Part 6

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“Hello. Pwedeng paupo sa tabi mo?”

 

Dalawang linggo na nang mag-umpisa ang klase bilang Grade 7. Ngayon lang yata may gustong maupo sa tabi ko. Nahihirapan pa rin kasi akong mag-adjust kaya siguro wala masyadong lumalapit sakin.

 

Hindi ko tinignan yung nagtanong. Tumango lang ako habang nagsusulat ng assignment. Hindi ko kasi nagawa kagabi dahil naputulan kami ng kuryente.

 

“Ako pala si Karina.” Nagsalita ulit siya kaya nilingon ko na ito.

 

Una kong napansin yung maganda niyang mukha. Lalo na yung nunal niya sa may baba. Hindi nga lang ako makatingin sa mata niya nang derecho, nahihiya kasi ako.

 

“W-Winter name ko.” Mahina kong sabi. Hindi ko pa alam kung narinig niya ba ako dahil pinagpatuloy ko na ang pagsusulat.

 

Akala ko hindi na niya ulit ako kakausapin pero parang mas naging madaldal siya. “Wow! Ang ganda naman ng name mo. Hulaan ko, Summer ang name ng kapatid mo noh?”

 

Napangiti ako nang bahagya, “Hindi. Yuna.”

 

“Ano yang ginagawa mo, Winter? May pinapasulat ba si Ma’am? Nandito na ba siya?” Medyo masakit sa tenga at ang lakas ng kanyang boses pero hindi naman ako naiirita. Medyo lang.

 

“Hindi, assignment..” Tahimik kong sagot.

 

Narinig ko yung pagpigil niya ng hininga, “May assignment?!”

 

Ay. Baka katulad siya ng iba naming kaklase na tamad. Mukha pa man din siyang matalino. Pero sabi ni Mama, don’t judge a book by its cover.

 

“Oo.. sa Math.”

 

Tinitignan ko siya paminsan-minsan at natawa ako sa bigla niyang pagsabunot sa sarili. “Hindi ako magaling sa Math, Winter. Turuan mo nga ako. Okay lang ba?”

 

Kawawa naman. Saktong nakanguso siya nang tignan ko ito. Ngayon lang din nagtama ang mata namin. Maganda rin pala ang mga mata niya. Parang ang hirap huminde sa kanya.

 

“Sige. Labas mo notebook mo.”

 

Biglang sumaya ang itsura niya at nawala ang pagkakanguso, “Talaga?! Wait!”

 

Mahirap siyang turuan ng Math.

 

Parang mas magaling pa si Yuna sa kanya pero pinagtiyagaan ko na rin. Siya lang kasi yung kumausap talaga sa akin nang ganito sa section namin. Hindi rin siya nakakainis 'di katulad ng iba naming kaklase.

 

Sila yung mga ayaw makipagkaibigan sa mga katulad kong anti-social at tahimik. Yung mahirap pakisamahan.

 

Wala pa si Ma'am kaya medyo marami akong naituro kay Karina. “Ahhhh ganon pala yun! Ang galing mo, Winter. Pwede bang best friend na kita? Pwede akong mag-apply? Ililibre na lang kita ng chuckie para pumayag ka. Please!”

 

Lumuwag ang pagkakangiti ko, yung labas ang ngipin. Tinikom ko rin agad nang marealize ko na ang weird siguro ng itsura ko.

 

“Marunong ka palang ngumiti! Ibig sabihin ba pumapayag ka? Sige ha, mamaya may chuckie ka sakin. Sabay tayong umuwi. Ayokong makasama sila Michelle ang arte nila puro boys pinaguusapan.” Umikot ang mga mata niya. Nakakatawa.

 

Hindi ko nga kilala kung sino si Michelle, pero gets ko ang sinasabi niya na maaarte nga yung iba namin kaklase. Mapa-babae man o lalake, parang ang dami nilang pinagkakaabalahan na hindi naman makakatulong sa pag-aaral.

 

Dito na nagsimula ang pagiging magkaibigan namin ni Karina.

 

Akala ko pangmabilisan lang at natuwa lang siya na may nagturo sa kanya ng Math, pero seryoso pala siya sa pag-aalok sa akin na maging best friend.

 

Sa lahat kasi ng nag try makipag kaibigan sa akin, siya lang talaga yung tumagal.

 

Kasi siya lang ang nakakaintindi sa akin at siya lang ang willing mag-adjust sa pagiging tahimik ko. Yung pagiging hindi ko pala-salita at ngiti. Yung kahit minsan hindi kami pareho ng trip, hindi problema sa kanya.

 

Okay lang daw, sabi niya. Siya na lang daw ang gagawa ng mga pag-smile at pakikipag-socialize para sa aming dalawa.

