Part 7.5

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

Winter.

 

Kapag tinatanong ako kung sino yung pinakamahalagang tao sa buhay ko aside from my parents, siya agad ang pumapasok sa isip ko.

 

My best friend.

 

Ang ironic nga dahil magkaibang-magkaiba kami. Madaldal ako, tahimik siya. Burara ako, she’s very organized. Mahilig ako sa crowd, she prefers being alone—or being with me. I like that she likes being with me.

 

Somehow, yung pagiging magkaba namin—it works. We complete each other's missing puzzle.

 

Ever since makilala ko siya, there’s something in me that knows na she's the one for me. Not particularly in a romantic sense, but I knew she was going to be my soulmate. Diba ganon daw ‘yon? Friends can be you soulmate too.

 

And for me, that's Winter. Without a single doubt. Walang iba.

 

Not the girls I had a fling with, not the friends I made in high school aside from her, not even Yeji—the girl of my “dreams”—like I always describe her to people, to myself, and to Winter.

 

Siya yung tao na gets ako. Yung tao na iintindi sa lahat ng mali at pagkukulang ko. Yung tao na alam kong hindi mawawala, as long as I’ll have her.

 

Sobrang patient niya sa akin at sa mga kamalian ko. Lagi niya akong ina-assure na everything is going to be alright at nandiyan lang siya sa tabi ko kahit ano pa ang mangyari.

 

“Mawawala ang lahat, pero hindi ako, bes.”

 

Napangiti ako sa memory nung sabihin niya ‘yun. That was the time na I felt really insecure kasi puro na lang failed ang aking relationships with other people. But of course, Winter was there to make everything feel better.

 

Ultimately, I can say that losing Winter means losing myself.

 

And that’s what I’m scared about.

 

Ayoko siyang mawala. Hindi ko yata kakayanin na dumating yung araw na we have to part ways. She's the one who keeps me sane. No one has ever given me the same amount of care that she gives. Si Winter lang. Siya lang.

 

Kailan nga ba ako nag-umpisang matakot na mawala siya?

 

Ah.

 

Four years into our friendship, I started to panic.

 

The sleep over.

 

The sleep talk.

 

The unconscious confession.

 

 

Ang ganda ng panahon. Hindi umuulan, pero hindi rin mainit. Makulimlim lang.

 

Ang weird yata na mahilig ako sa ganitong klase ng weather. Yung iba kasi, gusto lagi maaraw. Ang init kaya. Parang si Winter, inis na inis kapag umuulan.

 

She hates the rain so much. Gloomy na nga raw ang mood at life niya all the time, sasabayan pa ng panahon.

 

Magkaiba talaga kami. Ang funny. Kaliit liitan na bagay, magkaiba pa rin. The only thing na similar kami is our love for each other. As best friends, of course.

 

Teka nga. Nasan na ba yun? Kanina ko pa siya inaantay. Lalamig na yung lasagna. Why am I even suddenly day dreaming about my best friend?

 

“Rina! Nandito na si Winter!” Sigaw ni Mama sa labas ng pinto. Bigla akong naging giddy. Dito matutulog si Winter. Hindi ako matatakot tonight because she'll be with me.

 

To the rescue nanaman ang best friend ko dahil duwag ako kapag wala si Papa sa bahay.

 

Tumayo ako at lumabas to greet Winter. I'm excited to be with her the whole day. 

 

“Bes!” Pumasok siya ng gate. She's wearing a simple shirt and shorts. “Buti na lang nandito ka. Natatakot ako, nanood ako ng horror.” Nag-rant kaagad ako. For sure she's going to get weirded out na nanonood ako ng horror.

 

She knows I'm a scaredy cat.

 

“Bakit ka kasi nanood? Eh matatakutin ka.” Binati niya si Mama pagpasok before kami nagpunta sa kwarto ko. I admire how close she is to my parents, especially kay Mama.

 

We sat on the bed habang inaayos niya yung clothes na dala niya for the sleepover.

 

I fidgeted with my fingers. Sasabihin ko ba na nanood ako dahil sa bago kong crush? Ano kayang sasabihin niya?

 

Ganito kasi.. Since the second year of our friendship, may napansin ako kay Winter.

 

She gets aloof with people na nakaka-date ko. She also gets jumpy o kaya naman ay stiff kapag magiging affectionate or touchy ako sa kanya.

 

Napa-isip tuloy ako before kung homophobe ba siya and she thinks I'm flirting with all the women na nakakaclose ko...

 

It didn't help na marami akong nakaka-fling. Ayoko naman magkaroon ng best friend na hindi pala tanggap ang uality ko, so I confronted her about it before.

 

Mabilis niyang dinismiss yung sinabi ko na baka uncomfortable siya that I like girls. Sabi hindi that wasn't the case daw. I still remember yung itsura niya that day, para siyang namumutla sa kaba.

 

Then sinabi niya sa akin na she's gay as well.

 

I was stunned.

 

Inassume ko kasi na straight siya. Wala rin naman siyang naikwento sa akin dati na crushes niya. Hanggang ngayon nga, na apat na taon na kaming magkaibigan, wala pa rin siyang nagugustuhan na kahit sino.

 

Kaya I get nervous kapag nagsasabi sa kanya na may crush nanaman ulit ako. Or worse—girlfriend. Baka kasi kung ano na pala ang iniisip niya sa akin. Ayoko naman magmukhang “player” sa paningin niya.

 

Pero for sure naman she will never think of me as such.

 

Natawa pa ako kasi once upon a time, inisip ko na baka ako ang gusto niya. Possible naman ‘yun dahil both of us like girls. It's far from happening, but it's possible.

 

There had been moments last year na nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

 

Yun yung naka-inom kami pareho and she was looking at me with so much.. Affection? Love? Hindi ko masabi. Or maybe she was just out of it dahil tipsy. Best friends look at you that way naman minsan, diba?

 

Kaya lang, it kind of dawned on me na even the girls na naka-date ko, they don't look at me the same way Winter does at times.

 

Pero inalis ko kaagad sa isip ko yung possibility na ‘yun.

 

She can't like me. Best friend niya ako.

 

Alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan in the first place. Hindi kami talo. Diba? That would be weird.

 

Right?

 

“Eh kasi nalaman kong mahilig sa horror yung crush ko.” I blurted.

 

Nakatalikod siya sa akin, hindi ko makita ang reaction niya. Pero napatigil siya sa pag-aayos ng damit after I told her about my crush. Disappointed ba siya kasi may bago nanaman akong nagugustuhan?

 

Baka sawang-sawa na si Winter sa pagra-rant ko about my failed relationships.

 

“Sino nanaman yan bes? Dami mong crush.” Tumawa siya. Alam kong fake laugh ‘yun. Akala niya siya lang ang attentive sa amin? I also know how to place her tone and antics. I know her just as well as she knows me.

 

But her being my best friend, gusto ko sa kanyang ikwento si Yeji. Feeling ko kasi, si Yeji na yung ultimate crush ko. Ang ganda niya and sobrang ideal.

 

Out of all the girls na nagustuhan ko, siya yung alam kong kapag naging kami, hindi ko hahayaan na mawala. Siya yung someone na seseryosohin ko. She's almost too good to be true.

 

“Bes, totoo na ‘to. Si Yeji. Ang ganda niya talaga. Tapos ang bait pa. Tapos ang galing niyang sumayaw!” I'm leaning sa kanyang likod. Hinampas ko pa siya sa sobrang kilig sa thought na magiging kami ng crush ko.

 

“Diba may jowa yun?” Tahimik niyang tanong. Okay lang ba siya? Bakit parang nawala siya sa mood?

 

Hindi na ako nag-comment sa tono niya, “Oo nga. Crush lang naman eh!”

 

Umupo ako nang maayos then I looked at her, “Ikaw bes? Bakit wala kang crush?” Yung ganitong topic ay hindi namin laging napag-uusapan. Ayaw niya. She's not interested with these kind of talks.

 

Makikinig siya sa akin sa mga rants ko about my flings, oo. I-cocomfort niya ako, oo. Pero yung siya ang tatanungin ko, lagi siyang umiiwas.

 

Nabitawan niya yung inaayos niyang damit, nagulat yata sa tanong ko.

 

Parang naging aligaga siya bigla. May tinatago ba siya sa akin? Does she like anyone? Kung meron, bakit hindi niya sinasabi sa akin? Don't best friends tell everything to each other?

 

“Ah.. Pag nagka-crush ako wala nang magdadala sayo ng shirt sa practice, sige ka. Dun na ako sa crush ko naka-focus.” Napasimangot ako.

 

Bakit parang hindi ko gusto yung thought na may papalit na sa akin sa buhay niya?

 

“Oo nga, 'no. Parang hindi ko kaya bes. Pero ‘pag nagka-crush ka, sabihin mo sakin ha?” Mabigat sa pakiramdam kung iisipin ko na wala na sa akin ang focus niya. Pero at the same time, gusto ko rin na mag-try din siya ng ibang bagay.

 

Although hindi ko naman siya pipilitin sa ayaw niya. Siguro sooner or later, makakahanap din siya ng para sa kanya. She's probably still in her comfort zone. Maybe kapag college na kami. Hindi ko na lang din muna iisipin.

 

Ang mahalaga, yung ngayon.

 

“Ayoko, baka awayin mo.” Of course. Walang pwede manakit sa kanya.

 

“Syempre! Deserve mo kaya yung best. Bawal yung kung sino lang. Kailangan yung naiintindihan ka tsaka yung hindi maiinis sa pagkamasungit at mataray mo! Tapos yung ano, yung hindi magagalit kapag pinapagalitan mo.” I told her.

 

So in short, kagaya ko?

 

Kailangan ko yatang bigyan ng seminar ang magiging girlfriend niya in the future on how to deal with Winter Kim.

 

Kung makapagpagalit kaya si Winter, grabehan. Lalo na ‘pag nagiging tamad ako sa pag-aaral. Hindi siya magho-hold back na sabihan ako ng puro ako pagharot. Ang sungit sungit niya minsan kahit sa akin.

 

Pero okay lang. Sanay ako kay bes.

 

Alam kong ginagawa niya yung para din sa akin. Wala naman akong aasahan sa mga nagiging girlfriends ko dahil hindi naman sila kasing alaga ni Winter. Minsan nga, mas malala pa yung katamaran nila kaysa sa akin.

 

Bakit nga ba ako naging attracted sa kanila? Ewan ko rin sa trip ko minsan. Ang hilig ko rin kasi sa new experiences. Si Yeji na yata ang pinakamatino sa mga naging crushes ko. Kaya ipu-pursue ko talaga siya if ever.

 

“Bes inaantok ako. Magsiyesta tayo.” I suggested.

 

Nag-decide kaming matulog ni Winter for the afternoon. Ang dami namin nakain, nakakaantok. We're lying down sa bed and mas nauna siyang makatulog kaysa sa akin.

 

Hindi mawala sa isip ko yung possibility na baka may nagugustuhan siya. Kanina kasi, parang ang awkward niya nung binanggit ko yung about sa pagkakaroon niya ng crush.

Sino kaya?

 

Sobrang choosy ni Winter. Kaya kung may nagugustuhan man siya ngayon, alam kong it's something serious on her part. Wish ko lang, sana someone na deserve ang isang katulad niya.


Ano ba yan. Hindi pa nga ako sure na meron talaga, ang dami ko nang naiisip agad. Dapat nga maging masaya ako na baka may nagugustuhan na siya. At least hindi halaman ang best friend ko.

 

I fell asleep just a few after she did. Nagising na lang ako bigla dahil sa pagmu-mumble ni Winter. Nagi-sleep talk nanaman ba siya?

 

“Bes?” I sat down sa bed, just a few inches beside her sleeping body. Hinawakan ko siya sa kamay, para kasi siyang pinagpapawisan at balisa. “Winter..”

 

“Karina..” Nagulat ako nang tawagin niya ang pangalan ko.

 

Ako ba napapanaginipan niya?

 

Ngayon lang yata nangyari na pangalan ko ang nabanggit niya sa panaginip. Usually mga teacher namin sa school tapos sinasabihan niya ng hindi maganda o kaya naman yung mga ex ko na walang kwenta.

 

“Karina..”

 

Nakatingin lang ako sa kanya. May tumulo kasi na luha sa mata niya, hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit siya umiiyak? Am I making her cry sa kanyang dream? I was gonna wake her up ulit nang magsalita nanaman siya.

 

And what she said almost gave me chills.

 

“Karina.. Mahal kita..”

 

H-Ha?

 

“Karina.. Mahal na mahal kita.”

 

Natulala ako. Nanuyo ang lalamunan. Lumakas ang kalabog ng puso ko. Parang nag-skip din ng beat. Ewan ko. And there's that split-second fluttering in my stomach.

 

Nakaawang lang ang bibig ko.

 

Panaginip lang naman niya ‘yun, diba?

 

Nagpapanic ako.

 

Tumutulo pa rin ang luha niya habang tulog. Tinatawag pa rin niya ang pangalan ko. Hinawakan ko ang mukha niya, pinunasan ang luha.

 

Kung totoo man ‘yun, I don't even want to think about the consequences. Parang ang dami. Pero hindi! Baka wala lang ‘yun. Hindi naman totoo ang panaginip. Diba? 

 

“Bes. Bes.. Huy, Winter..” Mahina kong tinapik ang mukha niya. I made sure walang bakas ng luha ito bago siya magising.

 

She opened her eyes, parang nalilito. “Nag-sleep talk ka.” Sabi ko.

 

“Hmm? Ano yun?” Hindi ko halos marinig ang sinasabi niya. Shaken pa rin ako. Pero hindi niya pwedeng mahalata ang pagkabalisa ko. I'm trying my best na alisin agad sa isip ko yung sinabi niya.

 

Pero hindi ko magawa.

 

Kaya ba siya walang ibang magustuhan? Dahil sa akin? Sobrang dami nang pumapasok sa isip ko. Parang may bagyong namumuo sa utak ko ngayon.

 

“Huy bes, ano yun? Okay ka lang?” Tinabihan niya ako. I flinched a bit, buti hindi niya napansin. “May sinabi ba akong nakakatakot sa sleep talk?”

 

Inayos ko ang sarili at pinilit na ngumiti, “Ha? Ah, wala bes. Usual sleep talk lang. Di ko maintindihan.” She usually sees right through me. Sana ngayon, hindi.

 

Nanood pa kami ng movie pagkagising pero hindi ako makapag-focus. Mapapatingin ako sa kanya bigla, titignan ang gilid ng kanyang mukha. Tapos kapag mapapatingin siya sa akin, iiwas ako.

 

Paminsan-minsan ay bigla bigla ko na lang matatawag ang name niya, nangangati akong magtanong. Kaso ayoko. Kasi kung totoo, baka ito ang magsimula ng lamat ng friendship namin.

 

Gusto ako ni Winter.

 

Wait, hindi.

 

Mahal niya raw ako.

 

Kailan pa?

 

At hanggang kailan?

 

Hindi ko kayang masuklian. Hindi yata.

 

Hindi pa sa ngayon.

 

O baka hindi kahit kailan.

 

 

Na-distract ako sa thoughts ko when my phone rang. For sure si Celine ito. For sure din, tumawag siya para magalit sakin dahil nireto ko siya kay Winter, who I know would never like her in the first place.

 

Nagbaka-sakali lang din ako.

 

“Rina!” I winced sa lakas ng boses niya. What even made me think na bibigyan ito ni Winter ng chance?

 

“Ano?” Natatawa na kaagad ako. Ano nanaman kayang ginawa ng magaling kong best friend?

 

Narinig ko yung frustrated scream ni Celine sa kabilang linya, “She was so mean! She walked out on me!” Kilala ko si Winter, alam ko naman na hindi siya magwa-walk out nang wala lang. Baka may ginawa or sinabi rin si Celine.

 

It's a very Winter thing to do. Hay, my best friend. What am I going to do with her? She has to come out of her shell somehow. College na kami.

 

She has to forget about me. About the kiss. And the only thing na naiisip kong way ay i-push siya sa ibang tao para mahati ang attention niya. Kahit parang uneasy sa feeling ko.

 

I still get goosebumps every time I remember that night . And every day, I feel bad for lying to her. Sabi ko hindi ko maalala.

 

But I do.

 

Naaalala ko.

 

As clear as the sky.

 

Nakipagkita ako sa kanya sa Ken's. Favorite niya don. Mura kasi, tapos sulit ang shanghai meal. Hindi ko rin naman siya niyayaya sa expensive places dahil alam ko ang situation ng family niya. Niyayaya ko lang siya doon when it's my treat.

 

Sometimes, I feel for Winter. Yung tatay niya, walang ibang ginawa kung ‘di magdala ng problema sa kanila. Yung kinikita ni Tita, enough lang to make the ends meet. Winter has to study harder para hindi mawala ang scholarship niya. Ganon din si Yuna.

 

Ayoko nang dagdagan pa ang iniisip niya. Ayokong problemahin niya pa ang feelings niya sa akin kasabay ng problema niya sa bahay nila. 

 

Nakita ko siyang nakaupo sa Ken's. I composed myself.

 

Every day.

 

Every day I have to pretend na wala akong idea sa nararamdaman niya para sa akin.

 

Every day she has to pretend na best friend lang ang tingin niya sa akin.

 

Every day I convince myself na baka wala naman talaga, and it was all just a fluke. Sana nga. Kasi that's what I'm choosing to believe.

 

“Explain, bes. Bakit failed nanaman ang date? Hindi nanaman ba pasok sa standards mo si Celine?” Tuloy tuloy kong sabi.

 

Naupo ako sa harap niya. Hindi niya naman ako pinansin. Nag-aalala lang siyang kinuha ng panyo at pinunas sa namamawis kong mukha. She also got me water.

 

“Thanks Win. Pano na lang ako kung wala ka? Alagang alaga mo talaga ako. Best best friend in the world.” Sabi ko, emphasizing the word 'best friend'.

 

But I mean it, though. She is the best.

 

Kahit naman siguro wala siyang nararamdaman for me, she’ll still do this sa akin. That's just how she is. Ako nga ang hindi mabuting kaibigan sa kanya minsan. Pushing her to date people to forget about her feelings for me—kung meron man talaga.

 

Pero wala. Wala ‘yon. Diba?

 

“Hayaan mo na lang muna ako, Karina. Okay lang naman. Focus na lang muna sa acads. First year pa lang naman tayo.” Parang naging seryoso siya. Naiinis na siguro sa pagpu-push ko. Kahit naman siguro sino, maiinis na. Sana one of these days, ma-persuade ko siya.

 

“Para lang hindi ako yung inaalagaan mo. Deserve mo rin magkaron ng love life, bes. Ang galing mo kayang mag-alaga. They're missing out!” Someone out there is more deserving sa care ni Winter. Mas deserving sa akin.

 

Pero bakit parang ang bigat sabihin non for me?

 

Bakit ba ako ganito?

 

Hindi ko rin minsan maintindihan ang sarili ko. Gusto ko siyang makahanap ng iba pero at the same time... Hays.

 

And to put the nail in the coffin, I mentioned Yeji.

 

“Yeji pa rin? Junior high pa ‘yun ah. Move on naman.” Hindi siya makatingin nang derecho sa akin. I remember that day sa room ko when I mentioned having a crush on the girl.

 

And as usual, I have to pretend na hindi ko naririnig yung pagbuntong-hininga niya. Gumagaling na rin naman akong magpanggap na wala akong alam.

 

Ever since that night.

 

The night which probably changed the trajectory of our friendship.

 

 

(Flashback)

 

Our classmates are teasing me about sa breakup namin ni Louise. Tinatawanan ko lang sila, mostly si Winter yung naiinis for me dahil ang ingay daw ng classmates namin.

 

“Karina break na pala kayo ni Louise?! Shot na yan!”

 

“Ang aga pa. Mamaya na iinom si Karina.” Umangal kaagad si Winter. Ang cute niya. Ang protective.

 

It has been a year since nangyari yung... sleep talk. The good thing is wala naman nabago sa amin. Ang inisip ko na lang, baka nananaginip lang talaga siya and she didn't mean what she uttered.

 

At least that's what I kept on telling myself repeatedly.

 

Wala rin naman siyang sinasabing anything about her alleged feelings for me, so I assumed baka nga talagang wala?

 

“Sorry. Mamaya pa raw ako pwede.” Inakbayan ko siya, ayoko na munang isipin yung repercussions ng pagiging touchy ko. Best friend ko pa rin naman siya. Ganito naman talaga kami ever since.

 

I don't want to be weird dahil lang sa sleep talk na ‘yon.

 

“Alam mo bagay kayo. Bakit kasi hindi na lang si Winter ang jowain mo, Kars?!” Winter stiffened. Or ako ba yung parang naging aligaga? Maybe the both of us.

 

I shrugged it off to make the situation light, “Di kami talo nito ni Win. Masyadong mabait to for me.” Walang imik si Winter after I said that. Nakatingin lang siya sa baba.

 

Gusto kong masabunutan si Chelsea nang sumabat nanaman ito, ginatungan pa ang sinabi ko. “Oo nga, Monica. Parang magkapatid lang yan oh. Si Yeji kaya gusto ni Karina. Mas bagay sila.”

 

Kumawala si Winter sa pagkaka akbay ko at nag-excuse para pumunta sa CR.

 

. Pucha kasi itong si Chelsea. Napaka-intrimitida.

 

Sinundan ko kaagad si Winter sa banyo. Nasa harap siya ng sink, nag-wisik ng tubig sa mukha. Parang ang bigat ng hinga niya nang maabutan ko.

 

“Win.”

 

Humarap siya kaagad sa akin, siya pa nga yung mukhang nag-aalala. “Oh? Okay ka lang?” She's too good. She's just way too good. I don't ever want to lose her.

 

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sakin pero lumapit ako kaagad sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. “Ikaw ba? Okay ka lang? Umalis ka bigla. Ang ingay ba nila masyado?”

 

Maybe because she looked fragile at the moment? Na parang gusto ko, ako naman ang magbibigay sa kanya ng comfort na deserve niya?

 

And as if hindi pa enough ang hug, I kissed her on the forehead. Gusto ko lang mafeel niya na mahal ko siya.

 

As a friend, of course.

 

It was hours after that I suspected again na baka nga talagang may nararamdaman si Winter sa akin. Litong-lito na ako. There are signs, but I always choose to ignore them.

 

“Eto, eto! Karina, sinong mas pipiliin mo, si Winter o si Louise?” Psh. Ang dali naman. Wala pa sa kalingkingan ng best friend ko yung ex ko.

 

“Gago ka ba, malamang si Winter.” I admit, medyo tipsy na ako. Pero kaya ko pa naman. Hawak ni Winter ang kamay ko, running her thumb up and down my left hand. Lagi niya itong ginagawa every time I drink.

 

“Oh eto last na. Ang final boss!” Tinaasan ko ng kilay si Tomas. Ano nanaman? “Si Winter o si Yeji?”

 

Napatigil ako sa pag-inom ng beer. Kahit si Winter, napatigil sa paghaplos ng aking kamay. Bigla siyang naging tensed, nag-aantay din ng isasagot ko.

 

Si Winter o si Yeji?

 

Syempre si Winter. But why do I feel like kailangan si Yeji ang isagot ko? Siya yung gusto ko, diba? So dapat lang naman na siya ang isagot ko.

 

“Syempre si Yeji.”

 

Kunwari na lang hindi ko nakita yung hurt expression ni Winter when I answered the question. I feel bad.

 

Hindi totoo, bes. Ikaw. Ikaw ang pipiliin ko.

 

But I want to protect her sa akin. Kasi kung may possible feelings nga na involved, it will not end good. I'm protecting our friendship. Pero bakit parang mas sinasaktan ko yata siya nang hindi sinasadya by doing so?

 

And bakit parang may kirot din sa akin...?

 

“Ouch naman! Oh Winter, shot!” Nagulat ako nang kunin ni Winter yung alak at ininom nang derecho. Nagkatinginan kami. Nag-aalala ako sa kanya.

 

Bakit ba ganito? Bakit ang bigat din sa loob ko? Mas uminom pa ako after. I want to forget yung pain-stained expression niya kanina.

 

This has to stop somehow. Gusto ko na siyang i-confront at tanungin kung ano ba talagang meron? Para kung meron nga, maiwasan namin kaagad. Pero bakit hindi ko magawang tanungin siya?

 

Bakit instead na i-confront siya para itigil, hinalikan ko pa siya?

 

Oh my god.

 

The kiss.

 

Hindi ko alam what came over me.

 

Siguro dahil sobrang attentive niya sa akin ngayong lasing ako... Dahil inaalagaan niya ako in a way na hindi ginagawa sa akin ng ibang tao.

 

Siguro dahil narinig kong tinanong niya ako kung bakit hindi na lang siya? Which was the icing on the cake that made me think na totoo nga talagang gusto niya ako.

 

At siguro, gusto kong malaman, bakit nga ba hindi na lang siya?

 

Kaya inangat ko ang ulo ko galing sa leeg ni Winter. Magkadikit halos ang aming mukha, kitang kita ko yung maliit na pimple sa may pisngi niya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang lips. They look plump and very.. kissable.

 

Parang kapag hindi ko siya hinalikan right at this very moment, pagsisisihan ko. Dala lang ba ito ng kalasingan? O baka naman deep down, may nararamdaman din ako sa kanya?

 

Siguro nga pwede naman? Pwede naman na siya na lang. Bakit nga ba ako nagho-hold back?

 

Oo nga pala. Dahil ayoko siyang mawala sa akin. Ayoko siyang magaya sa naging failed relationships ko.

 

Karina, tangina ka, wag mo siyang hahalikan. Wag. Wag. Wag.

 

Hinawakan ko siya sa kanyang batok at hinila papalapit sa akin.

 

Hinalikan ko siya.

 

Hindi siya umiwas. And instead, tumugon siya sa halik ko. Like she's been wanting to do that ever since. Ang lambot ng labi niya. And for some reason na hindi ko rin talaga maintindihan, I found myself deepening our kiss. Nawili ako.

 

Ano ‘to? Bakit ganito?

 

Natapos yung halik namin.

 

The kiss felt like.. like coming home after a very bad day.

 

It felt like a sunny day after a big storm.

 

Ang ironic din that it felt comforting pero at the same time, very dangerous.

 

Pinikit ko na ang mata ko at nahiga, trying to plant the memory of the kiss that I know will never happen again as soon as we parted.

 

I'm sorry, Winter.

 

I can't lose you.

 

I need us to stay the way we are. With that, hindi tayo mawawala sa isa't isa.

 

The morning after came and kita ko sa kanya na gusto niyang pag-usapan yung nangyari. She probably couldn't contain herself kaya nagtanong na, “Bes.. Tanda mo ba yung.. yung kagabi?” Yung tono niya. Yung tono ng boses niya. May halong pag-asa.

 

She sounds hopeful, I feel awful. And with the heaviest heart, I chose to deny.

 

Pinili kong pumunta sa ruta na wala kunwaring maalala. At papanindigan ko, para hindi siya mawala. Masasaktan ko lang siya kapag sinubukan naming dalawa.

 

Who's gonna be there for her kapag nagkandaleche-leche ang lahat? Kapag nawala ako? She doesn't like people. Hindi siya naiintindihan ng marami. Ako lang.

 

Who's gonna be there for me kapag nawala siya? Siguro kaya kong humanap ng ibang kaibigan, pero walang makakapantay kay Winter.

 

l don't want us to end up being strangers.

 

Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon.

 

 

 

 

 

 

Yeji Hwang: Hey again, Karina :)

 

Yeji Hwang: Are you still interested in joining the dance club? I can maybe help you? :)

 

Oh my God.

 

Chinat niya ako.

 

Effective siguro yung pagpapa-cute ko kanina sa jeep.

 

I was a bit worried pa nang iwan ko si Winter sa sakayan pero sabi niya naman ay okay lang. In fact, parang boto pa na siya na kausapin ko si Yeji. Excited pa siya kanina na makakatabi ko raw si “crushie” ko.

 

Ang weird. But good weird siguro. Dati kasi wala naman siyang pakialam sa mga nakaka-fling ko at hinahayaan lang niya ako. Maybe she's trying to move forward already with what happened the night we kissed?

 

I guess that's good. College na rin naman. Chance na niya to try and get out of her comfort zone. Chance na niya to try and forget about the kiss. Ganon din ang gagawin ko.

 

Kakalimutan ko yung halik niya.

 

At isa pa, she never mentioned anything about having feelings for me, kung meron nga. Ang gulo ko. Minsan sure ako, minsan hindi. Ganon daw ‘yon, diba? Just keep telling yourself your own truth and eventually, ‘yun na ang papaniwalaan mo.

 

I'm still choosing to be in denial na she feels something for me other than friendship because I'm still scared.

 

Siguro pareho lang kami na ayaw masira ang friendship na nabuo namin for seven years. Which is good, dahil mukhang pareho kami na ayaw i-risk mawala ang isa't isa.

Chance ko na rin siguro na makahanap ng genuine people like her. Hindi naman siguro kami habang buhay magdedepende ni Winter sa isa't isa. Kaka-start pa lang ng college. Marami pang possibilities for me and for her.

 

Inisip ko, baka may someone din out there for me na makakapagbigay ng same comfort and love that Winter gives. And maybe, that's Yeji. I'm very much willing to find out.

 

Me: Hi, Yeji. Yes! Super interested po. Hehe

 

Masyado ba akong pa-cute? Hays. Dedma na. Cute rin naman kasi siya..

 

And so it started.

 

Nag-try akong isama si Winter sa org orientations so she'd ease into people. Gusto ko siyang sumali sa org din kaya lang ayaw naman niya. Marami siyang responsibilities na iniisip at ayaw niya daw madagdagan pa ang mga ito.

 

She even left early nung sinama ko siya sa McDo for SSDC's orientation. Nag-aalala ako. Paano na lang kapag busy ako? Paano na siya? Will she be okay? Mahihirapan ba siyang mag-adjust?

 

“Hey.. Can I walk you home later?” Nagulat ako sa tanong ni Yeji. Para akong nag-malfunction sa kinakatayuan ako. Ang ganda niya pala talaga up close. Ang bango rin niya. Oh my goodness.

 

“S-sure ka? Baka hassle..” Grabe yung pagpapabebe ko.

 

Habang naglalakad kami pauwi sa apartment ko, para akong robot kumilos. Nakaka-intimidate. Baka kung nandito si Winter, tinawanan niya ako. Ikekwento ko ‘to mamaya sa kanya.

 

Gusto ko na lang kasing bumalik ulit kami sa ganong phase.

 

Yung hindi ako nag-aatubiling magsabi sa kanya without worrying kung mahu-hurt ba siya. Best friend ko pa rin naman siya. Mas maganda siguro na isantabi ko na lang yung fact na posibleng may nararamdaman pa rin siya.

 

Baka kasi wala naman na. Baka nag-aassume lang ako na meron pa rin. Para akong sirang plaka sa paulit ulit na pag-kumbinse sa sarili ko. Para na yata akong tanga.

 

“What happened kay Winter? Bakit umuwi agad?” She asked. Mas lumalapit na siya sa akin, minsan nga she's putting her hand at the small of my back. Nakakakilig. I'm almost having goosebumps from it.

 

“Hindi naman siya sasali talaga. Sinamahan lang ako.”

 

She turned to me while walking, “Alam mo akala ko girlfriend mo siya before. You guys are really close. And bagay kayo.”

 

H-ha? What does she mean? Anong bagay?! I was quick to shake my head, “Hindi. Best friend ko lang ‘yun.” That's all we'll ever be for each other. Right?

 

Nakita ko yung subtle na ngiti niya. “That's good..”

 

I bit my lip, “Bakit good?” Pa-inosente kong tanong.

 

She shrugged at mas lumapit sa akin, “Kasi we have a chance pala..” Grabe. Ang pusok niya. Kilig na kilig ako. Totoo ba talaga ‘to? Yung crush ko since high school, nagfi-flirt sa akin? I always thought she was unreachable.

 

I feel like ito na yung start ng new chapter ko as a college student.

 

Kaya sobrang determined din ako na makapasok sa SSDC pati na rin sa ComArts Limited. I've always loved the crowd as well as meeting new people.

 

Buti na lang napilit ko si Winter kanina na wag sabihin kina Mama yung dalawang orgs na sasalihan ko. Alam ko naman kasi na kapag alam niyang masaya ako, she won't say no. 

 

And to my delight, pumayag pa siya na sumama sa practice namin ni Yeji.

 

Wow.

 

Maybe hindi lang ito new beginning for me, baka pati na rin sa kanya. Baka hindi lang ako ang nagta-try ibaon sa limot yung nangyari nung outing. Pati na rin siya.

 

That's good.. Diba?

 

“Hey.. Ready ka na?” Tanong ni Yeji. She looks really good ngayon with her outfit pang sayaw. “I didn't know kasama mo pala ang best friend mo tonight. I thought maso-solo kita.” Tumawa siya nang pabiro.

 

Na-conscious ako bigla. Mali ba na isinama ko si Winter? Nagmukha bang para kaming hindi mapaghiwalay?

 

Kahit sa isang org, napapansin daw nila na lagi akong may kasamang girl. Nag-joke pa nga yung isa na chaperone ko raw si Winter. Sabi pa nung isa, baka raw nanay ko.

 

Medyo ang off ng sinabi nila pero I laughed it off na lang. I didn't want to create drama.

 

I felt bad pa na hindi ko man lang napagtanggol si Winter sa kanila. Hindi ko siya chaperone. Hindi ko rin siya “nanay”. Pero siguro nga ganon ang dating sa iba. Wala rin kasing ibang masamahan si Winter dahil ako lang ang friend niya.

 

Conflicted ako.

 

“Sorry.. Uhm, sabi ko kasi sa kanya sabay kaming magdidinner tonight.” Balak ba akong yayain ni Yeji? I guess hindi naman masama kung papaunahin kong umuwi si Winter later. Hindi naman siya magagalit for sure.

 

“Oh, okay. That's too bad. Gusto sana kitang yayain mag-dinner somewhere..”

 

Sabi na eh. Mabilis akong sumagot, “Hindi, okay lang. Uhm, pwede ko naman sabihin sa kanya.”

 

“Or yayain mo siya. I don't mind.” She replied. Kaso naisip ko nanaman na baka hindi na okay yung lagi kaming magkadikit ni Winter especially kapag personal kong lakad.

 

And grabe naman kung gagawin kong third wheel yung best friend ko...

 

Lumapit ako kay Winter after ng dance practice namin ni Yeji. Wala na yung girl na katabi niya kanina. Is she a new friend? Kung ganon, mabuti naman at nakikipag-usap siya sa ibang tao.

 

Maybe college is really a fresh start for her as well.

 

“Win, tapos na kami.” I told her about going sa ComArts Ltd.

 

“Oh sige tara samahan na kita.” Hindi ako makatingin nang derecho sa kanya. I don't like the feeling of letting her down. “Bes, ano? Samahan na kita tara.”

 

I feel so bad.

 

May dala-dala pa siyang paper bag laman yung dinner naming dalawa. Pinag-takeout yata ako sa store ni Tita. “Ano kasi, bes.. si Yeji na raw sasama sakin. Niyaya rin niya akong mag-dinner.” I trailed off nervously. 

 

For a split second, there was a pang of hurt flashed in her eyes. Pero napalitan din ito kaagad ng ngiti at pag-intindi. “Ah sige. Pano? Una na ako?”

 

Ang bigat. Bakit ganito? Hindi pwedeng laging ganito. Hindi pwedeng laging tuwing maiiwan ko siya, may guilt akong nararamdaman. Kailangan namin masanay na hindi nagdedepende sa isa't isa.

 

Buong gabi akong bothered sa nangyari. Hindi ko nga na-enjoy yung dinner namin ni Yeji masyado pero ang sabi ko sa kanya, pagod lang ako sa practice. Hinatid ulit niya ako sa apartment.

 

“You were quiet. Okay ka lang?” We're walking papauwi ng apartment ko. Kumain na kaya si Winter? Parang gusto ko siyang puntahan sa kanila. Kaso baka tulog na.

 

“I'm okay.” I smiled at her. Nakakahiya naman kasi nasira ko yata yung dinner namin. “Worried lang ako for Winter.” 

 

I saw the genuine worry in her face, “Is she okay? Anong nangyari? Gusto mo bang puntahan natin siya?” Grabe, ang bait talaga ni Yeji. Ang dali niyang magustuhan. Gusto ko naman talaga siya. Diba?

 

“Text ko na lang siya later. Uhm, thank you pala for the dinner. Hindi mo naman kailangan mag-pay for the both of us.” Nag-insist kasi siya na it's on her na raw. Ayoko naman mag-assume na date ‘yun just because siya ang nagbayad.

 

Tumigil kami sa harap ng gate ng apartment and she answered, “I wanted to, Karina. Date naman ‘yun, right?” Nag-blush yata ako dahil natawa siya. “Am I being too forward?”

 

“No, no.. I just didn't think ikaw yung gagawa ng ganito. I've always thought ako yung sort of susuyo sayo. Ang surreal lang, Yeji.” Nahihiya kong sabi. Ano ba yan, feeling ko tuloy ang ganda ko kasi siya halos ang nag-iinitiate ng lahat.

 

“Look, ayoko nang magpaligoy ligoy pa, Karina. I'm interested in you..” Hinawakan niya yung kamay ko, “And I maybe want to date you.. Unless ayaw mo, then I completely understand.”

 

I didn't beat around the bush as well, “Uhm.. I've been interested since high school.” Pumayag ako kaagad. Syempre naman. Hindi ba ito naman yung gusto ko matagal na?

 

Nakita ko rin ang pamumula ng mukha at tenga niya. She's shy but at the same time ang confident niya rin.

 

“Okay then.. I'll text you when I get home.. Good night, Karina.” My breath hitched nang bigyan niya ako ng light kiss sa aking cheek.

 

Ang weird kasi ang unang pumasok sa isip ko, yung kiss namin ni Winter that night at the outing. What's wrong with me? Focus on Yeji, Karina! Ano ka ba.

 

“Good night.” She watched me enter the gate bago siya umalis.

 

Well. That was.. nice. And too easy. I guess I'm about to get myself a girlfriend ngayong college life. Tapos si Yeji pa. Parang ang hirap paniwalaan.

 

Kaso bakit ganon? Why do I feel like I should be happier than I am?

 

Nung high school, sabi ko pa kay Winter na kapag naging kami ni Yeji, I'll scream at the top of my lungs. Why do I not feel like doing that ngayon?

 

Ugh.

 

Baka masyado lang akong OA before and immature. What's important is Yeji likes me too and everything is lining up good for me.

 

Kaso...

 

Sa sobrang pagod ko because of the practice, org reporting, and the date with Yeji, nalimutan kong gawin yung paper for 101.

 

Which caused one of the many fights with Winter.

 

As days go by, parang hanging by a thread ang grades ko ngayong first sem because I'm too occupied sa extracurricular activities and dating Yeji. Kahit kami ni Winter ay parang naka-kapit na lang sa isang fragile branch.

 

Mas dumarami ang oras ko para sa sayaw at org pati na rin kay Yeji.

 

Mas umuunti ang oras ko para sa acads.

 

Mas umuunti ang oras ko para kay Winter.

 

I also started getting annoyed sa mga pangingialam niya na alam ko namang ginagawa niya dahil ibinilin ako ni Mama sa kanya. Even the fact na kailangan akong ibilin kahit college na ako, it started to irk me.

 

Ano bang nangyayari sa akin?

 

“Karina kanina pa yang phone mo. Turn it on silent mode.” Napagalitan ako ng VP ng org. We're all frustrated dahil may issue nanaman yata sa college at involved ang isang member namin. Pumasok yata siyang lasing. He punched a professor in the face.

 

Nag-sorry ako kay VP and I checked my phone.

 

Winter: Bes knina p ko tnatawagan ng mama mo

 

Winter: Pmunta ako sa apt mo bkt wla ka pa 11 na

 

Winter: Karina tnanong nila nsan ka

 

Winter: Huy

 

“Baka nagtetext nanaman si Mama Winter niya. Pinapauwi na.” I heard Jerome say.

 

Other members chuckled. Naiinis ako. Naiinis ako kay Jerome for poking fun at my best friend and naiinis rin ako kay Winter for not letting me breathe.

 

“Ang immature mo, Jerome. Bumalik ka ng high school.” Lia answered. Inirapan niya rin yung mga nakitawa. I smiled at her gratefully.

The other members shushed them at nagpatuloy na ang meeting.

 

I received a call from Mama that night. Galit na galit siya.

 

Sinabi pala ni Winter na wala ako sa apartment. Nakakainis. Bakit hindi na lang niya ako pinagtakpan?! Alangan naman umalis ako sa meeting agad? I just joined at ayaw ko naman na sabihin nilang ma-attitude ako.

 

I confronted Winter about it and as expected, pinagsabihan nanaman niya ako. I got defensive at hindi kami nag-usap ng ilang araw. Iniignore ko rin ang messages niya.

 

Mahal ko si Winter and she's still my best friend, pero minsan gusto kong kumawala sa kanya. Minsan gusto ko naman mag-try ng ibang bagay na hindi ko hinihingi ang opinyon niya. Na hindi niya ako papakialaman.

 

And I want that for her as well.

 

Nag-try din ako i-persuade siya to join my org pero ayaw naman niya. Alam ko naman na it's not her “crowd” pero inisip ko na baka kapag nakahanap siya ng ibang friends, she'll stop breathing down my neck.

 

And then all hell broke loose the next day nang makasabay ko siyang maglakad papunta sa class. It's also the same day na nalaman niyang kami na ni Yeji.

 

Nang tawagin ako ng girlfriend kong “Babe” when my best friend was trying to approach me after class, nakita ko yung same expression na binigay niya sakin when Chelsea asked the question “Winter or Yeji” and I answered the latter.

 

But I chose to ignore it this time. We're not okay, and I don't know how to comfort her.

 

And as if the universe is against the both of us, nagkasabay kami sa jeep. Nasiko siya nung katabi niya and mukhang nasaktan si Winter. Ang sama ng tingin ko dun sa lalake na hindi man lang nag-sorry sa kanya.

 

Hawak ni Winter ang tiyan niya and she's wincing kapag gumagalaw. Suddenly, parang gusto kong tanungin kung okay lang siya. She also looks really tired at parang kulang sa tulog.

 

Nag-away nanaman ba sila ng Papa niya? May problema ba ulit sila sa bahay? Ang weird na hindi ko na alam ang nangyayari sa kanya.

 

Binati siya ni Yeji. Hindi naman kasi ako nagsasabi sa kanya ng anything about kay Winter. Parang naman kasi okay kung magra-rant ako sa kanya about my best friend tapos magiging panget ang tingin niya dito.

 

Ayokong magmukhang masama si Winter sa tingin ng iba. Kasi she's not. She's the most genuine person I know.

 

Yeji called Winter pagbaba at sinabing magsabay na kaming maglakad. I feel like she knows na may tampuhan kami ng best friend ko kaya niya ginawa ito.

 

The confrontation we had habang naglalakad was really heavy.

 

Hindi ako makapag-focus sa class. Nakatingin lang ako sa likod ni Winter, her shoulders were slumped. Hindi rin siya nagsusulat ng notes which is a very unusual thing to happen. She values lectures a lot.

 

I hurt her.

 

Again.

 

“Ang hirap mo naman maging kaibigan lately, Win.”

 

Tangina ko lang para sabihin sa kanya yan. It was wrong for her to make me feel bad about having friends pero hindi niya deserve marinig yan from anyone. Especially from me.

When all she did throughout our friendship was be there for me through ups and downs. Tapos konting magtampo siya dahil sa hindi ko pagpansin sa message niya, ‘yun ang maririnig niya galing sa akin?

 

Ang sama ko.

 

This has to stop. Kasi kung hindi, it will just keep on happening.

 

We're not meeting halfway. This isn't high school anymore. Baka dumating nanaman sa point na masabihan ko siya ulit ng masakit na salita kapag nagtalo kami.

 

Kailangan ko ng space. Kailangan din niya.

 

And like the attentive person that she is, siya na ang gumawa for the both of us. Lahat ng issues namin lately, siya ang nag-vocalize. Alam ko kasing alam niya na hirap ako sa ganong usapan. Kahit dito, comfort ko pa rin yung inisip niya.

 

“Wag kang mag-alala, hindi na ako mangingialam. Pero nandito naman ako palagi to support you. Alam mo naman ‘yun.” Hindi ba dapat matuwa ako? Pero bakit ganito? Why does it feel like this is the beginning of an end?

 

But I'm proud of her kasi alam kong she's choosing herself this time. The one thing na hindi ko nagagawa sa kanya lately—yung piliin siya. And she was brave enough to choose herself first.

 

Weeks after, I guess okay naman ang nangyari. The space was liberating. Para bang na-bal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
kleispace
0 points #1
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 0 points #2
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭
jsiermocrpsissss_143 0 points #3
GRABE I NEED SPECIAL CHAPTER #3 !!!
SOBRANG GANDA, I CAN'T 😭😭
MORE CHAPTERS TO COME PLEASE !! 😭🙏
macaguanlaputa #4
Chapter 16: ta talon ako sa highest building . ayaw ko na.
wnddmks_ 643 streak #5
Chapter 44: Miss ko na mga ganitong stories huhu BURNOUT TOP TIER TALAGA
dumbbbfriday #6
Chapter 42: sOBRANG ROLLER COASTER RIDE NG BUONG STORY PLS, ANSAYA NG PUSO KO. LEGIT NA NAPAPAPADYAK AKO SA SAHIG KAPAG KILIG MOMENTS NILA. LALO NA NUNG NAGIGING OKAY NA SILA AFTER BREAK UP HUHUHUHU
katarinapsyche #7
‘wag mong i-delete ‘to, ‘thor, ha.
katarinapsyche #8
isang taon at last month ko pa ‘tong sinusubukan basahin. hahaha, hindi ko pa kaya. may lumbay pa rin talaga.
Sofia_Torres #9
Is there an English version of this story?
wintoee #10
Chapter 10: need ko ng assurance