Special Chapter #1

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“Nilabhan ko yung  mo kahapon.”

 

Napatingin sa akin si Karina, “Why? You didn't have to.”

 

Kinuha niya yung canned soft drinks na hindi ko maabot. Palagi na lang hindi ko ito makuha tuwing nandito kami sa grocery store ng Robinson’s. Ang taas naman kasi. “Ang liit mo, baby.”

 

“Babe halos kasing-tangkad lang kita.” Inirapan ko siya, tinawanan lang ako ng girlfriend ko.

 

“Anyway, gusto ko lang labahan. Ewan ko ba. I feel closer to you.” Feeling ko tatawa siya dahil kahit ako, na-kornihan sa sinabi ko.

 

Nagkatinginan kami, parehong nanlalaki ang ilong at biglang pumalanghit ng tawa. “Winter, kaka-video call mo yan kay Yunjin! Nahahawa ka na sa ka-extrahan niya.”

 

Sabi kasi ni Yunjin, nilalabhan niya minsan ang underwear ni Jeno. Feeling daw niya ay mas tatatag ang relationship nila by doing that.

 

Syempre, bilang uto-uto, naniwala naman ako. Budol-budol yata ang kaibigan ng girlfriend ko.

 

Kahapon kasi, half day lang ako sa work at wala si Karina sa apartment namin dahil office day niya. Wala akong magawa kaya naglaba na lang ako ng mga damit naming dalawa, including her undies.  

 

“You like this, right? Itong Mekeni cheesedog?” She asked nang makarating kami sa cold-cuts station.

 

“Tsaka itong Pampanga’s Best Chomps. You eat a lot in the morning kapag ito ulam natin for breakfast.” Nilagay niya pareho sa aming push cart.

 

Nakangiti lang ako sa kanya, biglang parang in love na in love nanaman ako sa girlfriend ko kahit wala siyang ginagawa.

 

“What?” Takang tanong niya, she was frowning cutely.

 

“Wala. Feeling ko lang mahal na mahal mo ako.” Mayabang kong sagot.

 

Akala ko nga iikutan lang niya ako ng mata pero she just looked around at nang mapansin na walang nakatingin, hinalikan ako sa labi.

 

“Of course I do. Love na love kita, beby. And I like going grocery shopping with you.”

 

Itong si Karina, mas nasasanay na na tinatawag akong “beby” instead of “baby” minsan dahil mas cute daw at para ma-preserve pa rin namin yung “bes” sa aming endearment.

 

Ang dami niyang alam pero ang cute niya lang when she says those things randomly habang nanonood kami ng TV sa bahay o kaya kapag pinapanood niya akong maghugas ng plato.

 

It’s surreal to think na lahat ng nangyayari sa amin ni Karina—ever since maging kami ulit almost a year ago—ay maganda. We’re a couple living together habang nagtatrabaho.

 

Walang drama, paminsan-minsang tampuhan lang.

 

“After natin mag-grocery, let’s go to SM? What do you think? Tingin tayo ng new mattress, baby. Ang tigas nung kama sa apartment. Ang sakit ng likod ko lagi every time we make love.” She said casually.

 

I shushed her at pinandilatan ko siya, “Karina sige, lakasan mo pa.” Ipagkalat ba naman ang life namin?!

 

Well, tama naman siya.

 

Medyo… active kami in that department.

 

Hanggang ngayon, “making up for the lost time” pa rin ang dahilan naming dalawa kapag napapadalas ang aming labing-labing kapag walang work kinabukasan.

 

She even complimented me one time, ang galing ko na raw. Syempre tuwang-tuwa naman ako dahil napapasaya ko ang aking jowa.

 

“Pero sige, tingin na rin tayo ng gamit sa kusina.” Pahabol ko.

 

Hindi pa kasi namin napapaganda talaga nang maayos yung apartment namin dahil medyo busy kami sa work. Masaya pa man din lagyan ng kung ano-ano dahil malaki siya at hindi lang ito studio type.

 

“Mkay.”

 

Nagpatuloy lang kami sa paggo-grocery. Medyo nag-give up na ako na pagsabihan si Karina sa way niya kung paano mamili. Pano ba naman kasi, sobra-sobra ang kinukuha, pati mga unnecessary na bagay, binibili.

 

“Bakit ‘di ka yata nagrereklamo ngayon?” She side-eyed me, “May kailangan ka, ‘no? Kaya hindi mo ko inaaway sa pinapamili ko.” Talaga nga namang we share the same brain cells.

 

Natawa na lang ako, “Actually..”

 

She hit me softly, “What is it?”

 

“Eh baby, may mini reunion sa office next week. Lahat ng naging employees. Ininvite ni Ma’am Ria si Olivia. Baka mag-amok ka kapag nakita mo siya sa pictures.” Pabiro kong sagot.

 

Though alam ko naman na hindi ganon ka-immature si Karina. Talagang irita lang siya kay Liv.

 

Kita ko na agad ang sunod-sunod na pag-ikot ng mata niya, “For sure she’ll try to be clingy sayo. Hay nako.”

 

Kumuha siya saglit ng Spam bago magsalita ulit, “But ‘di mo naman need ipagpaalam yung ganon, baby. Of course it’s fine.”

 

“Weh..” Mahina kong pakli.

 

“Oo nga! Hindi naman kaya ako selosa. Duh.” Ay, wow. Sige na lang ako. “Why are you side-eyeing me? Hindi naman ako selosa talaga! Ikaw nga ‘yun eh..”

 

Halos manakit ang leeg ko sa pagkakalingon, “Anong ako?”

 

She smirked, “You’re aloof kay Chaeyeon.”

 

“Hindi ah!”

 

Pinasok niya kasi si Chaeyeon sa work niya ngayon. Umalis na rin daw kasi ito sa luma nilang trabaho kaya nag-offer si Karina na i-recommend siya sa boss nila bilang hiring daw ang kanilang company.

 

“Yes you are! Kahit kaya nung ‘di pa tayo nagkakabalikan before, you were always asking questions about her..” Napapansin niya? “See? Now, sinong selosa?”

 

Inagaw ko yung push cart sa kanya, “Akin na nga yan. Ako na.”

 

Padabog akong kumuha ng pancit canton, syempre yung chili-mansi dahil ‘yun ang favorite ni Karina. Pati yung Nissin yakisoba.

 

“You’re so cute.. I love you.” Nag-back hug siya sa akin habang tulak ko yung cart.

 

Grabe, PDA kung PDA. Na-sense siguro niya na magrereklamo ako kaya bumulong kaagad, “Wala naman tao masyado. Hayaan mo na lang na landiin kita.”  

 

Hinayaan ko na lang siya dahil nakikita ko yung tao sa meat section na kanina pa sumisilay kay Karina. Hay nako, mga lalake talaga.

 

“Win! Karina!”

 

“Giselle? Marunong kang mag-grocery?” Biro ko sa kaibigan ko pagkalapit niya sa amin.

 

Mag-isa lang siya at may hawak rin na cart katulad namin. Punong-puno ito at halatang hindi pinag-isipan ang nilagay.

 

Kumbaga ten times worse than Karina when it comes to grocery shopping.

 

“Living alone ako, so kailangan kong matuto!” Inirapan niya ako, “And ngayon lang ako nagkaron ng time. Since, you know, busy sa pagma-masters and pagiging instructor.”

 

Sabagay.

 

Lahat kami ay shocked nang sabihin ni Giselle na papasok siya sa grad school. Nag-apply din siya sa CAS bilang instructor at dahil malakas nga ako kay Ma’am Ria, ni-recommend ko kaagad ang kaibigan ko.

 

Habang nagma-masters siya, nagtuturo din siya at the same time. Ito na raw ang gusto niyang gawin, bigla na lang daw siyang nagkaroon ng “calling” sa pagtuturo. Ewan ko ba.

 

Baka nga ganon siguro ang buhay—unexpected things and realizations happen.

 

Minsan nga iniisip ko, nagsisisi kaya siya na nag-break sila ni Ning dahil sa future plans pero in the end, dito rin naman pala siya sa LB magi-stay?

 

Pero binu-brush off ko na lang yung thought dahil masaya naman na si Ning kay Yujin.

 

Chumika-chika muna ang girlfriend ko at ang kaibigan ko habang namimili ako ng shampoo at sabon namin ni Karina. Maarte siya sa ginagamit sa buhok kaya strictly Pantene lang ang binibili namin.

 

Nagpaalam na rin si Giselle sa amin later on at hindi katagalan ay natapos na kami ni Karina mag-grocery.

 

“I-uwi ba muna natin ‘to? Or derecho na tayo sa SM?” I asked nang mailagay na namin sa compartment ng kotse yung mga pinamili.

 

Umiling siya, “Derecho na. Gutom na ako, and naka-car naman tayo, baby. Hindi naman mawawala yang mga grocery diyan.”

 

Buti na nga lang talaga sa amin binenta nung tita ni Karina itong Honda Jazz na pinaglumaan nila.

 

Well, hindi naman super luma, 2019 model ito kaya medyo bago pa. May bagong kotse na kasi yung aunt niya at asawa nito. Pumayag din naman sila na monthly namin bayaran.

 

Isa pa, ang ganda kasi ng color—yellow.

 

Si Karina ang nag-aral magmaneho bilang siya naman ang gumagamit mostly ng kotse ‘pag papasok sa office dahil sa Calamba pa ang office niya.

 

“Excited na akong bumili ng new bed.” Sabi ko bigla. Makahulugan ang tingin ni Karina sa akin, I scowled at her, “Hindi dahil sa iniisip mong reason. Wag kang ano diyan.”

 

She chuckled, “I’m not even saying anything, baby.” She grabbed my thigh habang nagda-drive, napalunok ako. She likes doing this kapag nagmamaneho.

 

“Anyways.” She added abruptly, “Nabayaran mo na ba yung internet? They texted me a notice. Bakit puputulin daw?” Napatigil siya sa paghaplos sa leg ko when I didn’t respond, “Baby? Hindi ka nagbayad ‘no?”

 

“Uhm..” Patawa-tawa ako, “Nakalimutan ko.” . Baka naputulan kami today. Sana naman hindi.

 

Karina frowned at me, “Babe ilang beses kita ni-remind kahapon! Oo ka lang nang oo sa phone call!” Hinampas niya nang mahina ang hita ko. “Kainis ‘to. Sana hindi pinutol.”

 

I immediately held her hand, “Sorry, baby.. Si Ning kasi niyaya akong magkape. Nawala sa isip ko. Ako na lang din ang magbabayad ng water bill next week!” Siya kasi ang naka-toka sa pagbabayad non.

 

“Fine. Bayaran na lang natin yung net sa Monday. Bakit kasi wala silang auto-debit in the first place..” Malambing na ulit na hinahaplos niya ang hita ko. Yehey.

 

Dati, ang pinoproblema lang namin eh yung timing namin na hindi magtugma-tugma at yung feelings namin na hindi masabi-sabi sa isa’t isa.

 

Ngayon mga bills na sa bahay dahil nakatira na kami sa iisang bubong.

 

Ang cute lang.

 

Cute na more than ten years in the making.

 

“How’s Ning and Yujin pala? Hindi ko na nakakamusta yung dalawa.” Tanong niya matapos namin matahimik for a while.

 

“Okay naman. Pareho naman silang masaya.”

 

Yun naman ang nakikita ko dun sa dalawa. I also don’t think na gustong bumalik ni Ning kay Giselle dahil lang nag-decide yung isa naming kaibigan na dito na mag-stay at magtrabaho sa LB.

 

Nilingon niya ako, “You think Giselle would make a move again kung wala si Yujin sa picture?” Sabi na nga ba wino-wonder din niya ito.

 

I could only shrug in response, “Siguro? Pero hindi na rin siguro siya nagde-dwell sa ganong bagay. Wala naman mararating kung iisipin niya palagi ‘yun. Mukhang masaya naman na kasi talaga si Ning.”

 

She nodded, nag-focus na ulit sa daan. “You’re right.. And you know what’s funny?”

 

Tinignan ko siya, ang ganda talaga ng side profile ni Karina. “Ano ‘yun?”

 

She laughed softly, “Dati I was so scared na magaya tayo sa nangyari kay Yeji and Ryujin. Then ikaw, natakot ka na baka mangyari sa atin yung kay Giselle and Ning. But look at us..” Kita ko ang maliit niyang ngiti sa labi.

 

“Oo nga eh.. Look at us, pabili-bili na lang ng grocery at ng new mattress. Namomroblema na lang sa internet bill..”  

 

Natawa siya sa sinabi ko sabay kinuha ang aking kamay to kiss it tenderly, “We were built differently siguro. Taray.”

 

She drove quietly habang sinusubuan ko ng tinapay na binili namin kanina sa supermarket. Gutom na gutom na raw kasi siya, kawawa naman.

 

Nakarating na kami sa SM at pagkatapos namin kumain, dumerecho kami kaagad sa department store para tumingin ng mga kama.

 

“Ano pong size ang hanap niyo, mga Ma’am?” Tanong nung tao dito. 

 

Teka, ano nga bang size?

 

Tinignan ko si Karina, “Ano nga yung size nung frame natin?”

 

“Queen-sized yata. Oh my god, I’m not sure.” Ang shunga rin naman namin, hindi muna namin inalam bago kami pumunta dito.

 

“We’ll come back later, Sir. Ipapa-check lang namin yung size.” Karina said. Ngumiti na lang yung salesman at nagsabi na he’ll be here lang daw.

 

“Call mo nga si Yuna, papuntahin mo sa apartment. Or si Ning. Pagdalhin mo ng measuring tape.” Natatawa ako sa dilemma namin. Jusko.

 

“Okay, okay.” Uunahin ko na sigurong tawagan si Yuna dahil baka mabwisit lang si Ning ‘pag inistorbo ko ang rest day nila ni Yujin.

 

Sumagot kaagad ang kapatid ko, “Yuna? Nasa bahay ka ba?” Medyo maingay sa paligid niya.

 

“Ate may date ako, Istorbo ka.” Aba! “Si Papa nasa bahay, walang trabaho ‘yun today. Sige na, bye bye!” Puro harot talaga itong kapatid ko, dinaig pa ako.

 

Sunod kong tinawagan si Papa at thankfully, sumagot naman siya. “Hello, anak? Ano ‘yon? Napatawag ka? May nangyari ba sa inyo ni Karina? Nanakawan ba kayo? Aba isumbong mo lang sakin.”

 

Natawa si Karina, naka loudspeaker kasi ako at rinig niya ang ka-OAyan ni Papa.

 

 “Wala po, Pa.” Sagot ng girlfriend ko sa kanya. Kinikilig talaga ako kapag tinatawag niya ang parents ko ng ganito.

 

“Makikisuyo po kami ni Winter na puntahan niyo po yung apartment namin para sukatin yung bed frame. Bibili po kasi kami ng mattress.” Dagdag niya.

 

“Oh siya, sige. Tatawag ako mamaya. May susi naman dito sa bahay.” Nag-iwan kasi ako sa kanila ng key pati na rin sa parents ni Karina in case of emergency.

 

“Thanks, Pa. Dalhan ka namin ng pizza pag-uwi.” Ang sweet talaga ni Karina sa parents ko.

 

Binaba na namin ang call at naglakad muna papalabas ng department store para gumala saglit habang nag-aantay ng tawag ni Papa pabalik.

 

Bumaling ako kay Karina, “Iniispoil mo si Papa masyado. Kaya love na love ka non eh. Sabi pa pakasalan na kita.”

 

Natawa lang si Karina, “Sabi nga nila, hindi lang daw dapat yung relationship mo with your jowa ang maganda. Dapat okay rin yung relationship mo with your partner’s parents.” She shrugged at umakbay, “Bili tayo ng .”

 

Tumigil kami sa harap ng Bench Body na store.

 

“Ang dami nating talks today.” Maloko kong sabi. I grabbed her hand at pumasok na kami sa shop, “Ibibili kita. Sumahod ako kahapon. Kuha ka ng gusto mo. Pati bra na rin baby.”

 

Gusto ko rin na binibilhan ko siya ng kung ano-ano minsan, kahit pa unnecessary.

 

“Really?” She grinned, “Okay then. Pipili ako ng y, para magustuhan mo.” Kinindatan ako nito at namili na ng underwear. Hinayaan ko lang siyang mag-shopping at pinapanood ko lang habang nag-aantay ng tawag ni Papa.

 

After kong mabayaran ang pinamili ni Karina, naka-receive na rin ako sa wakas ng call.

 

“Hello, anak. Okay na. 80 inches by 60 inches ‘yung kama ninyo. Kumuha na rin ako ng hotdog sa ref niyo ha, naubusan tayo sa bahay eh.” Si Papa talaga!

 

“Sige po. Thank you, Pa! Ingat pauwi.”

 

Sinearch ko pa sa google kung anong size ng kama yung dimensions na sinabi ni Papa. Mukhang queen-sized nga. Malaki nga rin naman kasi yung kama namin.

 

“Baby, queen nga yung size.” Sabi ko kay Karina paglabas namin ng Bench.

 

Tumango lang siya at hinawakan na ulit ang kamay ko, “Okay. Mag-installment ba tayo? Gusto mo i-cash na natin?”

 

“Cash na lang. May pera naman tayo dun sa bank natin..”

 

Months ago kasi, nag-open kami ni Karina ng savings account para sa aming dalawa.

 

Every sahod, naglalagay kami doon para sa pang-gastos namin sa apartment katulad ng groceries and bills. Pero kung gusto namin ilibre ang isa’t isa, katulad ng ginawa ko kanina, wala rin naman problema.

 

I guess nagiging sobrang seryoso na kami talaga sa relationship. Well, not that hindi kami seryoso dati, pero mas nag-level up na siguro?

 

Nagtanong kami sa friends namin—specifically kay Yunjin at Jeno bilang matagal na sila—if may joint saving accounts sila, pero sabi nung dalawa ay wala pa naman daw. Masyado pa raw mabilis for that.

 

While that’s true, confident naman kami ni Karina na gawin ito kaya dinisregard na lang namin yung comments nila Yunjin.

 

After all, hindi naman nila napagdaanan yung mga napagdaanan namin ni Karina. Joke.

 

“Ma’am! Bumalik kayo. Bibilhin niyo na po?” Ang nice naman nitong salesman. “Itong queen-sized natin na Uratex, malambot po ito. Magiging comfortable kayo na mahiga.” He smiled genuinely at us.

 

Naupo kami ni Karina para ma-try yung softness nung mattress at nagustuhan naman namin, “Tingin mo? Okay na ‘to?” She asked me. “Okay naman sakin. Maganda rin yung tatak, matibay naman daw ang Uratex.” Nag-bounce bounce pa si Karaina dun sa kutson.

 

“Okay sige, yan na.” Hinarap ko yung lalake, “May delivery naman po ba ito? Pa-Los Baños?”

 

Hindi ito kakasya sa aming maliit na Honda Jazz. Thankfully ay meron naman daw, mag-add lang kami ng extra na fee. Mapapasama na rin daw sa delivery nila mamaya.

 

Sinamahan na rin namin ng sheets at pillows dahil may promo sila. After nito, nagbayad na kami at nagpasalamat dun sa salesman, tatawag na lang daw sila kapag nasa bahay na.

 

“Bibili ba tayo ng gamit for the kitchen?” I asked my girlfriend.

 

Para kasing ang mahal masyado nung nagastos namin para sa kama. Ang mahal pala talaga kapag good quality mattress ang bibilhin.

 

Parang napa-isip si Karina, “Next time na? Ang mahal nung mattress eh.” Oh diba. Sabi ko na nga ba pareho kami ng iniisip nito. May pera naman kami, pero bina-budget pa rin namain nang maayos ito.

 

“Oo, next sweldo na. May kawali pa naman tayo.” Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa aking bulsa. I fished it out. “Si Yunjin natawag sakin.”

 

Ano nanaman kayang ganap nitong kaibigan ni Karina?

 

Nilagay ko ito sa speaker para marinig din ni Karina. “Hello? Napatawag ka?”

 

“Hey hey! Party tayo tonight.” Ang ganda naman ng bungad niya. “And I don’t take no for an answer. Ang tagal na nung huli tayong nag-hangout!”

 

Kinuha ni Karina ang phone sa akin, “Yun, we’re planning na mag-rest lang today. Wag kang epal. And I thought nasa Manila ka? Umuwi ka pala?”

 

“Umuwi ako for the weekend. Kasama sila Yeji! Pumayag na rin sina Ning and Gi. Come on, guys. Ang KJ niyo.” Nagkatinginan kami ni Karina. “Sa Pansol lang naman. And hindi tayo magpapakalasing.”

 

Ako na ang sumagot, “Okay, sige. Ngayon lang naman.”

 

“Yes! I can’t believe you’re the fun one now sa inyong dalawa ni Karina. Kailan pa naging boring yan?” Natawa ako, kinurot ako ni Karina sa gilid.

 

“See you later! Isabay niyo na sa kotse sina Ning and Yujin. And maybe si Gi na rin para hindi na marami yung dalang car.” Binaba na niya ang phone.

 

Hindi ba parang ang awkward naman non?!

 

I put my arm around Karina’s waist, kita ko kasi ang pag-pout niya dahil hindi nasunod ang gusto. “Pagbigyan mo na. Uwi na lang tayo nang maaga. Hindi na rin naman tayo nakakagimik with them.”

 

“Fine. And tomorrow, sa bahay lang tayo.”

 

“Okay po..” I kissed her temple, “Uwi na tayo. Antayin natin yung mattress na ma-deliver para maayos natin. Ipagluluto kita ng dinner before tayo pumunta dun sa party.”

 

She smiled sa akin, “Okay. Bilhan muna natin si papa mo ng pizza. Then we’ll go home.”

 

Nakaka-comfort talaga yung thought na araw-araw, umuuwi kami sa isa’t isa. Walang sawa factor. Hindi rin nawawala yung excitement ko to go home to her.

 

After bumili sa Pizza Hut, bumalik na rin kami ni Karina sa Los Baños.

 

Dumaan muna kami sa bahay ng parents ko bago umuwi apartment, nag-park saglit sa may harap ng gate para ibigay sa tatay ko yung pasalubong.

 

“Papa!” Niyakap siya ni Karina nang ipagbukas kami ng gate, “May dala kaming pizza ni Winter para sayo. May extra cheese yan! Gusto mo ‘yon eh.”

 

“Napakaswerte ko talaga sa aking daughter-in-law!” Pabirong comment ni Papa.

 

“Ay siya, salamat. Tumawag kayo kapag kailangan niyo ng tulong sa pag-aayos ng kama ha.” Tumingin pa ito sa akin, “Hoy, Winter. Alagaan mo nang maigi itong manugang ko.”

 

Tuwang-tuwa naman si Karina sa pagsipsip ng tatay ko sa kanya. Ang laki ng ngiti.

 

“Oo na, Pa. Bigyan mo si Yuna ha. Wag kang matakaw.” Yumakap rin ako sa kanya bago kami umuwi ni Karina.

 

“Arrange mo na groceries natin, baby. Sasamsamin ko na yung mga nilabhan ko kahapon. Baka pagdating dito nung magde-deliver, makita pa mga undies mo.” Natawa rin naman ako sa sarili kong sinabi.

 

Humalik muna sa akin si Karina bago ayusin ang groceries, “Yes po, madam.”

 

Ang productive lang ng Sabado namin ni Karina.

 

Habang siya ay nag-aayos ng mga pinamili namin, ako naman ay nagtitiklop ng mga damit niya after ko itong samsamin. Nagpapatugtog din siya ng Taylor Swift songs

 

Natatawa ako habang pinapanood siyang sumayaw at sumabay sa “The Story Of Us” na kanta sa kitchen habang ako ay nasa may living area.

 

Medyo malaki itong apartment na nakuha namin.

 

Hindi lang ito studio type katulad nung apartment niya nung college pa kami. Meron itong isang malaking kwarto, living room, at malaking banyo. Kumbaga isang buong bahay siya.

 

“Now I'm standing alone in a crowded room and we're not speaking!” Tinodo na niya ang pagkanta. “And I'm dying to know is it killing you like it's killing me, yeah!” Ginamit pang mic yung alcohol habang bigay na bigay.

 

“But I don't know what to say, since the twist of fate when it all broke down. And the story of us looks a lot like a tragedy now, now...” Tumuro siya sa akin para kantahin ko yung mataas na part sa kanta.

 

Kinuha ko ang bra niya at ginamit itong mic, “Nooooooow!” Tumuro din ako sa kanya para sabay kami sa susunod na linya, “...and we’re not speaking! And I'm dying to know is it killing you like it's killing me, yeah!”

 

Bigla naman nabasag ang pagko-concert namin ng girlfriend ko dahil may kanina pa pala tumatawag sa labas ng gate namin.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
dumbbbfriday #1
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche #2
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche #3
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #4
Is there an English version of this story?
wintoee #5
Chapter 10: need ko ng assurance
dumbbbfriday #6
Chapter 28: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
seulreneislife #7
Chapter 5: ang ty na friend ni rina lol, di ko masasabi sa bestie ko pinagsasabi nya
seulreneislife #8
Chapter 3: Wait halfway palang ako sa pagbasa ng chap three pero GRRRRR KABANAS TALAGA UGALI NI RINA DITO😇 bilib din talaga ako kay winter, pati sa pride nya na almost non existent kung ako yan FO na HAHAHA tangina lang, alam kong level 1 palang tong nararamdamn ko dahil nagsisimula palang 🤺
omg ngayon ko lang nanotice almost 5k pala comments dito, i wonder if nagbabasa parin si author ng mga new comments
seulreneislife #9
Chapter 2: Challenge ko sa sarili ko magreread pero pakshet chap 2 palang di na kinakaya🧎‍♀️
rinagerie
11 streak #10
Chapter 4: rereading. naiiyak pa din talaga ako. grabe nakailang chapters palang naman ako 😭 kamiss masaktan