Part 9

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Nag-eenjoy ako sa start ng second year bilang college student so far. Ibang-iba kasi kung ikukumpara last year. Dati kasi, si Karina lang yung kaibigan ko tapos wala talaga akong nakakasamang iba kapag wala siya.

 

Minsan mag-isa mag-lunch, madalas mag-isa lang mag-review sa library. Ang saya rin pala sa feeling na hindi na ako kasing closed off compared before.

 

Isa pang masaya sa feeling ay yung talagang tanggap ko na na hanggang friends na lang kami ni Karina. Ang liberating, kung iisipin.

 

Wala nang longing.

 

Wala nang pining.

 

At higit sa lahat, wala nang panghihinayang na hindi ko inamin sa kanya kahit kailan yung nararamdaman ko dahil alam ko naman na hindi ito masusuklian. Ang saya lang. Sana magtuloy-tuloy na itong ganito.

 

Para bang ano.. I feel lighter. I feel like a huge weight has been taken off my chest.

 

Grabe, ang pala-English ko na. May subject kasi kami sa Com Arts na kailangan mag ala-radio DJ. Kaya pina-practice kami ni Giselle lately.

 

“Win, gusto mo ng milk tea?” Tanong ni Minju. Nag-lunch kami ngayon sa Ellen's. Break daw muna sa Ken's at baka mangamoy shanghai na ang pawis namin. Ang sarap din kasi ng fried chicken sa Ellen's, sobrang solid.

 

Kasama namin si Giselle. Si Giselle na walang imik kanina pa.

 

Hindi ko pinansin yung sinabi ni Minju dahil distracted ako sa tastas ng kanyang sweater na kanina ko pa nilalaro. Ngumuso ako sa direksyon ng isa naming kaibigan at bumulong, “Ano kayang problema niyan?”

 

Nagkibit-balikat lang si Minju at inalis yung kamay ko sa pagkalikot ng tela ng damit niya, “Winter. Ayan nasira na kaka-ano mo..” Bulong niya pabalik. Worried na nakatingin dun sa sirang tela.

 

Natawa lang ako at nalungkot kunwari, “Sorry. Hindi na nga..” Na-miss ko bigla siyang hawakan.

 

Ano ba ‘tong nararamdaman ko.

 

Nag-soften ang mukha niya at binalik yung kamay ko sa kanyang sweater, “Don’t pout. Sirain mo pa, I don’t mind..” Mahina niyang sabi pabalik.

 

Narinig namin yung malakas na buntong hininga ni Giselle, “If you guys are gonna flirt nonstop in front of me, aalis na ako.” Umirap siya.

 

F-flirt? Flirting ba ‘yun? Kasi kung oo… parang normal lang naman samin ni Minju ito. Mas naging close kasi kami after namin magkabati after nung time na hindi niya ako pinapansin...

 

“Bakit parang badtrip ka? Hindi mo naubos pagkain mo..” Dinerecho ko na si Gi. “Magkaaway ba kayo ni Ning kaya hindi siya sumama?”

 

Tumingin siya sa baba at parang nalungkot sa pag-mention ko ng isa pa naming friend, “Kasi diba, she invited us last Saturday sa kanila for her mom’s birthday?”

 

Tumango ako, nagpunta kami don nila Minju pero wala si Giselle. Kahit nga si Karina at Yeji, nagpunta. Medyo nagiging close na rin kasi talaga sila pati yung dalawa kong kaibigan. Medyo nasa iisa kaming circle kung tutuusin.

 

“Bakit nga wala ka don?” Nagtatakang tanong ko.

 

Tinignan ko si Minju nang masama dahil sa ginagawa niyang pag-amoy sa braso ko. Amoy toyo daw. Bakit naman amoy toyo? Pero okay lang, gusto kong kinukulit-kulit niya ako nang ganito...

 

“I was gonna come naman talaga. Nag-yes ako, right? I even bought Tita a gift. But then Somi was persistent na magkita kami one last time para tigilan niya na ako and I took the chance. So I canceled last minute kay Ning. Sabi niya it's okay but it looks like nagtampo siya..”