 

Wala rin makapang-asar sa akin dahil binabarda agad sila ni Karina. Dahil dito, nag-umpisa na rin ako na maging protective sa kanya. Habang tumatagal kasi, mas nakikilala ko na siya.

 

Ang daming issues sa school tungkol kay Karina na wala namang katotohanan.

 

Narealize ko na sa aming dalawa, siya yung sensitive ay mabilis masaktan at umiyak. Sa aming dalawa, siya yung malikot at kailangan alagaan. Siya yung burara at kadalasan ay tamad, pero hindi naman pinapabayaan ang pag-aaral dahil alam niyang magagalit ako.

 

Sabi nga niya, we balance each other out daw kaya bagay na bagay kaming maging mag-best friends. Tama naman siya, hindi naman kailangan ay pareho kami ng ugali para maintindihan namin ang isa't isa.

 

"Bes, happy 1st friendversary!"

 

Ano nanaman pakulo nitong best friend ko? "Cine-celebrate pala 'yun?"

 

Sumimangot siya kaagad at binawi yung binigay niyang singsing na gawa sa yarn. Friendship ring daw.

 

"Akin na nga 'to!"

 

Tumawa ako, hinila ko siya papabalik ng upuan. Parang may iba akong naramdaman nang hawakan ko yung kamay niya. Ano 'yun?

 

Umubo ako, "B-bes, balik ka. Akin na. Suot mo sakin." Umupo rin naman siya at bumalik sa pagkakangiti. Kinuha niya yung kamay ko at pinasok yung singsing sa aking ring finger.

 

Naramdaman ko nanaman yung kakaibang feeling. Ang weird.

 

"Ayan! Ang ganda, bes. Suot mo naman yung sakin." Ako naman ang naglagay sa daliri niya nung singsing na yarn na kapareho lang din ng suot ko. Pinagtapat niya yung kamay naming dalawa, "Bagay satin, bes!"

 

Napa-iling na lang ako, ang quirky niya talaga. Pero nasasabayan ko naman yung ganitong mga trip niya. Syempre, si Karina 'to, best friend ko. Tanggap ko siya kung ano man siya at alam kong ganon din siya sa akin.

 

"Thank you, bes. Happy friendversary, kung ano man 'yon." Pagbibiro ko.

 

Hindi niya na lang ako pinansin at ngiting-ngiti pa rin habang magkaharap kami, "Bes, dapat hanggang 100th friendversary tayo. Sure yon."

 

Ngumiti ako, "Promise?"

 

"Pinky promise."

 

Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone. Nakatulog pala ako habang nag-aaral para sa napakaraming exams this week. Nagsabi rin ako sa Tresto na hindi muna ako makakatugtog sa darating na Thursday dahil mas mahalaga ang acads.

 

Minju: WINTERRRRR

 

Minju: Winter :(

 

Minju: Pssst!

 

Minju: Huy pansinin mo ako >:(

 

Me: Sorry nkatulog ako. Ano un? Haha ingay mo

 

Minju: Yay gising ka na! Tinatamad akong umattend sa meeting ng org tara kain sa Big Belly's?

 

Me: Nagrereview ako..

 

Minju: Ohh okay okay. Maybe next time!

 

Parang na-feel bad naman ako. Sa loob kasi ng isang buwan na magkakilala kami, naging malaking tulong si Minju sa akin katulad nila Giselle at Ning. Siya yung madalas kong nakakasama kapag wala yung dalawa.

 

Hindi rin siya nakaka-miss ng gigs ko. Sobrang supportive niya.

 

Kahit yung isang beses na hindi ako nakapag pasa ng paper sa isang subject dahil nasira yung laptop, siya yung chumika dun sa prof na bigyan ako ng isa pang chance. Ang galing niyang makipag-usap sa tao.

 

Pati yung pagpapaalam ko sa Tresto na hindi ako makakatugtog, sinamahan niya ako dahil alam niyang umuwi si Giselle sa Manila at nahihiya akong magsabi sa boss mag-isa.

 

Inaalagaan ni Ning ang tatay niya nung time na 'yon kaya nahiya akong magpasama.

 

Me: Magbibihis lang ako. Kita na tau don

 

Minju: HEHEHEHE OKAY :*

 

Hindi pa pala nakakapaglaba. Wala na ako masyadong damit. Napatingin ako bigla dun sa shirt ko na binalik ni Karina. Parang ayokong isuot dahil naaamoy ko pa rin yung pabango niya kahit isang buwan na ang nakalipas.

 

Kinuha ko na rin ito at inispreyan ng pabango ni Yuna na sobrang tamis. Nakakahilo yung amoy. Pero mas okay na 'to, kaysa yung pabango ni Karina.

