeep dahil kailangan pang maglakad papunta sa building. Mauuna na sana ako nang tawagin nanaman ako ni Yeji, "Winter! Wait!" Ano nanaman ba?

 

Nilingon ko kaagad siya. "Bakit?"

 

"Same class naman kayong dalawa diba? Sabay na kayo. May pupuntahan ako sa CEAT. See you later, babe." Umiwas kaagad ako ng tingin nang hinalikan niya si Karina.

 

Tangina naman eh. Gusto ko lang matahimik ang puso ko kahit minsan.

 

Umalis na siya at naiwan kami ni Karina sa may tawiran. Para kaming tanga. Sobrang awkward. Para kaming hindi mag best friends ng ilang taon sa inaakto namin.

 

Wala sa loob na tumawid ako nang bigla niya akong hilahin pabalik.

 

"May jeep pa na dumadaan. Baka mabangga ka." Binitawan niya agad ako nang titigan ko yung kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Tara na." Dere-derecho siyang tumawid at sumunod na lang din ako.

 

Sobrang awkward ng katahimikan namin habang naglalakad papunta sa building kaya nagsalita ako bigla, "Kayo na pala?"

 

Napatigil siya bigla sa paglalakad at hinarap ako, "Ah, oo. Five days ago lang."

 

"Nice. Ang bilis ah. Good for you." Plastik kong sagot. Nabibitter pa rin ako na hindi niya nabanggit ito. Pero bakit nga naman niya sasabihin, eh kahit nga simpleng "Hi" hindi na niya magawang i-text sa akin.

 

"Sorry hindi ko nasabi." Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad at binagalan namin nang kaunti. "Hindi ko alam paano ka kakausapin eh."

 

Napa singhal ako, "Nag-chat ako nung isang araw. Nag-sorry ulit ako, Karina. Hindi ka sumagot. Akala ko ayaw mo pa rin akong kausapin."

 

. Kaya ayokong nara-rile up. Nagtutuloy-tuloy yung inis ko at halos lahat ng gusto kong sabihin, nasasabi ko. Baka ang ending nito ay mag away nanaman kami.

 

"Hindi ko napansin yung chat. Kanina ko lang nakita. Uhm, natabunan kasi nung chats ng GC sa orgs. Tas lagi ko pang kasama si Yeji.." Tangina. Ganon na ba ako ka walang kwenta sa kanya? Hindi napansin yung chat?

 

Parang ang bull naman.

 

Mas lalo pa tuloy akong nabwiset, "Naks. Porket ang dami nang friends at may jowa na, nakalimutan na ako." Pabiro kong sabi na may halong pagka-inis. Alam naman niya 'yun. Kilala niya ako kapag talagang masama ang loob ko.

 

At ngayon, ang sama sama ng loob ko sa kanya.

 

Nagbuntong-hininga siya, yung parang pagod na. Yung parang tinatamad na siyang makipagtalo nanaman. "Ano nanaman to, bes? Ano, bawal na rin akong magkaron ng friends? Bawal magsayaw, bawal na rin kumaibigan ng iba? Bawal magka-girlfriend? Bawal maging tamad?"

 

Ano nanaman ang sinasabi niya? Bakit ba lagi na lang niya akong nami-misinterpret? Ang akin, okay lang naman, pero para kasing nung nawalan siya ng pake sa acads, nawalan na rin ng pake sa akin.

 

"Kung pangaralan mo ako, wagas. Not because sinabi ni Mama na bantayan mo ko, doesn't mean lahat ng gagawin ko pupulisin mo! Ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
dumbbbfriday #1
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche #2
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche #3
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #4
Is there an English version of this story?
wintoee #5
Chapter 10: need ko ng assurance
dumbbbfriday #6
Chapter 28: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
seulreneislife #7
Chapter 5: ang ty na friend ni rina lol, di ko masasabi sa bestie ko pinagsasabi nya
seulreneislife #8
Chapter 3: Wait halfway palang ako sa pagbasa ng chap three pero GRRRRR KABANAS TALAGA UGALI NI RINA DITO😇 bilib din talaga ako kay winter, pati sa pride nya na almost non existent kung ako yan FO na HAHAHA tangina lang, alam kong level 1 palang tong nararamdamn ko dahil nagsisimula palang 🤺
omg ngayon ko lang nanotice almost 5k pala comments dito, i wonder if nagbabasa parin si author ng mga new comments
seulreneislife #9
Chapter 2: Challenge ko sa sarili ko magreread pero pakshet chap 2 palang di na kinakaya🧎‍♀️
rinagerie
11 streak #10
Chapter 4: rereading. naiiyak pa din talaga ako. grabe nakailang chapters palang naman ako 😭 kamiss masaktan