 

Tumango ako, “Ahh, hinahanap ka nga ng mama niya that night. Tas parang nawala nga si Ning sa mood that time.” Walang filter kong sabi. Tinapik ako ni Minju. “A-ay, I mean, okay naman pala si Ning.”

 

Baka malungkot si Gi bigla. Nakonsesnya naman ako.

 

Parang mas na-feel bad nga si Giselle sa sinabi ko. Halos sabunutan ang sarili, “I feel bad. Nagtatampo siya, for sure. Like.. I’d be too if I were in her shoes. Bwiset kasi si Somi! Napaka-bad news niya!”

 

Sumabat si Minju, “Bilhan mo ng milk tea para hindi na magtampo.”

 

Natawa ako at tinignan siya, “Kanina ka pa milk tea nang milk tea. Ikaw yata ang may gusto eh.”

 

“No that’s a good idea. Nasa library sila right? Puntahan natin. I’ll buy her milk tea. She likes yung sa Tastes from the Greens diba?” Nag-hum lang ako in response. Tumayo na agad si Giselle at hindi na kami inantay ni Minju, naglakad na siya pababa ng Ellen’s.

 

Tumayo na rin si Minju at inabot ang kamay ko, “Let’s go na rin. Bilhan din kita.” Ngiting-ngiti siya at parang excited mabilhan ako ng milk tea.

 

“Bakit? Hindi naman ako nagtatampo sayo ah..” Sinundan ko siya at umalis na rin sa pagkaka-upo.

 

Magkahawak yung kamay namin habang naglalakad. Naghahawak din naman kami ni Ning ng kamay madalas kapag naglalakad kaya normal lang naman siguro ito...

 

Diba?

 

“Because I wanna spoil you.”

 

Suminangot ako, “Lagi mo na lang akong nililibre. Ako naman manlilibre..” Ang dami ko na rin kasing naipon. Ngayon nakakabili na ako ng kung anong gusto ko pero hindi naman lagi. Tipid pa rin most of the time.

 

Si Papa ay nakahanap na rin ng trabaho sa isang grocery store malapit lang sa campus at stable naman ito. Hindi na rin siya umuuwing lasing or nasesesante. Tapos yung sweldo niya, binibigay niya kay Mama.

 

Para bang everything is falling into place sa buhay ko nitong mga nakaraang buwan. Nakakatuwang makaranas ng kaunting ginhawa after years na para akong kinakapos sa hininga sa dami ng problema.

 

“What? No! You don’t have to. I like treating you food.” Reklamo niya.

 

Hinila ko na siya at nagpumilit, “Tara na. I’ll libre you.” Panggagaya ko sa way niyang magsalita. Tawang-tawa lang naman si Minju sa pagka-trying hard ko.

 

“Fine. Wait..” Tinigil niya kami sa paglalakad. Halos manigas ako nang hawiin niya ang buhok ko sa may bandang noo na nagulo, “There. You look pretty na ulit.”

 

. Bakit ako napatingin nang matagal sa mukha niya? Bakit gandang-ganda ako lately kay Minju? At bakit gustong gusto ko kapag clingy siya sa akin…?

 

Gusto ko ba siya? Gusto niya ba ako?

 

Ano ba yan. Ayokong isipin. Gusto ko kung ano kami ngayon at ayokong mag-overthink dahil ayokong may mabago sa kinikilos naming dalawa sa isa't isa. Ayokong mawala ang pagka-sweet niya. 

 

Nag-snap siya ng fingers sa harap ng mukha ko, “Winter. You zoned out. Tara na.”

 

Inabot ko ulit ang kamay niya at ngumiti, “Anong gusto mong flavor? Yung cookies and cream?” Tanong ko. Tanda ko ‘yun yung inorder niya last time nung bumili kami.

 

“Wow ha, alam mo na rin yung gusto ko.” Mapanloko niyang sabi. “Are you keeping tabs on me, Win?”

 

Nag-shrug lang ako, “Eh ano naman kung alam ko? Lagi kaya tayong magkasama.”

 

“Bakit parang ayaw mo?” Ngumuso siya.

 

Nag-groan ako nang mahina, “Wala naman akong sinasabi. Gusto ko kaya..” Nakita ko ang pamumula niya at nag-iwas ito ng tingin. Cute.

