Part 22

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“Morning, Win.” Bati sakin ni Ate Seulgi pag labas ng kwarto nila, mamikit mikit pa ang mga mata niya at halatang inaantok pa.

 

Umupo siya sa may sofa kung san malapit si Jeno na tulog pa rin hanggang ngayon katulad ng iba naming kasama.

 

Sunday kasi at wala kaming tasks ngayong araw. Wala rin naman sa amin ang nag decide na umuwi sa sari-sariling bahay dahil nakakapagod bumyahe. Isa pa, one week pa lang naman kami nagsstay dito sa site.

 

“Good morning, Ate Seul.” I replied sa kanya habang nagluluto ng almusal namin, “Ang aga mo naman.”

 

Humilata siya sa sofa at ipinikit muli ang mga mata, “Ikaw kaya yung sobrang aga. Tsaka bakit ka nagluluto? Sipag mo. Hindi mo naman need since Sunday naman. Papagalitan ka ni Irene."

 

“Okay lang. Gusto ko rin magluto para sa inyo.” Hindi siya sumagot at maya maya ay narinig ko na yung paghilik niya. Ang bilis naman makatulog nito ni Ate Seulgi.

 

Natawa na lang ako.

 

Actually, kanina pa ako gising. Nag-walking ako around the park bago ako nagshower at magluto ng almusal.

 

Ang dami ko na agad nagawa wala pang alas otso. Masarap pala sa pakiramdam kapag maagang nagigising. Feeling ko ang haba ng araw.

 

Ewan ko rin ba kung bakit gusto kong magpaka productive ngayong Sunday at ipagluto sila ng almusal.

 

Hmm…

 

Siguro isa sa main reasons eh dahil maganda yung nangyayari sa internship so far at enjoyable ito. Isa pa… Maganda rin ang nangyayari sa aming dalawa ni Karina.

 

Nakaka-uplift lang ng mood.

 

Walang tensions, walang awkwardness, kahit pa nga nagising kami nung isang araw na magkatabi at magkayakap… It didn't put a halt sa progress naming dalawa.

 

Sa katunayan, nitong huling tatlong gabi, parang nagkaron kami ng “thing” ni Karina kapag hindi kami makatulog.

 

Kung ano anong napagkekwentuhan namin na random stuff para lang antukin. Napapangiti nanaman tuloy ako pag naalala ko. Hays!

 

 

Thursday night.

 

Almost 11pm na at hindi nanaman ako makatulog. Although hindi naman na dahil sa multo at wala na rin naman akong naririnig sa labas.

 

Naalala ko yung pagyaya sa akin ni Karina kagabi na matulog sa tabi niya. Ang surreal pa rin. Parang panaginip kung iisipin pero totoong totoo ito.

 

Medyo nakakahiya tuloy umakto around her. Pero kanina sa work, hindi naman niya nabanggit na ito.

 

“Can’t sleep again?” Rinig kong sabi niya sa kabilang kama, she’s looking at the ceiling at ganon din ako.

 

Unlike kagabi na parang antok ang boses niya, ngayon ay parang gising na gising ang kanyang diwa at kagaya kong hindi rin makatulog.

 

“Dapat pala hindi tayo nagkape nila Yunjin kanina.” Sagot ko sa kanya.

 

Niyaya kasi ako nung dalawa, specifically ni Yunjin, na sumama sa Starbucks kaninang hapon after ng work namin.

 

Syempre bilang hindi naman ako mahilig mag SB dahil mahal, sinulit ko na yung pagpunta don at sinabi sa barista na gusto ko yung sobrang tapang na kape.

 

Ginaya ako nung dalawa kaya ito, mulat na mulat kami ni Karina. For sure ganito rin si Yunjin sa kabilang kwarto.

 

“It’s your fault for requesting yung sobrang tapang na coffee.” She laughed lightly. Nakaka-relax sa tenga yung tawa niya. Parang ano… ang soft.

 

“Kasalanan niyo na gumaya kayo sa akin.” I countered, nagpipigil mangiti.

 

Naging tahimik ulit kami for a few minutes when she spoke again, “Magkwento ka ng kahit anong story para antukin ako. Since kasalanan mo naman why I can’t sleep.”

 

Aba… talagang sinisi pa ako.

 

Pero nag-request siya, so malamang hindi ko tatanggihan si Karina.

 

Nag-isip tuloy ako ng memory ko nung bata na hindi ko pa nakekwento sa kanya. Then naalala ko yung isang funny story about Yuna.

 

“Nung bata pa si Yuna, akala namin nawawala siya…” Tumawa na agad si Karina kahit wala pa nga yung kwento, kaya nahawa rin ako at natawa, “Ano ba.. Wag ka munang tumawa kasi.”

 

We both chuckled uncontrollably. Bakit ba ganon, pag sinasabing wag tumawa, mas natatawa? “Okay, okay.. Continue.” Sabi niya.

 

“Ayun nga.. Tumawag pa sina Mama ng Barangay noon para magpatulong sa paghahanap kay Yuna. Akala namin lumayas, nagkaron ng parang search party samin..” Natatawa pa rin ako sa memory na 'to.

 

“Then?” She asked, parang sobrang invested sa story.

 

“Tapos ayun, nandon lang pala siya sa malapit samin, dun sa matandang nagtitinda ng balut..” Hindi ko nanaman napigilang matawa and Karina followed suit, “T-tapos, kumakain siya ng balut. Yun pala, gusto lang niya i-try. Diba kasi bawal daw sa bata yun?”

 

Tanda ko pa yung iyak ni Yuna nung nahuli namin siya na kinakain yung sisiw nung balut. Takot na takot na baka pagalitan ni Mama at Papa.

 

“So umalis siya ng hating gabi para kumain ng balut at para ma-try niya yung sisiw?” Mangiyak ngiyak na si Karina sa pagtawa. Pano naman kami makakatulog nito? Naging comedy show.

 

“Ganon na nga..” Ilang minuto rin bago kami tumigil sa paghagikgik at maya maya pa, I heard her steady breathing, indicating na nakatulog na siya. Ang bilis ah...

 

I smiled to myself at pumikit na rin.

 

 

“Huy Winter! Sunog na yang hotdog!” Nadistract ako sa pagde-day dream dahil sa boses ni Jeno.

 

Jusko! Ang itim na nung tender juicy, “Ay hala.. Buti dalawa na lang to.” Inalis ko na ito agad sa pan at pinatay na yung stove, “Sorry sorry..” Ambaho tuloy sa kitchen at medyo mausok-usok pa.

 

Buti pala eh naluto ko na yung iba kanina at dalawa lang ang nasunog.

 

“What’s that smell?” Lumabas na si Ate Irene at Yunjin from their room, “But I’m hungry. Thank God for Winter.” Lumapit si Yunjin sa kitchen ay kinuha agad yung isang hotdog at nilantakan ito.

 

Mukhang si Karina na lang ang tulog.

 

“Gisingin ko lang si Karina tapos kain na tayo..” Nag volunteer na si Jeno na siya na ang mag aayos ng pinaglutuan ko while si Ate Irene naman ay nag hain na sa table.

 

I entered the room at nadatnan ko si Karina na nakaupo sa bed at nag-uunat. Napunta yung mata ko sa exposed niyang tiyan pero inalis ko rin ang tingin ko dito agad.

 

“Kakain na.. Bangon ka na.”

 

Napatingin siya sa akin and she smiled, “Okay. Sunod na ako..” Napako lang ang tingin ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya, “What? May muta ba ako?”

 

Bumalik ako sa ulirat, “Ay wala wala. Sige, sunod ka na agad.” Nagmamadaling lumabas na ako sa kwarto namin.

 

Ano ba yan, bakit bigla na lang akong napapatingin sa kanya nang matagal?! Kasi naman… Ang fresh-looking lang niya kahit bagong gising lang.

 

Kasunod ko lang din halos si Karina and we all started eating na nang sabay sabay.

 

“May plans ba kayo today?” Panimula ni Ate Irene, “I’ll meet my sister later so aalis ako saglit.”

 

“Ako rin. May kikitain akong friend sa Diliman later, mga lunch time..” Sagot naman ni Ate Seulgi. Nakita ko yung pagtataka sa mata ni Ate Irene.

 

“Sino?” Tanong nito.

 

Nakatingin lang kaming apat sa kanilang dalawa, nag aabang ng sagot ni Ate Seulgi na parang naging balisa bigla.

 

Sumagot siya habang ngumunguya ng hotdog at tinapay, “Ay— yung ano— friend ko lang. Si ano, si Jisoo. Taga UPLB din dati. Baka kilala niyo.”

 

“Ahh..”

 

“Anyways,” Yunjin broke yung silence na namuo for a few seconds, “Aalis din kami ni Karina. Mag food trip kami somewhere.” Ah… Mukhang kami lang ni Jeno mamaya dito.

 

“Can I join?” Nahihiyang tanong nung lalake.

 

Parang nabuhayan naman ng dugo itong si Yunjin bigla, “Sure!” Humarap siya sa akin, “Ikaw, Winter? Gusto mong sumama?”

 

Nag calculate na kaagad ako sa utak ko ng mga magagastos. Parang hindi kakayanin at ibibigay ko rin kay Mama yung half ng binigay sa akin ni Miss Anna.

 

Bakasyon kasi sa UPLB kaya wala masyadong kita yung store dahil walang estudyante doon sa panahon ngayon. At isa pa, naniningil daw ng utang si Aling Aira.

 

“Dito lang muna ako sa bahay. Go lang kayo.” Sabi ko.

 

“Are you sure? Baka matakot ka nanaman sa multo.” Pang-aasar ni Karina sa akin.

 

Grabe! Talagang pinagkalat niya sa mga kasama namin ang kaduwagan ko. I laughed nervously, “Wala naman na yata.. Okay lang ako dito.”

 

Siguro matutulog na lang ako o makikipag usap kila Ning. Bahala na kung anong makakapag occupy ng time ko mamaya para mawala sa utak ko yung multo.

 

Around lunch nang nagreready na silang umalis. Naglinis muna kami saglit ng bahay dahil medyo makalat sa living area.

 

Nauna na si Ate Irene na umalis at sumunod si Ate Seulgi matapos ang ilang minuto.

 

“Sure kang dito ka lang?” Tanong ni Karina sakin habang nagaayos ng sarili dito sa kwarto namin. Nakaupo lang ako sa kama at nagpo-phone.

 

Inangat ko ang ulo para tignan siya, “Oo okay lang. Uhm.. need ko rin kasi ibigay kay Mama yung extra allowance ko.” Tingin ko naman gets na ni Karina dahil alam naman niya na hindi kami well-off at minsan, ako ang nagpoprovide kay Mama kahit may trabaho na si Papa.

 

She looked at me and nodded, “Okay. Just lock the door habang wala kami.” Kinuha niya na ang kanyang bag at ngumiti sa akin bago umalis, “Bye.”

 

I smiled back, “Ingat kayo.”

 

And I was left alone sa bahay.

 

Pinapakiramdaman ko pa kung may lalagabog nanaman sa may kusina pero thankfully, mukhang nagsawa na sa pagpaparamdam yung multo. Baka day off niya rin dahil Linggo ngayon.

 

Nagpunta ako sa sofa para manood na lang muna ng Netflix, hindi kasi sumasagot sina Giselle or Ning sa calls ko so baka busy yung dalawa.

 

My phone chimed at nakita ko agad yung text ni Minju.

 

Minju: Hi Winter! Balita ko sa QC raw kayo nag-iintern.

 

Minju: If it's not too much to ask, can we meet next Saturday kahit sa SM North? I'm around the area kasi that time. If okay lang naman :)

 

Tinitigan ko muna yung messages niya ng ilang minuto.

 

Ilang buwan na rin naman ang nakalipas nung huli naming pag uusap where she admitted na in love pa siya kay Chaewon.

 

Siguro nagkaron din siya ng lakas ng loob mag ask to meet with me dahil dun sa huli naming interaction sa Yellow Cab nang ngitian ko siya.

 

Over naman na ako sa nangyari at wala naman sigurong masama kung makikipag kita ako sa kanya.

 

Siguro ay gusto lang talaga niyang makipag reconcile or mag-sorry ulit? Hindi ko sure. But I'm willing to find out dahil kahit papaano, may pinagsamahan din naman kami.

 

Me: Sige.. After na lang ng duty ko sa Saturday.

 

Minju: Waaah thanks! Ingat sa internship :)

 

Me: Sige ingat din :)

 

Humilata na ulit ako sa sofa at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

 

 

Friday night.

 

Nahihirapan nanaman akong makatulog kahit ang dami naming ginawa kanina sa pagsusurvey! May insomnia na kaya ako?

 

"Hindi ka nanaman makatulog?" Natatawa na ako dahil pangatlong gabi na itong tinatanong ni Karina sa akin.

 

Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita sa dilim ng paligid, "Hindi nanaman. Hindi ko na masisisi yung kape dahil hindi naman tayo nag coffee kanina."

 

"Ikaw bakit hindi ka makatulog?" Pahabol kong tanong.

 

It took her a while para sumagot, "I worry kina Mama at Papa." Nagulat ako sa sinabi niya. I was expecting a light answer from her.

 

Tsaka nito lang ay parang uncomfortable siya na mag-kwento sa harap ko about her parents. Baka napipilitan siya? Although I know na hindi naman ganon si Karina.

 

"You don't have to tell m—"

 

She cut me off kaagad, "I know. I just feel like telling you about it tonight." Sabi na eh. Malambot ang tono niya at walang tigas sa kanyang pananalita. Siguro ay gusto lang talaga niyang mag open.

 

"Okay.. ano bang nangyari?" Maingat na tanong ko, "Okay lang na hindi mo sabihin lahat."

 

I heard her loud breath bago sumagot, "May hindi sila sinasabi sa akin, but I think it's about Papa. Parang exhausted lately si Mama dahil sa kanya. I don't know."

 

Naalala ko yung nag usap kami nung Mama niya sa party ng kapatid ni Minju pati na rin nung birthday surprise ni Karina. Parang may something nga kay Tito.

 

"Kilala mo naman yung Mama mo.. Magsasabi yan sayo kapag alam niyang kailangan niya nang sabihin." I told her. Hindi naman sa nagmamagaling ako, pero ganon kasi ang pagkakakilala ko sa Mama ni Karina.

 

She chuckled, "I know. You know her so well too."

 

"Siguro hindi niya sinasabi kasi hindi naman dapat ika-worry and ayaw niyang mag-overthink ka." Sabi ko pa, trying to make her feel okay. Sana gumana.

 

Naaninag ko yung pag tango niya, "Yeah.. Thanks, Winter."

 

"Matulog ka na. Wag mo na masyadong isipin yun. It's gonna be alright." I tried to sound as genuine as possible. Sa mga ganitong moments, alam kong reassuring words ang kailangan ni Karina, "Or gusto mo ba magkwento ulit ako ng kahit ano?"

 

Rinig ko yung mahina niyang tawa, "Not tonight. Baka maubusan ka. Good night, Win."

 

"Good night, Karina.. Sweet dreams."

 

"Sweet dreams."

 

 

"Winter, I'm home.." Nagmulat ako at nakita ko si Ate Irene. May kasama siyang babae na hindi ko mamukhaan. Nananaginip ba ako?

 

"Ate Irene?" Confused kong sambit, "Anong oras na?" Kanina pa ba ako nakatulog? Hindi ko pa napatay yung TV, sayang sa kuryente.

 

"3pm pa lang naman. Ginising kita kasi naka awang yang bibig mo." Natatawa niyang sabi.

 

Tumayo ako from the sofa, nakita ko yung babaeng kasama niya. Hindi nga panaginip, "Ay hello po." Bigla naman akong nahiya sa kaitsurahan ko. Nakapang bahay lang kasi ako.

 

"Win, that's my sister, Olivia. Sinama ko lang dito saglit kasi inaantay namin yung parents namin to pick her up." Lumapit siya sa kapatid, "Liv, this is Winter."

 

The girl gave me a tight-lipped smile, para rin siyang si Ate Irene na mukhang tahimik lang, "Hello, Winter."

 

Nakatayo lang siya kaya nag offer ako ng seat, "Upo ka muna. Uhm, gusto mo ba ng juice?" Sanay kasi ako na pag may bisita eh talagang inaasikaso.

 

Ate Irene laughed, "Wag mo nang asikasuhin yan. Ako na, Winter. Mag rest ka na lang diyan. Or continue your sleep sa room niyo."

 

"Okay lang po ako dito, Ate Irene.." Tinatamad na akong tumayo pa at ayoko na rin mag nap at baka hindi nanaman ako makatulog mamayang gabi.

 

Naupo yung Olivia sa may tabi ko at ngumiti sa akin, "Paupo."

 

"Sure. G-gusto mo bang manood ng Netflix?" Inabot ko sa kanya yung remote, "Mamili ka lang diyan." Nasasanay na rin akong makipag usap talaga sa ibang tao dahil sa ginagawa namin ngayong internship kaya hindi naman ako masyadong nahihiya sa kapatid ni Ate Irene.

 

"Ayan, manood muna kayo. I'll take a shower lang, Liv. Then I'll contact Mom." Tumango lang ang kapatid niya sa kanya.

 

She got the remote from me at namili ng palabas. We just sat in silence habang nagpe-play yung kung ano mang nilagay niya sa Netflix.

 

Nakareceive ulit ako ng text and this time, it's from Karina.

 

Karina: Anong gusto mo for dinner?

 

B-bakit niya tinatanong?

 

Me: Hala kahit wag na..

 

Karina: Nasa Rodic's kami. Diba gusto mo yun i-try before?

 

Me: Ay oo hehe

 

Karina: Okay, tapsilog na lang.

 

Me: Thanks :)

 

Ang thoughtful naman niya.. May pasalubong pa.

 

"Are you from UPLB din?" Napatingin ako kay Olivia.

 

"Ah, oo. Co-advisee ko si Ate Irene.." Hindi ako mahilig sa mga small talks na ganito pero hindi rin naman ako para mag mukhang tanga pag kinakausap ng ibang tao.

 

"I'm from UPD.." Nag pause siya, "Share ko lang." Natawa kami pareho. Siguro eh naaawkwardan na rin kasi siya kaya kinausap na lang din ako.

 

"Anong course mo don?" I added sa conversation.

 

"Architecture." Ay, wow.. "Com Arts ka rin like Ate Irene?"

 

Tumango ako. Nawalan na ulit kami ng topic kaya nanood na lang ulit siya. Kahit ako ay na-hook dun sa k-drama na pinapanood niya. Ang ganda kasi nung bida.

 

After ng isang episode ay lumabas na rin si Ate Irene sa kwarto nila kasabay ng pag balik nila Karina, Yunjin, at Jeno, "We're home!" Natikom bigla ang bibig ni Yunjin when she noticed na may ibang tao sa loob, "Oh.. hello!"

 

Pansin ko yung pagbalik ng pagiging mahiyain ni Olivia, "Hello.."

 

"Guys she's Olivia, my sister. Paalis na rin siya later, papunta na yung parents namin dito to pick her up. Wag niyo na lang siyang pansinin." Pabiro nitong sabi.

 

Jeno squinted his eyes, "Liv?"

 

Ay, magkakilala sila?

 

Turns out they were classmates back in high school daw sa Ateneo. Naupo si Jeno sa tabi nung sister ni Ate Irene at nag catch up sila. Pansin ko yung pag simangot ni Yunjin.

 

Tumayo ako agad nang makita kong maraming hawak si Karina, "Akin na, tulungan kita." She gave me yung ibang paper bags na dala nila, "Kamusta yung lakad niyo?" I asked.

 

Wow... Ang confident ko biglang makipag small talk sa kanya.

 

"It was fun. Although umambon at wala kaming payong." Lagi na lang siyang walang payong...

 

"Lagi kang walang payong." Nasabi ko ito out loud, "Ay, I mean.. Pansin ko lang." Pinatong namin yung mga dala nila sa kitchen.

 

Puro food lang naman at ilang mga paper bags from H&M at Uniqlo.

 

"Nakakatamad magdala." Sagot niya, "Anyway, here's the dinner na binili ko for you. Masarap siya, I think magugustuhan mo." Winter... Pigilan mong wag ngumiti, bruha ka.

 

I cleared my throat, "Salamat. Magkano?"

 

Umiling lang siya, "It's on me. Mura lang naman."

 

Nadistract kaming dalawa sa pagdadabog ni Yunjin sa tabi namin habang inaalis yung mga laman ng pinamili nila. Marami rin siyang sinasabi na hindi ko ma-decipher kung ano.

 

Natawa si Karina, "Yun, para kang lamok diyan. Anong sinasabi mo? And bakit kunot na kunot naman ang noo mo."

 

"Nakanguso ka rin.." Dagdag ko.

 

She looked at us in annoyance, "Grabe magpa-cute yung Olivia kay Jeno oh." Umirap ito, "Nyenyenye. Remember back in high school.." Ginagaya niya yung boses nung babae. Mas natawa ako, "Stop laughing, Winter!"

 

Tinikom ko ang bibig ko at nagsalita si Karina, "Don't take it out on Winter. You're just jealous!" Patawa tawa nitong sambit.

 

Later on ay dumating na yung parents nila Ate Irene, "My sister is going na. Thanks for accommodating her, guys." Ngiting ngiti naman itong si Yunjin dahil aalis na si Olivia.

 

We all said bye to her. Nagulat pa ako nang tawagin niya ako ulit, "Let's catch up again next time, Winter. It was nice talking with you." Namula ako dahil nakatingin silang lahat sa akin.

 

As if naman ang dami naming pinag-usapan eh tinanong ko lang naman yung course niya...

 

Sumagot na lang din ako, "A-ah, sige. Ingat ka." I smiled awkwardly. Lumabas na siya ng bahay but not without waving at me.

 

"Ay si Winter pala ang bet." Yunjin looked at Karina at nag tunog baboy ito, "Jeno! Help mo ko mag lagay ng stuff sa ref!" Sigaw niya dun sa lalake.

 

Naiwan kami ni Karina sa may dining table. Malapit na rin kasing mag dinner at mukhang nag take out lang sila para dito na kumain.

 

"Ako na mag ayos ng table.." I offered.

 

Sumagot siya pero hindi tumingin sa akin, "Ako na."

 

Okay...

 

"Help na kita.."

 

"Fine, do as you wish." Bakit naman parang ang sungit niya bigla?

 

Bumalik na si Ate Irene sa kitchen at kasunod niya si Ate Seulgi. Parang nawala rin sa mood si Ate Irene... Bakit ang moody ng mga tao ngayong araw?

 

Bumati si Jeno dito, "Hi Ate Seul. Kamusta date mo with Miss Jisoo?" Mapangloko ang tono niya. Hinampas siya ni Yunjin at pinatahimik.

 

"Mukhang okay naman, hinatid pa siya dito sa house." Si Ate Irene ang sumagot, "Anyways, go have dinner na, kids. Kumain naman na ako. I'm sure kumain na rin si Seul."

 

Parang tuod si Ate Seulgi na hindi alam ang sasabihin, "A-ahh.. oo, kumain na ako. Maliligo muna ako. Happy dinner!" Kaming apat ang natira sa table.

 

"Oh, wow." Sabi ni Yunjin, "That was something." She chuckled. Nag start na silang kumain ni Jeno nung tapsilog. Actually, para silang magjowa. Kinikilig ako sa kanilang dalawa.

 

Pinagbukas ko ng take out box si Karina pagkatapos kong buksan yung binili niya para sa akin, "Kain ka na rin, Karina.." I gave her the utensils.

 

Binigay niya sa akin yung isang drink na nakapatong sa table, akala ko kay Yunjin ito. "Binilhan din kita ng milk tea." Sabi niya at hindi pa rin tumitingin sakin.

 

Ano ba...

 

"Thank you.."

 

Babawi ako sa kanya. Siguro one of these days, ipagluluto ko siya nung favorite niyang Korean ramen noodles. Saan kaya nakakabili non?

 

 

Saturday night.

 

Isa nanamang gabi na mulat na mulat ako. At parang ganon din si Karina. So instead na antayin ko siyang magsalita, ako na ang nauna, "Hindi ka makatulog?"

 

Pareho kaming natawa dahil parang nagiging normal na ito sa amin for the past two nights—yung pagtatanong kung bakit hindi makatulog.

 

"Nag energy drink ako kanina before mag dinner. Hindi pala okay, ang daming caffeine.." Ah, kaya pala may Sting energy drink sa ref.

 

"Mas malala pa yun kaysa sa kape eh." Sabi ko.

 

I heard her move sa kanyang kama, "Ikaw bakit hindi ka makatulog?" She asked.

 

"Naho-homesick ako.. Namimiss ko na sila Yuna." Honest kong sabi. Para akong bata sa pagkakaroon ng sepanx pero wala eh, ito yung nafifeel ko.

 

"This is the first time na lumayo ka sa inyo, right?"

 

Alam na alam talaga niya, "Oo.. Nakaka-miss lang. Pero ngayon lang naman siguro." Sabi kasi nila, homesickness just hits you at random moments.

 

Ito na siguro yung random moment na yun. Tomorrow ay okay na ako, feel ko naman.

 

"Pwede ka ulit mag kwento ng childhood memory. Pampatulog ulit nating dalawa." Suggestion niya.

 

Ang weird yata na parang sobrang comfy namin kapag ganitong gabi na at hindi kami pareho makatulog then the next day, parang wala lang at hindi na namin pag uusapan.

 

But at the same time, natutuwa ako dahil alam kong this is one of the indications that we're really progressing.

 

I'm probably gonna be treading on dangerous waters dito sa ishe-share ko, "Hindi ko to nasabi sayo dati pero back when we were in high school.." Nung mag best friends pa kami, but I left that detail out, "Tanda mo si Danilo?"

 

She hummed in response, "Yung umaway sa akin. What about him?"

 

Feeling superior pa rin ako kapag naaalala ko ito, "Diba sinabihan ka niya na malandi ka raw.." Natawa lang si Karina, "Ako yung nag butas ng gulong ng motor niya."

 

For the first time since we started talking before matulog, nagkatinginan kami. Kita ko yung panlalaki ng mata ni Karina, "What?! Ikaw yun?" Tumango ako, aninag namin ang isa't isa dahil sa lamp na nakabukas between us, "That's so satisfying to know! Galit na galit siya nun eh."

 

"Oo, akala ko nga mahuhuli ako.. Buti walang nakakita sakin. Takot na takot pa ako non habang dala ko yung pako na kinuha ko kay Papa." I'm still laughing at the memory. Nakakaproud.

 

Tumingin na ulit kami pareho sa ceiling. Nagsalita siya, mahina lang, "Why did you do that? You could have been in trouble."

 

Natahimik ako saglit then I took a deep breath, braving myself to let the words out, "Kasi ayokong may nagsasabi sayo ng ganon."

 

Then I realized my words.

 

Ayokong may nagsasabi sa kanya ng ganon, pero sinabihan ko rin naman siya ng masasakit na salita. And it probably hurt her more dahil galing yun sa akin, not a random classmate like Danilo.

 

"Good night, Winter."

 

I contained my tears, "Good night.."

 

 

 

 

 

 

One week left and magpapalitan na kami ng tasks.

 

Isang linggong surveying na lang kami nila Karina at Yunjin then kami na dun sa office works na ginagawa nila Ate Irene ngayon.

 

Unlike nung unang linggo, mas nakakapagod ang pagsusurvey this week dahil sa madalas na pag ulan. Konti lang ang visitors kapag ganitong panahon so matagal bago kami maka-abot sa quota.

 

It's also extra tiring yung lagi kaming may hawak na payong habang nagsusulat sa survey forms.

 

"Wednesday pa lang, gusto ko na kaagad mag Saturday. I kinda wanna be in the office na lang. This is tiring." Yunjin said.

 

Currently ay nagpapatila kami ng ulan dito sa canteen. Alas tres pa lang ng hapon at hindi pa kami nangangalahati.

 

"Konti na lang naman. But yeah, I feel you. It's tiring nga." Wala nanaman dalang payong si Karina kanina kaya naki-share lang siya kay Yunjin. Basang basa tuloy yung braso niya.

 

Inabot ko sa kanya yung panyo, "Uhm, punasan mo yung shoulders mo." Kinuha niya yung hanky and she thanked me for it.

 

Hindi na ako naghoholdback sa mga ganitong actions lately when it comes to Karina. Hindi rin naman siya umaangal or naaawkwardan.

 

Yes!

 

Sumimangot bigla si Yunjin after nitong tumingin sa phone, "Jisung is being annoying again. Akala ko tumigil na siya."

 

Napakunot ang noo ko at nagtaka, "Sino si Jisung?" Siya rin naman intrigera, so ako naman ang iintriga sa kanya ngayon.

 

"Her cheating ex-boyfriend." Umikot ang mata ni Karina sa sinabi, "What does he want? Block mo na lang." She seems protective kay Yunjin talaga.

 

"Are you gonna pretend to be my jowa again kapag ginulo niya ako?" Mapagbirong sabi niya kay Karina.

 

Okay... Hindi ko alam ang pinag uusapan nila.

 

Nag-pretend si Karina na maging girlfriend si Yunjin?

 

At yun yung dahilan kung bakit sila naging magkaibigan?

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
#1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 648 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche
#7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche
#8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance