Part 30

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“Win! Wait!”

 

Hinarap ko si Karina, hinihingal siya at pinagpapawisan dahil tumakbo yata galing sa stage, “Uh— Uhm, bakit?” Honestly speaking, I feel awkward. Hindi ko rin naman inasahan na pupuntahan niya ako.

 

She looked a bit pained sa aking tanong, I almost apologized, “I— Thanks for.. thanks for coming. Akala ko hindi ka manonood after what happened..”

 

Napahawak ako sa sa batok ko, medyo pinagpapawisan ako sa awkwardness naming dalawa. Parang hindi tama.

 

“Of course papanoorin kita. Nag-promise ako diba?” Derecho kong sabi, "Wala nga lang banner." Pagbibiro ko. Somehow, ayoko siyang mag-worry.

 

“Yeah.. You did promise..” Napalunok siya, she was looking at my hands at parang gusto niya akong hawakan pero hindi niya ginawa, “Gusto mong sumama? We’ll have dinner.. I’ll.. uhm, ipapakilala kita.”

 

Siguro kung okay ako—kami, sasama ako. I’d be happy to compromise again for her at kalimutan yung pagiging anti-social ko for a while if it means sasaya si Karina na ma-meet ko ang ibang members ng dance group niya for the second time.

 

Pero right now, I just feel drained. At tingin ko kailangan ko pa ng another round of long sleep bago ko malimutan yung failed date na sinet up ko para sa amin. Nalulungkot pa rin kasi ako.

 

“Okay lang ba kung hindi ako sumama? G-gusto ko lang magpahinga muna ngayong gabi.” Honest kong sagot, hoping na hindi niya masamain.

 

She was quick to nod, giving me a smile na alam kong hindi abot hanggang mata, “S-sure. I’ll, uhm—“ Tumuro siya sa likod, “I’ll go back na. Ingat ka pauwi..”

 

I nodded back, “Sige. Ingat ka rin.” Nagtitigan kami for a few seconds, pareho naming inaantay kung sino ang unang tatalikod.

 

Nauna siya.

 

Tinawag na kasi siya nung kasama niya sa SSDC. She looked a bit reluctant to go kaya sumenyas ako, “Sige na. Okay lang ako. Pauwi na rin naman.” She bit her lip at ngumiti bago tumalikod at naglakad papalayo sa akin.

 

Naglakad na rin ako pauwi.

 

Mabagal lang ang paglalakad ko dahil I wanted to take my time at magpahangin lang. Kaya lang naman talaga ako lumabas after class dahil gusto kong mapanood ang girlfriend ko.

 

Girlfriend ko.

 

Hay.

 

Pero yung interaction namin kanina parang hindi kami mag-jowa. Ang awkward. Ang tensyonado. Ang.. ang lungkot.

 

Bukas siguro, okay na ako.

 

Nakarating na ako sa bahay. But even so, hindi pa rin naman ako makatulog. I kept on tossing and turning sa kama. Ganito naman ako lagi kapag malalim ang iniisip.

 

“Ate ang likot mo nanaman. Ang ingay ng kama mo.” Natawa ako, naalala ko kasi si Karina noong nagrereklamo siya madalas nung nasa QC pa kami, “Paantok ka muna. Pahangin ka. Basta patulugin mo ako!” Ang ingay ni Yuna.

 

“Oo na.” Tumayo na lang din muna ako at lumabas ng kwarto. Nagtimpla ako saglit ng kape kahit hindi na nga ako makatulog.

 

Lumabas ako ng bahay, umupo sa may chair just outside the door at napansin kong hindi naka sara yung gate. Naka-awang lang ito, kaya pinuntahan ko para isara. Baka kasi naiwan lang ni Mama kanina.

 

It surprised me nang maaninag ko si Karina na nakaupo sa may labas ng gate. Anong ginagawa niya dito?

 

“Karina?”

 

She almost dropped yung iniinom niyang kape from 7-eleven, “W-Winter.”

 

Kumunot ang noo ko, confused kung bakit nandito siya sa labas namin at hindi manlang nagsasabi sa akin na nandito pala siya, “Kanina ka pa dito? Bakit hindi mo sinasabi?”

 

She looked at me straight in the eyes, kita kong may namumuong luha sa mga mata niya, “I’m sorry..”

 

Nakatingin lang ako sa kanya pero hindi ko na natiis at lumapit, helping her get up sa kinakaupuan niya, “Halika na muna sa loob. Nilalamok ka na diyan.” Parang ang fragile fragile niya kasing tignan.  

 

Pumasok kami sa gate at bago pa man ako makaharap ulit sa kanya, naramdaman ko yung mga kamay niya na pumaikot sa bewang ko.

 

Para akong matutunaw sa yakap niya.

 

I heard her sniffs, “Bakit ka umiiyak..?” I asked softly. Ang totoo niyan, naiiyak na rin ako dahil naririnig ko siyang umiiyak.

 

Lately ay parehong napaka emotional naming dalawa...

 

Hinigpitan niya pa ang kapit sa akin, “I’m sorry hindi ako nakapunta kagabi. I’m sorry if inuna ko yung sayaw over you.” May tumulong luha sa balikat ko galing sa mata niya.

 

“I’m sorry niyaya kitang sumama kanina even though I know na hindi tayo okay..” She added.

 

Her sincerity reminded me nung time na nagsosorry ako sa kanya about Batangas. She sounded raw and real kaya wala akong will to resist.

 

I held her head na nakapatong sa balikat ko, caressing her hair, “Okay na yun.. Naiintindihan ko naman yung reason mo.. H-hindi mo naman sinasadya.”

 

Ramdam ko yung pag-iling niya sa balikat ko, “But still.. It hurt you. I hurt you.”

 

Alam mo yung feeling na gusto mong magalit?

 

Yung gusto mong wag muna siyang kausapin. Gusto mong pairalin yung pride mo. Pero alam mo rin naman sa sarili mo na hindi niya ginusto na masaktan ka.

 

And she’s not perfect—but she loves you. And you love her either way. Kasi mahal ka rin niya despite your mistakes and imperfections.

 

“Okay na yun.. basta hayaan mo lang ako na damayan ka sa mga problema mo.. Kahit— kahit nasasaktan ka. Or nasasaktan ako.” 

 

“O-okay..” Medyo kinabahan ako dahil it took her a while to answer. Pero sumagot din naman siya, hindi ko nga lang sure kung ako ba ang kinukumbinse niya o ang sarili niya.

 

But I’ll take it.

 

Two days after, it made me happy na nag-try siyang bumawi dun sa hindi namin natuloy na Valentine date.

 

“Winter..” Naalimpungatan ako sa boses ni Karina, “Baby.. Hi. Wake up.” Naramdaman ko yung halik niya sa noo ko.

 

Sinilip ko yung kama ni Yuna, wala siya doon. Hinila ko si Karina papahiga sa tabi ko at niyakap, “Antok pa ako.. Anong meron?” Sumiksik ako sa leeg niya. Na-miss ko siya. Sobra.

 

“Maligo ka na. I'll take you out somewhere.” She was running her hands up and down sa aking likod, napaka relaxing, “Baby.. Wag ka nang matulog. Male-late tayo. Go take a bath na..” Medyo nakakapanibago na ganito si Karina ngayon.

 

Nasanay yata ako sa tension at mga iyakan namin, that I forgot how sweet she can be.

 

Hindi na ako magiinarte pa kaya mabilis akong naligo at nag ayos, excited with how the day is going to turn out. Hopefully naman eh hindi kasing saklap nung Valentine's.

 

Naki bonding muna si Karina sa parents ko pati kay Yuna sa may kitchen. Sobrang natural lang para sa girlfriend ko ang makihalubilo sa pamilya ko kaya nung mabanggit ni Mama na alam niya na magjowa kami ni Karina, walang awkwardness sa paligid.

 

Si Papa napa-tango lang, ngiting ngiti pa nga sa girlfriend ko at nagtanong kung paano ko raw napa sagot si Karina.

 

"Alam pala ni Tita? Did you tell her?" Tanong niya paglabas namin ng gate.

 

"Hindi ko sinabi. Alam lang niya talaga." Kita kong nagfifidget si Karina at reluctant hawakan yung kamay ko kaya I took the initiative. She smiled nang hawakan ko ang kamay niya.

 

"I thought nabanggit mo. It's good that she knows.." May padaan na tricycle kaya nilipat ako ni Karina ng pwesto sa gilid niya, "Baka madali ka, baby." It made me blush.

 

"Baka nabanggit ng Mama mo. Lagi yata silang magkausap eh." She stiffened sa mention ng Mama niya. Mukhang hindi pa nga sila okay, "Sorry.."

 

Umiling lang siya in answer, "It's fine." Hindi na ulit siya nagsalita after. Tahimik kaming naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Nasense ko rin na ayaw niya munang pag-usapan yung about don kaya kahit gusto kong magtanong, I decided not to.

 

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko na lang nang makasakay na kami ng jeep.

 

Agad pinulupot ni Karina ang kamay sa bewang ko at bumulong, "You'll see." She then squeezed my hip at hinalikan ako sa braso. Napalunok ako. Ang sweet niya kahit may mga ibang pasahero.

 

"Yunjin offered to drive for us pero mas okay na lang na tayong dalawa lang muna. Is that okay? Na mag bus lang tayo?" Dagdag niya.

 

Ako pa talaga ang tinananong niya? As if naman hindi ako sanay mag commute, "Oo naman. Mas okay nga na tayong dalawa lang. Nakakahiya rin kay Yunjin.." Kahit naman alam kong bukal sa loob niya, nakakahiya pa rin kung makiki chaperon siya sa amin.

 

It didn't take long para makarating kami sa sakayan ng bus, "Let's go. May bus na pa-Alabang."

 

"Alabang? Saan ba tayo?" Naku-curious na talaga ako saan ba kami pupunta. Hinila niya ako papasok ng bus at naupo kami sa may dulo kung saan may dalawang seats ang bakante na magkatabi.

 

Bumunot ako ng wallet para sa pamasahe namin pero hinawakan ako ni Karina, "What are you doing? Ako na."

 

Medyo worried kasi ako na pagastusin siya given yung situation nila ngayon. She probably noticed yung pagkunot ng noo ko, "It's fine, Win. Ako naman nagyaya.. I still have money to spare."

 

"Okay, sige." Pagpayag ko.

 

Nag-settle na kami sa upuan nang makabayad siya sa kundoktor. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, she tapped me at nilingon ko siya, "Hmm?"
 

My eyes landed sa hawak niyang gamot at water, "I forgot na ibigay kanina sa bahay niyo. Take your meds." Actually kahit ako ay hindi na naisip na uminom pa ng gamot. Pero it's sweet for her na magdala para sa akin.

 

Some things just never change.

 

"Thank you, baby." May pagka surprised sa itsura niya na pinagtaka ko, "Bakit?"

 

Her gazed softened sa akin at simpleng ngumiti, "Nothing.. You— Uhm, you called me baby again." Nag-iwas siya ng tingin, parang nahihiya.

 

"Hindi ba dapat..?" Taka kong tanong.

 

"No, it's just.. After what happened.. I still feel like you're mad. And you're kind of careful sa pakikipag usap sa akin. I don't know.. Maybe I'm being paranoid." She said quietly.

 

Hindi ko alam na worried pa rin pala siya. After niyang pumunta sa bahay nung isang gabi, sinabi ko naman na okay na yun and she does not need to worry anymore.

 

Siguro... Siguro talagang na-bother siya na nasaktan niya ako kahit hindi sinasadya. Kaya ganito na lang yung reaction niya.

 

Karina is someone na aakalain mong nonchalant lang sa mga bagay. She's always confident sa kanyang sarili at sa pinapakita niya sa ibang tao.

 

Even ako minsan, it surprises me that she cares so much even sa maliliit na bagay na akala ko wala lang sa kanya o kaya hindi niya napapansin.

 

Including this one...

 

Ang buong akala ko talaga naka-move on na siya sa nangyari. Yun pala, nag-aalala pa rin siya sa akin dahil nasaktan niya ako. It brings comfort sa akin that she feels that way towards me.

 

Pinagsiklop ko ang mga kamay namin, "Hindi naman ako nagalit sayo, Karina. As much as possible, I try to be understanding. Oo, nasaktan naman talaga ako.. And yes, for a while I was careful kung paano makikitungo after nung nangyari.." I decided to be honest.

 

"Pero nag-sorry ka na don. Wala nang mangyayari kung masstuck ako dun sa nangyari.. Okay na yun." Hinalikan ko yung likod ng kamay niya, "Mahal kita."

 

She let out a light laugh, "What would I do without you?" Siya naman ang humalik sa kamay ko, "I love you too." Sinandal niya ang ulo sa balikat ko and as usual, nakatulog siya sa byahe.

 

Nagising lang siya nang makarating na kami sa SLEX. Nagulat pa ako at biglang nagsalita siya sa tabi ko, "Can I ask kung.. kung ano yung plan mo sana nung Valentine's?"

 

Napatigil ako.

 

"Uhm, okay na yun.." Baka kasi mas ma-feel bad lang siya eh tapos naman na. Gusto ko na nga rin kalimutan na lang. Pero knowing Karina...

 

"I just wanna know."

 

Tinignan ko siya, naghihintay siya sa akin na sumagot. I took a deep breath, "Nagpareserve ako dun sa org ng Engineering.. May pa romantic dinner sila. Sa harap kasi ng stage yung booth nila kaya ayun.."
 

Tumango tango siya, halatang nalulungkot, "And?"

 

"11pm ko siya pinareserve kasi set ni Arthur Nery yun.." Napa-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Kaysa naman makita niyang maluha luha pa rin ako. Jusko.

 

Hindi siya nagsalita kaya bumaling ako sa kanya. She looked sad, at ayokong puro ganito lang yung emotions namin ngayon kaya I gave her a smile, "Okay na yun.. Kalimutan na natin." I tried to convince her.

 

"Are you sure? You know you can be mad at me, Winter." Evident kay Karina yung pagiging insecure niya lately... Kahit may assurance ako.

 

“Babe. Okay na talaga. Promise.” Inoffer ko pa sa kanya yung pinky finger ko, to kind of “seal” my promise. Tumawa na siya finally, hooking her own pinky finger sa akin.

 

“So saan tayo?” Pagbabago ko ng topic, “Bakit sa Alabang? Anong meron?”

 

Her eyes lit up, smiling widely sa akin, “We’ll watch Arthur Nery.” I matched her smile at maluwag na rin ang pagkakangiti, “Wala nga lang romantic dinner..”

 

“Bili na lang tayong Master Siomai tas kainin natin habang pinapanood siya.” Suggestion ko.

 

“Deal!”

 

 

 

“Hello, Tita?”

 

“Winter, anak. Sorry at ikaw ang palagi kong tinatawagan ha..”

 

Nag ayos ako ng upo saglit para makausap ang Mama ni Karina nang maayos, “Okay lang po. Uhm.. hindi pa rin po ba niya kayo kinakausap?”

 

“Nag-uusap kami. But I know masama pa rin ang loob sakin.” Ramdam ko pa rin yung exhaustion sa boses niya. It reminds me a lot of Karina.

 

“Ano po—“ Napatigil ako, hindi ko kasi sure kung itatanong ko ba but I decided to go along with it, “Ano po bang nangyari, Tita?”

 

Hindi naman kasi nagkwento si Karina ng nangyari talaga. Ang alam ko lang, kinausap ng Mama niya si Tito. Hindi niya na ulit ito nabanggit sa akin at tingin ko ayaw rin niyang pagusapan.

 

“Hindi ba niya sinabi?”

 

“Hindi po.. Uhm, ayoko naman po siyang tanungin..” Baka kasi sensitive topic din ito for Karina. Kakabalik lang ulit namin sa normal, na walang tensions masyado, at ayokong mabago yun sa ngayon.

 

“Tumawag sa akin si Carl. Karina just went angry mode the moment na binanggit kong kinausap ko ang Papa niya.. She didn't even let me explain.”

 

Hindi na ako nahiya at nagtanong muli, “Ano po bang sabi ni Tito? Bakit daw po tumawag?”

 

Tita let out a breathy laugh, “Nag-sorry sa nangyayari. Nakiusap na ako na ang bahala sa mga naghahanap sa kanya.” Tangina… seryoso ba? Ang kapal naman pala talaga ng mukha.

 

Hindi ako nakapagsalita dahil sa totoo lang eh ayoko naman magsabi ng hindi magandang salita tungkol sa asawa niya. Ang hirap palang mag pigil.

 

“Hindi ka makapaniwala, noh? May ilalala pa pala siya.” Dinadaan na lang ni Tita sa pagtawa yung problema, “I wish Karina would let me explain. Masama pa rin ang loob niya.. It's worrying me.”

 

Medyo naaawa naman ako sa kanya... “Hayaan niyo po, i-try ko pong kausapin si Karina..”

 

Feeling ko mas mafufuel ang galit ng girlfriend ko sa Papa niya kapag nalaman niya ito. But she has to know na hindi naman niya dapat i-shut off ang Mama niya. Sila na nga lang ang meron ang isa't isa.

 

“Salamat, Winter.. Call me if anything, okay? I’ll go back to work.”

 

“Sige po, Tita. Ingat po kayo. Tawag lang din po kayo kapag kailangan niyo and— uhm.. Ako po bahala kay Karina.” Tingin ko kasi kailangan din niya ng assurance. I know she worries a lot sa kanyang anak.

 

“Keep on being patient, okay? Sige na hija, mag iingat kayo diyan.” Ibababa ko na sana pero may pahabol pang tanong ang Mama ni Karina, “Kamusta pala ang studies niyo?”

 

“Uhm.. okay naman po, Tita. Don’t worry.” Hindi ko na lang binanggit na medyo delikado si Karina sa Eng10. Baka ipag-alala pa niya.

 

Dinrop na rin naman ni Tita ang call at nagbilin na lang na tawagan ko siya if something happens. Or kapag na-open ko na sa anak niya yung about sa phone call nila ni Tito.

 

Tinignan ko yung oras. Halos alas kwatro na pala ng hapon. May meeting pa ako with Ma’am Ria kaya hindi pa ako makaalis ng campus para puntahan si Karina.

 

Kina-cram niya yung paper sa Eng10 dahil may deadline mamaya bago mag 12. I told her I’d help her after ng meeting.

 

Tinupad naman ng girlfriend ko yung sinabi niyang last engagement na niya sa SSDC yung event sa Feb Fair. Mas nag focus na lang siya sa work niya at acads at pagpapahinga kapag pwede.  

 

Hindi na ganoon ka evident ang eyebags niya dahil nga nakakatulog naman na siya nang maayos ever since she left her dance group.

 

Kahit papaano ay things are getting okay.

 

I think?

 

Though I know hindi ganon kadaling sabihin yon at minsan, nasesense ko pa rin yung stress kay Karina. Hindi naman magically mawawala yon porket wala na siya sa dance group.

 

In fact, I can see her longing kapag nakikita niya yung preparation ulit ng SSDC sa isang competition this coming April. Alam kong namimiss niya.

 

Me: Kamusta pagpe-paper?

 

Karina ❤: 3 more pages to go. I’m drained. Punta ako later sa room ni Rufino, babe. Mag check ng standing if kaya pang mahabol. Baka masayang yung ginagawa kong paper lol

 

Me: Kaya pa yan.. Tulungan kita sa paper pag uwi. Saan ba ikaw?

 

Karina ❤: Apartment. May one week pa before ko need umalis

 

Hay... Ito pa pala.

 

She didn’t want to, pero kinailangan niyang i-let go yung apartment niya to cut off some bills. Magsstay na lang siya sa bahay nila until maka graduate dahil mas tipid ito. Baka samahan ko na lang din siya sa bahay nila paminsan-minsan.

 

Me: Sige.. u ok?

 

Karina ❤: Idk, Win. Akala ko by leaving SSDC, I’d feel less tired. But it’s still the same. Eng10 is killing me.

 

Tingin ko isa rin kasi sa kinaka-stress niya yung hindi nila pagiging okay ng Mama niya. Kaya I’m going to talk to her about it. Sa ganitong pagkakataon, hindi okay na pati ang Mama niya ay kagalit niya.

 

Me: Usap tayo later?

 

Karina ❤: About..?

 

Me: Sa Mama mo

 

Hindi na siya nagreply. Hay… Kakausapin ko na lang talaga mamaya. Mas okay na sa personal ko ito ma-open talaga yung topic. Kung mawala man siya sa mood, at least nandon ako to talk her about it.

 

Nakarating na ako sa office ni Ma’am Ria. I knocked on the door, “Come in!” Rinig kong sabi niya.

 

Dahan-dahan akong pumasok sa room, ngumiti kaagad siya sa akin pagkapasok ko at tumayo, “Winter, kamusta? Sorry I wasn’t able to meet with you last month. Sobrang busy.”

 

Kumuha siya ng juice para sa aming dalawa. Umupo na ako, “Thank you po.. Okay lang po.. And okay naman po yung grades ko. Uhm, tingin ko naman po abot sa cut off ng pagiging laude.”

 

She looked at me proudly, “To be honest, whatever happens we’re still gonna hire you. If gugustuhin mo, of course. Have you made up your mind about that?”

 

I gave her a nod, “Opo. Itutuloy ko na po..” Hindi naman ako matagal nag-isip talaga para mag come up sa ganitong decision.

 

Sa totoo lang, I’d be dumb kung tatanggihan ko yung big project. Magandang opportunity ito at makakaipon din ako dahil wala akong apartment na kailangan rentahan.

 

Nagreready na rin kasi ako sa gastos kung sakali ngang mawala yung silogan ni Mama at kailangan niyang lumipat sa mas mahal na pwesto.

 

“That’s great! Honestly, malaki yung potential ng project na ma-extend. But the contract will be yearly and it’s up sa inyong researchers if you’re going to extend beyond that.” Pageexplain niya.

 

Ayos naman pala talaga yung project kung ganon. Though I’m aiming na mag one year lang dahil gusto ko ngang mag Manila after, at least may option na tumuloy pa rin just in case.

 

Nagsalita ulit si Ma’am, “Maraming involved sa project. May Engineers, Architects.. We’ll even partner up sa research companies sa Manila. Marami rin kasing government agencies ang kasama."

 

Natulala ako. Ang impressive. Akala ko dati eh simpleng project lang ito dahil nga hindi naman permanent. It’s good to know na maganda yung una kong magiging work.

 

“Then I’d be stupid to decline po, Ma’am. Count me in na po sa project..” Natuwa naman si Ma’am Ria sa mabilis kong pagpayag at hindi na raw niya ako kailangang bola-bolahin pa. Balita ko almost completed na rin naman ang team.

 

"May field works pala ito, nabanggit ko naman before right?" Tumango ako, "It would be fun and informative, Winter."

 

To be honest, naging reluctant ako nung malaman ko na mag field works pero naisip ko rin na mas okay yun kaysa nakatunganga lang kami sa office all day. Parang yung sa QC lang, na-enjoy ko naman yung field work doon.

 

Nagusap pa kami ni Ma’am Ria tungkol sa project hanggang sa kailangan ko nang umalis dahil nga baka nakabalik na rin si Karina galing sa office ni Rufino.

 

Kailangan ko pa siyang tulungan sa paper niya. Less than two months kasi ay tapos na ang sem.

 

Me: Otw na ako sa apartment mo, babe

 

Me: May gusto ka bang dinner?

 

Inantay ko saglit ang reply niya kaso hindi siya sumasagot. Nag take out na lang ako ng ulam at kanin dun sa katabing karindirya ng silogan ni Mama.

 

Dumerecho na ako sa apartment ni Karina.

 

Hindi na ako nag bother pang kumatok dahil sanay naman ako dito. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang girlfriend ko na naka upo lang sa kanyang kama, almost looking like emotionless.

 

Tumingin siya sa akin, hindi nagbago ang expression niya na halos blangko.

 

"Babe?" Alam ko na kaagad na something must have happened... Jusko. Ano nanaman kayang nangyari?

 

She looked down sa kanyang mga kamay, watching her fingers play sa tastas ng kanyang damit, "I think hindi ako makaka graduate this sem."

 

I heard my own breath hitch.

 

"H-ha? Bakit?"

 

Hindi siya makapag salita. Dahil parang kapag nagsalita siya, biglang bubuhos ang luha niya at hindi niya mapigilan.

 

Binaba ko muna yung dala kong pagkain at lumapit sa kanya, kneeling in front of her at hinawakan ang mga kamay niyang nanlalamig. Inangat ko ang ulo niyang nakatungo para tignan ako, "Babe. Anong nangyari?"

 

Umiiling lang siya nang paulit ulit hanggang sa hindi na niya napigilan ang emosyon. I stood up at agad niya akong niyakap sa aking bewang, "I should have listened to you. Dapat hindi na ako tumuloy sa SSDC. I— I missed a paper. Nung night ng feb fair. H-hindi ko siya naalala. Winter, I was so irresponsible."  

 

My heart is breaking for Karina.

 

"Bakit ba ganito? I feel like I can't catch a break. Una si Papa, tapos male-late akong gumraduate.. Why does it feel like everything is against me being happy and contented?"

 

Bakit nga ba ganito? Yung ang bigat bigat na nga ng dinadala niya, madadagdagan nanaman ng isa pang bagay na mas ikaka-down ni Karina.

 

If I could take away some of her problems, I would. Mas sanay ako sa ganito. Mas matatag ako sa ganitong probelma. Si Karina, alam kong kapag nagtuloy-tuloy ito, baka tuluyan na siyang mag shut off.

 

Hindi ko na alam kung ano pang comforting words ang pwede kong sabihin sa kanya, but I'm going to try.

 

“Baby.. Tanda mo yung sinabi mo kay Yeji nung hindi siya naka grad on time? Dahil din sa Eng10? Na hindi big deal sa UP kapag delayed.. That no one’s going to judge?”

 

Ramdam ko ang pag buntong hininga niya, “I know that I just.. it was something that I could prove to Papa sana. Na kaya kong gumraduate without him. That Mama and I are fine na wala siya..”

 

Sabi ko na eh… Tangina kasi ng tatay niya. Siya ang puno’t dulo kung bakit nagkakaganito si Karina. Kung bakit parang gusto niya laging may patunayan.

 

“Babe.. wala kang dapat patunayan sa kanya. Siya dapat ang may patunayan sa inyo. Don’t let the thought of him make you feel bad about yourself. Makaka graduate ka. Late ka ng isang sem, pero makaka graduate ka.” Mariin kong sabi.

 

I felt her nod against me, at nararamdaman ko rin yung pag daloy ng luha niya sa damit ko. Gusto kong kunin yung pain na nararamdaman niya.

 

Sa totoo lang, hindi ko rin alam paano siya makaka move forward after nito. Pero kaya ‘to ni Karina. I know she’s strong enough to get through this.

 

Umiyak lang siya nang umiyak hanggang sa makatulog siya. Hiniga ko siya sa kama niya nang mas maayos at pinunasan ang mukha niya.

 

Hindi na kami naka kain. Sinamahan ko na lang siya sa kama niya, making sure na makatulog siya nang maayos dahil panigurado, mahaba nanaman ang araw niya bukas.

 

It feels wrong na magcecelebrate ako ng pag graduate at pagkakaroon ng first job while my girlfriend is struggling.

 

One step forward, ten steps backwards. Ganyan ang nangyayari sa kanya ngayon. I hope she doesn’t pretend na okay ang lahat kahit hindi.

 

Sana ilabas lang niya.

 

Sana hindi siya tuluyan na maging manhid.

 

 

 

 

 

 

“How did she take it?”

 

Pagod akong napa buntong hininga, “Okay naman. Ano— Uhm, ewan ko, Yunjin. Okay naman pero hindi rin okay. Hindi ko siya mabasa lately. She’s not letting me in minsan.”

 

“It’s still fresh. And graduation season is coming so she’s probably bitter about it..” Kahit si Yunjin ay gumagawa na lang din talaga ng dahilan para kay Karina.

 

Parang ako lang.

 

We're both trying to understand ang kalagayan niya.

 

Iniintindi ko lang siya. Whatever she’s feeling ngayon, nararamdaman niya out of exhaustion at sa fact na hindi siya makakageaduate on time. Ni hindi pa nga alam ng Mama niya…

 

“Oo, alam ko naman.. Ang hirap lang makita siyang ganito.” Like she’s starting to lose herself, katulad ng sinabi niya dati, “H-hindi ko na rin alam kung paano ko mapapagaan loob niya, Yunjin.”

 

Bothered na tumingin sa akin ang kaibigan ng girlfriend ko, obviously feeling bad sa sitwasyon, “Winter, that’s okay. You don’t always have to know precisely what to say to her. And that’s fine.”

 

Siguro kailangan kong marinig yon. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa sinabi niya.

 

Lumapit si Yunjin sa akin to console me, “It’s okay to not always be strong for Karina, Win. It’s also hard for you. I feel like you’re forgetting that fact minsan. Okay lang na ma-drain ka rin. You're not a robot.”

 

“Feeling ko kasi.. If hindi ako, then who’s gonna be strong for her? Gusto kong alam niya na andito ako. Ayokong makita niyang pati ako parang giving up na.” I uttered sadly.

 

She nodded sympathetically, “I get it. But Win.. I’m sure Karina knows na nahihirapan ka rin. You don’t have to pretend with her. Just be there for her and let her know you’re not going anywhere. That’s enough sa ngayon.”

 

Tama si Yunjin…

 

Alam kong alam ni Karina na kahit ako ay sobrang affected sa nangyayari sa kanya. Kaya nga minsan, I notice na she’s pretending that she’s okay kahit hindi. Kaya minsan hindi na lang din siya naglalabas ng emotions niya.

 

She refuses to open up and show emotions dahil alam niyang magaalala ako at ikaka-stress ko rin ito.

 

But can I blame her?

 

I know I’d do the same if the roles were reversed.

 

Ang hirap.

 

Siguro nga kailangan ko na lang laging ipakita sa kanya na despite everything, she can lean on me. Ayoko rin pilitin siya na mag open. But hoping pa rin ako na wag siyan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 650 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance