Part 26.5 (Part 1)

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

 

It’s the day of the internship.

 

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, honestly. Maybe because of the anxiety kung magiging okay ang internship namin for a month?

 

Or…

 

Because I’ll be rooming with Winter for that period of time?

 

Prior to this day, nagiging openly friendly na ulit siya sa akin. Napapansin ko na medyo nababawasan na yung awkwardness niya kapag kinakausap niya ako.

 

And that’s good.

 

I know she’s been trying to hide it, pero nakikita ko yung small victory smiles niya every time she sees na ginagamit ko yung blue tumbler na binigay niya sa akin on my birthday.

 

She even offered to help me sa aking paper but I quickly declined kahit pa nga may part sa akin na gusto rin siyang pag bigyan.

 

I just don’t think nasa ganong stage na kami just yet. But maybe soon? Who knows.

 

Then there was the Yellow Cab hangout with the internship team. Winter was extra bolder sa pagpapakita ng care sa akin that day which I highly appreciated.

 

 

Ang sikip sa backseat since apat kaming nakaupo dito. Medyo namamanhid yung bandang likuran ko from being squeezed.

 

I noticed Winter’s worried glances sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Until she whispered, “Upo ka nang maayos, Karina..” Agad siyang umisod paharap para lumuwag ang kinakaupuan ko.

 

It caught me off guard but at the same time, na-touch ako sa ginawa niya.

 

Her small efforts…

 

I notice them.

 

Pero dahil siya na ang halos hindi makaupo dahil sa pagpapaubaya, she almost lost her balance kaya hinawakan ko kaagad siya sa kanyang bewang.

 

I felt her bare skin because of her shirt riding up, “Kumapit ka kasi sa hawakan.” I told her. Inalis ko rin ang kamay ko kaagad. Geez…

 

When we got sa pizza place, napansin kong hindi umiimik si Winter at hinahayaan lang niya na yung mga kasama namin ang pumili.

 

It’s one thing about her.

 

Yung hindi siya masyadong opinionated and she just lets things be. But I also want her to feel comfortable sa presence naming lahat para makapag voice out din siya.

 

So I called for her, “Winter, ikaw may preferred ka bang flavor?” Evident sa mukha niya ang pagkagulat sa direct question ko.

 

Nonetheless, I noticed her teeny tiny smile she was trying to hide.

 

It made me soft and happy.

 

For some reason.

 

Anyway.

 

“Wala kahit ano.. Pero gusto ko yung ano..” Her brows furrowed.

 

Alam ko na kaagad kung ano ang gusto niya sabihin, “Charlie Chan?” I couldn’t help myself na sabihin. She used to tell me all the time back then na gusto niya itong i-try pero pricey daw kasi.

 

“Ayun.. Hehe.”

 

Natawa ako sa pagiging awkward niya by saying “Hehe” out loud. I immediately told the waiter to add what Winter wanted.

 

The team discussed some things about setting house rules. Pero sabi ni Ate Irene too early to do that daw.

 

Then nag suggest si Winter na magcheck na lang ng site photos. She was finally feeling comfortable to make suggestions sa amin kaya nag agree ako kaagad, “That’s a good idea, actually.”

 

Again, mukhang happy siya na nag agree ako sa kanya.

 

I don’t know why, pero it makes me happy too na yung mga ganong maliliit na bagay ay ikinakasaya niya.

 

Maybe she really does genuinely want us to be okay again…

 

The food arrived and I was struggling na makuha yung isang slice ng pizza. Winter probably noticed so she offered, “Ako na..” I let her get me a slice.

 

Months ago I would have declined kaagad. I would probably even give her a glare.

 

I like this progress.

 

Winter offered her Charlie Chan sa akin. Tatanggi dapat ako kasi nakakahiya but Yunjin had to speak for me, “Yeah, gusto niya. Right, Karina?”

 

I know that tone.

 

Nang-aasar siya.

 

I hit her leg under the table pero I made sure na walang nakapansin.

 

Ngumiti na lang din ako kay Winter and accepted her offer. Natatawa pa ako kasi asikasong asikaso siya sa pagkuha ng pasta for me at nilagyan niya ng maraming toppings.

 

It’s cute.

 

Wait.

 

No.

 

I ignored my thoughts. Medyo pinagalitan ko ang sarili for being too… easy? I guess.

 

Sinasabi ko sa sarili ko na I should still be guarded.

 

It didn’t help na nakita kong dumating si Minju kasama yung same girl na nakita kong kasama niya sa Danielito’s before.

 

Minju’s presence still irks me dahil she reminded me of what happened in Batangas. Although hindi naman niya kasalanan, her presence just brings back memories na hindi maganda.

 

Pero medyo napanatag ako when Winter didn’t seem fazed when Minju and the short girl greeted her.

 

Parang wala na lang sa kanya.

 

“Was that Minju?” I still asked kahit alam ko naman. I guess gusto ko lang ma-gauge yung reaction niya.

 

Yunjin pointed out that Winter seemed cool about it, “Okay naman ako. Dedma na.”

 

Napangiti ako, “That’s good.”

 

Nang makabalik na kami sa campus, Yunjin offered Winter na sumama sa amin.

 

Nag isip muna siya, I noticed na napapatingin siya sa akin, probably remembering na tinanggihan ko siya sa offer niyang help kanina.

 

“Uhm, hindi na.. Okay lang.” Tumungin siya sa akin, “Goodluck sa paper mo.”

 

Akala ko papayag siya. I wouldn’t mind naman… But I also know na hindi na siya pumayag kasi she’s trying to respect my space at para hindi maging pushy.

 

And I’m glad for that.

 

 

“Thinking about your roomie?” Yunjin asked from the driver’s seat.

 

I am, actually. But ayokong sabihin, “No. Just sleepy.” I chuckled but didn’t spare her a glance. Nakatingin lang ako outside the window.

 

On the way na kami sa QC. Hindi kami sumabay sa provided transpo ng company dahil gusto ng kaibigan ko na dalhin ang sarili niyang car.

 

“Liar.”

 

I rolled my eyes at her, “Pag sinabi kong iniisip ko siya, you’ll be a pain in the sa pang aasar.”

 

Natawa siya, “So you admit? Iniisip mo siya?”

 

Ang kulit niya!

 

I sighed in defeat, “Well.. I guess worried ako with how we’re going to act as roommates. I don’t know.. I’m not sure if kakayanin kong maging that close again sa kanya.”

 

It took her a while to answer, siksikan kasi ang cars sa EDSA, “You’re still holding back?” She asked.

 

“Hindi naman. Minsan ayoko lang din isipin niya na sobrang okay na ako with what happened.”

 

I don’t know what I’m saying, sa totoo lang. My thoughts are tangled.

 

Nilingon niya ako, “Are you not?”

 

“Well, I am, somehow. Baka kasi..” Nagbuntong hininga muna ako, “Baka kasi masayang yung walls that I built, you know? It will all be put to waste if maging okay lang kami bigla.”

 

She smiled at me at hinawakan ang kamay ko habang traffic, “Just be natural with her. Don’t think too much. I’m sure hindi naman inaassume ni Winter na okay ka na kaagad sa nangyari just because medyo friendly ka na.”

 

Oo nga naman.

 

I know hindi naman ganon si Winter.

 

“You’re right. I’ll just go with the flow. Okay naman kami lately, and I can see she’s been trying..”

 

She nodded, giving me an encouraging smile, “That’s my boo.”

 

Nag-cringe ako kaagad sa sinabi niya, “Shut up.” Both of us shared a laugh, “Now, tell me about Jeno…”

 

She proceeded to gush endlessly about him. Nakakarindi, to be honest, pero she looks really excited and happy kaya hinahayaan ko na lang.

 

“You know he asked me about you..” She opened up all of a sudden, “Kung mag jowa daw ba tayo.” Narinig ko ang mahinang tawa niya. Nakapikit lang ang mata ko habang naka sandal sa seat.

 

“At least hindi siya homophobe then.” I blurted, pareho kaming natawa sa sinabi ko, “Anong sabi mo sa kanya? Did you tell him about..?” Nagmulat ako and I looked at her.

 

She has her brows furrowed dahil sa traffic, “Of course not. There’s no need for me to mention that!” Inirapan ako ni bruha, “Anyway, I think Ate Seul and Ate Irene look good together. Couple-couple pala tayo sa Team QC.”

 

I frowned at her, “Winter and I are far from being a couple. Tumigil ka diyan.”

 

Ngumisi siya, “Defensive ka masyado. I didn’t say ikaw and Winter. Malay mo, ako and Winter pala! Assumera.” Ginagawa pa akong tanga ni gaga.

 

Hindi na lang ako sumagot. I continued napping kahit pa umaangal siya na it’s rude na tulugan ang driver. Bahala siya!

 

Almost 8:30am na rin kami nakarating sa QC. The house is big enough for the six of us.

 

Pumasok kaagad ako sa room namin ni Winter. I took over the bed na kaharap ng pinto para sa kanya yung sa tabi ng bintana.

 

Alam ko kasi na she’s annoyed that Yuna is occupying yung side where the window of their room is. Gusto raw niya sa tabing bintana so I chose the other bed.

 

Of course, hindi ko na lang inisip why I did such thing. Maybe extra nice lang ako this morning for good karma.

 

I’m dreading sa pagdating nila. I’m still nervous. Never akong nagkaroon ng roommate and the first time I’m having one, si Winter pa while we’re still kind of awkward sa isa't isa.

 

We saw them approaching the house habang nag aantay kami sa may terrace.

 

Winter looks cute dahil ang laki ng dala niya at parang anytime matutumba siya sa bigat. Yunjin obnoxiously greeted them but Winter barely responded sa hug ng friend ko.

 

Instead, lumapit kaagad siya sa akin, smiling widely, “Hello, Karina. Kanina pa kayo?”

 

Kinamusta ko kaagad ang byahe nila, telling her na kakarating lang din naman namin. Napansin ko na she’s struggling with her back pack, “Akin na yung bag mo.”

 

Halata na nagulat siya sa offer ko. Kahit naman ako, I wasn’t expecting myself to offer for help dahil nga may reluctance pa rin sa akin.

 

But it’s just a simple gesture at nilet go ko na lang yung pag iisip muna.

 

We entered our room pagkatapos nilang magusap-usap saglit sa living area where Jeno will be staying.

 

“I occupied this side, if you don’t mind. Diyan ka na lang sa tabi ng window.” Of course I made it sound like parang hindi ko sinadya na ibigay sa kanya yung window side.

 

“Sige okay lang..”

 

Okay….

 

Ito na nga.

 

Wala kaming masabi sa isa’t isa.

 

Her eyes are awkwardly roaming around the room at pinipigil na matingin sa akin while I’m just looking at the wall.

 

Nagsalita siya bigla, “Uhm, Karina..” I turned to her direction, mukhang balisa siya, “Okay lang sakin kung gusto niyo ni Yunjin na maging roommates. Hindi ko na lang sasabihin kay Sir.”

 

Oh, okay.

 

So that’s what’s making her nervous.

 

Inisip niya ba na napipilitan lang ako na makipag room sa kanya? Because it’s uncomfortable for me? It’s sweet na iniisip niya ang comfort ko pero hindi naman ako magpapaka-petty dahil lang may personal “drama” kami.

 

And besides…

 

I’d like her to be my roommate as well.

 

I told her it’s fine at baka mag biglang visit si Sir Vin dito sa site. I even smiled at her.

 

Ngumiti lang din siya sa akin, “Okay sige..”

 

Then we kind of had this staring contest. Walang nag aalis ng titig sa aming dalawa.

 

I snapped out of my trance and abrupt na tumayo from my bed, “Anyways, mag settle ka muna. Puntahan ko lang sila sa kabilang room.”

 

What was that?

 

Bakit may pag titig kami sa isa’t isa?

 

Nakita ko si Yunjin sa may kitchen so I approached her, “Bakit ka nandiyan? Are you hungry?”

 

She giggled, “No. Sumisilay ako kay Jeno while he’s unpacking his things.” Napatingin din ako dun sa lalake, “He’s so cute! Ang liit ng space for him kasi ang tangkad niya.” She added.

 

She’s got it bad.

 

Humarap siya sa akin bigla, “Anyways! Kamusta? Okay naman si Winter sa pagmu-move in?”

 

“Oo okay naman. I left her saglit para makapag ayos siya nang walang istorbo. Medyo.. awkward pa rin. But I think we’ll ease on to the fact that we’re rooming for a month.” I’m convincing myself.

 

It might not look like it to her, but I’m also determined na maging okay kami kahit papaano. Hoping din ako na after this internship, may sort of progress na kami.

 

If wala man, then baka talagang hanggang acquaintances na lang kaming dalawa. Hindi na rin naman masama.

 

Right?

 

“I’ve been meaning to talk to Winter. May pinapabigay si Mommy.” Tinignan niya ako, “Do you mind? I’ll go to your room to talk to her.”

 

Bakit siya nagpapaalam sa akin?

 

“Go. Why are you asking for my permission?” There’s defensiveness sa aking tono.

 

Yunjin seemed to pick up on it kaya natawa siya, “You’re funny when you’re uptight.” Umalis na siya sa pagkakasandal sa counter, “I’ll be back. Puntahan ko lang yung ka-couple ko.” Kumindat siya sa akin.

 

Ugh.

 

Tinignan ko siya hanggang sa makapasok siya ng room. Ano kayang pag uusapan nila? And what is she going to give Winter?

 

It’s taking them long to talk.

 

Lumabas na si Ate Irene and Ate Seulgi from their room. As usual, Ate Seulgi is giving Ate Irene her too much heart eyes and she’s not even being subtle about it.

 

“Nasan si Winter and Yunjin? Let’s talk about house rules.” Ate Irene said.

 

“Tawagin ko sila.” I walked towards our room kaagad.

 

Hindi na ako kumatok, I opened the door and was greeted by the view of Yunjin holding Winter’s hands.

 

I couldn’t help but raise my brow at the sight. Pero inalis ko rin kaagad, “Tawag kayo ni Ate Seul at Ate Irene. Set daw tayo ng house rules.”

 

Hindi ko inalis ang tingin kay Yunjin hanggang sa magbitaw na sila ni Winter. Nakangisi lang si gaga sa akin at tinaasan din ako ng kilay.

 

Susunod na lang daw si Winter.

 

“Makatingin ka naman.” Pangaasar niya, “Nag heart to heart talk lang kami. Don’t worry.” She chuckled, dumerecho na sa kitchen ulit where the others are.

 

This is just day one.

 

Ugh.

 

 

 

 

 

 

The first two nights sleeping in the same room with Winter were okay, I guess.

 

Well, we hardly talk kapag kaming dalawa na lang sa iisang room. Although she makes small talks paminsan minsan pero nauubusan rin siya ng sasabihin eventually.

 

It’s not like I’m responsive, anyway. Isang tanong niya, isang sagot ko.

 

Medyo naiinis ako sa sarili ko kasi I’m still kind of holding myself back kahit minsan okay naman. I’m hot and cold, kumbaga.

 

Minsan okay kami, minsan it’s too awkward at may tension.

 

My phone rang.

 

We're about to have lunch kasama sina Ate Irene. Malapit na kaming maka quota nila Yunjin and Winter so mas maaga kaming nakapunta sa canteen.

 

“Hello?” It’s Mama.

 

I excused myself at lumayo saglit dun sa dalawa to get some privacy, “Hey Rina. How’s the internship so far?”

 

Noticeable ang tiredness sa boses niya. So I couldn’t help but ask, “Ma nagtalo nanaman kayo ni Papa? He’s getting annoying lately. Seriously, wag niyo na lang ituloy yung expansion if may money problems.”

 

Riled up kaagad ako. I feel bad dahil binungangaan ko kaagad si Mama when the reason she called ay para kamustahin ako.

 

“Rina, don’t talk about him like that.” May tigas sa boses niya, “I told you we’re working it out. Tumawag ako para mangamusta.”

 

I sighed quietly, “Sorry po.. Okay naman po ako. Mag meet na lang po tayo nila Papa next week siguro.”

 

She hummed, nagpaalam na rin at may pupuntahan pa raw sila. Minsan iniisip ko, she’s too good for Papa. Lahat ng pagkalamali ng tatay ko, pinapalagpas lang niya.

 

But he’s her husband, so I can’t really blame her. But now I get why she’s been adamant na pagbatiin kami ni Winter.

 

Hay, Mama…

 

I always want her to be happy.

 

Bumalik na ako sa table namin, “Sorry. Si Mama tumawag.” I sat beside Yunjin, nasa harap ko si Winter who has this worried expression.

 

“How are they daw?” Tanong ni Yunjin.

 

I was about to answer then narealize ko na we’re not alone. Nandito si Winter…

 

Kaya ko bang mag open ng personal matters ulit when she’s around? Parang ayoko, but at the same time I can see na nag aalala siya at may pagka curious.

 

She pursed her lips at tipid na ngumiti. Tumayo siya, “Uhm, may babalikan lang ako sa house saglit.” I know she’s lying.

 

Gusto niya siguro akong bigyan ng privacy at napansin niyang hesitant akong magkwento kanina dahil nandito siya.

 

Now I feel like an …

 

She probably felt like she was trespassing.

 

“Well wasn’t that awkward?” Yunjin cut off the tension, “Way to make her feel like she didn’t belong sa usapan. Karina! Kainis ka. Did you see her sad puppy eyes?!”

 

Ang ingay ni Yunjin.

 

Nakatingin pa rin ako sa likod ni Winter hanggang sa maka-liko na siya papunta sa bahay namin.

 

I groaned, “I didn’t mean to!”

 

I made a note to myself na magsorry sa kanya mamaya or kapag may chance. Hopefully ay hindi kami magka-ilangan dahil sa nangyari.

 

“So.. anong sabi ni Tita?”

 

I covered my face with my hands out of frustration, “Pinagalitan ako. Nangangamusta kasi siya then I proceeded to talk ill about Papa. Kasi naman.. Talaga naman all he caused lately was stress.”

 

“And knowing your Mom, ayaw niyang pinagsasalitaan mo si Tito ng ganon?”

 

Tumango ako, “Oo. Nag sorry na lang ako. I told her magkita kami next week.” Tinignan ko siya, “Samahan mo ko, ayokong mag grab.”

 

“Ang kapal mo. But fine.”

 

Nakarating na sina Ate Irene dito sa canteen, “Oh, nasan si Winter?” Asked Ate Seul. Umupo si Jeno sa tabi ni Yunjin.

 

“Umuwi. Inaway ni Karina.” Yunjin just can’t shut for once, “Joke. May kinuha lang saglit sa house.”

 

We waited for her a bit. Nagkekwento lang ng work nila sina Ate Seul para daw alam na namin ang gagawin once we exchange tasks after two weeks.

 

Yunjin also slightly briefed them sa mga ginagawa naming surveys.

 

I spotted Winter na papalapit na sa amin. Parang pawisan siya at stressed, “Winter san ka galing?” Nagtaka rin siguro sila dahil she looks like she saw a ghost.

 

And I was right, sabi niya nakakarinig siya ng kung ano ano sa may CR.

 

Gusto kong matawa dahil ang tapang niya sa horror movies pero sa totoong buhay, takot na takot pala.

 

Baka kaya ayaw niyang patay ang ilaw sa gabi. Hinahayaan ko lang naman siya na buksan ang kanyang lampshade kahit I like sleeping without any lights on.

 

“Hello? Ma?”

 

Tumawag yata si Tita sa kanya. Tinago ko na lang ang tawa ko when I heard her loud voice from Winter’s phone.

 

Winter’s family—they’re very simple. Problematic si Tito dati, yes, but ang alam ko he learned his lesson at nagtitino na ngayon.

 

Winter mentioned before na medyo naiinggit daw siya sa family ko kasi walang bisyo si Papa tapos may pagka well-off ang parents ko.

 

What she doesn’t know is minsan iniisip ko na sana my parents stayed in LB at hindi sa Manila nag business para nakakasama ko sila. But malaki naman na ako, so I honestly don’t worry about that anymore.

 

I benefited din naman sa business nila Mama and I know they’re just doing that for my future.

 

“Uhm— Kumakain po si Karina..” I heard my name kaya napatingin ako. Mukhang nabanggit ako ni Tita.

 

So I butted in, “Gusto akong kausapin?” She nodded shyly kaya kinuha ko yung phone from her, “Hello, Tita.”

 

Bumungad kaagad sa akin yung malakas niyang boses but I don’t really mind. Ganito naman talaga si Tita—energetic. Something na hindi yata namana ni Winter from her.

 

“Karina! Kamusta kayo diyan? Baka naglalakwatsa si Winter ha!”

 

Natawa ako, ang dami niyang tanong at pagpapa-alala, “Okay naman po kami..”

 

“Kumakain ba yan? Papayat payat, ang hinang kumain.” Dagdag pa niya.

 

“Opo kumakain po si Winter.” Tuloy tuloy lang ang pagsasalita ni Tita, hindi ko na nga maintindihan yung iba niyang sinasabi.

 

“Paalalahanan mo lagi yan.”

 

I smiled, “Opo..”

 

Ibibigay ko na sana ulit kay Winter yung phone pero nagsalita nanaman siya, “Alagaan mo yan. Alam mo naman na di yan lumalayo sa LB.”

 

Namula siguro ako dahil nafeel ko yung pag init ng mukha ko, “O-opo, aalagaan po.”

 

I glanced at Winter, nakita ko yung pag ngiti niya sa sinabi ko. She really needs to work on being subtle kung ayaw niyang mapansin ko yung pag ngiti ngiti niya.

 

Though I don’t really mind…

 

“Oh siya sige na. Ingat kayo diyan.”

 

“Yes, Tita. Ingat din po kayo diyan. Bye po!” She finally dropped the call, binalik ko na ang phone kay Winter. I noticed na nakamasid sa akin yung mga kasama namin.

 

Ate Seulgi asked kung friends ba kami ni Winter since I talked to her mom.

 

Winter bit her lip, probably anxious with what I’m going to answer. Kilala ko siya, I know for a fact na sumagi sa isip niya yung time na tinanong ni Sir Vin if we were friends.

 

I smiled at Ate Seulgi at confident na sumagot, “Our families are close with each other.” That should be enough answer for now.

 

We continued eating at bumalik na sa sariling jobs namin.

 

Tumabi sa akin si Yunjin dahil nagpahinga ako saglit sa isang bench, peeking at Winter paminsan minsan dahil pinagmamasdan ko kung paano siya mag interview.

 

“She has this masungit vibe but she’s really charming.” Pansin ni Yunjin, “Look at the guy na iniinterview niya, I don’t think alam pa niya sinasabi niya. Konti na lang tutulo na laway for Win.”

 

Actually.

 

And I don’t think Winter even notices.

 

Nag iwas na ako ng tingin kay Winter at tumingin na lang sa malayo, “You sound like you’re crushing on her.” I joked.

 

Hinampas niya ako on my arm, “She’s not my type.” She answered, “Pero what if may magka-crush ulit sa kanya? You know, like Minju.”

 

“Okay? Anong gusto mong gawin ko?” Mabilis kong sagot.

 

She held her arms up in surrender, “Okay! Grabe ka naman, nagtatanong lang.” Patawa-tawa siya. Nakakainis talaga ‘to.

 

Bumalik na lang ako sa pagsusurvey, trying to take off my mind dun sa tanong ni Yunjin.

 

It doesn’t really matter, does it? What matters is yung kaya ko nang maging friendly ulit sa kanya kahit papaano.

 

Right.

 

After finishing our shift, nag decide yung iba na mag SM North. I’m not really up for it dahil nag promise ako kina Hyewon and Yeji na makikipag call ako sa kanila.

 

It looks like ganon din si Winter kay Ning and Giselle kaya naiwan kami. It occurred to me na kaming dalawa lang ang maiiwan at maglalakad pabalik ng bahay.

 

Okay…

 

Well, I guess mas mata-try namin na hindi mailang sa isa’t isa.

 

Gusto ko rin mag sorry with how I acted this afternoon so this should be a good timing.

 

Naglakad na kami pauwi. She broke the silence between us, “Sorry pala kanina kay Mama. Alam mo naman yun, makulit.” She masked her shyness sa pagtawa.

 

She did look embarrassed nga nung kausap ko kanina si Tita. Baka nag-worry na kung ano anong pagsasabihin sa akin ng Mama niya.

 

I shrugged it off dahil hindi naman ito big deal at wala siyang dapat ikahiya or ika-sorry, “Okay lang. She just wanted to know na safe ka. Parang si Mama lang din.”

 

Then she admitted na nagtext din pala sa kanya si Mama. Hindi naman ako surprised, honestly. That’s something Mama would do dahil nga she adores Winter.

 

Although walang nabanggit sa akin si Mama nung kausap ko siya kanina.

 

 “Anong sabi?” I queried.

 

“Ano raw..” Parang nahihiya nanaman siya. It’s kind of… adorable, sa totoo lang. Yung pagiging mahiyain niya lately.

 

“Ano, let’s keep each other safe daw.” I almost didn’t catch on what she said dahil medyo mabilis ang pagkakasabi niya.

 

I smiled to myself, “Let’s do that.” I blurted bigla. Hindi ko rin inaasahan na sasabihin ko ito.

 

She halted her steps and froze on the spot, “Ha?”

 

Nag reason out ako kaagad, “Keep each other safe. Along with others na kasama natin, of course.” I couldn’t help but to hold back again. Hays.

 

Natahimik na ulit kami hanggang sa makarating kami sa harapan ng bahay. Sinabi ko na yung gusto kong sabihin, "About kanina.. Sorry pala.” I bit my lip.

 

Parang naguluhan siya sa sinasabi ko, “Hala.. about saan?” I’m not sure if she’s just acting na hindi niya alam or she just really doesn’t know what I’m talking about.

 

I slowed down and she followed suit, “It seemed like parang hindi ako comfortable na magsabi about my parents kanina nung nandon ka.”

 

Nakatingin lang siya sa baba habang naglalakad. Mukhang nagiisip siya ng sasabihin dahil naka kunot ang noo niya.

 

Finally ay narinig ko na ulit siya, “Karina..” Tumigil siya kaya ganon din ang ginawa ko. I can see her fingers fidgeting.

 

“Hindi mo naman kailangan mag sorry dahil don. Or sa kahit anong bagay dahil lang hindi ka komportable pagdating sa akin.”

 

Oh. I didn’t expect that.

 

Nagpatuloy pa siya, “You don’t have to be sorry all the time. Naiintindihan ko naman kung bakit ganon. Hindi mo yun kasalanan.” Dere-derecho niyang sabi.

 

Not even a single stutter.

 

I’m impressed by her confidence.

 

She didn’t hold back…

 

Now it made sense kung bakit parang nagtaka siya na nag-sorry ako. It’s because sa isip niya, hindi ko kailangan mag sorry. It’s actually… nice. Na ganon pala ang mindset niya when it comes to me.

 

“Dun tayo sa kung san ka komportable.” She said lastly.

 

Na-feel ko nanaman yung pakiramdam na gusto ko siya biglang yakapin. Parang yung time na nasa ospital kami and she looked weak.

 

Ngayon, gusto ko siyang yakapin dahil what she said was everything that I needed to hear from her right now.

 

Na okay lang na ma-feel ko pa rin na hindi ako okay minsan with her presence. Na okay lang na magkaroon ako ng hold backs and setbacks kahit pa nga little by little ay napapatawad ko na siya.

 

“Thank you for saying that.”

 

Nangiti siya sa akin at nagseryoso, “A-ako nga yung dapat mag sorry—“

 

Oh no.

 

I quickly shook my head, “Not.. not right now, Winter.”

 

She gave me a genuine smile. And just like moments ago, she made me feel like it’s okay kung hindi pa ako ready na pag usapan yung nangyari.

 

We entered the house, both of us wearing contented smiles.

 

Hinayaan ko si Winter ang mag shower muna. Tinawagan ko si Hyewon and Yeji, “Hi, Kars! San si Yunjin? Si Winter nasan?”

 

“They all went to SM North. Mamaya maya pa babalik.” Napansin ko yung familiar wooden wall ng apartment ni Yeji. Mukhang nandon sila.

 

It’s obvious naman na there’s something going on between the two pero hindi ko na lang inasar.

 

“Ay so mag isa ka lang? Kamusta internship?”

 

“Okay lang so far. Chill naman and the management is really nice..” Tumingin ako sa may banyo, “And no, nandito rin si Winter.”

 

Sabay silang ngumiti nang malisyosa sa akin. Para rin silang si Yunjin, magte-tease at any given moment porket alam na somehow ay okay na kami ni Winter.

 

“What?” I asked, annoyed.

 

Tinawanan ako ni Yeji, “Relax. Wala naman kaming sinasabi!” Gusto ko silang sabunutan ni Hyewon.

 

Ako naman ang nang-asar, “Eh kayo ba? Bakit lagi kayong magkasama lately?” Napag-uusapan namin ni Yunjin yung dalawa minsan.

 

“Oh bakit?” Mataray na sabi ni Hyewon, “Kayo lang ni Yunjin may karapatan?” Ngumisi siya, Yejit hit her on her shoulder.

 

Nanalaki ang mata ko at hininaan ang volume, “Pano mo nalaman?!” Tawang tawa lang sila ni Yeji sa kabilang linya. Napagkaka-isahan ako.

 

“Ang daldal kaya ni Yunjin kapag lasing!” Ah, okay. Nag inom yata sila last week sa apartment ni Yeji. Bwiset talaga si Yunjin… Sabi niya samin lang yun.

 

I acted nonchalant about it, “Anyways.” Narinig ko ang pag bukas ng pinto ng banyo. Dumaan si Winter sa tabi ko kaya na-spot siya nila Hyewon.

 

“Si Winter ba yun? Hi Winter!”

 

Wala na akong nagawa but to turn the screen to her, “Say Hi. Hinahanap ka nila kanina pa.” Napatingin ako sa suot niya.

 

Naka-sando lang siya at maikling shorts.

 

She waved awkwardly dun sa dalawa kong kaibigan. Natatawa pa ako kasi parang hindi niya alam ang gagawin, “Kamusta?” Tanong na lang niya.

 

Tinanong ni Yeji kung kamusta raw ako as a roommate…

 

Curious ako kung anong sasabihin ni Winter. I honestly want to know as well what she thinks about me being her roommate.

 

“Uhm..” Natatawa si Winter, “Humihilik siya.”

 

What?!

 

Pinandilatan ko siya at binawi yung phone sa kanyang harap, “Winter! Hindi ako humihilik!” I defended myself.

 

Eh kung sabihin ko kaya na she murmured my name in her sleep last night?

 

Pinigilan ko na lang na sabihin ito. For sure mas mang aasar lang yung dalawa. Ayoko rin mapahiya si Winter. It will just result to more awkward encounters and ayoko na ng ganon.

 

Umalis na si Winter na parang hindi niya ako pinahiya sa friends ko. The nerve…

 

“Go na, samahan mo na si Winter. Bonding time with roomie! Yas!” Siguro kung kasama ko si Hyewon, hinablot ko na ang buhok niya at sinabunutan.

 

I ended the call without so much of saying bye sa kanila. I showered na rin at nanlalagkit na ako from the work we did today.

 

I didn’t return agad sa kwarto after showering para hindi maistorbo si Winter sa pakikipag-usap kila Ning. Wala rin naman si Jeno sa sofa kaya I decided to watch Friends.

 

Lumabas si Winter sa kwarto after about 10 minutes into watching my series. Nilingon ko siya, “Hey. Gusto mo rin manood while waiting for them?”

 

Sana pumayag siya. It would be nice watching with her after our moment kanina. Just to make us both feel na we’re a level or two less awkward.

 

She gladly said yes at nag offer pa na mag microwave ng popcorn para sa aming dalawa. And of course alam niyang favorite ko ang butter-flavored popcorn.

 

It really does feel na bumabawi siya kahit hindi niya sabihin.

 

Hay…

 

I asked kung sino ang favorite character niya sa Friends just to make a small conversation.

 

“Si Rachel.”

 

I wonder why. Baka may personality si Rachel na nakakarelate siya?

 

“Bakit?”

 

She shrugged, “Ang ganda niya kasi.”

 

I laughed out loud dahil sobrang unexpected ng sinabi niya, “Yun lang yung reason?” Natatawa pa rin ako.

 

Maluwag ang ngiti niya at tumango. I cackled even more, “You’re so gay.”

 

This feels nice. Na we’re joking around.

 

Also, mahilig pala siya sa magaganda…

 

Okay.

 

I guess she found me pretty before..?

 

Bakit ko ba iniisip ito?

 

We watched a few more episodes hanggang sa makabalik na sina Ate Irene along with the others. We caught up with them for a while and called it a night, maaga pa kami tomorrow.

 

And as if hindi pa eventful yung araw, Winter had to be a scaredy cat ngayong gabi. Hindi ako makatulog sa pag galaw galaw niya sa kama. It’s creaking, sobrang nakakainis yung tunog.

 

“Winter, ang ingay mo. I can’t sleep. Stop sighing and moving.” I said with my annoyed and sleepy tone.

 

Nagbuntong hininga nanaman siya. I swear pang ilang beses na yon tonight.

 

“M-may parang kumakaluskos sa labas. Hindi mo ba naririnig?” She sounded scared. I can’t believe iniisip pa rin niya yung alleged multo dito sa bahay.

 

“Wala yun. Just sleep.”

 

I thought she was finally going to bed dahil naawa na sa akin for not being able to sleep because of her. Pero narinig ko nanaman yung pag galaw ng kama niya.

 

I turned to her, she’s now sat up on her bed. Medyo naawa naman ako when she said na nabo-bother siya. Parang talaga ngang takot na takot siya.

 

Inisip ko pa nang mabuti if I’m going to offer na tumabi siya sa akin. But I really want to sleep already kaya hindi na ako nag pumigil pa, “Just sleep here.”

 

“Ha?” Buti patay ang ilaw. Kasi kung hindi, she’d notice na I’m red as a tomato.

 

I stood up after recovering from my own offer. Binuksan ko yung ilaw, nakita ko agad siya na nakayakap sa kanyang knees.

 

Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa strap ng sando niya na bumaba sa balikat niya. Hindi niya siguro napansin.

 

“Tabi tayo. Maglagay ka na lang ng pillow between us.”

 

She’s still reluctant but I assured her na wala naman problema sa akin. Eventually ay pumayag din siya at naglagay ng unan between us, she then turned off the lights.

 

Mas nauna siyang nakatulog kaysa sa akin.

 

Ano ba yan.

 

Kanina lang antok na antok ako at siya yung hindi makatulog. Bakit naman the tables have turned bigla?

 

Her foot would brush up minsan sa hita ko habang tulog siya. Humihilik din siya nang mahina.

 

Siya naman pala ang hilikera.

 

For some reason, nakatulog ako sa pakikinig ng calm breathing niya at ng kanyang quiet snores. Nakatulong din siguro yung pag-brush ng paa niya paminsan-minsan sa leg ko.

 

The next morning came and I woke up from the loud alarm coming from my cellphone.

 

At bakit ganon.. Parang may malambot sa ilalim ng legs ko.

 

Pagkamulat ko ay mukha ni Winter ang agad kong nakita. Nakapatong ang legs ko sa legs niya. I’m pretty sure pareho kami ng itsura ngayon—widened eyes at may muta pa.

 

Magkayakap din kami.

 

I accidentally pushed her sa pagkataranta. Or kusa ba siyang nahulog sa kama? Hindi ko na rin alam.

 

I heard her groan, “Aray ko..”

 

“Oh my god, sorry!” Nakahawak siya sa kanyang hips, parang nasaktan talaga. Kawawa naman… “Okay ka lang?”

 

“Okay lang.. Uhm, nagulat lang ako.”

 

Natawa ako, understatement yung “gulat” kasi alam kong pareho kami na gusto na lang lumubog sa lupa ngayon. 

 

“Seems like it.” My tone is teasing to make the atmosphere lighter. Kumuha na lang muna ako sa cabinet ng towel, “Mauna na ako sa shower.”

 

I couldn’t face her.

 

Otherwise, makikita niya na katulad niya, balisa rin ako sa nangyari.

 

Waking up beside her na magkayakap…

 

My God.

 

It felt nice.

 

Wait.

 

I didn’t just say that to myself.

 

Ugh!

 

“Oh, bakit parang pulang pula ka? Ang aga aga. Did you have wet dreams?” Yunjin wiggled her brows sa akin when she saw me na lumabas ng kwarto.

 

I looked at her with poker face, “Manahimik ka.”

 

 

 

 

 

 

I thought what happened was going to bring us back sa square one.

 

But no.

 

Nakatulong pa nga yata ‘yon na mag improve ang relationship ko with Winter.

 

The whole day ngayong Thursday ay puro kami pagbibiruan along with Yunjin. Game na game pa si Winter sa bet naming tatlo na manlilibre ang pinaka konti na mainterview.

 

 

Yunjin lost the bet, kaya nandito kami ngayon sa Starbucks para ilibre niya. We told her hindi naman need but nagpumilit siya at niyaya kami ni Winter sa nearest SB.

 

Ayaw pang sumama ni Winter at first but napilit din naman namin siya ni Yunjin.

 

“Anong order mo?” Tanong ko sa kanya habang nakapila.

 

“Gusto ko yung sobrang tapang.” I chuckled. Kapeng barako ba ang gusto niya? Bakit naman sobrang tapang?

 

Baka sinusulit niya yung libre? That's genuis.  

 

Narinig yata nung barista ang sinabi ni Winter kaya nag suggest siya ng coffee na makakapag pagising daw ng namatay na puso. O kung ano man. He’s quirky.

 

Winter laughed at him, “Sige po parang gusto ko 'yon.” I guess gusto niyang gumising ang namatay niyang puso.

 

Yunjin spoke up, “Ganon na lang din sa amin ni Karina. Because she also wants to awaken her cold cold heart.” Kumanta siya nung song ni Dua Lipa all of a sudden, “Right, Kars?”

 

“Go lang.” Hindi na ako nag argue.

 

We stayed at the coffee shop for a bit. Nagkwentuhan lang and it’s nice seeing Winter talk to us with carefreeness.

 

“Winter, did Jeno say something sayo about me?” Way to be assuming naman itong si Yunjin.

 

Natigil sa pag inom ng drink si Winter, “Uhm.. Oo nung bago kami bumyahe papunta dito sa site.” Hindi ba niya narealize na she should keep it a secret?

 

Natatawa ako sa pag laki ng mga mata niya when she realized na binuking niya si Jeno.

 

“Anong sabi?” Yunjin gushed.

 

“Ah wala..” Nag-try siyang mag sinungaling but she gave up din kaagad, “Actually crush ka raw niya.”

 

Maarteng nag giggle si Yunjin beside me, “Not surprised. Ang ganda ko kasi. Right, Win?”

 

Tumingin ako kay Winter para antayin ang sagot niya. She swallowed then nodded, “Oo naman. Maganda ka.”

 

Napilitan ba siya? Or maybe she does find Yunjin pretty talaga? Sabagay.. Maganda naman talaga ang kaibigan ko.

 

“You’re pretty too.” Bakit ba hinaharot ni Yunjin si Winter?! Is she trying to tease or provoke me? Hindi naman ako affected.

 

Well.

 

Maybe a bit.

 

“Let’s go na, it’s getting late.” I stood up at sumunod na lang din sila.

 

Eh di sila na ang pretty.

 

 

And because of that coffee, both Winter and I are wide awake ngayong gabi kahit pa nga we know we should be sleeping already.

 

I initiated the conversation, "Can't sleep again?"

 

"Dapat pala hindi tayo nagkape nila Yunjin kanina." Oh, so now she's regretting it? Siya kaya yung nag request ng matapang ng coffee!

 

I told her it's her fault, then she countered by saying na kasalanan namin na ginaya namin ang order niya.

 

Nakakatawa lang na nagsisisihan kami now that we're facing the consequences of the "matapang" na coffee.

 

Nakaisip ako ng magandang gawin tonight that will keep us entertained. Pampa-antok na rin, "Magkwento ka ng kahit anong story para antukin ako. Since kasalanan mo naman why I can’t sleep."

 

There's just something about her voice that calms me.

 

Hindi pa siya nakakapag umpisa ng kwento about Yuna, natawa na kaagad ako, "Ano ba.. Wag ka munang tumawa kasi."

 

And instead to keeping quiet, both of us laughed even more. Wow... This reminded me so much of when we used to tell funny stories to each other all the time.

 

While she was telling the story about her sister, I realized na naikwento na niya sa akin ang story na 'to. But I didn't tell her that. Para kasing invested siya sa pagkekwento and she's in her element.

 

Besides, the story about Yuna missing still hits the spot. Nakakatawa pa rin. I didn't even notice na nakatulog na ako.

 

Her voice and her laughs are like a lullaby.

 

The next day came at tinawagan ko si Mama during our lunch break para mangamusta. Bothered pa rin ako dun sa huli naming call nung Monday.

 

"Ma?"

 

"Rina?" Si Papa, "Naliligo si Mama. Kamusta anak?" We haven't talked for a while kaya medyo naluha ako sa boses niya.

 

Ngayon lang ulit kasi siya nangamusta. Alam ko kasi na nahihiya siya sa akin dahil nga sa nangyayari lately. At yung hindi niya pag uwi nung surprise birthday party ko.

 

"Okay naman po.." I took a deep breath, "Kamusta po?" It's sad na it feels awkward talking to him ngayon.

 

I just wish he'd open up to me about their problems kahit hindi ko maintindihan yung technicalities. Hindi yung si Mama lagi ang nakakausap ko.

 

"We're oka—"

 

I cut him off, "Pa gusto ko yung totoo sana. Malaki na ako, hindi na ako bata. I'd want to know kung anong nangyayari. Mama seems out of it lately."

 

I heard him sigh loudly sa kabilang linya, "The business partner na pinagkatiwalaan ko.. He ran away. With the money."

 

Oh.

 

Pero magagawan naman ng paraan yun, right?

 

"Sabi ni Mama you've got it all handled.."

 

Matagal siya bago nakasagot, "Yeah. Of course."

 

Crickets.

 

Then dumating na si Mama at kinuha yung phone from Papa. Nangamusta lang ulit at nag usap kami about anything other than their business.

 

Ayoko nang tanongin siya ulit muna about dito dahil ayoko siyang ma-stress.

 

I reminded them yung pagkikita namin next weekend and I ended the call.

 

Buong araw kong iniisip yung sa parents ko although I try not to worry too much dahil somehow, kahit pa nga hindi kami ganon ka-okay ni Papa, I trust him.

 

I trust na hindi niya hahayaan na magkanda-leche leche ang lahat.

 

I decided to open up about my worries kay Winter kinagabihan when we both couldn't sleep again. Hindi ko sure why, but I specifically wanted to hear reassurance from her.

 

"Hindi ka nanaman makatulog?" This is the third night I asked her this question.

 

"Hindi nanaman. Hindi ko na masisisi yung kape dahil hindi naman tayo nag coffee kanina." She replied, "Ikaw bakit hindi ka makatulog?" Tanong niya pabalik.

 

I was just staring at the ceiling. Hindi muna ako nagsalita dahil nagdadalawang isip ako na sabihin sa kanya but the urge to hear her reassuring words reigned, "I worry kina Mama at Papa."

 

Expected ko naman na na sasabihin niyang I don't have to tell her, but still.. "I know. I just feel like telling you about it tonight." My voice ever so soft.

 

Then I explained to her my worries. How I think may tinatago sila sa akin about Papa. Yung napapansin kong exhaustion ni Mama..

 

And of course, like I expected, alam na alam niya ang sasabihin niya. Her words of comfort and reassurance made me feel better.

 

"Kilala mo naman yung Mama mo.. Magsasabi yan sayo kapag alam niyang kailangan niya nang sabihin."

 

"Siguro hindi niya sinasabi kasi hindi naman dapat ika-worry and ayaw niyang mag-overthink ka."

 

"Matulog ka na. Wag mo na masyadong isipin yun. It's gonna be alright."

 

I fell asleep with ease.

 

She always knows what to say.

 

 

 

 

 

 

I woke up a bit late ngayong araw.

 

What day is it again? I think it’s Sunday. Kaya walang alarm na gumising sa akin kanina. Rest day namin ngayon so that should be fine.

 

Bakit parang gising na yung iba? Medyo maingay sa labas. Wala rin si Winter sa bed niya.

 

I heard the doorknob turn and biglang pumasok si Winter sa room namin habang nag-uunat ako. I lifted my brows at her nang mapansin ko na nakatingin siya sa aking exposed na tiyan.

 

Inalis naman niya ito agad at umangat na ang tingin sa mukha ko, “Kakain na.. Bangon ka na.” I almost smiled with the softness of her voice.

 

Tipid akong ngumiti sa kanya, telling her na susunod ako. I noticed her staring at me at parang wala sa wisyo, “What? May muta ba ako?”

 

Natauhan siya bigla at tumingin kung saan, “Ay wala wala. Sige sunod ka na agad.” Natawa ako sa pagmamadali niyang lumabas ng kwarto. What’s up with her?

 

Sumunod na rin ako kaagad sa kanya papunta sa kitchen.

 

Hindi ko sinasadyang ma-check out nanaman ang suot niya. She’s been wearing sleeveless shirts and short shorts lately kapag nasa bahay lang kami.

 

I’m not even going to deny that she’s attractive because she is. Iba na siguro ang fashion sense niya. I don’t know. Or baka comfy lang siya sa bahay kaya ganon.

 

Nag usap sila ng plans today. May lakad nga pala kami ni Yunjin.

 

“Can I join?” Jeno asked. I know hindi tatanggi si Yunjin.

 

“Sure!” Expected ko na rin na yayayain niya si Winter sumama, “Ikaw Winter? Gusto mong sumama?”

 

I looked at her, expecting na papayag siyang sumama sa amin.

 

“Dito na lang muna ako sa bahay. Go lang kayo.” Oh…

 

Sumabat ako, “Are you sure? Baka matakot ka nanaman sa multo.” I teased. But really, gusto ko lang naman talaga siyang sumama…

 

“Wala naman na yata.. Okay lang ako dito.” I tried to hide my disappointment. Mukhang she made up her mind already na mag-stay lang dito sa house.

 

We cleaned the house a bit at nagkanya-kanya na. Nandito kami pareho ni Winter sa kwarto.

 

Unlike nung mga unang araw na magkasama kami sa iisang room, hindi na kami awkward ngayon. The silence is comfortable at walang halong pagka-ilang.

 

Tinignan ko siya from the mirror, nagpophone siya. Nag try ulit akong i-convince siya na sumama, “Sure kang dito ka lang?” Worried din ako na mag-isa lang siya if ever.

 

Ni-lock niya ang phone at nahihiyang tumingin sa akin, “Oo okay lang. Uhm.. need ko rin kasi ibigay kay Mama yung extra allowance ko.”

 

Oo nga pala. Sometimes I forget that she provides for her family minsan. Kaya hindi na ako nagpumilit pa. Baka magbibigay siya ng pera kay Tita.

 

She’s a good daughter.

 

She used to tell me na parang ang sama niya dahil minsan winiwish niya raw na sana pinanganak siyang mayaman.

 

But I hope she knows na mabuti siyang anak kina Tita at kapatid kay Yuna.

 

I bid her good bye at iniwan na siya sa room. Siguro papasalubungan ko na lang siya later…

 

Okay lang naman siguro, right?

 

“Hey hey! Ready to go?” Pormang porma si Yunjin and Jeno. They look like they’re going on a date at magti-thirdwheel ako sa kanila.

 

“Tara. Ikaw na bahala saan tayo pupunta.” It was her who suggested this in the first place. Gusto ko lang sana magpahinga ngayong Sunday pero nag inarte si Yunjin.

 

Umalis na kami and I had to endure their flirting. Jusko. I could have just watched Friends again with Winter…

 

Nilibot kami ni Yunjin kung saan saan parte ng QC. Minsan kukuhanin ko yung phone ko para sana magtext kay Winter to ask kung okay lang siyang mag isa doon.

 

But then hindi ko tinutuloy. Baka kasi weird and may part sa akin na ayaw kong isipin niya na we’re on that level of friendship again.

 

What’s wrong with me? Hay.

 

“Yunjin try this.. Susubuan kita..” Nakatingin lang ako dun sa dalawa na nagsusubuan ng fries.

 

“Yum.. Thanks, Jeno.” Tumingin siya sa akin, “Inggit ka? Subuan mo rin si Winter pag uwi.” Ang sarap sungalngalin ni gaga.

 

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, “Let’s go sa Rodic’s before tayo umuwi. Mag take out tayo.” Suggestion ko.

 

Hindi ko na lang aaminin na kaya ko gustong pumunta is because I know Winter has been wanting to try.

 

“Sure. Let me just..” Pinunasan niya ang gilid ng labi ni Jeno, “Wipe that dirt off this cutie’s lips.” Nag ngitian sila with matching pag scrunch ng nose. I cringed.

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 649 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance