Part 4

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Ayoko naman talagang sumama sa outing ng section namin. Hindi naman ako mahilig sa ganitong gala at wala rin akong pang ambag. Parang sayang lang kasi ang iaambag dahil hindi rin naman ako magsi-swimming.

 

Kaso si Karina kasi ang nag request sa akin na sumama daw ako. “Broken hearted” nanaman daw siya kahit alam kong wala lang naman sa kanya yung breakup nila ng ex niyang si Louise. Minsan ang hilig lang din talagang mag-drama ng best friend ko.

 

Si Yeji naman kasi talaga ang gusto niya. Grade 11 pa lang deads na deads na siya don simula makasama niya ito sa sayaw. Kaya lang may iba yatang kinikita si Yeji ngayon kaya binabaling na lang ni Karina ang atensyon sa iba.

 

Isang buwan lang yata ang itinagal nila ni Louise kaya sure ako na walang epekto ito sa kanya. Pero dahil best friend nga ako, syempre dadamayan ko pa rin. Siya naman daw ang magbabayad ng ambag ko.

 

“Ma, baka po overnight kami sa resort. Diyan lang naman po sa Park Merced.” Hindi naman mahigpit sa akin ang magulang ko basta’t alam na kasama ko si Karina.

 

“Kasama mo ba si Karina?” Diba.

 

“Opo. Sabay po kami. Dadaanan ko po siya sa kanila.” Bitbit ko na ang bag ko at umalis na nang tumango lang si Mama.

 

Parang balisa siya nitong mga nakaraang araw.

 

Nawalan nanaman kasi ng trabaho si Papa dahil sabi ng boss ay lasing daw minsan kapag pumapasok sa trabaho. Kaya siguro ganito na lang kung ma-stress si Mama. Wala rin kasi siyang pinagkukuhanan ng ibang pera kung hindi yung silogan niya sa may Raymundo.

 

Ang dami namin requirements ni Yuna tapos magcocollege pa ako kaya talagang halos sakto lang ang kinikita niya. Minsan nga nagkukulang pa kaya umuutang sa Tita ko na nasa Maynila.

 

Ang hirap talaga ng buhay lalo na kapag may tatay kang walang ambag kung hindi sakit ng ulo. Minsan hinihiling ko na sana ipinanganak na lang ako na mayaman pero wala eh, kailangan magtiis. Mag-aapply na lang ako ng scholarship kay Gov para sa college.

 

“Bes!” Nakita kong papalapit si Karina sa bahay namin. Ang daming dala, akala mo naman sa resort na titira habambuhay.

 

“Ang laki naman ng bag mo.” Pansin ko.

 

Umikot lang ang mata niya sa akin, “Napaka ano mo! Pinagdala kaya kita ng towel, for sure wala kang dala. Lagi mo 'yun nakakalimutan.”

 

Oo nga, 'no? Nalimutan ko ulit ngayon. “Sabagay. Thanks. Tara na ba? Mag jeep na lang ba tayo?”

 

“Oo. Lakad na tayo papunta sa sakayan.”

 

Mabagal lang ang paglalakad namin. Parang malalim ang iniisip niya kaya napatanong ako, “Anyare sa inyo ni Louise?”

 

“Ayun. Two timer pala. May jowa sa kabilang school.” Kibit-balikat niyang sabi. Napatingin ako bigla sa kanya.

 

“Gago pala yun eh.” Kahit naman alam ko na walang malalim na nararamdaman si Karina sa kanya, ang panget pa rin siguro sa pakiramdam na nag-cheat sayo ang jowa mo. Lecheng Louise yan.

 

“Okay na 'yun, bes. Inom na lang tayo later. Inom ka ha.” Nag-cling ang kamay niya sakin. Ganito naman ‘to kapag may request. Malambing.

 

Kumunot ang noo ko, “Ayoko. Alagaan na lang kita. Baka mashunga ka pa don.” Ganon naman lagi kahit pa nung umpisa kaming maging magkaibigan. Para bang meant to be na ako na taga-alaga niya.

 

Hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto ko ang ginagawa ko. Dahil gusto ko siya. Mahal ko siya. Ilang taon na rin ba? Simula Grade 8 yata. Pucha. Limang taon na rin pala akong nagpapaka-martyr at nagpapakatanga sa best friend ko.

 

Ganito nga siguro talaga—pag mahal mo, mahal mo. Diba ganon naman 'yun? Ang hirap takasan. Lalo na’t araw-araw kaming magkasama. Araw-araw kaming magkausap.

 

Ayoko rin namang umamin dahil baka ma-weirduhan pa siya sa akin. Solid best friends lang kami nito. At isa pa, si Yeji naman talaga ang gusto niya. Ano naman panama ko sa babaeng 'yon?

 

Inalis ko na lang muna ang isip ko dito. Umaasa akong kapag nag-college, baka mabawas-bawasan naman ang nararamdaman ko para sa kanya.

 

“Para po!” Rinig kong sigaw ni Karina.

 

Andito na pala kami. Kinuha niya ang kamay ko habang bumababa sa jeep. Parang nag-backdive nanaman ang puso ko.

 

Hindi niya ako binitawan hanggang makarating kami sa resort. Alam niya kasi na ayoko ng big crowds na ganito.

 

“Have fun na lang din bes. Sayang ambag natin.” Ngiting sambit niya sa akin. Nginitian ko siya pabalik at tumango lang. Oo nga naman, last na rin naman itong outing kasama ang mga kaklase namin bago kami mag-college.

 

“Karina break na pala kayo ni Louise?! Shot na yan!” Sabi nung isa naming kaklase.

 

Napakunot ang noo ko at sumagot, “Ang aga pa. Mamaya na iinom si Karina.”

 

Tumawa lang ang best friend ko, “Sorry. Mamaya pa raw ako pwede.” Umakbay siya sa akin. Kaya kami napagkakamalan eh. Para kaming mag-jowang hilaw.

 

“Alam mo bagay kayo. Bakit kasi hindi na lang si Winter ang jowain mo, Kars?!” Sabat ni Monica. Napaka-chismosa talaga nito at walang pake sa lumalabas sa bibig niya.

 

“Di kami talo nito ni Win. Masyadong mabait 'to for me.” Malokong sagot ni Karina. Kunwari na lang hindi kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Hindi kami talo. Hindi kami talo. Hindi kami talo. Okay lang.

 

“Oo nga, Monica. Parang magkapatid lang yan oh. Si Yeji kaya gusto ni Karina. Mas bagay sila.” Sabi naman nung isa pa naming kaklase. Tangina, kaya ayokong sumasama sa mga 'to eh. Puro na lang ganito ang usapan.

 

Hindi na lang ako umimik at nag-excuse muna para magpunta sa CR.  Naririndi na ako.

 

Oo na, hindi na kami talo. Oo na, para kaming magkapatid. Oo na, hinding hindi niya ako magugustuhan. Tanggap ko naman eh. Alam ko naman 'yun. Pero ang sakit pa rin.

 

Umamin na lang kaya ako bago mag-college? Para tapos na. Kung masira ang friendship eh 'di bahala na. Ang bigat na kasi. Gusto ko nang matapos at magkaalaman.

 

Nagwisik ako ng tubig sa mukha. Ang selfish naman yata nung naisip ko.

 

“Win.”

 

Nagulat ako nang makita ko si Karina sa salamin ng banyo. Ano ba 'to, bigla-bigla na lang pumapasok nang walang paalam.

 

“Oh? Okay ka lang?” Tanong ko kaagad.

 

Parang nag-aalala siyang nakatingin lang sa akin. “Ikaw ba? Okay ka lang? Umalis ka bigla. Ang ingay ba nila masyado?”

 

Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. “Sorry bes, ang daldal nila. Dapat 'di na kita pinilit na sumama. Baka uncomfy ka.”

 

Sinulit ko na ang pagkakataon at yumakap rin pabalik. Minsan lang naman. “Okay lang, bes. Gusto rin kitang samahan.”  Humiwalay na siya sa pagkakayakap naming dalawa at tinitigan ako sa mata. Nailang ako bigla sa titig niya.

 

“Love you, bes. Thanks for taking care of me.”

 

Mahal din kita, Karina. Kaya kitang alagaan hangga’t sa kaya ko. Bakit kasi hindi na lang ako?

 

Gustong-gusto kong masabi yan sa kanya pero hindi ko rin naman kaya. Hindi ko magawa. Ayokong masira kami at dumating sa puntong kakaawaan niya ako dahil hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko.

 

“Corny mo. Tara na.” Umiwas agad ako ng tingin dahil baka mapansin pa niya yung pamumula ng aking pisngi.

 

Masayang umakbay ulit siya sa akin at hinalikan ang gilid ng noo ko, “You’re too good, bes. Tara na.”

 

Bakit may paghalik sa noo? Ginawa niya akong lola pero ayos lang. Yun na ata ang closest na mararamdaman ko ang mga labi niya. Mapagtiya-tiyagaan na.

 

Nang gumabi na ay napaparami na ang inom ni Karina. Nagagatungan kasi ng mga kaklase naming lasinggero’t lasinggera. Tapos sinasamantala nila at kung ano-anong pinagtatatanong sa kanya.

 

“Eto, eto! Karina, sinong mas pipiliin mo, si Winter o si Louise?”

 

“Gago ka ba malamang si Winter.” Mabilis na sagot ng best friend ko. Napapasapo na lang ako sa noo dahil sobrang slurred na ng pananalita niya.

 

“Oh eto last na. Ang final boss!” OA na sabi ni Tomas, “Si Winter o si Yeji?”

 

Natahimik ang lahat. Napalunok ako. Kahit si Karina ay napatigil sa pag-inom ng beer at tumingin sa akin, mapungay ang mata. Medyo matagal siyang nakasagot sa tanong.

 

“Syempre si Yeji.”

 

Oo naman. Bakit nga ba ako umasang ako ang pipiliin niya eh great love niya 'yun? Tanginang feelings 'to, ito yata ang papatay sa akin. Ang sakit na, puta.

 

“Ouch naman! Oh Winter, shot!” Inabutan ako ng tagay ni Tomas. Kinuha ko ito agad at ininom. Takang-taka pa sila dahil hindi naman ako mahilig uminom pero nag-cheer din naman sila agad.

 

Nakatingin lang sa akin si Karina. Ito nanaman yung tingin niya. Yung tingin na parang nag-aalala. Na parang alam niya yung nararamdaman ko.

 

Madaling araw na nang iakyat ko siya sa kwarto. Nagpaiwan pa yung iba sa baba dahil uubusin pa ang alak. Hindi ko na pinayagan si Karina at baka masobrahan pa ito. Masama na, baka magalit sa akin ang parents niya.

 

“Bes, higa ka na. Gusto mo bang punasan kita?” Inupo ko muna siya sa kama at nahihilo na raw kasi siya.

 

“Bes upo ka rin!” Malakas na sabi niya at tinapik yung kama kung saan niya ako gustong umupo. Natawa ako pero sinunod na lang din ang kanyang sinabi.

 

Dumantay siya at hinilig ang ulo sa aking balikat, “Mas inaalagaan mo pa ako kaysa sa mga naging jowa ko, bes.” Halos hindi ko maintindihan ang sinabi niya sa sobrang kalasingan. Parang ibang language ang sinasabi niya.

 

“Ano ulit 'yun bes?”

 

Hinampas niya ang tiyan ko, naramdaman ko ang hininga niya sa gilid ng aking leeg. “Sabi ko mas inaalagaan mo pa ako kaysa sa mga naging jowa ko!” Napa-iwas ako at itinapat niya sa tenga ko yung bibig niya. Ang likot at ingay niya talaga kapag lasing.

 

Hindi ako sumagot. Ano bang dapat sabihin?

 

Mga ilang minuto ay hindi na rin siya nagsasalita. Akala ko ay tulog na siya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

 

“Bakit kasi hindi na lang ako, bes?” Bulong ko sa sarili. Hindi naman siguro niya narinig at mukhang nakatulog na. Kung narinig man niya, lasing naman siya.

 

Laking gulat ko nang iangat niya ang ulo niya mula sa balikat ko, nanliliit ang mata sa kalasingan.

 

Mas nagulat ako nang paglapitin niya ang mukha namin sa isa’t isa. Napatingin siya sa mga labi ko kaya hindi ko na rin napigilan na ibaling ang pansin sa labi niya. Ang pula pula ng mga ito.

 

Kinakabahan ako. Bakit parang papalapit siya siya nang papalapit sa akin? Teka lang. Tama ba ang iniisip ko? Hahalikan ba niya ako? Ano 'to?

 

Tangina.

 

“Karina.. Anong ginagawa mo?” Pigil na hinga kong tanong.

 

Hindi siya umimik. Hinawakan niya ako bigla sa batok at hinila papalapit lalo sa kanya at sa wakas ay ipinagdikit ang aming mga labi.

 

Lasang alak.

 

Lasang limang taon na hinintay.

 

Lasang limang taon na minamahal.

 

Parang tumigil bigla ang mundo ko. Totoo ba talaga 'to?

 

Ginalaw niya nang bahagya ang kanyang mga labi para palalimin ang aming halik. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ito ang first kiss ko. Wala akong experience sa ganito kaya sinundan ko lang ang galaw niya.

 

Humiwalay kami para huminga at nagtama agad ang aming mga mata.

 

Bakit ganon? Bakit kahit lasing siya, yung mga mata niya ay punong-puno ng saya, ng lungkot, at ng pag-aalala.

 

Hindi pa rin ako makapagsalita dahil para akong malalagutan ng hininga sa nangyari. Maalala kaya niya ito bukas? Kasi kung oo, aamin na ako. Baka may pag-asa pala.

 

Humiga siya bigla at ipinikit na ang mata. Nakatulog na siya matapos ang ilang minuto. Hinawakan ko ang aking mga labi, ninamnam ang binigay niyang halik sa akin. Ang daming pumapasok sa isip ko. Mga posibilidad. Mga tanong.

 

Huminga ako nang malalim at umupo sa sofa katabi ng kama. Ayoko muna siyang tabihan sa pagtulog. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog ako.

 

Nagising lang ako sa malakas na pagtawag at pagtapik ni Karina sa pisngi ko. “Bes! Gising. Late na. Uuwi pa tayo. Huy bes!!!”

 

Pagmulat ng mata ko ay nakita ko agad ang mukha niya. Napa-focus ako ng tingin sa kanyang labi. Naalala ko yung kagabi. Panaginip lang ba 'yun? Nangyari ba talaga? Napatayo ako bigla sa pagkakahiga.

 

Ang sakit ng likod ko.

 

“Bakit diyan ka natulog? Sana tumabi ka sakin.” Patawa-tawang sabi niya.

 

Gusto ko na kaagad malaman kung naalala niya yung kagabi. May parang excitement sa akin dahil shet, baka nga may pag-asa. Baka nga gusto niya rin ako.

 

“Bes.” Tawag ko. Nag-aayos siya ng gamit.

 

Napatingin siya, “Oh? Mag-ayos ka na rin agad. May jeep na susundo.”

 

Hindi ko muna pinansin ang sinabi niya dahil kating-kati na akong tanungin, “Bes.. Tanda mo ba yung.. yung kagabi?”

 

“Alin? Yung inuman kasama sila Tomas?”

 

“Hindi. Yung ano, yung pagkatapos. Yung dito sa kwarto nung hinatid na kita. Para kasing nasa wisyo ka pa non.” Tuloy-tuloy kong sabi. Wala nang atrasan 'to.

 

Napatigil siya sa kanyang ginagawa pero hindi inalis ang tingin sa bag niya. Tumawa siya bigla na parang ewan, “Bes bakit? May ginawa ba akong hindi maganda?”

 

Hinalikan mo ako, Karina.

 

Nagsalita ulit siya nang hindi ako umimik, “Huy bes! May nasabi at ginawa ba ako? Kung ano man yun walang meaning yun ha! Lasing na lasing ako. Sakit nga ng ulo ko eh. May gamot ka ba diyan?”

 

Nakatingin lang ako sa kanya. Bakit hindi siya makatingin sa akin nang derecho? Nagsisinungaling ba siya?

 

Tangina, kung walang meaning, eh 'di wala. Bakit parang natatawa-tawa pa siya tapos ako itong sobrang nag iisip at halos manikip na ang dibdib.

 

“Bes ano ba 'yun?”

 

Umiling ako, “Wala. Mag-aayos na ako sa CR. May gamot diyan sa bag ko.” Dere-derecho akong pumunta sa banyo. Habol ang tingin niya sa akin pero hindi ko muna pinansin. Para akong naiiyak.

 

Habang naghihilamos, hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak nang sobra. Kasabay ng pag-agos ng tubig ang pagtulo ng luha ko. Bakit ang sakit sakit?

 

Narinig ko ang malakas na pag katok niya sa pinto, “Bes! Ba't antagal mo? Okay ka lang ba diyan?”

 

Umubo-ubo ako para umayos ang boses ko. Baka mapansin pa niya na galing ako sa iyak, “May LBM yata ako! Wait lang!”

 

Hindi pa rin mawala sa utak ko yung feeling ng labi niya sa labi ko. Pati na rin yung tingin niya sa akin pagkatapos niya akong halikan. Para kasing nasa wisyo naman siya nung oras na 'yon.

 

Pero sabi nga niya, wala siyang maalala. Kaya baka imagination ko lang na parang may something.

 

Baka wala naman talaga.

 

Bakit naman magkakaron, eh hindi nga naman pala kami talo?

 

Lumipas ang ilang araw ay iniwasan ko siya. Natatakot kasi ako na baka bigla ko na lang ulit mabanggit yung halik. Nakatanggap ako ng text sa kanya bigla pagkatapos ng klase namin sa school.

 

Bes: BES MAY IRERETO AKO SAYO!

 

Nagising akong sobrang sakit ng ulo. Napahaba yata ang tulog ko pero ayos lang at weekend naman. Nakabawi-bawi man lang ng tulog kahit papaano.

 

Ang gulat ko nang biglang magsalita si Yuna, nakaupo siya sa kama niya katapat ng sakin. "Ate bakit ka umiiyak habang tulog? May mga sinasabi ka rin. Hindi ko maintindihan." Nag aalala-niyang sabi.

 

Umiiyak? May sinasabi? Ang hilig ko talagang magsleep-talk minsan.

 

Bigla kong naalala yung panaginip ko.

 

Ngayon ko lang yata napanaginipan 'yun. Yung hinalikan ako ni Karina nung gabing 'yon. Pero diba, sabi nila kapag ganon daw, ready ka nang mag let go? Or baka naman nag-iimbento lang ako.

 

"Wala, may napanaginipan lang akong hindi maganda."

 

Bumangon na rin ako at pupunta pa kami mamaya nila Ning at Giselle doon sa restobar ng tito niya. Wala kasi ito nung gabi na niyaya niya kami ni Ning doon at tuwing Sabado lang daw bumibisita ang uncle niya sa place.

 

"Aswang ba, Ate?"

 

Natawa lang ako, "Multo."

 

Multo ng nakaraan.

 

"Ate pwede ba akong umalis mamaya? Gagala lang kami ni Chae sa SM." Hindi naman mahilig gumala itong si Yuna at minsanan lang kaya wala naman problema sa akin. Ako na lang ang magsasabi kay Mama mamaya. Puro aral din kasi ang inaatupag nito.

 

"Oh sige. May pera ka ba?"

 

Kumamot siya sa ulo, "Hehe. Wala, Ate. Konti na lang natira sa allowance ko."

 

Kinuha ko yung wallet ko. Marami akong natira na baon dahil lagi kaming nililibre ni Giselle nitong mga nakaraang araw. Nakakahiya na nga eh pero ang sabi naman niya gusto niya yung ganon dahil sobra-sobra ang binibigay ng magulang niya sa kanya.

 

Siya yung klase ng mayaman na hindi matapobre at hindi nanlilibre dahil gusto lang magyabang. Kami lang daw kasi yung naging kaibigan talaga niya.

 

Nakakatuwa at pare-pareho kaming tatlo nila Ning at Giselle. Sobrang thankful ako sa kanila dahil parang nakakahinga ako nang maluwag nitong mga nakaraang araw at hindi masyado nagde-dwell sa "Karina

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
0 points #1
Chapter 16: dang that was so angst love it
lokonaba
0 points #2
Chapter 11: HAHAHAHAHAHAH ANONA
kleispace
#3
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #4
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #5
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa
#6
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 658 streak #7
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #8
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#9
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#10
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.