 

Nakarating na kami sa milk tea shop. Ang gulat ko sa bitbit ni Giselle na milk tea. Napakarami. Lima yata ang binili niya. “Lahat ba yan para kay Ning?!”

 

“Yeah, what’s wrong?”

 

Sinabi niya ito na parang normal lang bilhan ng limang milk tea ang isang tao. Pareho kaming napatawa ni Minju, “Don’t mind her, Gi. Ning will be very touched.” Sabat ni Minju.

 

Naglakad na kami papunta as Main Library. Nag-aaral yata sina Karina at Yeji doon kasama si Ning. Katulad kasi ng napag-usapan namin sa ramen place two months ago, pinilit talaga namin maging magkakaklase. Hindi sa lahat ng subjects, pero sa karamihan ay classmates kami.

 

Hindi sumasagot si Ning sa text kaya nag-message ako kay Karina. Hindi kasi namin sure kung nasaan part sila ng library.

 

Me: San kayo?

 

Karina: Lib. Why? Punta ka? Tara hehe

 

Me: Oo hehe kasama si Gi and Minju. San kayo sa Lib?

 

Karina: Ohhh okay sa may outside kami. Sa gilid. Right part kapag facing the entrance.

 

Me: Ok otw

 

Karina: Ok. Hehe..

 

As time went by, mas nagiging okay na yung realtionship namin ni Karina ulit. Hindi na nga kami casual friends eh. Friends na siguro ulit kung matuturing dahil nga palagi kaming magkakasamang lima. Hindi naman ako nagrereklamo.

 

Katulad ko, malaki na rin ang pinagbago ni Karina.

 

Bukod sa hindi na siya kung kani-kanino sumasama, medyo tahimik na rin siya. Palabiro pa rin minsan, lalo sa akin, pero hindi na katulad nung dati. Wala na rin yatang pakialam sa ganap ng org niya.

 

May isa rin akong napapansin...

 

Lagi ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin. Hindi ko lang alam kung bakit.

 

Baka nami-miss yung dati namin bonding? Hindi ko sure. Nami-miss ko rin naman paminsan-minsan pero hindi na para mag-dwell ako. Nangyari na ang nangyari at wala na kaming magagawa pa.

 

At least diba, hindi totally nasira. Okay na rin.

 

Natatanaw na namin si Pegaraw sa building ng Main Library. Parang na-excite na si Giselle at binilisan lalo ang lakad, “Nasa gilid daw sila. Sa may kanan.” Sabi ko.

 

“Excited much si teh.” Mapang-asar na sabi ni Minju.

 

Tinignan ko siya at natawa, “Ang amos mo.” Binigay ko yung tissue sa kanya.

 

Hindi niya inabot at lumapit sa akin lalo, nasa may hagdan na kami ng entrance. “Sinadya ko yan para punasan mo.”

 

Umiling lang ako at pinunasan yung creampuff sa gilid ng labi niya, “Okay na.”

 

“Hey guys..” Napaharap kami kay Yeji. Kasama niya si Karina na nakatingin lang sa amin ni Minju. Ito nanaman yung pagtitig niya. Ewan ko ba dito. Ang weird talaga.

 

“Uy, san kayo?” Tanong ng kasama ko.

 

Si Karina ang sumagot, “Mag-CR lang. Upo na kayo dun sa gilid, si Ning mukhang pinapahirapan si Giselle sa panunuyo.” Tumawa siya nang mahina. Napangiti ako dahil sa tawa niya, nakaka-miss din talagang marinig si Karina na tumatawa genuinely.

 

Tanda ko kasi dati, puro fake laughs lang ang naririnig ko sa kanya kapag kausap ang orgmates sa klase namin.

 

Nadatnan namin si Ning at Giselle na magkatabi at naka-Indian seat, “Ano bati na kayo? Ning kanina pa nag-iinarte si Giselle, forgive her na.” Sabi ni Minju. Pinagpag niya yung uupuan namin at inalalayan pa ako sa pag-upo.

 

Ang bait niya talaga. Ang ano... Ang s-sweet.

 

“Kasi naman! Inuna pa si Somi!” Umirap ito, “Gumawa kaya ako ng mango graham para sayo nung birthday ni Mama..” Natawa lang kami ni Minju.

 

Si Giselle ay halatang natatawa pero hindi magawa. “Sorry na nga.. I bought you milk tea oh! Five yan!”

 

Bumalik na yung dalawa naming kasama at naupo sa tabi namin, kumuha si Yeji ng isang milk tea galing sa dala ni Giselle, “Akin na lang ‘to.”

 

Pati si Karina ay nakikuha, “Penge rin.”

 

Yung taro ang nakuha niya. Hindi niya yata napansin. For sure hindi niya magugustuhan. “Ewww.. Ayoko nito. Palit tayo, Yej.” Napatawa ako. Ayaw niya kasi ng taro-flavored na milk tea talaga kahit dati pa.

 

“You guys! Hindi naman para sa inyo yan!” Galit na sigaw ni Giselle.

 

Na-distract ako sa pag-aamoy nanaman ni Minju sa braso ko, “Ano ba ‘yun? Lagi mo akong inaamoy.” Mahina kong pagalit. Nilayo ko yung braso ko sa mukha niya.

 

Ngumiti lang siya, yung halos mawala na ang mata sa pagkakangiti, “Amoy baby..”

 

Nagtaka ako at tumingin sa kanya, “Anong baby? Johnson's baby cologne?”

 

“Hindi. Baby ko. Ayieeee.” Tinusok-tusok niya ang gilid ng aking bewang. Parang tanga.

 

Nagdabog si Giselle at maarteng sumigaw, “Oh my god kanina pa kayo! Get a room!” Naupo na ulit siya, “Anyways, we should talk about the Baguio trip. That's like.. two months from now.”

 

Oo nga pala. Nakaka-excite din naman kahit papaano. First ever out of town ko siguro ito na may kasamang mga kaibigan. Pinayagan na rin naman ako ni Mama nang malaman na sina Minju at Karina naman ang kasama ko.

 

Nag-text pa nga sakin yung Mama ni Karina, kino-confirm kung kasama talaga ako dahil kung hindi, hindi raw niya papayagan ang anak niya. Hindi pa rin nawawala kay Tita yung thought na I watch over her daughter...

 

Kahit hindi naman na.

 

Siguro oo, at some extent, pero hindi na katulad nung dati.

 

Hinayaan lang namin si Giselle magsalita, “I found a nice place sa Airbnb app. Good for 6-10 people yung house. Confirmed na ba tayong lima?”

 

Nagsalita si Minju, “Kars, we can invite sina sis. Si Ryujin and Lia.”

 

Napansin ko yung pagtingin ni Karina kay Yeji, as if asking ito kung okay lang. Tumango lang naman yung isa at nginitian yung ex niya. Sumagot si Karina, “Pwede. At least dadami yung mag-split sa accoms.”

 

“Alright, let me know ASAP.” Sabi ni Giselle.

 

Hinahayaan ko lang naman silang magplano. Tumatango-tango na lang ako pati si Ning. Hindi naman kasi kami sanay sa mga ganitong planning ng trips kaya kung ano na lang ang mapagdesisyunan, dun kami.

 

Ayaw ni Giselle at Minju mag-commute kaya magrerent na lang daw ng van. Direktang kinausap ako ni Karina, “Need mo ng mga sampung Bonamine, Win.” Pareho kaming natawa. Nakatingin lang ang lahat sa amin.

 

“What? Mahihiluhin siya. Meron kaya ako sa bahay na isang banig na Bonamine for her.” Proud na pahabol pa niya. Ay, hindi ko alam ‘yon...

 

“Taray. Okay po, Mercury Drug.” Biro ni Ning.

 

Nainis na si Giselle dahil nasa-side track daw kami kaya wala na lang umepal habang nag-eexplain siya ng itinerary namin sa Baguio. Isang oras din kami nag-discuss about dito at bumalik na sa pagre-review.

 

Medyo napansin ko na nagi-struggle si Karina sa Stat kaya ako na ang nag-initiate na tulungan siya, “Ganito yan..”

 

Inexplain ko sa kanya yung sa isang mahirap na topic. Hindi ko sure kung nakikinig siya dahil patingin tingin lang siya sa akin buong span na tinuturuan ko siya. “Gets mo na?” Nagkatinginan kami.

 

Binasa niya yung labi niya at nag-iwas ng tingin sa akin, “Oo. Thanks, Win..”

 

Bumalik na ulit ako sa tabi ni Minju. “Ikaw, okay ka na?”

 

Nag-thumbs up siya, “Ako pa.” Tumingin siya sa orasan, “Dinner ba tayo? Or uuwi na kayo?” Tumigil na rin sa pag-aaral yung iba. Nakakatamad na, paulan-ulan pa.

 

Uuwi na raw yung iba at mag-aaral pa para sa exam bukas. Kaming tatlo na lang nila Karina at Minju ang naiwan dahil sa Raymundo ang daan namin. Parang nung mid-year lang, laging kami ang magkakasabay.

 

“Hatid kita, Win.” Sabi ni Minju sakin.

 

Tumaas ang kilay ni Karina sa kanya, “Ang sweet mo naman.” Hindi ko mabasa yung tono ng pananalita niya. Parang sarcastic na ewan.

 

Tumawa lang naman si Minju although halatang humorless. “Hatid din kita, Kars. Gusto mo?”

 

Napalunok ako. Para kasing iba yung titigan nilang dalawa. Parang parehong may pinapatunayan. Ano bang nangyayari? Kaya ko naman umuwing mag-isa.

 

“Wag na lang tayong maghatiran.” Sagot ko para lang ma-break yung tension.

 

Nag-alis na sila ng tingin sa isa't isa. Tumingin si Minju sakin at mahinang nagsalita, “Sorry, Win. Uhm, may pupuntahan pa pala ako sa Vega. Ingat kayo.” Parang nahiya siya bigla.

 

Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang braso, “Huy.. Okay ka lang? Samahan kita?” Nag-alala ako bigla. Gusto ko siyang samahan.

 

Umiling siya kaagad, “No, go na. Baka hinahanap ka na ni Tita.” Tipid na ngumiti lang siya at dumerecho na sa kabilang direksyon papunta sa palabas ng campus. Hindi ko naman na siya napigilan.

 

Anyare?                                                     

 

“Sorry. I think nainis siya sakin..” Medyo sarcastic nga yung tono niya kanina dun sa isa. Siguro na-conscious yung isa kong kaibigan.

 

Bumaling ako kay Karina, “Hindi naman siguro. Tara na.” Nilingon ko ulit si Minju. Medyo malayo na siya sa amin. Ite-text ko na lang mamaya.

 

Naglakad na kami ni Karina paalis ng library.

 

Medyo binabagalan niya kaya binagalan ko na lang din, baka pagod buong araw. Binasag ko ang katahimikan, “Kamusta acads mo?” Curious lang ako. Last two sems ay medyo struggling yata siya.

 

“Okay naman.. Big help yung ano, yung pag-gu-group review natin..” Natuwa naman ako. Hindi na rin talaga siya umaattend ng GA ng org. Baka nag-inactive na talaga katulad ni Minju.

 

“Buti naman. Matutuwa mama mo, for sure.”

 

Tumango siya. “Uhm, Winter?”

 

“Mmh?”

 

Medyo natatagalan siyang sumagot kaya tinignan ko siya, “Ano ‘yun?” Napakunot ang noo ko. Para kasing kinakabahan siya.

 

“May.. may sayaw kami sa end ng month. Last week ng October. Ano, gusto ko sanang manood ka. Kung okay lang..” Hindi siya makatingin sa akin.

 

Naalala ko yung huling beses na sumayaw siya, hindi ako nakapunta. Magkagalit kasi kami that time. Ayun yung hindi siya nagpunta sa gig ko. So hindi ko pa talaga napapanod si Karina na mag-perform as a member ng SSDC...

 

“Oo naman. Sige, manonood ako.” Ngumiti kami sa isa't isa at pingpatuloy nang maglakad. Nagpaalam na ako sa kanya nang madaanan yung bahay namin. Hindi pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
0 points #1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 0 points #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 0 points #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 644 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche #7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche #8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance