Part 21

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Next month na ang start ng internship.

 

Puspusan na ang preparations namin along with Sir Vin kaya may meeting kami ngayon para mag discuss and to finalize yung ibang bagay na kailangan nang ma-finalize by now.

 

Nasa left side kaming Group A while nasa right naman yung Group B. Almost done na rin ang semester kaya yung iba sa amin ng co-advisees ko ay naghahabol na lang ng requirements or busy for the upcoming final exams.

 

Buti na lang on time ako sa lahat ng subjects kahit pa nga nagkaroon ako ng mini breakdown ngayong sem. I already caught up on everything na kailangan kong matapos para yung internship na lang ang iisipin ko. Tingin ko rin ay exempted naman ako sa finals.

 

“So I’ve done some changes.. Since we have only 2 guys here, I’d love to see yung difference ng outputs niyo based sa different sites. So Jeno, you’ll be transferred to Group A para sa QC ka."  

 

Nakita ko yung pag kurot ni Yunjin sa gilid ni Karina. She yelped at pinanlakihan ng mata ang kaibigan. Natawa ako.

 

Hindi naman masyadong obvious na crush niya yung co-advisee namin.

 

“Kars, lipat ka kaya? Dun ka sa tabi ni Winter sa likod, dito ko papaupuin si Jeno beside me.” Buti medyo malayo layo si Sir at ako lang ang nakakarinig ng bulungan nila dahil nasa harap ko lang sila.

 

“Jeno, dito ka.” Tinulak niya si Karina para tumayo at lumipat ito sa tabi namin ni Ate Seulgi at Ate Irene sa likod. Mukhang asar na asar siya sa ginawang pagpapalayas sa kanya ng kaibigan.

 

“Yieeee!” Sigaw ng iba naming kasama.

 

Bumusangot ang masungit naming adviser, “Oh oh oh! Puro kalandutan nanaman! Mga batang to!” Nagtawanan lang kami sa pagka taklesa niya.

 

Kitang kita ko yung pamumula ng tenga ni Jeno. Siya na kasi ang nakaupo sa harap ko kapalit ni Karina. Pati yung batok nito eh pulang pula.

 

Hindi rin naman masyadong obvious na crush niya si Yunjin.

 

Napunta ang attention ko kay Karina on my left. Medyo pinagpapawisan siya dahil tinakbo yata nila ni Yunjin yung papunta dito sa room kanina. Ang init pa man din ngayon.

 

Kumuha ako ng tissue sa bag ko and I offered some para sa kanya, “Ito, tissue. Uhm, namamawis ka kasi.”

 

Ngumiti siya at kinuha ito, “Thanks, Win.”

 

Win?

 

T-tinawag niya akong “Win”?

 

Okay, masyado akong OA.

 

Eh ano naman kung tinawag niya akong Win?          

 

Pangalan ko naman yun.

 

“W-welcome.” Humarap na ulit ako kay Sir na parang busy pa sa pagla-laptop.

 

Wait... Parang... Napansin ko na may color blue tumbler sa bag ni Karina… Pasimpleng nilingon ko ito, kunwari nag ayos ako ng sintas ng sapatos.

 

Napangiti ako na mukhang tanga when I saw na ito yung gift ko sa kanya. Talagang ginagamit na yata niya on a daily basis sa campus.

 

Ang saya sa feeling.

 

Good choice talaga yung tumbler. Hindi na siya nakiki-inom ng tubig kay Yunjin dahil may sarili na siya.

 

“Okay..” Nagsalita ulit si Sir, “I’ve already coordinated sa sites niyo. Each site has a free accommodation so wag niyo nang isipin yung gastos for that.”

 

"Also.." Ay meron pa? "May provided na allowance sa inyo for food. Kabog diba?"

 

We all cheered sa good news ni Sir. Ang swerte namin sa kanya. Ang laki ng matitipid ko! Dito talaga ako pinaka natutuwa dahil hindi ko poproblemahin ang pera.

 

Bumalik ulit ang tingin niya sa laptop, “Wait lang ha. Give me 5 minutes may inaayos lang ako sa subject ko.”

 

Narinig kong nagsalita si Ate Seul na may kasamang paghagikgik, “Rene, panlilibre ko na lang sayo yung pera ko sana for accoms.”

 

Tinignan siya ni Ate Irene. Pansin kong parang mukha siyang pagod at medyo mugto ang mata, “No need for that, Seul.” Mahinang sabi niya.

 

Nakangiti pa rin si Ate Seulgi sa kanya, not backing down, “Ehh.. Gusto ko lang.”

 

Nawala na ang pansin ko sa kanila nang kalabitin ako ni Karina, “Winter.” I hummed in response, “May paper ka na ba sa major?”

 

Ahh, I think yung final paper ang sinasabi niya. Deadline na nga pala nun bukas.

 

Nakakapanibago na kinakausap ako ni Karina directly pero dahil lang din siguro it’s about acads. Hindi naman kami nag uusap ng anything other than that.

 

Well, except nung fieldtrip. Pero iba naman kasi yon. Wala siyang choice dahil katabi niya ako tapos sumuka suka pa ako.

 

“Ah, oo. Ikaw ba?”

 

Nagkatinginan kami pagharap ko sa kanya and we both looked away din kaagad. Masyado kasi kaming magkalapit.

 

Medyo naiilang pa rin kami sa isa’t isa, especially because we’re too near with each other right now. Pero syempre, ganon talaga. Hindi ko naman ineexpect na magiging comfortable agad siya.

 

“Ah, no, not yet. Tinapos ko yung paper dun sa isa pa nating subject eh.” She replied.

 

Parang gusto kong mag offer tulungan siya… Wala naman masama diba? At isa pa, wala na rin naman akong ginagawa lately.

 

“Gusto mo tulungan kita?” I bit my lip nervously habang kinakalikot yung tela ng damit ko just to get my awkward hands occupied.

 

Pansin ko yung pag iling niya, “No, it's fine. Hindi naman need. Nagtanong lang talaga ako. Hoping na baka hindi lang ako ang hindi pa nakakagawa.” Tumawa siya.  

 

Naglakas ng loob ako na tignan ulit siya at mag offer, “Sure ka? Wala naman akong ginagawa.”

 

“No, really. It’s okay.” There’s finality sa kanyang boses kaya hindi na ako nagpumilit pa. Baka nga tinanong lang niya.

 

I nodded, “Okay..”

 

“But thanks for offering.” Pahabol niyang sabi.

 

“Wala yun..”

 

Napangiti ako sa sarili. Sana hindi niya napansin.

 

At least she knows na willing akong tumulong sa kanya at hindi na ako parang tuod masyado kapag directly na magkausap kami.

 

Naaalala ko pa rin kasi yung sinabi ng Mama niya. That Karina will forgive me sa mga nasabi ko as long as she knows na pinagsisihan ko naman… Hopefully napapansin niya yung simpleng efforts ko.

 

Kaso paano kaya niya malalaman that I regret what I said if hindi pa ako nagsosorry sa kanya properly? Pero paano naman ako magsosorry sa kanya kung wala naman ako sa lugar to ask her to talk like that?

 

Grabe ang dilemma ko.

 

Siguro sa tamang panahon na lang.

 

Narinig ko yung pag close ni Sir ng laptop niya, “Alright. Anyways..” He stood up, “Ako na umayos ng room arrangement niyo. Ayokong may aangal pa okay? Para smooth tayo.”

 

He started announcing yung magkakasama sa rooms. Sa Group B, parang apat daw yung rooms nung house nila doon. Ang swerte!

 

Samantalang yung sa amin sa Quezon City, bilang Government owned yung company, dalawa lang yung rooms although malaki naman yung bahay sa loob ng park.

 

Doon kasi kami na-assign sa Parks and Wildlife Center near sa Quezon City Circle. It’s a park na dominated ng trees within a city which is interesting.

 

Yun din kasi ang theme na gusto ni Sir maachieve. Yung about sa environment since climate change is a relevant topic especially ngayong mga panahon.

 

“Jeno, may malaking sofa bed sa living room niyo so dun ka na lang. Is that okay with you?”

 

Mabilis na tumango yung lalake, “Yes sir. Okay lang po.” Sino ba naman kasi ang aangal pa kung free naman yung bahay na tutuluyan.

 

“Karina and Winter, roommates kayo.” Halos manigas ako sa kinakaupuan, “Si Karina at Yunjin sana kaso nabisto ko na kayo! Friends pala kayo mga bruha.”

 

Nagtawanan sila sa sinabi ni Sir pero hindi ko magawang mag react dahil nandon pa rin ako sa part na sinabi niyang roommates kami ni Karina.

 

But I recovered quickly at hindi na muna ito inoverthink. Hindi rin naman umangal si Karina so I assumed wala siyang objection about the rooming arrangement.

 

“Irene, Seulgi, and Yunjin, dun kayo sa bigger room. Got it?”

 

“Yes, Sir.” The three answered in unison.

 

Nilingon ni Yunjin si Karina at nginisian ito. Sinipa lang ni Karina yung chair ng kanyang kaibigan.

 

Ang ganda siguro ng friendship nilang dalawa. Halata naman kasing sobrang comfortable nila sa isa’t isa. I’m happy dahil Karina has someone she can be goofy around with.

 

“Excited na ako, Win.” Sabi ni Ate Seul, “Feel ko magiging mas kaclose ko si Irene.” Kung makapag sabi siya, parang hindi katabi yung isa. Natatawa na lang ako.

 

“Kala ko ba give up ka na kasi may jowa?” Bulong ko pabalik.

 

Kibit balikat lang siya na ngumiti, “Mukhang break na. But even so, gusto ko lang maging friends kami.”

 

“I can hear you, you know?” Ang gulat ni Ate Seul sa pag singit ni Ate Irene sa usapan.

 

Narinig ko yung tawa ni Karina sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Mas natawa kami pareho.

 

After ma-announce ni Sir Vin yung about sa accommodations, nagbigay na siya ng mga reminders and kung ano man ang dapat i-expect for internship.

 

We’ll have a final meeting a week before kami pumunta sa site para raw walang malimutan o kung ano man.

 

He finished off the meeting and let us go pagkatapos ng halos dalawang oras.

 

“Do you guys wanna have lunch? Para na rin makapag bond tayo since we’ll all be living together for a month.” Jeno suggested. Although feeling ko gusto lang naman niya na mas makasama pa si Yunjin.

 

“Sure. Saan niyo gusto?” Tanong ni Ate Irene. Naglalakad na kami palabas ng CAS Annex Building papunta sa parking sa may harap ng BioSci.

 

Actually kahit saan naman nila gustong kumain. Hindi na ako magsusuggest ng mura at may extra pera naman ako dahil sa tutoring tapos nadagdagan pa yung ipon ko bilang may libreng pa-bahay nga for internship.

 

Karina spoke up and gave a suggestion, “Parang gusto ko sa Yellow Cab.”

 

Kumontra naman agad si Yunjin sa kaibigan, “Gusto ko sa Domino’s.” Jusko, pareho naman pizza yon. Kahit ano na lang.

 

Sumabat si Jeno, “I agree with Yunjin.” As expected.

 

Napagtutulungan naman si Karina bigla...

 

“Parang okay nga sa Yellow Cab..” Pag kampi ko dun sa isa. Kita ko yung pag ngisi ni Karina dahil umagree ako sa kanya.

 

Yes!

 

Pero mas gusto ko rin naman talaga sa Yellow Cab. Masarap yata yung Charlie Chan nila. Hindi ko pa kasi yon nata-try.

 

“Yellow Cab rin ako.” Ate Seulgi said.

 

Umikot ang mata ni Yunjin at kumapit kay Jeno, “Dun na lang tayo sa Domino’s.” Pag iinarte nito.

 

Napakamot na lang sa ulo yung lalake, “Mas gusto ko nga sa Yellow Cab actually.. He he..” Binitawan agad siya ni Yunjin at pakunwaring nagdabog papunta sa kotse niya.

 

“Mag commute kayo!” Pabiro niyang sabi before pumasok sa kotse.

 

“Are we gonna fit sa car mo?” Worried na tanong naman ni Ate Irene, “Pwede kaming mag jeep na lang if ever.”

 

“No!” Angal agad si Ate Seulgi sa sinabi niya, “Sa passenger na lang si Jeno tapos tayong apat sa likod. Mapapayat naman tayo so I think kasya naman. Right?”

 

Parang nag eexpect siya sa amin ni Karina na mag agree kaya tumango na lang kami, “Yes kasya naman siguro..” Sabi na lang ni Karina.

 

“Hop in na!” Yunjin shouted from the driver’s seat.

 

Nauna akong pumasok then sumunod si Karina. Nasa kanan ko siya. Ang sikip…

 

Pero okay lang.

 

Umandar na si Yunjin at pansin ko yung pagiging uncomfortable ni Karina sa kanyang pwesto, “Upo ka nang maayos, Karina..” I moved forward para siya yung makasandal.

 

“Oh, thanks.” Mahinang sambit niya.

 

Ako naman yung nasisikipan pero may hawakan naman sa may itaas ng bintana kaya ayos na rin. Hindi rin naman malayo yung Yellow Cab from the campus.

 

Busy si Jeno at Yunjin sa pagdadaldalan sa harap habang si Ate Seulgi naman ay chinichika rin si Ate Irene ng about sa kung ano ano.

 

Para ngang naiirita na si Ate Irene at wala siya sa mood pero hinahayaan lang si Ate Seul dahil maingay naman talaga ito at siguro sanay na siya.

 

Si Karina naman… hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya. Ayoko naman lingunin sa likod ko dahil baka magka awkward titigan moment nanaman kami.

 

“Irene okay ka lang ba..?” Mahina yung pagkausap ni Ate Seul sa kanya pero rinig ko ito. For sure rinig din ni Karina at dikit dikit nga kami dito sa likod.

 

“Seul, pwede bang mamaya na? Sorry wala kasi ako sa mood.” Humarap na lang si Ate Irene sa labas ng bintana. Napatingin tuloy ako sa naging reaction ni Ate Seulgi.

 

Ngumiti lang siya at tumango pero may halong lungkot. Ang kulit din naman niya kasi…

 

Hindi na sila ulit nag usap after that.

 

Nakarating na kami sa Olivarez Plaza kung saan nandon yung Yellow Cab. Smooth naman ang byahe hanggang sa may parang lubak na madaan si Yunjin sa parking.

 

Muntik pa akong mahulog sa kinakaupuan kong kakarampot na nga lang.

 

Pero nahawakan ako kaagad ni Karina sa bewang.

 

“Kumapit ka kasi sa hawakan.” Sabi niya. Binitawan ko na kasi ito kanina dahil malapit na nga kaming bumaba…

 

Jusko.

 

Ang puso ko.

 

She opened the door nang makatigil na yung kotse at hinayaan muna akong makababa. Grabe lang yung init, para kaming nasa loob ng pugon.

 

Parang may sariling mundo si Yunjin at Jeno na nauna nang maglakad. Ang dami nilang napag uusapan palagi, palibhasa parehong madaldal.

 

Hinahayaan lang naman ni Karina ang kaibigan at pailing-iling lang sa pagpapa-cute nung dalawa sa isa’t isa.

 

Sa tabi ko sumabay si Ate Seul habang si Ate Irene at Karina naman ang sabay mag lakad papasok ng mall papuntang Yellow Cab.

 

“Nabadtrip yata si Irene sakin..” Buntong hiningang sabi ni Ate Seul.

 

Hinarap ko siya nang bahagya, “Baka badtrip lang today.. mukhang wala nga siya sa mood. Hayaan mo na muna.”

 

"Ano pa nga ba." Muntik na akong matawa sa lugmok na itsura niya kaso naalala ko na medyo ganito rin ako kay Karina. Yung minsan, gauging lang din sa reactions niya.  

 

Nakarating na kami sa Yellow Cab at napaka gentleman naman talaga ni Jeno. Pinag pull kami lahat ng chairs. Tingin ko iniimpress lang nito si Yunjin at mukhang effective naman kung pagbabasihan ang dreamy eyes niya na binibigay niya dun sa lalake ngayon.

 

Magkakatabi sila Jeno, Yunjin, at Karina habang kaming tatlo nila Ate Seul at Ate Irene ang nasa harap nila.

 

Specifically, kaharap ko si Karina.

 

Hinayaan ko lang silang mamili ng kung ano. Hindi na nga ako tumingin sa menu, malay ko naman kasi sa choices at wala naman akong pakialam sa flavors.

 

"Winter, ikaw may preferred ka bang flavor?" Tanong ni Karina sa akin.

 

Natuwa naman ako at tinanong niya ang opinion ko.

 

I shook my head, "Wala kahit ano.. Pero gusto ko yung ano.." Nalimutan ko yung name bigla. Shuta. Jackie Chan?

 

"Charlie Chan?" Ayun! Parang nabasa ni Karina ang isip ko. Or... baka naalala niya na gusto ko ito dahil nabanggit ko dati nung high school pa kami at wala pa kaming pera pambili.

 

"Ayun.. Hehe." Kailangan ko na sigurong itigil ang awkward na pag tawa ko kapag kausap ko siya dahil para akong shunga.

 

She laughed softly at tiningala yung waiter, "And pa add po ng isang Charlie Chan."

 

May comfortable silence na bumalot sa amin pagka alis nung waiter. Binasag ito ni Jeno, "Anong expectations niyo sa internship? Mag set kaya tayo ng house rules?"

 

"Pwede naman pero maaga pa yata for that, baka makalimutan natin. Pag dating na lang siguro don or like mag meet ulit tayo a week before we go to QC." Suggestion ni Ate Irene. Parang bumalik na siya sa mood pero si Ate Seulgi ay hindi na siya iniimik. Natakot siguro.

 

"I agree. Siguro let's just bond for now." Yunjin uttered.

 

Sumabat ako dahil ayoko namang tumango lang nang tumango, "Uhm, pwede tayong mag check ng pictures nung site natin ngayon. Para mafamiliarize yung sarili with the place."

 

"That's a good idea, actually." Tumango si Karina sa suggestion ko.

 

Good idea raw. Yes!

 

Kinuha ni Yunjin yung iPad niya at nag search ng photos and even the Facebook page nung park. Nakatingin lang kami sa pag scroll niya, nagcocomment kami about the place here and there.

 

Maganda yung park at napakalawak nito. Parang anytime, may mawawalang bata kapag sobrang likot. May man-made lagoon din sa loob.

 

"Parang na-excite ako bigla." Giddy na sabi ni Ate Seulgi, "Gusto ko kasi yang mga ganyan. Yung hindi parang robot sa internship. At least we're surrounded by different kinds of people every day tapos it's basically a mini forest within a park."

 

Actually.

 

Kahit ako ay parang naging excited. Ang ganda rin nung accommodation na ipoprovide samin kaya comfortable yung magiging stay namin sa lugar.

 

Although baka ma-homesick ako dahil first time ko itong hihiwalay ng bahay kina Mama pero dapat na rin sigurong masanay if sa magtrabaho man ako sa Manila pagka-graduate ko.

 

Later on ay dumating na yung inorder na wings at pizza pati yung Charlie Chan ko.

 

“Here..” Pinaglagay ni Ate Irene si Ate Seul ng pizza sa plate niya. Bati na yata sila kaagad? Pinag-slice din ni Jeno si Yunjin…

 

Pansin kong si Karina ay parang nahihirapang kunin yung isang slice ng pizza dahil sala-salabit ang cheese.

 

Naglakas loob akong kunin yung pizza slicer sa kanya, “Ako na..” I got her a slice at nilagay ito sa kanyang plate, “Ayan.. Okay na ba yan?"

 

“Yeah. Thanks.” She smiled gratefully sa akin.

 

Grabe! Ang tapang tapang ko lang ngayon.

 

After kasi nung usap namin ng Mama niya, pati na rin yung pagbati ko kay Karina ng Happy Birthday at yung pagbibigay ko sa kanya ng gift…

 

Parang mas determined ako lalo na mag-exert ng subtle efforts kay Karina for her to feel na gusto ko pa rin makipag friends sa kanya and that I really didn’t mean anything I said before.

 

“Tapang ah..” Mapang asar na bulong ni Ate Seul sa kanan ko.

 

Hindi ko na lang siya pinansin para hindi maging awkward for Karina.

 

Nilantakan ko na yung Charlie Chan. Ang sarap pala nito! Gustong gusto ko yung mushrooms tsaka yung sweetness nung pasta.

 

Parang nakatingin sa akin si Karina kaya inangat ko ang ulo ko at nagtama ang mga mata namin.

 

“Gusto mo?” I offered while still chewing the noodles. Paano kaya hindi mag mukhang ewan sa harap niya minsan?

 

“Yeah, gusto niya. Right, Karina?” Yunjin answered for her.

 

Karina looked at her weirdly at parang nabwiset sa ginawa ng kanyang kaibigan but she smiled nonetheless, “Sure. I’ll try. Kung okay lang.”

 

Dali dali akong kumuha ng panibagong fork at kumuha ng pasta from my plate para ilagay sa plato niya, “Ayan. Ito mushrooms, masarap. Try mo.” Asikasong asikaso ako.

 

I smiled nervously habang sumusubo siya nung pasta. Akala mo naman ako ang nagluto nito para kabahan sa magiging reaksyon niya.

 

“It’s good nga.” She said, nodding her head. Nakangiting bumalik na ako sa aking kinakain.

 

Patapos na kaming kumain nang may pumasok na dalawang babae sa Yellow Cab. I immediately recognized Minju. Kasama niya si Chaewon.

 

Surprisingly ay walang pumasok na bitter thoughts sa utak ko when I saw them. In fact, nang magulat si Minju na makita ako, I even gave her a timid smile.

 

Siguro kasi medyo nawala yung inis ko sa kanya nung tinulungan niya si Yuna nung nahimatay ito at hindi siya nag atubiling dalhin ang kapatid ko sa ospital.

 

Tumayo na rin kami ng mga kasama ko para umalis.

 

Naaninag yata ako ni Chaewon kaya tinawag ako nito, “Hi ulit, Winter!” Nginitian ko na lang din siya at kumaway para magpaalam.

 

Wow.

 

Proud ako sa sarili ko.

 

Hindi ko na inisip na sabunutan si Minju.

 

Parang okay na nga talaga si Ate Seul at Ate Irene dahil magkasabay na silang maglakad papunta sa parking. Nasa may likod ako at nahuhuli.

 

Nag slow down si Karina at naging magkasabay kami, “Was that Minju?” Tanong niya bigla, trying to confirm.

 

“Ay, oo.”

 

Nilingon kami ni Yunjin while walking, “Siya yung ex mo, diba? She’s pretty. Who is she with?” Ay bakit niya alam? Tsaka hindi ko naman naging girlfriend si Minju…

 

“Hindi ko siya ex..” Pag-explain ko. Hindi na lang ako nag comment about sa sinabi niyang pretty si Minju, “Uhm, jowa niya yata yun.” Hindi naman na rin ako ganon ka-affected.

 

Mukhang maganda rin naman ang aura ni Minju and she seems happy.

 

And isn’t that what we all want para sa sarili natin? Yung maging masaya? Kaya ayoko na rin magpaka bitter sa kanila ni Chaewon.

 

“You seem cool about it.” Napaka intrigera naman pala nito ni Yunjin.

 

Sinaway siya ni Karina, “Yun, ang chismosa mo.”

 

Natawa na lang ako dahil wala naman ito sa akin, “Ay okay lang naman. And oo.. okay naman ako. Dedma na.” Pabiro kong sabi.

 

Nakangiti lang si Karina sa akin, “That’s good.”

 

Lumabas na kami ng mall at bumalik sa campus. Hinayaan ko lang ulit na si Karina ang sumandal at ako ang masikipan sa likod ng kotse.

 

“Bye Ate Irene and Ate Seul!” We all waved bye at them. Makahulugan pang ngumiti ako kay Ate Seul dahil mukhang masaya siya na nasa mood na ulit si Ate Irene.

 

“Karina, let’s go sa lib. Gawin natin paper mo.” Ay, I guess kay Yunjin siya nagpatulong para dun sa final paper na hindi niya pa natatapos.

 

Akmang aalis na ako when Yunjin called for my name again, “Winter! Ikaw ba? Gusto mo mag join samin? Tara sa lib.”

 

Nag isip muna ako kung sasama ako. Pero parang gusto ko lang din bigyan muna si Karina ulit ng space. She declined yung offer ko na mag help sa paper so baka may reason siya.

 

Ayoko rin naman ipag-mudmuran yung sarili ko at any given chance and I think it’s essential na hindi rin ako magmukhang epal or makulit.

 

“Uhm, hindi na.. Okay lang.” Humarap ako kay Karina bago umalis, “Good luck sa paper mo.” Nagpaalam na ako sa kanila at umuwi na.

 

Today was a good day.

 

Little by little ay mas nagiging okay na yung interactions naming dalawa ni Karina with each other.

 

Contented na ako sa ngayon dahil she's not treating me as a stranger anymore.

 

Mas nagiging hopeful ako na dadating yung time na makakapag sorry ako sa kanya properly.

 

 

 

 

 

 

"Winter dadalawin ka namin don.. Bwiset ka mamimiss kita." Mangiyak ngiyak na si Ning habang nandito sila ni Giselle sa kwarto ko, watching me pack my things.

 

Kahit si Giselle ay mukhang malungkot. Para namang magaabroad ako eh nasa Maynila lang naman ako. Tsaka may internship din naman sila.

 

"If you need anything, Winter.. Kung gusto mo ng allowance bibigyan din kita!" Natatawa ako kay Gi. Bakit naman parang naging parent ko siya?

 

Tinigil ko muna ang paglalagay ng gamit sa maleta na pinahiram sa akin ni Giselle. Umupo ako saglit sa kama katabi nila, "Uuwi naman ako minsan kapag pwede. One month lang naman, wag nga kayong madrama.."

 

But the truth is feeling ko talaga malulungkot at mahohomesick ako don. But kasama ko si Karina... At least I have someone na familiar sa akin.

 

"Pupunta pa rin kami. Bakasyon naman. Tsaka malapit lang yung site namin." Matigas ang tono ni Ning, na parang bawal siyang kontrahin.

 

Wala na akong nagawa kung hindi pumayag na lang, "Oo na. Wag niyo naman dalasan at baka madistract ako don."

 

They hugged me bigla, "Ingat ka don ha.. Malay mo chance mo na yun para makipag reconcile talaga kay Karina.."

 

Inisip ko rin yun, "Sana nga. Pero syempre, kung saan lang siya comfortable. Whatever happens naman Ning, tatanggapin ko lang. But I'll try na mas maging maeffort pa."

 

Nake-kwento ko kasi sa kanila ni Giselle paminsan minsan yung improvement ng pakikitungo namin ni Karina sa isa't isa and they're also hopeful para sa amin ng ex-bestfriend ko.

 

They helped me for a bit at umalis na rin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
shoheii #1
Chapter 44: Chapter 40: WTH all these time akala ko si yunjin ay yung nasa IVE???!! KWHSSHSHHSAHHSSHSHSHS 😭😭
shoheii #2
Chapter 42: EJDINSHSHAHSHAHAHAHAH NATAPOS DIN 🥹 ANG GANDAAAAA DESERVE NILA SO MUCH ANG ISA’T ISAA!! THANK U PO!
shoheii #3
Chapter 41: AAAAAAAAAHHH PROUD AKO SAINYOOOOO 🥹🥹 KISS KISS NAAAAAAAAAAAA !!
shoheii #4
Chapter 40: ‘TO NA FAVE CHAP KO SA LAHAT LAHAT NDHFHRJFJDJDUDHRKDIFBDHDUDUDJDHD
shoheii #5
Chapter 39: ANDAMI NANGYAYARII TEKA LANGGG 🥹
shoheii #6
Chapter 38: HNGGGGGGGGGGASSSUEUUEEUEJ
shoheii #7
Chapter 36: AYOKOO NAAAAAAAAA (happy 5k comments!)
shoheii #8
Chapter 35: kainis to okay nayun eh may pahabol pa ☹️
shoheii #9
Chapter 31: ily rin guys 🥹
mureewm00 #10
Chapter 42: all I can say is, uulit ulitin