 

"Ate san ka pupunta? Tsaka bakit mo ginagamit pabango ko?" Nagtatakang tanong ni Yuna. Hinablot niya sakin yung bench body spray na pink at sumimangot, "Naubos mo na yata!"

 

"Bibilhan na lang kita ng bago." Para akong mave-vertigo sa amoy ng pabango niya. Hindi kaya ng ilong ko talaga. "Diyan lang ako sa Big Belly's. Gusto mo? Pag-takeout kita."

 

Kinuha ko na yung phone ko at nilagay sa bulsa. Ingat na ingat ako dahil kakagawa lang ng battery at LCD nito.

 

May kakilala kasi si Papa na gumagawa ng cellphone at yung parts na lang ang binayaran ko, hindi na yung labor. Naka-ipon na rin naman ako dahil sa gigs kaya napagawa ko na rin.

 

Ang hirap din kasi ng walang phone dahil may mga group works na kailangan akong kontakin ng groupmates ko. Baka ibagsak pa ako sa evaluation.

 

"Sige Ate, yung kung pao chicken." Natutuwa ako at nalilibre ko na madalas si Yuna. Kahit si Mama binilhan ko ng sandals nung isang linggo. "Sino pala kasama mo, Ate? Si Ate Karina ba? Sama kaya ako? Miss ko na siya."

 

Umiling ako, "Hindi. Si ano, si Minju." Wala na akong balita kay Karina pagkatapos nung gabi na sinabi niyang hindi na niya ako guguluhin. Ang tindi rin ng pag-iiwasan namin sa klase.

 

"Siya ba yung laging may dalang cheesy eggdesal sa umaga?" Natawa naman ako sa description niya. "Yung maganda, diba?"

 

Tumango ako kaagad, maganda naman kasi talaga si Minju. Kahit si Ning at Giselle ay gandang-ganda sa kanya. Pwede raw itong sumali sa Starstruck. "Oo, siya 'yun. Sige na alis na ako."

 

Minju: I'm here na :D

 

Me: Papunta na ko. Lapit lng naman

 

Minju: Order na ako? Diba gusto mo yung cheesy garlic chuchu nila? Liempo right?

 

Me: Haha oo galing ah. Libre mo yan?

 

Minju: May bayad to, Winter.

 

Me: Haha ano nman

 

Minju: Ako naman hatid mo sa room bukas :P

 

Hindi na ako nagreply at naglakad na papunta.

 

Ang hilig mang-asar ni Minju kaya nasasanay na ako sa mga hirit niya sa texts. Ayos lang naman sa akin dahil wala naman siyang pinapakita sakin na hindi maganda at talagang mabuti siyang kaibigan.

 

Nakita ko siyang nakapila sa counter kaya dun na muna ako dumerecho.

 

Medyo maraming tao sa Big Belly's ngayon at wala akong makitang mauupuan. Dito kasi madalas kumakain ang mga estudyante dahil mura at sulit. Masarap din.

 

"Huy."

 

"Ahh!" Napalakas ang irit niya. Ang OA naman nito, hindi naman malakas yung panggugulat ko sa kanya. "Winter ano ba!"

 

Natawa ako, "OA naman. Hahanap na ako ng upuan, ang daming tao."

 

Tumingin ako sa paligid. May isang upuan sa dulo na mahaba pero dalawa lang silang nakaupo. Baka pwedeng sharing na lang. "Dun tayo, baka pwedeng maki-share." Tinuro ko yung table.

 

"Or gusto mo take out na lang? Dun tayo sa store ng Mama mo."

 

Napa-isip ako, parang okay rin yon. "Pwede naman. Take out mo na lang pero check ko pa rin yung sa table." Nakakatamad kasing maglakad pa ulit pabalik ng Raymundo. Gutom na ako. Sana hindi suplada yung dalawa.

 

Tumango siya, "Oki. Ingat, baka madapa."

 

Pumunta na ako sa may table. Bigla akong nahiya at mukhang mataray yung isang babae. Pero dahil natutunan ko na ngang makipag usap sa tao kahit papaano dahil sa pag-gig ko sa Tresto, lumapit na rin ako.

 

"Uhm.. Hello po. Pwedeng maki-share ng table? Dalawa lang kami ng kasama ko.." Nakangiti yung isa sa akin habang tinitignan akong magsalita. Nakaka-conscious. Yung isa naman poker-faced lang.

 

"Sure! Mamaya pa naman dadating yung dalawang kasama namin." Bumaling siya sa kasama, "Nasa training pa sila diba, love?" Ah, mag-jowa pala sila. Tumango lang yung babaeng mukhang mataray.

 

Sumenyas ako kay Minju na okay na at naupo na ako. Napangiti siya nang maluwag, yung labas yung dimples niya. Indian dimples yata yung tawag don. Hindi ko alam. Basta yung sa may cheekbones niya.

 

Nagpaka-busy kunware ako sa cellphone dahil parang nag-aaway yung dalawang babae sa table. Baka kaya nakasimangot yung isa.

 

Sa wakas ay dumating na si Minju. "Sis?" Sabi nung babae sa kaliwa ko. Orgmate rin ba ito ni Minju? Ang dami naman pala nila sa ComArts Ltd.

 

"Uy! Kayo ha, mga hindi rin umattend sa meeting. Susumbong ko kayo." Pagbibiro ni Minju. Tumingin siya sakin, "Winter, si Ryujin and Lia, orgmates ko rin."

 

Nag-hi lang ako sa kanila. Inayos ko na yung food sa tray para samin ni Minju.

 

"Katamad kaya. Dominated yung org ng mga pa-cool. Jusko. Magsu-suggest nanaman ng party sa sem-ender yung mga 'yun instead activities for the community." Sagot nung Lia. Tumawa lang yung kaibigan ko. "Go kain na kayo."  

 

"Ayoko ng cabbage." Sabi ni Minju sakin. Ang pihikan talaga nito.

 

Inabot ko yung food box ko, "Akin na lang."

 

Sayang naman kasi kung itatapon at hindi kakainin. Ang dami kayang nagugutom ngayon. Nakakakonsensya magtapon ng pagkain. Nilagay niya yung cabbage sa box ko, tumapon-tapon pa yung iba.

 

"Mag-jowa kayo?" Requirement kaya as org nila na dapat madaldal at maraming tanong?

 

Inubo si Minju bigla, halos lumabas na sa ilong yung tubig na iniinom niya. "Gaga, hinde. Asa naman yan si Winter."

 

Sinipa ko siya sa ilalim ng table, "Kapal mo." Mahina kong sabi. Medyo nahihiya pa rin ako sa orgmates niya.

 

Nagbuntong-hininga yung Lia, "Ang tagal naman nila Karina. May gagawin pa akong paper. Text mo nga, Ryu." Napatigil ako sa pagsubo ng liempo at rice. Napatingin sakin si Minju kaagad.

 

"Anong meron kay sis?" Tanong ni Minju sa orgmates. Pinagpatuloy ko na ang pagkain. Binilisan ko na lang at baka mamaya maabutan pa ako ni Karina dito. Ang awkward lang. Sawa na ako sa mga awkward na ganap.

 

Napansin ko rin na binilisan ni Minju na kumain. In fairness talaga sa kanya, parang alam din kaagad yung iniisip ko. Parang si Ning at Giselle lang, akala mo may bluetooth sila sa utak ko.

 

"Stressed sa 171 si gaga. Wala naman siyang aasahan kila Yujin at lahat sila pala absent kaya kay Lia nanghiram ng reviewers." Sabi nung Ryujin.

 

Nagulat si Minju nang makita nitong ubos na agad ang pagkain ko.

 

Tumawa siya at mas binilisan ang pagsubo, "I see." Di na ulit siya nag-comment at pinagpatuloy na ang pagkain. Ang sama na kasi ng tingin ko sa kanya, puro daldal.

 

Natapos na siya sa wakas at tumayo na kami. Napatingin samin yung dalawa, "Ay ang bilis niyo naman. Gutom na gutom lang?"

 

Tumawa lang kami, "Magrereview pa kasi si Winter. Bye mga siswang!" Nagpaalam na kami sa kanila at nagmadaling lumabas.

 

Pero syempre, sa kamalas malasan ay nakasalubong namin si Karina kasama si Yeji. Hindi pinahalata ni Karina pero alam ko naman na taken aback din siya sa presensya namin ni Minju. Or presensya ko lang. Ngumiti lang si Yeji sakin.

 

"Hey sis." Bati ng kasama ko.

 

Nagpagupit si Karina. Light brown na rin ang buhok niya. Inalis ko rin agad ang tingin ko at hindi ko pa rin talaga siya kayang tignan nang derecho sa mata. Naaalala ko lang yung mga sinabi niyang masasakit.

 

"Hi. We'll get going." Naglakad na ulit sila ni Yeji papasok. Tumingin siya sakin nang mabilisan at umiwas rin agad. Kahit 'di ko siya matignan sa mata, medyo napansin ko pa rin yung eyebags niya na naglalakihan. Mukhang stressed at pagod.

 

Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Minju. Nagsalita siya bigla, "Dessert tayo?" Inalis ko na si Karina sa isip ko. "Text ko sina Ning and Giselle." Binunot niya agad ang cellphone sa bulsa. Hindi na ako umangal.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 650 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance